49. Hindi na Ako Umaasa sa Aking mga Anak para sa Pag-aalaga sa Akin Pagtanda Ko

Ni Qingsong, Tsina

Noong 2001, tinanggap ko ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. Noong 2020, na-diagnose ako na may cerebral infarction at sakit sa puso. Kailangang-kailangan ko ng pera para magpagamot noon, at nagkataon namang pinadalhan ako ng anak ko ng 5,000 yuan. Noon, naisip ko, “Ang anak kong lalaki ang siyang palagi kong maaasahan. Sa pagtanda ko, sa anak ko pa rin ako aasa.” Noong 2022, nag-asawa na ang anak ko, at siya mismo ang bumili ng bahay at kotse. Kalaunan, gumastos ang manugang kong babae ng mahigit isang libong yuan para ibili ako ng gintong singsing. Sinabi pa niya sa akin, “Wala naman kaming ibang hinihiling sa iyo, pero kapag nagkaanak na kami sa hinaharap, magiging napakaganda matutulungan mo kaming mag-alaga sa kanila.” Nang makita ko kung gaano kabait sa akin ang anak at manugang ko, naisip ko, “Ito ay kaisa-isa kong anak na lalaki. Kailangan kong makisama nang mabuti sa anak at manugang ko, dahil sa pagtanda ko, kakailanganin kong umasa sa kanila para alagaan ako. Nitong mga nakaraang taon, hindi na maganda ang kalusugan ko, at palala nang palala bawat taon. Kung tutulungan ko silang alagaan ang mga anak nila habang kaya ko pa, aalagaan nila ako pagtanda ko.” Pagkatapos kong isipin ito, pumayag ako, sinabi ko, “Sige. Kapag nagkaanak na kayo, aalagaan ko sila para sa inyo.” Kalaunan, dahil sa panganib sa aking kaligtasan, umalis ako ng bahay para gawin ang tungkulin ko sa ibang lugar para iwasan na maaresto ng CCP.

Isang araw noong Abril 2024, nalaman kong buntis ang manugang ko, at pinauwi ako ng pamilya ko para alagaan siya. Kaya nagmadali akong umuwi. Pero, pagdating ko pa lang sa bahay, pumunta ang mga opisyal ng nayon para i-check ang household registration ko. Nang maisip kong hawak pala ng CCP ang litrato ko at ilang taon na nila akong hinahanap, hindi na ako naglakas-loob na magtagal sa bahay at umalis ako agad. Pero pagbalik ko, sobrang nalungkot ako, at naisip ko, “Nagtatrabaho ang anak ko sa ibang siyudad at walang oras para alagaan ang manugang ko. Kung ako na biyenan niya, hindi siya aalagaan, ano na lang ang sasabihin ng pamilya niya tungkol sa akin? Hindi ko man lang alam kung kumusta ang kalagayan ng manugang ko.” Matapos maisip ito, palagi kong nararamdaman na may utang na loob ako sa anak ko. Dahil sa pagdurusa ng puso ko, lumala rin ang cerebral infarction ko. Mas lalo pa akong nag-alala, at naisip ko, “Patanda na ako nang patanda, at palala na nang palala ang kalusugan ko. Kapag dumating ang araw na hindi ko na talaga kayang gawin ang tungkulin ko, hindi ba’t kakailanganin ko pa rin ang anak at manugang ko para alagaan ako? Hindi ko inalagaan ang manugang ko noong panahong pinakakailangan niya ako. Kung isang araw ay hindi ko na magawa ang tungkulin ko at kailangan kong bumalik sa kanila, tatanggapin pa kaya nila ako at aalagaan sa aking pagtanda?” Sa tuwing naiisip ko ito, sumasama ang kalagayan ko. Lumipas ang mga araw, at malapit nang isilang ang sanggol. Pero hindi pa rin ako makabalik para alagaan ang manugang ko, at hindi ko maiwasang mapabuntong-hininga. Noong panahong iyon, ang tungkulin ko ay ang pagdidilig sa mga baguhan. Kahit araw-araw kong ginagawa ang tungkulin ko, madalas na nagugulo ng bagay na ito ang puso ko, at hindi ko na nasusubaybayan ang gawain o nalulutas kaagad ang mga problema ng mga baguhan. Dahil dito, hindi agad nalutas ang mga problema ng ilang baguhan, at namuhay sila sa pagiging negatibo at kahinaan. Nang makita kong hindi ko nagampanan nang maayos ang aking mga tungkulin, hindi ko inisip kung paano ito lulutasin at babaguhin. Sa halip, naisip ko pa, “Kung walang resulta, eh di wala. Kapag tinanggal ako, baka makabalik pa ako sa anak ko para tulungan siyang mag-alaga ng bata.” Dahil namumuhay ako sa maling kalagayan, ginagawa ko ang tungkulin ko nang walang patnubay ng Banal na Espiritu, at naging negatibo at miserable ako. Lumapit ako sa Diyos para manalangin, “Diyos ko, palagi kong gustong umuwi para alagaan ang manugang ko at tulungan siyang mag-alaga ng sanggol. Natatakot ako na kung hindi ako babalik, walang mag-aalaga sa akin pagtanda ko. Alam kong mali na mamuhay sa ganitong kalagayan, pero hindi ako makaalis dito. Nawa’y bigyang-liwanag Mo ako at akayin akong maunawaan ang katotohanan at malaman ang sarili kong mga problema.” Pagkatapos manalangin, naalala ko ang mga salita ng Diyos: “Bakit masunurin ang mga anak sa kanilang mga magulang? Bakit mahal na mahal ng mga magulang ang kanilang mga anak? Anong uring mga intensyon ang tunay na kinikimkim ng mga tao? Ang intensyon ba nila ay hindi upang matugunan ang sarili nilang mga plano at mga makasariling pagnanais? Tunay bang ibig nilang kumilos alang-alang sa plano ng pamamahala ng Diyos? Tunay nga bang kumikilos sila alang-alang sa gawain ng Diyos? Ang layon ba nila ay tuparin ang tungkulin ng isang nilikha?(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Papasok sa Pahinga ang Diyos at ang Tao Nang Magkasama). Inilalantad ng Diyos na walang tunay na pagmamahal o pagmamalasakit sa pagitan ng mga tao. Bawat isa ay may kinikimkim na sariling mga intensyon, naghahangad ng sariling pakinabang. Tulad ako ng ibinunyag ng Diyos. Palagi kong iniisip ang pagbubuntis ng manugang ko, hindi dahil taos-puso ko siyang gustong alagaan, kundi dahil sa sarili kong mga intensyon. Pakiramdam ko ay palala nang palala ang kalusugan ko nitong mga nakaraang ilang taon, at kapag hindi ko na talaga kayang gawin ang tungkulin ko, kailangan ko pa ring bumalik sa anak ko at umasa sa kanya para alagaan ako sa aking pagtanda. Kaya naman, gusto ko silang tulungang mag-alaga ng anak habang kaya ko pa, para bilang kapalit, aalagaan niya ako sa aking pagtanda. Pero nang hindi ako makabalik dahil sa tungkulin ko at sa mga panganib sa aking kaligtasan, punô ng matinding paghihirap ang puso ko, at nawalan na ako ng anumang pasanin para sa aking tungkulin. Nakita ko na ang isinasaalang-alang ko lang ay ang mga interes ng sarili kong laman.

Kalaunan, hinanap ko ang katotohanan para malutas ang mga problema ko. Nabasa ko ang mga salita ng Diyos: “Kapag ang mga tao ay hindi malinaw na nakikita, nauunawaan, natatanggap, o nakapagpapasakop sa mga kapaligirang pinamamatnugutan ng Diyos at sa Kanyang kataas-taasang kapangyarihan, at kapag ang mga tao ay nahaharap sa iba’t ibang paghihirap sa kanilang pang-araw-araw na buhay, o kapag ang mga paghihirap na ito ay lampas na sa kayang tiisin ng pangkaraniwang tao, hindi nila namamalayan na nakadarama sila ng iba’t ibang uri ng pag-aalala at pagkabalisa, at maging ng pagkabagabag. Hindi nila alam kung ano ang mangyayari bukas, o sa susunod na araw, o kung ano ang kanilang magiging hinaharap, kaya sila ay nababagabag, nababalisa, at nag-aalala sa kung anu-anong bagay. Ano ang konteksto na nagdudulot ng mga negatibong emosyong ito? Ito ay ang hindi nila paniniwala sa kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos—ibig sabihin, hindi nila magawang maniwala at lubos na maunawaan ang kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos at wala silang tunay na pananalig sa Diyos sa puso nila. Kahit pa makita ng sarili nilang mga mata ang mga katunayan ng kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos, hindi nila ito mauunawaan o paniniwalaan. Hindi sila naniniwala na hawak ng Diyos ang kataas-taasang kapangyarihan sa kanilang kapalaran, hindi sila naniniwala na ang kanilang buhay ay nasa mga kamay ng Diyos, at kaya umuusbong sa kanilang puso ang kawalan ng tiwala sa kataas-taasang kapangyarihan at mga pagsasaayos ng Diyos, at pagkatapos ay lumilitaw ang mga reklamo, at hindi nila magawang magpasakop(Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan. Paano Sikaping Matamo ang Katotohanan (3)). Ang inilantad ng Diyos ay ang eksaktong kalagayan ko. Matapos kong unang matagpuan ang Diyos, at noong malusog pa ako, nagagawa kong magtuon sa aking mga tungkulin, pero habang tumatanda ako, nagsimula akong magkaroon ng padami nang padaming problema sa kalusugan. Nagkaroon ako ng cerebral infarction, at hindi maganda ang kondisyon ng puso ko. Hindi ko namamalayan, nagsimula na pala akong mamuhay sa pagkabagabag at pagkabalisa, nag-aalala kung ano ang gagawin ko kapag lalong lumala ang kalusugan ko. Noong kailangan ako ng anak at manugang ko, hindi ako bumalik para alagaan sila, kaya aalagaan pa kaya nila ako kapag tumanda ako at nangailangan ng pag-aalaga? Nang maisip ko ito, nagsimula akong malubog sa isang negatibong kalagayan, nawalan ako ng pasanin sa aking tungkulin, at ayaw ko na ngang gawin ang mga tungkulin ko na malayo sa bahay. Gusto ko lang bumalik para alagaan ang manugang ko para maasahan ko sila na susuportahan ako pagtanda ko. Kahit na madalas kong sabihin na ang lahat ay nasa mga kamay ng Diyos, kapag may nangyayari sa akin, nawawalan ako ng pananalig sa kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos at gusto ko na lang umasa sa iba. Nakita ko na wala akong kahit katiting na pananalig sa Diyos. Sa pag-iisip muli nito, ano bang silbi ng pag-aalala ko sa mga bagay na ito? Isinaayos na ng Diyos kung ano ang magiging buhay ko sa hinaharap, at kailangan ko lang magpasakop sa kataas-taasang kapangyarihan at mga pagsasaayos ng Diyos at danasin ang mga bagay-bagay nang natural.

Nabasa ko ang isa pang sipi ng mga salita ng Diyos: “Nakatamo na ang mga magulang ng malaking kasiyahan at pagkaunawa mula sa kanilang mga anak sa proseso ng pagpapalaki sa kanila, na siyang malaking kaginhawahan at pakinabang sa kanila. Pagdating naman sa kung magiging mabuting anak ba ang iyong mga anak sa iyo, kung makakaasa ka ba sa kanila sa anumang bagay, at kung ano ang maaari mong makuha mula sa kanila, ang mga bagay na ito ay nakasalalay sa kung nakatadhana ba kayong mamuhay nang magkasama, at ito ay nakasalalay sa paunang pag-orden ng Diyos. Sa isa pang aspekto, ang uri ng kapaligiran kung saan namumuhay ang iyong mga anak, ang kanilang mga kalagayan sa pamumuhay, kung mayroon ba sila ng mga kondisyon para alagaan ka, kung sila ba ay maginhawa sa pinansiyal na aspekto, at kung kaya ka ba nilang bigyan ng materyal na kasiyahan at tulong, ay nakasalalay rin sa paunang pag-orden ng Diyos. Bukod pa rito, bilang mga magulang, kung matatamasa mo ba ang mga materyal na bagay, pera, o emosyonal na kaginhawahan na ibinibigay sa iyo ng iyong mga anak, ito rin ay nakasalalay sa paunang pag-orden ng Diyos. Hindi ba’t totoo ito? (Oo.) Ang mga ito ay hindi mga bagay na maaaring hilingin ng mga tao ayon sa sarili nilang kalooban. Alam mo, may mga anak na hindi gusto ng kanilang mga magulang, at ayaw ng kanilang mga magulang na manirahan kasama sila, subalit pauna nang inorden ng Diyos na manirahan sila kasama ang kanilang mga magulang, kaya hindi nila magawang maglakbay nang malayo o iwan ang kanilang mga magulang. Makakasama nila ang kanilang mga magulang sa buong buhay nila—hindi sila kayang itaboy ng kanilang mga magulang kahit pa subukan ng mga ito. Sa kabilang dako naman, may mga anak na may mga magulang na gustong-gustong manirahan kasama sila; hindi sila mapaghihiwalay, palagi silang nangungulila sa isa’t isa pagkatapos nilang maghiwalay, ngunit sa iba’t ibang kadahilanan, gaya ng pangingibang-bansa para magtrabaho o pamumuhay sa ibang lugar pagkatapos mag-asawa, nahihiwalay sila sa kanilang mga magulang nang may mahabang distansiya. Hindi madaling makipagkita kahit isang beses lang, at kailangan nilang maghanap ng tamang oras kahit man lang para makatawag sa telepono o makapag-video call; dahil sa pagkakaiba ng oras o iba pang abala, hindi nila madalas na makausap ang kanilang mga magulang. Hindi ba’t ang mga espesyal na sitwasyong ito ay pawang nauugnay sa paunang pag-orden ng Diyos? (Oo.) Hindi ito isang bagay na mapagdedesisyunan ng mga pansariling kahilingan ng alinman sa magulang o anak; higit sa lahat, nakasalalay ito sa paunang pag-orden ng Diyos(Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan. Paano Sikaping Matamo ang Katotohanan (19)). Mula sa mga salita ng Diyos, naunawaan ko na lahat ng magulang ay umaasang aalagaan sila ng kanilang mga anak sa kanilang pagtanda. Pero hindi talaga ito isang bagay na makakamit ng mga tao para sa kanilang sarili, sa halip ay itinatakda ito ng kataas-taasang kapangyarihan at pagtatakda ng Diyos. Naisip ko ang isang matandang sister na kilala ko. Matapos magkaroon ng sariling pamilya ang kanyang mga anak, nagpatuloy siya sa kanyang tungkulin, at wala siyang oras para tulungang alagaan ang kanyang mga apo. Pero pagtuntong niya ng 60, nagkusa ang kanyang anak na babae na alagaan siya, at nagagawa pa rin niya ang kanyang mga tungkulin mula sa bahay ng kanyang anak. Sa isa pang pagkakataon, may kilala akong isang tao na nagtatrabaho para kumita ng pera para sa pamilya ng kanyang anak at tinulungan siyang alagaan ang kanyang mga anak, pero sa huli, pinalayas pa siya ng manugang niyang babae. Naisip ko rin noong 2020 nang magkasakit ako at kailangang-kailangan ko ng pera. Kahit wala akong sinabi sa anak ko, nagkataong binigyan niya ako ng 5,000 yuan. Hindi ba’t lahat ng ito ay bunga ng kataas-taasang kapangyarihan at mga pagsasaayos ng Diyos? Nang maunawaan ko ito, labis akong napahiya. Napakaraming taon na akong nananampalataya sa Diyos, pero nawalan ng saysay ang pagkain at pag-inom kong napakaraming salita ng Diyos, at sa sandaling magkasakit ako, nabunyag ako. Hindi ako umasa sa Diyos, sinubukan kong mag-isip ng mga paraan nang ako lang, at palagi kong gustong tumakbo sa anak ko para humingi ng suporta. Sa anong paraan ako naging mananampalataya sa Diyos? Matapos basahin ang mga salita ng Diyos, naunawaan ko na kung itinakda ng Diyos na ang mga anak ng isang tao ay hindi siya aalagaan sa kanyang pagtanda, gaano man nila pagsikapang panatilihin ang kanilang relasyon sa kanilang mga anak, mawawalan din iyon ng saysay. Kung itinakda ng Diyos na aalagaan ka ng iyong mga anak, isasaayos ng Diyos ang mga bagay-bagay para sa iyo pagdating ng panahon. Kung isang araw ay hindi ko na magawa ang tungkulin ko dahil sa aking kalusugan, kung gayon, daranasin ko ito sa pamamagitan ng pagpapasakop sa mga pamamatnugot at pagsasaayos ng Diyos. Naniniwala ako na sa bawat sitwasyon, may mga aral na matutuhan at mga katotohanang makakamit. Pagkatapos niyon, hindi na ako nag-alala tungkol sa hindi ko pag-aalaga sa aking manugang, at napanatag ko na ang puso ko para gawin ang tungkulin ko.

Kalaunan, nabasa ko na inilalantad ng Diyos kung paano ginagamit ni Satanas ang tradisyonal na kultura para gawing tiwali ang mga tao, at nagkaroon ako ng kaunting pagkaunawa sa mga maling pananaw na pinanghahawakan ko sa aking sarili. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Kung titingnan ang tradisyonal na kultura sa Tsina, lubusang binibigyang-diin ng mga Tsino ang pagiging mabuting anak. Magmula sa sinaunang panahon hanggang sa kasalukuyan, palagi itong tinatalakay, at itinuring ito bilang isang parte ng pagkatao ng mga tao at isang pamantayan ng pagsukat kung ang isang tao ay mabuti ba o masama. Siyempre, mayroon ding isang karaniwang kaugalian at pampublikong opinyon sa lipunan na kung hindi mabuting anak ang mga anak, hahamakin at kokondenahin sila, at makakaramdam din ng hiya ang kanilang mga magulang, at mararamdaman ng mga anak na hindi nila kayang tiisin ang bahid na ito sa kanilang reputasyon. Sa ilalim ng impluwensiya ng iba’t ibang bagay, lubha ring nalalason ang mga magulang ng ganitong tradisyonal na pag-iisip, hinihingi nila nang walang pag-iisip o pagkilatis na maging mabuting anak ang kanilang mga anak. Bakit pinapalaki ng mga magulang ang mga anak? Hindi ito para alagaan ka nila sa iyong katandaan at ihatid sa iyong hantungan, kundi para tuparin ang isang responsabilidad at obligasyon na ibinigay sa iyo ng Diyos. Ang isang aspekto ay na ang pagpapalaki ng mga anak ay isang instinto ng tao, habang ang isa pang aspekto ay na isa itong responsabilidad ng tao. Nagsilang ka ng mga anak dahil sa instinto at responsabilidad, hindi para maghanda sa iyong pagtanda at para maalagaan ka kapag matanda ka na. Hindi ba’t tama ang pananaw na ito? (Oo.) Talaga bang miserable ang mga taong walang anak sa kanilang pagtanda? Hindi naman talaga, hindi ba? Maaari pa ring mabuhay hanggang sa katandaan ang mga taong walang anak, at ang ilan pa nga ay malusog, masaya sa kanilang mga huling taon sa buhay, at mapayapang pumapanaw. Tiyak bang magtatamasa ng kaligayahan at kalusugan sa kanilang mga huling taon sa buhay ang mga taong may anak? (Hindi naman palagi.) Samakatwid, ang kalusugan, kaligayahan, sitwasyon ng pamumuhay, kalidad ng buhay, at pisikal na estado ng mga magulang sa kanilang katandaan sa katunayan ay walang direktang ugnayan sa kung mabuting anak ba ang kanilang mga anak o hindi, kundi nauugnay sa paunang pag-orden ng Diyos at sa kapaligiran ng pamumuhay na inihahanda Niya para sa kanila. Ang mga anak ay hindi obligadong pasanin ang responsabilidad para sa kalagayan ng pamumuhay sa mga huling taon ng kanilang mga magulang(Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan. Paano Sikaping Matamo ang Katotohanan (19)). Matapos basahin ang mga salita ng Diyos, naunawaan ko na ang layunin ng pagpapalaki ng mga anak ay hindi para alagaan ka nila sa iyong pagtanda, at na ang bawat isa ay may sariling misyon at mga responsabilidad. Gayumpaman, matapos akong gawing tiwali ni Satanas, tinanggap ko ang mga ideyang itinanim nito sa akin, tulad ng “Magkaroon isang taong maaasahan sa pagtanda,” “Magkaroon ng isang taong mag-aalaga sa iyo pagtanda,” at “Magpalaki ng anak para may mag-alaga sa iyo pagtanda.” Naniwala ako na hindi talaga puwedeng walang mga anak na mag-aalaga sa isang tao sa kanyang pagtanda. Dahil naimpluwensyahan ako ng mga pananaw na ito, nang tumanda ako at nagkaroon ng iba’t ibang problema sa kalusugan, gusto ko na lang panatilihin ang magandang relasyon sa aking anak at manugang para alagaan nila ako sa hinaharap. Nang hindi ako makabalik para alagaan ang buntis kong manugang dahil sa mga panganib, wala na akong ganang gawin ang tungkulin ko. Nangahulugan ito na hindi kailanman nalutas ang mga problema ng mga baguhan, at naantala ang kanilang buhay pagpasok. Pero hindi pa rin ako nagsisi, at umasa pa nga akong mailipat sa ibang mga tungkulin para makauwi ako at maalagaan ang manugang ko. Naisip ko kung paano ako naniwala sa Diyos sa loob ng maraming taon at nagtamasa ng napakaraming panustos ng katotohanan mula sa Diyos. Hindi ko lang nabigong suklian ang Diyos, kundi kapag may nangyayari sa akin, ang iniisip ko lang ay ang sarili kong kapakanan. Wala akong pakialam sa aking mga tungkulin kahit katiting. Sa anong paraan ako nagkaroon ng anumang pagkatao? Napagtanto ko na ang mga pananaw tulad ng “Magkaroon isang taong maaasahan sa pagtanda,” “Magkaroon ng isang taong mag-aalaga sa iyo pagtanda,” at “Magpalaki ng anak para may mag-alaga sa iyo pagtanda,” ay mga pakana na ginagamit ni Satanas para kontrolin ang mga tao. Ang pamumuhay ayon sa mga pananaw na ito ang nag-akay sa akin na hindi maniwala sa kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos, na maghimagsik laban sa Diyos at hindi magpasakop sa Kanya, at magkulang ng anumang pasanin para sa aking tungkulin. Muntik ko nang mawala ang pagkakataong gawin ang aking tungkulin. Kung nagpatuloy akong panghawakan ang mga pananaw na ito, mawawala sa akin ang pagkakataong maligtas, at talagang sisirain ko ang aking sarili. Pagkatapos ay naisip ko ang mga sakit na naranasan ko nitong mga nakaraang taon. Noong 2018, hindi ko maiunat ang aking mga braso dahil sa cervical spondylosis na umiipit sa nerves. Ang sister na nagpatuloy sa akin ay bumili ng ilang gamot para sa akin, para inumin at ipahid. Kalaunan, sa wakas ay naiunat ko na muli ang aking mga braso. At saka, nagkaroon ako ng cerebral infarction noong 2020, at sinabi ng mga doktor na mahirap gamutin ang sakit ko. Hindi ko inaasahan, isang matandang sister ang nagbigay sa akin ng apat na kahon ng gamot para sa cerebral infarction. Pagkatapos inumin ang gamot, unti-unting bumuti ang kalusugan ko. Wala sa mga sakit na ito ang gumaling dahil sa pag-asa ko sa aking anak: Ang Diyos ang paulit-ulit na nagsaayos ng mga tao, pangyayari, at bagay para gumaling ang mga sakit ko. Buháy pa ako hanggang ngayon dahil sa proteksyon ng Diyos! Kailangan kong talikuran ang mga maling kaisipan mula kay Satanas tulad ng “Magkaroon ng isang taong maaasahan sa pagtanda” at “Magkaroon ng isang taong masasandalan sa pagtanda,” at ipagkatiwala ang sarili ko sa Diyos, gamit ang natitira kong panahon para gawin nang maayos ang tungkulin ko para mapalugod Siya.

Pagkatapos, nabasa ko ang isa pang sipi ng mga salita ng Diyos: “Hindi dapat hingin ng mga magulang na maging mabuting anak ang kanilang mga anak, at alagaan sila sa kanilang pagtanda at pasanin ang bigat sa kanilang pagtanda—hindi na ito kailangan. Sa isang aspekto, ito ay isang saloobin na dapat mayroon ang mga magulang sa kanilang mga anak, at sa isa pang aspekto, ito ang dignidad na dapat taglayin ng mga magulang. Siyempre, mayroon ding mas mahalagang aspekto: Ito ang prinsipyo na dapat sundin ng mga nilikha na mga magulang sa pagtrato sa kanilang mga anak. Kung mabuting anak ang mga anak mo, at handang alagaan ka, hindi mo sila kailangang tanggihan; kung ayaw naman nilang gawin ito, hindi mo kailangang magreklamo o dumaing buong araw, makaramdam ng pagiging di-komportable at di-nasisiyahan sa puso mo, o magtanim ng sama ng loob sa iyong mga anak. Dapat kang umako ng responsabilidad at dalhin ang pasanin para sa sarili mong buhay at pananatiling buhay hangga’t kaya mo, at hindi mo ito dapat ipasa sa iba, lalo na sa iyong mga anak. Dapat mong maagap at wastong harapin ang buhay na hindi kasama at wala ang tulong ng mga anak mo sa tabi mo, at kahit malayo ka pa sa mga anak mo, dapat magagawa mo pa ring haraping mag-isa ang anumang idinudulot sa iyo ng buhay. Siyempre, kung nangangailangan ka ng mahalagang tulong mula sa iyong mga anak, maaari mo itong hingin sa kanila, ngunit hindi ito dapat nakabatay sa maling kaisipan at pananaw na kailangang maging mabuting anak sa kanilang mga magulang ang mga anak o na kailangan mong umasa sa kanila na alagaan ka sa iyong pagtanda. Sa halip, dapat nilang harapin pareho ang paggawa ng mga bagay-bagay para sa kanilang mga magulang o mga anak mula sa perspektiba ng pagtupad ng kanilang mga responsabilidad. Sa ganitong paraan, ang ugnayan sa pagitan ng mga magulang at anak ay mapapangasiwaan nang may katwiran. Siyempre, kung ang magkabilang panig ay makatwiran, binibigyan ng kalayaan ang isa’t isa, at nirerespeto ang isa’t isa, sa huli, sila ay tiyak na magkakasundo nang mas maayos at matiwasay, pahahalagahan ang pagmamahalang ito ng pamilya, at pahahalagahan ang kanilang pag-aaruga, pagmamalasakit, at pagmamahal sa isa’t isa. Siyempre, ang paggawa sa mga bagay na ito nang batay sa respeto at pag-unawa sa isa’t isa ay medyo naaayon sa pagkatao at medyo nararapat(Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan. Paano Sikaping Matamo ang Katotohanan (19)). Sabi ng Diyos: “Hindi dapat hingin ng mga magulang na maging mabuting anak ang kanilang mga anak, at alagaan sila sa kanilang pagtanda at pasanin ang bigat sa kanilang pagtanda—hindi na ito kailangan. Sa isang aspekto, ito ay isang saloobin na dapat mayroon ang mga magulang sa kanilang mga anak, at sa isa pang aspekto, ito ang dignidad na dapat taglayin ng mga magulang.” Talagang naantig ako sa mga salitang ito. Malinaw na sinabi sa atin ng Diyos na ang relasyon sa pagitan ng mga magulang at anak ay dapat nakabatay sa pag-aalaga at pag-unawa sa isa’t isa, at hindi dapat may kasamang anumang pakikipagtawaran. Bawat isa ay may sariling misyon, at bilang mga magulang, hindi natin dapat hilingin sa ating mga anak na suportahan at alagaan tayo. Dapat ding mamuhay nang may dignidad ang mga matatanda. Bagama’t pinalaki ko ang aking mga anak, malalaki na sila ngayon at nagsasarili, at wala na silang obligasyon sa akin. Bawat isa ay may sariling landas sa buhay at dapat harapin nang mag-isa ang mga nangyayari sa buhay. Gayumpaman, palagi kong gustong alagaan ako ng anak ko pagtanda ko, at hindi ako nangahas na danasin nang mag-isa ang buhay na isinaayos ng Diyos para sa akin. Paano ako namumuhay nang may anumang dignidad? Sa pamamagitan ng pagkain at pag-inom ng mga salita ng Diyos, medyo nabago ang pananaw ko, at mas lalong gumaan ang pakiramdam ko.

Isang araw, nakatanggap ako ng sulat mula sa bahay. Sabi roon, isinilang na ang sanggol, at pinapauwi ako para mag-alaga. Medyo natinag ang puso ko, at naisip ko, “Ngayon, sobrang abala ako sa tungkulin ko. Kung uuwi talaga ako, hindi ko alam kung gaano katagal bago ako makabalik ulit dito. Maaantala nito ang gawain. At saka, patuloy akong hinahanap ng CCP. Ang paglabas sa panahong ito ay malamang na magdulot ng panganib. Kahit saang anggulo ko tingnan, hindi talaga ako puwedeng bumalik. Pero kung hindi ako babalik, paano kung putulin na nila ang kanilang ugnayan sa akin? Kailangan ko pa ring umasa sa kanila para alagaan ako sa hinaharap. Kung hindi talaga puwede, babalik na lang ako.” Nang maisip ko ito, napagtanto ko na gusto ko pa ring umasa sa anak ko sa aking pagtanda, at hinanap ko ang katotohanan kaugnay ng problema ko. Nabasa ko ang mga salita ng Diyos: “Hindi lamang basta nagbabayad ng halaga ang Diyos para sa bawat tao sa mga dekada mula sa kanilang pagsilang hanggang sa kasalukuyan. Tulad ng pagtingin dito ng Diyos, nakarating ka na sa mundong ito nang maraming beses, at muling isinilang nang maraming beses. Sino ang namamahala rito? Ang Diyos ang namamahala rito. Hindi mo malalaman ang mga bagay na ito. … Kaylaki ng pagpapagal ng Diyos para sa kapakanan ng tao! Sabi ng ilang tao, ‘Animnapung taong gulang na ako. Sa loob ng animnapung taon, binabantayan ako ng Diyos, pinoprotektahan ako, at ginagabayan ako. Kung, kapag matanda na ako, hindi ko magampanan ang isang tungkulin at wala akong magawang anuman—pangangalagaan pa rin ba ako ng Diyos?’ Hindi ba’t katawa-tawang sabihin ito? Hindi lang binabantayan at pinoprotektahan ng Diyos ang isang tao at hindi lang Siya mayroong kataas-taasang kapangyarihan sa kapalaran ng isang tao sa iisang haba ng buhay. Kung tungkol lamang ito sa iisang haba ng buhay, iisang takbo ng buhay, mabibigo iyang ipamalas na ang Diyos ay makapangyarihan sa lahat at may kataas-taasang kapangyarihan sa lahat ng bagay. Ang tinatrabaho ng Diyos at ang halagang ibinabayad Niya para sa isang tao ay hindi lamang para isaayos ang gagawin ng tao sa buhay na ito, kundi ang isaayos para sa tao ang napakaraming buhay. Inaako ng Diyos ang buong responsabilidad para sa bawat kaluluwang reinkarnado. Nakatuon Siyang gumagawa, ibinabayad ang halaga ng Kanyang buhay, ginagabayan ang bawat tao at isinasaayos ang bawat buhay nila. Nagpapagal at nagbabayad ng halaga ang Diyos sa ganitong paraan para sa kapakanan ng tao, at ipinagkakaloob Niya sa tao ang lahat ng katotohanang ito at ang buhay na ito. Kung hindi gagampanan ng mga tao ang tungkulin ng mga nilikha sa mga huling araw na ito, at hindi sila babalik sa harap ng Lumikha—kung, sa bandang huli, ilang buhay at henerasyon man ang kanilang isinabuhay, hindi nila ginagawa nang maayos ang kanilang mga tungkulin at nabibigo silang tugunan ang mga hinihingi ng Diyos—hindi ba’t magiging napakalaki ng kanilang pagkakautang sa Diyos? Hindi ba’t hindi sila magiging karapatdapat sa lahat ng ibinayad na halaga ng Diyos? Magiging masyado silang walang konsensiya, hindi sila magiging karapatdapat na tawaging mga tao, dahil magiging napakalaki ng pagkakautang nila sa Diyos. … Ang biyaya, pagmamahal, at habag na ipinapakita ng Diyos sa tao ay hindi lamang isang uri ng saloobin—katunayan din ang mga iyon. Anong katunayan iyon? Iyon ay na inilalagay ng Diyos ang Kanyang mga salita sa iyong kalooban, binibigyang-liwanag ka, upang makita mo kung ano ang kaibig-ibig sa Kanya, at kung tungkol saan ang mundong ito, upang ang puso mo ay mapuspos ng liwanag, na nagtutulot sa iyo na maunawaan ang Kanyang mga salita at ang katotohanan. Sa ganitong paraan, nang hindi mo nalalaman, natatamo mo ang katotohanan. Gumagawa ang Diyos ng napakaraming gawain sa iyo sa napakatotoong paraan, na nagbibigay sa iyo ng kakayahang matamo ang katotohanan. Kapag natamo mo ang katotohanan, kapag natamo mo ang buhay na walang hanggan na siyang pinakamahalagang bagay, natutugunan ang mga layunin ng Diyos. Kapag nakikita ng Diyos na hinahangad ng mga tao ang katotohanan at handa silang makipagtulungan sa Kanya, masaya Siya at kontento. Sa gayon ay nagkakaroon Siya ng isang saloobin, at habang taglay Niya ang saloobing iyon, gumagawa Siya, at sinasang-ayunan at pinagpapala Niya ang tao. Sinasabi Niya, ‘Gagantimpalaan kita ng mga pagpapalang nararapat sa iyo.’ At pagkatapos ay matatamo mo na ang katotohanan at ang buhay. Kapag mayroon kang kaalaman sa Lumikha at natamo mo ang Kanyang pagpapahalaga, makadarama ka pa rin ba ng kahungkagan sa puso mo? Hindi na. Madarama mo na kontento ka na at may kagalakan. Hindi ba’t ito ang kahulugan ng pagkakaroon ng halaga ng buhay ng isang tao? Ito ang pinakamahalaga at pinakamakabuluhang buhay(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ang Pagbabayad ng Halaga Para Makamit ang Katotohanan ay Mayroong Malaking Kabuluhan). Pagkatapos basahin ang mga salita ng Diyos, labis akong naantig. Naisip ko kung paano ako palaging inaakay at pinoprotektahan ng Diyos, binibigyan ako ng biyaya na matanggap ang Kanyang gawain sa mga huling araw. Ngayon, sinusunod ko ang nag-iisa at tanging tunay na Diyos, na may kataas-taasang kapangyarihan at kumokontrol sa kapalaran ng buong sangkatauhan. Sino pa ba ang aasahan ko sa aking pagtanda? Ang Diyos ang tunay kong sandigan. Naisip ko kung paanong, sa paglalakbay ko, personal kong naranasan ang presensiya at mga gawa ng Diyos. Ano pa ba ang inaalala ko? Kung, sa limitadong panahon ko, patuloy akong mamumuhay para sa aking pamilya at sa laman, nakakapit sa mga walang katotohanang pananaw ni Satanas para mapanatili ang relasyon ko sa aking anak, at nabibigong tuparin ang aking tungkulin, at sa huli ay mawawala ang pagkakataon kong maligtas, talagang hindi sulit ang lahat ng iyon! Nais ko na lang gawin ang lahat ng aking makakaya para magampanan nang maayos ang tungkulin ko sa natitirang bahagi ng buhay ko. Ito ang layon at direksyon sa buhay na dapat kong hangarin. Kung isang araw ay hindi ko na talaga magawa ang tungkulin ko at kailangan kong umuwi, pero ayaw akong pakialaman ng anak ko, handa akong umasa sa Diyos at danasin iyon. Ngayon, abala ako sa paggawa ng aking mga tungkulin araw-araw, at sobrang gumaan at napalaya ang pakiramdam ko.

Pagkatapos ng karanasang ito, ang pinakamalalim kong napagtanto ay ang Diyos ang tunay kong sandigan. Tanging ang Diyos lamang ang makapagpapahayag ng katotohanan, makapagtuturo sa atin ng tamang landas sa buhay, at akayin tayong isabuhay ang isang makabuluhang buhay. Salamat sa Makapangyarihang Diyos!

Sinundan: 38. Nang Mabalitaan Kong Kritikal ang Kalagayan ni Mama

Sumunod: 50. Tinitiyak Ba ng Paghahangad ng Kaalaman ang Magandang Kinabukasan?

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

69. Pagbabalik sa Tamang Daan

Ni Chen Guang, USASabi ng Makapangyarihang Diyos, “Ang paglilingkod sa Diyos ay hindi simpleng gawain. Ang mga hindi nagbabago ang tiwaling...

Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos Ukol sa Pagkakilala sa Diyos Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw Paglalantad sa mga Anticristo Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Tahanan ng Diyos Mahahalagang Salita Mula sa Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga Huling Araw Araw-araw na mga Salita ng Diyos Ang Mga Katotohanang Realidad na Dapat Pasukin ng mga Mananampalataya sa Diyos Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin Mga Gabay para sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian Naririnig ng mga Tupa ng Diyos ang Tinig ng Diyos Makinig sa Tinig ng Diyos  Masdan ang Pagpapakita ng Diyos Mahahalagang Tanong at Sagot tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume I) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume II) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume III) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IV) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume V) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VI) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VIII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IX) Paano Ako Bumalik sa Makapangyarihang Diyos

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito