259 Isa Lamang Akong Napakaliit na Nilikha
I
O Diyos, may katayuan man ako o wala,
nauunawaan ko na ang sarili.
Kung mataas ang katayuan ko,
ito’y dahil sa pagtataas Mo.
Kung mababa naman,
ito’y dahil sa ordinasyon Mo.
O Diyos, ako’y walang pinagpipilian, ni reklamo.
Lahat ay nasa Iyong mga kamay.
Itinalaga Mong maisilang ako
sa bansang ito, kabilang sa mga tao dito,
at dapat lang akong maging masunurin
sa Iyong kapamahalaan.
Isa lang akong maliit na nilalang,
binigyang-buhay ng Panginoon ng paglikha.
Ginawa Mo ako’t ngayon ay inilagay
sa Iyong kamay, sa Iyong kontrol.
Handa akong maging kasangkapa’t hambingan Mo.
‘Pagkat ito’ng Iyong itinalaga,
at walang makapagbabago nito.
Lahat ng bagay ay nasa kamay Mo.
II
O Diyos, ‘di ako nakatuon sa katayuan.
Isa lang ako sa mga nilalang.
Kung inilagay Mo ako sa lawa ng apoy at asupre,
sa walang-hanggang hukay,
isa lang akong nilalang.
Isa lang akong maliit na nilalang,
binigyang-buhay ng Panginoon ng paglikha.
Ginawa Mo ako’t ngayon ay inilagay
sa Iyong kamay, sa Iyong kontrol.
Handa akong maging kasangkapa’t hambingan Mo.
‘Pagkat ito’ng Iyong itinalaga,
at walang makapagbabago nito.
Lahat ng bagay ay nasa kamay Mo.
III
Kung gagamitin Mo ako, isa ‘kong nilalang.
Kung ako’y peperpektuhin, isa pa ring nilalang.
Kung ‘di Mo ‘ko peperpektuhin,
mamahalin pa rin Kita,
‘pagkat isa lang akong nilalang.
Isa lang akong maliit na nilalang,
binigyang-buhay ng Panginoon ng paglikha.
Ginawa Mo ako’t ngayon ay inilagay
sa Iyong kamay, sa Iyong kontrol.
Handa akong maging kasangkapa’t hambingan Mo.
‘Pagkat ito’ng Iyong itinalaga,
at walang makapagbabago nito.
Lahat ng bagay ay nasa kamay Mo.