490 Magsikap sa Pagsasagawa Mo ng Salita ng Diyos
Ang pinakamalaking pagkakamali ng mga tao sa
pananalig nila sa Diyos ay ang
pananalig na ito’y sa salita lang,
at Siya’y wala sa tunay nilang buhay.
I
Lahat ng tao’y naniniwalang mayro’ng Diyos,
ngunit Siya’y wala
sa pang-araw-araw na buhay nila.
Tao’y madalas manalangin,
ngunit sa puso niya,
ang Diyos ay may maliit na lugar,
kaya sinusubok Niya’ng tao.
Dahil tao’y marumi,
napipilitan ang Diyos subukin siya,
upang siya’y mapahiya,
makilala’ng sarili sa pagsubok,
kung hindi, tao’y magiging anak ng arkanghel,
at lalong magiging tiwali.
Ang makilala ang Diyos sa pananalig sa Kanya
ang huling layuning dapat hangarin ng tao.
Pagsikapang isabuhay ang mga salita ng Diyos,
sa gayon matutupad ‘to sa pagsasagawa mo.
Kung may kaalaman ka lang sa doktrina,
pananalig mo sa Diyos ay mauuwi sa wala.
‘Pag nagsasagawa ka,
salita Niya’y ‘sinasabuhay,
pananalig mo’y ganap
at ayon sa kalooban ng Diyos.
II
Sa pananalig ng tao sa Diyos,
maraming motibo’ng ‘winawaksi
habang nililinis siya ng Diyos,
kung hindi, walang taong magagamit ang Diyos,
at ‘di Siya makakagawa sa tao gaya ng nararapat.
Nililinis muna ng Makapangyarihang Diyos ang tao.
Nakikilala ng tao’ng sarili dito’t
binabago ng Diyos ang tao.
Tapos, ilalakip ng Diyos ang buhay Niya sa tao,
sa gayon lubusang babaling
ang puso ng tao sa Diyos.
Kung may kaalaman ka lang
at walang salita ng Diyos bilang buhay,
o ‘di mo kayang maisagawa’ng katotohanan,
salita Niya’y isabuhay,
nagpapakitang wala ka pa ring
pagmamahal sa Diyos,
at puso mo’y ‘di pag-aari ng Diyos.
Ang makilala ang Diyos sa pananalig sa Kanya
ang huling layuning dapat hangarin ng tao.
Pagsikapang isabuhay ang mga salita ng Diyos,
sa gayon matutupad ‘to sa pagsasagawa mo.
Kung may kaalaman ka lang sa doktrina,
pananalig mo sa Diyos ay mauuwi sa wala.
‘Pag nagsasagawa ka,
salita Niya’y ‘sinasabuhay,
pananalig mo’y ganap
at ayon sa kalooban ng Diyos.
Ang makilala ang Diyos sa pananalig sa Kanya
ang huling layuning dapat hangarin ng tao.
Pagsikapang isabuhay ang mga salita ng Diyos,
sa gayon matutupad ‘to sa pagsasagawa mo.
Kung may kaalaman ka lang sa doktrina,
pananalig mo sa Diyos ay mauuwi sa wala.
‘Pag nagsasagawa ka,
salita Niya’y ‘sinasabuhay,
pananalig mo’y ganap
at ayon sa kalooban ng Diyos.
Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Dapat Kang Mamuhay Para sa Katotohanan Yamang Naniniwala Ka sa Diyos