65. Ang Paghahangad sa Kasikatan at Pakinabang ay Tunay na Nagwasak sa Akin

Ni Zhongcheng, Tsina

Noong bata pa ako, nagkamit na ng tagumpay ang dalawa kong pinsan sa murang edad pa lang, at nagmay-ari na sila ng mga sasakyan at bahay. Tuwing Bagong Taon, kapag bumibisita kami sa mga kamag-anak, palagi nilang pinupuri at sinusulyapan nang may paghanga ang mga pinsan ko. Malalim na tumimo sa puso ko ang mga namumukod-tanging impresyon sa mga pinsan ko. Noong panahong iyon, ang pamilya ko ang pinakamahirap sa mga kamag-anak namin at minamaliit kami ng mga tao. Kaya naman, nainggit ako sa mga pinsan ko na nakukuha nila ang atensiyon ng iba saanman sila magpunta. Pakiramdam ko, ganito ang mamuhay nang may dignidad at halaga. Lihim akong nangako sa sarili ko, “Sa hinaharap, tiyak na mamumukod-tangi ako at mayroon akong maaabot, at mapapahanga sa akin ang mga kamag-anak at kaibigan ko.”

Sa edad na labing-anim, ako, na wala pa ring muwang, ay nagsimulang magtrabaho nang may mga pangarap sa puso ko. Naranasan ko ang mga paghihirap sa paghahanap ng trabaho nang mag-isa sa di-pamilyar na lungsod ng Guangzhou, at kinailangan ko pang matulog sa tabi ng mga taniman ng bulaklak malapit sa istasyon ng tren dahil wala akong pera. Magaganda ang mga mithiin ko, pero malupit ang realidad, at gaano man ako magsikap, hindi ko talaga kayang kumita nang malaki. Noong panahong iyon, ipinangaral sa akin ng nanay ko ang ebanghelyo ng Makapangyarihang Diyos ng mga huling araw, at ilang panahon akong dumalo sa mga pagtitipon, pero dahil gusto kong kumita ng pera at magkaroon ng mas maginhawang buhay, nagpatuloy ako sa ibang lugar para magtrabaho. Noong 2014, sumali ako sa isang kilalang chain company bilang isang salesman, iniisip ko, “Maraming kilalang tao at mayayaman ang nagsisimula sa pagbebenta. Ang pagbebenta ay hindi lang nagsasanay sa mga tao kundi pinahuhusay din nito ang mga kasanayan sa negosyo ng isang tao.” Sa kaisipang ito, masigasig kong isinubsob ang sarili ko sa trabaho. Para magkamit ng mga resulta, madalas akong naglalakbay sa mga probinsya at lungsod para sa mga business trip, nagtatrabaho araw-gabi, halos hindi na kumakain sa tamang oras o natutulog nang maayos. Bilang isang taong may pagkalula sa biyahe, palagi akong nahihilo at sobrang napapagod dahil sa araw-araw na pagbibiyahe. Sa tag-araw, habang naghahanap ako ng mga kalakal sa trak, basang-basa ako sa pawis, nakakapit ang pantalon ko sa mga binti ko na parang kakalaba lang ito. Noong isang taglamig, nabasag ang windshield ng sasakyan ko, at nagmaneho ako nang mahigit isandaang kilometro sa gitna ng napakalamig na hangin at niyebe. Pagbaba ko ng kotse, halos hindi ako makalakad nang matuwid dahil sa sobrang ginaw. Matibay kong pinaniwalaan na “ang mga nagtitiis ng mga paghihirap ay kayang magmaneho ng Land Rover,” at na ang mga paghihirap na tinitiis ko ngayon ay naghahanda sa daan para sa tagumpay sa kinabukasan. Nilayon kong makamit ang mga pangarap ko sa pamamagitan ng sarili kong mga pagsisikap. Sa kompanya, nakipag-ugnayan ako sa maraming brand manager, at kinainggitan ko ang mga bihis na bihis na elite, umaasa na balang araw ay maaari din akong maging brand manager, at makatanggap ng paghanga at papuri ng iba.

Matulin na lumipas ang dalawang taon, at sa wakas ay itinaas ang ranggo ko bilang brand manager. Pagkatapos niyon, maraming beses akong kinoronahan bilang department sales champion at kinilala bilang isang mahusay na brand manager. Tiningnan ako ng mga katrabaho ko nang may inggit at sinabing, “Hindi tatakbo ang brand na ito kung wala ka.” Madalas din akong isama ng factory manager sa mga pakikipagkita sa mga kliyente at palagi akong nireregaluhan. Natugunan ang aking banidad, at masayang-masaya ako. Pakiramdam ko, malakas ang mga kapabilidad ko sa gawain, at naglalakad ako nang may kumpiyansa. Sa udyok ng aking ambisyon, hindi na sapat para sa akin ang titulong brand manager, at gusto kong marating ang mas mataas pang posisyon, para makita ng mayayaman at mga makapangyarihan kong kamag-anak na mas mahusay ako kaysa sa kanila. Dahil sa madalas na mga business trip at pakikipagkita sa mga kliyente, sobrang pagod at hapong-hapo ako araw-araw, at hindi ito maibsan ng kahit gaanong haba ng tulog. Nagsimulang sumumpong ang sakit ko sa balat, at ointment lang ang maaasahan ko para sa pansamantalang lunas. Naisipan ko ring umuwi para alagaan ang kalusugan ko, pero nang maisip ko kung gaano ako labis na nagsikap para makamit ang mayroon ako, alam kong sa sandaling mag-leave ako sa trabaho para umuwi, may ibang sasalo sa brand na hawak ko, at mawawala sa akin ang posisyon ko bilang manager, at maglalaho ang lahat ng kasikatan at papuri. Napagpasyahan ko na hindi ako puwedeng madaling sumuko, at gaano man kahirap ang mangyari, kailangan kong magtiyaga.

Kalaunan, tinawagan ako ng isang provincial manager mula sa isang pabrika ng rice noodle, at gusto niyang ipasa sa akin ang pamamahala ng bentahan ng rice noodle sa dalawang lungsod. Naisip ko, “Kung gagalingan ko, baka maging provincial manager ako sa hinaharap. Para mamukod-tangi, kailangan kong maglakas-loob na harapin ang hamon ng mas mataas na posisyon.” Kaya, nagbitiw ako sa trabaho na maraming taon ko nang hawak, at naging city manager ako ng pabrika ng rice noodle. Nang mabalitaan ng mga tao sa baryo na naging city manager ako, may inggit na sinabi nila sa akin, “Kapag pirmihan ka na sa trabahong iyan, ipasok mo naman ang anak ko sa trabaho mo, ha.” Labis akong nasiyahan nang marinig ko ito, at natugunan ang banidad ko. Umaasa lang ako na balang araw ay magiging provincial manager ako, at kapag nangyari iyon, kahit saan ako magpunta, tatawagin akong elite ng iba, at siguradong magiging mas maganda rin ang tingin sa akin ng mga kamag-anak ko. Talagang nasabik ako sa mga kaisipang ito. Pero may hindi inaasahang nangyari. Noong unang bahagi ng 2021, lubhang bumaba ang kabuuang benta ng pabrika, at nababalisa kong tiningnan ang sunod-sunod na timbon ng mga rice noodle na malapit nang mag-expire. Dagdag pa roon, nagkaroon ako ng problema sa panunaw ko at araw-araw akong nagtatae dahil sa lahat ng business trip, pagpupuyat, at hindi pagkain sa tamang oras. Ang mas malubha, lumala nang husto ang psoriasis ko, at hindi ko na matiis ang pangangati ng balat ko. Natakpan ng makakapal na langib ang anit ko at para itong nag-aapoy sa hapdi, nagiging sobrang matigas na kahit pagkurap ay nahihirapan ako. Nagpunta ako sa maraming lugar para magpagamot, pero walang gumana sa mga gamot at iniksiyon. Pinahirapan ako ng kondisyon ko hanggang sa lubos akong mahapo. Pero ang lahat ng dalamhati, sakit, at kahinaang ito ay mga bagay na hindi ko kayang ibahagi sa iba, dahil natatakot ako na baka kutyain o maliitin nila ako. Kapag hindi ko na talaga kaya, tinatawagan ko ang nanay ko para ilabas ang mga pagkadismaya ko, at sa tuwina, sinasabi ng nanay ko, “Huminto ka na lang sa trabaho at umuwi ka na!” Pero sa pagsusumikap ko para marating ang posisyong ito, paano ko ito basta-bastang mabibitiwan? Hindi ko talaga kayang gawin iyon. May natitira pa ring matibay na paniniwala sa puso ko: “Ang buhay ay parang isang langgam, pero dapat ang isang tao ay may ambisyon katulad ng isang sisne, at bagaman kasingnipis ng papel ang buhay, dapat mayroong di-natitinag na espiritu ang isang tao.” Naisip ko, “Dahil gusto kong mamukod-tangi at magkamit ng magagandang bagay, tiyak na hindi maiiwasan ang pagdurusa.” Kaya, nagtiis ako hanggang Hunyo, pero hindi pa rin bumuti ang takbo ng pabrika. Makalipas ang ilang panahon, patuloy na lumala ang psoriasis ko, at kumalat na ito sa buong mukha ko. Nagsusuot na ako ng mask kapag bumibisita sa mga tindahan at nag-oorganisa ng mga kaganapan, at iniiwasan ako ng mga tauhan kapag nakikita nila ako. Masyado akong nabagabag, iniisip na, “Araw-araw akong nakikibaka at pumapasan ng ganoong katinding presyur, pero ganito ang resulta. Sulit ba talaga ang pagpupunyagi ko?” Makalipas ang ilang araw, tumawag ang isang kasamahan para sabihin sa akin na na-diagnose ng kanser ang lider namin at nagpapagamot ito sa ospital. Pagkababa ko ng telepono, matagal akong hindi mapakali. Tumayo ako sa harap ng salamin, tinitingnan ang mukha kong natatakpan ng mapupulang pantal, at nahulog ako sa malalim na pag-iisip, “Nasa kuwarenta anyos lang ang provincial manager; paanong bigla siyang nagkaroon ng nakamamatay na sakit? Kumikita siya ng maraming pera at nagkaroon ng kasikatan, pero kahit gaano kalaking pera ang kinikita niya o gaano man siya kasikat, hindi nito mababawi ang kalusugan niya. Nasa trenta anyos pa lang ako, at umiinda na ng napakaraming problema ang katawan ko. Kung magpapatuloy ako nang ganito, katulad din ba niya ang kakahantungan ko? Kung itataya ko ang kalusugan ko para magkamit ng gayong mga resulta, ano pa ang kabuluhan ng pera at mataas na pagpapahalaga mula sa iba?” Sa mga sumunod na araw, labis akong nakaramdam ng kalituhan at kawalan ng magagawa, na para bang hindi ako makausad sa buhay. Sa ilalim ng parehong presyur ng sakit ng katawan at pagod ng pag-iisip, nagbitiw ako sa trabaho ko, at nang may mabigat na puso, pinili kong umuwi para magamot ang karamdaman ko.

Pagkauwi ko, ginugol ko ang mga araw ko nang nakasimangot at nababagabag, iniisip na, “Pagkatapos ng lahat ng taong ito ng pagpupunyagi, pakiramdam ko ay bumalik ako sa umpisa. Nawala ang lahat ng kasikatan at pakinabang ko, at sa huli ay napuno ng sakit ang katawan ko. Paano pa ako makakapagpatuloy?” Nakita ng nanay ko na hindi ako masaya at binigyan niya ako ng kaunting gabay, nakikipagbahaginan na hindi natin kayang kontrolin ang tadhana natin at na ang lahat ng bagay ay inorden ng Diyos. Pagkatapos, binasa niya sa akin ang ilan sa mga salita ng Diyos. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Anumang trabaho ang pinipili ng isang tao, paano man siya naghahanap-buhay: may anumang kontrol ba ang mga tao kung gumagawa man sila ng tamang pagpili o maling pagpili sa mga bagay na ito? Sumasang-ayon ba ang mga bagay na ito sa kanilang mga pagnanais at kapasyahan? Karamihan sa mga tao ay nagnanais ng mga sumusunod: na mabawasan ang kanilang pagtatrabaho at kumita nang mas malaki, na hindi magtrabaho sa ilalim ng araw at ng ulan, manamit nang maganda, magningning at kuminang sa lahat ng dako, pangibabawan ang iba, at magdala ng karangalan sa kanilang mga ninuno. Umaasam ang mga tao na maging perpekto, subalit kapag ginawa na nila ang mga unang hakbang sa paglalakbay sa kanilang mga buhay, unti-unti nilang naiintindihan kung gaano kaimperpekto ang tadhana ng tao, at sa kauna-unahang pagkakataon ay tunay nilang nauunawaan ang katunayan na, bagaman maaaring makagawa ang isang tao ng mapangahas na mga plano para sa sariling kinabukasan at bagaman ang isang tao ay maaaring magtanim sa isip ng mapangahas na mga pantasya, walang sinuman ang may kakayahan o may kapangyarihan na isakatuparan ang kanyang sariling mga pangarap, at walang sinuman ang nasa posisyon na kontrolin ang kanyang sariling kinabukasan. Palaging magkakaroon ng ilang agwat sa pagitan ng mga pangarap ng isang tao at sa mga realidad na dapat niyang harapin; ang mga bagay ay hindi kailanman ayon sa ninanais ng isang tao, at sa harap ng ganoong mga realidad ay hindi kailanman makakamit ng mga tao ang kasiyahan o katiwasayan. May ilang tao na gagawin ang anumang maaaring gawin, magpupunyagi nang husto at gagawa ng malalaking sakripisyo para sa kapakanan ng kanilang mga hanapbuhay at hinaharap, sa pagtatangka na baguhin ang kanilang sariling kapalaran. Subalit sa katapusan, kahit na matupad nila ang kanilang mga pangarap at ninanais sa pamamagitan ng kanilang sariling pagsisikap, hindi nila kailanman mababago ang kanilang mga kapalaran, at gaano man kasidhi nilang subukin, hindi nila kailanman malalampasan ang naitakda na sa kanila ng tadhana. Kahit ano pa ang mga pagkakaiba sa abilidad, talino, at determinasyon, ang mga tao ay pantay-pantay lahat sa harap ng tadhana, na hindi tumitingin sa pagkakaiba ng malaki o maliit, ng mataas o mababa, ng pinaparangalan o hinahamak. Ang pinagsisikapang hanapbuhay, ang ginagawa ng isang tao upang kumita, at kung gaano karami ang natitipong kayamanan ng isang tao sa buhay ay hindi napagpapasyahan ng sariling mga magulang, ng sariling mga talento, ng sariling mga pagpupunyagi o sariling mga ambisyon, sa halip ay paunang itinakda ng Lumikha(Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi III). Napakatunay ng mga salita ng Diyos. Gusto ng lahat na mamuhay ng magandang buhay at nagsusumikap sila na makamit ito, pero sa huli, ang tadhana ng isang tao ay hindi isang bagay na kaya niyang pagpasyahan. Naisip ko ang mga pinsan ko. Hindi naman sila gaanong nagsikap, pero nagawa nilang maging mga lider sa anumang industriya na pinagtrabahuhan nila at nagtamasa sila ng magagandang benepisyo. Mahigit sampung taon akong nagpunyagi para maabot ang parehong tagumpay nila, pero tanging nakamit ko ay isang katawan na puno ng sakit, at ang lahat ng perang kinita ko ay napunta sa mga bayad sa ospital. Pagkatapos ay naalala ko ang isang dating empleyado. Hindi naman kahanga-hanga ang trabaho niya sa pagbebenta, pero nakatanggap siya ng mahigit sampung bahay bilang kabayaran sa relokasyon. Dahil dito, napagtanto ko na kung ano ang nakalaan, iyon talaga ang mangyayari, at na kahit gaano pa tayo magsikap, kung ang isang bagay ay hindi para sa atin, walang saysay ang lahat. Ang kapalaran ng isang tao ay wala sa mga kamay niya, at hindi ito mababago ng kahit anong pagsusumikap. Kalaunan, nabalitaan ng mga kapatid ang tungkol sa sitwasyon ko at nakipagbahaginan sila sa akin, sinasabing pinahintulutan din ng Diyos ang karamdamang ito, at na kung wala ang pagdurusang ito, baka hindi ako nakabalik sa Diyos. Lubos akong naantig. Naalala ko na nanampalataya ako noon sa Diyos pero umalis ako sa kalagitnaan dahil sa paghahangad ko ng kayamanan, kasikatan, at pakinabang. Kung hindi ako nagkasakit, baka nagpapalaboy-laboy pa rin ako at naliligaw sa mundong ito. Makalipas ang lahat ng taon na ito, hindi pa rin ako inabandona ng Diyos, at sa pamamagitan ng karamdaman na ito, dinala Niya ako pabalik sa Kanyang sambahayan para patuloy na manampalataya sa Kanya. Ang karamdaman na ito ay tunay na pagliligtas ng Diyos para sa akin, at tunay akong nagpapasalamat sa Diyos. Pagkatapos niyon, aktibo akong dumadalo sa mga pagtitipon at kumakain at umiinom ng mga salita ng Diyos.

Sa isang pagtitipon, binasa ng isang sister ang dalawang sipi ng mga salita ng Diyos. Sabi ng Diyos: “Iniisip ng mga tao na sa sandaling magkaroon sila ng kasikatan at pakinabang, may kapital sila para magtamasa ng mataas na katayuan at malaking kayamanan, at upang magsaya sa buhay. Iniisip nila na sa sandaling mayroon na silang kasikatan at pakinabang, may kapital na sila para maghangad ng kasiyahan at makibahagi sa walang-pakundangang pagtatamasa ng laman. Alang-alang sa kasikatan at pakinabang na ito na ninanais nila, ang mga tao ay kusa at di-namamalayang ibinibigay kay Satanas ang kanilang mga katawan, puso, at maging ang lahat ng mayroon sila, kasama na ang kanilang kinabukasan at kapalaran. Ginagawa nila ito nang walang pag-aatubili, ni wala ni isang sandali ng pagdududa, at hindi kailanman natutunan na bawiin ang lahat ng minsang mayroon sila. Mapapanatili ba ng mga tao ang anumang kontrol sa kanilang mga sarili sa sandaling isuko na nila ang kanilang sarili kay Satanas at maging tapat dito sa ganitong paraan? Tiyak na hindi. Sila ay ganap at lubos na kontrolado ni Satanas. Sila ay ganap at lubos na nalugmok sa putikang ito, at hindi magawang mapalaya ang kanilang mga sarili. Kapag ang isang tao ay nasadlak sa kasikatan at pakinabang, hindi na nila hinahanap ang kung ano ang maliwanag, ang makatarungan, o ang mga bagay na iyon na maganda at mabuti. Ito ay dahil, para sa mga tao, masyadong malakas ang pang-aakit ng kasikatan at pakinabang; ang mga ito ay mga bagay na puwedeng hangarin ng mga tao nang walang katapusan sa buong buhay nila at maging sa magpasawalang hanggan. Hindi ba’t ito ang aktuwal na sitwasyon?(Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi VI). “Ginagamit ni Satanas ang kasikatan at pakinabang upang kontrolin ang mga kaisipan ng mga tao, idinudulot sa mga tao na wala nang ibang isipin kundi ang dalawang bagay na ito. Nakikibaka sila para sa kasikatan at pakinabang, dumaranas ng mga paghihirap para sa kasikatan at pakinabang, nagtitiis ng kahihiyan at nagbubuhat ng mabibigat na pasanin para sa kasikatan at pakinabang, nagsasakripisyo ng lahat ng mayroon sila para sa kasikatan at pakinabang, at gumagawa sila ng lahat ng paghuhusga o pagpapasya alang-alang sa kasikatan at pakinabang. Sa ganitong paraan, naglalagay si Satanas ng mga di-nakikitang kadena sa mga tao, at, nang may mga kadenang ito, wala silang abilidad ni tapang na makaalpas. Nang di-namamalayan, dala nila ang mga kadenang ito sa bawat hakbang ng paglalakad nila, nang may labis na paghihirap. Alang-alang sa kasikatan at pakinabang na ito, lumilihis ang sangkatauhan mula sa Diyos at ipinagkakanulo Siya at lalo silang nagiging buktot. Sa ganitong paraan, sunud-sunod na nawawasak ang mga henerasyon sa gitna ng kasikatan at pakinabang ni Satanas. Kung titingnan ngayon ang mga kilos ni Satanas, hindi ba lubos na kamuhi-muhi ang masasamang motibo nito? Marahil ay hindi pa rin ninyo nakikilatis ngayon ang masasamang motibo ni Satanas dahil iniisip ninyo na mawawalan ng kabuluhan ang buhay kung walang kasikatan at pakinabang, at iniisip ninyo na kung tatalikuran ng mga tao ang kasikatan at pakinabang, hindi na nila makikita ang daan sa kanilang harapan, hindi na nila makikita ang kanilang mga layon, at magiging madilim, malabo at mapanglaw ang kanilang hinaharap. Ngunit, unti-unti, balang araw ay mauunawaan ninyong lahat na ang kasikatan at pakinabang ay malalaking kadenang inilalagay ni Satanas sa tao. Pagdating ng araw na iyon, lubusan mong lalabanan ang pagkontrol ni Satanas at ang mga kadenang dinadala sa iyo ni Satanas. Pagdating ng oras na nais mong palayain ang sarili mo mula sa lahat ng bagay na ito na ikinintal sa iyo ni Satanas, ganap kang hihiwalay kay Satanas at talagang kamumuhian mo ang lahat ng naidulot ni Satanas sa iyo. Saka ka lamang magkakaroon ng tunay na pagmamahal at pananabik sa Diyos(Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi VI). Lubos akong naantig ng mga salita ng Diyos. Para akong nagising mula sa isang panaginip. Napagtanto ko na ang kasikatan at pakinabang na hinangad ko mula pagkabata ay mga bitag na inihanda ni Satanas. Iniisip ko noon na ang paghahangad ng kasikatan at pakinabang ay may katwiran, na ang pamumuhay ay hindi lang tungkol sa kabusugan ng tiyan ng isang tao, kundi sa paghahangad din ng kasikatan at pakinabang, at na sa pamamagitan lang ng pamumuhay sa ganitong paraan makakapamuhay ang isang tao nang may dignidad at halaga. Ngayon, naunawaan ko na ang paghahangad ng kayamanan, kasikatan, at pakinabang ay katulad ng isang gamo-gamo na lumilipad palapit sa apoy, tila maliwanag ang lahat ng nakikita mo, pero kapag bumulusok ka talaga, maaari kang mawalan ng buhay. Sa pagbabalik-tanaw, napagtanto ko na mula pa sa murang edad, naikintal na sa akin ang iba’t ibang satanikong ideolohiya, gaya ng “Iniiwan ng tao ang kanyang pangalan saanman siya maglagi, tulad ng pagputak ng gansa saanman ito lumipad,” at “Nagsusumikap ang tao na umangat; dumadaloy ang tubig pababa,” “Ang isang mabuting tao ay nangangarap na makarating sa iba’t ibang panig ng mundo,” at iba pa. Dahil sa impluwensiya ng mga pananaw na ito, nagtakda ako sa sarili ko ng matatayog na mithiin at adhikain mula sa murang edad, at nagsimula akong maglakbay noong teenager pa ako, naghahanap ng mga oportunidad para matupad ang mga pangarap ko. Sa kabila ng maraming kabiguan, hindi ako sumuko. Lalo na nang marinig ko ang sikat na kasabihan, “Ang buhay ay parang isang langgam, pero dapat ang isang tao ay may ambisyon katulad ng isang sisne, at bagaman kasingnipis ng papel ang buhay, dapat mayroong di-natitinag na espiritu ang isang tao,” determinado akong gumawa ng pangalan para sa sarili ko, maging isang sikat na tao, at makuha ang paghanga ng mga tao. Sa pagbabalik-tanaw, lubha akong pinahirapan ng karamdaman at ang tangi kong nagawa ay umasa sa gamot para patuloy na mabuhay, pero para makamit ang paghangang hinahanap ko, nilampasan ko ang maraming paghihirap, at pagkatapos ng ilang taong pagsusumikap, sa wakas ay naging brand manager na ako at napahanga sa akin ang iba. Pero hindi pa rin ako nakontento. Para maging isang provincial manager at para maging mas maganda ang tingin sa akin ng mga kamag-anak ko, huminto ako sa trabahong hawak ko nang maraming taon para maging isang city manager. Nang bumagsak ang benta, inisip ko ang kung ano-anong posibleng solusyon, nahaharap sa presyur at pasakit ng karamdaman ko araw-araw habang nagsasaliksik ng mga estratehiya sa marketing. Nakaramdam ako ng sobrang pagod at pagkahapo, pero nang tuluyang bumigay ang katawan ko, saka lang ako pansamantalang huminto sa trabaho ko. Ginugol ko ang buong sarili ko at inubos ang kalusugan ko para sa desperadong paghahangad ng kasikatan at pakinabang, pero ang tanging napala ko ay pagdurusa. Tunay akong napinsala ng paghahangad ng pera, kasikatan, at pakinabang! Bagaman alam kong ipinapahayag ng Diyos ang katotohanan sa mga huling araw para gawin ang gawain ng pagliligtas sa mga tao, inaakay ako ng kasikatan at pakinabang kagaya ng isang asong nakatali, at walang pagnanais na lumapit sa Diyos. Mahigit isang dekada ang ginugol ko sa paghahangad ng kasikatan at pakinabang, at patuloy lang akong napapalayo lalo sa Diyos. Kung hindi dahil sa karamdamang ito, nagpatuloy sana ako sa paghahangad na ito, at sa huli, nauwi sana ito sa pagkawasak ko. Ang mga salita ng Diyos ang tumulong sa akin na makita ko nang malinaw ang pagdurusang dulot ng paghahangad sa kasikatan at pakinabang, at naging handa akong bitiwan ang mga bagay na ito mula sa puso ko at magpasakop sa kataas-taasang kapangyarihan at mga pagsasaayos ng Diyos.

Kalaunan, nabasa ko ang dalawa pang sipi mula sa mga salita ng Diyos, at mas lalo pang lumiwanag ang puso ko. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Dahil sa kataas-taasang kapangyarihan at paunang pagtatalaga ng Lumikha, ang isang malungkot na kaluluwa na nagsimula nang walang-wala ay nagkakaroon ng mga magulang at isang pamilya, ng pagkakataon na maging kasapi ng sangkatauhan, at ng pagkakataon na maranasan ang buhay ng tao at makapaglakbay sa mundo ng tao; nagtatamo rin ito ng pagkakataon na maranasan ang kataas-taasang kapangyarihan ng Lumikha, na malaman ang kamangha-manghang bagay ng paglikha ng Lumikha, at higit pa riyan ay ang pagkakataon na malaman at magpasailalim sa awtoridad ng Lumikha. Subalit hindi tunay na sinusunggaban ng karamihan ng tao ang pambihira at madaling lumipas na pagkakataong ito. Inuubos ng mga tao ang panghabambuhay na enerhiya sa paglaban sa kapalaran, at ginugugol ang buong buhay nila sa pagiging abala para tustusan ang kanilang pamilya at pabalik-balik silang nagmamadali alang-alang sa katanyagan at pakinabang. Ang mga bagay na pinahahalagahan ng mga tao ay ang pagmamahal ng pamilya, salapi, at kasikatan at pakinabang at itinuturing nila ang mga ito bilang ang pinakamahahalagang bagay sa buhay. Lahat ng tao ay nagrereklamo tungkol sa pagiging malas, subalit isinasantabi pa rin nila sa kanilang isipan ang mga usapin na pinakanararapat na unawain at siyasatin ng mga tao: bakit buhay ang tao, paano dapat mamuhay ang tao, at ano ang kahalagahan at kabuluhan ng buhay. Ilang taon man silang mabubuhay, ginugugol lamang nila ang buong buhay nila sa pagiging abala sa paghahanap ng kasikatan at pakinabang, hanggang sa lumipas na ang kabataan nila at nagkaroon na sila ng uban at kulubot, hanggang sa mapagtanto nila na hindi mapapahinto ng kasikatan at pakinabang ang pagtanda nila, na hindi maaaring punan ng salapi ang kahungkagan ng puso nila, at hanggang sa maunawaan nila na walang sinuman ang makakatakas mula sa mga batas ng pagsilang, pagtanda, pagkakasakit, at kamatayan, at na walang makakatakas sa mga pagsasaayos ng kapalaran. Tanging kapag kailangan na nilang harapin ang huling sugpungan ng buhay nila tunay na nauunawaan nila na kahit na magmay-ari ang isang tao ng napakalaking kayamanan at napakaraming ari-arian, kahit marami siyang pribilehiyo at may mataas na katayuan, walang sinuman ang maaaring makatakas sa kamatayan at bawat isa ay babalik sa kanyang orihinal na posisyon: isang nag-iisang kaluluwa, na walang anuman sa pangalan niya(Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi III). “Ginugugol ng mga tao ang kanilang buong buhay sa paghahanap ng salapi at kasikatan at pakinabang; mahigpit silang kumakapit sa mga dayaming ito, itinuturing ang mga ito ang tanging paraan nila ng suporta, na para bang kung mayroon sila nito ay maaari silang patuloy na mabuhay, na maaari silang makaiwas sa kamatayan. Subalit kapag malapit na silang mamatay doon lamang nila natatanto kung gaano kalayo ang mga bagay na ito sa kanila, at sa harap ng kamatayan, kung gaano sila kahina at kawalang kapangyarihan, kung gaano sila kabulnerable, at kung gaano sila kalungkot at tila walang-magawa, at walang matatakbuhan. Natatanto nila na ang buhay ay hindi nabibili ng salapi o ng kasikatan at pakinabang, na gaano man kayaman ang isang tao, gaano man kataas ang kanyang posisyon, lahat ng tao ay pantay-pantay na mahihirap at maliit sa harap ng kamatayan. Natatanto nila na hindi nabibili ng pera ang buhay, na hindi nabubura ng kasikatan at pakinabang ang kamatayan, na alinman sa pera o kasikatan at pakinabang ay hindi nakapagpapahaba ng buhay ng isang tao nang kahit na isang minuto o kahit na isang segundo. Habang mas lalong ganito ang nararamdaman ng mga tao, lalo nilang ninanais na patuloy na mabuhay; habang mas nararamdaman ito ng mga tao, mas kinatatakutan nila ang pagsapit ng kamatayan. Tanging sa punto na ito nila tunay na napagtatanto na ang kanilang mga buhay ay hindi kanila, wala sa kanilang kontrol, at walang sinuman ang makapagsasabi kung ang isang tao ay mabubuhay o mamamatay—ito ay wala sa kontrol ng sinuman(Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi III). Napakalinaw ng mga salita ng Diyos ng pakikipagbahaginan. Hindi kayang bilhin ng pera, kasikatan, at pakinabang ang buhay ng isang tao, ni hindi nito kayang iligtas ang sinuman mula sa kamatayan, at sa huli, walang kabuluhan ang paghahangad sa mga bagay na ito. Iniisip ko noon na ang pagkakaroon ng kasikatan at pakinabang ay makakapagbigay ng halaga sa buhay ko, at na makabuluhan ang mga bagay na ito, kaya naman, palagi kong itinuturing na mithiin ko ang manguna sa iba. Sa paglipas ng mga taon, nagdusa ako nang husto para magkamit ng kasikatan at pakinabang. Tila kumikita ako ng pera, nakakapagsuot ng magagarang damit, at nakakakuha ng paghanga ng iba, pero nang magkasakit ako, doon ko lang napagtanto na ang pera, kasikatan, at pakinabang, pati na rin ang papuri ng iba, ay walang magagawa para maibsan ang pagdurusa ko, ni hindi maibabalik ng mga ito ang kalusugan ko. Naalala ko ang provincial manager na nasa edad kuwarenta na nagkaroon ng kanser, at ang chairman na pumanaw dahil sa karamdaman. Mayroon sila ng parehong kasikatan at pakinabang, pero hindi nila kayang dalhin ang alinman sa mga ito sa kamatayan nila. Sa kabila ng puspusang pagkita ng malalaking halaga ng pera, namatay silang walang dala. Kung gayon, ano ang kabuluhan ng paghahangad ng kasikatan at pakinabang? Gaya ng sinabi ng Panginoong Jesus: “Ano ang pakikinabangan ng tao, kung makakamtan niya ang buong sanlibutan at maiwawala niya ang kanyang sariling buhay? O ano ang ibibigay ng tao na katumbas sa kanyang buhay?(Mateo 16:26).

Dati akong nagpapakaabala sa paghahangad ng kasikatan at pakinabang, lalong napapalayo sa Diyos sa ilalim ng tukso ng kasikatan at pakinabang. Nagtiis ako ng labis na pagdurusa at paghihirap para magkamit ng kasikatan at pakinabang, at napuno ng dalamhati at pasakit ang pakikipagsapalaran ko. Pero dumating muli sa akin ang pagmamahal ng Diyos, at sa kabila ng paghihimagsik ko laban sa Diyos sa loob ng napakaraming taon, hindi pa rin Niya ako sinukuan, at pinahintulutan Niya akong bumalik sa Kanyang sambahayan. Naiisip ko pa lang ito ay napapaluha na ako, at bumabalot sa puso ko ang mga damdamin ko ng pagkakautang sa Diyos. Naisip ko na mula noon, kailangan kong manampalataya nang maayos sa Diyos at suklian ang Kanyang pagmamahal.

Kalaunan, ginawa ko ang mga tungkulin ko sa iglesia. Isang beses, nabasa ko ang isang sipi ng mga salita ng Diyos: “Namumuhay ang mga nilikha sa ilalim ng kapamahalaan ng Lumikha, at tinatanggap nila ang lahat ng ibinibigay ng Diyos at lahat ng nagmumula sa Diyos, kaya dapat nilang tuparin ang kanilang mga responsabilidad at obligasyon. Ito ay ganap na natural at may katwiran, at inorden ng Diyos. Mula rito ay makikita na, ang pagtupad ng mga tao sa tungkulin ng isang nilikha ay mas makatarungan, maganda, at marangal kaysa sa anumang iba pang bagay na nagawa habang namumuhay sa lupa; wala sa sangkatauhan ang mas makabuluhan o karapat-dapat, at walang nagdudulot ng mas malaking kabuluhan at halaga sa buhay ng isang nilikhang tao, kaysa sa paggampan sa tungkulin ng isang nilikha. … Sa kondisyon na ginagampanan ng mga nilikha ang kanilang mga tungkulin, nakagawa ang Lumikha ng mas higit na dakilang gawain sa sangkatauhan, isinakatuparan Niya ang isang karagdagang hakbang ng gawain sa mga tao. At anong gawain iyon? Tinutustusan Niya ang sangkatauhan ng katotohanan, na tinutulutan silang makamit ang katotohanan mula sa Diyos habang ginagampanan nila ang kanilang mga tungkulin at sa ganoong paraan ay naiwawaksi ang kanilang mga tiwaling disposisyon at nadadalisay sila, natutugunan nila ang mga layunin ng Diyos at tumatahak na sila sa tamang landas sa buhay, at, sa huli, nagagawa nilang matakot sa Diyos at umiwas sa kasamaan, magtamo ng ganap na kaligtasan, at hindi na mapasailalim sa mga pagpapahirap ni Satanas. Ito ang panghuling epektong nilalayon ng Diyos na makamit sa pamamagitan ng pagpapagampan sa mga tao ng mga tungkulin. Samakatwid, sa proseso ng pagganap sa iyong tungkulin, hindi lamang ipinapakilatis ng Diyos sa iyo nang malinaw ang isang bagay at ipinapaunawa ang kaunting katotohanan, ni hindi ka lamang Niya hinahayaang matamasa ang biyaya at mga pagpapala na natatanggap mo sa pamamagitan ng paggampan sa iyong tungkulin bilang isang nilikha. Bagkus, pinahihintulutan ka Niyang madalisay at maligtas, at, sa huli, ay makapamuhay sa liwanag ng mukha ng Lumikha(Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikasiyam na Aytem (Ikapitong Bahagi)). Matapos basahin ang mga salita ng Diyos, naunawaan ko na bilang isang nilikha, dapat kong gawin ang mga tungkulin ko, at na ito ang responsabilidad at obligasyon ng isang tao. Tanging sa pamamagitan ng paggawa ng mga tungkulin ko ako magkakaroon ng pagkakataong makamit ang katotohanan at ang buhay, maiwaksi ang tiwaling disposisyon ko, malinis at mabago, at sa huli ay matanggap ang pagliligtas ng Diyos. Ang paggawa nang maayos sa sariling tungkulin ay ang pinakaimportante at pinakamahalagang bagay sa buhay. Mula noon, araw-araw akong kumakain at umiinom ng mga salita ng Diyos, at ang puso ko ay napuno ng kapayapaan at kagalakan. Sa paggawa ng mga tungkulin ko, sa tuwing nagbubunyag ako ng katiwalian ko, binabasa ko ang mga salita ng Diyos para pagnilayan at kilalanin ang sarili ko, at sa gayon ay nalulutas ang tiwaling disposisyon ko. Ang mga bagay na ito ay bunga lahat ng paggawa ko sa mga tungkulin ko. Makalipas ang ilang panahon, bumuti rin ang kalusugan ko.

Noong 2022, pagkatapos ng Spring Festival, tinawagan ako ng pinsan ko at sinabi na ang manager ng dati kong kompanya ay nailipat na, at gusto ng bise presidente na bumalik ako bilang manager. Nang marinig ko ang sinabing ito ng pinsan ko, naisip ko, “Maraming taon akong nagsumikap sa kompanyang ito. Kung hindi ako babalik, mawawala lahat ng koneksiyon ko. Bukod pa rito, ang brand na ito ay nasa larangan na may malaking potensyal para sa pag-unlad ng kompanya, at isa itong posisyon bilang manager. Hindi lang ako nito mabibigyan ng katanyagan, kundi makakasalamuha ko rin ang middle at senior management, at magkakamit ako ng kasikatan at pakinabang. Isa itong posisyon na kinakainggitan ng maraming tao, at kung hindi ko ito tatanggapin, baka hindi na ako muling magkaroon ng ganitong oportunidad. Pero masyadong abala ang trabahong ito, at hindi ako magkakaroon ng anumang oras para magbasa ng mga salita ng Diyos o gumawa ng mga tungkulin ko.” Pagkatapos, naalala ko ang pasakit na idinulot sa akin noon ng paghahangad ko ng kasikatan at pakinabang, at ayaw kong bumalik sa sekular na mundo at patuloy na mapinsala ni Satanas. Kaya, tinanggihan ko ang posisyon. Hindi makapaniwala ang pinsan ko at paulit-ulit niya akong pinaalalahanan na bihira lang ang gayong oportunidad, at sinabihan niya ako na pag-isipan itong mabuti at bukas na tumugon. Nang sandaling iyon, naisip ko, “Higit isang taon na akong wala sa kompanya, kaya, bakit bigla nila akong gustong maging manager ulit ngayong kakasimula ko pa lang gawin ang mga tungkulin ko?” Naging malinaw sa akin na ito ay panunukso ni Satanas, at naalala ko ang sinabi ng Diyos: “Sa bawat hakbang ng gawaing ginagawa ng Diyos sa mga tao, sa panlabas ay mukha itong pag-uugnayan sa pagitan ng mga tao, na para bang mula sa pagsasaayos ng tao, o mula sa panggugulo ng tao. Ngunit sa likod ng bawat hakbang ng gawain, at lahat ng nangyayari, ay isang pustahan na ginawa ni Satanas sa harap ng Diyos, at hinihingi nito sa mga tao na manindigan sa kanilang patotoo sa Diyos. Gaya nang si Job ay sinubok, halimbawa: Sa likod ng mga eksena, nakikipagpustahan si Satanas sa Diyos, at ang nangyari kay Job ay mga gawa ng mga tao, at ang panggugulo ng mga tao. Sa likod ng bawat hakbang ng gawaing ginagawa ng Diyos sa inyo ay ang pakikipagpustahan ni Satanas sa Diyos—sa likod ng lahat ng ito ay isang labanan(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Pagmamahal Lamang sa Diyos ang Tunay na Pananampalataya sa Diyos). Sa panlabas, ang pinsan ko ang humihiling sa akin na bumalik bilang manager, pero sa realidad, panlalansi ito ni Satanas. Sinusubukan ni Satanas na gamitin ito para hilahin ako pabalik sa landas ng paghahangad ng kasikatan at pakinabang. Noong panahong iyon, ginagawa ko ang tungkulin ko ng pagdidilig sa iba, at may ilang baguhan na kailangang diligan at suportahan. Hindi ko puwedeng talikuran ang tungkulin ko dahil lang sa trabaho. Ngayon, malapit nang matapos ang gawain ng Diyos, at minsan lang sa buhay ang oportunidad na ito na magagawa kong manampalataya sa Diyos at magagawa ko ang tungkulin ko. Dapat kong igugol ang oras ko sa paggawa ng tungkulin ko at paghahangad sa katotohanan. Mas mahalaga ito kaysa sa pagiging isang manager. Kinabukasan, tinanggihan ko ang alok ng pinsan ko, at nakadama ako ng malaking kapanatagan sa puso ko. Kahit na hindi ako isang manager ngayon at hindi kasingkinang ng dati ang buhay ko, matatag naman ito. Mayroon akong pagkain at damit, at nakakaraos ako. Handa akong gugulin ang lahat ng araw ko sa paggawa ng tungkulin ko at taimtim na paghahangad sa katotohanan para palugurin ang Diyos.

Sinundan: 63. Matapos Magsakit Ang Bata Kong Anak na Lalaki

Sumunod: 66. Ang Pagkakaroon ng Pagkilala sa Aking Mababang Pagtingin sa Sarili

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos Ukol sa Pagkakilala sa Diyos Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw Paglalantad sa mga Anticristo Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Tahanan ng Diyos Mahahalagang Salita Mula sa Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga Huling Araw Araw-araw na mga Salita ng Diyos Ang Mga Katotohanang Realidad na Dapat Pasukin ng mga Mananampalataya sa Diyos Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin Mga Gabay para sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian Naririnig ng mga Tupa ng Diyos ang Tinig ng Diyos Makinig sa Tinig ng Diyos  Masdan ang Pagpapakita ng Diyos Mahahalagang Tanong at Sagot tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume I) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume II) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume III) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IV) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume V) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VI) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VIII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IX) Paano Ako Bumalik sa Makapangyarihang Diyos

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito