10 Kaharian ni Cristo’y Nasa mga Tao Na
Ⅰ
Diyos na nagkatawang-tao nagpapakita sa Silangan,
tulad ng Araw ng katuwiran.
Kita na ng tao tunay na liwanag.
Diyos na matuwid, maringal, mapagmahal, maawain,
mapagkumbabang dumarating sa mga tao,
nagpapahayag ng katotohana’t gumagawa sa kanila,
ang Diyos ay nasa ating harapan!
Buong mundo, nagagalak at masaya!
Tabernakulo Niya’y nasa tao na.
Mundo’y natutuwa’t sumasamba!
Tinutupad kalooban N’ya. Kaharian ni Cristo’y nasa lupa na.
Ⅱ
Nakita na natin ang Diyos na ating kinauhawan.
Hinahanap natin katotohana’t liwanag,
dumating na ang mga ito sa tao.
Mahal mo ang Diyos tulad ko, maliligtas na ang tao.
Tao’y sumusunod, mga bansa’y sumasamba sa Kanya.
Makapangyarihang Diyos dala’y katotohana’t paghatol,
ipinapakita, matwid Niyang disposisyon.
Buong mundo, nagagalak at masaya!
Tabernakulo Niya’y nasa tao na.
Mundo’y natutuwa’t sumasamba!
Tinutupad kalooban N’ya. Kaharian ni Cristo’y nasa lupa na.
Ⅲ
Sa paghatol, pagkastigo, pagsubok ng Kanyang salita,
grupo ng mananagumpay Kanyang nililikha.
Mga salita Niyang maringal, hinahatula’t dinadalisay ang tao,
winawasak panahon ng kadiliman Naghahari ang katuwiran!
Buong mundo, nagagalak at masaya!
Tabernakulo Niya’y nasa tao na.
Mundo’y natutuwa’t sumasamba!
Tinutupad kalooban N’ya. Kaharian ni Cristo’y nasa lupa na.