72. Sa Likod ng Paghahangad na Maging Lider

Ni Su Wei, Tsina

Pagkatapos kong manampalataya sa Diyos, nakita ko na madalas makipagbahaginan ang mga lider ng iglesia sa mga kapatid para lutasin ang mga kalagayan nila. Ang ilan sa kanila ay may kakayahan at mga kaloob, at ang ilan naman ay may kakayahang tumalikod at gumugol. Naniwala ako na ang mga ganoong tao ay tiyak na sinasang-ayunan ng Diyos at may pag-asang maligtas. Noong Marso 2021, nahalal ako bilang lider sa iglesia. Tuwang-tuwa ako sa kalooban ko, at inisip kong kung magpapatuloy akong maghangad sa ganitong paraan, tiyak na magkakaroon ako ng magandang kinabukasan sa sambahayan ng Diyos at makakamit ko ang pagsang-ayon Niya. Pero hindi ko inasahan na matatanggal ako kalaunan dahil mahina ang aking kakayahan kaya hindi ako makagawa ng totoong gawain. Para akong tinamaan ng kidlat sa balitang iyon, at hindi ko mapigilan ang pag-iyak. Naisip-isip ko, “Napakalubhang problema ang mahinang kakayahan. Hindi ba’t ibig sabihin niyan, wala na akong pagkakataong maging lider sa hinaharap?” Makalipas ang mahigit isang buwan, itinalaga ako ng iglesia na maging responsable para sa pangkalahatang gawain. Pakiramdam ko, sa paggawa ko ng tungkulin ko sa larangang ito, puro mga pangkalahatang gawain lang ang aasikasuhin ko buong araw, at hindi ito magiging kapaki-pakinabang para sa buhay pagpasok ko. Hindi ito tulad ng paggawa ng tungkulin ng isang lider, kung saan makapagsasanay kang lumutas ng iba’t ibang problema, makapagkakamit ng mas maraming katotohanan, at magkakaroon ng mas malaking pagkakataong maligtas. Lalo na kapag kaharap ko ang sister na dati kong katuwang at naririnig ko siyang nagkukuwento tungkol sa mga nangyari sa mga pagtitipon, sobrang sama talaga ng pakiramdam ko. Naisip ko na napakabuti talagang makagawa ng tungkulin ng isang lider na tulad niya, pero ako, pangkalahatang gawain lang ang kaya kong gawin, na hindi ko naman gusto. Kapag naiisip ko ang sinabi ng mga nakatataas na lider na mahina ang kakayahan ko at wala akong mga katangian para maging isang lider, sobrang sakit ng puso ko, at tahimik akong umiiyak. Pakiramdam ko, madilim ang hinaharap ko, at maliit ang pagkakataon kong maligtas. Wala akong ganang gawin ang tungkulin ko, at parang makina lang akong gumagawa, kaya wala akong nakakamit na anumang resulta. Kalaunan, napagtanto kong mali ang kalagayan ko, at nagsimula akong mag-isip-isip, “Bakit ba ako nakakaramdam ng kawalan kapag nakikita kong lider ang iba? Ano ba talaga ang hinahangad ko sa pananampalataya ko sa Diyos?”

Isang araw, nabasa ko ang dalawang sipi ng mga salita ng Diyos at nagkaroon ako ng kaunting pagkaunawa sa kalagayan ko. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Kapag natanggal ang isang anticristo, ang unang reaksiyon niya ay para siyang tinamaan ng kidlat, na para bang pinagsakluban siya ng langit at lupa, at gumuho ang kanyang mundo. Ang bagay na napaglagakan niya ng kanyang pag-asa ay wala na, gayundin ang pagkakataon niyang makapamuhay na mayroon ng lahat ng pakinabang ng katayuan, kasama na ang sigasig na mag-amok at gumawa ng masasamang bagay. Ito ang pinaka hindi katanggap-tanggap para sa kanya. … Kapag naiisip niyang nawasak na ang pag-asa niyang pagpalain o na nabawasan na ito nang husto, para bang sasabog na ang ulo niya, para bang pinupukpok ng martilyo ang kanyang puso, at kasingsakit ito ng mahiwa ng kutsilyo. Kapag mawawala na ang kanyang pagpapalang makapasok sa kaharian ng langit na araw-gabi niyang pinakaasam-asam, para itong isang napakasamang balita sa kanya na bigla na lang lumitaw mula sa kung saan. Sa isang anticristo, ang hindi pagkakaroon ng anumang katayuan ay katumbas ng hindi pagkakaroon ng anumang pag-asang pagpalain, at siya ay nagiging parang isang naglalakad na bangkay, nagiging parang isang walang-lamang kabibe ang katawan niya, walang kaluluwa, at walang kahit ano na gagabay sa buhay niya. Wala siyang pag-asa at wala siyang anumang aasahan sa buhay. Kapag nahaharap sa paglalantad at pagtatanggal ang isang anticristo, ang unang bagay na naiisip niya ay ang mawalan ng anumang pag-asang pagpalain. Kaya, susuko na lang ba siya sa puntong ito? Papayag kaya siyang magpasakop? Gagamitin kaya niya ang pagkakataong ito para talikuran ang pagnanais niyang magtamo ng mga pagpapala, bitiwan ang katayuan, maging handa na maging isang karaniwang tagasunod, at buong galak na magtrabaho para sa Diyos at gumawa ng kanyang tungkulin nang maayos? (Hindi.) Ito kaya ang magiging daan para magbago siya? Magiging daan kaya ito para mapabuti siya at maging positibo, o makapagpapasama at makapagpapanegatibo ito sa kanya? Batay sa kalikasang diwa ng isang anticristo, maliwanag na ang pagkakatanggal ay hinding-hindi simula ng pagbitiw niya sa pagnanais niyang magtamo ng mga pagpapala, o ang simula ng pagmamahal at paghahanap niya sa katotohanan. Sa halip, lalo pa siyang magsisikap na lumaban para sa pagkakataon at sa pag-asang pagpalain; kakapit siya sa anumang pagkakataong makapagbibigay sa kanya ng mga pagpapala, na makakatulong sa kanya para magbalik sa kapangyarihan, at makakapanumbalik sa kanyang katayuan. Kaya, kapag nahaharap sa pagkatanggal, bukod sa masama ang loob niya, dismayado, at mapanlaban, makikipagbaka rin nang husto ang isang anticristo para hindi siya tanggalin, at sisikapin niyang baligtarin ang sitwasyon, at baguhin ito(Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikalabindalawang Aytem). “Hindi hinahangad ng ganitong uri ng mga tao ang katotohanan, pero gusto pa rin nilang laging maiangat at mabigyan ng mahalagang papel sa sambahayan ng Diyos. Sa puso nila, naniniwala silang habang mas may kapabilidad ang isang tao sa gawain, lalo naman siyang makakatanggap ng mahahalagang posisyon, habang lalo siyang iniaangat at iginagalang sa sambahayan ng Diyos, lalong lumalaki ang tsansa niyang makatanggap ng mga pagpapala, isang korona, at mga gantimpala. Naniniwala sila na kapag walang kapabilidad sa gawain ang isang tao, o wala siyang partikular na kadalubhasaan, hindi siya kalipikadong pagpalain. Iniisip nilang maaaring magsilbing kapital para makatanggap ng mga pagpapala at gantimpala ang mga kaloob, kadalubhasaan, abilidad, kasanayan, antas ng edukasyon, kapabilidad sa gawain ng isang tao, at maging ang diumano ay mga kalakasan at merito sa loob ng kanyang pagkatao na pinapahalagahan sa mundo gaya ng determinasyon niyang maungusan ang iba at ang di-natitinag niyang saloobin. Anong uri ng pamantayan ito? Isa ba itong pamantayan na naaayon sa katotohanan? (Hindi.) Hindi ito ayon sa mga pamantayan ng katotohanan. Kung ganoon, hindi ba ito ang lohika ni Satanas? Hindi ba ito ang lohika ng isang buktot na kapanahunan, at ng buktot na makamundong mga kalakaran? (Ito nga.) Batay sa lohika, mga pamamaraan at pamantayan na ginagamit ng mga taong tulad nito para tasahin ang mga bagay-bagay, kasama na ang saloobin at diskarte nila sa mga bagay na ito, para bang lumalabas na hindi nila kailanman narinig o nabasa ang mga salita ng Diyos, na ganap silang mangmang tungkol sa mga ito. Pero ang totoo, pinapakinggan nila, binabasa, at dinadasal-binabasa nila ang mga salita ng Diyos araw-araw. Kung ganoon, bakit hindi nagbabago kahit kailan ang kanilang perspektiba? Isang bagay ang tiyak—kahit gaano pa nila pakinggan o basahin ang mga salita ng Diyos, hindi sila kailanman makatitiyak sa kanilang puso na ang mga salita ng Diyos nga ang katotohanan, at na ang mga ito ang pamantayan sa pagsukat sa lahat ng bagay; hindi nila mauunawaan o tatanggapin ang katunayang ito mula sa kanilang puso. Kaya, kahit gaano pa kakatwa at kabaluktot ang pananaw nila sa buhay, panghahawakan nila ito habambuhay, at kahit gaano pa katama ang mga salita ng Diyos, tatanggihan at kokondenahin nila ang mga ito. Ito ang malupit na kalikasan ng mga anticristo. Sa oras na mabigo silang makakuha ng mahalagang papel, at hindi natupad ang kanilang mga pagnanais at ambisyon, nabubunyag ang pagkadiyablo nila, nahahayag ang malupit nilang kalikasan, at gusto na nilang itatwa na mayroon ngang Diyos. Ang totoo, bago pa man nila itinatwa na mayroon ngang Diyos, itinatatwa na nila na ang mga salita ng Diyos ang katotohanan(Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikalabindalawang Aytem). Isinisiwalat ng Diyos na sa sandaling matanggal ang mga anticristo, naniniwala silang wala na silang pag-asang magkamit ng mga pagpapala. Hindi lang sila hindi nakapagpapasakop at nakapagninilay sa kanilang sarili, bagkus ay nagiging negatibo pa sila at lumalaban, nagkikimkim ng mga baliw na ilusyon na makababalik sa dati at muling makukuha ang katayuan. Ginagamit ng mga anticristo ang lohika ni Satanas para sukatin ang mga tao, pangyayari, at bagay. Naniniwala sila na habang mas itinataas ang ranggo nila at mas pinahahalagahan sila sa sambahayan ng Diyos, mas malaki ang pagkakataon nilang tumanggap ng mga pagpapala at ng korona. Habang pinagninilayan ko ang mga salita ng Diyos, napagtanto kong ang pag-uugali ko pagkatapos akong matanggal ay eksaktong katulad ng sa isang anticristo, at ang perspektiba ko sa mga bagay-bagay ay kaparehong-kapareho ng sa isang anticristo. Inisip ko kung bakit napakahalaga sa akin ng katayuan ng pagiging lider. Ito ay dahil naniniwala ako na kung itataas ang ranggo ko para maging lider sa sambahayan ng Diyos, makapagsasanay akong gamitin ang katotohanan para lutasin ang mga problema araw-araw, magiging mabilis ang paglago ko sa buhay, at magkakaroon ako ng mas malaking pagkakataong maligtas at magkamit ng mga pagpapala. Kaya naman, nainggit ako at humanga sa mga taong lider. Noong mahalal ako bilang lider, tuwang-tuwa ako, at inakala kong may magandang kinabukasan ang pananampalataya ko sa Diyos. Noong lider ako, tiniis ko ang lahat ng hirap nang walang reklamo at maingat kong pinrotektahan ang katayuan ko bilang lider, sa sobrang takot na mabunyag at matanggal. Nang tanggalin ako ng mga lider, sinabing mahina ang kakayahan ko at wala akong mga kinakailangang katangian para maging lider, para akong tinamaan ng kidlat. Naniwala akong nakamamatay na problema ang mahinang kakayahan, at baka hindi na ako magkaroon ng pagkakataong maitaas ang ranggo at mapahalagahan muli sa hinaharap, kaya sobrang sakit ng puso ko. Pakiramdam ko, madilim ang hinaharap ko bilang mananampalataya sa Diyos at maliit ang pag-asa kong makatanggap ng mga pagpapala. Dahil mayroon akong ganitong mga maling kaisipan at ideya, nang italaga akong gumawa ng pangkalahatang tungkulin, naniwala akong ang tungkuling ito ay nangangahulugan lang na araw-araw akong magiging abala sa mga panlabas na pangkalahatang gawain at hindi ito kapaki-pakinabang para sa pagkamit ko ng katotohanan at pagkaligtas. Ayaw na ayaw ko talaga nito, at wala akong ganang gawin ang tungkulin ko. Napagtanto ko na ang hinahangad ko pala sa pananampalataya ko sa Diyos ay katayuan at mga pagpapala. Itinumbas ko ang katayuan sa mga pagpapala, at sa sandaling mawala ang katayuan ko, pakiramdam ko ay nawala na ang lahat ng pag-asa kong magkamit ng mga pagpapala, at nagdusa ako ng di-matiis na sakit sa puso. Tinitimbang ko pala ang mga bagay-bagay mula sa isang satanikong perspektiba. Sa mundong walang pananampalataya, habang mas naitataas ka sa posisyon, mas hinahangaan ka ng iba, at mas malaki ang pagkakataon mong umunlad. Naniwala akong ganoon din sa sambahayan ng Diyos, na habang mas itinataas ang ranggo mo para maging lider, mas malaki ang pagkakataon mong umunlad, at mas malaki ang pagkakataon mong maligtas at magkamit ng mga pagpapala. Hinding-hindi ito naaayon sa mga salita ng Diyos. Malinaw kong alam na ang tungkulin ay isang responsabilidad na dapat tuparin ng isang nilikha. Isa itong bagay na ganap na likas at may katwiran. Hindi ito dapat gamitin bilang puhunan sa pakikipagtawaran para makamit ang mga pagpapala o gantimpala. Pero, nang matanggal ako at maitalagang gumawa ng pangkalahatang tungkulin, naniwala akong hindi kapaki-pakinabang ang tungkuling ito para sa pagkamit ko ng mga pagpapala sa pananampalataya ko sa Diyos, kaya nagreklamo ako tungkol sa Diyos at hindi ako nagdala ng pasanin sa aking tungkulin. Naisip ko pa ngang talikuran ang tungkulin ko. Napagtanto ko na ang sarili kong kalikasan ay kasing-makasarili at kasing-mapagsamantala ng sa isang anticristo. Sa sandaling hindi ako makatanggap ng mga pagpapala, tinalikuran ko ang Diyos at ipinagkanulo Siya. Napakadelikado nito!

Kalaunan, nabasa ko ang dalawa pang sipi ng mga salita ng Diyos: “Hindi maliwanag sa maraming tao ang ibig sabihin ng maligtas. Naniniwala ang ilang tao na kung maraming taon na silang nananampalataya sa Diyos, mas malamang na maligtas sila. Iniisip ng ilang tao na kung nauunawaan nila ang maraming espirituwal na doktrina, mas malamang na maligtas sila, o iniisip ng ilan na tiyak na maliligtas ang mga lider at manggagawa. Ang lahat ng ito ay mga kuru-kuro at imahinasyon ng tao. Ang susi ay dapat maunawaan ng mga tao ang ibig sabihin ng kaligtasan. Ang maligtas ay nangangahulugang, unang-una, na makalaya mula sa kasalanan, makalaya mula sa impluwensiya ni Satanas, at tunay na bumaling sa Diyos at magpasakop sa Diyos. Ano ang dapat ninyong taglayin para makalaya mula sa kasalanan at mula sa impluwensiya ni Satanas? Ang katotohanan. Kung hangad ng mga taong matamo ang katotohanan, dapat silang masangkapan ng marami sa mga salita ng Diyos, dapat magawa nilang maranasan at maisagawa ang mga ito, nang sa gayon ay maunawaan nila ang katotohanan at makapasok sa realidad. Saka lamang sila maaaring maligtas. Kung maliligtas man o hindi ang isang tao ay walang kinalaman sa kung gaano katagal na siyang nananampalataya sa Diyos, kung gaano karaming kaalaman ang mayroon siya, kung nagtataglay siya ng mga kaloob o kalakasan, o kung gaano siya nagdurusa. Ang tanging bagay na may direktang kaugnayan sa kaligtasan ay kung kaya bang matamo ng isang tao ang katotohanan o hindi. Kaya sa kasalukuyan, gaano karaming katotohanan ang tunay na naunawaan mo? At gaano karami sa mga salita ng Diyos ang naging buhay mo? Sa lahat ng hinihingi ng Diyos, sa alin ka nagkamit ng pagpasok? Sa mga taon ng pananampalataya mo sa Diyos, gaano ka na nakapasok sa realidad ng salita ng Diyos? Kung hindi mo alam, o kung hindi mo nakamit ang pagpasok sa realidad ng anumang salita ng Diyos, kung gayon ay sa prangkang pananalita, wala kang pag-asa sa kaligtasan. Imposibleng maligtas ka. Hindi mahalaga kung nagtataglay ka ng mataas na antas ng kaalaman, o kung matagal ka nang nananampalataya sa Diyos, may maayos na kaanyuan, kayang magsalita nang mahusay, at naging isang lider o manggagawa sa loob ng ilang taon. Kung hindi mo hinahangad ang katotohanan at hindi mo maayos na isinasagawa at dinaranas ang mga salita ng Diyos, at wala kang tunay na patotoong batay sa karanasan, kung gayon ay wala ka ngang pag-asang maligtas(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ang Pagpapahalaga sa mga Salita ng Diyos ang Pundasyon ng Pananampalataya sa Diyos). “Sa huli, kung magtatamo man ng kaligtasan ang mga tao ay hindi nakasalalay sa kung anong tungkulin ang ginagawa nila, kundi kung kaya ba nilang maunawaan at makamit ang katotohanan, at kung, sa huli, ay kaya nilang lubos na magpasakop sa Diyos, magpasailalim sa Kanyang pamamatnugot, huwag isaalang-alang ang kanilang hinaharap at kapalaran, at maging isang nilikha na pasok sa pamantayan. Matuwid at banal ang Diyos, at ito ang mga pamantayan na ginagamit Niya upang sukatin ang buong sangkatauhan. Hindi nababago ang mga pamantayang ito, at dapat mo itong tandaan. Ikintal mo ang mga pamantayan na ito sa iyong isipan, at kahit kailan, huwag mong isipin na maghanap ng ibang landas upang hangarin ang ilang bagay na hindi totoo. Ang mga pamantayang hinihingi ng Diyos para sa lahat ng nais magtamo ng kaligtasan ay hindi nagbabago magpakailanman. Nananatiling pareho ang mga iyon maging sino ka man(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ikatlong Bahagi). Matapos pagnilayan ang mga salita ng Diyos, naunawaan ko na hindi sinusukat ng Diyos kung maliligtas ba ang isang tao o hindi batay sa kung anong tungkulin ang ginagawa niya, kung gaano siya nagdurusa, o kung anong mga kaloob o kasanayan ang mayroon siya, kundi ayon sa kung kaya ba niyang maunawaan ang katotohanan, makamit ang katotohanan, at lubos na magpasakop sa pamamatnugot at mga pagsasaayos ng Diyos. Hindi kailanman sinabi ng Diyos na mas malaki ang pag-asang maligtas ng mga lider. Ang mahalaga ay tingnan kung anong landas ang tinatahak ng isang tao. Ang pagiging lider ay nangangahulugang marami kang nakakasalamuhang tao at maraming nararanasang bagay. Kung makakapagtuon ka sa paghahangad sa katotohanan, magkakaroon ka ng mas maraming pagkakataong magkamit ng katotohanan, at makakapasok ka sa katotohanang realidad sa lalong madaling panahon at maliligtas. Kung hindi ka maghahangad sa katotohanan, at, tulad ni Pablo, magbibigay ka lang sa iba ng liwanag ng katotohanan habang hindi mo ito tinatanggap para sa iyong sarili o isinasagawa ang mga salita ng Diyos, kung gayon, gaano man karaming taon kang gumawa ng tungkulin ng isang lider, mananatiling maliit ang pag-asa mong maligtas. Isa pa, ang paggawa ng ibang mga tungkulin ay hindi nangangahulugang mas maliit ang pagkakataon mong maligtas. Anuman ang tungkuling ginagawa mo, hangga’t ikaw ay nagtutuon sa paghahangad sa katotohanan at paglutas sa iyong mga tiwaling disposisyon, tumitingin sa mga tao at bagay, at umaasal at kumikilos nang naaayon sa mga salita ng Diyos, at nakakapasok sa realidad ng mga salita ng Diyos, magkakaroon ka ng pagkakataong maligtas. Gaya nga ng sinasabi ng Diyos: “Nakakapasok lang sa katotohanang realidad nang mas maaga ang mga taong ito na iniaangat at nililinang dahil sa kanilang kakayahan at dahil sa kanilang iba’t ibang kondisyon. Gayumpaman, ang maagang pagpasok na ito ay hindi nangangahulugang sila lang ang makakapasok sa katotohanang realidad. Ibig lang sabihin nito ay maaari silang magkamit nang medyo mas maaga, at makakapasok sa katotohanang realidad nang medyo mas maaga. Ang mga hindi naiangat ay medyo mahuhuli nang kaunti sa kanila, pero hindi ito nangangahulugan na hindi na sila makakapasok sa katotohanang realidad. Kung makakapasok o hindi ang isang tao sa katotohanang realidad ay nakadepende sa kanilang mga paghahangad(Ang Salita, Vol. V. Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa. Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa (5)). Naisip ko ang mga lider na nakilala ko noon. Ang ilan sa kanila ay may kaunting kakayahan at mga kaloob, at madalas na nilulutas ang mga kalagayan ng kanilang mga kapatid. Pero, sila mismo ay hindi tumanggap sa katotohanan at hindi nagsagawa ng katotohanan, at ginawa nila ang kanilang tungkulin nang umaasa sa kanilang mga tiwaling disposisyon. Ginambala at ginulo nila ang gawain ng iglesia, at matigas silang tumangging magsisi, at sa huli ay pinaalis sila. Sa kabaligtaran, may mga kapatid na gumagawa ng mga tungkuling hindi kapansin-pansin, pero nagtutuon sila sa paghahanap sa katotohanan, isinasagawa kung ano ang nauunawaan nila, ginagawa nang maayos ang kanilang mga tungkulin sa abot ng kanilang makakaya, at pinoprotektahan ang gawain ng iglesia. Maaari din nilang makamit ang ilang katotohanan at makuha ang pagsang-ayon ng Diyos. Kung sasang-ayunan ba ng Diyos ang isang tao ay hindi nakadepende sa kung anong antas ng lider siya, kundi natutukoy ito batay sa kanyang saloobin sa Diyos, sa katotohanan, at sa kanyang tungkulin; nakadepende ito sa kung kaya ba niyang tahakin ang landas ng paghahangad sa katotohanan. Mula rito, nakita ko rin ang kabanalan at pagiging matuwid ng disposisyon ng Diyos. Pantay-pantay ang lahat sa harap ng katotohanan, at kung hindi ka maghahangad sa katotohanan, hindi magsasagawa ng katotohanan, kung gayon, gaano ka man kadakilang lider, sa huli ay hindi ka makakatayo nang matatag. Nang maunawaan ko ito, naliwanagan ang puso ko. Bagama’t karaniwan lang ang kakayahan ko, naiintindihan ko naman ang mga salita ng Diyos, at anuman ang tungkuling gawin ko, hangga’t nagtutuon ako sa paghahanap sa katotohanan at pagsasagawa ng katotohanan, may pag-asa akong maligtas.

Kasunod nito, nabasa ko ang dalawa pang sipi ng mga salita ng Diyos: “Ang paghahangad na aktibong gampanan ang tungkulin ng isang tao bilang isang nilikha ay ang landas tungo sa tagumpay; ang paghahangad sa landas ng tunay na pagmamahal sa Diyos ang pinakatamang landas; ang paghahangad ng mga pagbabago sa dating disposisyon ng isang tao, at paghahangad ng dalisay na pagmamahal sa Diyos, ang landas tungo sa tagumpay. Ang landas na iyon tungo sa tagumpay ang landas ng pagbawi sa orihinal na tungkulin gayundin sa orihinal na anyo ng isang nilikha. Ito ang landas ng pagbawi, at ito rin ang layunin ng lahat ng gawain ng Diyos mula simula hanggang katapusan. Kung ang paghahangad ng tao ay nababahiran ng personal na maluluhong paghiling at hindi makatwirang mga pag-asam, ang epektong natatamo ay hindi ang mga pagbabago sa disposisyon ng tao. Salungat ito sa gawain ng pagbawi. Walang duda na hindi ito ang gawaing ginawa ng Banal na Espiritu, kaya nga nagpapatunay ito na ang ganitong klaseng paghahangad ay hindi sinang-ayunan ng Diyos. Ano ang kabuluhan ng isang paghahangad na hindi sinang-ayunan ng Diyos?(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Tagumpay o Kabiguan ay Depende sa Landas na Tinatahak ng Tao). “Bilang isang nilikha, dapat hangarin ng tao na kilalanin ang Lumikha at tuparin ang tungkulin ng isang nilikha, at ang pinakamahalaga, hangaring mahalin ang Diyos nang hindi gumagawa ng anumang iba pang pagpili, sapagkat ang Diyos ay karapat-dapat sa pagmamahal ng tao. Iyong mga naghahangad ng pagmamahal para sa Diyos ay hindi dapat maghangad ng anumang personal na mga pakinabang o ng mga personal na inaasam; ito ang pinakatamang paraan para maghangad. Kung ang hinahangad mo ay ang katotohanan, kung isinasagawa mo ang katotohanan, at kung nagtatamo ka ng pagbabago sa iyong disposisyon, tama ang landas na iyong tinatahak. Kung ang hinahangad mo ay ang mga pagpapala ng laman, at ang isinasagawa mo ay ang katotohanan ng sarili mong mga kuru-kuro, at kung walang anumang pagbabago sa iyong disposisyon, at talagang hindi ka mapagpasakop kailanman sa Diyos na nasa katawang-tao, at nabubuhay ka pa rin sa kalabuan, siguradong dadalhin ka sa impiyerno ng iyong hinahangad, sapagkat ang landas na iyong tinatahak ay ang landas ng kabiguan. Kung gagawin kang perpekto o ititiwalag ay depende sa iyong sariling paghahangad, na ibig ding sabihin ay ang tagumpay o kabiguan ay depende sa landas na tinatahak ng tao(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Tagumpay o Kabiguan ay Depende sa Landas na Tinatahak ng Tao). Matapos pagnilayan ang mga salita ng Diyos, naunawaan ko na napakahalaga ng kung anong landas ang tinatahak mo sa pananampalataya sa Diyos. Hinihingi ng Diyos sa mga tao na tuparin ang kanilang tungkulin bilang mga nilikha, at, tulad ni Pedro, hangarin na maunawaan ang Diyos at mahalin Siya. Sa ganitong paraan lang makakamit ng isang tao ang pagbabago sa disposisyon at makapagpapasakop sa lahat ng pamamatnugot at pagsasaayos ng Diyos; hindi dapat magtrabaho at gumugol para lang makamit ang mga pagpapala at korona tulad ni Pablo. Ang paghahangad ni Pablo ay salungat sa mga hinihingi ng Diyos. Nanampalataya siya hanggang sa huli, pero wala siyang natamong pagbabago sa kanyang disposisyon, puno pa rin siya ng mga hinihingi at hinihiling sa Diyos, at ang kanyang kalikasan ay lumaban pa rin at naghimagsik laban sa Diyos. Nang ikumpara ko ang sarili ko, nakita kong tinatahak ko ang landas ng kabiguan ni Pablo. Palagi akong naniniwala na ang pagiging lider ay magbibigay sa akin ng maraming pagkakataong magsanay, na magbibigay sa akin ng mas malaking pag-asang maligtas. Kaya, palagi kong gustong maging lider. Ang hinahangad ko sa pananampalataya ko sa Diyos ay ang makamit ang mga pagpapala at isang korona, sa halip na hangarin ang katotohanan at mga pagbabago sa aking disposisyon. Kaya, nang matanggal ako dahil sa mahina kong kakayahan, at naramdaman kong baka hindi na ako kailanman muling magkaroon ng pagkakataong maging lider at maliit na ang pag-asa kong magkamit ng mga pagpapala, naging negatibo ako at walang pakialam, at hindi ko pinansin ang tungkulin ko. Napagtanto kong wala akong ipinakitang anumang sinseridad sa Diyos. Kung magpapatuloy ako sa maling landas na ito, kahit na makuha ko pa ang katayuan ng isang lider, dahil hindi ko hinangad ang katotohanan, hindi magbabago ang disposisyon ko sa buhay, at wala akong ipapakitang anumang pagpapasakop sa pamamatnugot at mga pagsasaayos ng Diyos, hindi ba’t magiging kapareho lang ng kay Pablo ang kalalabasan ko? Nang maunawaan ko ito, nagpasalamat ako sa Diyos mula sa kaibuturan ng aking puso para sa pagsasaayos ng ganitong kapaligiran para isiwalat ang maling pananaw sa likod ng aking paghahangad. Pagliligtas ito sa akin! Nang maunawaan ko ito, hindi na ako nabagabag sa katotohanang mahina ang kakayahan ko at wala akong mga kinakailangang katangian para maging isang lider. Isa akong nilikha, at hindi ako dapat maghangad ng mga pagpapala o sumubok na makipagtawaran sa Diyos. Sa halip, dapat kong tuparin ang tungkulin ko bilang isang nilikha at pagsikapang mahalin ang Diyos at magpasakop sa Kanya. Ito lamang ang tamang landas sa buhay at ang paraan kung paano dapat maging isang nilikha. Pagkatapos niyon, naging mas wasto ang saloobin ko sa pangkalahatang tungkulin, at nagawa ko nang gawin nang praktikal ang mga tungkulin ko. Nang magbago na ang kalagayan ko, medyo bumuti rin ang kahusayan ko sa gawain.

Pagkatapos, sa tuwing marami ang pangkalahatang gawain, nararamdaman ko pa rin na ang tungkuling ito ay pangunahing nauukol sa pagiging abala sa mga panlabas na bagay, at hindi ito magiging kapaki-pakinabang para sa buhay pagpasok ko. Pero, alam kong mali ang ganitong pananaw, kaya hinanap ko kung paano magtutuon sa buhay pagpasok habang ginagawa ang tungkuling ito. Nabasa ko ang isang sipi ng mga salita ng Diyos: “Naranasan na ba ninyo ang mga kalagayan kung saan, ano man ang mangyari, o ano mang uri ng tungkulin ang inyong ginagampanan, madalas ninyong napatatahimik ang inyong sarili sa harap ng Diyos, at naisasapuso ang pagninilay sa Kanyang mga salita, at paghahanap sa katotohanan, at pagsasaalang-alang kung paano ninyo dapat gampanan ang inyong tungkulin upang umayon sa mga layunin ng Diyos, at kung aling mga katotohanan ang dapat ninyong taglayin para magampanan ang tungkuling iyon nang pasok sa pamantayan? Marami bang pagkakataon kung saan hinahanap ninyo ang katotohanan sa ganitong paraan? (Wala.) Ang pagsasapuso ng inyong tungkulin at pagkakaroon ng kakayahang umako ng responsabilidad ay nangangailangan ng inyong pagdurusa at pagbabayad ng halaga—hindi sapat ang pag-usapan lamang ang mga bagay na ito. Kung hindi mo isasapuso ang iyong tungkulin, sa halip ay palaging gusto mong kumayod, siguradong hindi magagawa nang maayos ang iyong tungkulin. Gagawin mo lang ito nang pabasta-basta at wala nang iba pa, at hindi mo malalaman kung nagawa mo ba nang maayos ang iyong tungkulin o hindi. Kung isasapuso mo ito, unti-unti mong mauunawaan ang katotohanan; kung hindi, hindi mo ito mauunawaan. Kapag isinasapuso mo ang paggampan ng iyong tungkulin at paghahangad sa katotohanan, unti-unti mong mauunawaan ang mga layunin ng Diyos, matutuklasan ang sarili mong katiwalian at mga kakulangan, at makabisado ang iyong iba’t ibang kalagayan. Kapag ang pinagtutuunan mo lang ay ang pagsusumikap, at hindi mo isinasapuso ang pagninilay-nilay sa iyong sarili, hindi mo matutuklasan ang tunay na mga kalagayan sa iyong puso at ang iba’t ibang reaksiyon at mga pagpapakita ng katiwalian na mayroon ka sa iba’t ibang kapaligiran. Kung hindi mo alam kung ano ang mga kahihinatnan kapag hindi nalutas ang mga problema, kung gayon, ikaw ay nasa malaking alanganin. Ito ang dahilan kung bakit hindi magandang manampalataya sa Diyos nang nalilito. Dapat kang mamuhay sa harap ng Diyos sa lahat ng oras, sa lahat ng lugar; anuman ang mangyari sa iyo, dapat lagi mong hanapin ang katotohanan, at habang ginagawa mo ito, dapat mo ring pagnilayan ang iyong sarili at alamin kung ano ang mga problema na mayroon sa iyong kalagayan, agad na hanapin ang katotohanan para malutas ang mga ito. Sa gayon mo lamang magagampanan nang maayos ang iyong tungkulin at maiiwasan ang pag-antala sa gawain. Bukod sa magagampanan mo nang maayos ang iyong tungkulin, ang pinakamahalaga ay na magkakaroon ka rin ng buhay pagpasok at malulutas mo ang iyong mga tiwaling disposisyon. Sa gayon ka lamang makapapasok sa katotohanang realidad(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Sa Pamamagitan Lang ng Pagiging Isang Matapat na Tao Makapagsasabuhay ng Tunay na Wangis ng Tao ang Isang Tao). Mula sa mga salita ng Diyos, napagtanto ko na ang pagkakamit ng katotohanan at pagtatamo ng kaligtasan ay hindi nakadepende sa kung anong mga tungkulin ang ginagawa natin. Sa halip, nakadepende ito sa kung hinahanap ba natin ang mga katotohanang prinsipyo sa paggawa ng ating mga tungkulin, kung pinagninilayan ba natin ang sarili nating katiwalian at mga kakulangan, at kung hinahanap ba natin ang katotohanan para lutasin ang sarili nating mga problema, at sa gayon ay nakakamit ang buhay pagpasok sa paggawa ng ating tungkulin. Kung magtutuon tayo sa paghahanap sa katotohanan at pagsasagawa ng mga salita ng Diyos sa paggawa ng ating mga tungkulin, kung gayon ay makakamit natin ang katotohanan anuman ang tungkuling gawin natin. Halimbawa, mas nasasangkot ako ngayon sa pangkalahatang gawain. Kung gagawin ko ang lahat sa magulong paraan at hindi ko seseryosohin ang tungkulin ko, madali akong makapagdudulot ng pagkagambala at panggugulo sa gawain dahil sa pabayang saloobin na dulot ng sarili kong tiwaling disposisyon. Bukod dito, ang paggawa ng pangkalahatang tungkulin ay hindi nangangahulugang namumuhay sa isang vacuum. Araw-araw pa rin akong nakakaranas ng mga tao, pangyayari, at bagay, at nagiging dahilan din ito para magbunyag ako ng lahat ng uri ng aktibong kaisipan. Kung magagawa kong magtuon sa mga tiwaling disposisyon, kaisipan, at ideyang ibinubunyag ko araw-araw, pagnilayan at kilalanin ang sarili ko, at pumasok sa katotohanang realidad, matututo ako ng maraming aral at magkakamit ng maraming katotohanan. Nang maunawaan ko ito, mas gumaan ang loob ko.

Pagkatapos, kapag ginagawa ko ang aking tungkulin, nagtutuon ako sa pagsusuri sa aking mga iniisip at ideya araw-araw. Kapag pinupungusan ako, aktibo ko ring hinahanap ang katotohanan at pinapanood ang mga patotoong batay sa karanasan ng aking mga kapatid, pinapanood kung paano pinagninilayan ng iba ang kanilang sarili at paano sila natututo ng mga aral kapag may nangyayari sa kanila. Halimbawa, dati, itinuro ng mga kapatid ko na mayroon akong mapagmataas na disposisyon at may tendensiyang makipagtalo kapag may dumarating na mga bagay sa akin. Tinanggap ko ito, pinagnilayan at nakilala ko ang aking sarili, at naghanap ako ng mga salita ng Diyos sa aspektong ito para basahin. Nagtapat din ako tungkol sa aking kalagayan at naghanap at nakipagtalakayan ako sa aking mga kapatid kung paano lutasin ang aking mga problema ng pagiging mainitin ang ulo at pakikipagtalo sa aking mga kapatid. Madalas din akong naglalaan ng oras para magsulat ng mga artikulo ng patotoong batay sa karanasan, at nagkaroon ako ng mas malinaw at mas malalim na pagkaunawa sa aking satanikong tiwaling disposisyon. Payapa at panatag ang puso ko kapag ginagawa ko ang aking tungkulin sa ganitong paraan. Habang mas nagsasanay ako sa ganitong paraan, mas tumatalas ang isip ko. Mas mabilis kong natutuklasan ang mga problema sa aking tungkulin, at mayroon akong patnubay at pagpapala ng Diyos sa paggawa ng aking tungkulin. Salamat sa Diyos!

Sinundan: 71. Kung Paano Ko Pinakawalan ang Pag-aalala sa Pagkakasakit

Sumunod: 74. Paglaya Mula sa Alimpuyo ng Aking Paghahangad ng Pera

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

40. Pag-uwi

Ni Muyi, South Korea “Ang masaganang pag-ibig ng Diyos ay malayang ipinagkaloob sa tao at bumabalot sa tao; ang tao ay inosente at...

Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos Ukol sa Pagkakilala sa Diyos Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw Paglalantad sa mga Anticristo Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Tahanan ng Diyos Mahahalagang Salita Mula sa Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga Huling Araw Araw-araw na mga Salita ng Diyos Ang Mga Katotohanang Realidad na Dapat Pasukin ng mga Mananampalataya sa Diyos Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin Mga Gabay para sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian Naririnig ng mga Tupa ng Diyos ang Tinig ng Diyos Makinig sa Tinig ng Diyos  Masdan ang Pagpapakita ng Diyos Mahahalagang Tanong at Sagot tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume I) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume II) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume III) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IV) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume V) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VI) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VIII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IX) Paano Ako Bumalik sa Makapangyarihang Diyos

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito