56 Ang Gawain ng Paghatol ay ang Linisin ang Katiwalian ng Tao

I

Bago ang tao’y natubos,

lason ni Satanas sa kanya’y natanim na.

Matapos ang libu-libong taon,

tao’y nadungisang lubos; likas na’ng

lumaban sa Diyos.

Kaya, nang siya’y tinubos, ito’y pagtubos lang

kung sa’n siya’y nabili sa mataas na halaga,

ngunit lason sa kanyang kalikasan

ay ‘di pa naaalis.

Tao’y kay dungis at siya’y dapat magbago

bago maging karapat-dapat maglingkod sa Diyos.


Sa gawain ng pagkastigo’t paghatol,

tao’y malalamang lubos

na maruming diwa’t katiwalian

ay umiiral sa kanya,

kaya niyang ganap na magbago,

at maging malinis.

Sa gayon, magiging karapat-dapat

siyang humarap sa trono ng Diyos,

sa trono ng Diyos.


II

Sa gawain ngayon

ng pagkastigo’t paghatol at pati pagpipino,

tao’y mababago,

malilinis niya’ng katiwalian niya’t

magagawang dalisay.

Yugto ng gawain ngayo’y

‘di lang pagliligtas kundi paglilinis.

Ito’y panlulupig din,

ikalawang yugto ng pagliligtas,

na tao’y nakakamit sa paghatol.

Gamit ang salita para maghatol,

magpino’t maghayag,

ang karumihan, kuru-kuro, motibo, at ambisyon

sa puso ng tao ay naibunyag lahat.


Sa gawain ng pagkastigo’t paghatol,

tao’y malalamang lubos

na maruming diwa’t katiwalian

ay umiiral sa kanya,

kaya niyang ganap na magbago,

at maging malinis.

Sa gayon, magiging karapat-dapat

siyang humarap sa trono ng Diyos,

sa trono ng Diyos.


III

Kahit tao’y natubos na’t kasalana’y napatawad,

‘pagkat ‘di lang ‘to pinapansin ng Diyos,

ngunit tao’y nabubuhay sa laman,

‘di matigil ang pagkakasala.

Paulit-ulit, ihahayag niya ang tiwali’t

satanikong disposisyon.

Karamihan ng tao sa araw ay nagkakasala,

para lang sa gabi’y mangumpisal.


Mabisa man sa tao ang

handog para sa kasalanan,

‘di siya nito maliligtas sa kasalanan.

Kalahati lang ng pagliligtas ang natatapos,

‘pagkat tao’y tiwali pa rin.


Sa gawain ng pagkastigo’t paghatol,

tao’y malalamang lubos

na maruming diwa’t katiwalian

ay umiiral sa kanya,

kaya niyang ganap na magbago,

at maging malinis.

Sa gayon, magiging karapat-dapat

siyang humarap sa trono ng Diyos,

sa trono ng Diyos.


Tao’y hirap mabatid kasalanan niya;

‘di niya makita’ng ugat ng kalikasan niya.

Umasa dapat siya sa paghatol ng salita

nang resultang ito’y makamit niya.

Sa gayon lang tao’y mababago

mula sa puntong ito.


Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao 4

Sinundan: 55 Hinahatulan at Nililinis ng Diyos ang Tao sa mga Salita sa mga Huling Araw

Sumunod: 57 Tanggapin ang Paghatol ni Cristo ng mga Huling Araw Upang Mapadalisay

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito