Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos App

Pakinggan ang tinig ng Diyos at salubungin ang pagbabalik ng Panginoong Jesus!

Hinihikayat namin ang mga naghahanap ng katotohanan na kontakin kami.

Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Laki ng Font

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

0 (Mga) Resulta ng Paghahanap

Walang nakitang mga resulta.

`

Mahalin ang Diyos ang Aking Nais

I

Nabuhay ako sa madilim na mundo,

Hindi nalalaman ang katotohanan.

Binasa ko ang salita ng Makapangyarihan

at ngayo'y alam ko na ang kahulugan ng buhay.

Anong laking sorpresa,

naghahatid ng liwanag sa mundo si Cristo.

Mula sa Kanyang paghatol natagpuan ko ang landas

sa buhay na walang hanggan.

Pinapahalagahan ko ang salita at katotohanan ng Diyos.

Napakahalaga ng katotohanan!

Itinubog sa bukal ng buhay ng Diyos.

Mahalin ang Diyos ang aking nais,

magpakailanman ito ang gagawin ko.

Mahalin ang Diyos ang aking nais, gusto ko talaga. Aleluya!

II

Nagtitipon tayo sa iglesia; inaaruga tayo ng salita.

Alam ko kung paano mabuhay sa isang buhay na karapat-dapat

at pinakamakahulugan.

Binigyan ako ng Diyos ng katotohanan bilang buhay,

para mabigyang-kasiyahan ko ang Kanyang puso,

naglalakad sa tamang landas;

salamat sa Diyos sa paghatid sa akin dito.

Nagmula ako sa alabok, walang-wala ako,

mahirap at kahabag-habag.

Pero itinindig ako ng Diyos.

Mahalin ang Diyos ang aking nais,

magpakailanman ito ang gagawin ko.

Mahalin ang Diyos ang aking nais, gusto ko talaga. Aleluya!

III

Katotohanan ang luminis sa akin;

salita ng Diyos ang aking muling pagsilang.

Gaano kaibig-ibig ang totoong Diyos,

inaalay ko ang pasasalamat at papuri sa Diyos.

Ipinapahayag ng salita ng Diyos ang katotohanan

at ang pinagmulan ng katiwalian ng tao.

Napaka-mapagmataas ng sangkatauhan,

walang budhi at katuwiran.

Nalinis na ako ng salita ng Diyos.

Puwede na akong mabuhay ngayon bilang tao

sa pamamagitan ng pag-unawa sa katotohanan;

pinakakarapat-dapat sa pag-ibig ang Diyos.

Nakaugat sa aking puso,

ang salita ng Diyos ang daan ng buhay.

Binago ako ng Kanyang salita,

nagbibigay sa akin ng bagong buhay.

Gusto kong sundin ang Diyos, maging saksi Niya,

mahalin Siyang tunay; ito ang nais ko.

Pinapahalagahan ko ang salita at katotohanan ng Diyos.

Napakahalaga ng katotohanan!

Itinubog sa bukal ng buhay ng Diyos.

Mahalin ang Diyos ang aking nais,

magpakailanman ito ang gagawin ko.

Mahalin ang Diyos ang aking nais, gusto ko talaga,

gusto ko talaga, gusto ko talaga. Aleluya!

mula sa Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Sinundan:Oh Diyos, ang Aking Puso ay Magpakailanma'y Nakadikit sa Iyo

Sumunod:Pinupuri ng Lahat ng Tao ang Makapangyarihang Diyos

Baka Gusto Mo Rin