11. Paano Ko Nalampasan ang Paghadlang at Pag-uusig ng Aking Ama

Ni Xin Ai, Tsina

Noong bata pa ako, parehong nananampalataya sa Diyos ang mga magulang ko. Dahil sa kuryosidad, nagbasa rin ako ng ilang aklat ng mga salita ng Diyos at nalaman ko na ang langit at lupa at lahat ng bagay ay nilikha ng Diyos, at na ang Diyos ang namamahala sa ating kapalaran, buhay, at kamatayan. Noong 2012, tumigil sa pananampalataya ang mga magulang ko, pero nananampalataya pa rin ang lola ko, at nagbabasa siya ng mga salita ng Diyos kasama ko. Noong Mayo 2021, pormal kong tinanggap ang gawain ng Diyos sa mga huling araw. Kapag abala ako sa trabaho, ginagamit ko ang libreng oras ko para dumalo sa mga pagtitipon. Hindi tumutol ang tatay ko noon dahil nagtatrabaho ako sa industriya ng pag-aayos ng buhok, na kumikita ng walo hanggang sampung libong yuan kada buwan. Sinabi ng lahat ng kamag-anak at kaibigan namin na maganda ang takbo ng buhay ko, at tuwang-tuwa ang tatay ko at ipinagmamalaki niya iyon nang marinig niya. Kalaunan, sa pamamagitan ng mga pagtitipon at pagbabasa ng mga salita ng Diyos, naunawaan ko na bilang isang nilikha, dapat kong gawin ang aking tungkulin para suklian ang pagmamahal ng Diyos. Gayumpaman, dahil sa trabaho ko, wala akong oras para gawin ang aking tungkulin. Pero naisip ko kung paanong ang pakikipagtipon kasama ang mga kapatid sa nakalipas na taon ay nagbigay ng kasiyahan sa puso ko at hindi na hungkag gaya ng dati. Kaya, ginusto kong gawin ang tungkulin ko nang full-time. Lalo na nang maisip ko ang mga salita ng Diyos: “Sasapit ang lahat ng uri ng sakuna, sunod-sunod; daranas ng mga sakuna ang lahat ng bansa at lugar: Ang salot, taggutom, baha, tagtuyot, at mga lindol ay nasa lahat ng dako. Ang mga sakunang ito ay hindi lamang mangyayari sa isa o dalawang lugar, ni matatapos ang mga ito sa loob ng isa o dalawang araw; bagkus, kakalat ang mga ito sa palawak nang palawak na lugar, at titindi nang titindi. Sa loob ng panahong ito, lilitaw nang sunud-sunod ang lahat ng uri ng mga salot na insekto, at mangyayari ang penomenon ng kanibalismo sa lahat ng dako. Ito ang Aking paghatol sa di-mabilang na bansa at tao(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula, Kabanata 65). Napagtanto kong patapos na ang gawain ng Diyos. Palala nang palala ang mga sakuna, lalo na sa nakalipas na dalawang taon, at sa paglapit lang sa harap ng Diyos tayo maililigtas at mananatiling buhay. Dahil nauubos na ang oras, kailangan kong apurahang hangarin ang katotohanan at gawin ang aking tungkulin. Nang maisip ko ito, pinili kong gawin ang tungkulin ko nang full-time. Noong panahong iyon, dumadalo ako sa mga pagtitipon at nagbabasa ng mga salita ng Diyos araw-araw, at nakaramdam ako ng kagalakan sa puso ko na hindi ko pa naramdaman noon. Makalipas ang dalawang buwan, nagbitiw ako sa trabaho. Nang makita ng tatay ko na hindi ako nagtatrabaho, hindi siya natuwa kahit kaunti. Sabi niya, “Mabuti na may pananalig ka, pero hindi ka puwedeng basta tumigil na lang sa pagtatrabaho. Puwede kang bumalik sa dati, noong pinagsasabay mo ang pagtatrabaho at pagdalo sa mga pagtitipon sa ibang oras. Kung hindi ka magtatrabaho, ano ang ikabubuhay mo? Ito ang pinakamagandang panahon ng buhay mo para maghangad ng karera. Sinasabi ko lang ito para sa ikabubuti mo. Kung hindi ka makikinig sa akin, pagsisisihan mo ito balang araw!” Bumigat ang loob ko pagkatapos marinig ang sinabi niya. Sinunod ko siya sa lahat ng bagay sa buong buhay ko, mula pa noong bata ako. Gaano kaya siya masasaktan kung hindi ako makikinig sa kanya sa pagkakataong ito? Pero naisip ko kung gaano kahungkag ang pakiramdam ng puso ko noong nagtatrabaho ako, at kung gaano ako nakararamdam ng labis na kasiyahan ngayong ginagawa ko ang aking tungkulin. Naunawaan ko na ngayon kung ano ang makabuluhan at mahalagang hangarin sa buhay. Isa pa, patapos na ang gawain ng Diyos, kaya kailangan kong samantalahin ang limitadong oras na mayroon ako para hangarin ang katotohanan. Ang pagkamit ng katotohanan at buhay—iyon ang pinakamahalaga. Sa pag-iisip nito, sinabi ko sa tatay ko, “Ang lugar ng trabaho ay puno ng pagpapakana at pag-aawayan. Sa paggawa ng tungkulin ko ngayon, tinatahak ko ang tamang landas sa buhay.” Pero sinubukan pa rin niya akong pigilan sa pananampalataya sa Diyos.

Isang araw, nagpadala ng mensahe sa akin ang tatay ko: “Huwag mo akong biguin.” Agad na umagos ang mga luha sa aking mukha. Naisip ko, “Sa lahat ng taon na ito, gusto ng tatay ko na mamukod-tangi ako sa iba. Nagbayad siya ng malaking halaga para linangin ako. Ngayong hindi na ako nagtatrabaho, nawasak na ang mga pag-asa niya. Siguradong nasasaktan siya nang sobra! Malaki na ako, pero pinag-aalala ko pa rin siya. Hindi ba’t hindi iyon pagiging mabuting anak? Mula noong bata pa ako, ibinibili ako ng tatay ko ng kahit anong gusto ko; palagi niya akong pinalalayaw. Kung hindi na ako magtatrabaho sa hinaharap, bibiguin ko siya pagkatapos ng lahat ng pagsisikap at gastos niya sa akin. Ano na lang ang iisipin ng mga kamag-anak at kaibigan namin sa akin?” Sa gitna ng aking pagkanegatibo, naalala ko ang isang sipi ng mga salita ng Diyos, kaya hinanap ko ito para basahin. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Sabihin ninyo sa Akin, kanino nagmumula ang lahat ng bagay na may kinalaman sa mga tao? Sino ang nagpapasan ng pinakamabigat na pasanin para sa buhay ng tao? (Ang Diyos.) Ang Diyos lamang ang pinakanagmamahal sa mga tao. Talaga nga bang ang mga tao ay mahal ng kanilang mga magulang at kamag-anak? Tunay bang pagmamahal ang pagmamahal na ibinibigay ng mga ito? Maililigtas ba nito ang mga tao mula sa impluwensiya ni Satanas? Hindi. Manhid at mapupurol ang utak ng mga tao, hindi nila makita kung ano ang totoo sa likod ng mga bagay na ito, at lagi nilang sinasabi, ‘Paano ako minamahal ng Diyos? Hindi ko ito nararamdaman. Gayunman, pinakamamahal ako ng aking ina at ama. Nagbabayad sila para sa aking pag-aaral at pinapag-aral nila ako ng mga teknikal na kasanayan, nang sa gayon ay may marating ako sa buhay paglaki ko, maging matagumpay ako, maging sikat, maging bantog. Gumagastos ang mga magulang ko ng napakaraming pera para linangin ako at para mabigyan ako ng edukasyon, nagtitipid sila nang husto sa pagkain. Napakadakila ng pagmamahal na iyon! Hindi ko sila kailanman masusuklian!’ Sa tingin ba ninyo ay pagmamahal iyon? Ano ang mga kahihinatnan ng ginagawang pagtulong sa iyo ng iyong mga magulang para magtagumpay, maging isang sikat na tao sa mundo, magkaroon ng magandang trabaho, at makaayon sa mundo? Walang tigil sila sa pagtulak sa iyo na hangarin ang tagumpay, magbigay ng karangalan sa iyong pamilya, at makibahagi sa masasamang kalakaran ng mundo, nang sa huli ay mahulog ka sa alimpuyo ng kasalanan, magdusa ng perdisyon at mamatay, nilalamon ni Satanas. Pagmamahal ba iyon? Hindi iyon pagmamahal sa iyo, pamiminsala iyon sa iyo, pagwasak sa iyo. Balang araw, napakababa ng iyong kalulugmukan na hindi mo magagawang magsisi, napakababa na hindi mo magagawang palayain ang iyong sarili, at babagsak ka sa impiyerno. Doon mo lang mapagtatanto na, ‘O, ang pagmamahal ng magulang ay pagmamahal sa laman, hindi ito kapaki-pakinabang sa pananampalataya sa Diyos o sa pagkamit ng katotohanan—hindi ito tunay na pagmamahal!’ Maaaring hindi pa ninyo ito napagtatanto. Sinasabi ng ilang tao, ‘Hindi ko maramdaman kung gaano ako kamahal ng Diyos. Ramdam ko pa rin na ang nanay ko ang pinakanagmamahal sa akin. Si Nanay ang pinakamalapit na tao sa akin sa mundo. May isang kanta na pinamagatang “Si Nanay ang Pinakamabuti sa buong Mundo.” Ang pamagat na iyon ay tumutugma sa realidad; talagang totoo ito!’ Balang araw, kapag talagang mayroon kang buhay pagpasok, at kapag nakamit mo na ang katotohanan, sasabihin mong, ‘Hindi ang nanay ko ang pinakanagmamahal sa akin, hindi rin ang aking tatay. Pinakamamahal ako ng Diyos. Ang Diyos ang pinakamamahal ko, dahil binigyan Niya ako ng buhay, at palagi Niya akong inaakay, tinutustusan ako, at inililigtas ako mula sa impluwensiya ni Satanas. Ang Diyos ang Nag-iisang nakapagbibigay ng buhay sa mga tao, ang kayang umakay sa mga tao, at Siyang may kataas-taasang kapangyarihan sa lahat ng bagay.’ Kapag naunawaan mo ang katotohanan at ganap mong nakamit ang katotohanan, saka mo lang malalim na mapahahalagahan ang mga salitang ito(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Para Makamit ang Katotohanan, Dapat Matuto ang Isang Tao ng mga Aral Mula sa mga Tao, Pangyayari, at Bagay sa Kanyang Paligid). Dati, inakala ko na ang lahat ng lakas at pera na ibinuhos ng tatay ko sa paglilinang sa akin ay pagmamahal. Pero pagkatapos basahin ang mga salita ng Diyos, naunawaan ko na ang nararamdaman ng tatay ko para sa akin ay hindi tunay na pagmamahal. Ang layon niya ay ibuhos ko ang katawan ko’t kaluluwa sa paghahangad ng karera, kumita ng mas maraming pera, at mamukod-tangi sa iba, para hangaan at kainggitan ako ng aming mga kamag-anak at kaibigan at magbigay ako ng karangalan sa kanya. Naisip ko kung paanong noong nagtatrabaho ako, nakakadalo lang ako sa pagtitipon nang minsan sa isang linggo, at wala talaga akong oras para gawin ang aking tungkulin. Ang lahat ng oras at lakas ko ay nauubos sa pagtatrabaho at pagkita ng pera, at pakikipagkumparahan sa aking mga kaibigan at kasamahan sa trabaho. Ang tanging laman ng isip ko ay kung paano kumita ng pera, at para kumita nang mas malaki, nagpakana ako laban sa mga kasamahan ko at nilinlang ang mga mamimili. Ang isip ko ay ganap na okupado ng kasikatan at pakinabang, at lalo pang naging hungkag at nagdusa ang puso ko. Dahil lang sa pagmamahal at pagliligtas ng Diyos kaya ako pinalad na tanggapin ang gawain ng Diyos sa mga huling araw, pumunta sa iglesia, at magsimulang gawin ang aking tungkulin. Hindi na ako namumuhay sa masasamang kalakaran ng mundo, naghahangad ng kasikatan at pakinabang. Kung hindi ko ginagawa ang aking tungkulin, makukulong pa rin ako sa alimpuyo ng kasikatan at pakinabang; lalo pa akong magiging buktot, at ganap na mawawala sa akin ang pagkakataong mailigtas. Nang mapagtanto ito, nagpasya ako sa aking puso: Kailangan ko talagang gawin nang maayos ang aking tungkulin sa iglesia. Naisip ko ang mga salita ng Diyos: “Kung ang mga magulang mo ay may masamang pagkatao, kung palagi ka nilang hinahadlangan na manampalataya sa Diyos at na gawin ang iyong tungkulin, at kung kinamumuhian at isinusumpa ka nila dahil nananampalataya ka sa Diyos, ano ang dapat mong gawin? Anong katotohanan ang dapat mong isagawa? (Pagtakwil.) Sa pagkakataong ito, kailangan mo silang itakwil. Wala ka nang anumang obligasyong magpakita ng paggalang bilang isang mabuting anak sa kanila. Kung nananampalataya sila sa Diyos, sa gayon ay kapamilya sila, mga magulang mo. Kung hindi sila nananampalataya sa Diyos at lumalaban pa nga sa Diyos, magkaibang mga landas ang tinatahak ninyo: Nananampalataya sila kay Satanas at sumasamba sa haring diyablo, at tinatahak nila ang landas ni Satanas; sila ay nasa landas na kaiba sa iyo. Hindi na kayo isang pamilya. Itinuturing nilang mga kalaban at kaaway ang mga mananampalataya sa Diyos, kaya wala ka nang obligasyong alagaan sila at kailangan mo nang ganap na putulin ang ugnayan sa kanila(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ano ang Katotohanang Realidad?). Pagkatapos basahin ang mga salita ng Diyos, naunawaan ko na magkaiba kami ng landas ng tatay ko: Nagsikap ang tatay ko na kumita ng pera at naghangad ng kasikatan at pakinabang para tingalain siya ng iba; nasa landas siya ni Satanas. Ako naman, nananampalataya ako sa Diyos at ginagawa ko ang aking tungkulin; nasa landas ako ng paghahangad sa katotohanan at pagkakaligtas. Dati akong namumuhay sa mga emosyon ng aking laman, iniisip na sinasaktan at dinidismaya ko ang tatay ko sa pagbibitiw ko sa trabaho, at palagi ko siyang binibigo. Pero ngayon, pagkatapos basahin ang mga salita ng Diyos, nagkaroon ako ng kaunting pagkakilatis sa tatay ko. Hindi siya nananampalataya sa Diyos at sinubukan pa nga niya akong pigilan sa pananampalataya. Hindi kami iisa ng landas, kaya hindi ko na siya puwedeng tingnan mula sa perspektiba ng isang kamag-anak sa laman. Nang mapagtanto ko ito, hindi na ako nalimitahan ng aking mga emosyon.

Noong Disyembre 2022, kinailangan kong umalis ng bahay dahil abalang-abala ako sa aking tungkulin, at umuuwi lang ako minsan sa isang linggo. Nang minsang umuwi ako, istriktong sinabi sa akin ng tatay ko, “Kailan ka maghahanap ng trabaho? Kung hindi ka magtatrabaho, huwag ka nang manatili rito. Bumalik ka na sa probinsya natin!” Nagsimula akong mag-alala, “Kung hindi ako makikinig sa kanya, pauuwiin niya ba talaga ako sa probinsya? Magagawa ko pa rin kaya ang tungkulin ko kung ganoon?” Pagkatapos niyon, palagi akong tumatakas para gawin ang aking tungkulin. Isang beses, noong paalis na ako para gawin ang tungkulin ko, nakita ako ng tatay ko. Marahas niyang sinabi, “Kung tatakas ka ulit, huwag ka nang babalik. Kapag ginawa mo iyon, babaliin ko ang mga binti mo! Hindi ako nagbibiro. Subukan mo lang ako!” Medyo natakot ako, at naisip ko, “Kung aalis ako at babalik, babaliin ba talaga niya ang mga binti ko? Dapat ko bang ipagpatuloy ang tungkulin ko o hindi?” Labis na nagtalo ang kalooban ko, napapaisip, “Pero kung hindi ako aalis, paano ang tungkulin ko? Napakaabala ng gawain ng iglesia, at ang hindi pagbalik sa oras ay makaaantala sa gawain.” Nanalangin ako sa Diyos at naghanap. Pagkatapos ay naisip ko ang mga salita ng Diyos: “Ano man ang sumapit sa iyo, ito man ay isang tukso o pagsubok, o pagpupungos, at paano ka man tratuhin ng mga tao, dapat mo munang isantabi ang mga bagay na ito at humarap sa Diyos sa masigasig na pananalangin, nang hinahanap ang katotohanan at inaayos ang kalagayan mo. Ito ang dapat munang lutasin. Dapat mong sabihin na, ‘Gaano man kalaki ang bagay na ito, kahit na ang langit mismo ay bumagsak, dapat kong gawin nang maayos ang tungkulin ko. Hangga’t may hininga ako, hindi ako susuko sa tungkulin ko.’ Kaya paano mo gagawin nang maayos ang iyong tungkulin? Hindi puwedeng iniraraos mo lang ito, o kaya ay naroon nga ang pisikal mong katawan pero hinahayaan mong lumipad ang isip mo—dapat mong ituon ang puso at isipan mo sa iyong tungkulin(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ang Buhay Pagpasok ay Nagsisimula sa Paggampan ng Tungkulin). Binigyan ako ng pananalig ng mga salita ng Diyos. Anuman ang mangyari, kahit na baliin talaga ng tatay ko ang mga binti ko, kailangan kong tuparin ang aking responsabilidad at hindi ko puwedeng bitawan ang aking tungkulin. Nang maisip iyon, agad akong nagkaroon ng lakas at umalis ako ng bahay para gawin ang aking tungkulin. Nang umuwi ako ulit kalaunan, hindi ako sinaktan ng tatay ko, pero sinubukan pa rin niya akong hikayatin na magtrabaho. Gayumpaman, hindi ako nagpalimita sa kanya at ipinagpatuloy ko ang paggawa ng aking tungkulin.

Noong Pebrero 2023, hindi ako nakauwi nang isang buwan dahil sobrang abala ako sa tungkulin ko at matindi ang pag-uusig at pang-aaresto ng malaking pulang dragon sa mga mananampalataya. Galit na sinabi ng tatay ko, “Sa pagkakataong ito, ikakadena kita para hindi ka makaalis!” Mula noong bata pa ako, hindi pa ako kinausap ng tatay ko nang ganoon—namumula ang mukha at lumalabas ang mga ugat sa leeg sa galit. Natakot ako nang husto. Noong gabing iyon, sinabi sa akin ng nakababata kong kapatid habang umiiyak, “Ate, huwag ka nang umalis. Palaging nagbubunganga si Tatay kapag wala ka. Hindi mo man lang kami iniisip ni Nanay.” Kinabukasan, noong paalis na ako para gawin ang aking tungkulin, pinigilan ako ng nanay ko at sinabing, “Makinig ka na lang sa tatay mo at magtrabaho ka muna! Bakit ba ang tigas ng ulo mo?” Nanghina nang lubos ang puso ko. Naisip ko, “Hindi kailanman tumutol ang Nanay at ang kapatid ko sa pananampalataya o tungkulin ko dati, pero ngayon ay kampi na sila kay Tatay. Kung ipagpapatuloy ko ang paggawa ng tungkulin ko, aawayin ni Tatay si Nanay araw-araw. Paano kung masira ang relasyon nila at maghiwalay sila? Kung hindi ako makikinig sa tatay ko, makakatira pa ba ako sa bahay na ito?” Medyo nag-alala at natakot ako, at naisip kong magtrabaho at bitawan ang aking tungkulin. Pero sa nakalipas na ilang buwan ng paggawa ng aking tungkulin, nakaramdam ako ng kapayapaan at kagalakan sa puso ko. Ngayon, sumasapit na ang lahat ng uri ng sakuna, at patapos na ang gawain ng Diyos. Ayokong palampasin ang pagkakataong matanggap ang pagliligtas ng Diyos. Kaya nanalangin ako sa Diyos, “O Diyos, mahina at nasasaktan ang puso ko. Natatakot akong baka talagang magkawatak-watak ang pamilyang ito, pero ayokong magpalimita. Pakiusap, bigyan Mo ako ng pananalig upang manindigan sa aking patotoo.” Pagkatapos niyon, naghanap ako ng mga salita ng Diyos na mababasa. Sabi ng Diyos: “Kailangan mong tiisin ang lahat; para sa Akin, kailangan mong maging handang talikuran ang lahat at sumunod sa Akin gamit ang buong lakas mo, at maging handang magbayad ng anumang halaga. Ngayon ang panahon na susubukin kita: Ihahandog mo ba ang iyong katapatan sa Akin? Makasusunod ka ba sa Akin hanggang sa dulo ng daan nang may katapatan? Huwag matakot; Ako bilang iyong suporta, sino ang makakahadlang sa daang ito? Tandaan ito! Tandaan! Ang lahat ng bagay ay naglalaman ng Aking mabubuting layunin at nasa ilalim ng Aking pagsisiyasat. Sumusunod ba sa Aking salita ang bawat salita at gawa mo? Kapag ang mga pagsubok ng apoy ay sumapit sa iyo, luluhod ka ba at tatawag? O yuyukod ka ba at hindi na kakayaning sumulong?(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula, Kabanata 10). “Kailangan mong taglayin ang Aking katapangan sa iyong kalooban at kailangan mong magkaroon ng mga prinsipyo kapag humaharap ka sa mga di-nananampalatayang kamag-anak. Gayunman, para sa Akin, hindi ka rin dapat na sumuko sa kahit anong mga puwersa ng kadiliman. Dapat kang umasa sa Aking karunungan upang makalakad sa perpektong daan, at huwag hayaan ang mga pakikipagsabwatan ni Satanas na magtagumpay. Gawin ang lahat ng makakaya mo para ilagay ang puso mo sa harap Ko, at pagiginhawahin kita at bibigyan ka ng kapayapaan at kagalakan sa puso mo. Huwag mong isipin kung ano ang tinginsa iyo ng ibang tao; hindi ba’t mas mahalaga at matimbang ang bigyan Ako ng kasiyahan? Hindi ka ba higit na bibigyan nito ng walang-hanggan at panghabambuhay na kapayapaan at kaligayahan?(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula, Kabanata 10). Binigyan ako ng pananalig ng mga salita ng Diyos. Hindi ako dapat matakot sa ganito o ganyan; kailangan kong magkaroon ng pananalig sa Diyos. Hindi ko puwedeng isuko ang tungkulin ko dahil lang natatakot akong magkawatak-watak ang pamilya ko. Nakita kong masyadong matindi ang pagkatali ng emosyon ko sa pamilya ko. Hindi ko pa ganap na naibibigay ang puso ko sa Diyos, at wala akong determinasyon na talikuran ang lahat at sumunod sa Kanya. Paanong mayroon akong anumang katapatan sa Diyos? Gaano man kahirap, kailangan kong umasa sa Diyos at magpatotoo para sa Kanya. Ang Diyos ang may kataas-taasang kapangyarihan sa mga buhay may-asawa at kapalaran ng mga tao; ang bawat isa ay may sariling kapalaran. Ang mangyayari sa buhay may-asawa ng mga magulang ko at kung magkakawatak-watak man ang pamilyang ito ay nakasalalay sa Diyos. Kung ano ang kahihinatnan ng kapalaran ko sa hinaharap ay nasa mga kamay din ng Diyos; hindi ang tatay ko ang may huling salita. Kailangan kong panghawakan ang aking tungkulin at palugurin ang Diyos. Kung makikinig ako sa tatay ko at titigil sa paggawa ng aking tungkulin, hindi ko na kailangang magdusa ng pang-uusig mula sa aking pamilya, pero iyon ay pagkakanulo sa Diyos, at iyon ay walang hanggang pasakit!

Lumipas ang isa pang araw. Kinaumagahan, naghahanda na akong umalis para gawin ang aking tungkulin. Sa gulat ko, gumising ang tatay ko nang alas-kuwatro o alas-singko ng umaga para bantayan ako. Lagpas alas-sais nang kaunti, pumasok siya sa kuwarto ko at nag-play ng video ng walang batayang mga tsismis ng CCP na naninira sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Alam kong hindi totoo ang mga ulat sa balita, lalo na dahil naunawaan ko na ang ilang katotohanan matapos gawin ang tungkulin ko sa loob ng napakahabang panahon, kaya hindi ako naimpluwensiyahan ng walang batayang mga tsismis. Nang makitang hindi nagbago ang saloobin ko, sinubukan akong hikayatin ng tatay ko, sinasabing, “Sobrang nag-aalala at nababalisa ako sa iyo kamakailan. Pinalaki kita gamit ang sarili kong dalawang kamay. Ginagawa ko lang ito para sa ikabubuti mo—ipapahamak ba kita? Kung magtatrabaho ka ngayon, bibilhan kita ng bagong cellphone na nagkakahalaga ng mahigit sampung libong yuan. Kapag bakasyon na ng kapatid mo, bibigyan ko kayo ng pera para makapunta kayong dalawa sa Sanya para magbakasyon.” Nang marinig kong sabihin ito ng tatay ko, pakiramdam ko, kung hindi ako makikinig sa kanya sa pagkakataong ito, talagang bibiguin ko siya. Pero alam ko rin na ang pananampalataya sa Diyos at paggawa ng aking tungkulin ay ang tamang landas sa buhay, at hindi ko ito maisusuko. Nagtatalo ang kalooban ko. Napagtanto kong mali ang kalagayan ko, kaya nanalangin ako sa Diyos sa puso ko, hinihiling sa Kanya na ingatan ang puso ko mula sa impluwensiya ng mga salita ng tatay ko. Nakita ng tatay ko na hindi ako nagsasalita at bumalik siya sa sala.

Pagkatapos niyon, binasa ko ang mga salita ng Diyos, at napagtanto ko na ang paghadlang ng tatay ko sa pananalig ko sa Diyos ay panggugulo ni Satanas. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Kapag hindi pa nailigtas ang mga tao, ang mga buhay nila ay madalas na ginugulo, at kinokontrol pa nga, ni Satanas. Sa madaling salita, ang mga tao na hindi pa naililigtas ay mga bilanggo ni Satanas, sila ay walang kalayaan, hindi pa sila binibitawan ni Satanas, sila ay hindi naaangkop at walang karapatan na sumamba sa Diyos, at sila ay labis na tinutugis at nilulusob nang malupit ni Satanas. Ang ganitong mga tao ay walang kaligayahan na masasabi, wala silang karapatan sa isang normal na pag-iral na masasabi, at lalong wala silang dignidad na masasabi(Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo II). “Ang Diyos ay maraming paraan at daan para sa pagsubok ng tao ngunit bawat isa sa mga ito ay nangangailangan ng ‘kooperasyon’ ng kaaway ng Diyos: si Satanas. Ibig sabihin, matapos bigyan ang tao ng mga makapangyarihang sandata upang labanan si Satanas, ibinibigay ng Diyos ang tao kay Satanas at hinahayaan si Satanas na ‘subukin’ ang tayog ng tao. Kung makakalabas ang tao mula sa mga hanay ng pakikipaglaban na inihanda ni Satanas, kung kaya niyang tumakas mula sa pagkubkob ni Satanas at manatiling buhay, ang tao ay makakapasa sa pagsubok. Ngunit kung ang tao ay mabigong umalis sa mga hanay ng pakikipaglaban ni Satanas, at nasupil siya ni Satanas, kung gayon, hindi siya makakapasa sa pagsubok. Anumang aspekto ng tao ang sinusubok ng Diyos, ang mga pamantayan ng Kanyang mga pagsubok ay kung maninindigan o hindi ang tao sa patotoo nito kapag inatake ito ni Satanas, at kung itatakwil nito o hindi ang Diyos at sumusuko at nagpasailalim ito kay Satanas habang nasa bitag ni Satanas. Maaaring sabihin na ang pagkaligtas o hindi sa tao ay nakasalalay sa kung kaya niyang mapagtagumpayan at talunin si Satanas, at ang kakayanan niya na makamtan ang kanyang kalayaan ay nakasalalay sa kanyang kakayahang hawakan, nang mag-isa, ang mga sandatang ibinigay sa kanya ng Diyos upang mapagtagumpayan ang gapos ni Satanas, upang ganap na mawalan ng pag-asa si Satanas at talikuran siya. Kung mawawalan ng pag-asa si Satanas at bibitawan ang isang tao, ang ibig sabihin nito ay hinding-hindi na nito muling susubukan na kunin ang taong ito mula sa Diyos, hinding-hindi na muling pararatangan at guguluhin ang taong ito, hinding-hindi na siya muling pahihirapan nang walang-pakundangan o aatakihin; tanging ang ganitong tao lamang ang tunay na nakamit ng Diyos. Ito ang buong proseso kung paano nakakamit ng Diyos ang isang tao(Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo II). Pagkatapos basahin ang mga salita ng Diyos, naunawaan ko na hindi pa ako lubos na nakalalabas sa mga kampo ni Satanas. Patuloy pa ring ginagamit ni Satanas ang tatay ko para patuloy akong guluhin, pilit na isinusubo sa akin ang mga gawa-gawang tsismis ng CCP. Nang makita nitong hindi ako nakikinig, gumamit ito ng pagkagiliw sa pamilya at mga banayad na salita, sinusubukan ang bawat taktika, kapwa marahas at malumanay, sa pagtatangkang udyukan akong ipagkanulo ang Diyos. Napakakasuklam-suklam nito! Naisip ko noong hinarap ni Job ang mga tukso ni Satanas. Nawala ang lahat ng kanyang mga kawan ng tupa at baka na namumutiktik sa mga burol, nabalot siya ng mga pigsa, at hinimok siya ng kanyang asawa na talikuran ang Diyos. Pero sinabi ni Job: “Si Jehova ang nagbigay, at si Jehova ang nag-alis; purihin ang pangalan ni Jehova” (Job 1:21). “Tatanggap ba tayo ng mabuti sa kamay ng Diyos, at hindi tayo tatanggap ng kahirapan?” (Job 2:10). Nang harapin ni Job ang kanyang pagsubok, hindi niya tinalikuran ang Diyos, at nanindigan siya sa kanyang patotoo para sa Diyos. Kinailangan kong tularan ang halimbawa ni Job, gapiin si Satanas gamit ang sandata ng mga salita ng Diyos sa gitna ng pagkubkob nito, at manindigan sa aking patotoo para sa Diyos. Nanalangin ako sa Diyos at gumawa ng pagpapasya, hinihiling sa Kanya na bigyan ako ng pananalig upang manindigan sa aking patotoo.

Nagbasa pa ako ng ilang sipi ng mga salita ng Diyos at nagkamit ng kaunting pagkaunawa sa sarili ko. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Dapat kang magdusa ng paghihirap para sa katotohanan, dapat mong isakripisyo ang iyong sarili para sa katotohanan, dapat kang magtiis ng kahihiyan para sa katotohanan, at dapat kang sumailalim sa higit pang pagdurusa para magkamit ng higit pang katotohanan. Ito ang dapat mong gawin. Hindi mo dapat itapon ang katotohanan alang-alang sa pagtatamasa ng pagkakasundo ng pamilya, at hindi mo dapat iwala ang dangal at integridad ng buong buhay mo alang-alang sa pansamantalang pagtatamasa. Dapat mong hangarin ang lahat ng maganda at mabuti, at dapat mong hangarin ang isang landas sa buhay na higit na makabuluhan. Kung namumuhay ka ng gayong isang ordinaryo at makamundong buhay, at wala kang anumang layong hahangarin, hindi ba’t pag-aaksaya ito sa iyong buhay? Ano ba ang iyong makakamtan mula sa ganitong paraan ng pamumuhay? Dapat mong talikuran ang lahat ng kasiyahan ng laman alang-alang sa isang katotohanan, at hindi mo dapat itapon ang lahat ng katotohanan alang-alang sa isang munting kasiyahan. Ang ganitong mga tao ay walang integridad o dangal; walang kabuluhan ang kanilang pag-iral!(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang mga Karanasan ni Pedro: Ang Kanyang Kaalaman sa Pagkastigo at Paghatol). “Sumunod na kayo sa Akin sa mga nakalipas na taon, ngunit hindi ninyo Ako nabigyan ni katiting na katapatan kailanman. Sa halip, nahumaling kayo sa mga taong mahal ninyo at sa mga bagay na gusto ninyo—kaya sa tuwina, at saanman kayo magpunta, pinanatili ninyo silang malapit sa puso ninyo at hindi sila pinabayaan kailanman. Tuwing sabik at maalab kayo tungkol sa anumang bagay na gustung-gusto ninyo, ito ay habang sumusunod kayo sa Akin, o kahit habang nakikinig kayo sa Aking mga salita. Kaya nga, sinasabi Ko na ginagamit ninyo ang katapatang hinihingi Ko sa inyo upang sa halip ay maging matapat sa inyong mga ‘paborito’ at itangi ang mga ito. Magsakripisyo man kayo ng isa o dalawang bagay para sa Akin, hindi ito kumakatawan sa lahat ng maibibigay ninyo, at hindi nagpapakita na sa Akin kayo talaga matapat(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Kanino Ka Mismo Tapat?). Pagkatapos basahin ang mga salita ng Diyos, naunawaan ko na kailangan kong magdusa para sa katotohanan at hindi ko dapat isantabi ang katotohanan para lang tamasahin ang pagkakasundo ng pamilya. Sa buong panahon na nananampalataya ako sa Diyos at ginagawa ang aking tungkulin, maingat kong sinusubukang panatilihin ang pamilyang ito, takot na masira ang relasyon ko sa kanila at hindi na ako makauwi. Sa harap ng paulit-ulit na panghihikayat at pagbabanta ng tatay ko, naramdaman kong napakahina ng loob ko, at nalagay ako sa isang dilema, nag-aatubiling lumabas at gawin muli ang aking tungkulin. Nakita ko na palagi akong tapat sa pamilyang ito, hindi sa Diyos, at tiyak na hindi ko inuna ang paghahangad sa katotohanan. Dahil napakatindi ng pagkakatali ng emosyon ko sa aking pamilya, ilang beses na akong nahulog sa mga tukso ni Satanas at muntik nang ipagkanulo ang Diyos. Noon ko lang nakita na pinapamuhay ni Satanas ang mga tao sa mga damdamin para sa pamilya, pinagpapakasasa sa laman, at sa huli ay nawawalan sila ng pagkakataong mailigtas. Ang layunin ng Diyos ay gawin natin ang ating tungkulin bilang mga nilikha, hangarin ang katotohanan, isabuhay ang tunay na wangis ng tao, at magtamo ng kaligtasan. Kung makikinig ako sa tatay ko at magtatrabaho sa pagkakataong ito para lang protektahan ang mga interes ng aking laman, maaari kong matamasa ang pagkakasundo ng pamilya, pero mawawala sa akin ang pagkakataong makamit ang katotohanan. Ano ba iyon kundi kahungkagan at pasakit? Kailangan kong piliin ang tamang landas. Isang umaga, biglang kinailangang umalis ng tatay ko para sa isang bagay. Sinamantala ko ang pagkakataon para umalis at gawin muli ang aking tungkulin.

Makalipas ang dalawang buwan, nakatanggap ako ng liham mula sa iglesia na nagsasabing inulat ako ng tatay ko sa pulis, at inulat din ang lola ko at ang mga kapatid sa aming probinsya, na naging dahilan para maaresto silang lahat. Gumagamit ang tatay ko ng lahat ng uri ng paraan para baliw na usigin at hadlangan ako sa paggawa ng aking tungkulin. Nang makita niyang hindi ako nakikinig, tuluyan niya akong ipinagkanulo at nagsumbong siya sa pulis, at idinamay pa ang lola ko. Ang diwa niya ay sa isang diyablo! Nang makita ko nang malinaw ang kanyang diwa, hindi na ako nalimitahan ng aking mga emosyon. Mula noong araw na iyon, hindi na ako umuwi. Ginagawa ko na ang aking tungkulin nang full-time simula noon. Salamat sa Diyos sa pag-akay sa akin na piliin ang tama!

Sinundan: 10. Ano ang Nakatago sa Likod ng Pag-ayaw Kong Maging Isang Lider?

Sumunod: 12. Ang Pagdanas sa Pagpapahirap ng Sakit ay Nagturo sa Akin na Magpasakop

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos Ukol sa Pagkakilala sa Diyos Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw Paglalantad sa mga Anticristo Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Tahanan ng Diyos Mahahalagang Salita Mula sa Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga Huling Araw Araw-araw na mga Salita ng Diyos Ang Mga Katotohanang Realidad na Dapat Pasukin ng mga Mananampalataya sa Diyos Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin Mga Gabay para sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian Naririnig ng mga Tupa ng Diyos ang Tinig ng Diyos Makinig sa Tinig ng Diyos  Masdan ang Pagpapakita ng Diyos Mahahalagang Tanong at Sagot tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume I) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume II) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume III) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IV) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume V) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VI) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VIII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IX) Paano Ako Bumalik sa Makapangyarihang Diyos

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito