266 Kailangan ng Sangkatauhan ang Probisyon ng Buhay mula sa Diyos

Mundo ng tao’y madilim

kung walang Diyos sa puso niya;

walang pag-asa sa kanyang hungkag na buhay.

Nais panatilihin ang pagsulong ng tao,

ngunit kung Diyos ay wala, tao’y hungkag pa rin.

Walang maaaring maging buhay ng tao,

walang teorya, siyensiya,

kaalamang magpapakalma sa kanya.

Tao’y magkakasala’t dadaing sa kaapihan.

‘Di nito pinipigil pagnanasa niyang magsiyasat.

Kailangan ng tao’y higit sa patas na lipunan

kung sa’n busog lahat at malaya.

Ang kaligtasa’t probisyon ng buhay mula sa Diyos,

ito ang mga kailangan ng tao.

‘Pag tanggapin lang ng tao’ng mga ‘to mula sa Diyos

pangangailangan niya’y masisiyahan;

ang nais niyang magsiyasat

at kahungkagang espirituwal,

ito’y maaaring malutas.


Lahat ng ‘to ay dahil gawa ang tao ng Diyos.

Sakripisyong walang saysay, pagsisiyasat

dala’y pagkabalisa, palagiang pagkatakot.

‘Di alam pa’no harapin ang bukas o ang landas,

takot sa siyensiya’t kaalaman at kahungkagan.

Nakatira man sa bansang malaya o hindi,

walang makakatakas sa tadhana ng tao.

‘Di nila matatakasan ang pagnanasang

destinasyo’y siyasatin, hiwaga ng tao,

at ‘di makalayo sa malalim na kahungkagan.

Pangyayaring ‘to’y karaniwan, nguni’t

walang makalutas sa problema ng tao.

Pagka’t tao’y tao, at buhay at posisyon

ng Diyos ‘di mapapalitan ninuman.

Kung ang tao’y ‘di tumatanggap ng pagliligtas ng Diyos,

nagtutungo sila sa dilim, at sila’y lilipulin ng Diyos.

Kailangan ng tao’y higit sa patas na lipunan

kung sa’n busog lahat at malaya.

Ang kaligtasa’t probisyon ng buhay mula sa Diyos,

ito ang mga kailangan ng tao.

‘Pag tanggapin lang ng tao’ng mga ‘to mula sa Diyos

pangangailangan niya’y masisiyahan;

ang nais niyang magsiyasat

at kahungkagang espirituwal,

ito’y maaaring malutas.


Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Apendise 2: Ang Diyos ang Namumuno sa Kapalaran ng Buong Sangkatauhan

Sinundan: 265 Ang mga Bunga ng Pagkawala ng Patnubay ng Diyos sa Sangkatauhan

Sumunod: 267 Kinokontrol ni Satanas ang Isip ng mga Tao sa Pamamagitan ng Kasikatan at Kapalaran

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito