18. Talaga Bang Kayang Baguhin ng Kaalaman ang Tadhana ng Tao?

Ni Sher, Nepal

Ipinanganak ako sa isang pamilya sa probinsya sa Nepal. Parehong magsasaka ang mga magulang ko, at dahil sa hirap ng kalagayan ng kanilang pamilya, hindi sila nagkaroon ng pagkakataong makapag-aral, kaya nagtrabaho sila nang husto para linangin ako. Madalas nilang sabihin sa akin, “Kailangan mong maging masikap at mag-aral nang mabuti.” Alam nila na kung hindi ako mag-aaral nang mabuti, hindi ako makahahanap ng disenteng trabaho sa hinaharap, at mauuwi akong nabubuhay sa hirap tulad nila. Tuwing nakikita kong nagpapakahirap ang mga magulang ko sa trabaho, nararamdaman kong dapat akong mas magsumikap pa, para sa hinaharap ay makahanap ako ng magandang trabaho, kumita ng maraming pera, at maipagpatayo ng malaking bahay ang pamilya ko, para maranasan nila ang masayang buhay. Noong una, nag-aral ako sa isang ordinaryong pampublikong paaralan. Wala itong magagandang kagamitan sa pagtuturo, at karaniwang mabababa ang mga grado ng mga estudyante. Nang makita ko ang mga kaibigan kong nag-aaral sa isang English-medium school, gustong-gusto ko ring mag-aral doon. Naisip din ng mga magulang ko na kahit napakamahal ng matrikula sa English-medium school, kung makapag-aaral ako sa isang magandang eskuwelahan, mas madali para sa akin na makahanap ng magandang trabaho sa hinaharap. Kalaunan, gaya ng ninanais ko, nakapasok ako sa isang pampublikong English-medium school. Sa simula, hindi masyadong maganda ang mga grado ko, kaya dinoble ko pa ang pagsisikap ko. Maaga akong gumigising araw-araw para irebyu ang mga natutunan ko nang nagdaang araw, nagtakda ako ng mga layon para sa sarili ko, gumawa ng mga plano sa pag-aaral, at itinatanong ko sa mga guro ang mga bagay na hindi ko maintindihan. Sa pamamagitan ng patuloy na pagsisikap, malaki ang itinaas ng mga grado ko.

Sa eskuwelahan, madalas ituro sa amin ng mga guro na sa pamamagitan lamang ng pagkakaroon ng kaalaman kami magkakaroon ng mas maganda at mas maliwanag na kinabukasan, at makahahanap ng trabahong makukuha ang respeto ng ibang tao. Gusto kong maging doktor para magkamit ng katanyagan at maging matagumpay, at para na rin kumita ng pera para mabigyan ng masayang buhay ang pamilya ko, kaya lalo pa akong nag-aral nang mabuti. Araw-araw, pumapasok ako sa klase nang tama sa oras, at hindi ako lumiban kahit isang beses. Nakikinig akong mabuti sa klase, at pagkauwi sa bahay, paulit-ulit kong binabasa ang mga isinulat ko, at nagbabasa rin ako ng ibang mga libro at materyales. Abala ako sa pag-aaral araw-araw at halos wala na akong oras para lumabas kasama ang mga kaibigan. Pakiramdam ko ay hindi ako dapat magsayang kahit isang minuto. Lalo pang gumanda ang mga grado ko, at nalampasan ko pa ang sa mga kaibigan ko. Sobrang saya ko, naniniwalang hangga’t nagsisikap ako, makukuha ko ang lahat ng gusto ko: maging isang doktor, magkamit ng katayuan at katanyagan, at magkaroon ng malaking yaman. Kaya nagplano akong kumuha ng entrance exam para sa medical school. Gayumpaman, dahil sa pandemya, hindi ako makapunta sa eskuwelahan para maghanda para sa entrance exam. Sa bahay lang ako nakapaghanda online. Hindi maganda ang mga grado ko sa mga online test, at nag-alala ako na kung magpapatuloy nang ganito, hindi ako makakukuha ng magagandang grado, at pagkatapos ay hindi ako makakukuha ng scholarship. Dahil sa kalagayang pampinansyal ng pamilya namin, talagang hindi namin kakayanin ang ganoon kataas na matrikula. Makalipas ang ilang buwan, kumuha ako ng entrance exam. Bagama’t nakapasa ako, hindi sapat ang iskor ko para makatanggap ako ng scholarship. Labis akong nasaktan, pakiramdam ko ay nasayang lang ang isang taon kong pagsisikap. Pero hindi ako sumuko at nagsimula akong maghanda para sa entrance exam sa susunod na taon. Gayumpaman, dahil sa muling pagsiklab ng pandemya, tanging sa bahay na naman ako nakapaghanda online. Naisip ko na sa pagkakataong ito, kahit ano ang mangyari, kailangan kong makuha ang scholarship. Kaya lalo pa akong nagsikap kaysa noong unang taon, nag-aaral mula ika-6 ng umaga hanggang ika-12 ng gabi. Minsan, bumibigat ang ulo ko dahil sa kulang sa tulog, pero hindi ako nagpapahinga. Gayumpaman, nang makita kong palaging mababa ang mga grado ko sa maraming online test, unti-unti na akong nabalisa, iniisip na, “Kapag hindi ko naabot ang layon ko, ano na lang ang iisipin ng mga kaibigan at kapitbahay ko sa akin? Kung hindi ako magiging doktor, magiging madilim ang kinabukasan ko. Lagi kong pinapangarap na mamukod-tangi, makapagpatayo ng malaking bahay, at mabigyan ng masayang buhay ang pamilya ko, pero lahat ng mga pangarap na ito ay guguho.” Dahil sa mga negatibong isiping ito, lalo akong nabalisa, kaya unti-unting lumala ang kalagayan ng isip ko, at sa huli, nagkaroon ako ng bahagyang depresyon. Kapag nalulumbay ako, hindi ako makatulog buong gabi at wala akong ganang kumain. Minsan, umiiyak pa ako buong magdamag. Sa loob ng tatlong buwang iyon, labis akong naghirap dahil sa depresyon, pero hindi ko alam kung paano makatatakas dito. Marami akong napanood na motivational video sa YouTube, pero hindi bumuti ang kondisyon ko kahit kaunti.

Makalipas ang tatlong buwan, natagpuan ko ang mga himno na nagpupuri sa Panginoon at mga video tungkol sa panalangin sa YouTube. Pagkatapos makinig sa mga himno at panalanging iyon, unti-unting kumalma ang puso ko. Nagsimula akong manalangin tuwing umaga at gabi. Pagkatapos manalangin, unti-unting nawawala ang ilang negatibong pag-iisip ko, at gumagaan ang pakiramdam ko. Sa loob ng halos dalawang buwan, araw-araw akong nagbabasa ng Bibliya at nakikinig ng mga himno. Nabasa ko ang mga salita ng Panginoong Jesus: “Magsiparito sa akin, kayong lahat na nangapapagal at nangabibigatang lubha, at kayo’y aking papagpapahingahin. Pasanin ninyo ang aking pamatok, at magaral kayo sa akin; sapagka’t ako’y maamo at mapagpakumbabang puso: at masusumpungan ninyo ang kapahingahan ng inyong mga kaluluwa. Sapagkat malambot ang Aking pamatok, at magaan ang Aking pasan(Mateo 11:28–30). Nagbigay sa akin ng malaking kaaliwan ang mga salitang ito. Naramdaman kong nasa tabi ko lang ang Panginoong Jesus, tinutulungan akong makalaya sa pasakit; lubos na nabawasan ang bigat sa puso ko, at sumampalataya ako sa Panginoon. Lumipas ang tatlong buwan sa isang iglap, at kumuha ako ng entrance exam sa pangalawang pagkakataon. Hindi pa rin gayon kataas ang mga grado ko para maging kalipikado sa scholarship, pero sa pagkakataong ito, hindi na ganoon kasakit ang naramdaman ko tulad ng dati. Makalipas ang ilang araw, nalaman kong naghahanda ang isang kaibigan para sa IELTS exam at nagpaplanong mag-aral sa Australia. Napagtanto kong hindi lang pagiging doktor ang tanging pagpipilian ko, at na maaari din akong pumunta sa Australia para mag-aral at lumikha ng mas magandang buhay. Kaya nagsimula akong maghanda para sa IELTS exam.

Habang naghahanda ako para sa exam, may nabasa akong isang sipi sa Facebook: “Mula sa sandaling isilang kang umiiyak sa mundong ito, sinisimulan mo nang gampanan ang iyong mga responsabilidad. Alang-alang sa plano ng Diyos at sa Kanyang ordinasyon, ginagampanan mo ang iyong papel at sinisimulan ang iyong paglalakbay sa buhay. Anuman ang iyong maaaring pinagmulan, at anumang paglalakbay ang maaaring nasa iyong harapan, walang makakatakas sa mga pamamatnugot at pagsasaayos ng Langit, at walang sinumang makakakontrol sa sarili nilang kapalaran, dahil Siya lamang na may kataas-taasang kapangyarihan sa lahat ng bagay ang may kakayahan sa gayong gawain(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Diyos ang Pinagmulan ng Buhay ng Tao). Pakiramdam ko, napakatama ng mga salitang ito. Lahat ng tungkol sa atin ay nasa mga kamay ng Diyos. Ang ating tadhana ay nasa ilalim din ng kataas-taasang kapangyarihan at mga pagsasaayos ng Diyos; hindi natin kontrolado ang sarili nating tadhana. Naisip ko ang sarili kong mga karanasan: Hindi ko alam ang kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos, at inakala kong yayaman ako sa pamamagitan ng sarili kong pagsisikap at magkakaroon ng masayang buhay. Pero gaano man ako nagsikap at nagplano, nabigo pa rin ako sa huli, at nagkaroon pa nga ako ng depresyon. Matapos basahin ang siping ito, naunawaan ko na ang pamilya kung saan ako ipinanganak, ang kapaligirang kinalakihan ko, at kung ano ang magiging kinabukasan ko— lahat ay isinaayos na ng Diyos, at na gaano man ako magsikap, hindi ko mababago ang aking tadhana. Pagkasandali, inanyayahan ako ng isang sister na dumalo sa isang online na pagtitipon. Gayumpaman, kinabukasan, kailangan kong kumuha ng IELTS exam at medyo nag-aalala ako sa magiging resulta. Kung hindi maganda ang iskor ko sa exam, hindi ko matutupad ang pangarap kong makapunta sa Australia, at magiging madilim ang kinabukasan ko. Baka ito na ang huli kong pagkakataon, at kung mabibigo ako, ako ang magiging pinakatalunan sa mga kaibigan ko, at tiyak na iisipin din ng mga magulang at kaibigan ko na isa akong malaking kabiguan. Habang iniisip ko ito, nakita kong ang paksa ng sermon sa pagtitipon ay “Malungkot ang Aking Buhay—Ano ang Dapat Kong Gawin?” Agad akong naakit dito. Isang brother ang nagbahagi ng ilang sipi: “Dahil hindi alam ng mga tao ang mga pamamatnugot ng Diyos at ang kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos, palagi nilang hinaharap ang kapalaran nang may pagsuway at mapaghimagsik na saloobin, at palaging nais iwaksi ang awtoridad at kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos at ang mga bagay na inilaan ng kapalaran, umaasa nang walang-saysay na baguhin ang kanilang kasalukuyang mga kalagayan at ibahin ang kanilang kapalaran. Subalit hindi sila kailanman magtatagumpay at nahahadlangan sila sa bawat liko. Ang pakikibakang ito, na nagaganap sa kaibuturan ng kanilang kaluluwa, ay nagdudulot ng kirot, at ang kirot na ito ay tumatagos sa kanilang buto, at kasabay nito ay idinudulot nito na maaksaya ang buhay nila. Ano ang sanhi ng kirot na ito? Dahil ba sa kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos, o dahil sa ang tao ay ipinanganak na hindi masuwerte? Malinaw na alinman dito ay hindi totoo. Sa huli, idinudulot ito ng mga landas na tinatahak ng mga tao, at ng mga paraan na pinipili nilang isabuhay ang kanilang buhay(Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi III). “Ginagamit ni Satanas ang kasikatan at pakinabang upang kontrolin ang mga kaisipan ng mga tao, wala nang ibang ipinapaisip sa kanila kundi ang dalawang bagay na ito at idinudulot sa kanila na makibaka para sa kasikatan at pakinabang, magdusa ng mga paghihirap para sa kasikatan at pakinabang, magtiis ng kahihiyan at magbuhat ng mabibigat na pasanin para sa kasikatan at pakinabang, magsakripisyo ng lahat ng mayroon sila para sa kasikatan at pakinabang, at gumawa ng bawat paghuhusga o pagpapasya alang-alang sa kasikatan at pakinabang. Sa ganitong paraan, naglalagay si Satanas ng mga di-nakikitang kadena sa mga tao, at, sa mga kadenang ito, wala silang abilidad ni tapang na makaalpas. Nang di-namamalayan, dala-dala nila ang mga kadenang ito habang naglalakad-lakad sila nang hakbang-hakbang, nang may labis na paghihirap. Alang-alang sa kasikatan at pakinabang na ito, lumilihis ang sangkatauhan mula sa Diyos at ipinagkakanulo Siya at lalo silang nagiging buktot. Sa ganitong paraan, sunud-sunod na nawawasak ang mga henerasyon sa gitna ng kasikatan at pakinabang ni Satanas(Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi VI). Pagkatapos magbasa ng brother, nakipagbahaginan siya, “Sa loob ng libu-libong taon, ginagamit ni Satanas ang ateismo, materyalismo, at ebolusyonismo para iligaw at gawing tiwali ang mga tao, kaya itinatanggi nila ang pag-iral ng Diyos at ang Kanyang paglikha sa kalangitan, lupa, at lahat ng bagay, at bilang resulta, lumalayo ang mga tao sa Diyos at hindi na Siya sinasamba. Hindi lang iyan, ginagamit din ni Satanas ang kasikatan at pakinabang para gawing tiwali ang mga tao, sinasabi ang mga bagay tulad ng, ‘Mamukod-tangi sa iba, at magbigay-karangalan sa iyong mga ninuno,’ at ‘Ang kapalaran ng isang tao ay nasa kanyang kamay.’ Dahil sa impluwensya at pagkakadoktrina ng mga ideya at pananaw na ito, naniniwala tayo na sa pamamagitan lamang ng pagkakaroon ng pera, kasikatan, at pakinabang natin makukuha ang respeto ng iba at magkakaroon tayo ng masayang buhay. Samakatuwid, maraming tao ang nagsusumikap at nagpapakahirap araw-araw para magkaroon ng mariwasang buhay. Lumalagpas sila sa oras ng trabaho at nauuwi sa pagkakaroon ng mga sakit sa murang edad. Ang ilang tao, para magtagumpay sa kanilang mga karera, ay gumagamit ng lahat ng uri ng panlilinlang at pakana, ginagamit at niloloko ang iba, walang-awang tinatapakan ang iba para umangat. Kahit na magtagumpay sila, wala silang kapayapaan sa kanilang mga puso at nabubuhay pa rin sa pagdurusa. Marami rin ang nagsisikap nang husto pero hindi pa rin magawang mamukod-tangi. Dahil dito, sila ay nagiging pesimista at nawawalan ng pag-asa, at nagkakaroon pa nga ng pagkasawa sa mundo, at pinipili ng ilan na wakasan ang kanilang buhay sa pamamagitan ng pagpapakamatay. Ang lahat ng ito ay sanhi ng pagpapahirap ni Satanas sa mga tao.” Nag-iwan ng malalim na impresyon sa akin ang pakikipagbahaginan ng brother, at naalala ko ang mga paghihirap na naranasan ko. Dahil nakita kong nagpapakahirap sa pagtatrabaho ang mga magulang ko mula pa noong bata ako, gusto kong maging doktor sa pamamagitan ng masigasig na pag-aaral para magkamit ng katayuan at katanyagan, at sa gayon ay mabigyan ng masayang buhay ang pamilya ko. Para dito, nagsikap ako nang husto. Lalo na pagkatapos kong lumipat sa isang English-medium school, lalo akong nagsikap sa pag-aaral. Itinigil ko ang paglabas-labas kasama ang mga kaibigan, at inisip ko pa nga kung ano ang pag-aaralan ko habang gumagawa ng mga gawaing-bahay. Madalas din akong mag-aral hanggang dis-oras ng gabi. Para mamukod-tangi sa mga kaklase ko, nag-aaral ako ng 12 hanggang 15 oras sa isang araw. Pero sa huli, nabigo pa rin ako. Nagkaroon din ako ng depresyon at napilitang ihinto ang mga plano ko para sa medical school. Tuwing naiisip kong napag-iiwanan na ako ng mga kaibigan ko, sumasakit ang puso ko, at parang may nakadagan na malaking bato sa dibdib ko. Pakiramdam ko ay ganap na madilim ang kinabukasan ko, at madalas akong hindi makatulog buong magdamag, nag-aalala kung ano ang mangyayari sa akin. Nagsimula akong mag-isip, “Bakit naging ganito kahirap ang buhay ko? Ano ba talaga ang pinagsisikapan ko nang husto? Matagal ko nang hinahangad ang isang masayang buhay, kaya bakit palala nang palala ang buhay ko?” Pero ngayon, naunawaan ko na. Ang ugat ng aking pagdurusa ay ang paggawang tiwali ni Satanas. Lubusan na akong naging alipin ng pera, kasikatan, at pakinabang. Kung hindi dahil sa paglalantad ng mga salita ng Diyos, hindi ko malalaman na ginagamit pala ni Satanas ang pera, kasikatan, pakinabang, at katayuan para gawing tiwali ang mga tao. Ang katayuan, kasikatan, at pakinabang ay ang mga hindi nakikitang tanikala na inilalagay ni Satanas sa mga tao, kaya napakahirap para sa kanila na makalaya. Upang magkamit ng reputasyon at katayuan, lubusan kong ibinigay ang aking sarili kay Satanas at tiniis ang walang katapusang paghihirap. Na maunawaan ko ang mga katotohanang ito at magkaroon ng ganitong pagkamulat—ito ang pag-ibig at pagliligtas ng Diyos!

Pagkatapos, nagpadala ng isa pang tanong ang brother: “Kung gayon, paano tayo makatatakas sa pagdurusang ito?” Pagkatapos ay nagpadala siya ng ilan pang sipi: “Kahit ano pa ang mga pagkakaiba sa abilidad, talino, at determinasyon, ang mga tao ay pantay-pantay lahat sa harap ng tadhana, na hindi tumitingin sa pagkakaiba ng malaki o maliit, ng mataas o mababa, ng pinaparangalan o hinahamak. Ang pinagsisikapang hanapbuhay, ang ginagawa ng isang tao upang kumita, at kung gaano karami ang natitipong kayamanan ng isang tao sa buhay ay hindi napagpapasyahan ng sariling mga magulang, ng sariling mga talento, ng sariling mga pagpupunyagi o sariling mga ambisyon, sa halip ay paunang itinakda ng Lumikha(Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi III). “Kapag hindi alam ng mga tao kung tungkol saan ang kapalaran o kapag hindi nila nauunawaan ang kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos, sutil lang silang gumagapang at nangangapa sa hamog, at masyadong mahirap ang paglalakbay na iyon, at nagdudulot ito ng masyadong pasakit sa puso. Kaya kapag napagtanto ng mga tao na ang Diyos ay may kataas-taasang kapangyarihan sa kapalaran ng tao, pinipili ng matatalino na alamin at tanggapin ang kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos, at magpaalam sa masasakit na araw ng ‘pagsubok na bumuo ng isang mabuting buhay gamit ang sarili nilang mga kamay’ sa halip na patuloy na makipagbuno laban sa kapalaran at hangarin ang mga diumano’y mga layon sa buhay sa sarili nilang paraan. Kapag walang Diyos ang isang tao, kapag hindi niya makita ang Diyos, kapag hindi niya tunay at malinaw na malaman ang kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos, ang araw-araw ay walang kabuluhan, walang halaga, at di-mailarawan ang sakit. Nasaan man ang isang tao, at anuman ang kanyang trabaho, ang paraan niya para manatiling buhay at ang mga layong hinahangad niya ay walang ibang idinudulot sa kanya kundi walang-katapusang pasakit sa puso at pasakit na hindi mapangibabawan, na hindi niya makayanang lingunin. Sa pamamagitan ng pagtanggap sa kataas-taasang kapangyarihan ng Lumikha, pagpapasakop sa Kanyang mga pamamatnugot at pagsasaayos, at paghahangad na matamo ang tunay na buhay ng tao, saka lang unti-unting makakalaya ang isang tao mula sa lahat ng pasakit sa puso at pighati, at unti-unting maiwawaksi sa sarili niya ang lahat ng kahungkagan ng buhay ng tao(Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi III). “Kung tutuusin, ang tao ay tao, at ang katayuan at buhay ng Diyos ay hindi mapapalitan ng sinumang tao. Ang kailangan ng sangkatauhan ay hindi lang ang isang patas na lipunan kung saan ang lahat ng tao ay kumakain nang sapat, pantay-pantay, at malaya; ang kailangan ng sangkatauhan ay ang kaligtasan ng Diyos at ang Kanyang pagtutustos ng buhay sa kanila(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Apendise 2: Ang Diyos ang May Kataas-taasang Kapangyarihan sa Kapalaran ng Buong Sangkatauhan). Pagkatapos basahin ang mga siping ito, nakipagbahaginan ang brother, “Ang Diyos ang may kataas-taasang kapangyarihan sa tadhana ng sangkatauhan. Bago pa man ang mga kapanahunan, pauna nang itinakda ng Diyos kung sa anong uri ng pamilya tayo isisilang, kung anong propesyon ang hahangarin natin, at kung gaano karaming yaman ang tataglayin natin. Bilang mga nilikha, hindi tayo dapat makipaglaban sa tadhana, at dapat tayong magpasakop sa mga pamamatnugot at pagsasaayos ng Diyos, at tanggapin ang lahat ng inihanda ng Lumikha para sa atin. Sa ganoong paraan lang magkakaroon ng kapayapaan at kagalakan ang ating mga puso, at sa ganoong paraan lang tayo mabubuhay nang panatag at walang alalahanin.” Pagkatapos makipagbahaginan ng brother, naisip ko kung gaano kalaki ang pagod at pagsisikap na inilaan ko para maabot ang pangarap kong maging doktor. Pero sa huli, nauwi lang ito sa kabiguan, at hindi ko maintindihan kung bakit nangyari sa akin ang lahat ng ito. Dahil ba sa ipinanganak akong malas, o hindi lang ba sapat ang naging pagsisikap ko? Ngayon, naunawaan ko na ang dahilan kung bakit labis akong nagdusa ay dahil hindi ko alam ang kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos. Ang Diyos ang may kataas-taasang kapangyarihan sa kapalaran ng tao, at ang mga bagay tulad ng kung sa anong uri ng pamilya ako isisilang, ang propesyon na hahangarin ko, kung gaano karaming yaman ang tataglayin ko sa buhay ko, at kung sa anong edad ako mamamatay ay pauna nang itinakda lahat ng Diyos. Kung gusto kong makatakas sa pagkabalisa at pagdurusa, kailangan kong tanggapin ang kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos at magpasakop sa mga sitwasyong isinaayos Niya. Tulad ng sa nalalapit na IELTS exam, handa akong tanggapin at magpasakop, anuman ang maging resulta. Pagkatapos ng pagtitipon, nanalangin ako sa Diyos, “O Diyos, maraming-maraming salamat po sa pagpapahintulot Ninyong makadalo ako sa pagtitipong ito. Ngayon ko lang napagtanto na ang lahat ng pasakit at paghihirap ng mga tao ay kagagawan ni Satanas. Ginamit ni Satanas ang katayuan, kasikatan, at pakinabang para iligaw at gawin akong tiwali, kaya naging mangmang ako sa Inyong kataas-taasang kapangyarihan. Dahil dito, ginusto kong hawakan ang tadhana sa sarili kong mga kamay kaya naman nabuhay ako sa kadiliman. Salamat po sa pagbibigay-liwanag sa akin at pagpapahintulot na makita ko ang mga pakana ni Satanas. Anuman ang resulta ng exam bukas, malugod ko po itong tatanggapin.” Kinabukasan, habang kumukuha ako ng exam, napakakalmado ng puso ko. Pagkatapos kong matapos ang exam nang walang isyu, umuwi na ako. Kalaunan, nalaman kong nakapasa ako sa exam, at sobrang saya ko. Sa mga sumunod na araw, habang naghahanda akong pumunta sa Australia, dumadalo rin ako sa mga pagtitipon ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Noong panahong iyon, marami akong binasang mga salita ng Makapangyarihang Diyos. Naunawaan ko ang tatlong yugto ng gawain ng Diyos para iligtas ang sangkatauhan, ang hiwaga ng mga pangalan ng Diyos, ang hiwaga ng pagkakatawang-tao, ang panloob na kuwento ng Bibliya, ang gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw, at marami pa. Mula sa puso ko, tinanggap ko na ang Makapangyarihang Diyos ay ang nagbalik na Panginoong Jesus.

Pagkalipas ng ilang panahon, sinimulan kong ipangaral ang ebanghelyo sa aking mga magulang at kapatid, at tinanggap nilang lahat ang bagong gawain ng Diyos. Nang makita ko ang pagsiklab ng digmaan sa pagitan ng Russia at Ukraine, at ang madalas na mga sakuna sa lahat ng dako, napagtanto kong malapit nang matapos ang gawain ng Diyos. Pero marami pa ring tao ang hindi pa tumatanggap sa pagliligtas ng Diyos, at napagtanto kong napakahalaga ngayon na ipangaral ang ebanghelyo. Kung pupunta ako sa Australia, magiging limitado ang oras ko para gawin ang aking tungkulin. Pero napakahirap makuha ng pagkakataong ito na makapunta sa Australia, at kung hindi ako pupunta, masasayang lang ang lahat ng dati kong pagsisikap. Ano na kaya ang magiging kinabukasan ko? Ayokong palampasin ang magandang pagkakataong ito. Alam na ng pamilya, mga kapitbahay, at mga kaibigan ko na malapit na akong pumunta sa Australia, kaya kung hindi ako pupunta, ano na lang ang iisipin nila sa akin? Ang mas mahalaga, gusto kong kumita ng mas maraming pera at mamuhay nang mariwasa, at kung hindi ako pupunta para mag-aral, hindi ko matutupad ang pangarap ko. Sa isang panig ay ang pag-aaral ko, at sa kabila naman ay ang tungkulin ko. Nagtatalo ang kalooban ko kung ano ang pipiliin.

Isang araw, may napanood akong pelikula sa website ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos na tinatawag na Ang Pag-Ibig ng Isang Ina. May ilang sipi ng mga salita ng Diyos doon na talagang nakaantig sa akin. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Bukod sa naglalaman ang kaalaman ng tao ng mga simpleng pangungusap at simpleng doktrina, naglalaman din ito ng ilang kaisipan at pananaw, pati na ng kahangalan ng tao, mga pagkiling, at mga satanikong lason. May ilang kaalaman pa ngang nakapanlilihis at nagtitiwali sa mga tao—ito ang lason at tumor ni Satanas, at sa sandaling matanggap ng isang tao ang kaalamang ito at maunawaan ito, tutubo ang lason ni Satanas bilang isang tumor sa kanyang puso. Kakalat ang tumor na ito sa buong katawan niya, tiyak na magdudulot ng kamatayan kung hindi siya mapagagaling ng mga salita ng Diyos at magagamot ng katotohanan. Kaya, habang mas maraming kaalaman ang nakakamit ng mga tao, mas marami silang naaarok, kung gayon ay mas malabo silang maniwala sa pag-iral ng Diyos. Sa halip, Siya ay talagang tatanggihan at lalabanan nila, dahil ang kaalaman ay isang bagay na kanilang nakikita at nahahawakan, at karamihan ay may kinalaman sa mga bagay sa kanilang buhay. Maaaring mag-aral ang mga tao at makakuha ng maraming kaalaman sa paaralan, pero bulag sila sa pinagmumulan ng kaalaman at sa kaugnayan nito sa espirituwal na mundo. Karamihan sa kaalamang natututunan at naaarok ng mga tao ay sumasalungat sa katotohanan ng mga salita ng Diyos, partikular na ang pilosopikal na materyalismo at ebolusyon na nabibilang sa mga maling pananampalataya at maling kaisipan ng ateismo. Walang dudang sangkaterbang maling kaisipan ang mga ito na lumalaban sa Diyos. … Ano’t anuman, mabibigyan ng mga intelektuwal na bagay na ito ng maling ideya ang mga tao at magdudulot sa kanilang lumihis sa Diyos. Hindi mahalaga kung pinaniniwalaan ninyo ito o hindi, o kung kaya ninyo itong tanggapin ngayon—darating ang araw kung kailan aaminin ninyo ang katunayang ito. Talaga bang nauunawaan ninyo kung paano madadala ng kaalaman ang mga tao sa pagkawasak, sa impiyerno?(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ang Landas ng Pagsasagawa Tungo sa Pagbabago ng Disposisyon ng Isang Tao). “Ano naman kaya ang kaalamang ito—maaari ba ninyong sabihin sa Akin? Hindi ba’t ito ang mga regulasyon at pilosopiya sa pamumuhay na ikinikintal ni Satanas sa tao, tulad ng ‘Mahalin ang Partido, mahalin ang bayan, at mahalin ang iyong relihiyon’ at ‘Ang isang matalinong tao ay nagpapasakop sa mga sitwasyon’? Hindi ba ito ang ‘matatayog na adhikain’ ng buhay na ikinintal sa tao ni Satanas, gaya ng mga ideya ng mga dakilang tao, ang integridad ng mga sikat o matatapang na espiritu ng mga bayani, o ang pagkamaginoo at kabaitan ng mga bida at mga eskrimador sa mga nobela ng sining ng pakikipaglaban? Ang mga ideya at pahayag na ito ay nakakaimpluwensiya sa sali’t salinlahi; maraming tao ang tumatanggap sa mga ideyang ito, at sila ay naghahangad, nakikibaka, at handa pa ngang isakripisyo ang kanilang buhay para tuparin ang ‘matatayog na adhikain’ na ito. Ito ang kaparaanan at metodo kung saan ginagamit ni Satanas ang kaalaman para gawing tiwali ang mga tao. Kaya matapos akayin ni Satanas ang mga tao sa landas na ito, nagagawa ba nilang magpasakop at sambahin ang Diyos? At nagagawa ba nilang tanggapin ang mga salita ng Diyos at hangarin ang katotohanan? Talagang hindi—dahil nailigaw na sila ni Satanas(Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi VI). Pagkatapos basahin ang mga siping ito ng mga salita ng Diyos, naunawaan ko kung paano ginagamit ni Satanas ang kaalaman para gawing tiwali ang mga tao. Tulad sa pelikulang ito, hindi makahanap ng magandang trabaho ang nanay ng bida dahil hindi siya nakapagtapos sa kolehiyo, at wala siyang anumang pagkakataon para maitaas ang posisyon sa kanyang kumpanya. Kaya, umasa siyang makapasok ang kanyang anak sa isang magandang unibersidad, para makahanap ito ng magandang trabaho, maitaas sa mas mataas na posisyon, at makamit ang kasikatan at pakinabang. Ginagamit ni Satanas ang kaalaman para gawing tiwali ang mga tao, ipinaiisip sa kanila na sa pamamagitan lamang ng kaalaman at mga degree sila magkakaroon ng magandang kinabukasan, at na kapag may kaalaman ang isang tao, makukuha na niya ang lahat. Hindi sila naniniwala na nilikha ng Diyos ang lahat, at hindi sila naniniwala sa kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos. Ang ganitong mga kaisipan ay mapanlaban sa Diyos. Ginagamit din ni Satanas ang kaalaman at agham para ikintal ang lahat ng uri ng satanikong lason sa mga tao, at habang mas maraming kaalaman ang natatamo ng mga tao, mas lalo silang nagiging tiwali at mapagmataas. Habang mas edukado ang mga tao, mas lalo nilang hinahangad ang katayuan at katanyagan, at nananabik sa isang marangyang buhay. Nag-aaway-away sila para sa kasikatan at pakinabang, gumagamit pa nga ng anumang kinakailangang paraan. Kung hindi matupad ang mga pagnanais na ito, nanlulumo sila, at ang ilan ay nagdurusa pa hanggang sa puntong pinipili na nilang magpakamatay. Habang mas hinahangad ng mga tao ang kaalaman, mas lalo silang napapalayo sa Diyos. Isa ako sa mga nalason ni Satanas. Mula pa noong bata ako, gusto kong baguhin ang aking tadhana sa pamamagitan ng sarili kong pagsisikap, at sa pamamagitan ng pag-aaral ng kaalaman. Nagsikap ako nang husto para dito at labis akong nagdusa. Sa huli, nagkaroon ako ng depresyon, at lalong sumama ang buhay ko. Ngayon, naunawaan ko na ginamit ni Satanas ang kaalaman para akitin ako sa isang landas kung saan hindi na ako makababalik. Kung nagpatuloy ako sa landas na ito, tiyak na lalo pa akong ibabaon sa katiwalian ni Satanas, at sa huli ay sasama sa kanya sa impiyerno. Nasa mga kamay ng Diyos ang tadhana ng isang tao, pero palagi kong gustong baguhin ang aking tadhana sa pamamagitan ng kaalaman. Hindi ba’t sumasalungat ako sa pag-orden ng Diyos? Sa pag-iisip ko, kaya ba talagang baguhin ng kaalaman ang tadhana ko? Talaga bang magkakamit ako ng pera at reputasyon sa pamamagitan ng kaalaman? Mabibigyan ba nito ng masayang buhay ang mga magulang at pamilya ko? Ang ilang tao ay napakaraming alam at may matataas na kalipikasyong akademiko, pero nabibigo silang mahanap ang kanilang pinapangarap na trabaho o kumita ng malaking pera. Samantala, ang iba na hindi nakapag-aral o walang gaanong kaalaman ay nagkakaroon ng malaking yaman. Mula rito, makikita natin na matagal nang paunang itinakda ng Diyos ang kapalaran ng isang tao. Wala itong kinalaman sa kung gaano karami ang alam nila. Pinagnilayan ko ang mga tanong na ito habang nanonood ng pelikula.

Pagkatapos ay nagbasa pa ako ng mga salita ng Diyos. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Kapag ang mga tao ay tunay na nakakikilala sa Diyos, nakakaunawa sa katotohanan, at nakakamit ang katotohanan, nagkakaroon ng tunay na pagbabago sa kanilang pananaw sa mundo at pagtingin sa buhay, na susundan ng tunay na pagbabago sa kanilang buhay disposisyon. Kapag ang mga tao ay may mga tamang layon sa buhay, nagagawang hangarin ang katotohanan, at umaasal ayon sa katotohanan, kapag ganap silang nagpapasakop sa Diyos at nabubuhay ayon sa Kanyang mga salita, kapag panatag at maliwanag ang pakiramdam nila sa kaibuturan ng kanilang puso, at walang kadiliman sa kanilang puso, at kapag nakakapamuhay sila nang lubos na malaya at napalaya sa presensya ng Diyos, saka lamang sila nagtatamo ng tunay na buhay ng tao, at tanging ang gayong mga tao ang nagtataglay ng katotohanan at pagkatao. Bukod pa rito, ang lahat ng katotohanang naunawaan at nakamit mo ay mula sa mga salita ng Diyos at mula sa Diyos Mismo. Kapag nakamit mo ang pagsang-ayon ng Kataas-taasang Diyos—ang Lumikha, at sinabi Niyang isa kang nilikha na pasok sa pamantayan, at na isinasabuhay mo ang isang wangis ng tao, saka lamang magiging pinakamakabuluhan ang iyong buhay(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Paano Malalaman ang Kalikasan ng Tao). “Tumutok lamang kayo sa pagsusumikap at paghahangad sa katotohanan, at malulutas ninyo ang lahat ng inyong problema. Kapag kaya na ninyong lutasin ang inyong mga sariling problema, bumuti na at umunlad na kayo. Kapag nakakaranas ang mga tao hanggang sa araw na ang kanilang pananaw sa buhay, at ang kahulugan at batayan ng kanilang pag-iral, ay lubusang nabago na, kapag nabago na sila hanggang sa kanilang pinakabuto at naging ibang tao na, hindi ba’t kahanga-hanga ito? Ito ay malaking pagbabago, isang nakakayanig-ng-mundo na pagbabago. Kapag lamang ikaw ay naging hindi na interesado sa katanyagan, pakinabang, katayuan, salapi, kasiyahan, kapangyarihan at karangalan ng mundo, at madaling natatalikdan ang mga ito, magkakaroon ka ng wangis ng isang tao. Ang mga tao na sa huli ay gagawing ganap ng Diyos ay isang grupong katulad nito; nabubuhay sila para sa katotohanan, nabubuhay para sa Diyos, at nabubuhay para sa kung ano ang makatarungan. Ito ang wangis ng isang tunay na tao(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ikatlong Bahagi). Dati, akala ko na sa pamamagitan lamang ng pagkakamit ng kaalaman at pagkita ng mas maraming pera ako magkakaroon ng magandang kinabukasan, pero sa totoo lang, lahat ng bagay na ito ay walang kabuluhan. Hindi kayang baguhin ng kaalaman ang aking tadhana. Kahit na magkamit ako ng kaalaman at kumita ng pera, hindi ito makapagbibigay ng kapayapaan sa puso ko. Pagkatapos basahin ang mga salita ng Diyos, napagtanto kong hindi kayang baguhin ng kaalaman ang aking tadhana, at sa pamamagitan lamang ng paghahangad sa katotohanan at pamumuhay ayon sa mga salita ng Diyos makatatanggap ang isang tao ng pagsang-ayon ng Diyos at magkakaroon ng magandang tadhana. Ang pananampalataya sa Diyos at paghahangad sa katotohanan ang tanging paraan para mamuhay nang may halaga at kabuluhan. Sa mundong ito, maraming tao ang nakikipagpaligsahan sa isa’t isa para kumita ng pera at magkamit ng mas maraming materyal na kasiyahan, gumagawa ng lahat ng uri ng masasamang bagay. Ginagamit at niloloko ng mga taong ito ang iba para magtagumpay sa kanilang mga karera, pero nahihirapan sila at hindi mapalagay sa loob. Napakasakit na mamuhay nang ganyan! Sa pamamagitan lamang ng pananampalataya sa Diyos, pagkain at pag-inom ng Kanyang mga salita, pagbitiw sa mga satanikong pilosopiyang ito, at pamumuhay ayon sa mga salita ng Diyos, maiiwasan ng isang tao ang pagpapahirap ni Satanas at makapapamuhay nang makabuluhan. Binuksan ng mga salita ng Diyos ang puso ko. Napagtanto ko na kayang mabuhay ng mga tao kahit walang yaman, reputasyon, o katayuan, pero kung walang proteksyon at patnubay ng Diyos, mahirap manatiling buhay. Ngayon, kumakain at umiinom ako ng mga salita ng Diyos at ginagawa ang aking tungkulin araw-araw, at bagama’t hindi ko nakamit ang katanyagan o katayuang pinahahalagahan ng mundo, sa pagbabasa ng mga salita ng Diyos, unti-unti kong naisasabuhay ang normal na pagkatao, nakikilala ang aking katiwalian at satanikong kalikasan, at nagsasagawang tingnan ang lahat ng bagay gamit ang katotohanan. Ito ang tunay na makabuluhang buhay! Kung pupunta ako at mag-aaral sa Australia, kahit pa magkamit ako ng yaman, reputasyon, at tagumpay, hindi ko makakamit ang katotohanan at buhay. Kung gayon, hindi ba’t mamumuhay lang ako nang walang saysay? Kinailangan kong baguhin ang pananaw ko sa buhay. Hindi ko na hahangarin pa ang makamundong kayamanan, katayuan, o katanyagan, at sa halip, magsisikap akong tuparin ang aking tungkulin at hangarin ang katotohanan. Sa pamumuhay lamang sa ganitong paraan nagkakaroon ng halaga at kabuluhan ang buhay.

Isang araw sa isang pagtitipon, binasa ng mga kapatid ang isang sipi ng mga salita ng Diyos na talagang nakaantig sa puso ko. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Alam mo ba ang pasaning nasa iyong mga balikat, ang iyong atas, at ang iyong responsabilidad? Nasaan ang iyong kamalayan sa makasaysayang misyon? Paano ka magsisilbi nang wasto bilang isang panginoon ng susunod na kapanahunan? Mayroon ka bang malakas na pakiramdam ng pagiging pinuno? Paano dapat ipaliwanag ang panginoon ng lahat ng bagay? Ito ba talaga ang panginoon ng lahat ng nabubuhay na nilalang at lahat ng pisikal na bagay sa mundo? Ano ang mga plano mo para sa pag-usad ng susunod na yugto ng gawain? Ilang tao ang naghihintay sa iyo na pastulin sila? Mabigat ba ang iyong gampanin? Sila ay dukha, kaawa-awa, bulag, at hindi alam ang gagawin, tumatangis sa kadiliman—nasaan ang daan? Lubha silang nananabik sa liwanag, tulad ng isang bulalakaw, upang biglang bumaba at itaboy ang mga puwersa ng kadiliman na nang-api sa tao sa loob ng maraming taon. Sila ay balisang umaasa, at nananabik, araw at gabi, para dito—sino ang ganap na makaaalam nito? Kahit sa araw na nagdaraan nang mabilis ang liwanag, ang mga taong ito na labis na nagdurusa ay nananatiling nakakulong sa isang madilim na piitan nang walang pag-asang mapalaya; kailan sila titigil sa pagtangis? Malubha ang kasawian ng marurupok na espiritung ito na hindi kailanman napagkalooban ng kapahingahan, at matagal nang nananatiling nakagapos sa kalagayang ito ng walang-awang mga gapos at napakong kasaysayan. At sino na ang nakarinig sa tunog ng kanilang pagtangis? Sino na ang nakakita sa kanilang miserableng kalagayan? Naisip mo na ba kung gaano kalungkot at kabalisa ang puso ng Diyos? Paano Niya matitiis na makita ang inosenteng sangkatauhan, na nilikha ng sarili Niyang mga kamay, na nagdurusa ng gayong pagpapahirap? Kunsabagay, ang sangkatauhan ang mga biktimang nalason na. At bagama’t nanatiling buhay ang tao hanggang sa araw na ito, sino ang makakaalam na matagal nang nalason ng masama ang sangkatauhan? Nalimutan mo na ba na isa ka sa mga biktima? Hindi ka ba handang magsikap, dala ng iyong pagmamahal sa Diyos, na iligtas ang mga natirang buhay na ito? Hindi ka ba handang ilaan ang lahat ng iyong lakas upang suklian ang Diyos, na nagmamahal sa sangkatauhan na parang sarili Niyang kadugo’t laman? Paano mo ba mismo maaarok ang paggamit sa iyo ng Diyos upang maipamuhay mo ang iyong ekstraordinaryong buhay? Talaga bang mayroon kang determinasyon at pananalig na ipamuhay ang makabuluhang buhay ng isang taong madasalin at mapaglingkod sa Diyos?(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Paano Mo Dapat Asikasuhin ang Misyon Mo sa Hinaharap?). Pagkatapos basahin ang siping ito ng mga salita ng Diyos, nakaramdam ako ng hiya. Marami pa ring tao sa bansa ko, sa Nepal, ang hindi pa nakatatanggap sa pagliligtas ng Diyos. Nabubuhay sila sa ilalim ng kapangyarihan ni Satanas sa matinding pagdurusa, na hindi makakita ng anumang pag-asa. Sa mga huling araw, nagkatawang-tao ang Diyos para iligtas ang sangkatauhan, at umaasa ang Diyos na maririnig ng mga tao ang Kanyang tinig at babalik sa panig ng Lumikha para tanggapin ang pagliligtas ng Lumikha. Biniyayaan ako ng Diyos sa paghahango Niya sa akin mula sa kadiliman tungo sa liwanag, na nagbigay-daan sa akin na marinig ang Kanyang tinig, kaya mayroon akong responsabilidad na ipangaral ang ebanghelyo ng Diyos sa mas maraming tao. Kung mag-aaral ako sa Australia, magiging mataas ang presyur sa pag-aaral doon, at kuwestiyonable kung makadadalo ba ako sa mga pagtitipon at makagagawa ng aking tungkulin. Dapat ko bang palampasin ang pagkakataong ito na magkamit ng katotohanan at maligtas para lang maghangad ng isang makamundong kinabukasan? Bukod dito, nagsimula na ang malalaking kalamidad, at anumang sandali ay maaaring sumiklab ang mga digmaang pandaigdig, pero marami pa ring tao ang hindi nakaaalam tungkol sa bagong gawain ng Diyos. Kung sarili ko lang na kinabukasan ang aalalahanin ko, talagang walang-wala akong konsensiya! Sa pag-iisip nito, nagpasya akong isuko ang pagkakataong mag-aral sa Australia, at sa halip ay hangarin ang katotohanan at gawin nang wasto ang aking tungkulin.

Dalawang taon na akong gumagampan ng aking tungkulin sa iglesia, at sa paggawa ng aking tungkulin, naunawaan ko ang maraming katotohanang hindi ko naaarok noon. Araw-araw, kumakain at umiinom ako ng mga salita ng Diyos at ginagawa ang aking tungkulin, at namumuhay ako nang may lubos na kaganapan. Naranasan ko na ang pagtupad sa tungkulin ng isang nilikha ang tanging paraan para mamuhay nang makabuluhan. Salamat sa Makapangyarihang Diyos!

Sinundan: 16. Ang Natamo Ko Pagkatapos ng Isang Mapait na Pagkabigo

Sumunod: 20. Sa Pagiging Matapat, Nagkamit Ako ng Kapayapaan at Kagalakan

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

45. Pamumuhay sa Harap ng Diyos

Ni Yongsui, South KoreaSabi ng Makapangyarihang Diyos, “Upang makapasok sa realidad, kailangang ibaling ng isang tao ang lahat sa tunay na...

Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos Ukol sa Pagkakilala sa Diyos Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw Paglalantad sa mga Anticristo Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Tahanan ng Diyos Mahahalagang Salita Mula sa Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga Huling Araw Araw-araw na mga Salita ng Diyos Ang Mga Katotohanang Realidad na Dapat Pasukin ng mga Mananampalataya sa Diyos Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin Mga Gabay para sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian Naririnig ng mga Tupa ng Diyos ang Tinig ng Diyos Makinig sa Tinig ng Diyos  Masdan ang Pagpapakita ng Diyos Mahahalagang Tanong at Sagot tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume I) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume II) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume III) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IV) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume V) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VI) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VIII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IX) Paano Ako Bumalik sa Makapangyarihang Diyos

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito