11. Maghanap at Makakatagpo Ka

Ni Li Min, Tsina

Ipinanganak na may epilepsy ang aking anak na babae. Naghanap kami ng asawa ko ng medikal na paggagamot kung saan-saan at ginawa namin ang lahat ng makakaya namin, pero hindi siya bumuti. At noong nasasaktan ako at wala nang mapuntahan, isang tao ang nangaral ng ebanghelyo sa akin, at nagsimula akong manampalataya sa Panginoong Jesus. Hindi nagtagal, bumuti ang kondisyon ng anak ko at nagsimula na ring manampalataya sa Panginoon ang aking asawa at ang nanay niya. Kalaunan, naging mangangaral ang asawa ko, samantalang nagdaos naman ako ng mga pagtitipon sa bahay para sa mga katrabaho ko sa iglesia.

Noong mga 1997, may mga taong pumunta sa aking bahay at nagpatotoo sa aming mag-asawa na ang Panginoong Jesus ay bumalik na, na Siya ay nasa katawang-tao at gumagawa ng bagong gawain, at na ang pangalan Niya ay Makapangyarihang Diyos. Napaisip ako kung paano ito naging posible. Sinasabi ng Bibliya: “At sa kanino mang iba ay walang kaligtasan: sapagkat walang ibang pangalan sa silong ng langit na ibinigay sa mga tao, na ating ikaliligtas” (Mga Gawa 4:12). “Si Jesucristo ay Siya ring kahapon at ngayon, at magpakailanman” (Mga Hebreo 13:8). Ang pangalan ng Panginoong Jesus ay hindi magbabago kailanman, kaya paano Siya matatawag na Makapangyarihang Diyos? Paano Siya makagagawa ng bagong gawain? Hindi ko iyon matanggap noong panahong iyon, at hindi ako handang magbigay ng anumang atensyon sa kanila. Matapos ang ilang panahon, dumating sila muli para mangaral ng ebanghelyo sa amin pero nagmatigas ako at hindi nakinig. Malinaw na sinasabi sa Bibliya na ang pangalan ng Panginoong Jesus ay hindi magbabago kailanman pero sinasabi nilang dumating na ang Panginoon at tinatawag na Makapangyarihang Diyos. Kahit anong sabihin nila, hindi ko tatanggapin. Hindi rin sila pinakinggan ng asawa ko.

Noong 2002, isang araw ay umalis ang asawa ko para mangaral at bumalik siya pagkalipas ng dalawang linggo. Mukha siyang nasasabik at sinabi niya sa akin, “May magandang balita ako. Ang Panginoong Jesus na pinananabikan natin ay nagbalik na! Ang Makapangyarihang Diyos na pinatototohanan ng Kidlat ng Silanganan ang nagbalik na Panginoong Jesus! Tingnan mo, nahahati sa tatlong yugto ang anim na libong taong plano ng pamamahala ng Diyos: Ang una ay ang gawain ng Kapanahunan ng Kautusan noong ipinahayag ng Diyos na si Jehova ang kautusan na gagabay sa tao sa kanilang buhay sa lupa. Ang ikalawa ay ang Kapanahunan ng Biyaya noong ipinako sa krus ang Panginoong Jesus at tinupad Niya ang gawain ng pagtubos sa sangkatauhan. Ang ikatlo ay ang Kapanahunan ng Kaharian. Ipinahahayag ng Makapangyarihang Diyos ang maraming katotohanan at ginagawa Niya ang gawain ng paghatol at pagkastigo, nilulutas ang makasalanang kalikasan ng tao, ganap na nililinis at inililigtas ang tao, at sa huli ay inaakay ang tao patungo sa isang magandang hantungan. Ang tatlong yugtong ito ng gawain ay ang kompletong gawain ng pagliligtas ng Diyos sa tao, at bawat isa ay mahalaga.” Maraming sinabi sa akin ang asawa ko. Noong panahong iyon, akala ko ay hindi ito kapani-paniwala. Napaisip ako, “Paano mo nagawang tanggapin ang Kidlat ng Silanganan? Napakaraming taon ka nang nangangaral, kaya paano ka nila nailihis? Nagbasa kami ng Bibliya buong araw. Sinasabi sa Galacia, Kabanata 1, Talata 6 hanggang 7: ‘Nagtataka ako kung bakit kaydali ninyong tumalikod sa Kanya na tumawag sa inyo sa pamamagitan ng biyaya ni Cristo at kayo ay bumaling agad sa ibang ebanghelyo. Ang totoo ay wala namang iba pa; kaya nga lamang, may mga nanggugulo sa inyo at nagsisikap na baguhin ang ebanghelyo ni Cristo.’ Binasa rin namin ang Mga Hebreo, Kabanata 13, Talata 8: ‘Si Jesucristo ay Siya ring kahapon at ngayon, at magpakailanman.’ Malinaw na inilalahad sa mga talatang ito na ang pangalan ng Panginoong Jesus ay hindi magbabago kailanman. Sinasabi ng Kidlat ng Silanganan na ang pangalan ng Diyos ay Makapangyarihang Diyos. Hindi ba’t pagbabago ito ng pangalan ng Panginoong Jesus? Hindi ba’t binabago nila ang ebanghelyo ni Cristo? Paano mo ito mapapaniwalaan? Dapat nating laging panatilihin ang pangalan ng Panginoon sa ating pananalig sa Kanya. Hindi maaaring mabago ang pangalan ng Panginoon!” Alam na alam ng asawa ko ang Bibliya at magaling siyang magbigay ng sermon. Alam kong hindi ko siya makukumbinsi, at kapag nagpasya siya sa isang bagay, walang makakapagpabago ng isip niya. Kaya wala akong sinabi. Inisip ko, “Hindi ko iyan tatanggapin kahit gaano ka pa kahusay magsalita. Binigyan tayo ng Panginoong Jesus ng napakaraming biyaya; hindi ko Siya maipagkakanulo kailanman. Susunod ako sa Panginoon hanggang wakas, kahit pa kailanganing magdiborsyo tayo.” Sa huli, sinabi ko sa kanya, “Kung magpapatuloy ka sa pangangaral tungkol sa Panginoong Jesus, makikinig ako sa iyo. Pamilya pa rin tayo. Pero kung mangangaral ka tungkol sa Kidlat ng Silanganan, tahakin mo ang landas mo, at tatahakin ko ang sa akin, at magkanya-kanya na lang tayo ng landas.” Walang nagawang umiling-iling ang asawa ko pagkakitang sutil ako na tumatangging makinig, at wala na siyang sinabi pa.

Matapos niyang tanggapin ang Kidlat ng Silanganan, ipinangaral niya ang ebanghelyo sa mga tao sa aming iglesia. Hindi inaasahan, pinatalsik siya ni Feng, ang pinakamalapit niyang katrabaho sa iglesia. Pagkatapos niyon, ikinakandado na ni Feng at ng iba pa ang mga lugar ng pagtitipon at hindi nila pinayagan ang mga mananampalataya na marinig ang sasabihin ng asawa ko. Sinabi nila sa akin, “Tinanggap ng asawa mo ang Kidlat ng Silanganan. Huwag kang makikinig sa kanya. Mali ang pananalig niya.” Sinabi ko, “Hindi ko iyon tinanggap, pero may ilang bagay siyang sinasabi na nakaayon sa Bibliya.” Dahil sinabi ko ito, naging mapagbantay rin sila laban sa akin. Pinag-uusapan nila ako kapag wala ako, sinasabing, “Nananampalataya na ngayon ang asawa niya sa Makapangyarihang Diyos, kaya dapat wala na tayong anumang kaugnayan sa kanya. Nakatakda siyang maapektuhan sa paglipas ng panahon. Siguradong tatanggapin niya iyon.” Sobra akong nasaktan pagkarinig nito. Kahit gaano ko pa ipahayag na inosente ako at isumpa na hindi ko tinanggap ang Kidlat ng Silanganan, hindi nila ako pinaniwalaan. Kapag nagpupunta ako sa lugar ng pagtitipon, nagbabago ang mga ekspresyon nila. Mapagbantay sila laban sa akin, natatakot na baka mailihis ko ang mga mananampalataya. Baka naging masaya pa sila kung hindi na talaga ako nagpakita sa mga pagtitipon, at hindi nila pinangahasang kausapin ako, na para bang may nakakahawa akong sakit. Sobrang nasaktan ako at sumama ang loob ko sa aking asawa. Pakiramdam ko, ang pagtakwil ng mga tao sa akin ay ganap na problemang idinulot niya. Napakalungkot ko at nasupil ako, kaya nanalangin ako sa Panginoon, “O Panginoon, itinakwil na ako ng mga kapatid. Sobrang nasasaktan ako. Ano ang layunin Mo?” Para patunayan na hindi ko tinanggap ang Kidlat ng Silanganan, nang magkasakit at maospital ang isang kapatid na nagdadaos ng mga pagtitipon, sinadya ko siyang dalhan ng regalo at dalawin para makita niya kung gaano ako kasinsero. Pero pagkalabas niya ng ospital, bumalik siya sa hindi pagpansin sa akin. Kaya kalaunan, huminto ako sa pagpunta sa mga pagtitipon, at nanalangin na lang ako at nagbasa ng Bibliya sa bahay. Nakita ng asawa ko kung gaano ako kalungkot at nagpatotoo uli siya sa akin tungkol sa bagong gawain ng Diyos. Galit na pinagalitan ko siya, sinabing, “Kung hindi mo tinanggap ang Kidlat ng Silanganan, itatakwil ba ako ng iglesia? Tatalikuran ba ako ng lahat? Kahit pa hindi nila ako padaluhin sa mga pagtitipon, hindi ako mananampalataya sa Kidlat ng Silanganan gaya mo! Pananatilihin ko ang pangalan ng Panginoon at hindi ko kailanman itatanggi na si Cristo ang aking Panginoon!” Hindi siya nagalit nang makita niyang pangit ang lagay ng loob ko, pero nabahala siya at nag-alala. Kalaunan ay dinala niya ang dalawang kapatid para makipagbahaginan sa akin. Isa sa mga kapatid ang napakasinserong nagsabi, “Kapatid, ang Panginoong Jesus ay totoong nagbalik na at nagpahayag Siya ng milyon-milyong salita. Pawang katotohanan ang mga salitang iyon. Ang kalituhan mo ay kayang lutasin lahat ng mga salita ng Diyos. Makinig ka lang, at pagkatapos ay malalaman mo.” Noong panahong iyon, iyong ginagawa ko lang ang inaalala ko at ayaw ko silang intindihin. Nakita ng mga kapatid na hindi ako nakikinig, kaya wala silang ibang nagawa kundi umalis. Nakita ko kung gaano karangal at katuwid ang mga taong mula sa Kidlat ng Silanganan, at kung gaano sila kamapagmahal. Hindi sila nagalit kahit pinagsupladahan ko sila nang ganoon, at nagbahagi sila sa akin nang napakatiyaga. Malinaw na mga tunay silang mananampalataya, pero paano nila nagawang manampalataya sa Kidlat ng Silanganan? Hindi ko maisip ito. Pagkatapos, pumunta sa malayong lugar ang asawa ko para mangaral ng ebanghelyo. Habang wala siya, patuloy na nagpatotoo sa akin ang mga tao tungkol sa bagong gawain ng Diyos, pero ayaw kong makinig. Kapag may dumarating na kung sino, ikinakandado ko ang pinto at nagtatago ako sa isang bahagi. Makikita nila na nakakandado ang pinto at aalis na sila. Noong mga araw na iyon, sa tuwing naiisip ko kung paanong hindi ako naunawaan at kung paanong itinakwil ako ng mga tao sa iglesia, sobrang nasasaktan ako. Napakaraming beses na umiyak ako at nagtapat ng paghihirap ko sa Panginoon. Minsan, bigla kong naisip, “Hindi ako papayagan ng iglesia na dumalo sa mga pagtitipon, kaya kung ibabalik ko sa iglesia ang mabubuting tupa na ninakaw ng Kidlat ng Silanganan, maniniwala sila na hindi ko ipinagkanulo ang Panginoon.” Nagliwanag ang puso ko nang maisip ko ito at kaagad akong nanalangin sa Panginoon, “O Panginoon, sinisiyasat Mo ang kaloob-looban ng aming mga puso at alam Mo na tapat ako sa Iyo. Hindi ko tinanggap ang Kidlat ng Silanganan. O Panginoon, ayaw na sa akin ng iglesia at nasasaktan ako. Ayaw kong manatili sa bahay, nang nasasaktan, at pinabayaan nang ganito. O Panginoon, pakiusap, bigyan Mo ako ng karunungan at lakas, upang maibalik ko sa Iyong pangalan ang mabubuting tupa na ninakaw ng Kidlat ng Silanganan. O Panginoon, pakiusap, tulungan Mo ako!” Pagkatapos manalangin, binalak kong magkusang-loob at makipag-ugnayan sa mga tao mula sa Kidlat ng Silanganan, upang harapang komprontahin sila, gamitin ang Bibliya para pabulaanan sila, at ibalik ang mga tupa ng Diyos, kaya araw-araw, gumugol ako ng maraming oras sa pagbabasa ng Bibliya.

Isang araw, masugid akong nagbabasa ng mga kasulatan nang bigla kong mabasa: “Sapagkat gaya ng kidlat, na pagkislap buhat sa isang panig ng silong ng langit, ay nagliliwanag hanggang sa kabilang panig ng silong ng langit; gayon din naman ang Anak ng tao sa Kanyang kaarawan. Datapuwat kailangan muna Siyang magbata ng maraming bagay at itakwil ng lahing ito(Lucas 17:24–25). Natulala ako. Paanong nag-iba ang pakiramdam ko nang mabasa ko ngayon ang talatang ito? Pinag-isipan ko ang mga salitang, “Datapuwat kailangan muna Siyang magbata ng maraming bagay at itakwil ng lahing ito.” Parati kong inaakala noon na ito ay tungkol sa Panginoong Jesus, dahil sa Kapanahunan ng Biyaya, nagkatawang-tao ang Diyos upang maging ang Panginoong Jesucristo at Siya ay itinakwil ng lahing iyon, ipinako sa krus, at nagbata ng matinding pasakit. Paanong nasabi ng Panginoon, “itakwil ng lahing ito” nang ipropesiya Niya ang pagbabalik ng Anak ng tao? Ang sinasabi pa rin ba rito ay ang Panginoong Jesus 2000 taon na ang nakakaraan? Habang mas pinag-iisipan ko ito, mas nararamdaman ko na ang sinabi ng mga taga-Kidlat ng Silanganan ay nakaayon sa Bibliya. Inisip ko rin ang tungkol sa pagpapatotoo ng mga taga-Kidlat ng Silanganan na ang Makapangyarihang Diyos ang ikalawang pagkakatawang-tao ng Diyos, at kung paanong ang mga tao mula sa lahat ng denominasyon ay humuhusga, lumalaban, at kumokondena sa gawain ng Makapangyarihang Diyos, at kung paanong pinakamatindi ang pagtugis at pang-uusig ng namumunong partido ng CCP sa Kidlat ng Silanganan—hindi ba’t pagbabata ito ng Makapangyarihang Diyos ng maraming bagay at pagtatakwil sa Kanya ng lahing ito? Hindi kaya ang “Datapuwat kailangan muna Siyang magbata ng maraming bagay, at itakwil ng lahing ito” ay tumutukoy sa Makapangyarihang Diyos? Ang Makapangyarihang Diyos ba ang nagbalik na Panginoong Jesus? Habang pinag-iisipan ko ito, natakot ako, “Hala! Talaga bang nilalabanan ko ang Panginoon?” Ngunit naisip ko, “Siguradong hindi! Hindi naman magbabago ang pangalan ng Panginoon!” Gayunpaman, naisip ko, “Ito ay isang napakaseryosong bagay, hindi ko maaaring basta na lang pikit-matang ikondena ang Kidlat ng Silanganan. Hindi ko talaga dapat labanan ang Panginoon.” Pagkatapos, naisip ko ang mga salita ng Panginoon: “Sapagkat ang bawat humihingi ay tumatanggap; at ang humahanap ay nakasusumpong; at ang tumutuktok ay pinagbubuksan(Mateo 7:8). Pakiramdam ko ay namulat ang mga mata ko at naisip ko, “Tama, kailangan kong maghanap.”

Naalala ko na may maliit na libro ng ebanghelyo ang asawa ko. Sinabi niya sa akin, “Ang mga kalituhan mo ay kayang lutasin lahat ng librong ito.” Nagmadali akong hanapin ang libro, pero bago ko iyon basahin, bumigkas ako ng isang panalangin, “O Panginoon, pakiusap, bigyang-liwanag Mo ako at hayaan Mong makilatis ko ang nilalaman ng librong ito. Mababa ang tayog ko at natatakot akong malihis, pero natatakot din akong lumaban sa Iyo. O Panginoon, pakiusap, protektahan Mo ako habang binabasa ko ang librong ito ngayong araw.” Matapos manalangin, binuksan ko ang libro at tiningnan iyon. May mga katanungan talaga roon na gusto kong itanong. Ang una ay tungkol sa pangalan ng Diyos. Sinasabi sa libro: “Nasusulat Sa Bibliya, ‘At sa kanino mang iba ay walang kaligtasan: sapagkat walang ibang pangalan sa silong ng langit na ibinigay sa mga tao, na ating ikaliligtas’ (Mga Gawa 4:12). Napakatotoo nito. Pero hindi nito mapapatunayan na ang Diyos ay maaari lamang tawaging Jesus at ang Kanyang pangalan ay hindi magbabago kailanman. Natatandaan nating lahat na sa Lumang Tipan, sinabi ni Jehova: ‘Ako, at Ako lamang, si Jehova; at maliban sa Akin ay walang tagapagligtas(Isaias 43:11). ‘Jehova … ang Aking pangalan magpakailanman, at ito ang Aking pinakaalaala sa lahat ng mga lahi(Exodus 3:15). At sa Bagong Tipan, sa Mga Gawa, Kabanata 4, Talata 12, sinasabi roon: ‘At sa kanino mang iba ay walang kaligtasan: sapagkat walang ibang pangalan sa silong ng langit na ibinigay sa mga tao, na ating ikaliligtas.’ Ang ‘sa kanino mang iba’ ay tumutukoy sa kahit sino bukod kay Jesus. Kaya alin ang nag-iisang pangalan ng Diyos—Jehova o Jesus? Ang orihinal na pangalan ng Diyos ay Jehova, pero kalaunan, ito ay Jesus. Hindi ba’t nagbago ang pangalan ng Diyos? At pagbalik ng Panginoong Jesus sa mga huling araw, magkakaroon ng katulad na pagbabago ang pangalan Niya. Basahin natin ang propesiya na ito sa Pahayag at pagkatapos ay mauunawaan natin. Sinasabi sa Pahayag Kabanata 3, Talata 12: ‘Ang magtagumpay, ay gagawin Kong haligi sa templo ng Aking Diyos, at hindi na siya lalabas pa roon: at isusulat Ko sa kanya ang pangalan ng Aking Diyos, at ang pangalan ng bayan ng Aking Diyos, ang bagong Jerusalem, na mananaog buhat sa langit mula sa Aking Diyos, at ang Aking sariling bagong pangalan.’ Malinaw na ipinopropesiya nito na pagbalik ng Diyos sa mga huling araw, magkakaroon Siya ng bagong pangalan. Maaari kayang ang bagong pangalan na ito ay ‘Jesus’ pa rin? Paano ito magiging bagong pangalan kung ‘Jesus’ pa rin ang itatawag sa Kanya?” Naramdaman ko na ang mga salitang ito ay napakamakatwiran, na nakaayon ang mga ito sa Bibliya. Hindi lumihis sa Bibliya ang ipinapangaral nila. Maraming beses ko nang nabasa ang mga talatang ito, kaya paanong hindi ko ito naunawaan? Jehova ang pangalan ng Diyos sa Kapanahunan ng Kautusan. Jesus ang pangalan ng Diyos sa Kapanahunan ng Biyaya. Ang Jehova at Jesus ay parehong mga pangalan ng Diyos. Tinawag Siya sa magkaibang pangalan sa magkaibang kapanahunan na ito. Magkaiba ang Kanyang pangalan sa dalawang kapanahunan na ito. Noong sinabi ko dati na ang pangalan ng Diyos ay hindi nagbabago, ito ay salungat sa katotohanan. Sinasabi sa Pahayag na ang Panginoon ay magkakaroon ng isang “bagong pangalan.” Lumalabas na ang “bagong pangalan” na ito ay hindi pala tumutukoy sa Panginoong Jesus.

Bilang sagot sa tanong na ito, sinipi rin ang libro sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos: “Sa bawat kapanahunan, gumagawa ang Diyos ng bagong gawain at Siya ay tinatawag sa bagong pangalan; paano Niya gagawin ang parehong gawain sa magkaibang kapanahunan? Paano Siya mananatili sa dati? Ang pangalan na Jesus ay ginamit para sa gawain ng pagtubos, kaya tatawagin pa rin ba Siya sa parehong pangalan pagbalik Niya sa mga huling araw? Gagawin pa rin ba Niya ang gawain ng pagtubos? Bakit iisa lamang si Jehova at si Jesus, subalit Sila ay tinatawag sa magkaibang pangalan sa magkaibang kapanahunan? Hindi ba’t ito ay sa kadahilanang magkaiba ang mga kapanahunan ng Kanilang gawain? Maaari bang kumatawan sa Diyos, sa Kanyang kabuuan, ang iisang pangalan lamang? Dahil dito, nararapat na tawagin ang Diyos sa ibang pangalan sa ibang kapanahunan, at nararapat Niyang gamitin ang pangalan upang baguhin ang kapanahunan at katawanin ang kapanahunan. Dahil walang anumang pangalan ang maaaring ganap na kumatawan sa Diyos Mismo, at ang bawat pangalan ay maaari lamang kumatawan sa pansamantalang aspeto ng disposisyon ng Diyos sa isang tiyak na kapanahunan; ang kailangan lang nitong gawin ay kumatawan sa Kanyang gawain(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Pangitain ng Gawain ng Diyos 3). “‘Jehova’ ang pangalang ginamit Ko noong panahon ng Aking gawain sa Israel, at ang ibig sabihin nito ay ang Diyos ng mga Israelita (mga taong hinirang ng Diyos) na maaaring maawa sa tao, sumpain ang tao, at gabayan ang buhay ng tao; ang Diyos na nagtataglay ng dakilang kapangyarihan at puspos ng karunungan. Si ‘Jesus’ ay si Emmanuel, na ang ibig sabihin ay ang handog dahil sa kasalanan na puspos ng pagmamahal, puspos ng habag, at tumutubos sa tao. Ginawa Niya ang gawain ng Kapanahunan ng Biyaya, at kumakatawan Siya sa Kapanahunan ng Biyaya, at maaari lamang Niyang katawanin ang isang bahagi ng gawain ng plano ng pamamahala. … Ang pangalan ni Jesus ay nanggaling sa Kapanahunan ng Biyaya at umiral dahil sa gawain ng pagtubos sa Kapanahunan ng Biyaya. Ang pangalan ni Jesus ay umiral upang tulutan ang mga tao sa Kapanahunan ng Biyaya na muling maisilang at maligtas, at isang partikular na pangalan para sa pagtubos sa buong sangkatauhan. Sa gayon, ang pangalang Jesus ay kumakatawan sa gawain ng pagtubos, at ipinahihiwatig ang Kapanahunan ng Biyaya. Ang pangalang Jehova ay isang partikular na pangalan para sa mga tao ng Israel na namuhay sa ilalim ng kautusan. Sa bawat kapanahunan at bawat yugto ng gawain, ang Aking pangalan ay hindi walang batayan, kundi may kinakatawang kabuluhan: Bawat pangalan ay kumakatawan sa isang kapanahunan. Ang ‘Jehova’ ay kumakatawan sa Kapanahunan ng Kautusan at ito ang pamimitagan na ipinantawag ng mga tao ng Israel sa Diyos na kanilang sinamba. Ang ‘Jesus’ ay kumakatawan sa Kapanahunan ng Biyaya, at ito ang pangalan ng Diyos ng lahat ng tinubos noong Kapanahunan ng Biyaya. Kung nananabik pa rin ang tao sa pagdating ni Jesus na Tagapagligtas sa mga huling araw, at inaasahan pa rin na darating Siya sa imaheng Kanyang tinaglay sa Judea, tumigil na sana ang buong anim-na-libong-taong plano ng pamamahala sa Kapanahunan ng Pagtubos, at hindi na susulong pa. Ang mga huling araw, bukod diyan, ay hindi sana darating, at hindi sana nawakasan ang kapanahunan kailanman(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Nakabalik Na ang Tagapagligtas Sakay ng Isang “Puting Ulap”). Medyo naunawaan ko na pagkatapos kong mabasa ito. Ang gawain ng Diyos ay palaging umuusad pasulong at ang pangalan ng Diyos ay laging nagbabago kasabay ng Kanyang gawain. Gumagawa ang Diyos ng iba’t ibang gawain sa iba’t ibang kapanahunan at tinatawag Siya sa iba’t ibang pangalan. Sa Kanyang pangalan, binabago Niya ang kapanahunan, at ang Kanyang pangalan ang kumakatawan sa kapanahunan. Tinatawag ang Diyos sa iba’t ibang pangalan sa iba’t ibang kapanahunan upang irepresenta ang iba’t ibang disposisyon na ipinahahayag Niya sa bawat kapanahunan. Sa Kapanahunan ng Kautusan, ipinahayag ng Diyos ang kautusan upang gabayan ang mga Israelita sa kanilang buhay sa mundo, at ang pangalang Jehova ay kumakatawan sa disposisyon ng Diyos na pagiging maharlika, poot, habag at maging ang pagsumpa sa mga tao. Sa Kapanahunan ng Biyaya, nagkatawang-tao ang Diyos upang maging ang Panginoong Jesus. Ipinako Siya sa krus at naging handog para sa kasalanan ng tao. Ang pangalang Jesus ay kumatawan sa mahabagin at mapagmahal na disposisyon ng Diyos. Nakita ko na may kahulugan ang bawat pangalang ginagamit ng Diyos sa bawat kapanahunan ngunit sinabi ko na ang gawain ng Diyos at ang Kanyang pangalan ay hindi magbabago kailanman—hindi ba’t hinatulan ko ang Diyos?

Pagkatapos, nagbasa ako ng isa pang sipi ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos, at lalo pang nagkaliwanag ang puso ko. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Minsan na Akong nakilala bilang Jehova. Tinawag din Akong ang Mesiyas, at tinawag Akong minsan ng mga tao na Jesus na Tagapagligtas nang may pagmamahal at paggalang. Gayunman, ngayon ay hindi na Ako ang Jehova o Jesus na nakilala ng mga tao noong araw; Ako ang Diyos na bumalik na sa mga huling araw, ang Diyos na magbibigay-wakas sa kapanahunan. Ako ang Diyos Mismo na nagbabangon mula sa dulo ng daigdig, puno ng Aking buong disposisyon, at puspos ng awtoridad, karangalan, at kaluwalhatian. Hindi nakipag-ugnayan sa Akin ang mga tao kailanman, hindi Ako nakilala kailanman, at palagi nang walang-alam tungkol sa Aking disposisyon. Mula sa paglikha ng mundo hanggang ngayon, wala ni isa mang tao na nakakita sa Akin. Ito ang Diyos na nagpapakita sa tao sa mga huling araw ngunit nakatago sa gitna ng mga tao. Nananahan Siya sa piling ng tao, tunay at totoo, tulad ng nagniningas na araw at naglalagablab na apoy, puspos ng kapangyarihan at nag-uumapaw sa awtoridad. Wala ni isa mang tao o bagay na hindi hahatulan ng Aking mga salita, at wala ni isa mang tao o bagay na hindi padadalisayin sa pamamagitan ng pagliliyab ng apoy. Sa huli, lahat ng bansa ay pagpapalain dahil sa Aking mga salita, at dudurugin din nang pira-piraso dahil sa Aking mga salita. Sa ganitong paraan, makikita ng lahat ng tao sa mga huling araw na Ako ang Tagapagligtas na nagbalik, at na Ako ang Makapangyarihang Diyos na lumulupig sa buong sangkatauhan. At makikita ng lahat na minsan na Akong naging handog dahil sa kasalanan para sa tao, ngunit na sa mga huling araw ay nagiging mga ningas din Ako ng araw na tumutupok sa lahat ng bagay, gayundin ang Araw ng katuwiran na nagbubunyag sa lahat ng bagay. Ito ang Aking gawain sa mga huling araw. Ginamit Ko ang pangalang ito at taglay Ko ang disposisyong ito upang makita ng lahat ng tao na Ako ay isang matuwid na Diyos, ang nagliliyab na araw, ang nagniningas na apoy, at upang lahat ay sambahin Ako, ang iisang tunay na Diyos, at upang makita nila ang Aking tunay na mukha: Hindi lamang Ako ang Diyos ng mga Israelita, at hindi lamang Ako ang Manunubos; Ako ang Diyos ng lahat ng nilalang sa buong kalangitan at sa lupa at sa karagatan(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Nakabalik Na ang Tagapagligtas Sakay ng Isang “Puting Ulap”). Naramdaman ko na ang mga salitang ito ay labis na may awtoridad, na ito ang mga salita ng Diyos. Naunawaan ko rin na ang Jehova, Mesiyas, Jesus, at Makapangyarihang Diyos ay mga pangalan lahat ng Diyos, at silang lahat ay iisang Diyos, at ang Makapangyarihang Diyos ay ang pangalan ng Diyos sa mga huling araw. Tinutupad nito ang sinasabi sa Bibliya: “Ako ang Alpha at ang Omega … sabi ng Panginoong Diyos, ngayon at nang nakaraan at sa darating, ang Makapangyarihan sa lahat(Pahayag 1:8). Talagang nadismaya ako nang maisip ko ito. Naalala ko kung paanong kumapit sa mga salita ng Bibliya ang mga Pariseo, iniisip na ang hindi tinatawag na Mesiyas ay hindi maaaring maging ang Diyos, at ipinapako nila sa krus ang Panginoong Jesus at pinarusahan sila ng Diyos. Hindi ba’t hindi ako naiiba ngayon sa mga Pariseo? Kumakapit ako sa mga salita ng Bibliya at namumuhay sa aking mga kuru-kuro at imahinasyon, inaakala na kung hindi tinatawag na Jesus ang Diyos, ay hindi Siya ang Diyos. Pagdating sa pagsalubong sa Panginoon, hindi ako naghahanap o nagsisiyasat, kundi sutil lang ako na kumakapit sa aking mga kuru-kuro at imahinasyon, iniisip na ipinagtatanggol ko ang pangalan ng Panginoon at itinataguyod ang daan ng Panginoon at hindi ko napagtatanto na nilalabanan ko ang bagong gawain ng Diyos. Nakaramdam ako ng matinding pagsisisi kaya napaiyak ako.

Mabilis akong nagbasa at nakita ko sa maliit na libro ng ebanghelyo na sinasabi roon: “Maraming tao ang may ganitong kuru-kuro. Naniniwala silang malinaw na inilalahad ng Bibliya na ang lahat ng nangangaral ng anumang bagay na iba sa mga naroon ay susumpain, na ang ipinapangaral ng Kidlat ng Silanganan ay iba sa ipinapangaral nila, na iyon ay ibang ebanghelyo, kaya hindi sila nangangahas na tanggapin ito.” Nalito rin ako rito. Sinasabi sa libro: “Ang aklat ng Galacia ay isinulat ni Apostol Pablo noong mga AD 60, isang sulat na ipinadala sa iglesia sa Galacia. Noong panahon na iyon, lumaganap na nang kagila-gilalas ang ebanghelyo ng Panginoong Jesus, at marami ring tao sa Galacia ang tumanggap sa bagong gawain ng Panginoong Jesus at nagtayo ng mga iglesia. Iyon ang panahon na lumipat sa Kapanahunan ng Biyaya ang Kapanahunan ng Kautusan, at may dalawang grupo ng mga mangangaral sa mga Judio noong panahong iyon: Isang grupo ang nangangaral ng lumang gawain ng Kapanahunan ng Kautusan, ginagabayan ang mga tao na panatilihin ang mga kautusan ni Jehova, na ang ibig sabihin ay magpatuli, magpahinga kapag Sabbath, pumasok sa templo, at iba pa. Iyong isa pang grupo (na pinangungunahan ng 12 disipulo ni Jesus) ay nangangaral ng bagong gawain ng Kapanahunan ng Biyaya, ginagabayan ang mga tao na manampalataya sa Panginoong Jesus at maligtas, na gawin kung ano ang hinihingi ng Panginoong Jesus, na ang ibig sabihin ay magtapat, magsisi, magpabautismo, magpira-piraso ng tinapay, magmahalan, maging mapagparaya at mapagpasensya, at iba pa. Sinabi ng mga Pariseo na kumakapit sa kautusan ng Lumang Tipan na ang ebanghelyong ipinangangaral ng mga disipulo ni Jesus ay iba sa ipinangangaral nila, na ang daan ni Jesus ay labas sa Bibliya at na tinalikuran Niya ang kautusan. Kinondena nila ang bagong gawain ni Jesus at ginulo ang mga tumanggap ng pagliligtas na dala ng pagkakapako ni Jesus sa krus. Sinabi nila na hindi maililigtas ang mga tao sa pamamagitan ng pananampalataya kay Jesus, na salungat ito sa mga itinuro ni Jehova, na kailangan nilang ituloy ang pagsunod sa Sabbath, magpatuli, at iba pa. Gayunpaman, walang pagkilatis ang mga taga-Galacia noon, at iniwan nila ang ebanghelyo ni Jesus na ipinangaral ni Pablo, upang sumunod sa mga Judio na nangangaral ng kautusan ng Lumang Tipan. Nang marinig ni Pablo na itinakwil ng mga kapatid sa iglesia sa Galacia ang ebanghelyo ng Panginoong Jesus, at bumalik sila sa templo, sumulat siya sa iglesia sa Galacia, sinasabing, ‘Nagtataka ako kung bakit kaydali ninyong tumalikod sa Kanya na tumawag sa inyo sa pamamagitan ng biyaya ni Cristo at kayo ay bumaling agad sa ibang ebanghelyo. Ang totoo ay wala namang iba pa; kaya nga lamang, may mga nanggugulo sa inyo at nagsisikap na baguhin ang ebanghelyo ni Cristo’ (Galacia 1:6–7). Sinulat niya ito upang payuhan ang mga taga-Galacia na bumalik sa tunay na daan. Alam nating lahat na kumapit ang mga Pariseo sa kautusan at kinondena nila ang Panginoong Jesus at itiniwalag sila sa bagong gawain ng Banal na Espiritu, at sa huli ay pinarusahan at isinumpa sila ng Diyos. Kaya paano natin dapat harapin ang bagong gawain ng Diyos ngayon?” Pagkatapos kong basahin ang pagbabahaging ito, saka ko lang napagtanto na hindi ko pala nauunawaan ang Bibliya. Dahil hindi ko nalalaman kung bakit sinabi ni Pablo ang ginawa niya, ininterpreta ko iyon kung paano ko gusto ayon sa aking mga kuru-kuro at imahinasyon. Ang “iba pang ebanghelyo” na binanggit ni Pablo ay tumutukoy sa mga taong nangangaral ng ebanghelyo ni Jehova noong Kapanahunan ng Kautusan upang pasunurin ang mga tao sa kautusan ng Lumang Tipan, at hindi tumutukoy sa mga nangangaral ng ebanghelyo ng kaharian. Ito ay dahil hindi pa tapos ang Diyos sa Kanyang gawain sa mga huling araw noong isinulat ni Pablo ang liham na ito, at walang nangangaral ng ebanghelyo ng Diyos sa mga huling araw. Inisip ko na ang mga nangangaral ng ebanghelyo ng kaharian ay iyong mga nangangaral ng ibang ebanghelyo. Naguluhan ako sa lahat at may baluktot akong pagkaunawa sa mga kasulatan! Masyado akong kaawa-awa, kahabag-habag, at bulag, at hiyang-hiya ako. Walang kahihiyan kong sinabi dati na gusto kong ibalik sa iglesia ang mga tupang ninakaw ng Kidlat ng Silanganan. Ngayon ko lang naunawaan na hindi sila nalihis. Nakita nila na ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos ang katotohanan at natiyak nila na iyon ang tinig ng Diyos, kaya nagsimula silang sumunod sa Makapangyarihang Diyos. Hindi nakakagulat na sobrang tibay ng pananalig nila matapos tanggapin ang Kidlat ng Silanganan, na hindi sila mahihila pabalik ng mga ligaw na kabayo. Ang Panginoon pala ang tinanggap nila. Inakala ko na maaari ko pang basahin ang Bibliya at ibalik ang mabubuting tupa na ninakaw ng Kidlat ng Silanganan. Hindi ko kailanman inakala na gagamitin ng Diyos ang espesyal na sitwasyong ito para buhayin ang aking manhid at mapagmatigas na puso. Sobra akong nasasabik!

Nagsimula akong sabik na magbasa ng mga salita ng Diyos at nabasa ko ito: “Pagkatapos ng gawain ni Jehova, naging tao si Jesus upang gawin ang Kanyang gawain sa mga tao. Ang Kanyang gawain ay hindi isinagawa nang nakahiwalay, kundi nakabatay sa gawain ni Jehova. Iyon ay gawain para sa isang bagong kapanahunan na ginawa ng Diyos nang matapos Niya ang Kapanahunan ng Kautusan. Gayundin, nang matapos ang gawain ni Jesus, nagpatuloy ang Diyos sa Kanyang gawain para sa susunod na kapanahunan, dahil ang buong pamamahala ng Diyos ay palaging sumusulong. Kapag lumipas ang lumang kapanahunan, papalitan ito ng isang bagong kapanahunan, at kapag natapos na ang lumang gawain, magkakaroon ng bagong gawain para ipagpatuloy ang pamamahala ng Diyos. Ang pagkakatawang-taong ito ay ang ikalawang pagkakatawang-tao ng Diyos, na sinusundan ang gawain ni Jesus. Siyempre pa, ang pagkakatawang-taong ito ay hindi nangyayaring mag-isa; ito ang pangatlong yugto ng gawain pagkatapos ng Kapanahunan ng Kautusan at ng Kapanahunan ng Biyaya. Tuwing nagpapasimula ang Diyos ng isang bagong yugto ng gawain, kailangan ay palaging may isang bagong simula at kailangang maghatid ito ng isang bagong kapanahunan. Mayroon ding mga kaukulang pagbabago sa disposisyon ng Diyos, sa paraan ng Kanyang paggawa, sa lokasyon ng Kanyang gawain, at sa Kanyang pangalan. Hindi nakapagtataka, kung gayon, na mahirap para sa tao na tanggapin ang gawain ng Diyos sa bagong kapanahunan. Ngunit paano man Siya nilalabanan ng tao, laging ginagawa ng Diyos ang Kanyang gawain, at laging inaakay ang buong sangkatauhan pasulong. Nang pumarito si Jesus sa mundo ng tao, pinasimulan Niya ang Kapanahunan ng Biyaya at winakasan ang Kapanahunan ng Kautusan. Sa mga huling araw, minsan pang naging tao ang Diyos, at sa pagkakatawang-taong ito ay winakasan Niya ang Kapanahunan ng Biyaya at pinasimulan ang Kapanahunan ng Kaharian. Lahat ng nagagawang tumanggap sa ikalawang pagkakatawang-tao ng Diyos ay aakayin tungo sa Kapanahunan ng Kaharian, at bukod pa riyan ay magagawang personal na tumanggap ng patnubay ng Diyos. Bagama’t pumarito si Jesus kasama ng tao at gumawa ng maraming gawain, kinumpleto lamang Niya ang gawain ng pagtubos sa buong sangkatauhan at nagsilbi bilang handog para sa kasalanan ng tao; hindi Niya inalis ang lahat ng tiwaling disposisyon ng tao. Ang lubos na pagliligtas sa tao mula sa impluwensiya ni Satanas ay hindi lang nangailangan na si Jesus ay maging handog para sa kasalanan at pasanin ang mga kasalanan ng tao, kundi kinailangan din ng Diyos na gumawa ng mas malaki pang gawain upang ganap na alisin sa tao ang satanikong tiwaling disposisyon nito. Kaya, pagkatapos mapatawad ang tao sa mga kasalanan nito, nagbalik ang Diyos sa katawang-tao upang akayin ang tao tungo sa bagong kapanahunan, at sinimulan Niya ang gawain ng pagkastigo at paghatol. Ang gawaing ito ay naghatid sa tao sa isang mas mataas na dako. Lahat ng nagpapasakop sa Kanyang kapamahalaan ay magtatamasa ng mas mataas na katotohanan at tatanggap ng mas malalaking pagpapala. Tunay silang mabubuhay sa liwanag, at matatamo nila ang katotohanan, ang daan, at ang buhay(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Paunang Salita). Habang mas lalo akong nagbabasa ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos, mas lalong lumiliwanag ang puso ko. Naunawaan ko na ang gawain ng Diyos at ang Kanyang pangalan ay hindi naman di-nagbabago. Patuloy na umuusad pasulong ang gawain ng Diyos, at ang gawain ng bawat kapanahunan ay itinatayo sa gawain ng naunang kapanahunan. Dahil iba-iba ang gawain ng Diyos sa bawat kapanahunan, ang pangalan ng Diyos at ang disposisyon na ipinahahayag Niya ay iba-iba rin. Kung ito ay gaya ng pinaniniwalaan ko noon na ang pangalan at gawain ng Diyos ay hindi nagbabago kailanman, habambuhay nang tatawaging Jehova ang Diyos at hindi ito magbabago at magiging Jesus. Hindi rin sana nakausad pasulong ang gawain ng Diyos, kundi huminto na ito sa Kapanahunan ng Kautusan. Pagkatapos, hindi na nagawang tubusin ng Diyos ang tao kundi namatay sila sa ilalim ng kautusan. Kung pangalan lang ni Jesus ang panghahawakan ko at hindi ko tatanggapin ang bagong gawain at bagong pangalan ng Diyos sa mga huling araw, hindi ako kailanman makasasalubong magagawang salubungin ang pagbabalik ng Panginoon, at sa huli, mahuhulog ako sa mga sakuna, tatangis at magngangalit ang ngipin, dahil napalampas ko ang gawain ng Diyos sa mga huling araw.

Nagbasa pa ako ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos: “Marahil, matapos marinig ang daan ng katotohanan at marinig ang salita ng buhay, naniniwala ka na isa lamang sa 10,000 ng mga salitang ito ang naaayon sa iyong mga paniniwala at sa Bibliya, sa gayon ay dapat kang patuloy na maghanap sa ika-10,000 ng mga salitang ito. Pinapayuhan pa rin kita na maging mapagpakumbaba, huwag kang masyadong tiwala sa sarili, at huwag mong masyadong itaas ang sarili. Sa munting may takot sa Diyos na pusong taglay mo, magtatamo ka ng higit na liwanag. Kung sinusuri mong mabuti at paulit-ulit na pinagninilayan ang mga salitang ito, mauunawaan mo kung katotohanan ang mga ito o hindi, at kung ang mga ito ay buhay o hindi(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Kapag Namasdan Mo Na ang Espirituwal na Katawan ni Jesus, Napanibago na ng Diyos ang Langit at Lupa). Nangusap ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos diretso sa puso ko: Ito ang kalagayan ko noon. Marami sa mga ibinahagi ng asawa ko sa akin dati ay nakaayon sa Bibliya, pero masyado akong nagpapahalaga sa sarili at mangmang noon, ganap na may pusong walang takot sa Diyos, ginamit ko ang aking katiting na kaalaman tungkol sa Bibliya para hatulan ang gawain ng Diyos, at ginusto ko pang maghanap ng mas marami pang batayan sa Bibliya para pabulaanan ang bagong pangalan at bagong gawain ng Diyos. Talagang napakatigas ng ulo ko at baluktot ang pag-iisip ko! Gusto kong bitawan ang aking mga kuru-kuro, patuloy na maghanap at magsiyasat, at magtapat at magsisi sa Diyos. Palagi akong tumatanggi noon na makinig sa pagbabahagi ng asawa ko sa akin tungkol sa gawain ng Diyos sa mga huling araw, pero ngayon gustung-gusto ko nang marinig ang tungkol dito. Gayunpaman, nasa malayo ang asawa ko, nangangaral ng ebanghelyo at hindi ko alam kung kailan siya babalik. Kaya araw-araw, binubuksan ko ang pinto at hinihintay ang mga kapatid mula sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, ninanais na dumating ang isang sister at magbahagi sa akin.

Isang umaga, kakakain ko lang ng agahan nang marinig kong may tumawag sa akin. Nang makita kong sila ay mga kapatid mula sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, sabik na sabik ako. Masaya ko silang inimbitahang pumasok. Isa sa kanila ang nagbukas ng Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao. Nakita ko ang pamagat sa loob ng libro na nagsasabing “Pag-alam sa Tatlong Yugto ng Gawain ng Diyos ang Landas Tungo sa Pagkilala sa Diyos.” Malakas na binasa ito ng kapatid habang sabik naman akong nakinig. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Ang tatlong yugto ng gawain ay nasa puso ng buong pamamahala ng Diyos, at sa mga ito ipinapahayag ang disposisyon ng Diyos at kung ano Siya. Yaong mga hindi nakakaalam sa tatlong yugto ng gawain ng Diyos ay walang kakayahang matanto kung paano ipinapahayag ng Diyos ang Kanyang disposisyon, ni hindi nila alam ang karunungan ng gawain ng Diyos. Nananatili rin silang mangmang tungkol sa maraming paraan ng Kanyang pagliligtas sa sangkatauhan, at sa Kanyang mga layunin para sa buong sangkatauhan. Ang tatlong yugto ng gawain ay ang lubos na pagpapahayag ng gawain ng pagliligtas sa sangkatauhan. Yaong mga hindi nakakaalam sa tatlong yugto ng gawain ay magiging mangmang sa iba’t ibang mga pamamaraan at prinsipyo ng gawain ng Banal na Espiritu, at yaong mga kumakapit lamang nang mahigpit sa doktrinang natira mula sa isang yugto ng gawain ay mga taong inililimita ang Diyos sa doktrina, at ang paniniwala sa Diyos ay malabo at alanganin. Ang gayong mga tao ay hindi tatanggap ng pagliligtas ng Diyos kailanman. Ang tatlong yugto lamang ng gawain ng Diyos ang maaaring magpahayag nang lubusan sa kabuuan ng disposisyon ng Diyos at ganap na magpahayag ng hangarin ng Diyos na iligtas ang buong sangkatauhan, at ng buong proseso ng pagliligtas sa sangkatauhan. Patunay ito na natalo na Niya si Satanas at naangkin ang sangkatauhan; patunay ito ng tagumpay ng Diyos, at ito ang pagpapahayag ng buong disposisyon ng Diyos. Yaong mga nakakaunawa sa isang yugto lamang ng tatlong yugto ng gawain ng Diyos ay bahagi lamang ang alam tungkol sa disposisyon ng Diyos. Sa mga kuru-kuro ng tao, madali para sa iisang yugtong ito ng gawain na maging doktrina, at malamang na magtatag ng mga pirmihang panuntunan ang tao tungkol sa Diyos at gamitin ang iisang bahaging ito ng disposisyon ng Diyos bilang isang paglalarawan ng buong disposisyon ng Diyos. Bukod pa riyan, malaking bahagi ng imahinasyon ng tao ang nakahalo sa loob, sa gayon ay mahigpit na pinipigilan ng tao ang disposisyon, katauhan, at karunungan ng Diyos, gayundin ang mga prinsipyo ng gawain ng Diyos, sa loob ng limitadong mga hangganan, naniniwala na kung minsan nang naging ganito ang Diyos, mananatili Siyang ganito habang panahon, at hindi magbabago kailanman. Yaong mga nakakaalam at nagpapahalaga lamang sa tatlong yugto ng gawain ang lubos at tumpak na makakakilala sa Diyos. Kahit paano, hindi nila ilalarawan ang Diyos bilang Diyos ng mga Israelita, o ng mga Hudyo, at hindi nila Siya ituturing na isang Diyos na ipapako sa krus magpakailanman alang-alang sa tao. Kung makikilala lamang ng isang tao ang Diyos mula sa isang yugto ng Kanyang gawain, ang kanyang kaalaman ay napakaliit, at kasinghalaga lamang ng isang patak na tubig sa karagatan. Kung hindi, bakit ipapako ng marami sa relihiyosong matandang bantay ang Diyos sa krus nang buhay? Hindi ba dahil nililimitahan ng tao ang Diyos sa loob ng ilang hangganan? Hindi ba maraming taong kumokontra sa Diyos at humahadlang sa gawain ng Banal na Espiritu dahil hindi nila alam ang iba’t iba at malawak na gawain ng Diyos, at, bukod pa riyan, dahil napakaliit ng taglay nilang kaalaman at doktrina para sukatin ang gawain ng Banal na Espiritu? Bagama’t mababaw ang mga karanasan ng gayong mga tao, mayabang at likas silang mapagpalayaw at hinahamak nila ang gawain ng Banal na Espiritu, binabalewala ang mga pagdidisiplina ng Banal na Espiritu at, bukod pa riyan, ginagamit nila ang kanilang mga walang-kuwentang lumang argumento upang ‘pagtibayin’ ang gawain ng Banal na Espiritu. Nagkukunwari din sila, at lubos na kumbinsido sa sarili nilang natutuhan at kaalaman, at kumbinsido na nakakapaglakbay sila sa buong mundo. Hindi ba’t itinataboy ng Banal na Espiritu ang gayong mga tao, at hindi ba sila ititiwalag pagsapit ng bagong kapanahunan? Hindi ba mga kasuklam-suklam na taong mangmang at kulang sa kaalaman yaong mga humaharap sa Diyos at lantaran Siyang kinokontra, na nagpapakita lamang kung gaano sila katalino? Sa taglay nilang kaunting kaalaman tungkol sa Bibliya, sinisikap nilang magwala sa ‘akademya’ ng mundo; taglay ang isang mababaw na doktrina para turuan ang mga tao, sinusubukan nilang baligtarin ang gawain ng Banal na Espiritu at tinatangkang paikutin ito sa sarili nilang proseso ng pag-iisip. Dahil hindi nila alam ang mangyayari, sinusubukan nilang masdan sa isang sulyap ang 6,000 taon ng gawain ng Diyos. Walang anumang katinuan ang mga taong ito na dapat banggitin! Sa katunayan, kapag mas maraming kaalaman ang mga tao tungkol sa Diyos, mas mabagal silang manghusga sa Kanyang gawain. Bukod pa riyan, katiting lamang ang binabanggit nilang kaalaman nila tungkol sa gawain ng Diyos ngayon, ngunit hindi sila padalus-dalos sa kanilang mga paghusga. Kapag mas kakaunti ang alam ng mga tao tungkol sa Diyos, mas mayabang sila at labis ang tiwala nila sa sarili at mas walang-pakundangan nilang ipinapahayag ang katauhan ng Diyos—subalit ang binabanggit nila ay teorya lamang, at wala silang ibinibigay na tunay na katibayan. Walang anumang halaga ang gayong mga tao(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos). Nang marinig ko ang mga salitang ito ng Diyos, pakiramdam ko ay talagang nakita ng Diyos ang puso ko at napakalinaw Niyang isiniwalat ang aking mga kuru-kuro. Isa lamang sa tatlong yugto ng gawain ng Diyos ang alam ko at kumakapit ako sa mga salita sa Bibliya na natira mula sa yugtong iyon ng gawain. Nilimitahan ko ang Diyos sa mga regulasyon at nanampalataya ako na ang pangalan ng Diyos ay Jesus at hindi iyon magbabago kailanman. Sinabi ko rin na ang pagtanggap sa gawain ng Makapangyarihang Diyos ay pagkakanulo sa Panginoong Jesus at pagtalikod sa pananampalataya. Nakita ko na wala akong alam tungkol sa gawain ng Diyos at sobrang labo ng pananampalataya ko sa Kanya. Ang tatlong yugto ng gawain ay ang buong pagpapahayag ng gawain ng Diyos para iligtas ang sangkatauhan. Sa pagkaalam ko sa isa sa tatlong yugto ng gawain, ang alam ko lang ay isang bahagi ng disposisyon ng Diyos, ngunit napakahigpit kong nilimita ang disposisyon ng Diyos, ang Kanyang pagiging Diyos, ang Kanyang karunungan at ang Kanyang gawain sa limitadong saklaw na ito, sa paniniwala na kung ganito minsan ang Diyos, dapat ganito Siya parati. Makitid ang aking isip at hindi ko kilala ang Diyos, pero hinatulan ko ang pangalan at gawain ng Diyos. Mapagmataas talaga ako!

Kalaunan, nabasa ko ang marami pang salita ng Makapangyarihang Diyos, at natiyak ko na ang Makapangyarihang Diyos ay ang nagbalik na Panginoong Jesus, kaya umanib ako sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos at nagsimulang makipagtipon at magbasa ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos kasama ng mga kapatid. Pakiramdam ko ay sobrang natustusan ako. Salamat sa Diyos sa pagpapakita sa akin ng habag at kabaitan, nang sa ganitong paraan ay magawa kong mahimalang tanggapin ang pagliligtas ng Diyos sa mga huling araw at salubungin ang pagpapakita ng Panginoon!

Sinundan: 3. Masisira Mo ang Iyong Sarili sa Pagiging Hindi Malamig o Mainit sa Iyong Pananampalataya

Sumunod: 19. Kapag Namamayani ang Pagnanasa sa Katayuan

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

69. Pagbabalik sa Tamang Daan

Ni Chen Guang, USASabi ng Makapangyarihang Diyos, “Ang paglilingkod sa Diyos ay hindi simpleng gawain. Ang mga hindi nagbabago ang tiwaling...

Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos Ukol sa Pagkakilala sa Diyos Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw Paglalantad sa mga Anticristo Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Tahanan ng Diyos Mahahalagang Salita Mula sa Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga Huling Araw Araw-araw na mga Salita ng Diyos Ang Mga Katotohanang Realidad na Dapat Pasukin ng mga Mananampalataya sa Diyos Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin Mga Gabay para sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian Naririnig ng mga Tupa ng Diyos ang Tinig ng Diyos Makinig sa Tinig ng Diyos Masdan ang Pagpapakita ng Diyos Mahahalagang Tanong at Sagot tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian Mga Patotoong Batay sa mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume I) Mga Patotoong Batay sa mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume II) Mga Patotoong Batay sa mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume III) Mga Patotoong Batay sa mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IV) Mga Patotoong Batay sa mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume V) Mga Patotoong Batay sa mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VI) Mga Patotoong Batay sa mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VII) Mga Patotoong Batay sa mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VIII) Paano Ako Bumalik sa Makapangyarihang Diyos

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito

I-type ang hinahanap mong term sa search box

Mga Nilalaman
Mga Setting
Mga Aklat
Hanapin
mga Video