449 Ang Paghahayag ng Gawain ng Banal na Espiritu

I

‘Pag Banal na Espiritu’y gumagawa

upang liwanagan ang tao,

binibigyan Niya sila ng kaalaman

ng gawain ng Diyos,

ng tunay na pagpasok nila’t

kaalaman ng tunay na estado nila.

Tinutulutan ring maunawaan

ang kagyat na hangarin ng Diyos

at mga hinihingi Niya sa tao ngayon.


At nang sa gayon sila’y may pagpasiyang

isakripisyo’ng lahat upang mapalugod ang Diyos,

mahalin Siya kahit sa kahirapan,

kahit sa pag-uusig,

at tumayong saksi para sa Diyos,

binibigay ang buhay nang walang hinayang.


II

Kung may ganito kang pagpapasiya, ibig sabihin:

May pagkapukaw ka’t

gawain ng Banal na Espiritu.

Gayunpaman, alam mo dapat na ‘di mo taglay

ang gayong pagkapukaw sa bawat sandali.


Sa mga pulong, ‘pag nagdarasal ka’t

nagbabasa ng salita Niya,

makararamdam ka ng pagkaantig.

‘Pag iba’y nagbabahagi sa mga salita ng Diyos,

bago’t sariwa ito sa ‘yo,

at puso mo’y lubos na malinaw at maliwanag.

Lahat ito’y gawain ng Banal na Espiritu.


Marahil ika’y isang pinuno’t

binibigyan ka ng Banal na Espiritu

ng pambihirang kaliwanagan

‘pag pumupunta ka sa iglesia upang gumawa.

Mababatid mo’ng suliranin ng iglesia’t

ang katotohanan upang lutasin ‘to.


Nagagawa mong maging sobrang masigasig,

napakaresponsable’t seryoso sa gawain mo.

Oo, lahat ng ito ay paghahayag,

lahat ng ito ay gawain ng Banal na Espiritu.


Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Pagsasagawa 1

Sinundan: 448 Humahantong ang Isang Normal na Kalagayan sa Mabilis na Paglago sa Buhay

Sumunod: 450 Nakapasok Ka na Ba sa Tamang Landas ng Paniniwala sa Diyos?

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito