258 Ang Pagpapakita ng Puwersa ng Buhay ng Diyos
I
Lahat ay dapat dumaan sa kamataya’t buhay;
ang karamihan ay nagdaan na rito.
Ang nabubuhay ay malapit nang mamatay;
ang patay ay malapit nang magbalik.
Lakbayin ‘to ng buhay na isinaayos ng Diyos,
para sa bawat nilalang na pumaparito.
Tinutustusan ng Diyos ang buhay at ang hindi,
gamit ang buhay Niya.
Sa kapangyarihan Niya’t awtoridad,
dinadala ang lahat sa kaayusan.
Katotohanang ‘di kayang maunawaan.
Ito’y pagpapakita’t katibayan
ng puwersa ng buhay ng Diyos.
II
Sa lakbayin ng buhay, nais Niyang makita ng tao
na walang hanggan ang kaloob na buhay ng Diyos.
Walang pisikalidad ang buhay ng tao;
walang panahon at kalawakan.
Ito ang hiwaga ng kaloob Niyang buhay,
patunay na ang buhay ay galing sa Diyos.
Tinutustusan ng Diyos ang buhay at ang hindi,
gamit ang buhay Niya.
Sa kapangyarihan Niya’t awtoridad,
dinadala ang lahat sa kaayusan.
Katotohanang ‘di kayang maunawaan.
Ito’y pagpapakita’t katibayan
ng puwersa ng buhay ng Diyos.
III
Marami mang ‘di maniwala
na ang buhay ay galing sa Diyos,
tinatamasa pa rin ng tao ang handog Niya,
maniwala man o hindi sa pag-iral Niya.
Bigla mang magbago’ng puso Niya
at bawiin ang mundo
at ang ipinagkaloob Niyang buhay,
mawawala na ang lahat.
Tinutustusan ng Diyos ang buhay at ang hindi,
gamit ang buhay Niya.
Sa kapangyarihan Niya’t awtoridad,
dinadala ang lahat sa kaayusan.
Katotohanang ‘di kayang maunawaan.
Ito’y pagpapakita’t katibayan
ng puwersa ng buhay ng Diyos.
Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Diyos ang Pinagmulan ng Buhay ng Tao