170 Ang Dalawang Pagkakatawang-tao ng Diyos ay Kailangan ng Sangkatauhan
1 Kung hindi ginawa ang gawain ng mga huling araw sa pamamagitan ng pagkakatawang-tao, hindi ito magkakamit ng anumang resulta at hindi magagawang lubos na iligtas ang mga makasalanan. Kung ang Diyos ay hindi nagkatawang-tao, Siya ay mananatiling ang Espiritu na parehong hindi nakikita at hindi nahahawakan ng tao. Dahil ang tao ay isang nilalang na gawa sa laman, ang tao at ang Diyos ay nabibilang sa dalawang magkaibang mundo at may magkaibang kalikasan. Ang Espiritu ng Diyos ay hindi kaayon ng tao, na gawa sa laman, at sadyang walang paraan para magtatag ng mga relasyon sa pagitan nila; higit pa rito, ang tao ay hindi maaaring maging isang espiritu. Dahil dito, ang Espiritu ng Diyos ay dapat na maging isang nilalang upang magawa ang Kanyang orihinal na gawain. Ang Diyos ay parehong kaya na umakyat sa pinakamataas na lugar at ipagpakumbaba ang Kanyang sarili para maging isang taong nilikha, na gumagawa ng gawain at namumuhay na kasama ng tao, ngunit ang tao ay hindi kayang umakyat sa pinakamataas na lugar at maging isang espiritu at lalong hindi siya makakababa sa pinakamababang lugar. Ito ang dahilan kung bakit ang Diyos ay dapat magkatawang-tao upang isakatuparan ang Kanyang gawain.
2 Katulad nito, noong unang pagkakatawang-tao, tanging ang katawan ng Diyos na nagkatawang-tao ang maaaring tumubos sa tao sa pamamagitan ng Kanyang pagpapapako sa krus, samantalang hindi posible para sa Espiritu ng Diyos na maipako sa krus bilang handog para sa kasalanan ng tao. Ang Diyos ay maaaring direktang magkatawang-tao upang magsilbing handog para sa kasalanan ng tao, ngunit ang tao ay hindi maaaring direktang umakyat sa langit upang tanggapin ang handog para sa kasalanan na inihanda ng Diyos para sa kanya. Dahil dito, ang posible lamang ay ang hingin sa Diyos na magpabalik-balik nang ilang beses sa pagitan ng langit at lupa, sa halip na paakyatin ang tao sa langit upang kunin ang kaligtasang ito, sapagkat ang tao ay nahulog at, bukod pa roon, sadyang hindi maaaring umakyat sa langit, lalo na ang tanggapin ang handog para sa kasalanan. Samakatuwid, kinailangan na dumating si Jesus sa gitna ng sangkatauhan at personal na gawin ang gawain na sadyang hindi maaaring maisakatuparan ng tao. Tuwing nagkakatawang-tao ang Diyos, lubos itong kinakailangang gawin. Kung alinman sa mga yugto ay maaaring maisakatuparan nang direkta ng Espiritu ng Diyos, hindi na sana Niya tiniis ang kawalang-dangal ng pagkakatawang-tao.
Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao 4