19. Hindi Na Ako Naghahabol sa Pera, Kasikatan, at Pakinabang

Ni Emily, Pilipinas

Lumaki ako sa isang mahirap na pamilya at labing-isa kaming magkakapatid. Mula pa sa pagkabata, gusto ko nang kumita ng maraming pera para maiahon ang pamilya ko sa kahirapan. Lubos akong nabigyang-inspirasyon noong kolehiyo ako nang imbitahan ako ng isang kaklase na dumalo sa isang business seminar kung saan ibinahagi ng mga nagsasalita ang mga karanasan nila ng pag-ahon mula sa kahirapan tungo sa pagyaman. Gusto ko ring maging isang matagumpay na businesswoman, at gumawa ng mga bagay tulad ng pagkita ng maraming pera, pagkakaroon ng sariling bahay at kotse, at paglalakbay sa iba’t ibang panig ng mundo. Sa ganoong paraan, makikita ako ng mga nakakikilala sa akin bilang isang huwaran ng isang mahirap na babaeng nakawala sa kahirapan, at hahangaan nila ako. Pagkagradweyt ko, pumunta ako sa UAE at nagtrabaho bilang isang receptionist sa isang kompanya. Dahil maliit lang ang kita ko, patuloy akong naghahanap ng mga part-time na trabaho. Madalas akong nagtatrabaho sa araw at pagkatapos ay nagpapatakbo ng side business sa gabi. Sinubukan ko ring pumasok sa iba’t ibang investment, pero nauwi lang sa wala ang lahat ng iyon, at lalo pang humirap ang buhay ko. Talagang pinanghinaan ako ng loob noong panahong iyon, at hindi ko maunawaan: Nagsikap naman ako nang husto para kumita ng pera, pero bakit laging ganito ang kinahihinatnan? Bakit palagi akong nabibigo gaano man ako magsikap sa trabaho o sa pag-i-invest? Pakiramdam ko ay sagad na sagad na ako sa pagod.

Noong Pebrero 2020, tinanggap ko ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. May isang sipi ng mga salita ng Diyos na talagang nakaantig sa akin. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Bilang mga miyembro ng sangkatauhan at tapat na mga Kristiyano, pananagutan at obligasyon nating lahat na ialay ang ating isipan at katawan para sa katuparan ng atas ng Diyos, dahil ang ating buong pagkatao ay nagmula sa Diyos, at ito ay umiiral salamat sa kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos. Kung ang mga isipan at katawan natin ay hindi inilalaan para sa atas ng Diyos at sa makatarungang kapakanan ng sangkatauhan, ang ating mga kaluluwa ay mahihiya sa harap ng mga naging martir para sa atas ng Diyos, at lalong mas mahihiya sa harap ng Diyos, na naglaan sa atin ng lahat ng bagay(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Apendise 2: Ang Diyos ang May Kataas-taasang Kapangyarihan sa Kapalaran ng Buong Sangkatauhan). Mula sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos, naunawaan ko na bilang mga nilikha, dapat nating tuparin ang tungkulin ng isang nilikha dahil ito ang ating responsabilidad at obligasyon. Ito ay dahil isinaayos ng Diyos ang lahat para sa atin, kabilang na ang ating pamilya, mga magulang, at ang kapaligirang kinalakihan natin—ang lahat ng ito ay pauna nang itinadhana ng Diyos noon pa man, at bilang mga nilikha, dapat nating suklian ang Kanyang pagmamahal. Labis akong naantig ng mga salita ng Diyos at ginusto kong gawin ang aking tungkulin para suklian ang pagmamahal ng Diyos. Pero dahil kakaunti pa lang ang nauunawaan kong katotohanan, hindi ko mapaglabanan ang tukso ng pera, at ang puso ko ay laging nakatuon sa pagkita ng pera.

Kalaunan, mula sa pagiging receptionist ay naging HR assistant ako, at tumaas din ang sahod ko. Pero hindi ako gaanong masaya dahil hindi ako mapapayaman ng trabahong ito ni hindi nito magagawang hangaan ako ng iba. Kung magpapatuloy ako nang ganito, kailan ako makapagpapatayo ng bahay sa amin, mapabubuti ang buhay ng aking pamilya, at maipapasyal sila? Kaya kailangan kong humanap ng trabahong may mas malaking sahod o kumuha ng mas maraming trabaho bilang sideline. Kaya, nagpasa pa ako ng mga resume. Hindi nagtagal, nagsimula ako sa bago kong trabaho sa ibang kompanya bilang isang administrative assistant sa sales department. Masayang-masaya ako, dahil bukod sa pirmihang sahod, mayroon ding mga komisyon, at basta’t pagbubutihin ko ang trabaho ko, makakukuha rin ako ng mga bonus. Naisip ko, “Sa wakas ay may pagkakataon na akong kumita ng mas maraming pera, at kapag nakapagpatayo na ako ng bahay sa amin, tiyak na titingalain at hahangaan ako ng mga tao sa amin.” Dahil bago ang trabahong ito at wala akong karanasan, kinailangan kong maglaan ng maraming oras sa pag-aaral para kitain ang gusto kong malaking sahod. Para kumita ng mas maraming pera, madalas akong magtrabaho nang lampas sa oras. Noong panahong iyon, ibinuhos ko ang lahat ng oras at lakas ko sa trabaho. Sa trabaho, madalas ay wala sa oras ang pagkain ko o nakalilimutan ko pa ngang kumain. Lalo na kapag may apurahang ipinapagawa sa akin ang manager o mga katrabaho ko, kahit may sakit ako, kailangan ko pa ring patuloy na magtrabaho. Noong panahong iyon, isa akong manggagawa ng ebanghelyo, pero masyado akong abala sa trabaho para mangaral ng ebanghelyo. Kahit pagkauwi ko ng bahay, nagtatrabaho pa rin ako. Kapag hinihiling sa akin ng lider na manguna sa mga pagtitipon, kadalasan ay tumatanggi ako dahil wala akong oras para pagnilayan ang mga salita ng Diyos. Bukod pa rito, pagod na ako sa maghapong pagtatrabaho at wala na akong lakas para manguna; gusto ko na lang magpahinga. Noong panahong iyon, madalas na lumilipad ang isip ko sa mga pagtitipon, at madalas akong dumadalo sa mga online na pagtitipon habang nagtatrabaho. Minsan ay nakatutulog pa ako habang nasa pagtitipon. Dahil nakatuon lang ako sa pagkita ng pera, hindi maganda ang mga resulta ko sa pangangaral ng ebanghelyo. Nakonsensiya ako nang husto, iniisip na, “Handa akong magpatuloy sa trabaho kahit pagod o may sakit ako, pero naging pabasta-basta ako sa tungkulin ko at ginawa ko ito nang pasibo.” Bagama’t medyo sinisisi ko ang sarili ko, magaling akong magpatawad sa sarili, iniisip na, “Bago pa lang ako sa sales, pero kapag naging mahusay na ako rito, magkakaroon na ako ng mas maraming oras para sa tungkulin ko.” Gayumpaman, hindi nangyari ang inaasahan ko. Habang mas nagiging pamilyar ako sa trabaho, mas humahaba ang oras na kailangan kong magtrabaho. Hindi lang sa hindi ako nagkaroon ng mas maraming libreng oras—mas naging abala pa ako. Nagsimulang mabalisa ang puso ko, dahil alam ko na bilang isang nilikha, ang tungkulin ko ay aking obligasyon at responsabilidad, at na dapat kong gampanan nang wasto ang aking tungkulin para suklian ang pagmamahal ng Diyos. Gayumpaman, hindi ko tinupad ang sarili kong tungkulin. Kasabay nito, talagang natakot din ako, dahil palagi akong naghahangad ng mga makamundong bagay—palayo nang palayo ang puso ko sa Diyos. Hindi ko maramdaman ang gabay ng Banal na Espiritu sa aking tungkulin, at hindi nagbubunga ang pangangaral ko ng ebanghelyo. Nanalangin ako sa Diyos sa puso ko, “Makapangyarihang Diyos, pakiramdam ko ay nawalan ako ng direksyon. Hindi ko maramdaman ang gawain ng Banal na Espiritu o ang Iyong gabay. Pakiusap, tulungan Mo ako.”

Kalaunan, nabasa ko ang isang sipi ng mga salita ng Diyos at nagkamit ako ng kaunting pagkaunawa sa problema ko. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Hindi ba marami sa inyo ang nag-alinlangan sa pagitan ng tama at mali? Sa lahat ng pakikibaka sa pagitan ng positibo at negatibo, ng itim at puti—sa pagitan ng pamilya at ng Diyos, ng mga anak at ng Diyos, ng pagkakasundo at pagkakawatak, ng kayamanan at kahirapan, ng katayuan at pagiging ordinaryo, ng masuportahan at ng maitakwil, at iba pa—tiyak na hindi kayo mangmang sa mga ginawa ninyong desisyon! Sa pagitan ng nagkakasundong pamilya at ng watak-watak na pamilya, pinili ninyo ang nauna, at ginawa ninyo iyon nang walang pag-aatubili; sa pagitan ng kayamanan at ng tungkulin, muli ninyong pinili ang nauna, at ayaw pa nga ninyong bumalik sa pampang; sa pagitan ng luho at ng kahirapan, pinili ninyo ang nauna; sa pagpili sa pagitan ng alinman sa inyong mga anak, misis, at mister o Ako, pinili ninyo ang nauna; at sa pagitan ng mga kuru-kuro at ng katotohanan, pinili pa rin ninyo ang nauna. Nahaharap sa lahat ng klase ng inyong masasamang gawa, talagang nawalan na Ako ng tiwala sa inyo, talagang namangha Ako. Hindi inaasahan na ang inyong puso ay walang kakayahan na maging malambot. Ang dugo ng puso na ginugol ko sa loob ng maraming taon ay kagulat-gulat na walang idinulot sa akin kundi ang inyong pang-aabandona at kawalan ng gana, ngunit lumalago ang pag-asa Ko para sa inyo sa bawat araw na lumilipas, dahil ang araw Ko ay ganap nang nailantad sa harapan ng lahat. Ngunit ngayon ay hinahangad pa rin ninyo ang madidilim at masasamang bagay, at ayaw ninyong pakawalan ang mga ito. Ano, kung gayon, ang inyong kalalabasan? Naisaalang-alang na ba ninyo itong mabuti? Kung papipiliin kayong muli, ano kaya ang magiging saloobin ninyo? Ang nauna pa rin kaya? Bibigyan pa rin ba ninyo Ako ng pagkabigo at masakit na kalungkutan? Ang puso ba ninyo ay magtataglay pa rin ng kaunting pagkagiliw lang? Hindi pa rin kaya ninyo malalaman kung paano aaliwin ang puso Ko? Sa sandaling ito, ano ang pipiliin ninyo?(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Kanino Ka Mismo Tapat?). Ang inilalantad ng Diyos ay ang aking aktuwal na kalagayan. Maraming beses, alam natin kung ano ang tama at kung ano ang mali, kung ano ang mga positibong bagay at kung ano ang mga negatibong bagay, pero pinipili pa rin natin ang mga mali at negatibong bagay na ito. Mula nang tanggapin ko ang gawain ng Makapangyarihang Diyos, alam ko na bilang isang nilikha, dapat kong tuparin ang aking tungkulin, pero nagtrabaho ako nang husto sa buong maghapon at gumugol ng napakaraming oras at lakas upang hangaan at kainggitan ng iba, at para kumita ng mas maraming pera at magtamasa ng mas magandang materyal na buhay. Hindi ko talaga ginawa nang buong puso ang tungkulin ko. Pagkatapos ng trabaho, sa gabi, kung kailan dapat sana ay gumugugol ako ng oras sa aking tungkulin, ang tanging iniisip ko ay kung paano kumita ng mas maraming pera; wala man lang akong ganang mangaral ng ebanghelyo o magampanan ang tungkulin ko. Inakala ko na basta ginagawa ko ang tungkulin ko, sapat na ito, at wala akong pakialam kung nagbubunga man ng mga resulta ang tungkulin ko. Nakita ko na talagang wala akong paggalang sa aking tungkulin. Nananampalataya ako sa Diyos pero hindi ko nagagawang tunay na sumunod sa Kanya, pinipili pa rin ang mga makamundong bagay at tinatahak ang landas ng isang walang pananampalataya. Dahil binibigyan pa ako ng Diyos ng pagkakataong gawin ang aking tungkulin, dapat ko itong samantalahin at pahalagahan, at ituon ang aking oras at lakas sa paghahangad sa katotohanan at pagtupad nang maayos sa aking tungkulin. Ito ang pinakamahalaga at pinakamakabuluhan. Mula noon, nagsimula na akong aktibong dumalo sa mga pagtitipon, at hindi ko na hinayaang maging hadlang sa aking tungkulin ang pagiging abala sa trabaho. Dati, nagtatrabaho ako nang lampas sa oras pagkauwi ko ng bahay, sumasagot pa nga sa mga tawag sa trabaho kahit alas-onse na ng gabi, pero ngayon, hindi na ako sumasagot sa anumang tawag sa trabaho o tumitingin ng mga mensahe pagkalipas ng alas-otso ng gabi. Gayundin, madalang akong manalangin noon at hindi ako regular na nagdedebosyonal, pero ngayon gumigising ako nang maaga para magbasa ng mga salita ng Diyos, makinig sa mga himno, at manood ng mga video ng patotoong batay sa karanasan. Sa umaga ng araw ng pahinga ko, nag-iimbita ako ng mga potensyal na tatanggap ng ebanghelyo sa mga pagtitipon, at sa hapon, nakikipagtipon ako sa kanila. Ginagamit ko pa nga ang mga pahinga ko sa trabaho para magmadaling gawin ang tungkulin ko. Sa pagsasagawa nang ganito, nakaramdam ng kapayapaan at kagalakan ang puso ko.

Hindi nagtagal, inimbita ako ng isang kaibigan na sumali sa isang investment, ipinapangakong kikita ako ng malaking pera sa pagsali sa investment na iyon, at hindi lang ako makabibili ng kotse, kundi makapagpapatayo rin ako ng bahay, at makapaglalakbay pa sa ibang bansa. Pangarap ko ang lahat ng ito! Naisip ko, “Ang pag-i-invest ay paglalagay lang ng pera at may tubo kada buwan, kaya hindi nito maaapektuhan ang tungkulin ko.” Kaya, naglabas kami ng kapatid ko ng 500,000 piso para sumali sa investment. Nakatanggap kami ng tubo sa unang dalawang buwan pagkatapos mag-invest, pero noong ikatlong buwan, tumigil na sila sa pagbibigay ng tubo, kaya hiningi namin ang pera namin pabalik, pero panay ang dahilan nila at tumanggi sila. Galit na galit ako. Gusto kong mabawi ang puhunan, pero kahit anong pagsisikap ko, hindi ko ito makuha pabalik. Talagang sumama ang loob ko, dahil ito ang perang itinabi ko para ipadala sa amin para makapagpatayo ng bahay. Gusto ko lang makahanap agad ng paraan para kitain uli ang perang nawala sa akin sa investment. Kaya, mas nagsumikap ako sa pagtatrabaho, at madalas nagtatrabaho nang lampas sa oras. Pero naantala ang sahod ko dahil sa reorganisasyon ng kompanya. Noong panahong iyon, wala na akong masyadong natitirang pera, at naging problema pati ang pambayad sa upa o pambili ng pagkain. Ang mga bagay na ito ang umokupa sa puso ko, at muli, naging pasibo at pabasta-basta na naman ako sa tungkulin ko. Nag-iimbita lang ako ng mga potensyal na tatanggap ng ebanghelyo sa mga pagtitipon, pero hindi ko talaga inuunawa o nilulutas ang mga problema nila. Napagtanto kong kung magpapatuloy ako nang ganito, lalo lang sasama ang kalagayan ko, at baka sa huli ay mawala sa akin ang gawain ng Banal na Espiritu at abandonahin ako ng Diyos. Kaya nanalangin ako sa Diyos, “O Diyos, sa nakalipas na tatlong buwan, mas inuna ko ang sarili kong trabaho kaysa sa aking tungkulin. Napuno ang puso ko ng pagkita ng mas maraming pera at pagbawi ng investment ko. O Diyos, pakiusap, huwag Mo akong iwan. Pakiusap, bigyang-liwanag at gabayan Mo ako pabalik sa Iyong tabi, pabalik sa tamang landas. Gusto kong bitawan ang mga bagay na gumugulo sa puso ko at naglalayo sa akin sa Iyo.”

Pagkatapos nito, nabasa ko ang isang sipi ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos na malaki ang naitulong sa akin. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Ang kapalaran ng tao ay nasa kontrol ng mga kamay ng Diyos. Ikaw ay walang kakayahang kontrolin ang iyong sarili: Kahit na parating na nagkukumahog at nagpapakaabala ang tao para sa kanyang sarili, nananatili siyang walang kakayahan na kontrolin ang kanyang sarili. Kung kaya mong malaman ang iyong sariling kinabukasan, kung makokontrol mo ang iyong sariling kapalaran, matatawag ka pa rin bang isang nilikha? Sa madaling sabi, paano man gumagawa ang Diyos, ang lahat ng Kanyang gawain ay alang-alang sa tao. Katulad lang ito ng kung paanong ang mga langit at lupa at ang lahat ng bagay ay nilikha ng Diyos para magserbisyo sa tao: Nilikha ng Diyos ang buwan, ang araw, at ang mga bituin para sa tao, nilikha Niya ang mga hayop at mga halaman para sa tao, nilikha Niya ang tagsibol, tag-araw, taglagas at taglamig para sa tao, at iba pa—ang lahat ng ito ay ginawa alang-alang sa pag-iral ng tao. At kaya, paano man kinakastigo at hinahatulan ng Diyos ang tao, ang lahat ng ito ay alang-alang sa kaligtasan ng tao. Kahit na tinatanggal Niya sa tao ang makalamang mga inaasahan nito, ito ay alang-alang sa pagdadalisay sa tao, at ang pagdadalisay sa tao ay ginagawa alang-alang sa pag-iral ng tao. Ang hantungan ng tao ay nasa mga kamay ng Lumikha, kaya paano makokontrol ng tao ang kanyang sarili?(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Pagpapanumbalik ng Normal na Buhay ng Tao at Pagdadala sa Kanya sa Isang Kamangha-manghang Hantungan). Mula sa mga salita ng Diyos, naunawaan ko na ang kapalaran ng tao ay nasa mga kamay ng Diyos, at hindi mababago ng mga tao ang kanilang kapalaran. Gaano man magsikap ang mga tao na makamit ang kanilang mga layon, o gaano man nila kagustong magkaroon ng isang maginhawa at magandang buhay, hindi sa kanila nakasalalay kung makakamit nila ito o hindi. Gaya lang ng nangyari sa akin—gusto kong lumipat ng trabaho at mag-invest para kumita ng mas maraming pera at matupad ang mga pangarap ko, at magkaroon ng magandang kinabukasan. Pero hindi lang sa hindi ako kumita ng mas maraming pera—sa halip, nabigo ang investment ko at malaki ang nawala sa akin, at nagsayang lang din ako ng maraming oras at lakas. Nabigo akong tuparin nang maayos ang aking tungkulin, at lalo pang humirap ang buhay ko. Ipinaunawa nito sa akin na mayaman man o mahirap ang isang tao, matagal na itong paunang itinadhana bago pa man siya ipanganak. Kung paunang itinadhana ng Diyos na wala sa kapalaran ko ang kayamanan at ang suwerte, gaano man ako magsikap na kumita ng pera, mauuwi lang ako sa kabiguan.

Kalaunan, nagbasa pa ako ng mas maraming salita ng Diyos at mas nalinawan ako sa aking mga problema. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Pilosopiya ni Satanas ang ‘Pera ang nagpapaikot sa mundo.’ Laganap ito sa gitna ng mga tao, sa bawat lipunan; maaari ninyong sabihin na ito ay isang kalakaran. Ito ay dahil ikinintal ito sa puso ng bawat isang tao, na sa una ay hindi tinanggap ang kasabihang ito, ngunit pagkatapos ay binigyan ito ng tahimik na pagtanggap noong maranasan na nila ang tunay na buhay, at nagsimula nilang maramdaman na totoo nga ang mga salitang ito. Hindi ba ito proseso ni Satanas na ginagawang tiwali ang mga tao? Marahil, ang mga tao ay walang katulad na antas ng kaalamang batay sa karanasan sa kasabihang ito, ngunit ang lahat ay mayroong magkakaibang mga antas ng interpretasyon at pagkilala sa kasabihang ito batay sa mga bagay na nangyari sa kanilang paligid at sa kanilang mga sariling karanasan. Hindi ba’t ganito ang sitwasyon? Gaano man karami ang karanasan ng isang tao sa kasabihang ito, ano ang negatibong epekto na maaaring maidulot nito sa puso ng isang tao? Nabubunyag ang isang bagay sa pamamagitan ng disposisyon ng mga tao sa mundong ito, kasama na ang bawat isa sa inyo. Ano ito? Ito ay pagsamba sa pera. Mahirap bang alisin ito mula sa puso ng isang tao? Napakahirap nito! Tila sadyang napakalalim ng pagtitiwali ni Satanas sa mga tao! Ginagamit ni Satanas ang pera para akitin ang mga tao, at ginagawa niyang tiwali silang lahat para sumamba sa pera at mga materyal na bagay. At paano naipapamalas sa mga tao ang pagsambang ito sa pera? Hindi ba’t iniisip ninyo na sa mundong ito ay hindi kayo mabubuhay kung walang pera, at na hindi ninyo kakayanin kahit isang araw kung walang pera? Kung gaano karaming pera mayroon ang mga tao ang nagtatakda kung gaano kataas ang kanilang katayuan, at kung gaano sila iginagalang. Nararamdaman ng mahihirap na hindi nila kayang magtaas-noo, samantalang ang mayayaman ay may mataas na katayuan, taas-noo, at kayang magsalita nang malakas at mamuhay sa paraang mapagmataas at dominante. Ano ba ang dinadala ng kasabihan at kalakarang ito sa mga tao? Hindi ba totoo na gagawin ng marami ang anumang sakripisyo para makakuha ng pera? Hindi ba’t ang maraming tao ay nawawalan ng kanilang dignidad at integridad sa paghahanap ng mas maraming pera? Hindi ba marami ang mga taong nawawalan ng pagkakataon na gampanan ang kanilang tungkulin at sumusunod sa Diyos para lamang sa pera? Hindi ba ang pagkawala ng pagkakataong matamo ang katotohanan at maligtas ang pinakamalaki sa lahat ng nawala sa mga tao? Hindi ba’t masama si Satanas sa paggamit sa pamamaraang ito at sa kasabihang ito upang gawing tiwali ang tao hanggang sa ganitong antas? Hindi ba ito malisyosong pandaraya?(Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi V). Mula sa mga salita ng Diyos, naunawaan ko na ang “Pera ang nagpapaikot sa mundo” ay isang satanikong pilosopiya. Noong una, wala akong pagkilatis tungkol sa kasabihang ito, at ang alam ko lang ay kung walang pera, hindi makakapamuhay nang maayos ang mga tao o hindi nila makukuha ang gusto nila. Kung iisipin ito ngayon, isa nga itong pamamaraan na ginagamit ni Satanas para gawing tiwali ang mga tao. Ginagawang tiwali at inaakit ni Satanas ang mga tao sa pamamagitan ng pera, pinapaniwala silang kapag may pera lang sila, saka sila irerespeto, magkakaroon ng katayuan sa lipunan, at titingalain. Namuhay ako ayon sa mga satanikong pilosopiyang ito, at uhaw na uhaw akong kumita ng pera. Hindi ako nakontento sa pirmihang buwanang sahod, kaya pumasok ako sa investment. Inakala kong sa ganitong paraan ay kikita ako ng mas maraming pera at matutupad ang mga pangarap ko—makapagpatayo ng bahay, makapaglakbay kasama ang pamilya ko, at mamuhay ng buhay na titingalain at hahangaan ng iba. Para hangarin ang pera at materyal na kasiyahan, paulit-ulit kong isinasantabi ang tungkulin ko, at palayo nang palayo ang puso ko sa Diyos. Namuhay ako sa kadiliman, at hindi ko maramdaman ang gawain ng Banal na Espiritu. Ngayon ay malinaw ko nang nakita ang mga pakana at sabwatan ni Satanas, na bitagin ang mga tao sa silo ng pera, inilalayo ang puso nila sa Diyos at itinutulak silang ipagkanulo ang Diyos, hanggang pagdating sa huli ay itapon sila sa impiyerno kasama nito. Nakita ko rin na maraming mayayaman—kahit na namumuhay sila sa karangyaan at nabibili ang anumang gusto nila, gaya ng magagandang bahay, mamahaling kotse, at iba pa, na tila namumuhay nang walang alalahanin—ay hindi talaga masaya. Ang ilan ay namamatay sa malulubhang sakit dulot ng matagal na pag-abuso sa alak at droga, at hindi maililigtas ng kahit gaano karaming kayamanan o katayuan ang mga buhay nila. Ang iba ay gumugugol ng maraming taon ng pagsisikap sa pagtatayo ng negosyo nila, pero nauuwi pa rin sa pagkalugi, at nalulubog sa utang. Hindi makayanan ng ilang tao ang presyur, nalulugmok sa matagalang depresyon, at sa huli ay nagpapakamatay. Napakaraming halimbawa nito. Ginagamit ni Satanas ang pera at marangyang pamumuhay para akitin ang mga tao, na nagiging dahilan para mamuhay ang mga tao nang lalong hungkag, masama, at imoral. Nang makilatis ko ito, hindi ko na inisip kung paano mababawi ang investment ko, at naging handa akong magpasakop sa kataas-taasang kapangyarihan at mga pagsasaayos ng Diyos, at buong-pusong gampanan ang aking tungkulin.

Noong Enero 2, 2024, nagkaroon ng bagong manager ang kompanya namin, at nadagdagan ang trabaho ko. Bukod sa orihinal kong trabaho, naging personal assistant niya rin ako. Dahil dito, lalo akong naging abala, at halos 24 na oras akong nakahandang magtrabaho. Pero sa pagkakataong ito, sinabi ko sa sarili ko na anuman ang mangyari, hindi ko puwedeng hayaang maapektuhan nito ang aking tungkulin. Kalaunan, tinanong ako ng isang superbisor ng iglesia kung payag akong magsanay na mangaral ng ebanghelyo at magpatotoo, at pumayag ako. Talagang nagalak ako at pakiramdam ko ay isa itong pagkakataong ibinigay sa akin ng Diyos. Napakatagal ko nang nananampalataya sa Diyos, pero palagi akong naghahabol sa pera at hindi ko nagawa nang maayos ang tungkulin ko, kaya sa pagkakataong ito, talagang pahahalagahan ko ang tsansang ito. Mula noon, naglaan ako ng mas maraming oras sa pangangaral ng ebanghelyo. Pero lalo akong naging abala sa trabaho, at hindi ako makatigil kahit pagkauwi ko sa bahay sa gabi galing trabaho. Madalas pa akong tawagan o padalhan ng mensahe ng manager ko. Minsan kapag nakikipagbahaginan ako sa isang potensyal na tatanggap ng ebanghelyo, tumatawag ang manager o mga katrabaho ko, na humahadlang sa pagpapatahimik ko ng aking puso. Pero ayaw kong mawala uli ang pagkakataong gawin ang tungkulin ko, kaya nanalangin ako sa Diyos na gabayan ako at bigyan ako ng lakas na makawala sa mga gapos ni Satanas. Naalala ko ang mga salita ng Panginoong Jesus: “Ano ang pakikinabangan ng tao, kung makakamtan niya ang buong sanlibutan at maiwawala niya ang kanyang sariling buhay? O ano ang ibibigay ng tao na katumbas sa kanyang buhay?(Mateo 16:26). Mula sa mga salita ng Panginoon, naunawaan ko na kahit magkamit ako ng malaking kayamanan at magkamit din ng reputasyon at katayuan, kung wala naman sa akin ang proteksyon ng Diyos at hindi ko nakamit ang katotohanan at buhay, sa huli, ang kalalabasan ko ay pagkawasak pa rin. Sa mundong ito, maraming mayayaman ang may saganang materyal na yaman, pero kapag dumating ang mga kalamidad, hindi sila maililigtas man lang ng pera nila, at mamamatay pa rin sila kung iyon ang kanilang kapalaran. Walang silbi ang pera at katayuan sa harap ng mga kalamidad. Pagkatapos ay nagbasa ako ng isang sipi ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos at labis akong naantig. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Ang pinakasimpleng paraan upang mapalaya ang sarili mula sa ganitong kalagayan ay ang magpaalam sa dating sariling paraan ng pamumuhay; ang magpaalam sa sariling dating mga layon sa buhay; ibuod at himayin ang dating paraan ng pamumuhay, pananaw sa buhay, mga paghahangad, mga pagnanais, at mga adhikain; at pagkatapos ay ihambing ang mga ito sa mga layunin at mga hinihingi ng Diyos sa tao, at tingnan kung kaayon ang alinman sa mga ito sa mga layunin ng Diyos, kung may alinman sa mga ito ang alinsunod sa mga hinihingi ng Diyos, kung may alinman sa mga ito ang naghahatid ng mga tamang pagpapahalaga sa buhay, umaakay sa isang tao na makaunawa ng paparami pang katotohanan, at nagtutulot sa kanya na mamuhay nang may pagkatao at wangis ng tao. Kapag paulit-ulit mong sinisiyasat at maingat na hinihimay ang iba’t ibang layon sa buhay na pinagsisikapan ng mga tao at ang kanilang iba’t ibang paraan ng pamumuhay, matutuklasan mo na ni isa sa mga ito ay hindi umaayon sa orihinal na layunin ng Lumikha nang Kanyang likhain ang sangkatauhan. Lahat ng ito ay naglalayo sa mga tao mula sa kataas-taasang kapangyarihan at pangangalaga ng Lumikha; lahat ng ito ay mga bitag na nagsasanhi na maging napakasama ng mga tao, at naghahatid sa kanila sa impiyerno. Matapos mong makilala ito, ang dapat mong gawin ay bitiwan ang iyong lumang pananaw sa buhay, manatiling malayo sa sari-saring mga patibong, hayaan ang Diyos na mamahala sa iyong buhay at gumawa ng mga pagsasaayos para dito, hangarin lamang na magpasakop sa mga pamamatnugot at gabay ng Diyos nang hindi gumagawa ng sarili mong mga pagpili, at maging isang tao na sumasamba sa Diyos(Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi III). Mula sa mga salita ng Diyos, naunawaan ko na dapat akong kumawala sa dati kong paraan ng pamumuhay, at mamuhay ayon sa mga layunin at hinihingi ng Diyos. Sa pagninilay sa sarili ko, nakita ko na bagama’t ilang taon na akong nananampalataya sa Diyos, dahil hindi pa nababago ang mga pananaw ko sa mga bagay-bagay, palagi kong gustong kumita ng maraming pera, at naghangad ako ng katayuan at kasikatan para tingalain ako ng iba. Lagi akong abala sa trabaho, na ginagawa nang pabasta-basta ang tungkulin ko at walang pasanin, at bilang resulta, nawala sa akin ang gawain ng Banal na Espiritu at namuhay ako sa kahungkagan at kadiliman, na pinalalampas ang maraming pagkakataong isagawa ang katotohanan at gampanan ang aking tungkulin. Pansamantala lang ang kasiyahang idinulot sa akin ng pera, kasikatan, at pakinabang, at hindi nito maililigtas ang buhay ko. Sa pamamagitan lang ng paghahangad sa katotohanan ko maiwawaksi ang aking tiwaling disposisyon at matatamo ang kaligtasan. Sa panahong ito, madalas akong manalangin, hinihiling sa Diyos na gabayan ako na gumawa ng tamang desisyon.

Noong Pebrero 6, 2024, ipinasa ko ang resignation letter ko sa manager ko. Gulat na gulat siya at tinanong ako kung bakit ako aalis, at sinabi pa niyang hindi siya papayag dito. Pero matatag kong sinabi, “May mas importante akong gagawin sa gabi at sa mga araw ng pahinga ko, kaya hindi ko na maipagpapatuloy pa ang trabahong ito.” Sa huli, wala siyang nagawa kundi ang pumayag at pumirma. Noong Pebrero 12, umalis ako sa kompanya. Nakaramdam ako ng malaking ginhawa pagkaalis ko, na para bang naalis ang isang mabigat na pasanin sa puso ko. Tunay akong nakaramdam ng kagalakan at kaligayahan sa loob ko. Noong Pebrero 28, 2024, natanggap ako sa bagong trabahong inaplayan ko, at maayos ang mga benepisyo, at nangako ang manager na tataasan ang sahod ko pagkalipas ng anim na buwan. Talagang nakatutukso ang trabahong ito. Pero naisip ko na magiging kasing-abala ang trabahong ito gaya ng dati kong trabaho, at hindi ko magagampanan ang aking tungkulin. Nanalangin ako sa Diyos na gabayan ako sa paggawa ng tamang desisyon. Naisip ko ang mga salita ng Diyos: “Bilang mga normal na tao, at bilang mga taong naghahangad na mahalin ang Diyos, ang pagpasok sa kaharian at pagiging mga tao ng Diyos ang inyong tunay na hinaharap, at isang buhay na siyang pinakamahalaga at pinakamakabuluhan; walang sinuman ang higit na pinagpala kaysa sa inyo. Bakit Ko sinasabi ito? Sapagkat yaong mga hindi nananampalataya sa Diyos ay nabubuhay para sa laman, at sila ay nabubuhay para kay Satanas, ngunit sa kasalukuyan kayo ay nabubuhay para sa Diyos, at nabubuhay upang sumunod sa kalooban ng Diyos. Kaya sinasabi Ko na ang inyong mga buhay ang pinakamakabuluhan. Ang grupong ito lamang ng mga tao, na pinili ng Diyos, ang nakakapagsabuhay ng isang buhay na pinakamakabuluhan: Walang sino pa man sa lupa ang magagawang isabuhay ang isang buhay na may gayong halaga at kahulugan nang gaya sa buhay mo(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Alamin ang Pinakabagong Gawain ng Diyos at Sumunod sa Kanyang mga Yapak). Mula sa mga salita ng Diyos, naunawaan ko na ang paghahangad sa katotohanan at paggampan nang maayos sa tungkulin ang nagbibigay sa buhay ng tunay na halaga at kabuluhan, at ito ang dapat kong hangarin bilang isang nilikha. Tanging ang mga naghahangad at nagkakamit ng katotohanan ang kalipikadong pumasok sa kaharian ng Diyos, at sila ang mga tunay na pinagpala. Pero ang mga patuloy na naghahangad ng pera, yaman, kasikatan, at pakinabang ay namumuhay sa ilalim ng impluwensiya ni Satanas, at sa huli ay aabandonahin sila ng Diyos. Kung isusuko ko na naman ang aking tungkulin alang-alang sa trabaho, tiyak na mauuwi akong muli sa pamumuhay sa kadiliman at kahungkagan, at sa huli ay sisirain ko ang aking pagkakataong maligtas. Kaya, tinanggihan ko ang trabaho. Sa ganoong paraan, magkakaroon ako ng mas maraming oras para gampanan ang aking tungkulin. Makalipas ang anim na buwan, nakahanap ako ng angkop na trabaho. Hindi sagabal ang oras ng trabaho sa aking tungkulin, at walang trabaho ng lampas sa oras. Kahit medyo mas mababa ang sahod, panatag ang loob ko, dahil may oras na ako ngayon para gampanan ang aking tungkulin. Ngayon, ginagampanan ko ang aking tungkulin sa iglesia, at may pagkakataon akong mangaral ng ebanghelyo at magpatotoo sa gawain ng Diyos sa mga huling araw. Isa itong tunay na pagpapala! Napagtanto ko na sapat na para sa atin na matugunan lang ang ating mga pangunahing pangangailangan, at na ang pagtupad nang maayos sa ating mga tungkulin at paghahangad sa katotohanan upang makamit ang pagliligtas ng Diyos ang pinakamahalaga at pinakamakabuluhang mga bagay. Salamat sa Diyos!

Sinundan: 18. Talaga Bang Kayang Baguhin ng Kaalaman ang Tadhana ng Tao?

Sumunod: 20. Sa Pagiging Matapat, Nagkamit Ako ng Kapayapaan at Kagalakan

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

69. Pagbabalik sa Tamang Daan

Ni Chen Guang, USASabi ng Makapangyarihang Diyos, “Ang paglilingkod sa Diyos ay hindi simpleng gawain. Ang mga hindi nagbabago ang tiwaling...

Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos Ukol sa Pagkakilala sa Diyos Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw Paglalantad sa mga Anticristo Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Tahanan ng Diyos Mahahalagang Salita Mula sa Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga Huling Araw Araw-araw na mga Salita ng Diyos Ang Mga Katotohanang Realidad na Dapat Pasukin ng mga Mananampalataya sa Diyos Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin Mga Gabay para sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian Naririnig ng mga Tupa ng Diyos ang Tinig ng Diyos Makinig sa Tinig ng Diyos  Masdan ang Pagpapakita ng Diyos Mahahalagang Tanong at Sagot tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume I) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume II) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume III) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IV) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume V) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VI) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VIII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IX) Paano Ako Bumalik sa Makapangyarihang Diyos

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito