714 Mabubuhay Yaong May Pagbabago sa Disposisyon na Kawangis ng Isang Tao

1 Ang mga tao na dumaraan sa pagbabago ng disposisyon ay tunay na namumuhay na kawangis ng tao, at taglay nila ang katotohanan. Lagi nilang nasasabi at nakikita ang mga bagay alinsunod sa katotohanan, at may prinsipyo sila sa lahat ng ginagawa nila; hindi sila sumasailalim sa impluwensiya ng sinumang tao o bagay, at lahat sila ay may sariling pananaw at kaya nilang panatilihin ang mga katotohanang prinsipyo. Ang kanilang disposisyon ay medyo matatag, hindi sila sala sa init at sala sa lamig, at anuman ang kanilang sitwasyon, nauunawaan nila kung paano isagawa nang wasto ang kanilang tungkulin at kung paano umasal na ikalulugod ng Diyos. Yaong nagbago ang mga disposisyon ay hindi nagtutuon ng pansin sa kung ano ang gagawin upang mapaganda ang kanilang mga sarili sa mababaw na antas—natamo nila ang panloob na kaliwanagan sa kung ano ang gagawin upang mapalugod ang Diyos. Sa panlabas, maaaring tila hindi sila ganoon kasigasig o parang hindi sila nakagawa ng anumang totoong dakila, ngunit ang lahat ng kanilang ginagawa ay makahulugan, mahalaga, at nagbubunga ng praktikal na mga resulta.

2 Yaong nagbago ang mga disposisyon ay nakatitiyak na magtataglay ng napakaraming katotohanan,at ito ay mapapatunayan sa pamamagitan ng kanilang mga pananaw sa mga bagay at sa kanilang mga maprinsipyong pagkilos. Yaong mga hindi nagtataglay ng katotohanan ay tiyak na hindi pa nagtamo ng anumang pagbabago sa disposisyon. Ang pinakamahalagang sangkap sa pagbabago ng disposisyon ay na nagbago na ang panloob na buhay ng isang tao. Ang katotohanang ipinahayag ng Diyos ang nagiging buhay nila mismo, ang napakasasamang lason sa kalooban ay naalis na, at ang kanilang mga pananaw ay ganap nang nagbago—at wala sa kanila ang nakaayon sa mga pananaw ng mundo. Nakikita ng mga taong ito nang malinaw ang mga pakana at lason ng malaking pulang dragon sa kung ano ang mga ito; naunawaan na nila ang tunay na esensya ng buhay. Nagbago na ang kanilang mga pinapahalagahan sa buhay—ito ang pinakapangunahing pagbabago, pati na ang esensya ng isang pagbabago ng disposisyon.

3 Nadarama ng mga nakaranas na ng pagbabago sa disposisyon na habang nabubuhay, dapat tuparin ng mga tao ang kanilang mga tungkulin bilang tao, sambahin ang Diyos, magpasakop sa Diyos, at palugurin ang Diyos; iniisip nila na ang mga ito ang bumubuo sa saligan ng pagiging tao, at kumakatawan sa isang tungkulin na alinsunod sa mga di-nababagong prinsipyo ng Langit at lupa. Kung hindi, hindi sila magiging karapat-dapat tawaging tao; ang kanilang mga buhay ay magiging hungkag at walang kahulugan. Pakiramdam nila ang mga tao ay dapat mabuhay upang palugurin ang Diyos, upang gampanan ang kanilang tungkulin nang mahusay, at mabuhay nang makahulugan upang kahit na sila’y mamatay, sila’y makakaramdam na nasisiyahan at hindi magkakaroon ng kahit katiting na panghihinayang—hindi sila nabuhay nang walang kabuluhan. Ang pinakasanhi ng isang pagbabago sa disposisyon sa buhay ng isa ay ang pagkakaroon ng katotohanan sa loob, at pagkakaroon ng pagkakilala sa Diyos; ang pananaw sa buhay ng isa ay nagbabago, at ang mga pinahahalagahan ay kaiba mula sa dati. Ang pagbabago ay nagsisimula sa loob, at mula sa buhay ng isa; tiyak na ito ay hindi lamang isang panlabas na pagbabago.

Hango sa Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ikatlong Bahagi

Sinundan: 713 Ang mga Katangian ng Pagbabago sa Disposisyon

Sumunod: 715 Ito ang Wangis ng Isang Tunay na Tao

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito