36. Pakikinig sa Tinig ng Diyos at Pagsalubong sa Panginoon

Ni Louis, Timog Korea

Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Maraming taong walang pakialam sa sinasabi Ko, ngunit nais Ko pa ring sabihin sa bawat tinatawag na banal na sumusunod kay Jesus na, kapag nakita ng sarili ninyong mga mata si Jesus na bumababa mula sa langit sakay ng puting ulap, ito ang magiging pagpapakita sa publiko ng Araw ng katuwiran. Marahil ay magiging panahon iyon ng matinding katuwaan sa iyo, subalit dapat mong malaman na ang sandali na nasasaksihan mong bumababa si Jesus mula sa langit ay ang sandali rin ng pagbaba mo sa impiyerno para maparusahan. Iyon ang magiging panahon ng pagwawakas ng plano ng pamamahala ng Diyos at ito ay kung kailan ginagantimpalaan ng Diyos ang mabubuti at pinarurusahan ang masasama. Sapagkat magwawakas na ang paghatol ng Diyos bago pa makakita ng mga tanda ang tao, kung kailan mayroon lamang pagpapahayag ng katotohanan. Yaong mga tumatanggap sa katotohanan at hindi naghahanap ng mga tanda, at sa gayon ay napadalisay na, ay nakabalik na sa harap ng luklukan ng Diyos at nakapasok na sa yakap ng Lumikha. Yaon lamang mga nagpupumilit sa paniniwala na ‘Ang Jesus na hindi nakasakay sa puting ulap ay isang huwad na Cristo’ ang sasailalim sa walang-hanggang kaparusahan, sapagkat naniniwala lamang sila sa Jesus na nagpapakita ng mga tanda, ngunit hindi kinikilala ang Jesus na nagpapahayag ng matinding paghatol at nagpapalabas ng tunay na daan at buhay. Kaya nga maaari lamang silang harapin ni Jesus kapag hayagan Siyang nagbabalik sakay ng puting ulap(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Kapag Namasdan Mo Na ang Espirituwal na Katawan ni Jesus, Napanibago na ng Diyos ang Langit at Lupa). Ipinahahayag ng mga salita ng Diyos na ang pinakamalaking pagkakamali ng mga nananalig sa pagsalubong sa Panginoon ay ang pagkapit sa mga salita ng Bibliya at paghihintay sa Kanyang bumalik sakay ng isang ulap gaya ng nasa imahinasyon nila. Kahit na narinig na nilang nagbalik na Siya, na nagpapahayag Siya ng mga katotohanan at gumagawa ng gawain ng paghatol sa mga huling araw, hindi sila nagsisiyasat o sumusubok na pakinggan ang tinig ng Diyos. Bunga nito, napapalampas nila ang kanilang pagkakataon na madala ng Panginoon sa kaharian ng langit. Kapag dumating ang araw na nakikita ng mga tao ang Panginoong Jesus na bumababa sakay ng ulap, nagawa na ang gawain ng paglilinis at pagliligtas sa sangkatauhan ng Diyos. Sila’y parurusahan, tatangis at magngangalit ang kanilang mga ngipin. Ang pagkapit sa kanilang sariling mga kuru-kuro at imahinasyon nang hindi hinahanap ang katotohanan o nakikinig sa tinig ng Diyos ay napakamapanganib! Dahil pinanghawakan ko ang ganitong klase ng mga kuru-kuro at imahinasyon, muntikan ko nang mapalampas ang pagkakataon kong masalubong ang Panginoon.

Isa akong dating mangangaral sa isang bahay-iglesia. Pagdating ng taong 1996, nakaramdam ako ng kahungkagan at hindi makakuha ng anumang panustos, kaya nagbiyahe ako nang madalas para makinig sa ibang mga sermon. Isang beses, narinig ko ang isang tao na nagsabi na pinatototohanan ng Kidlat ng Silanganan na nagbalik na sa katawang-tao ang Panginoong Jesus, na nagpapahayag Siya ng mga katotohanan at gumagawa ng gawain ng paghatol sa mga huling araw, at ang ilang kapatid ay sumali na sa Kidlat ng Silanganan. Nabigla talaga ako, at naisip ko, “Nagbalik na ang Panginoon? Paano iyon nangyari? Sabi sa Bibliya: ‘Kayong mga lalaking taga-Galilea, bakit kayo’y nakatayong nakatingala sa langit? Ang kaparehong Jesus na ito, na kinuha mula sa inyo patungong langit, ay paparitong gaya rin ng inyong nakitang pagparoon Niya sa langit’ (Mga Gawa 1:11). Ang Panginoon ay dapat bumalik bilang Kanyang muling nabuhay na espirituwal na katawan sakay ng ulap, na hayagang nagpapakita sa atin. Dahil hindi pa tayo nakakita ng ganoon, paano masasabi ninuman na nagbalik na Siya? Ang bahaging iyon tungkol sa gawain ng paghatol ng Diyos sa katawang-tao ay lalong hindi kapani-paniwala.” Kaya hindi ako nakinig o nagsiyasat sa mga sermon ng Kidlat ng Silanganan.

Isang araw, si Brother Weston, na mula sa aming simbahan, ay nag-anyaya ng dalawang ibang mangangaral. Sinabi niya na may kaliwanagan daw ng Banal na Espiritu ang mga sermon nila, at matututo kaming lahat. Nasabik ako kaya inimbita ko ang ibang mga kapatid. Sa pagtitipon, sina Sister Leila at Zoe ay iniugnay ang Bibliya sa pagbabahagi nila tungkol sa kahulugan ng gawain ng Diyos sa Kapanahunan ng Kautusan at Biyaya, at ang misteryo ng mga pangalan ng Diyos. Tinalakay nila kung paano tayo nabubuhay sa masamang siklo ng pagkakasala at pangungumpisal, kung paano tayo naging marumi at tiwali, at hindi marapat na makita ang Panginoon. Sinabi rin nila na nagpropesiya ang Bibliya na hahatulan at lilinisin ng Panginoon ang sangkatauhan sa pagbalik Niya sa mga huling araw para lutasin ang makasalanang kalikasan natin. Sa ganoong paraan lang tayo makakalaya sa kasalanan at magiging nararapat sa kaharian ng langit. Tulad ng sinabi ng Panginoong Jesus: “Mayroon pa Akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, ngunit ngayon ay hindi ninyo mangatitiis. Gayon ma’y kung Siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan Niya kayo sa buong katotohanan(Juan 16:12–13). “Sapagkat hindi Ako naparito upang humatol sa sanlibutan, kundi upang iligtas ang sanlibutan. Siya na nagtatakwil sa Akin, at hindi tumatanggap sa Aking mga salita, ay mayroong isang hahatol sa kanya: ang salitang Aking sinalita, ay siyang sa kanya’y hahatol sa huling araw(Juan 12:47–48). Lubos na nakapagbigay-liwanag ang pagbabahagi ng mga kapatid. Hindi pa ako nakarinig ng pagbabahaging gaya nito sa aking sampung taong pananampalataya. Kinailangan kong marinig ang iba pa, kaya inimbita ko sila sa bahay para magbahagi pa. Isang gabi, sinabi ni Leila ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, “Dumadagundong ang Pitong Kulog—Nagpopropesiya na ang Ebanghelyo ng Kaharian ay Lalaganap sa Buong Sansinukob.” Pinatotohanan niya na nagbalik na ang Panginoong Jesus bilang Makapangyarihang Diyos, Cristo ng mga huling araw. Partkular na nang narinig kong binanggit ng mga salita ng Diyos ang “kumikidlat mula sa Silangan patungong Kanluran,” napagtanto kong Kidlat ng Silanganan ito. Nabigla ako at nadismaya rin. Paano nangyari iyon? Noon lang ako nakarinig ng nakapagbibigay-liwanag na sermong gaya nito sa loob ng maraming taon. Natuwa ako, iniisip na nahanap ko na ang gawain ng Banal na Espiritu at nakamit na sa wakas ang pagtustos ng buhay na tubig. Hindi ko inakala kahit kailan na ito ang Kidlat ng Silanganan! Nasusulat sa Bibliya na babalik ang Panginoon na sakay ng ulap at upang diretso Niya tayong madala sa langit. Paano nila nasabing nagbalik na sa katawang-tao ang Panginoon? Ayoko nang makinig pa. Kung hahayaan ko silang iligaw ako, naisip kong mawawalan ng saysay ang maraming taon ko ng pananampalataya. Gusto ko na silang paalisin sa bahay ko. Pero gayunpaman, matapos ang dalawang linggo na kasama sila, nakita kong mabuting pagkatao talaga ang isinasabuhay nila. Panahon ng taglamig noon, napakaginaw, at pasado hatinggabi na. Naisip ko na sobrang hindi makatao kung paaalisin ko na lang sila basta. Talagang hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin. Nagtatalo nang husto ang loob ko—hindi ko alam kung ano ang kalooban ng Diyos. Nagdahilan ako para makabalik sa kwarto ko kung saan ay lumuhod ako sa harap ng Panginoon sa panalangin: “O Panginoon, talagang meron pong liwanag ang pagbabahagi ng mga sister na ito, pero takot akong mailigaw. Talagang naguguluhan po ako. Hindi ko po alam kung ano ang gagawin ko. Panginoon, gabayan Mo po ako.” Pagkatapos magdasal, naalala kong itinuro ng Panginoong Jesus na tratuhin ang mga tao nang may pagmamahal. Hindi naaayon sa kalooban ng Diyos kung basta ko na lang sila paaalisin. Kahit na hinayaan ko silang manatili, napakahirap para sa akin na harapin ang dalawang sister na iyon. Alam kong nakakapagbigay ng kaliwanagan ang pagbabahagi nila at galing ito sa gawain ng Banal na Espiritu, pero ang ibinahagi nila na nagbalik na ang Diyos sa katawang-tao ay lubos na salungat sa mga sarili kong kuru-kuro. Naisip ko na maaari ko silang tanungin at tingnan kung ano ang sasabihin nila. Kaya tinanong ko sila: “Pinatototohanan ninyo na nagbalik na ang Panginoong Jesus sa katawang-tao. Hindi ko talaga ito matatanggap. Malinaw na nasusulat sa Bibliya: ‘Kayong mga lalaking taga-Galilea, bakit kayo’y nakatayong nakatingala sa langit? Ang kaparehong Jesus na ito, na kinuha mula sa inyo patungong langit, ay paparitong gaya rin ng inyong nakitang pagparoon Niya sa langit’ (Mga Gawa 1:11). Ang espirituwal na katawan ng Panginoong Jesus ang umakyat sa langit pagkatapos ng muling pagkabuhay Niya, kaya ang espirituwal na katawan Niya dapat ang magbalik sakay ng ulap sa Kanyang pagbalik. Paano ninyo nasasabing nagbalik na Siya sa katawang-tao?”

Mapagpasensyang tumugon si Leila, “Maraming propesiya sa Bibliya tungkol sa pagbabalik sa katawang-tao ng Panginoon. Sinabi ng Panginoong Jesus: ‘Sapagkat gaya ng kidlat na kumikidlat sa silanganan, at nakikita hanggang sa kanluran; gayon din naman ang pagparito ng Anak ng tao(Mateo 24:27). ‘Kayo rin ay magsihanda; sapagkat paririto ang Anak ng tao sa oras na hindi ninyo iniisip(Mateo 24:44). ‘Sapagkat gaya ng kidlat, na pagkislap buhat sa isang panig ng silong ng langit, ay nagliliwanag hanggang sa kabilang panig ng silong ng langit; gayon din naman ang Anak ng tao sa Kanyang kaarawan. Datapuwat kailangan muna Siyang magbata ng maraming bagay at itakwil ng lahing ito(Lucas 17:24–25). Sa mga propesiya ng Panginoong Jesus tungkol sa Kanyang pagbabalik, binanggit Niya nang ilang ulit ang ‘ang Anak ng tao ay darating,’ ‘ang pagparito ng Anak ng tao,’ at ‘ang Anak ng tao sa Kanyang kaarawan.’ Ang ‘ang Anak ng tao’ ay Siyang isinilang bilang tao at may normal na pagkatao. Kung Siya ay nasa espirituwal na anyo, hindi Siya matatawag na Anak ng tao. Nasa anyong espiritu ang Diyos na Jehova, kaya hindi Siya pwedeng tawaging Anak ng tao. Espiritu ang mga anghel, kaya hindi sila maaaring tawaging Anak ng tao. Tinawag na Cristo ang Panginoong Jesus, ang Anak ng tao, dahil Siya ay Espiritu ng Diyos na nagkatawang-tao, at Siya ang Anak ng tao na mayroong normal na pagkatao. Kaya nang sinabi ng Panginoong Jesus na ‘ang pagparito ng Anak ng tao’ at ‘ang Anak ng tao’y darating,’ tumutukoy ito sa pagbabalik ng Panginoon sa katawang-tao sa mga huling araw.”

Tapos, sinabi ni Zoe, “Nagpropesiya ang Panginoong Jesus tungkol sa Kanyang pagbabalik: ‘Datapuwat kailangan muna Siyang magbata ng maraming bagay at itakwil ng lahing ito.’ Nagpakita na ang Diyos at isinasagawa ang Kanyang gawain sa katawang-tao bilang ang Anak ng tao sa mga huling araw. Tulad lamang ng Panginoong Jesucristo, sa panlabas, ang hitsura Niya ay tulad ng isang karaniwang anak ng tao. Hindi Siya nakikilala ng mga tao bilang Cristo at tinatrato lang Siya bilang karaniwang tao. Ang mga nasa mundo ng relihiyon at ang mga kabahagi ng rehimen ni Satanas ay partikular din na sumasama sa pagkondena at paglaban kay Cristo ng mga huling araw. Perpekto nitong tinutupad ang propesiya ng Panginoon: ‘Datapuwat kailangan muna Siyang magbata ng maraming bagay at itakwil ng lahing ito.’ Kung katulad ito ng mga ideya ng tao at dumating ang Panginoon sa mga huling araw sa Kanyang espirituwal na anyo, maluwalhating nagpapakita na sakay ng isang ulap at hayagang ipinapakita ang Kanyang sarili sa lahat ng mga tao, magpapatirapa ang lahat ng tao sa harap Niya, yuyuko at sasambahin Siya, at walang lalaban sa Kanya. Kung gayon, paano matutupad ang propesiyang ito?”

Tumulong ito sa akin na maunawaan na kung direktang nagpakita ang Panginoon sa mga huling araw sa espirituwal Niyang anyo, ang lahat ng nakakita sa Kanya ay bubuwal sa lupa, at walang sinuman ang magtatangkang lumaban sa Kanya. Kung ganoon ang propesiyang: “Datapuwat kailangan muna Siyang magbata ng maraming bagay at itakwil ng lahing ito,” ay hindi maaaring matupad. Naisip ko kung paanong pinatototohanan ng Kidlat ng Silanganan na nagbalik na ang Panginoong Jesus at ang mundo ng relihiyon at ang pamahalaang CCP ay ginagawa ang lahat para labanan at kondenahin ito. Hindi ba’t tinutupad nito ang propesiya ng Panginoon na tatanggihan Siya ng henerasyong ito? Posible kayang ang Makapangyarihang Diyos ay ang nagbalik na Panginoong Jesus? Ipinropesiya talaga sa Bibliya ang pagdating ng Anak ng tao, pero mayroon pa ring ilang bagay na hindi ko nauunawaan. Sinabi rin ng Panginoon: “Narito, Siya’y pumaparitong nasasa mga alapaap; at makikita Siya ng bawat mata, at ng nangagsiulos sa Kanya; at ang lahat ng mga angkan sa lupa ay magsisitaghoy dahil sa Kanya(Pahayag 1:7). Napaisip ako kung paano matutupad ang propesiyang iyon kung totoong nagbalik ang Panginoon sa katawang-tao bilang ang Anak ng tao. Kaya sinabi ko sa kanila ang tungkol sa kalituhan ko.

Ibinigay ni Leila ang pagbabahaging ito: “Matapat ang Panginoon. Ang bawat salita Niya ay matutupad. Mangyayari ito sa tamang panahon. Napakaraming mga biblikal na propesiya patungkol sa pagbabalik ng Panginoon. Bukod sa pagdating Niya sakay ng ulap, may mga propesiya rin tungkol sa pagkakatawang-tao Niya at pagdating nang palihim. Halimbawa, sinabi ng Panginoon: ‘At pagkahating gabi ay may sumigaw, “Narito, ang kasintahang lalaki! Magsilabas kayo upang salubungin Siya”(Mateo 25:6). ‘Ngunit tungkol sa araw at oras na yaon walang makakaalam, kahit ang mga anghel sa langit, kahit ang Anak, kundi ang Ama lamang(Mateo 24:36). At may propesiya sa Pahayag: ‘Narito, Ako’y pumaparitong gaya ng magnanakaw(Pahayag 16:15). Sa mga propesiyang bumabanggit ng ‘gaya ng magnanakaw,’ ‘pagkahating gabi ay may sumigaw,’ at ‘walang makakaalam,’ ang tinutukoy Niya ay ang pagbabalik Niya nang palihim. Nagbabalik ang Panginoon sa dalawang magkaibang paraan sa mga huling araw. Palihim Siyang nagkakatawang-tao bilang ang Anak ng tao, at hayagan din Siyang dumarating sakay ng ulap. Ibig sabihin, una Siyang dumarating sa katawang-tao sa palihim na paraan upang magpahayag ng katotohanan at hatulan at linisin ang sangkatauhan, at gumawa ng isang grupo ng mananagumpay bago ang mga sakuna. Sa sandaling matapos ng Diyos sa katawang-tao ang Kanyang gawain ng pagliligtas sa sangkatauhan nang palihim, mangyayari na ang mga sakuna at gagantimpalaan Niya ang mabuti at parurusahan ang masama. Saka lang hayagang darating ang Diyos na sakay ng ulap, inihahayag ang Kanyang sarili sa lahat ng mga bansa at tao. Doon na lubos na matutupad ang propesiya ng hayagang pagdating ng Panginoon. Ang lahat ng tumatanggap sa gawain ng paghatol ng Makapangyarihang Diyos, na nalinis sa kanilang tiwaling disposisyon ang poprotektahan ng Diyos at ililigtas mula sa mga sakuna. Papasok sila sa kaharian ng Diyos. Pero ang mga tumatanggi sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, na ginagawa ang lahat para labanan at kondenahin ito, ay parurusahan sa mga sakuna, tatangis at magngangalit ang kanilang mga ngipin. Ito ang tutupad sa propesiyang ito sa Pahayag: ‘Narito, Siya’y pumaparitong nasasa mga alapaap; at makikita Siya ng bawat mata, at ng nangagsiulos sa Kanya; at ang lahat ng mga angkan sa lupa ay magsisitaghoy dahil sa Kanya(Pahayag 1:7).” Tapos, binasa niya ang isang sipi ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos para sa akin: “Maraming taong walang pakialam sa sinasabi Ko, ngunit nais Ko pa ring sabihin sa bawat tinatawag na banal na sumusunod kay Jesus na, kapag nakita ng sarili ninyong mga mata si Jesus na bumababa mula sa langit sakay ng puting ulap, ito ang magiging pagpapakita sa publiko ng Araw ng katuwiran. Marahil ay magiging panahon iyon ng matinding katuwaan sa iyo, subalit dapat mong malaman na ang sandali na nasasaksihan mong bumababa si Jesus mula sa langit ay ang sandali rin ng pagbaba mo sa impiyerno para maparusahan. Iyon ang magiging panahon ng pagwawakas ng plano ng pamamahala ng Diyos at ito ay kung kailan ginagantimpalaan ng Diyos ang mabubuti at pinarurusahan ang masasama. Sapagkat magwawakas na ang paghatol ng Diyos bago pa makakita ng mga tanda ang tao, kung kailan mayroon lamang pagpapahayag ng katotohanan. Yaong mga tumatanggap sa katotohanan at hindi naghahanap ng mga tanda, at sa gayon ay napadalisay na, ay nakabalik na sa harap ng luklukan ng Diyos at nakapasok na sa yakap ng Lumikha. Yaon lamang mga nagpupumilit sa paniniwala na ‘Ang Jesus na hindi nakasakay sa puting ulap ay isang huwad na Cristo’ ang sasailalim sa walang-hanggang kaparusahan, sapagkat naniniwala lamang sila sa Jesus na nagpapakita ng mga tanda, ngunit hindi kinikilala ang Jesus na nagpapahayag ng matinding paghatol at nagpapalabas ng tunay na daan at buhay. Kaya nga maaari lamang silang harapin ni Jesus kapag hayagan Siyang nagbabalik sakay ng puting ulap. Masyado silang sutil, masyadong tiwala sa kanilang sarili, masyadong mapagmataas. Paano gagantimpalaan ni Jesus ang gayong kababang-uri? Ang pagbabalik ni Jesus ay isang dakilang kaligtasan para sa mga may kakayahang tanggapin ang katotohanan, ngunit para sa mga hindi nagagawang tanggapin ang katotohanan, ito ay isang tanda ng pagsumpa. Dapat ninyong piliin ang sarili ninyong landas, at hindi ninyo dapat lapastanganin ang Banal na Espiritu at tanggihan ang katotohanan. Hindi kayo dapat maging mangmang at mapagmataas, kundi isang taong sumusunod sa patnubay ng Banal na Espiritu at nananabik at naghahanap sa katotohanan; sa ganitong paraan lamang kayo makikinabang(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Kapag Namasdan Mo Na ang Espirituwal na Katawan ni Jesus, Napanibago na ng Diyos ang Langit at Lupa).

Biglang namulat ang mga mata ko. Nakita kong may mga yugto ang pagbabalik ng Panginoon. Una, nagkakatawang-tao Siya, at nagsasalita at gumagawa nang palihim, at pagkatapos, dumarating Siya nang hayagan sakay ng ulap, nagpapakita sa lahat ng tao. Nakita kong nilimitahan ko ang pagdating ng Panginoon sa huling paraan lamang dahil sa mga kuru-kuro ko at mga haka-haka. Ang ideya na hindi siya maaaring dumating sa katawang-tao ay mali. Hindi ko ito dapat patuloy na igiit. Naisip ko ang mga salitang ito ng Panginoon Jesus: “Sapagkat ang bawat humihingi ay tumatanggap; at ang humahanap ay nakasusumpong; at ang tumutuktok ay pinagbubuksan(Mateo 7:8). Ngayong nahaharap sa pagbabalik ng Panginoon, kailangan kong magkaroon ng may-takot-sa-Diyos na puso at seryosong nagsisiyasat dito para maabot ang kalooban ng Panginoon. Kung hindi, siguro ay aalisin ako ng Panginoon!

Tapos tinanong ko sila, “Yamang nagkakatawang-tao muna ang Panginoon para gumawa nang palihim sa Kanyang pagbabalik, papaano tayo nakakasiguro na ang Makapangyarihang Diyos ang Diyos na nagkatawang-tao, ang Cristo ng mga huling araw?” Napakasayang sumagot ni Leila, “Sa loob ng ilang libong taon, walang sinumang nakaunawa sa mga hiwaga, sa mga katotohanan kung ano ang pagkakatawang-tao at kung paano natin makikilala ang Diyos sa katawang-tao. Ibinunyag ngayon ng Makapangyarihang Diyos ang mga misteryo at katotohanang ito sa atin.” Tapos binasa niya ang ilang sipi ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos sa akin: “Ang ‘pagkakatawang-tao’ ay ang pagpapakita ng Diyos sa katawang-tao; gumagawa ang Diyos sa gitna ng nilikhang sangkatauhan sa larawan ng katawang-tao. Kaya para magkatawang-tao ang Diyos, kailangan muna Siyang magkaroon ng katawang-tao, katawang-taong may normal na pagkatao; ito ang pinakapangunahing kinakailangan. Sa katunayan, ang implikasyon ng pagkakatawang-tao ng Diyos ay na ang Diyos ay buhay at gumagawa sa katawang-tao, na ang Diyos sa Kanyang pinakadiwa ay nagkatawang-tao, naging isang tao(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Diwa ng Katawang-taong Tinatahanan ng Diyos). “Ang pagkakatawang-tao ay nangangahulugan na ang Espiritu ng Diyos ay nagiging isang tao, ibig sabihin, ang Diyos ay nagiging tao; ang gawaing ginagawa ng tao ay ang gawain ng Espiritu, na nagiging totoo sa katawang-tao, ipinapahayag ng tao. Walang sinuman maliban sa laman ng Diyos ang makakatupad sa ministeryo ng nagkatawang-taong laman ng Diyos; ibig sabihin, tanging ang nagkatawang-taong laman ng Diyos, ang normal na pagkataong ito—at wala nang iba—ang maaaring magpahayag ng banal na gawain(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Diwa ng Katawang-taong Tinatahanan ng Diyos). “Tinatawag na Cristo ang Diyos na nagkatawang-tao, at si Cristo ay ang katawang-taong isinuot ng Espiritu ng Diyos. Hindi katulad ng sinumang tao sa laman ang katawang-taong ito. Ang kaibhang ito ay dahil hindi sa laman at dugo si Cristo; Siya ay ang pagkakatawang-tao ng Espiritu. Siya ay kapwa may normal na pagkatao at ganap na pagka-Diyos. Hindi taglay ng sinumang tao ang pagka-Diyos Niya. Ang normal na pagkatao Niya ang nagpapanatili sa lahat ng normal na gawain Niya sa katawang-tao, habang isinasakatuparan ng pagka-Diyos Niya ang gawain ng Diyos Mismo(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Diwa ni Cristo ay ang Pagsunod sa Kalooban ng Ama sa Langit). “Siya na Diyos na nagkatawang-tao ay magtataglay ng diwa ng Diyos, at Siya na Diyos na nagkatawang-tao ay magtataglay ng pagpapahayag ng Diyos. Dahil ang Diyos ay naging tao, ilalahad Niya ang gawaing layon Niyang gawin, at dahil ang Diyos ay naging tao, ipapahayag Niya kung ano Siya, at magagawa Niyang ihatid ang katotohanan sa tao, pagkalooban siya ng buhay, at ituro ang daan para sa kanya. Ang katawang-tao na walang diwa ng Diyos ay tiyak na hindi ang Diyos na nagkatawang-tao; walang duda ito. Kung layon ng tao na magsiyasat kung ito ang katawang-tao ng Diyos, kailangan niyang patunayan ito mula sa disposisyon na Kanyang ipinapahayag at sa mga salitang Kanyang sinasambit. Ibig sabihin, patunayan kung ito nga ang katawang-tao ng Diyos o hindi, at kung ito nga ang tunay na daan o hindi, kailangan itong matukoy batay sa Kanyang diwa. Kaya nga, sa pagtukoy kung ito ang katawan ng Diyos na nagkatawang-tao, ang sagot ay nasa Kanyang diwa (Kanyang gawain, Kanyang mga pagbigkas, Kanyang disposisyon, at maraming iba pang aspeto), sa halip na sa panlabas na anyo. Kung ang susuriin lamang ng tao ay ang Kanyang panlabas na anyo, at dahil dito ay hindi napansin ang Kanyang diwa, ipinapakita niyan na ang tao ay mangmang at walang alam(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Paunang Salita).

Nagpatuloy si Leila sa kanyang pagbabahagi matapos basahin ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos: “Si Cristo ay ang Diyos sa katawang-tao. Siya ang Espiritu ng Diyos na may katawan at naging isang karaniwang tao, gumagawa at bumibigkas ng salita kasama ng tao. Ang nagkatawang-taong Diyos ay kamukha ng isang karaniwang tao, hindi mataas o mahiwaga. Taglay Niya ang lahat ng katwiran, pag-iisip, at emosyon ng isang normal na tao. Siya ay kumakain, natutulog, at nagsusuot ng damit tulad ng isang karaniwang tao, at Siya ay naninirahang kasama ng mga tao at nakikipag-ugnayan sa kanila sa napakatotoong paraan. Pero bukod sa karaniwang pagkatao, nagtataglay rin Siya ng isang banal na diwa, na wala sa mga tao. Ito ang dahilan kaya kayang gawin ni Cristo ang sariling gawain ng Diyos. Kaya Niyang tapusin ang lumang panahon at magsimula ng bago. Ang diwa Niya ay ang katotohanan, ang daan, at ang buhay. Kaya Niyang ipahayag ang katotohanan, at gabayan at suportahan ang mga tao anumang lugar, anumang oras—kaya Niya tayong bigyan ng landas sa pagsasagawa. Nakakapagbunyag din si Cristo ng mga misteryo, nakakapagpahayag ng disposisyon ng Diyos, ng kung ano ang mayroon at kung ano Siya, at ng kanyang pagiging makapangyarihan at karunungan. Kayang tuparin ng mga salita ni Cristo ang lahat. Walang tao ang makakagawa nito. Katulad ang hitsura ng Panginoong Jesus sa isang karaniwang tao, pero meron Siyang banal na diwa. Ang pagpapakita at gawain Niya ang nagsimula ng Kapanahunan ng Biyaya at tumapos sa Kapanahunan ng Kautusan. Nagpahayag Siya ng katotohanan, nagbigay sa atin ng daan ng pagsisisi, at pinatawad ang ating mga kasalanan. Siya ay mapagparaya at mapagpasensya, at sinabihan tayo na magpatawad nang makapitongpung pitong beses. Ipinakita Niya ang maawaing disposisyon at ang mapagmahal na kabaitan ng Diyos. Nagpakita rin Siya ng maraming tanda at kababalaghan habang gumagawa Siya, gaya ng pagpapagaling sa bulag, pagpapalakad sa lumpo, pagpapakalma ng karagatan sa pamamagitan ng isang salita, pagpapabangon sa patay, pagpapakain ng 5,000 tao gamit ang limang tinapay at dalawang isda, at marami pang iba. Ganap nitong inihayag ang awtoridad at kapangyarihan ng Diyos. Ang gawain at mga salita ng Panginoong Jesus at ang disposisyong ipinahayag Niya ay sapat na katibayan na talagang Siya ang Diyos sa katawang-tao. Ang Diyos lang ang nakakapagpahayag ng katotohanan, may kakayahang tapusin ang lumang kapanahunan at nakakapagsimula ng bagong kapanahunan, nakakapagpahayag sa disposisyon ng Diyos at ang karunungan ng Kanyang gawain. Maliban kay Cristo, wala nang makakapagpahayag ng katotohanan, makapagpapahayag kung ano ang mayroon ang Diyos at kung ano ang Diyos, o makakukumpleto sa sariling gawain ng Diyos. Sa ganitong paraan natin matutukoy kung talagang ang Makapangyarihang Diyos ang Diyos sa katawang-tao, ang Cristo ng mga huling araw. Hindi ito batay sa Kanyang hitsura, kung sa anong uri ng pamilya Siya isinilang, ano ang katayuan Niya sa lipunan, o kung Siya ay may anumang kasikatan. Walang mahalaga sa mga ito. Ang pinakamahalaga ay ang paghahanap at pagsisiyasat sa gawain at mga salita ng Makapangyarihang Diyos, tinitingnan kung ipinapahayag Niya ang katotohanan at disposisyon ng Diyos, kung ginagawa Niya ang gawain ng Diyos para mailigtas ang sangkatauhan, kung gayon kahit na mukhang napakakaraniwan Niya at walang anumang partikular na katayuan o kapangyarihan, at sa kabila ng mga pagkondena at pagtanggi ng mga tao, Siya ang Diyos sa katawang-tao. Siya si Cristo.”

Sa pamamagitan ng pagbabahagi niya, mas naunawaan kong ang Diyos sa katawang-tao ay nakakapagpahayag ng katotohanan at nakakagawa ng gawain ng Diyos. Iyon lamang ang tanging batayan sa pagtukoy kung ang isang tao ay si Cristo. Ipinagpatuloy ni Zoe ang pagbabahagi: “Sa pagkumpirma kung ang Makapangyarihang Diyos ang Diyos sa katawang-tao, hindi tayo maaaring tumingin lang sa hitsura. Dapat tayong makatiyak mula sa mga salita Niya, sa Kanyang gawain, at sa disposisyong ipinapahayag Niya. Sa mga huling araw, ipinapahayag ng Makapangyarihang Diyos ang mga katotohanan at ginagawa ang gawain ng paghatol mula sa sambahayan ng Diyos sa pundasyon ng gawain ng pagtubos ng Panginoong Jesus. Tinapos Niya ang Kapanahunan ng Biyaya at sinimulan ang Kapanahunan ng Kaharian. Milyun-milyong salita na ang binigkas ng Makapangyarihang Diyos. Inilantad Niya ang misteryo ng anim na libong taong plano ng pamamahala ng Diyos, ang misteryo ng Kanyang tatlong yugto ng gawain, ang misteryo ng pagkakatawang-tao ng Diyos, at ang napapaloob na kuwento ng Bibliya. Inihayag Niya kung paano ginagawang tiwali ni Satanas ang sangkatauhan, kung paano sila inililigtas ng Diyos, kung paano ginagawa ng Diyos ang gawain ng paghatol at paglilinis ng mga tao sa mga huling araw, kung paano Niya pinaghihiwa-hiwalay ang mga tao ayon sa uri nila at itinatakda ang katapusan at hantungan ng mga tao, at iba pa. Ipinapahayag ng Makapangyarihang Diyos ang disposisyon Niyang higit sa lahat ay matuwid, hinahatulan at inilalantad ang satanikong kalikasan nating lumalaban sa Diyos at ang mga tiwali nating disposisyon. Ipinapakita Niya sa atin ang landas para maitakwil ang kasalanan at malinis rin.” Ibinahagi rin ni Zoe ang sarili niyang karanasan nang mahatulan at makastigo siya sa pamamagitan ng mga salita ng Diyos. Sabi niya, “Hindi ko nakita kung gaano ako kayabang, kamakasarili, at katuso hanggang sa hinatulan, kinastigo, sinubok, pinino, iwinasto at tinabasan ako gamit ang mga salita ng Diyos. Nanampalataya ako at ginugol ang aking sarili sa Diyos, pero nagkakasala pa rin ako at lumalaban sa Diyos sa lahat ng oras dahil sa aking satanikong kalikasan. Halimbawa, lagi kong gustung-gusto magpakitang-gilas at tingalain ng mga tao. Mapagmataas kong pinagagalitan ang iba at ipinagagawa sa kanila ang sinabi ko. Nagsinungaling ako at nanlinlang ng iba upang protektahan ang sarili kong reputasyon at katayuan. Bukod dito ay marami pang iba. Sa pamamagitan ng paghatol at pagkastigo ng mga salita ng Diyos, nakita ko na namumuhay ako batay sa aking satanikong disposisyon at ako ay lubos na walang wangis ng tao. Natanto ko rin na ang matuwid Niyang disposisyon ay hindi nagkukunsinti sa anumang pagkakasala at nagsimula akong magkaroon ng takot sa Kanya sa puso ko. Nagkaroon din ako ng pagsisisi at pagkamuhi sa sarili, at nagsimula akong magtuon sa pagsasagawa ng katotohanan para malutas ang aking satanikong disposisyon at tunay na nagsisi sa Diyos. Nagkaroon ng unti-unting pagbabago sa tiwaling disposisyon ko. Ang mga naisakatuparan ng gawain at mga salita ng Makapangyarihang Diyos ay sapat na para makasiguro tayo na Siya nga ang Diyos na nagkatawang-tao, na Siya ang Cristo ng mga huling araw.”

Naliwanagan ang puso ko dahil sa pagbabahagi ng mga sister. Nakita ko na ang susi sa pagkumpirma ng pagpapakita ng Anak ng tao, at ng pagkumpirma na Siya ang Cristo sa katawang-tao, ay ang makita kung naipapahayag Niya ang mga salita at disposisyon ng Diyos, at kung kaya Niyang isagawa ang pagtapos sa lumang kapanahunan at simulan ang panibago. Napakaraming katotohanan na ang ipinahayag ng Makapangyarihang Diyos at ginagawa Niya ang gawain ng paghatol at paglinis ng sangkatauhan. Sinimulan Niya ang Kapanahunan ng Kaharian at tinapos ang Kapanahunan ng Biyaya. Siguradong ang kahulugan niyon ay Siya si Cristo, ang nagbalik na Panginoon! Hindi ko naunawaan ang katotohanan noon. Bulag lang akong naghintay sa pagdating ng Panginoon na nasa espirituwal na anyo na sakay ng ulap at pagkatapos ay dadalhin ang mga nananalig paitaas sa kaharian ng langit, kaya hindi ako nag-abalang maghanap o magsiyasat nang narinig kong nagbalik na Siya. Muntik ko nang mapalagpas ang pagkakataon na muling makasama ang Panginoon. Napakahangal ko talaga!

Pagkatapos niyon, buong sigasig kong binasa ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos. Marami akong nalamang katotohanan at misteryo na hindi ko naunawaan noon, at ganap na nakatiyak na ang Makapangyarihang Diyos ang nagbalik na Panginoong Jesus! Ibinahagi ko ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw sa mahigit na 100 kapatid na may kaugnayan sa akin. Nang mabasa nila ang mga salita Niya at narinig ang tinig Niya, naantig sila at nag-iyakan sa kaligayahan. Bumaling sila sa Makapangyarihang Diyos, at tinanggap ang gawain Niya sa mga huling araw, at dumalo sa piging ng Kordero!

Sinundan: 35. Isang Buhay na nasa Bingit

Sumunod: 37. Ang Nasa Likod ng Hindi Pagkakaroon ng Paninindigan

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

44. Nakauwi na Ako

Ni Chu Keen Pong, Malaysia Mahigit isang dekada akong nanalig sa Panginoon at naglingkod sa iglesia nang dalawang taon, at pagkatapos ay...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito