48. Ano ang Ikinabahala Ko Nang Hindi Ako Naglakas-loob na Akuin ang Responsabilidad?
Noong Abril 2023, tinanggal ang superbisor sa gawaing nakabatay sa teksto dahil hinahangad niya ang kasikatan at katayuan at ginambala at ginulo niya ang gawaing nakabatay sa teksto. Ako ang hinirang na bagong superbisor. Naalala ko na maraming taon na ang nakalipas, inaresto ako ng CCP dahil sa pananampalataya sa Diyos. Ikinulong ako ng mga pulis sa isang guesthouse at lihim na ininteroga sa loob ng sampung araw. Para iligtas ang sarili ko, ipinagkanulo ko ang dalawang sister na kasama kong inaresto, kaya nakagawa ako ng pagsalangsang. Naramdaman kong hindi ako karapat-dapat sa ganoon kaimportanteng tungkulin, kaya sinabi ko ang mga pag-aalinlangan ko. Nakipagbahaginan sa akin ang lider tungkol sa kung paanong hindi tinitingnan ng Diyos ang mga panandaliang pagsalangsang ng isang tao, kundi sinusuri Niya nang komprehensibo ang tao batay sa konteksto at kalikasan ng mga kilos nito. Ang susi ay kung tunay bang nagsisi ang tao. Sinabi niya sa akin na tratuhin ko nang tama ang aking pagsalangsang. Talagang naantig ako, at naging handa rin akong pahalagahan ang pagkakataong ito na magsanay. Hindi ko inaasahan, ilang araw pa lang pagkatapos kong simulan ang tungkuling ito, isa pang superbisor, si Sun Jia, ay tinanggal din dahil sa paghahangad ng kasikatan at katayuan at sa hindi paggawa ng kanyang tungkulin ayon sa mga prinsipyo. Sa sumunod na mga araw, parang may dambuhalang batong nakadagan sa puso ko. “Bago pa lang ako sa tungkuling ito at hindi ko pa gamay ang gawain. Kulang kami sa mga manggagawa ng gawaing nakabatay sa teksto, nasa masamang kalagayan ang ilang kapatid, at hindi umuusad ang gawain. Sa dami ng problema sa gawain, sa kakayahan kong ito, mapapasan ko ba ang gawain? Kahit na ilang taon na akong gumagawa ng mga tungkuling nakabatay sa teksto, iba ang pagiging superbisor. Kailangan may mahusay kang kakayahan at kapabilidad sa gawain, at kailangan mo ring maarok ang mga prinsipyo. Pero pangkaraniwan lang ang kakayahan at kapabilidad ko sa gawain, at kulang din ako sa propesyonal na kaalaman. Paano ko aakuin ang ganito kaimportanteng gawain? Nakagawa na ako ng malubhang pagsalangsang, at kung makapagdudulot pa ako ng dagdag na hadlang o pinsala sa gawain, hindi ko makakayang dalhin ang responsabilidad na ito. Kung malubha ang problema, baka wala akong maging magandang kalalabasan o hantungan.” Habang iniisip ko ito, pakiramdam ko ay hindi ako makahinga, at sa sobrang pag-aalala, hindi ako makatulog sa gabi. Sa sumunod na mga araw, wala man lang akong ganang gawin ang tungkulin ko, at pasibo ko lang na ginagawa ang mga nakahandang gampanin. Nang makita ako ng lider na palaging nagbubuntonghininga, tinanong niya ang kalagayan ko. Sinabi ko sa kanya ang tungkol sa aking kalagayan at mga paghihirap, at nakipagbahaginan siya sa akin gamit ang mga salita ng Diyos. Medyo bumuti ang kalagayan ko.
Sa mga debosyonal ko, naghanap ako ng mga salita ng Diyos na tumutugon sa kalagayan ko. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Noong gumawa si Noe ayon sa tagubilin ng Diyos, hindi niya alam kung ano ang mga layunin ng Diyos. Hindi niya alam kung ano ang gustong maisakatuparan ng Diyos. Binigyan lang siya ng Diyos ng utos at binilinan siyang gumawa ng isang bagay, at nang walang gaanong paliwanag, nagpatuloy si Noe at ginawa ito. Hindi niya sinubukang alamin ang mga pagnanais ng Diyos nang palihim, ni hindi siya lumaban sa Diyos o nagpakita nang kawalang-katapatan. Humayo lamang siya at ginawa ito nang may malinis at simpleng puso. Anuman ang ipinagawa ng Diyos, ginawa niya, at ang pagpapasakop at pakikinig sa salita ng Diyos ang pananampalatayang naging pundasyon ng kanyang mga pagkilos. Ganito katapat at kasimple ang pagharap niya sa ipinagkatiwala ng Diyos. Ang kanyang diwa—ang diwa ng kanyang mga pagkilos ay pagpapasakop, hindi pagdadalawang-isip, hindi paglaban, at higit pa rito, hindi pag-iisip ng mga pansarili niyang kapakanan o pakinabang at kawalan. At higit pa, noong sinabi ng Diyos na gugunawin Niya ang mundo sa pamamagitan ng isang baha, hindi tinanong ni Noe kung kailan o kung anong mangyayari sa mga bagay-bagay, at tiyak na hindi tinanong ang Diyos kung paano Niya gugunawin ang mundo. Gumawa lang si Noe ayon sa tagubilin ng Diyos. Sa paano mang paraan nais ng Diyos na gawin ito at kung sa ano gawa ito, ginawa niya mismo ang hiningi ng Diyos at kaagad na sinimulan ang paggawa. Kumilos siya alinsunod sa mga tagubilin ng Diyos nang may saloobing nagnanais na magbigay-kasiyahan sa Diyos. Ginagawa ba niya ito upang matulungan ang sarili niya na makaiwas sa sakuna? Hindi. Tinanong ba niya ang Diyos kung gaano pa katagal bago gunawin ang mundo? Hindi. Tinanong ba niya ang Diyos o alam ba niya kung gaano katagal gawin ang arka? Hindi rin niya alam iyon. Nagpasakop lamang siya, nakinig, at ginawa ang ipinag-uutos” (Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo I). Habang pinagninilayan ko ang karanasan ni Noe, naantig ako at kasabay niyon ay nahiya rin. Nang tanggapin ni Noe ang atas ng Diyos na gumawa ng arka, ni hindi niya pa nakikita kung ano ang itsura ng isang arka. Alam niyang magkakaroon ng maraming paghihirap sa proseso ng paggawa ng arka, pero sa harap ng atas ng Diyos, hindi isinaalang-alang ni Noe ang mga bagay na ito, ni nagpakalunod sa mga paghihirap o natigil. Sa halip, nagpasakop siya at sumunod, at inihanda niya ang mga materyales para gawin ang arka ayon sa mga hinihingi ng Diyos. Hindi isinaalang-alang ni Noe ang kanyang mga personal na pakinabang o kawalan; ang tanging isinaalang-alang niya ay kung paano gagawin ang arka sa lalong madaling panahon ayon sa mga hinihingi ng Diyos para aluin ang puso ng Diyos. Sadyang mabuti talaga ang karakter ni Noe! Ang saloobin ni Noe na simpleng pagpapasakop sa atas ng Diyos ay nagparamdam sa akin ng kahihiyan dahil sa aking mga pagkabigo. Naisip ko ang saloobin ko kapag nahaharap sa mga paghihirap sa aking tungkulin, at kung paanong hindi man lang ito maikukumpara kay Noe. Bagama’t may ilang aktuwal na paghihirap sa gawain, hindi naman imposibleng malutas ang mga ito. Halimbawa, ang kakulangan sa mga manggagawa sa gawaing nakabatay sa teksto ay maaaring malutas sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa ibang mga iglesia; ang masasamang kalagayan ng mga manggagawa sa gawaing nakabatay sa teksto ay malulutas sa pamamagitan ng pakikipagbahaginan sa kanila ng mga salita ng Diyos; at ang pangkaraniwan kong kakayahan at kawalan ng kapabilidad sa gawain ay malulutas sa pakikipagtulungan sa lider at sa aking mga kapatid. Lahat ng paghihirap na ito ay malulutas. Pero nang dumating ang mga paghihirap na ito, hindi ko direktang hinarap ang mga ito at praktikal na nilutas para maisulong ang gawain. Sa halip, nag-alala ako na baka maantala ko ang gawain at ako ang managot sa huli. Ang tanging isinaalang-alang ko ay ang mga personal kong pakinabang at kawalan. Hindi ko man lang isinaalang-alang ang mga layunin ng Diyos, ni hindi ko inisip kung ano ang tungkulin at responsabilidad ko. Talagang napakababa ng pagkatao ko! Sa pagkatao gaya ng sa akin, hindi talaga ako karapat-dapat na umako ng gayon kaimportanteng gawain. Nakadama ako ng labis na pagsisisi sa sarili, at nanalangin ako sa Diyos, “O Diyos, may panghihina sa puso ko kapag nahaharap ako sa ganitong mga paghihirap sa aking tungkulin. Pakiusap, gabayan Mo ako, at bigyan Mo ako ng pananalig at determinasyon. Handa akong umasa sa Iyo sa pagdanas nito.” Pagkatapos magdasal, mabilis akong naghanap ng mga manggagawa sa gawaing nakabatay sa teksto mula sa iba’t ibang iglesia. Pagkalipas ng ilang panahon, halos nabago na ang pagkakatalaga ng tungkulin ng tauhan para sa gawaing nakabatay sa teksto, at pumili ang mga lider ng isang bagong superbisor para makipagtulungan sa akin. Sa pamamagitan ng aktuwal na pakikipagtulungan ng lahat, unti-unting bumuti ang gawaing nakabatay sa teksto.
Pero hindi nagtagal ang magandang sitwasyon. Paglipas ng ilang panahon, nagsimulang bumaba ang mga resulta ng gawain. Sa sandaling iyon, nakatanggap ako ng isang sulat mula sa mga lider, tinutukoy na hindi kami nakatuon sa paglilinang ng mga tao, at na hindi gaanong maganda ang kalidad ng mga sermon na in-edit kamakailan. Hiniling sa amin na suriin kung saan nagmula ang mga problema. Nang makita ang sulat ng mga lider, biglang kinabahan ang puso ko. “Napakaming problema na ang nalantad sa gawain ngayon. Dahil ito sa ako, ang superbisor, ay hindi makapamuno nang maayos o hindi ginawa nang wasto ang mga huling pagsusuri. Mukhang masyado pa ring mahina ang kakayahan ko para pasanin ang gawaing ito!” Pagkatapos ay naisip ko ang dating superbisor, na tinanggal dahil sa paghahangad ng kasikatan at katayuan at pagdudulot ng mga pagkagambala at panggugulo sa gawain. Bagama’t hindi ko sinadyang magdulot ng mga pagkagambala at panggugulo, kung maparalisa ng mahina kong kakayahan ang gawain, hindi ba’t isa rin iyong pagsalangsang? Habang lalo ko itong iniisip, lalo akong nagiging negatibo, at nanghina ang buong katawan ko. Natukoy kong hindi talaga ako naaangkop maging superbisor, at dapat na akong bumaba sa puwesto at hayaang pumalit ang isang mas may kakayahan. Iyon ay magpapakita man lang ng kaunting kamalayan sa sarili. Hinanap-hanap ko ang mga araw noong miyembro lang ako ng pangkat, noong ang superbisor ang nag-aalala sa lahat ng bagay at hindi ko kailangang umako ng anumang responsabilidad. Bagama’t alam kong mali ang mga ganoong ideya, hindi ko makontrol ang aking mga iniisip. Noong panahong iyon, may isang sulat na nangangailangan ng agarang tugon, pero nakatitig lang ako sa kompyuter, hindi mapatahimik ang aking puso. Habang pinanonood ang paglipas ng oras, napagtanto kong ang pamumuhay sa ganoong kalagayan ay makaaapekto sa gawain, kaya mabilis akong nanalangin sa Diyos, “O Diyos, sa pagkakita ng napakaraming problema at paglihis sa gawain, palagi kong gustong umatras. Alam kong hindi ito naaayon sa Iyong mga layunin. Pakiusap, gabayan Mo ako na maunawaan ang aking sarili at makaalis sa maling kalagayang ito.”
Pagkatapos magdasal, nabasa ko ang mga salita ng Diyos: “Ang paggampan ng tao sa kanyang tungkulin ay, sa katunayan, ang pagsasakatuparan ng lahat ng likas sa loob ng tao, na ibig sabihin ay, iyong likas na posible para sa tao. Noon lamang natutupad ang kanyang tungkulin. Tungkol naman sa mga kakulangan sa paglilingkod ng tao, ang mga ito ay unti-unting nababawasan sa pamamagitan ng umuunlad na karanasan at ng proseso ng pagpapasailalim niya sa paghatol; hindi ito nakapipigil o nakaaapekto sa tungkulin ng tao. Iyong mga tumitigil sa paglilingkod o sumusuko at umuurong dahil sa takot na maaaring may mga kakulangan sa kanilang paglilingkod ang pinakaduwag sa lahat. Kung hindi kayang ipahayag ng mga tao ang nararapat nilang ipahayag habang naglilingkod o makamit kung ano ang likas na posible para sa kanila, at sa halip ay kumikilos nang pabasta-basta, naiwala na nila ang gampaning dapat taglayin ng isang nilikha. Ang gayong mga tao ay kilala bilang ‘mga walang-kabuluhan’; sila ay mga walang-silbing basura. Paano matatawag na mga nilikha ang gayong mga tao sa tunay na kahulugan? Hindi ba’t mga bulok silang bagay na maningning sa labas ngunit bulok sa loob? … Iyong mga hindi tumutupad ng kanilang tungkulin ay napakamapaghimagsik sa Diyos, at malaki ang pagkakautang sa Kanya, subalit tumatalikod sila at bumabatikos na mali ang Diyos. Paanong magiging karapat-dapat ang gayong uri ng tao na magawang perpekto? Hindi ba’t ito ang tanda ng pagtitiwalag at pagpaparusa? Ang mga taong hindi gumagawa ng kanilang tungkulin sa harap ng Diyos ay nagkasala na ng pinaka-kahindik-hindik na krimen, kung saan kahit kamatayan ay hindi sapat na kaparusahan, subalit may gana pa silang makipagtalo sa Diyos at makipagtagisan sa Kanya. Ano ang halaga ng gawing perpekto ang gayong mga tao? Kung nabibigo ang mga tao na tuparin ang kanilang tungkulin, dapat silang makonsensiya at makadama ng pagkakautang; dapat nilang kamuhian ang kanilang kahinaan at kawalang-silbi, ang kanilang pagiging mapaghimagsik at pagkatiwali, at bukod pa riyan, dapat nilang ibigay ang kanilang buhay sa Diyos. Saka lamang sila magiging mga nilikha na tunay na nagmamahal sa Diyos, at ang gayong mga tao lamang ang karapat-dapat na magtamasa ng mga pagpapala at pangako ng Diyos, at magawa Niyang perpekto” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Pagkakaiba sa Pagitan ng Ministeryo ng Diyos na Nagkatawang-tao at ng Tungkulin ng Tao). Sinasabi ng Diyos na normal lang na magkaroon ng mga paglihis at kapintasan sa mga tungkulin ng mga tao, at hangga’t kinikilala nila ang mga ito at nagagawang magbago sa tamang panahon, hindi Niya sila kokondenahin para doon. Pero kung ang isang tao ay uurong dahil sa takot kapag may mga paglihis at kapintasan sa kanyang tungkulin, o magsasabi pa ng mga baluktot na pangangatwiran at hihinto sa paggawa ng kanyang tungkulin, ang gayong tao ay walang pagkatao at katwiran at kasuklam-suklam sa Diyos. Kung hindi siya magsisisi, sa huli ay ititiwalag siya ng Diyos. Tumagos sa puso ko ang mga salita ng paghatol ng Diyos. Napinsala ko na ang gawain dahil sa hindi ko paggawa nito nang maayos, at ngayong nalantad na ang mga problema, hindi ako nagmadaling lutasin ang mga ito at itama ang mga paglihis. Sa halip, ang tanging isinasaalang-alang ng puso ko ay ang mga personal kong interes, takot na managot sa pagkaparalisa ng gawain, kaya gusto kong bitawan ang tungkulin ko na parang nakapapaso ito. Masyado akong makasarili at mababang-uri! Sa katunayan, bumaba ang mga resulta ng gawaing nakabatay sa teksto, at nang tukuyin ng mga lider ang mga problema at paglihis sa gawain, praktikal nila akong tinuturuan kung paano gawin ang gawain. Dapat sana ay pinagnilayan ko at ibinuod ang mga problema at paglihis na ito kasama ang lahat para sumulong ang gawain. Pero hindi na nga ako nagnilay at nagbuod, o nakonsensiya at sinisi ang sarili sa hindi paggawa nang maayos sa aking tungkulin, nangangatwiran pa ako sa puso ko, iniisip na hindi ako binigyan ng Diyos ng mahusay na kakayahan, at, sa likod ng pagkukunwaring pagbibitiw para sa isang mas may kakayahan, sinubukan kong iwasan ang aking tungkulin. Inakala ko pa ngang may kamalayan ako sa sarili. Pero ngayon, nakikita ko na hindi ito pagkakaroon ng kamalayan sa sarili kahit kaunti. Nagiging walanghiya lang ako at tinatalikuran ang tungkulin ko! Naisip ko kung paanong tinukoy ng mga lider na hindi kami tumuon sa paglilinang ng mga tao, na isang katunayan. Kasisimula pa lang magsanay ng mga kapatid at hindi pa nila naaarok ang mga prinsipyo, kaya dapat sana ay nag-aral kami at nag-usap-usap nang magkakasama, natututo mula sa kalakasan ng isa’t isa para mapunan ang aming mga kahinaan. Tinukoy ng mga lider na hindi maganda ang kalidad ng mga sermon na in-edit namin, na isa ring katunayan. Mababaw ang sarili kong pagkaunawa sa katotohanan, at hindi ko makilatis ang diwa ng mga problema, kaya wala akong lakas na lutasin ang mga ito. Ang pagtukoy dito ng mga lider ay isang paalala sa akin! Kaya, mabilis akong nakipag-usap sa aking mga kapatid tungkol sa mga problemang tinukoy ng lider. Kinilala rin ng lahat ang mga paglihis at kapintasan sa kanilang mga tungkulin at handang magbago. Mula noon, nagkaroon kami ng direksyon at layon sa aming mga tungkulin.
Sa aking mga espirituwal na debosyon, nagpatuloy ako sa pagninilay, “Bakit sa tuwing nakakaharap ko ang mga paghihirap at problema sa aking gawain, ganito na lang kagulo ang puso ko, at gusto ko pang takasan ang tungkulin ko?” Nabasa ko ang mga salita ng Diyos: “Natatakot ang ilang tao na umako ng responsabilidad habang ginagampanan ang kanilang tungkulin. Kung binibigyan sila ng iglesia ng isang trabahong gagawin, iisipin muna nila kung hinihingi ng trabaho na umako sila ng responsabilidad, at kung oo, hindi nila tatanggapin ang trabaho. Ang mga kondisyon nila sa paggampan ng isang tungkulin ay, una, na ito ay dapat na isang maginhawang trabaho; pangalawa, na hindi ito matrabaho o nakakapagod; at pangatlo, na kahit anong gawin nila, wala silang aakuing anumang responsabilidad. Ito lang ang uri ng tungkuling tinatanggap nila. Anong uri ng tao ito? Hindi ba’t isa itong tuso at mapanlinlang na tao? Ayaw niyang pasanin kahit ang pinakamaliit na responsabilidad. Kinatatakutan pa nga niya na mababasag ng mga dahon ang kanyang bungo kapag nahulog ang mga ito mula sa mga puno. Anong tungkulin ang magagampanan ng taong tulad nito? Ano ang pakinabang niya sa sambahayan ng Diyos? Ang gawain ng sambahayan ng Diyos ay may kinalaman sa gawain ng pakikipaglaban kay Satanas, gayundin sa pagpapalaganap ng ebanghelyo ng kaharian. Anong tungkulin ang walang mga kaakibat na responsabilidad? Masasabi ba ninyong may kaakibat na responsabilidad ang pagiging lider? Hindi ba’t mas mabigat ang kanilang mga responsabilidad, at hindi ba’t mas lalo silang dapat na umako ng responsabilidad? Nangangaral ka man ng ebanghelyo, nagpapatotoo, gumagawa ng mga video, at iba pa—anuman ang iyong gawain—hangga’t nauukol ang mga ito sa mga katotohanang prinsipyo, may mga kaakibat itong responsabilidad. Kung walang prinsipyo ang paggampan mo ng iyong tungkulin, makakaapekto ito sa gawain ng sambahayan ng Diyos, at kung natatakot kang umako ng responsabilidad, hindi mo magagampanan ang anumang tungkulin. Duwag ba ang uri ng taong natatakot na umako ng responsabilidad sa paggampan ng kanyang tungkulin, o may problema sa kanyang disposisyon? Dapat ay masabi mo ang pagkakaiba. Sa realidad, hindi ito isyu ng karuwagan. Paanong napakamapangahas niya pagdating sa pagiging mayaman, o kapag gumagawa siya ng isang bagay para sa sarili niyang kapakinabangan? Haharapin niya ang anumang panganib. Subalit kapag gumagawa siya ng mga bagay-bagay para sa iglesia, para sa sambahayan ng Diyos, wala siyang inaako na anumang mga panganib. Ang gayong mga tao ay makasarili at kasuklam-suklam, ang pinakataksil sa lahat. Ang sinumang hindi umaako ng responsabilidad sa paggampan ng isang tungkulin ay walang ni katiting na sinseridad sa Diyos, lalong wala siyang katapatan. Anong uri ng tao ang nangangahas na pumasan ng responsabilidad? Anong uri ng tao ang may tapang na magbuhat ng mabigat na pasanin? Ang sinumang nangunguna at buong-tapang na sumusulong sa pinakamahalagang sandali sa gawain ng sambahayan ng Diyos, na buong-tapang na umaako ng mabigat na pasanin at hindi takot na magtiis ng mga paghihirap at panganib kapag nakita niya ang gawain na pinaka-importante at pinakamahalaga. Iyon ay isang taong tapat sa Diyos, isang mabuting sundalo ni Cristo. Ito ba ay ang kaso kung saan ang lahat ng natatakot na umako ng responsabilidad sa kanilang tungkulin ay ginagawa iyon dahil hindi sila nakakaunawa sa katotohanan? Hindi; may problema sa kanilang pagkatao. Wala silang pagpapahalaga sa katarungan o responsabilidad, sila ay mga taong makasarili at kasuklam-suklam, sila ay hindi mga sinserong mananampalataya sa Diyos, at hindi nila tinatanggap ang katotohanan kahit kaunti. Dahil dito, hindi sila maliligtas. Ang mga nananampalataya sa Diyos ay dapat magbayad ng malaking halaga para makamit ang katotohanan, at makakaharap sila ng maraming balakid sa pagsasagawa nito. Dapat nilang talikuran ang mga bagay-bagay, talikuran ang kanilang mga interes ng laman, at tiisin ang ilang pagdurusa. Saka lang nila maisasagawa ang katotohanan. Kaya, maisasagawa ba ang katotohanan ng ganitong uri ng taong natatakot na umako sa responsabilidad? Tiyak na hindi niya maisasagawa ang katotohanan, lalong hindi niya ito makakamit. Natatakot siyang magsagawa ng katotohanan, na makaranas ng kalugihan sa kanyang mga interes; natatakot siyang mapahiya, na masiraang-puri at mahusgahan, at hindi siya nangangahas na magsagawa ng katotohanan. Dahil dito, hindi niya ito makakamit, at gaano karaming taon man siyang nananampalataya sa Diyos, hindi niya makakamit ang Kanyang kaligtasan. Ang mga kayang gumampan ng isang tungkulin sa sambahayan ng Diyos ay dapat na mga taong may pagkaramdam sa pasanin pagdating sa gawain ng iglesia, na umaako ng responsabilidad, na kayang panindigan ang mga katotohanang prinsipyo, at na kayang magdusa at magbayad ng halaga. Kung ang isang tao ay nagkukulang sa mga larangang ito, hindi siya karapat-dapat na gumampan ng isang tungkulin, at hindi niya naaabot ang mga kondisyon para sa paggampan ng tungkulin. … Kung palagi mong pinoprotektahan ang iyong sarili sa tuwing may nangyayari sa iyo, at iniiwanan mong bukas ang isang pinto o lusutan para sa iyong sarili, isinasagawa mo ba ang katotohanan? Hindi ito pagsasagawa sa katotohanan—pagiging tuso ito. Gumagampan ka ngayon ng iyong tungkulin sa sambahayan ng Diyos. Ano ang unang prinsipyo sa pagtupad ng isang tungkulin? Ito ay na kailangan mo munang gampanan ang tungkuling iyon nang buong puso, lubos na pagsikapan, at protektahan ang mga interes ng sambahayan ng Diyos. Ito ay isang katotohanang prinsipyo, isa na dapat mong isagawa. Ang pagprotekta sa sarili sa pamamagitan ng pag-iiwan para sa sarili ng isang bukas na pinto o lusutan ay ang prinsipyo ng pagsasagawa na sinusunod ng mga walang pananampalataya, at ang kanilang pinakamataas na pilosopiya. Sa lahat ng bagay, ang pagsasaalang-alang muna sa sarili, paglalagay sa sariling interes bago ang lahat, at hindi pag-iisip sa iba, naniniwala na ang mga interes ng sambahayan ng Diyos at mga interes ng iba ay walang kinalaman sa sarili, iniisip muna ang mga sariling interes at pagkatapos ay nag-iisip ng isang ruta sa pagtakas—hindi ba’t iyon ay kung ano ang isang walang pananampalataya? Ito eksakto ang isang walang pananampalataya. Ang ganitong uri ng tao ay hindi karapat-dapat na gumampan ng isang tungkulin” (Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikawalong Aytem (Unang Bahagi)). Mula sa mga salita ng Diyos, nakilala ko na ang dahilan kung bakit napakagulo ng puso ko sa tuwing may mga paglihis o paghihirap sa aking gawain ay pangunahing dahil sa palagi akong takot na akuin ang responsabilidad ko; dahil ito sa nanggugulo ang makasarili at mapanlinlang kong disposisyon. Sa pagharap sa mga pagtatalaga ng tauhan at mga paghihirap at problema sa gawain, ang una kong naisip ay na ang gawaing nakabatay sa teksto ay isang mahalagang gawain sa sambahayan ng Diyos, at na kung hindi ko magagawang pasanin ang tungkulin ng isang superbisor at maaantala ang gawain, ako ang mananagot. Bagama’t hindi ako nangahas na talikuran ang aking tungkulin, palaging nararamdaman ng puso ko na masyadong delikado ang tungkuling ito. Bukod pa sa pag-aalala at pagtitiis, kung hindi maganda ang mga resulta ng gawain o kung may mga paglihis o kapintasan, ang pinakamagaang puwedeng mangyari sa akin ay tatanggalin ako; kung makakaipon ako ng masyadong maraming pagsalangsang, wala akong magiging magandang kalalabasan at hantungan. Sa pag-iisip nito, nakita ko ang tungkuling ito bilang isang pasanin, isang pabigat, at ginusto kong iwasan ito. Wala na rin akong pagnanais na lutasin ang mga problema at paghihirap sa gawain. Bilang isang superbisor, dapat ay kusa kong inako ang aking responsabilidad, at sumangguni sa lider tungkol sa kung ano ang hindi ko nauunawaan. Hangga’t itinatama ko ang aking mga intensyon at ginagawa ang aking makakaya, kahit na hindi gaanong mahalaga ang nagawa ko at hindi gaanong maganda ang mga resulta sa huli, kahit papaano ay wala akong pagsisisihan. Pero nang gawin ko ang tungkuling ito, ang isinaalang-alang ko ay kung paano maiiwasan ang responsabilidad. Wala talaga sa tungkulin ko ang puso ko. Wala akong ipinakitang sinseridad sa aking tungkulin, lalo na ang debosyon. Talagang labis akong makasarili at mababang-uri! Nililinang ng sambahayan ng Diyos ang mga tao para hangarin nilang maunawaan ang iba’t ibang aspekto ng katotohanan habang ginagawa ang kanilang mga tungkulin at magawa nang maayos ang kanilang mga tungkulin. Para sa mga tao, praktikal na pagsasanay ito. Sinumang may dalisay na pagkaarok ay pahahalagahan ang kanyang tungkulin. Pero mali ang pananaw sa likod ng paghahangad ko. Ayaw kong pasanin ang anumang responsabilidad sa aking tungkulin, at gusto ko lang maging isang ordinaryong miyembro ng pangkat na ginagawa ang tungkulin ko ayon sa patakaran, naghihintay na isaayos ng superbisor ang lahat. Sa katunayan, bagama’t ang paggawa ng tungkulin sa ganoong paraan ay nangangahulugang hindi pagpapasan ng responsabilidad, mas kakaunti ang makakamit kong pagsasanay at katotohanan, at magiging mabagal ang pag-usad ng buhay ko. Sa pamamagitan ng pagsasanay sa pagkasuperbisor, bagama’t mas marami akong nakaharap na problema at paghihirap at mas matindi ang presyur, mas marami rin akong nakamit. Nakinabang ako sa pag-arok ng mga prinsipyo, at sa pagtingin sa mga tao at bagay. Gayundin, sa pagsubaybay sa gawain, may ilang problema kung saan ang nakikita ko lang ay ang mga panlabas na anyo at hindi ko maunawaan ang pinakadiwa ng usapin, na naging dahilan kung bakit palagi kong hindi magawang lutasin ang mga problema. Sa pamamagitan ng gabay ng mga lider, natuklasan ko ang aking mga pagkukulang. Sa paghahanap sa katotohanan, nakilala ko ang kalikasan at mga kahihinatnan ng mga problema, at natagpuan ko ang mga prinsipyo ng pagsasagawa, kaya nalutas ang mga problema sa ugat ng mga ito. Ang mga pakinabang na ito ay lahat ng bagay na natamo ko mula sa paggawa ng tungkulin ng isang superbisor. Naunawaan ko rin na anuman ang tungkuling ginagawa ng isang tao sa sambahayan ng Diyos, kailangan niyang pasanin ang isang bahagi ng responsabilidad. Ang responsabilidad na ito ay hindi ibinigay ng sinumang tao, kundi nagmumula sa Diyos. Sa pagkaunawa nito, gumawa ako ng isang panata sa Diyos na gaano man karami ang mga paghihirap na mayroon sa gawain, handa akong umasa sa Diyos at pasanin ang sarili kong mga responsabilidad. Hindi na ako magiging negatibo, ni hindi ko na tatakasan ang aking tungkulin.
Minsan, nabasa ko ang isang sipi ng mga salita ng Diyos na sinipi sa isang artikulo ng patotoong batay sa karanasan na napakaangkop sa aking kalagayan. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Hindi naniniwala ang ilang tao na kayang tratuhin nang patas ng sambahayan ng Diyos ang mga tao. Hindi sila naniniwala na naghahari ang Diyos sa Kanyang sambahayan, at na naghahari doon ang katotohanan. Naniniwala sila na anumang tungkulin ang ginagawa ng isang tao, kung magkakaroon ng problema roon, didisiplinahin kaagad ng sambahayan ng Diyos ang taong iyon, tatanggalin ang kanyang karapatan na gumawa ng tungkulin, palalayasin siya, o papaalisin pa nga siya sa iglesia. Ganoon ba talaga ang kaso? Siguradong hindi. Pinakikitunguhan ng sambahayan ng Diyos ang bawat tao ayon sa mga katotohanang prinsipyo. Ang Diyos ay matuwid sa Kanyang pagtrato sa bawat tao. Hindi lamang Niya tinitingnan kung paano kumilos ang isang tao sa isang pagkakataon; tinitingnan Niya ang kalikasang diwa ng isang tao, ang mga intensyon nito, at ang saloobin nito. Sa partikular, kapag nagkakamali ang isang tao, tinitingnan Niya kung kaya ba nitong pagnilayan ang sarili nito, kung nagsisisi ba ito, at kung kaya ba nitong matarok ang diwa ng problema batay sa Kanyang mga salita, nang sa gayon ay nagagawa nitong maunawaan ang katotohanan, kamuhian ang sarili nito, at tunay na magsisi. Kung wala ng ganitong tamang saloobin ang isang tao, at ganap na siyang nabahiran ng mga personal na intensyon, kung puno siya ng maliliit na pakana at nagbubunyag lang ng mga tiwaling disposisyon, at kung, kapag may mga lumilitaw na problema, nauuwi pa nga siya sa pagkukunwari, mapanlinlang na pangangatwiran, at pangangatwiran sa sarili, at nagmamatigas na tumatangging aminin ang kanyang nagawa, kung gayon, ang ganoong tao ay hindi maliligtas. Hindi talaga niya tinatanggap ang katotohanan at ganap na siyang nabunyag. Iyong mga hindi tamang tao, at hindi kayang tanggapin ang katotohanan kahit kaunti, ay mga hindi mananampalataya sa diwa at maaari lamang na itiwalag. … Sabihin mo sa Akin, kung nakagawa ng pagkakamali ang isang tao, ngunit naaabot niya ang isang tunay na pagkaunawa at handa siyang magsisi, hindi ba’t bibigyan siya ng pagkakataon ng sambahayan ng Diyos? Habang papatapos na ang anim-na-libong-taong plano ng pamamahala ng Diyos, napakaraming tungkuling kailangang magawa. Pero kung wala kang konsensiya o katwiran, at hindi mo inaasikaso ang iyong nararapat na gawain, kung nagkaroon ka ng pagkakataong gawin ang isang tungkulin ngunit hindi mo alam kung paano iyon pahahalagahan, kung hindi mo hinahangad ang katotohanan kahit kaunti, nang hinahayaan mong makalampas ang pinakamagandang pagkakataon, kung gayon ay mabubunyag ka. Kung palagi kang pabasta-basta sa paggawa sa iyong tungkulin, at hindi ka man lang nagpapasakop kapag nahaharap ka sa pagkakapungos, puwede ka pa rin kayang gamitin ng sambahayan ng Diyos para gumawa ng tungkulin? Sa sambahayan ng Diyos, ang katotohanan ang naghahari, hindi si Satanas, at ang Diyos ang may huling pasya sa lahat ng bagay. Siya ang gumagawa ng gawain ng pagliligtas sa tao, Siya ang may kataas-taasang kapangyarihan sa lahat ng bagay. Hindi mo kailangang suriin kung ano ang tama at mali; kailangan mo lang makinig at magpasakop. Kapag nahaharap sa pagkakapungos, dapat mong tanggapin ang katotohanan at itama ang iyong mga pagkakamali. Kung gagawin mo iyon, hindi aalisin sa iyo ng sambahayan ng Diyos ang iyong karapatan na gumawa ng tungkulin. Kung natatakot ka palagi na matiwalag, laging pinangangatwiranan ang iyong sarili, laging gumagamit ng mapanlinlang na pangangatwiran para ipagtanggol ang iyong sarili, problema iyan. Makikita ng iba na hindi mo tinatanggap ang katotohanan ni katiting, at na ganap kang hindi makatwiran. Gulo ang kasunod nito, at kakailanganin ng iglesia na disiplinahin ka. Talagang hindi mo tinatanggap ang katotohanan sa paggawa mo sa iyong tungkulin at lagi kang natatakot na mabunyag at matiwalag. Ang takot mong ito ay nababahiran ng intensyon ng tao; sa loob ng takot na ito, may mga tiwaling satanikong disposisyon, gayundin ng paghihinala, pagiging mapagbantay, at maling pagkaunawa. Wala sa mga ito ang mga saloobin na dapat mayroon ang isang tao” (Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ikatlong Bahagi). Habang pinagninilayan ang mga salita ng Diyos, naisip ko kung paanong palagi akong mapagbantay at nagkakamali ng pagkaunawa sa Diyos kapag may nangyayari sa akin, takot na mabunyag at matiwalag. Ito ay dahil wala akong kaalaman sa matuwid na disposisyon ng Diyos. Naisip ko na nakagawa ako ng malubhang pagsalangsang sa nakaraan, at na kung hindi ko gagawin nang maayos ang aking tungkulin at magdudulot ng kaguluhan at pinsala sa gawain ng iglesia, mas marami pa akong magagawang pagsalangsang, at kung malubha ang mga ito, ako ay matitiwalag. Sa katunayan, kung ginawa ko ang aking tungkulin nang buong puso at lakas, pero kapos sa kasanayan dahil sa mahina kong kakayahan, babaguhin ng sambahayan ng Diyos ang itinalagang tungkulin sa akin sa isang mas angkop ayon sa aking kakayahan, at hindi ako ititiwalag dahil sa dahilang ito. Tanging ang mga sadyang gumagambala at nanggugulo sa gawain ng iglesia at tumatangging magsisi gaano man makipagbahaginan sa kanila ang matitiwalag. Katulad lang ito ng dating superbisor. Sinadya niyang labagin ang mga prinsipyo at nagdulot ng mga pagkagambala at panggugulo para sa kapakanan ng sarili niyang kasikatan at katayuan. Noong panahong iyon, nakipagbahaginan sa kanya at tinulungan siya ng lider, pero hindi siya nagsisi, at sa huli ay tinanggal at itiniwalag. Ang sambahayan ng Diyos ay may mga prinsipyo sa pakikitungo sa mga tao. Pinangangasiwaan nito ang mga pagsalangsang ng mga tao ayon sa magkakaibang sitwasyon at konteksto ng bawat tao, at hindi ito naglalapat ng iisang patakaran para sa lahat. Ang maraming problemang nalantad sa paggawa ko ng aking tungkulin, na nakaapekto sa pag-usad ng gawain, ay pangunahing dahil sa maikling panahon pa lang akong nagsasanay. Wala akong direksyon o landas kung paano gagawin nang maayos ang gawain, at kung minsan ay hindi ko maarok ang mga pangunahing punto. Hindi ko sinadyang manggambala o manggulo. Nang makilala ko ang aking mga paglihis at naitama ang mga ito sa tamang panahon, binigyan pa rin ako ng sambahayan ng Diyos ng pagkakataong magsanay, at ginabayan din ako ng mga lider kung paano gumawa ng tunay na gawain. Hindi ako dapat maging mapagbantay o magkamali ng pagkaunawa sa Diyos. Wala akong kaalaman sa matuwid na disposisyon ng Diyos at namuhay sa pagiging mapagbantay at maling pagkaunawa sa Diyos. Nagdusa ng kawalan ang sarili kong buhay pagpasok, at naapektuhan din nito ang aking tungkulin. Lahat ng ito ay kinahinatnan ng hindi ko paghahanap sa katotohanan.
Sa isang iglap, Oktubre na. Dahil sa mga pag-aresto ng CCP, nahadlangan ang iba’t ibang aytem ng gawain sa iglesia, at bumaba na naman ang mga resulta ng gawain. Karamihan sa aking mga kapatid ay namumuhay rin sa gitna ng mga paghihirap. Sa pagkakataong ito, hindi ako nagpakatamad o naging negatibo tulad ng dati, kundi tinalakay ko kasama ang sister na katulungan ko kung paano lulutasin ang mga problemang umiiral. Sa pagkakataong ito, tinukoy rin ng mga lider ang ilang paglihis sa aming gawain, at nakipagbahaginan ng ilang landas ng pagsasagawa. Nang makita ang sulat ng mga lider, hindi ko maiwasang isipin, “Paano kung hindi pa rin umusad ang gawain pagkatapos nito? Kung maaantala ang gawain, hindi ko kakayaning pasanin ang responsabilidad na ito!” Napagtanto kong iniisip ko na namang protektahan ang sarili ko, kaya nanalangin ako at naghanap. Nabasa ko ang mga salita ng Diyos: “Ano ang mga pagpapamalas ng isang matapat na tao? Una, ang hindi pagkakaroon ng pagdududa sa mga salita ng Diyos. Isa iyon sa mga pagpapamalas ng isang matapat na tao. Bukod dito, ang pinakamahalagang pagpapamalas ay ang paghahanap at pagsasagawa ng katotohanan sa lahat ng bagay—ito ang pinakamahalaga. Sinasabi mong ikaw ay matapat, pero palagi mong iniiwasang isipin ang mga salita ng Diyos at ginagawa lang ang anumang gusto mo. Pagpapamalas ba iyon ng isang matapat na tao? Sinasabi mo, ‘Bagama’t mahina ang kakayahan ko, mayroon akong matapat na puso.’ Gayumpaman, kapag may tungkulin na itinalaga sa iyo, natatakot kang magdusa at magpasan ng responsabilidad kung hindi mo ito magagawa nang maayos, kaya nagpapalusot ka para iwasan ang tungkulin mo o nagmumungkahi ka na iba na lang ang gumawa nito. Pagpapamalas ba ito ng isang matapat na tao? Malinaw na hindi. Kung gayon, paano dapat umasal ang isang matapat na tao? Dapat siyang magpasakop sa mga pagsasaayos ng Diyos, maging deboto sa tungkulin na dapat niyang gampanan, at magsikap na matugunan ang mga layunin ng Diyos. Naipapamalas ito sa iba’t ibang paraan: Ang isa ay ang pagtanggap sa iyong tungkulin nang may matapat na puso, hindi isinasaalang-alang ang mga interes ng iyong laman, hindi kulang sa dedikasyon dito, at hindi nagpapakana para sa sarili mong pakinabang. Iyon ang mga pagpapamalas ng katapatan. Ang isa pa ay ang paggampan nang maayos sa iyong tungkulin nang buong puso at buong lakas mo, paggawa nang maayos sa mga gampaning ipinagkatiwala sa iyo ng sambahayan ng Diyos, at pagmamahal sa iyong tungkulin para bigyang-kasiyahan ang Diyos. Ito ang mga pagpapamalas na dapat mayroon ang isang matapat na tao habang ginagampanan ang kanyang tungkulin” (Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ikatlong Bahagi). Mula sa mga salita ng Diyos, naunawaan ko na ang isang matapat na tao, sa paggawa ng kanyang tungkulin, ay hindi nagpapakana para sa sarili o nagsasaalang-alang ng sarili niyang mga interes, kundi mapagsaalang-alang sa mga layunin ng Diyos at ginagawa ang kanyang tungkulin nang buong puso at lakas. Dapat akong magsagawa ayon sa mga salita ng Diyos at maging isang matapat na tao. Ngayon, nag-aagaw-buhay na ang malaking pulang dragon, at hibang na inaaresto ang mga kapatid. Ang layon nito ay guluhin ang gawain ng iglesia. Ito mismo ang panahon na dapat kong paigtingin ang pakikipagtulungan, at makipagtulungan sa lahat para magawa nang maayos ang aming mga tungkulin. Kaya, kumain at uminom ako ng mga salita ng Diyos kasama ang sister na katuwang ko, naghahanap ng paraan upang malutas ang mga paghihirap na dapat unahin. Inulat din namin sa mga lider ang aming mga paparating na plano sa gawain, at pagkatapos ay hiwalay na nakipagbahaginan sa aming mga kapatid, praktikal na nilulutas ang mga paghihirap at problema sa gawain. Pagkaraan ng isang panahon, unti-unting bumuti ang gawaing nakabatay sa teksto. Sa proseso ng aktuwal na pakikipagtulungan ng lahat, nakita namin ang pagpapala at gabay ng Diyos. Pabuti nang pabuti ang mga resulta ng gawaing nakabatay sa teksto, at labis kaming nagpapasalamat sa Diyos.
Dati, palagi kong nararamdaman na hindi mahusay ang kakayahan ko at hindi ko magagawa ang tungkulin ng isang superbisor, at tanging ang mga may mahusay na kakayahan lang ang makagagawa ng gawaing ito. Pinatotohanan ng mga katunayan na mali ang pananaw ko. Nabasa ko ang mga salita ng Diyos: “Kung wala ang gawain ng Banal na Espiritu at ang proteksiyon ng Diyos, sino ba ang makakarating sa kung nasaan na sila ngayon? Anong aytem sa gawain ang mapapanatili hanggang ngayon? Iniisip ba ng mga taong ito na sila ay nasa sekular na mundo? Kung ang alinmang grupo sa sekular na mundo ay mawawalan ng pangangalaga ng isang pangkat ng mga indibidwal na may talento at kahusayan, hindi nito makokompleto ang alinman sa mga proyekto nito. Ang gawain sa sambahayan ng Diyos ay naiiba. Ang Diyos ang nangangalaga, namumuno, at gumagabay sa gawain sa sambahayan ng Diyos. Huwag isipin na ang gawain sa sambahayan ng Diyos ay nakasalalay sa suporta ng sinumang tao. Hindi ito ang lagay, at ito ang pananaw ng isang hindi mananampalataya” (Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan. Paano Sikaping Matamo ang Katotohanan (18)). “Mataas man o mababa ang kakayahan mo at gaano man karami ang talento mo, kung hindi malulutas ang mga tiwaling disposisyon mo, kahit saang posisyon ka ilagay, hindi ka magiging angkop na gamitin. Sa kabaligtaran, kung limitado ang iyong kakayahan at mga abilidad, pero nauunawaan mo ang iba’t ibang katotohanang prinsipyo, kabilang na ang mga katotohanang prinsipyong dapat mong maunawaan at maarok sa loob ng saklaw ng gawain mo, at nalutas na ang iyong mga tiwaling disposisyon, ikaw ay magiging isang taong angkop na gamitin” (Ang Salita, Vol. VII. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan. Paano Sikaping Matamo ang Katotohanan (3)). Sa paghahambing ng aking sarili sa mga salita ng Diyos, nakita ko na ako ay bulag at mangmang, at ang ibinunyag ko ay ang pananaw ng isang hindi mananampalataya. Sa katunayan, ang gawain ng sambahayan ng Diyos ay hindi isang bagay na magagawa nang maayos sa pamamagitan ng pag-asa sa kakayahan o mga kaloob ng sinumang tao. Sa panlabas, mga tao ang gumagawa ng gawain ng sambahayan ng Diyos, pero sa katunayan, Diyos ang gumagawa nito. Ang Banal na Espiritu ang nangunguna at nagtataguyod nito. Gaano man kahusay o kahina ang kakayahan ng isang tao, hangga’t mayroon siyang simple at matapat na puso, handang hanapin ang mga katotohanang prinsipyo kapag may nangyayari sa kanya, hindi namumuhay ayon sa kanyang mga tiwaling disposisyon, at deboto sa kanyang mga tungkulin, pagpapalain at gagabayan siya ng Diyos, at matatamo niya ang ilang resulta sa kanyang mga tungkulin. Nakita ko rin na bagama’t pangkaraniwan ang aking kakayahan, nang ang lahat ay nakipagtulungan at ginawa ang aming mga tungkulin nang nagkakaisa ang puso at isipan, natamo namin ang magagandang resulta. Lahat ng ito ay gabay ng Diyos; ito ay ang pagtataguyod ng Diyos sa Kanyang sariling gawain. Salamat sa Makapangyarihang Diyos!