257 Ang Buhay ng Lahat ng Nilalang na Nilikha ay Nagmumula sa Diyos
I
Ang buhay na ‘pinagkaloob ng Diyos
sa tao’y walang hanggan,
‘di napipigilan ng katawan, panahon, o kalawakan.
Gan’to ang misteryo ng buhay
na ‘pinagkaloob ng Diyos sa tao,
at patunay na ang buhay ay mula sa Kanya.
Kahit marami man ang ‘di naniniwala
na nagmula sa Diyos ang buhay,
tao’y ‘di naiiwasang
tamasahin ang lahat ng mula sa Diyos,
naniniwala man sila o hindi sa pag-iral Niya.
Kung may biglaang pagbabago
ng puso ang Diyos at hilinging
mabawi ang lahat ng umiiral sa mundo
at bawiin ang buhay na Kanyang ibinigay na,
samakatuwid mawawala na’ng lahat,
samakatuwid mawawala na’ng lahat.
II
Ginagamit ng Diyos ang Kanyang buhay
upang tustusan ang lahat ng bagay,
kapwa may buhay at wala,
dinadala’ng lahat sa mabuting kaayusan
sa bisa ng kapangyarihan at awtoridad Niya.
Ito’ng katotohanang hindi kayang maisip
o maunawaan ng sinuman,
at ito’ng mga ‘di kayang maunawaang katotohana’y
mismong pagpapakita at testamento
sa puwersa ng buhay ng Diyos.
Ngayon may sikretong
gustong sabihin sa’yo ang Diyos:
Ang kadakilaan ng buhay ng Diyos
at ang kapangyarihan ng buhay Niya’y
‘di maarok ng sinumang nilalang.
Gayon ito ngayon, katulad noon,
at magkakagayon pagdating ng panahon.
III
Ito ang pangalawang lihim
na dapat ipabatid ng Diyos:
Ang pinagmulan ng buhay
para sa mga nilikha’y mula sa Diyos,
ga’no man ang pagkakaiba nila
sa anyo o kayarian;
anumang uri ng buhay na nilalang ka,
‘di ka maaaring sumalungat
sa landas ng buhay na itinakda ng Diyos.
Gayunman, ang nais lang ng Diyos
ay maunawaan ito ng tao:
Kung walang pangangalaga, pag-iingat,
at panustos ng Diyos,
tao’y ‘di makatatanggap ng lahat
ng dapat niyang matanggap,
ga’no man ang pagsisikap o pagpupunyagi niya.
Kung wala ang panustos ng buhay mula sa Diyos,
nawawalan ng pagpapahalaga ang tao sa buhay,
kung wala ang panustos ng buhay mula sa Diyos,
nawawalan ng pagpapahalaga ang tao sa buhay,
at ng diwa ng kahulugan ng buhay.

IV

at ng diwa ng kahulugan ng buhay,
at ng diwa ng kahulugan ng buhay.
Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Diyos ang Pinagmulan ng Buhay ng Tao