491 Ang Kaalaman ay Hindi Panghalili sa Realidad
I
Ba’t karamihan sa mga tao’y labis ang
pagbabasa sa mga salita ng Diyos,
ngunit may kaalaman lang
at walang tunay na landas?
Pagkakaro’n ng kaalaman ba’y
pagkakaro’n ng katotohanan?
Marami kang kaalaman,
ngunit wala rito’ng may tunay na landas.
Sino’ng niloloko mo?
‘Pag mas mataas ang teorya’t
‘di gaano katotoo ito,
mas ‘di nito kayang dalhin ang tao sa realidad;
‘pag mas mataas ang teorya,
mas ginagawa ka nitong
salungat at suwail sa Diyos.
Mga pinakamatayog na teorya’y
‘di mahahalagang kayamanan;
‘wag tratuhin nang ganoon,
dahil ang mga ito’y mapaminsala’t walang silbi.
II
Maaaring pag-usapan ng tao’ng
teoryang pinakamataas,
ngunit walang totoo,
‘pagkat wala silang tunay na karanasan,
samakatuwid wala silang landas sa pagsasagawa.
Gan’tong uri ng tao’y
‘di kayang dalhin ang sinuman sa tamang daan.
Nililigaw lang niya sila.
‘Pag mas mataas ang teorya’t
‘di gaano katotoo ito,
mas ‘di nito kayang dalhin ang tao sa realidad;
‘pag mas mataas ang teorya,
mas ginagawa ka nitong
salungat at suwail sa Diyos.
Mga pinakamatayog na teorya’y
‘di mahahalagang kayamanan;
‘wag tratuhin nang ganoon,
dahil ang mga ito’y mapaminsala’t walang silbi.
Kung ‘di mo malutas ang suliranin ng tao’t
tulutan silang makapasok,
sa gayon wala kang dedikasyon,
‘di angkop na gumawa para sa Diyos.
‘Wag laging magbigkas ng mararangyang salita’t
gumamit ng ‘di angkop na paraan
upang sundin ka ng mga tao.
Walang magagawa ito kundi lituhin sila.
Gagawa ito ng mga tuntuni’t
kamumuhian ka ng tao.
Ito ang kapintasan ng tao, at kahiya-hiya.
Pag-usapan mga totoong problema.
‘Wag ituring na sa’yo ang karanasan ng iba’t
ipakita ito para magpasikat.
Hanapin ang sariling daan palabas.
Ito’ng dapat isagawa ng bawat isa sa inyo.
Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Magtuon ng Higit na Pansin sa Realidad