596 Dapat Mapanindigan ng Tao ang Kanyang Tungkulin

I

Mahirap sumulong sa landas na ito

kung tao’y walang anumang tiwala.

Ngayon ay malinaw sa lahat

na ang gawain ng Diyos

at mga kuru-kuro ng tao’y

‘di tumutugma sa isa’t isa.

Maraming salita na ang nasabi ng Diyos

at marami na Siyang nagawang gawain;

ang mga ito’y ‘di tugma

sa mga kuru-kuro ng tao.


Kinakailangan nito ang tao na

magkaroon ng tiwala’t determinasyon,

upang mapanindigan nila

ang mga nakita’t nakamit nila

sa karanasan nila.


Anuman ang gawin ng Diyos sa tao,

dapat nilang panindigan ang taglay nila,

at maging tapat sa harap ng Diyos,

at manatiling tapat sa Kanya

hanggang sa pinakahuli.

‘Yon ang tungkulin ng sangkatauhan.

Dapat panindigan ng mga tao’ng

dapat nilang gawin.


II

Kinakailangan sa pananalig sa Diyos

ang pagsunod at pagdanas ng gawain Niya.

Marami na’ng naisasagawa ng Diyos;

masasabi na para sa mga tao

lahat ng ito’y pagpeperpekto, pagpipino,

at higit pa ro’n, pagkastigo.

Wala ni isang hakbang ng gawain ng Diyos

ang nakaaayon sa kuru-kuro ng tao.


Ang tinatamasa ng tao

ay malulupit na salita ng Diyos.

Pagdating Niya, ang dapat nilang tamasahin ay

poot at pagiging maharlika Niya.

Ngunit ga’no man kalupit ang mga salita Niya,

nililigtas Niya’t pineperpekto ang tao.


Anuman ang gawin ng Diyos sa tao,

dapat nilang panindigan ang taglay nila,

at maging tapat sa harap ng Diyos,

at manatiling tapat sa Kanya

hanggang sa pinakahuli.

‘Yon ang tungkulin ng sangkatauhan.

Dapat panindigan ng mga tao’ng

dapat nilang gawin.


Bilang nilalang,

dapat gampanan ng tao’ng tungkuling

dapat nilang tuparin,

at tumayong saksi para sa Diyos

sa gitna ng pagpipino,

naninindigan sa patotoong dapat nilang ibigay,

at dapat ‘tong maging isang matunog na patotoo

sa bawat pagsubok.

Ito ang pagiging isang

mananagumpay, mananagumpay.


Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Dapat Mong Panatilihin ang Iyong Katapatan sa Diyos

Sinundan: 595 Tanging Pagtupad sa Iyong Tungkulin ang Makakapagpasiya sa Diyos

Sumunod: 597 Gampanan Mo ang Tungkulin Mo at Tatayo Kang Saksi

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito