53. Pagkalag sa mga Taling Gumagapos

Ni Cuibai, Italy

Sabi ng mga salita ng Diyos, “Para sa kapakanan ng kapalaran ninyo, dapat ninyong hanapin ang pagsang-ayon ng Diyos. Ibig sabihin, yamang kinikilala ninyong kasapi kayo ng tahanan ng Diyos, sa gayon ay dapat kayong magdala ng kapayapaan ng isip sa Diyos at magbigay-lugod sa Kanya sa lahat ng bagay. Sa madaling salita, dapat kayong maging maprinsipyo sa mga kilos ninyo at sumunod sa katotohanang nasa mga iyon. Kung hindi mo ito maiintindihan, kamumuhian at tatanggihan ka ng Diyos at itatakwil ka ng bawat tao. Kapag nahulog ka sa gayong kalagayan, kung gayon ay hindi ka na mabibilang sa tahanan ng Diyos, na siya mismong kahulugan ng hindi pagsang-ayon ng Diyos(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Tatlong Paalaala). Mula sa mga salita ng Diyos ay nakikita natin kung ano ang iniaatas Niya sa atin: maging maprinsipyo sa ating mga pagkilos at umayon sa katotohanan upang matamo natin ang Kanyang pagsang-ayon at mapasaya Siya sa lahat ng bagay. Hindi ko ito nagawa dati, dahil higit sa lahat ay pinagharian ako ng aking mga emosyon, at palaging nabubuhay at kumikilos ayon sa damdamin ko. Bagaman parang wala naman akong ginagawang masama, ang mga ginawa ko ay laban sa mga prinsipyo ng katotohanan at nakahadlang ito sa gawain ng simbahan. Pero matapos akong hatulan at kastiguhin ng Diyos sa pamamagitan ng Kanyang mga salita, nagsimulang maintindihan ko ang likas at mga kahihinatnan ng ganitong pagkilos. Pagkatapos ay kaya ko nang harapin ang mga bagay nang may tamang mga motibo sa halip na umasa sa emosyon, at naisasagawa ko na ang mga salita ng Diyos.

Nang ang tungkulin ko ay pagiging isang lider ng simbahan noong nakaraang Nobyembre, nagkaroon ng isang survey kung kumusta na ang pinuno ng grupo sa bawat lugar ng pagtitipon. Sa mga sagot ay nakita ko na ang pinuno ng grupo na si Sister Li ay lagi na lamang nagpapabaya sa kanyang tungkulin at kapag nabanggit ang anumang pagkakamali niya, hindi lamang siya umaayaw na tanggapin ang katotohanan, kundi nakikipagtalo pa. Kapag may mga problema ang iba, hindi niya sila tutulungan sa pamamagitan ng pagbabahagi sa katotohanan, pero sa halip ay sesermunan pa sila sa mapagmataas na paraan at paghihigpitan sila…. Pagkatapos mabasa ang lahat ng ito, alam kong batay sa mga prinsipyo ng pagpili sa bahay ng Diyos ay dapat na siyang palitan. Pero magkababayan kami at magkasamang naglingkod sa aming mga tungkulin dati. Dati na kaming malapit sa isa’t isa at sobrang inasikaso niya ako. Kung tatanggalin ko siya, iisipin kaya niyang wala akong puso? Dalawang taon na ang nakalipas nang tinanggal siya sa kanyang posisyon bilang pinuno ng simbahan, at halos hindi pa niya naaalis ang sarili niya sa pagiging negatibo. Kung tatanggalan na naman siya ng isa pang posisyon, hindi kaya mas malaking dagok pa iyon? Makakayanan kaya niya ito? Naisip kong kailangan kong magbahagi agad sa kanya para makita niya kung gaano kapanganib ang kanyang sitwasyon. Naisip ko na kung mababago agad niya ang mga bagay, baka manatili pa rin siya sa kanyang posisyon. Kaya’t lumapit ako kay Sister Li para magbahagi tungkol sa kanyang mga problema pero natuklasan kong wala pa talaga siyang kamalayan sa sarili. Ibinigay ko ang lahat ng mayroon ako sa pagbabahaging iyon sa kanya, at pagkatapos nito ay ginusto niyang magbago, mag-isip-isip, at sa wakas ay nakahinga na ako nang maluwag. Naisip ko na kung makakapagsabi ako sa mga kasamahan niya sa paggawa ng ilang mabuting pahayag tungkol sa kanya, siguro’y puwede pa rin niyang ituloy na gawin ang tungkuling iyon.

Kinalaunan, habang pinag-uusapan ang gawain, ilang kasamahan niya sa paggawa ang nagsabing hindi raw kailanman tinanggap ni Sister Li ang katotohanan at nagkasundo silang lahat na palitan na siya. Naligalig ako nang marinig ko ito. Naisip ko, “May ilang problema nga kay Sister Li, pero handa siyang magbago, kaya hindi ba puwedeng bigyan ninyo siya ng isa pang pagkakataon?” Sa pagkakataong iyon, sinabi ni Sister Zhou na, “Matagal-tagal na ring ganito si Sister Li. Magaling siya magbahagi, pero hindi naman niya isinasagawa ang kanyang sinasabi. Wala pa rin talagang pagbabago. Hindi siya nababagay sa posisyong ito.” Agad akong sumingit, “Nahihirapan si Sister Li na tanggapin ang katotohanan, pero siya talaga’y may inisyatibo at responsable sa kanyang tungkulin. Kamakailan lamang, naging balintiyak ang ibang mga kapatid sa kanilang tungkulin at binigyan niya sila ng motibasyon.” Agad na sumagot si Sister Bai na, “Si Sister Li ay mukhang laging nagmamadali, at talagang nagkukusa, pero ang totoo’y ginagawa niya ito para magpakitang-gilas lamang, at hindi niya kayang lutasin ang mga tunay na problema.” Totoo lahat ang nasabi nila, at wala akong maisagot sa kanila. Sinabi naman ng isa pang pinuno ng simbahan, si Sister Zhang, na, “Totoong hindi bagay na maging pinuno ng grupo si Sister Li, pero wala pa tayong pupuwedeng ipalit sa kanya ngayon. Diyan na muna siya hanggang sa makakita tayo ng magandang pamalit sa kanya.” Ito mismo ang gusto kong mangyari, kaya’t agad kong idinagdag, “Tama. Palitan natin siya kapag may iba nang ipapalit.” Ang ikinagulat ko, hindi pa natatapos ang isang linggo, binanggit na naman ni Sister Zhou ang problemang ito pagkatapos naming mag-usap-usap tungkol sa gawain ng simbahan. Si Brother Chen daw ay magandang piliing kapalit, at may ibang mga kasamahan sa paggawa ang sang-ayon. Hindi ako makapagsalita sa kaba. Kung mapipiling pinuno ng grupo si Brother Chen, matatanggal si Sister Li. Kaya may mga sinabi ako tungkol sa mga katiwalian at kakulangan ni Brother Chen, at sinabi kong hindi siya angkop sa trabaho. Bawat isa ay nagsimula nang mag-alangan at medyo hindi ako mapakali, pero hindi ko pa rin hinanap ang katotohanan.

Kinalaunan hiniling sa akin ng pinuno ko na bigyan siya ng ulat tungkol sa mga pinuno ng grupo, at nang makarating ako kay Sister Li, hindi ko tumpak na sinabi ang pagsuri ng mga kapatid sa kanya. Medyo nabahala ako pagkaalis niya. Inisip ko kung bakit lagi ko na lang ipinagtatanggol si Sister Li, at lagi akong nag-aalala sa kanya. Hindi kaya ako’y may paboritismo? Anong uri ng motibo ang kumukontrol sa akin? Nabasa ko pagkatapos ang mga salitang ito ng Diyos: “Ano, una sa lahat, ang pagiging emosyonal? Ito ay isang tiwaling disposisyon. Kung gagamit tayo ng ilang salita para ilarawan ang mga praktikal na aspeto ng pagiging emosyonal, ang mga ito ay paboritismo at pagpili ng ilang taong poprotektahan, pagpapanatili ng mga relasyon ng laman, at pagiging di-makatarungan; ang mga ito ang pagiging emosyonal. Kaya, ang pagwaksi sa pagiging emosyonal ng isang tao ay hindi lang nangangahulugan ng hindi na pag-iisip tungkol sa isang tao. Karaniwan, maaaring ni hindi mo sila iniisip, ngunit sa sandaling may namintas sa iyong mga kapamilya, sa iyong bayang sinilangan, o sa sinumang may kaugnayan sa iyo, nagagalit ka at desididong ipagtanggol sila. Talagang napipilitan kang baligtarin ang sinabi tungkol sa kanila; hindi mo sila maaaring hayaang sumailalim sa isang kamaliang hindi naitama. Pakiramdam mo ay kailangan mong gawin ang lahat ng makakaya mo upang ipagtanggol ang kanilang reputasyon, pagmukhaing tama ang lahat ng mali, at hindi hayaan ang iba na sabihin ang totoo tungkol sa kanila o ilantad sila. Ito ay kawalan ng katarungan, at tinatawag na pagiging emosyonal(“Ano ang Katotohanang Realidad?” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo ng mga Huling Araw). “Kung walang pagpipitagan ang mga tao sa Diyos, at kung walang puwang ang Diyos sa kanilang puso, hindi sila kailanman makakakilos ayon sa prinsipyo anumang tungkulin ang ginagampanan nila o mga problema ang kinakaharap nila. Walang kakayahan ang mga taong nabubuhay ayon sa kanilang mga intensyon at makasariling hangarin na pumasok sa realidad ng katotohanan. Dahil dito, tuwing dumaranas sila ng problema, hindi nila sinusuri ang mga intensyon nila at hindi nila matukoy kung saan nagkakamali ang mga intensyon nila. Sa halip, ginagamit nila ang lahat ng uri ng pagdadahilan upang bumuo ng mga kasinungalingan at mga palusot para sa sarili nila. Medyo magaling sila sa pagprotekta sa mga sarili nilang interes, reputasyon, at personal na relasyon sa iba, ngunit ang totoo, hindi pa sila nakapagtatag ng anumang relasyon sa Diyos(“Ang Dapat na Saloobin ng Tao Patungkol sa Diyos” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo ng mga Huling Araw).

Ipinapakita ng mga salta ng Diyos kung paanong sa harap ng mga problema, hindi tayo makakakilos nang patas ayon sa mga prinsipyo ng katotohanan, at hindi natin nakikita kung alin ang tama at mali, pinapaburan at pinangangalagaan natin ang mga konektado sa atin, o kung sino’ng pinakikinabangan natin. Ito’y pagkilos ayon sa emosyon. Kapag pinaghaharian tayo ng emosyon, sa tungkulin man natin o sa pakikitungo sa problema, ang iniisip lamang natin ay ang ating mga makalaman na damdamin at personal na interes nang hindi man lamang isinasagawa ang katotohanan o ginagawa ang ating tungkulin nang mabuti. Iyan ang kalagayan ko noon. Ayaw kong tanggalin si Sister Li dahil kumikilos ako ayon sa mga emosyon ko. Pinangangalagaan ko ang relasyon namin at takot ako na baka magalit siya sa akin. Kaya nang gustong manindigan ng mga kasamahan ko sa paggawa sa mga prinsipyo at palitan siya, ginawa ko ang lahat ng magagawa ko upang pangalagaan siya para manatili siya sa kanyang posisyon. Nang ibinigay ko sa pinuno namin ang pagsusuri ko sa kanya pinaliit ko ito, pinagtakpan ko siya dahil sa paboritismo, at gumamit ng pangubli. Noong tiningnan ko ang nakaraan, nakikita ko na ang mga motibo at intensyon ko ay pinaghariang lahat ng emosyon. Nabubuhay ako sa tiwaling disposisyon ng katusuhan at pandaraya, handang ikompromiso ang mga kapakanan ng bahay ng Diyos para mapangalagaan ang isang relasyon, handang magkasala sa Diyos kaysa magkasala sa isang tao. Talagang wala akong paggalang sa Diyos, napakamakasarili at napakasama ko! Sobrang nakonsensya ako sa lahat ng ito, kaya agad kong pinuntahan ang aming pinuno para sabihin sa kanya ang katotohanan. Pagkatapos, ako’y nanalangin at lumapit sa Diyos: “Bakit lagi akong itinutulak ng emosyon, at hindi maisagawa ang katotohanan? Ano ang ugat ng problemang ito?”

Isang araw sa aking mga debosyonal, binasa ko ang mga salitang ito ng Diyos: “Isinilang sa gayong napakaruming lupain, labis nang naimpluwensiyahan ng lipunan ang tao, naimpluwensiyahan na siya ng mga etikang pyudal, at naturuan na siya sa ‘mga institusyon ng mas mataas na pag-aaral.’ Ang kaisipang paurong, tiwaling moralidad, masamang pananaw sa buhay, kasuklam-suklam na pilosopiya sa pamumuhay, lubos na hungkag na pag-iral, at napakabuktot na uri ng pamumuhay at mga kaugalian—lubhang nanghimasok na sa puso ng tao ang lahat ng mga bagay na ito, at lubhang nagpahina at sumalakay sa kanyang konsensiya. Bilang resulta, mas lalong lumayo ang tao mula sa Diyos, at mas lalong naging tutol sa Kanya. Lalong nagiging mas mabangis ang disposisyon ng tao sa bawat araw, at wala ni isang tao ang magkukusang isuko ang anumang bagay para sa Diyos, wala ni isang tao ang magkukusang sumunod sa Diyos, ni, higit pa rito, isang taong magkukusang hanapin ang pagpapakita ng Diyos. Sa halip, sa ilalim ng sakop ni Satanas, walang ginawa ang tao kundi maghangad ng kalayawan, ibinibigay ang sarili sa katiwalian ng laman sa lupain ng putik. Marinig man nila ang katotohanan, hindi nag-iisip ang mga nananahan sa kadiliman na isagawa ito, ni nakahandang hanapin ang Diyos kahit na nasaksihan na nila ang Kanyang pagpapakita. Paano magkakaroon ng pagkakataon sa kaligtasan ang isang sangkatauhang napakasama? Paano mabubuhay sa liwanag ang isang sangkatauhang labis nang namumulok?(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Hindi Pagbabago ng Disposisyon ay Pakikipag-alitan sa Diyos). Napagtanto ko noon na ang pagkilos ayon sa emosyon ay karaniwang dahil sa pagliligaw at pagtiwali ni Satanas sa akin. Sa pamamagitan ng edukasyon sa paaralan at mga impluwensya ng lipunan, inilulubog ng diyablong si Satanas ang mga tao sa lahat ng uri ng mga makamundong pilosopiya at mga batas ng pananatiling buhay tulad ng “Ang bawat tao para sa kanyang sarili, bahala na ang iba,” “Mas matimbang ang dugo kaysa tubig,” at “Ang tao ay hindi patay; paano siya magiging malaya mula sa emosyon?” Nabuhay ako sa mga pilosopiyang ito, na nakikitang positibo ang pangangalaga sa mga malapit sa akin, at nakikitang pagiging mapagmahal ang simpatya at awa. Tungkol naman sa pagpalit kay Sister Li, lagi kong iniisip na galing kami sa iisang lugar at lagi niya akong inaasikaso, kaya nang nahaharap siya sa pagkakatanggal inisip ko na dapat ko siyang tulungan at ipagtanggol. Akala ko’y iyon ang tamang gawin. Alam kong hindi naman talaga siya nagtaglay ng pasanin para sa tungkulin niya bilang pinuno ng grupo kundi madalas na sinisermunan ang iba at kinokontrol sila. Kung hindi siya napalitan ay makasasama ito sa mga kapatid at makakaapekto ito sa gawain ng simbahan. Pero sinalungat ko ang mga prinsipyo ng katotohanan at binalewala ko ang mga kapakanan ng bahay ng Diyos, habang ginagawa ang lahat ng kaya ko para pangalagaan siya at mapanatili siya sa posisyon niya. Kinasangkapan ko ang aking tungkulin para maingatan ang aming relasyon at ginamit ko ang gawain ng simbahan para suklian ang kabaitan niya sa akin. Sinasamantala ko ang kapangyarihan at tungkulin ko para sa pansarili kong pakinabang. Paano magiging karapat-dapat sa gawain ng simbahan ang isang katulad ko? Bilang pinuno, iniisip ko dapat ang gawain ng simbahan at ang buhay ng mga kapatid, at kumikilos dapat ako ayon sa mga prinsipyo ng katotohanan sa tungkulin ko. Pero inuuna ko ang damdamin higit sa lahat, kahit alam na alam ko ang katotohanan, pero hindi ito isinasagawa. Hindi ba iyan ay pagtataksil sa katotohanan at mga prinsipyo, at pagmamaliit sa gawain ng simbahan? Wala akong utang na loob! Nakita ko pagkatapos na ang mga makamundong pilosopiyang iyon ay mga kamaliang ginagamit ni Satanas para gawing tiwali at linlangin ang mga tao. Ang pagsasalita at pagkilos nang ganoon ay lubusang hindi patas at makatarungan, at talagang walang mga prinsipyo ng katotohanan dito. Ganyan mismo ang pilosopiya sa buhay ng mga opisyal ng Partido Komunista ng Tsina: “Kapag nakamit ng tao ang Tao, kahit ang kanyang mga alagang hayop ay umaakyat sa langit.” Kapag nagiging opisyal ang isang tao, nakikinabang din ang kanilang mga kamag-anak kahit saan, at talagang kaya nilang gawin ang kahit ano nang hindi napaparusahan. Ang lipunang kontrolado ng CCP ay napakadilim, napakasama, lubusang hindi patas at makatarungan. Bilang pinuno ng simbahan, na hindi kumikilos ayon sa mga prinsipyo ngunit nabubuhay sa mga makademonyong pilosopiyang ito, anong pinagkaiba ko sa isang opisyal ng CPP? Iyong ayaw kong matanggal si Sister Li ay hindi dahil sa tunay na pagmamahal o pagtulong, takot lamang akong masabi niyang ako’y walang-pakialam at manhid at magbago ang pagturing niya sa akin. Hindi ko man lamang isinasaalang-alang ang kanyang buhay. Ang pagpalit sa isang tao sa bahay ng Diyos ay ginagawa para himukin ang personal na pagmumuni-muni, para sila’y makapagsisi at makapagbago sa tamang panahon. Ito’y isang paraan ng pagliligtas at pangangalaga ng Diyos sa mga tao. Natanggal din ako sa aking tungkulin, at nang matuto ako ng leksyon ko mula sa aking pagkabigo, naghanda ang simbahan ng ibang nababagay na tungkulin para sa akin. Ang pagkatisod at pagkabagsak lamang ang nakapagpaisip sa akin at nagbigay sa akin ng tunay na kamalayan sa sarili. Mas naunawaan ko rin ang kalooban ng Diyos na iligtas ang tao at nakita kong ang awa at katuwiran ay parehong laman ng Kanyang pag-ibig. May mga prinsipyo sa pag-ibig ng Diyos; hindi Niya tayo pinapagmalabis o binibigyang-layaw. Pero ang “pag-ibig” ko para sa iba ay puno ng mga makademonyo at makamundong pilosopiya at nakabatay sa mga personal na kapakanan. Ito’y makitid at makasarili, nakakamuhi at nakakayamot sa Diyos. Noon ko lamang napagtanto na masama sa iba at sa ating sarili kapag tayo’y umasa sa ating damdamin, at iyan ang pinakamalaki kong hadlang sa pagsasagawa ng katotohanan at pagganap nang mabuti sa aking tungkulin. Kung hindi ko tinanggap ang paghatol at pagkastigo ng mga salita ng Diyos, kung walang tunay na pagsisisi, nagkasala sana ako sa disposisyon ng Diyos at tinanggihan, kinamuhian, at inalis ako ng Diyos.

Kinalaunan ay nagbasa ako ng isa pang sipi ng mga salita ng Diyos: “Kung nais mong magkaroon ng normal na kaugnayan sa Diyos, kailangang bumaling ang puso mo sa Diyos. Sa pundasyong ito, magkakaroon ka rin ng normal na kaugnayan sa ibang tao. Kung wala kang normal na kaugnayan sa Diyos, anuman ang gawin mo upang mapanatili ang iyong kaugnayan sa ibang tao, gaano ka man magsumikap o gaanong lakas man ang iyong ibuhos, tutukoy lamang ang lahat ng ito sa isang pilosopiya ng tao sa pamumuhay. Pinananatili mo ang iyong katayuan sa mga tao sa pamamagitan ng isang pananaw ng tao at isang pilosopiya ng tao upang purihin ka ng mga tao, ngunit hindi mo sinusunod ang salita ng Diyos para magtatag ng mga normal na kaugnayan sa mga tao. Kung hindi ka magtutuon ng pansin sa iyong mga kaugnayan sa mga tao kundi magpapanatili ng isang normal na kaugnayan sa Diyos, kung handa kang ibigay ang puso mo sa Diyos at matututong sundin Siya, natural lamang na magiging normal ang iyong mga kaugnayan sa lahat ng tao. Sa ganitong paraan, hindi itinatatag ang mga kaugnayang ito sa laman, kundi sa pundasyon ng pagmamahal ng Diyos. Halos walang pakikipag-ugnayan sa laman, ngunit sa espiritu ay may pagsasamahan, pagmamahalan, kapanatagan sa isa’t isa, at paglalaan para sa isa’t isa. Lahat ng ito ay ginagawa sa pundasyon ng isang pusong nakakalugod sa Diyos. Ang mga kaugnayang ito ay hindi pinananatili sa pag-asa sa pilosopiya ng tao sa pamumuhay, kundi likas na likas na nabubuo sa pamamagitan ng pagdadala ng isang pasanin para sa Diyos. Hindi nito kinakailangan ang pagsisikap na gawa ng tao. Kailangan mo lamang magsagawa ayon sa prinsipyong salita ng Diyos(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Napakahalagang Magtatag ng Isang Normal na Kaugnayan sa Diyos).

Pagkabasa ko sa mga salita ng Diyos, naintindihan ko na ang mga relasyon sa mga kapatid ay pangunahing nakabatay sa pag-ibig ng Diyos. Hindi ito pinapanatili ng mga makamundong pilosopiya ni Satanas. Ang pagsasagawa ng katotohanan ang susi. Lalo na pagdating sa gawain ng bahay ng Diyos, kapag may nakikita tayong gumagawa ng kanilang tungkulin laban sa mga prinsipyo ng katotohanan, dapat tayong magbahagi tungkol sa katotohanan para tulungan at suportahan sila. Kung hindi pa rin sila magsisi pagkatapos ng maraming pagbabahagi, kailangan na silang tabasin at pakitunguhan kung kinakailangan. Kahit sa pamilya at mga kaibigan, hindi tayo maaaring umasa sa ating mga emosyon o sumunod sa mga makamundong pilosopiya. Kailangang gawin natin ang mga bagay ayon sa mga prinsipyo ng mga salita ng Diyos: magbahagi kung kinakailangan at kung hindi ito nakatulong ay palitan sila. Ang gawain ng simbahan at ang mga kapakanan ng bahay ng Diyos ay dapat laging pagmalasakitan. Ito lamang ang kaayon ng kalooban ng Diyos. Kinalaunan tinalakay ko ito sa ilang kasamahan sa paggawa at tinanggal ko si Sister Li batay sa mga prinsipyo ng katotohanan. Nagbahagi rin ako para masuri nang mabuti ang kanyang pagganap alinsunod sa mga salita ng Diyos at itinaas ko sa tungkulin si Brother Chen bilang pinuno ng grupo. Noon lamang ako nakaramdam ng ginhawa sa aking puso. Pagkalipas ng ilang panahon, binasahan ko ng mga salita ng Diyos si Sister Li at kinumusta ko siya. Sinabi niyang, “Salamat sa Diyos! Lahat ng ginagawa Niya ay mabuti. Noong una ay negatibo ako at nahihirapan, pero sa pagbabasa ng mga salita ng Diyos at pananalangin, naintindihan kong ganito pala ang ginagawa ng Diyos para baguhin ako, at kung hindi ako natanggal at naituro sa akin ang mga problema ko, hindi ko sana nakilala ang sarili ko, o nagbago at nagsisi kagaya ng ginagawa ko ngayon.” Pagkarinig nito, nadama ko kung gaano kasarap ang talikdan ang laman at isagawa ang katotohanan. Naranasan ko rin na tanging ang pagsasagawa ng katotohanan at pag-ayon sa prinsipyo ang kaayon ng kalooban ng Diyos. Iyon lamang ang tanging marangal na paraan.

Sinundan: 52. Paalam, Mapagpasaya ng Mga Tao!

Sumunod: 54. Isang Espirituwal na Labanan

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

69. Pagbabalik sa Tamang Daan

Ni Chen Guang, USASabi ng Makapangyarihang Diyos, “Ang paglilingkod sa Diyos ay hindi simpleng gawain. Ang mga hindi nagbabago ang tiwaling...

88. Ang Hirap ng Kulungan

Ni Xiao Fan, TsinaIsang araw noong Mayo 2004, dumadalo ako sa isang pagtitipon kasama ng ilang kapatid nang biglang pumasok ang mahigit 20...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito