713 Ang mga Katangian ng Pagbabago sa Disposisyon

1 Ang mga pagbabago sa disposisyon ay may isang katangian. Iyon ay ang makayanang tanggapin ang katotohanan at magpasakop sa kung ano ang tama at naaayon sa katotohanan. Kahit sino ang nagbibigay sa iyo ng mga panukala—sila man ay bata o matanda, nagkakasundo man kayo—hangga’t may sinasabi sila na tama, at nakaayon sa katotohanan, at kapaki-pakinabang sa gawain ng pamilya ng Diyos, nakakaya mong ariin at tanggapin ito. Hindi ka naaapektuhan ng iba pang mga salik. Ito ang unang aspeto ng katangian. Ang isa pa ay na kapag nakatagpo ka ng isang suliranin nakakaya mong hanapin ang katotohanan. Kung nakatagpo ka ng isang bagong problema na walang sinumang nakakaarok, nakakaya mong hanapin ang katotohanan, tingnan kung ano ang dapat mong gawin upang iayon ang usapin sa mga prinsipyo ng katotohanan, at tugunan ang mga kinakailangan ng Diyos.

2 Bukod dito, ang isa pang aspeto ay ang pagtatamo ng kakayahang maging mapagsaalang-alang sa kalooban ng Diyos. Isakatuparan ang iyong tungkulin ayon sa kinakailangan ng Diyos, at isakatuparan ito upang bigyang-kasiyahan ang Diyos. Kailangan mong magawang kumilos nang may pananagutan at katapatan. Lahat ng ito ay mga paraan ng pagkakaroon ng konsiderasyon sa kalooban ng Diyos. Kung hindi mo alam kung paano maging mapagsaalang-alang sa kalooban ng Diyos sa bagay na iyong ginagawa, dapat maghanap ka para maisakatuparan iyan, at Siya’y mabigyang-kasiyahan. Kung maisasagawa ninyo ang tatlong prinsipyong ito, masusukat ang paraan na talagang namumuhay kayo ayon sa mga ito, at makasusumpong kayo ng isang paraan ng pagsasagawa, mapapamahalaan ninyo ang mga bagay-bagay sa maprinsipyong paraan. Anuman ang makaharap at anumang mga problema ang maranasan ninyo, kung kaya ninyong hanapin ang mga prinsipyo ng pagsasagawa, likas ninyong maisasagawa ang katotohanan.

Hango sa Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Sa Pagsasagawa Lamang ng Katotohanan Maiwawaksi ng Isang Tao ang mga Gapos ng Isang Tiwaling Disposisyon

Sinundan: 712 Mga Pagpapahayag ng mga Taong Nagbago ang Disposisyon

Sumunod: 714 Mabubuhay Yaong May Pagbabago sa Disposisyon na Kawangis ng Isang Tao

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

147 Awit ng Taos-pusong Pagkapit

ⅠNarito ang Isa, S’ya ay D’yos sa katawang-tao.Wika’t gawa N’ya, lahat katotohanan.Dunong N’ya at pagkamat’wid ay aking mahal.Nakita’t...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito