47. Pagninilay at Pagkaunawa sa Aking Pagiging Makasarili

Ni Yan Zhen, Tsina

Noong Abril 2024, nahalal ako bilang lider ng distrito, at noong panahong iyon, nakaramdam ako ng labis na presyur. Pakiramdam ko, mabigat ang responsabilidad ng tungkuling ito, maraming kahirapang haharapin, at kailangan kong mag-alala nang husto at magbayad ng malaking halaga. Pero napagtanto ko na biyaya sa akin ng Diyos ang tungkuling ito, at na hindi ko dapat isipin lang ang mga personal na interes ng aking laman, kaya malugod ko itong tinanggap. Dahil bago pa lang ako sa tungkuling ito, medyo magaan ang gawaing itinalaga sa akin, at ginawa lang akong responsable sa gawaing nakabatay sa teksto at sa buhay iglesia. Kapag may libreng oras, nakakapanood din ako ng mga video at nakakapakinig ng mga himno. Pakiramdam ko, medyo maganda ang ganitong paggawa ng tungkulin. Hindi nagtagal, natanggal ang sister na nakakatulong ko dahil hindi siya gumagawa ng tunay na gawain, kaya ako na ang pumalit sa gawain ng pag-aalis sa iglesia na hawak niya. Noong ipinapasa na sa akin ang gawain, saka ko lang napagtanto na maraming isyu sa gawain ng pag-aalis, na kulang ang mga taong mag-oorganisa ng mga materyales para sa pag-aalis, at na may malaking tambak ng mga materyales na kailangang suriin. Pakiramdam ko ay lubhang dumami ang trabaho ko, at siksik na siksik ang araw-araw na iskedyul ko.

Isang araw, habang pinangangasiwaan ko ang mga gampanin ko, sinabi ng katuwang ko, si Sister Qiu Yan, “Nagkaproblema ang gawain ng ebanghelyo, at malaki ang ibinaba ng mga resulta. Kailangan nating lahat na mag-usap para makahanap ng solusyon.” Habang pinakikinggan ko ang usapan nila, naisip ko ang isang katulad na isyu na natuklasan ko noong lider ako ng iglesia dati. Kapag nahihirapan ang mga kapatid sa pangangaral ng ebanghelyo, hindi nagbabahagi ang mga lider at manggagawa tungkol sa mga layunin ng Diyos o sa mga katotohanan tungkol sa pangangaral ng ebanghelyo; basta lang silang nang-uudyok para sa pag-usad. Ito ang pangunahing dahilan kung bakit mababà ang mga resultang nakakamit sa gawain ng ebanghelyo. Gusto kong magsalita tungkol sa isyung ito, pero naisip ko, “Marami ring isyu ang gawain ng pag-aalis na responsabilidad ko. Araw-araw, abalang-abala ang isip ko. Kaya kung makikilahok pa ako sa gawain ng ebanghelyo, hindi ba’t dagdag-isipin pa iyon para sa akin? Saan pa ako kukuha ng dagdag na lakas?” Kaya naramdaman kong dapat ay tumuon na lang ako sa gawaing responsabilidad ko. At sa isiping iyon, hindi ako nagsalita, at nagpatuloy lang ako sa sarili kong mga gampanin. Matagal na nag-usap sina Qiu Yan at Li Yue pero hindi sila makahanap ng solusyon, kaya tinanong ako ni Qiu Yan kung mayroon akong magagandang mungkahi. Naisip ko, “Hindi ko pa natatapos ang sarili kong mga gampanin. Kung sasali ako ngayon sa talakayan para sa gawain ng ebanghelyo, hindi ba’t maaantala ang kasalukuyang gawain ko?” Kaya, tumanggi ako at sinabi, “Kayo na lang dalawa ang mag-usap. Marami akong apurahang gampanin na kailangang asikasuhin ngayon.” Nakita ni Li Yue ang saloobin ko at seryosong sinabi sa akin, “Limitado ang abilidad ng bawat isa na matukoy ang mga isyu. Ang paglutas sa mga problema sa gawain ay nangangailangan ng sama-samang talakayan ng lahat. Nagiging iresponsable ka!” Nang marinig ko ang puna ng sister, nakonsensiya ako, naisip kong talagang naging masyadong makasarili ako sa ginawa ko. Noon ko lang itinigil ang ginagawa ko at sumali ako sa talakayan. Binanggit ko rin ang mga problemang napansin ko, at hindi nagtagal, nakahanap kami ng solusyon.

Pagkalipas ng ilang araw, pinag-uusapan nina Li Yue at Qiu Yan ang isyu ng paglilinang ng mga tagadilig. Sinabi nila na hindi nakatuon ang ilang lider ng iglesia sa paglilinang ng mga tao, na naging dahilan ng kakulangan ng mga tagadilig sa iglesia, ibig sabihin, hindi napapanahong nadidiligan ang mga baguhan, at labis na nahahadlangan ang gawain ng pagdidilig sa mga baguhan. Sinabi nilang kailangan naming sumulat sa mga lider ng iglesia para makipagbahaginan tungkol dito. Hiniling nila sa akin na sumali sa talakayan para malutas ang problemang ito, pero naisip ko, “Hindi ito isang bagay na malulutas kaagad. Aabutin ng maraming oras at lakas ng isip ang mga isyung ito, at ang pagtalakay nito ay makakaantala sa ginagawa kong gawain. Sa huli, kapag natambakan ako ng trabaho, kailangan ko pang maglaan ng dagdag na oras para asikasuhin iyon. Saka, hindi ko naman responsabilidad ang gawain ng pagdidilig, kaya hindi ako mapupuri sa paglutas ng problema. Mag-uukol lang ako ng oras at lakas, at maaantala pa ang sarili kong gawain, kaya ano ang mapapala ko rito?” Pagkatapos ay pabasta-basta na lang akong sumagot: “Hindi ko masyadong naaarok ang mga isyung ito at wala akong maibibigay na magandang payo. Kayo na muna ang mag-usap at sumulat ng liham, at pagkatapos ninyong magsulat, puwede nating suriin nang sama-sama.” Nang marinig nila ang sinabi ko, hindi na umimik ang mga sister, at kaya wala na silang nagawa at silang dalawa na lang ang nag-usap tungkol sa bagay na iyon. Kalaunan, natapos ni Qiu Yan ang liham at hiniling sa amin na magbigay ng mga mungkahi. Sinulyapan ko ito nang bahagya at naisip kong kailangang dagdagan at ayusin ang ilang bahagi, pero ayaw kong magsumikap na irebisa ito, kaya binanggit ko lang sa kanya nang pahapyaw ang ilan sa mga isyu. Pagkatapos marinig ang mga komento ko, hindi pa rin alam ni Qiu Yan kung paano magdagdag, at nahihiyang sinabi, “Hindi ako gaanong magaling magsulat ng mga liham para sa komunikasyon, at nahihirapan din akong magrebisa, kaya puwede mo ba akong tulungang magrebisa at magdagdag dito? Sa ganoong paraan, hindi maaantala ang gawain.” Pero naisip kong masyado itong abala at patuloy ko lang ipinilit na siya ang magrebisa. Nang makita niyang gumagawa ako ng kung ano-anong dahilan, sa wakas ay pinuna niya ako, “Hindi ka sumali sa talakayan kahapon, at ngayong naisulat na ang liham, ayaw mo pa ring tumulong magrebisa. Ang gawain ng iglesia ay kolektibong pagsisikap, at lahat tayo ay may responsabilidad, pero sarili mo lang trabaho ang iniintindi mo. Labis kang makasarili at kasuklam-suklam!” Nang marinig ko ang sinabi niya, pakiramdam ko ay sobrang naagrabyado ako, at nagsimula akong magkaroon ng negatibong pananaw sa mga sister, iniisip na hindi talaga nila naiintindihan ang mga hirap ko. Naisip ko, “Sandali pa lang akong gumagawa ng tungkuling ito, at marami na akong ginagawa araw-araw. Ngayon gusto ninyong maglaan pa ako ng dagdag na oras sa gawaing responsabilidad ninyo, at kapag nagkamit ng resulta ang gawain ninyo, sa inyo mapupunta ang merito. Gagawa lang ako nang walang nakakakita, at walang-wala akong mapapala rito. Tatambak pa ang sarili kong gawain, at kakailanganin kong maglaan ng dagdag na oras at lakas para asikasuhin din iyon. Talagang hindi ito sulit para sa akin!” Pero nang makita kong tila walang magawa ang sister, atubili akong pumayag at nirebisa ko ang liham. Pero pakiramdam ko ay labis akong nasusupil, at na napakahirap ng tungkuling ito. Hindi ko lang kailangang asikasuhin ang sarili kong mga responsabilidad kundi pati na rin ang gawain ng mga sister, at ayaw ko na talagang gawin ang tungkuling ito. Noong panahong iyon, ginagawa ko ang tungkulin ko sa isang tuliro at manhid na kalagayan, hindi ko nararamdaman ang paggabay ng Banal na Espiritu, at araw-araw, ginagawa ko na lang ang tungkulin ko nang mekanikal. Sa aking paghihirap, nanalangin at naghanap ako sa Diyos, “O Diyos, nakakaramdam ako ng sobrang presyur mula sa mga isyu sa tungkulin ko, pero kailangan ko ring makilahok sa pangkalahatang gawain, at lumalaban ang puso ko. Alam kong mali ang kalagayan ko, pero hindi ko lang talaga magawang magpasakop. O Diyos, pakiusap, gabayan Mo ako, para mahanap ko ang katotohanan at maunawaan ang Iyong layunin.”

Habang ginagawa ko ang aking mga debosyonal, nabasa ko ang isang sipi ng mga salita ng Diyos. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Kung naniniwala ka sa kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos, kung gayon ay dapat kang maniwala na ang mga bagay na nangyayari araw-araw, mabuti man o masama ang mga ito, ay hindi basta na lamang nagaganap. Hindi ito dahil may isang sinasadyang magpahirap sa iyo o pumuntirya sa iyo; lahat ng ito ay isinaayos at pinamatnugutan ng Diyos(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Para Makamit ang Katotohanan, Dapat Matuto ang Isang Tao ng mga Aral Mula sa mga Tao, Pangyayari, at Bagay sa Kanyang Paligid). Agad na naalis ng mga salita ng Diyos ang buhol sa aking puso. Ang mga tao, pangyayari, at bagay na lumilitaw sa buhay ko araw-araw ay bahagi ng kataas-taasang kapangyarihan at mga pagsasaayos ng Diyos, at kailangan kong patahimikin ang aking sarili sa harap ng Diyos para matuto ng mga aral at makilala ang sarili kong tiwaling disposisyon. Pero ngayon, nang hilingin sa akin ng mga sister na makilahok sa pangkalahatang gawain, naramdaman kong hindi nila naiintindihan ang mga hirap ko. Namumuhay ako sa isang kalagayan na masyado akong nakatutok sa mga tao at bagay, at wala akong anumang pagpapasakop. Kailangan kong isantabi ang aking sarili, lumapit sa harap ng Diyos para hanapin ang katotohanan, at pagnilayan ang sarili ko.

Kalaunan, nabasa ko ang mga salita ng Diyos. Sabi ng Diyos: “Kahit ano pa ang akuin nilang gawain, hindi kailanman iniisip ng mga anticristo ang mga interes ng sambahayan ng Diyos. Ang isinasaalang-alang lamang nila ay kung maaapektuhan ba ang kanilang sariling mga interes, ang iniisip lamang nila ay ang maliit na bahagi ng gawaing nasa harapan nila na napapakinabangan nila. Para sa kanila, ang pangunahing gawain ng iglesia ay isang bagay lamang na ginagawa nila sa libre nilang oras. Hinding-hindi talaga nila ito sineseryoso. Gumagalaw lang sila kapag pinapakilos sila, ginagawa lamang ang gusto nilang gawin, at ginagawa lamang ang gawain na alang-alang sa pagpapanatili ng sarili nilang katayuan at kapangyarihan. Sa paningin nila, ang anumang gawaing isinaayos ng sambahayan ng Diyos, ang gawain ng pagpapalaganap ng ebanghelyo, at ang buhay pagpasok ng mga taong hinirang ng Diyos ay hindi mahalaga. Anuman ang mga paghihirap ng ibang mga tao sa kanilang gawain, anuman ang mga isyung matuklasan at maiulat sa kanila, gaano man kasinsero ang kanilang mga salita, walang pakialam ang mga anticristo, hindi nila isinasangkot ang kanilang sarili, na para bang wala itong kinalaman sa kanila. Gaano man kalaki ang mga problemang lumilitaw sa gawain ng iglesia, lubos silang walang pakialam. Kahit pa nga nasa harapan na nila mismo ang isang problema, hinaharap lang nila ito nang pabasta-basta. Kapag tuwiran lamang silang pinungusan ng ang Itaas at inutusang ayusin ang isang problema ay saka lamang sila padabog na gagawa ng kaunting tunay na gawain at magpapakita ng anuman sa ang Itaas; pagkatapos na pagkatapos nito, magpapatuloy sila sa sarili nilang gawain. Wala silang interes at walang pakialam pagdating sa gawain ng iglesia, sa mahahalagang bagay na may mas malalawak na konteksto. Binabalewala pa nga nila ang mga problemang natutuklasan nila, at nagbibigay sila ng mga pabasta-bastang sagot o nag-aalangan silang sumagot kapag tinatanong sila tungkol sa mga problema, hinaharap lamang ang mga ito nang may labis na pag-aatubili. Pagpapamalas ito ng pagiging makasarili at ubod ng sama, hindi ba?(Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikaapat na Ekskorsus). “Kung nananampalataya sa Diyos ang isang tao ngunit hindi nakikinig sa Kanyang mga salita, hindi tinatanggap ang katotohanan, o hindi nagpapasakop sa Kanyang mga pamamatnugot at pagsasaayos; kung nagpapakita lamang siya ng ilang mabubuting pag-uugali, ngunit hindi magawang maghimagsik laban sa laman, at walang isinusuko sa kanyang sariling mga interes o pride; kung, bagama’t mukha siyang gumagawa sa kanyang tungkulin, namumuhay pa rin siya ayon sa kanyang mga satanikong disposisyon, at hindi pa niya nabitiwan kahit kaunti o nabago ang kanyang mga satanikong pilosopiya at paraan ng pag-iral, paanong posible na pananampalataya ito sa Diyos? Iyon ay pananampalataya sa relihiyon. Panlabas na tinatalikdan ng gayong mga tao ang mga bagay at ginugugol ang kanilang sarili, ngunit kung titingnan ang landas na kanilang tinatahak at ang pinagmulan at motibo ng lahat ng kanilang ginagawa, hindi nila ibinabatay ang mga ito sa mga salita ng Diyos o sa katotohanan; sa halip, patuloy silang kumikilos alinsunod sa kanilang sariling mga kuru-kuro at imahinasyon, pansariling palagay, at sa kanilang mga ambisyon at pagnanais. Ang mga pilosopiya at disposisyon ni Satanas ang patuloy na pinagbabatayan ng kanilang pag-iral at mga kilos. Sa mga usapin na hindi nila nauunawaan ang katotohanan, hindi nila ito hinahanap; sa mga usapin na nauunawaan nila ang katotohanan, hindi nila ito isinasagawa, hindi dinadakila ang Diyos, o pinahahalagahan ang katotohanan. Bagama’t nananampalataya sila sa Diyos sa salita at pangalan at kinikilala nila ang Diyos, at bagama’t mukha silang nakakagawa ng kanilang tungkulin at nakakasunod sa Diyos, namumuhay pa rin sila ayon sa kanilang mga satanikong disposisyon sa lahat ng sinasabi at ginagawa nila. Katulad ng mga walang pananampalataya, hindi sila sumasailalim sa anumang pagbabago. Ang mga bagay na sinasabi at ginagawa nila ay pawang mga pagbubunyag ng mga tiwaling disposisyon. Hindi mo sila makikitang nagsasagawa o dumaranas ng mga salita ng Diyos, lalong hindi mo makikita ang pagpapamalas ng kanilang paghahanap at pagpapasakop sa katotohanan sa lahat ng bagay. Sa kanilang mga ikinikilos, inuuna nila ang kanilang mga sariling interes, at inuunang tugunan ang kanilang mga sariling pagnanais at intensiyon. Ito ba ang mga taong sumusunod sa Diyos? (Hindi.) … Gaano man karaming taon na silang nanampalataya, hindi pa sila nakapagtatag ng normal na relasyon sa Diyos; anuman ang kanilang gawin o anuman ang mangyari sa kanila, ang unang bagay na iniisip nila ay: ‘Gusto kong kumilos sa ganito at ganyang paraan. Aling pamamaraan ang aayon sa interes ko, at aling pamamaraan ang hindi? Ano ang maaaring mangyari kung gagawin ko ang mga bagay-bagay?’ Ang mga ito ang mga bagay na una nilang isinasaalang-alang. Wala man lang silang pagsasaalang-alang sa kung anong pagsasagawa ang magbibigay-kaluwalhatian sa Diyos at magpapatotoo sa Kanya, o makatutugon sa mga layunin ng Diyos, ni hindi sila nananalangin at naghahanap kung ano ang mga hinihingi ng Diyos at kung ano ang sinasabi ng Kanyang mga salita. Kailanman ay hindi nila binibigyang-pansin kung ano ang mga layunin o hinihingi ng Diyos, at kung paano dapat magsagawa ang mga tao upang mabigyang-kasiyahan ang Diyos. Bagama’t nananalangin sila sa Diyos kung minsan at nakikipagbahaginan sa Kanya, kinakausap lamang nila ang kanilang sarili, hindi taos-pusong hinahanap ang katotohanan. Kapag nananalangin sila sa Diyos at binabasa ang Kanyang mga salita, hindi nila iniuugnay ang mga ito sa mga bagay na nakakaharap nila sa totoong buhay. Kaya, sa kapaligirang inihanda ng Diyos, paano nila tinatrato ang Kanyang kataas-taasang kapangyarihan, mga pagsasaayos at pamamatnugot? Kapag nahaharap sa mga bagay na hindi naaayon sa kanilang kalooban, nilalabanan nila ang mga ito sa kanilang puso at sinusubukang iwasan ang mga ito. Kapag nahaharap sa mga bagay na may kinalaman sa kanilang mga interes, pinipiga nila ang kanilang utak at iniisip ang bawat posibleng paraan para pangalagaan ang kanilang mga interes—kahit na hindi sila makalamang, hindi nila maaaring hayaang mapinsala ang kanilang mga interes. Hindi sila naghahangad na matugunan ang mga layunin ng Diyos, bagkus ang kanilang sariling mga pagnanais lamang. Ito ba ay pananampalataya sa Diyos? Ang ganitong mga tao ba ay may relasyon sa Diyos? Wala. Namumuhay sila sa mababa, nakaririmarim, matigas ang kalooban, at pangit na pamamaraan. Bukod sa wala silang relasyon sa Diyos, walang patid din silang sumasalungat sa kataas-taasang kapangyarihan at mga pagsasaayos ng Diyos. Paulit-ulit nilang sinasabi, ‘Magkaroon nawa ng kataas-taasang kapangyarihan ang Diyos at mamahala sa lahat ng bagay sa aking buhay. Handa akong hayaan ang Diyos na umupo sa trono at maghari at mamahala sa aking puso. Handa akong magpasakop sa mga pamamatnugot at pagsasaayos ng Diyos.’ Gayumpaman, kapag nahaharap sila sa mga bagay na nakakapinsala sa kanilang mga sariling interes, hindi sila makapagpasakop. Sa halip na hanapin ang katotohanan sa isang sitwasyong inihanda ng Diyos, gusto nilang baguhin ang sitwasyon at takasan ito. Ayaw nilang magpasakop sa mga pamamatnugot at pagsasaayos ng Diyos; gusto nilang gawin ang mga bagay-bagay ayon sa kanilang sariling kagustuhan, at ang sarili nilang mga interes ay hindi dapat magdusa ng ni katiting na kawalan. Ganap nilang binabalewala ang mga layunin ng Diyos, iniintindi lang ang kanilang sariling mga interes, mga kalagayan, at ang kanilang lagay ng kalooban at damdamin. Ito ba ay pananampalataya sa Diyos? (Hindi.)” (Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Hindi Maliligtas ang Isang Tao sa Pamamagitan ng Paniniwala sa Relihiyon o Pagsali sa mga Ritwal na Panrelihiyon).

Napakalinaw ng mga salita ng Diyos. Ang isang taong tunay na nananampalataya sa Diyos ay kayang hanapin ang katotohanan at magpasakop sa Diyos kapag nahaharap sa mga bagay na hindi naaayon sa kanyang mga kuru-kuro. Kung, kapag nahaharap sa mga bagay na hindi naaayon sa kanyang mga kuru-kuro, ang isang tao ay hindi talaga naghahanap ng katotohanan, at sarili lang niyang mga interes ang isinasaalang-alang niya, at naghahanap siya ng mga daan palabas, kung gayon, hindi siya tunay na mananampalataya sa Diyos, at hindi siya sinasang-ayunan ng Diyos. Ang mga anticristo ay ganito mismong uri ng tao. Hindi nila kailanman isinasaalang-alang ang mga interes ng sambahayan ng Diyos sa kanilang mga tungkulin, at ginagawa lang nila kung ano ang kapaki-pakinabang sa kanila pagdating sa kasikatan, pakinabang, o katayuan. Kung hindi sila nakikinabang sa isang bagay, kahit na may mapansin silang problema o may humingi ng tulong, nagbubulag-bulagan at nagbibingi-bingihan ang mga anticristo. Sila ay lubos na walang puso, walang awa, makasarili, kasuklam-suklam, at walang pagkatao. Sa harap ng paglalantad ng mga salita ng Diyos, napahiya ako at nahiya. Ang aking mga hinanakit, paglaban, at pagsuway ay talagang labis na hindi makatwiran. Naisip ko kung paanong maraming taon na akong nananampalataya sa Diyos. Bagama’t tinalikuran ko ang aking pamilya at karera at tila tunay na nananampalataya sa Diyos, sa mga tungkulin ko, lahat ng iniisip at isinasaalang-alang ko ay para lang sa sarili kong kapakanan, at hindi ko talaga pinangalagaan ang gawain ng iglesia. Paanong miyembro ako ng sambahayan ng Diyos? Nang talakayin ng mga sister ko ang mga isyu sa gawain ng ebanghelyo at gusto nilang pag-usapan ang mga solusyon nang sama-sama, bagama’t may nauunawaan akong ilang partikular na isyu, natakot ako na kapag nagsalita ako, kakailanganin kong sumali sa talakayan, na makakaantala sa sarili kong gawain, kaya ginamit kong dahilan ang pagiging abala sa trabaho para tumangging sumali. Nang kulang sa mga tagadilig ang iglesia at kailangang magpadala sa mga lider ng isang apurahang liham na nagbabahagi tungkol sa kahalagahan ng paglilinang ng mga tao, natakot akong madagdagan ang trabaho ko, at naisip ko na kahit gawin ko pa ito nang maayos, wala akong makukuhang merito, kaya pabasta-basta lang akong tumugon at ayaw kong masangkot. Nang isulat ng sister ang liham at hiniling sa akin na suriin ito, may napansin akong mga isyu pero ayaw kong maglaan ng oras para irebisa ang mga iyon. Para sa mga gampaning ito, hindi sa hindi ko matukoy ang mga problema o hindi ko alam kung paano lutasin ang mga ito, kundi dahil masyado akong makasarili at kasuklam-suklam, at sarili ko lang interes ang inaalala ko, at kung ang isang bagay ay hindi makabubuti sa aking reputasyon o katayuan, ayaw ko itong gawin. Sa anong paraan may puwang ang Diyos sa puso ko? Sa ganitong klase ng pag-uugali, noong pinungusan ako ng sister ko dahil sa pagiging makasarili at kasuklam-suklam, naramdaman ko pang naagrabyado ako, at ginusto kong iwasan at talikuran ang tungkuling ito. Talagang lubos akong hindi makatwiran! Lalo na nang mabasa ko ang mga salitang ito ng Diyos: “Hindi sila naghahangad na matugunan ang mga layunin ng Diyos, bagkus ang kanilang sariling mga pagnanais lamang. Ito ba ay pananampalataya sa Diyos? Ang ganitong mga tao ba ay may relasyon sa Diyos? Wala,” Medyo naantig ako. Maraming taon na akong nananampalataya sa Diyos, at kumain at uminom na ako ng napakaraming salita ng Diyos at nagtamasa ng napakaraming biyaya at pagpapala ng Diyos, pero nang makita kong lumitaw ang mga problema sa mahahalagang bahagi tulad ng gawain ng ebanghelyo at gawain ng pagdidilig, binalewala ko lang ang mga ito. Paano ko matatawag ang sarili kong mananampalataya sa Diyos? Hindi pa rin ako deboto kahit sa aking pagtatrabaho! Pagkatapos ko lang mapagtanto ang mga bagay na ito saka ko nakita kung gaano kalubha ang tiwali kong disposisyon, at medyo natakot ako. Kaya nanalangin ako sa Diyos, “O Diyos, nakikita ko na talagang mapanganib ang kalagayan ko. Naging lubos akong makasarili at mapaghimagsik! Pakiusap, bigyang-liwanag at gabayan Mo ako, para tunay kong makilala ang tiwali kong disposisyon.”

Isang araw, nabasa ko ang mga salita ng Diyos. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Pagkatapos gawing tiwali ni Satanas ang isang tao, nawawala ang kanyang konsensiya at katwiran. Ang puso niya ay lubusang nalihis ni Satanas, at tinatanggap niya ang maraming kaisipan at pananaw na nagmumula kay Satanas, pati ang ilang kasabihan at opinyon mula sa masasamang kalakaran. Kapag umabot sa puntong ito ang mga bagay-bagay, lubusang natitiwali at naaagnas ang kanyang konsensiya at katwiran—maaaring sabihin na sa panahong ito, tuluyan nang nawala ang kanyang konsensiya at katwiran. Ang ipinapakita ay na napakababa at napakasama ng kanyang karakter. Ibig sabihin, bago siya tumanggap ng mga positibong bagay, marami na siyang tinanggap na walang-katotohanang bagay mula kay Satanas sa puso niya. Lubhang ginawang tiwali ng mga bagay na ito ang pagkatao niya, kaya masyadong mababa ang pagkatao niya. Halimbawa, pagkatapos niyang tanggapin ang satanikong kaisipan at pananaw mula sa mundo na nagsasabing, ‘Ang bawat tao para sa kanyang sarili at bahala na ang iba,’ mapapabuti ba ang kanyang konsensiya o mananatiling ganoon pa rin, o lalala ba ito? (Lalala ito.) At ano ang mga partikular na pagpapamalas ng paglala na ito? (Isinasaalang-alang lang niya ang sarili niyang mga interes sa lahat ng kanyang ginagawa.) Alang-alang sa sarili niyang layon at mga interes, hindi siya tumitigil kahit ano ang mangyari. Kaya niyang mandaya at maminsala ng iba at gumawa ng kahit ano na labag sa moralidad at konsensiya. Habang mas gumagawa siya, mas nagiging walang awa ang kanyang mga kilos, mas dumidilim ang kanyang puso, mas nababawasan ang pakiramdam niya ng konsensiya, at mas nagiging kaunti ang pagkataong napapanatili niya. Para sa sarili niyang mga interes, dadayain at lilinlangin niya ang kahit sino…. Ano ang dahilan kung bakit kaya niyang linlangin ang sinuman? Ano ang ugat na dahilan? Ito ay dahil tinanggap niya ang mga kaisipan at pananaw ni Satanas, at kumikilos siya sa ilalim ng pangingibabaw ng mga kaisipan at pananaw ni Satanas. Sa huli, hindi na gumagana ang konsensiya at katwiran ng pagkatao niya; ibig sabihin, ang mga batayang bagay na dapat taglay ng pagkatao ay ganap nang humihinto sa paggana, ang mga ito ay lubusang naaagnas at nakokontrol ng masasamang kaisipan ni Satanas. Ang proseso ng pagkaagnas at pagkontrol ay ang proseso ng pagtanggap niya sa mga kaisipan at pananaw na ito, at siyempre, ito rin ang proseso ng pagkatiwali niya(Ang Salita, Vol. VII. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan. Paano Sikaping Matamo ang Katotohanan (10)). Isiniwalat ng mga salita ng Diyos na ang ugat ng problema ng pag-ayaw kong lumahok sa pangkalahatang gawain ay naimpluwensiyahan ako ng mga lason ni Satanas. Namumuhay ako ayon sa mga satanikong pilosopiya para sa mga makamundong pakikitungo tulad ng “Inaasikaso ng bawat tao ang kanilang sarili; wala silang pakialam sa iba” at “Ang bawat tao para sa kanyang sarili at bahala na ang iba.” Naging sukdulan akong makasarili, inuuna ang sariling kapakanan, at ganap na walang pagkatao, hinuhusgahan ang lahat ng ginagawa ko batay sa kung makikinabang ba ako o hindi. Nagsisikap ako sa mga bagay na kapaki-pakinabang sa aking reputasyon at katayuan, pero binabalewala ko ang anumang hindi kapaki-pakinabang sa akin. Kahit na may humingi ng tulong sa akin o nagpaalala, hindi ko gagawin ang mga bagay na ito, at inakala ko pa nga na talagang natural lang na kung hindi ko responsabilidad ang isang bagay, kahit may problema pa, wala itong kinalaman sa akin, at mayroon akong lahat ng dahilan para balewalain ito. Sa ilalim ng impluwensiya ng gayong mga kaisipan at pananaw, binalewala ko ang gawain ng ebanghelyo, at nang humingi ng tulong ang mga sister, nagbingi-bingihan pa rin ako. Kahit na nahadlangan ang gawain ng ebanghelyo, ayaw kong makilahok, kahit na mayroon akong ilang paraan para malutas ito. Nang ang kakulangan ng mga tagadilig sa iglesia ay nakaapekto na sa gawain ng pagdidilig, natakot akong maantala ang sarili kong gawain, kaya ayaw kong makipagtulungan sa mga sister para malutas ang problema, at kahit naantala nito ang gawain ng pagdidilig, wala akong naramdamang anumang pagsisisi. Nang tukuyin ng sister ang aking pagiging makasarili, tumanggi pa rin akong tanggapin ito, nangatwiran ako, at lumaban, at hindi ako nakaramdam ng kahit katiting na hiya sa pagkabigo kong pangalagaan ang mga interes ng sambahayan ng Diyos dahil sa aking pagiging makasarili at kasuklam-suklam. Namuhay ako ayon sa mga lason ni Satanas, at hindi ko talaga pinangalagaan ang mga interes ng sambahayan ng Diyos. Naging manhid na ang aking konsensya at katwiran. Upang maiwasan ang mga dagdag na alalahanin at pasanin, lubos kong binalewala ang mga layunin ng Diyos at ang mga interes ng iglesia. Ang totoo, ang paraan ng pagtrato ko sa aking tungkulin ay pagtanggi rito, at ito ay pagkakanulo sa Diyos! Nang mapagtanto ko ang mga bagay na ito, sa wakas ay kinamuhian ko ang aking makasarili at kasuklam-suklam na tiwaling disposisyon.

Sa isa sa aking mga debosyonal, nabasa ko ang mga salita ng Diyos. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Para sa lahat ng gumagampan ng tungkulin, gaano man kalalim o kababaw ang kanilang pagkaunawa sa katotohanan, ang pinakasimpleng pagsasagawa para sa pagpasok sa katotohanang realidad ay ang isipin ang mga interes ng sambahayan ng Diyos sa bawat pagkakataon, binibitiwan ang kanilang mga makasariling pagnanais, mga personal na intensyon, mga motibo, pagmamalaki, at katayuan, at inuuna ang mga interes ng sambahayan ng Diyos—ito ang pinakamababang dapat nilang gawin. Kung ni hindi man lang ito magawa ng isang taong gumagampan ng tungkulin, paano masasabi na ginagampanan niya ang kanyang tungkulin? Hindi iyon paggampan ng kanyang tungkulin. Dapat mo munang isipin ang mga interes ng sambahayan ng Diyos, isaalang-alang ang mga layunin ng Diyos, at isaalang-alang ang gawain ng iglesia. Unahin mo muna ang mga bagay na ito; pagkatapos niyan, saka mo lamang maaaring isipin ang katatagan ng iyong katayuan o kung ano ang tingin sa iyo ng iba. Hindi ba ninyo nararamdaman na mas dumadali ito nang kaunti kapag hinahati ninyo ito sa dalawang hakbang at gumagawa kayo ng ilang kompromiso? Kung magsasagawa ka nang ganito nang ilang panahon, madarama mo na hindi naman pala mahirap na bigyang-kasiyahan ang Diyos. Bukod pa riyan, dapat mong magawang tuparin ang iyong mga responsabilidad, gampanan ang iyong mga obligasyon at ang iyong tungkulin, at isantabi ang iyong mga makasariling pagnanais, intensyon, at motibo; dapat kang magpakita ng pagsasaalang-alang sa mga layunin ng Diyos, at unahin ang mga interes ng sambahayan ng Diyos, ang gawain ng iglesia, at ang tungkulin na dapat mong gampanan. Pagkatapos itong maranasan sa loob ng ilang panahon, madarama mo na isa itong mabuting paraan para umasal. Ito ay pamumuhay nang prangka at tapat, at hindi pagiging isang mababang-uri at ubod ng sama na tao; pamumuhay ito nang makatarungan at marangal sa halip na pagiging walang gulugod, kasuklam-suklam, at mababang-uri. Madarama mo na ganito dapat kumilos ang isang tao at ito ang wangis na dapat niyang isabuhay. Unti-unti, mababawasan ang pagnanais mong bigyang-kasiyahan ang sarili mong mga interes(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Makakamit Lamang ang Kalayaan at Pagpapalaya sa Pamamagitan ng Pagwawaksi sa Sariling mga Tiwaling Disposisyon). Itinuro sa akin ng mga salita ng Diyos ang isang landas ng pagsasagawa. Kapag nagkakasalungat ang tungkulin ko at ang mga personal kong interes, dapat kong unahin ang mga interes ng sambahayan ng Diyos sa lahat ng bagay. Ito ang saloobin na dapat taglayin ng isang taong deboto sa kanyang tungkulin. Bagama’t nahahati ang aming mga responsabilidad, kapag may mga isyu sa gawain ng mga sister, dapat ay inuna ko ang pangkalahatang gawain ng iglesia. Ang mga bagay tulad ng pangangaral ng ebanghelyo, pagdidilig sa mga baguhan, at paghahalal ng mga lider at diyakono ng iglesia ay mahahalagang gampanin sa iglesia, at kung lumitaw ang mga problema at hindi nalutas sa tamang panahon, maaantala nito ang gawain. Kahit na marami akong ginagawa, kailangan kong matukoy kung ano ang mga priyoridad. Kung mas gagamitin ko nang maayos ang aking oras, hindi gaanong maaantala ang gawain ko. Bagama’t kung minsan, ang pagsali sa mga talakayan at pagpapasya para sa pangkalahatang gawain ay nangangailangan ng mas maraming oras at pagsisikap, sa pamamagitan ng aktuwal na paghahanap at talakayan, unti-unti kong naarok ang ilang prinsipyo nang hindi ko man lang namamalayan. Isa rin itong paraan para humusay ako. Hindi pala ito pagdurusa, kundi isang bagay na talagang kapaki-pakinabang para sa akin. Dati, pagod na pagod ako dahil mali ang pananaw ko, pero nang magbago ang pananaw ko, hindi ko na naramdaman na nagdurusa ako.

Isang araw, nagbasa pa ako ng mga salita ng Diyos. Sabi ng Diyos: “Ganap na naiiba kung paano ginagampanan ng mga tao ang kanilang mga tungkulin sa sambahayan ng Diyos mula sa kung paano ginagawa ang mga bagay-bagay sa gitna ng mga walang pananampalataya. Ano ang pagkakaiba? Magkakasamang nagbabasa ng salita ng Diyos ang mga kapatid at konektado sila sa isa’t isa sa espiritu. Nagagawa nilang mamuhay nang magkakasundo kasama ang isa’t isa at sabihin sa isa’t isa kung ano ang tunay na laman ng kanilang isip. Nagagawa nilang makipagbahaginan sa isa’t isa tungkol sa katotohanan nang simple at hayagan, tamasahin ang salita ng Diyos, at tulungan ang isa’t isa. Kapag may sinumang nahihirapan, magkakasama nilang hinahanap ang katotohanan para lutasin ang isyu, kaya nilang makamit ang pagkakaisa sa espiritu, at kaya nilang magpasakop sa katotohanan at sa Diyos. Iba naman ang mga walang pananampalataya. Lahat sila ay may kanya-kanyang sikreto, hindi sila bukas na nakikipag-ugnayan, pinoprotektahan nila ang sarili nila laban sa isa’t isa, at nagbabalak pa nga sila ng masama at nakikipagkompetensiya sa isa’t isa. Sa huli, naghihiwalay sila ng landas nang may samaan ng loob at tinatahak nila ang kani-kanilang landas(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Tungkol sa Pakikipagtulungan Nang May Pagkakasundo). Mula sa mga salita ng Diyos, naunawaan ko na para magkaroon ng magagandang resulta sa ating mga tungkulin sa sambahayan ng Diyos, kailangan nating makipagtulungan nang may iisang puso at isipan. Dapat kong isantabi ang aking mga makasariling pagnanais at unahin ang gawain ng iglesia, at sinuman ang magkaproblema sa gawain, dapat tayong maghanap ng solusyon nang sama-sama, para mas madali nating makamit ang gawain ng Banal na Espiritu at mapataas ang pagiging epektibo ng ating mga tungkulin. Gaya mismo ng sinabi ng Panginoong Jesus: “Muling sinasabi Ko sa inyo, na kung pagkasunduan ng dalawa sa inyo sa lupa ang nauukol sa anumang bagay na kanilang hihingin, ay gagawin sa kanila ng Aking Ama na nasa langit(Mateo 18:19). Lahat ay may mga pagkukulang at kulang sa pag-unawa, abilidad, o kalinawan sa ilang bagay, at walang gawaing kayang tapusin ng isang tao lang. Kailangan nating makipagtulungan nang may pagkakasundo at gamitin ang mga kalakasan at kasanayan ng bawat isa. Sa ganitong paraan lang natin magagawa nang maayos ang ating mga tungkulin. Ang gawain ng iglesia ay isang kolektibong pagsisikap, at anumang aytem ng gawain ang magkaproblema, kailangang magtulungan ang lahat para lutasin ang mga ito. Nang maunawaan ko ito, hindi na ako lumaban sa pakikilahok sa pangkalahatang gawain. Kalaunan, kapag ginagawa namin ang aming mga tungkulin, lahat kami ay nakatuon sa maayos na pakikipagtulungan, at kapag may mga bagay na hindi malinaw sa amin o hindi namin naaarok ang gawain, aktibo naming binabanggit ang mga ito para pagdiskusyunan at pag-usapan. Sa pamamagitan ng gayong aktuwal na pakikipagtulungan, nagkaroon kami ng mas komprehensibong pananaw sa mga problema, nabawasan nang malaki ang presyur sa tungkulin ko, at mas mabilis na ring nalulutas ang mga problema.

Pagkalipas ng ilang linggo, hindi pa rin maganda ang mga resulta ng gawain ng ebanghelyo, kaya ginusto naming magtipon para sa pagbabahaginan at pagsusuri. Naisip ko, “Ang mga isyu sa gawain ng ebanghelyo ay hindi malulutas sa isang iglap lang. Kakailanganin nating suriin ang mga ulat ng gawain ng bawat iglesia at pagkatapos ay unawain ang mga problema at paghihirap na kinakaharap ng mga kapatid sa pangangaral ng ebanghelyo para malutas ang mga ito. Aabutin ito ng maraming oras. Pero marami pa akong liham na kailangang sagutin, at ang pagtalakay sa gawain ng ebanghelyo ay makakaantala sa sarili kong mga gampanin.” Sa pag-iisip sa lahat ng ito, medyo nag-aalangan akong makilahok. Sa sandaling iyon, napagtanto kong nagbubunyag na naman ako ng pagkamakasarili. Kaya bumaling ako sa mga salita ng Diyos. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Gaano man kalaki o kaliit ang gampanin, kahit sino pa ang magtalaga sa iyo ng gampaning iyon, kung ang sambahayan ng Diyos man ang nagkatiwala nito sa iyo o kung isang lider ng iglesia o manggagawa ang nagtalaga nito sa iyo, dapat ang saloobin mo ay: ‘Sapagkat itinalaga sa akin ang tungkuling ito, ito ay pagtataas at biyaya ng Diyos. Dapat ko itong gawin nang maayos ayon sa mga katotohanang prinsipyo. Sa kabila ng pagkakaroon ng katamtamang kakayahan, handa akong akuin ang responsabilidad na ito at ibigay ang lahat ng makakaya ko para magawa ito nang maayos. Kung hindi ako makagagawa ng mahusay na trabaho, dapat akong managot para dito, at kung makagagawa ako ng mahusay na trabaho, hindi ito kredito sa akin. Ito ang dapat kong gawin.’ Bakit Ko sinasabi na ang pagtrato ng isang tao sa kanyang tungkulin ay isang usapin ng prinsipyo? Kung talagang mayroon kang pagpapahalaga sa responsabilidad at isang responsableng tao, magagawa mong pasanin ang gawain ng iglesia at tuparin ang tungkuling nararapat mong gawin(Ang Salita, Vol. V. Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa. Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa (8)). Mula sa mga salita ng Diyos, napagtanto ko na ang isang lider na pasok sa pamantayan ay dapat munang magkaroon ng pagpapahalaga sa responsabilidad, at na dapat niyang unahin ang mga interes ng sambahayan ng Diyos. Bagama’t ang gawaing ito ay pangunahing responsabilidad ng aking katuwang, may kinalaman ito sa kung magiging maayos ba ang pag-usad ng gawain ng ebanghelyo ng iglesia. Bilang isang lider, may bahagi ako sa responsabilidad na ito, at hindi ko puwedeng isaalang-alang lang ang sarili kong mga interes—sukdulang kawalan iyon ng pagkatao. Kailangan kong unahin kung ano ang nararapat at isantabi ang sarili kong mga interes. Napagtanto ko na ang sarili kong mga gampanin ay maaari namang ipagpaliban, kaya nagkusa akong sumali sa pagsusuri at talakayang ito. Sa talakayan, nagkusa akong magdagdag sa ilang bahagi na hindi naibahagi nang malinaw ng ibang mga sister, at sa proseso ng pakikipagtulungan, nakita ko ang gabay ng Diyos. Nakahanap din ako ng ilang paraan at landas para malutas ang mga problema, at napanatag nang husto ang puso ko.

Sa pagdanas ng gayong pagbubunyag, nagkamit ako ng kaunting pagkilatis sa aking makasarili at kasuklam-suklam na satanikong disposisyon. Dati, hindi ko inakala na isang seryosong problema ang pagiging makasarili, pero ngayon, sa pamamagitan ng paglalantad ng mga salita ng Diyos, malinaw kong nakikita na kapag namumuhay ang mga tao ayon sa kanilang makasarili at kasuklam-suklam na tiwaling disposisyon, lalo silang nawawalan ng pagkatao, nawawalan ng konsensya at katwiran, at hindi sila makapagkakamit ng magagandang resulta sa kanilang mga tungkulin. Sa pamumuhay lang ayon sa mga salita ng Diyos, pagsasagawa ng katotohanan, at pagkilos ayon sa mga prinsipyo maisasabuhay ng isang tao ang wangis ng tao. Saka lang siya magkakaroon ng tunay na kapayapaan at kapanatagan sa kanyang puso. Salamat sa Diyos sa pagpapahintulot sa akin na matamo ang mga pagkaunawa at mga nakamit na ito!

Sinundan: 46. Ang Panahon Ko sa Paggawa ng Tungkulin ng Pagpapatuloy sa Bahay

Sumunod: 48. Ano ang Ikinabahala Ko Nang Hindi Ako Naglakas-loob na Akuin ang Responsabilidad?

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

88. Ang Hirap ng Kulungan

Ni Xiao Fan, TsinaIsang araw noong Mayo 2004, dumadalo ako sa isang pagtitipon kasama ng ilang kapatid nang biglang pumasok ang mahigit 20...

Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos Ukol sa Pagkakilala sa Diyos Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw Paglalantad sa mga Anticristo Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Tahanan ng Diyos Mahahalagang Salita Mula sa Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga Huling Araw Araw-araw na mga Salita ng Diyos Ang Mga Katotohanang Realidad na Dapat Pasukin ng mga Mananampalataya sa Diyos Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin Mga Gabay para sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian Naririnig ng mga Tupa ng Diyos ang Tinig ng Diyos Makinig sa Tinig ng Diyos  Masdan ang Pagpapakita ng Diyos Mahahalagang Tanong at Sagot tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume I) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume II) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume III) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IV) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume V) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VI) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VIII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IX) Paano Ako Bumalik sa Makapangyarihang Diyos

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito