39. Hindi Na Ako Nababahala o Nag-aalala Dahil Sa Aking Edad

Ni Nash, Cambodia

Noong 1995, nanampalataya kami ng asawa ko sa Panginoong Jesucristo, at pagkalipas ng dalawang taon, tinanggap namin ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. Hindi ko kailanman inakala na magagawa kong salubungin ang Panginoon habang nabubuhay pa ako. Labis akong naging masaya. Pagkatapoos noon, sinimulan kong mangaral ng ebanghelyo at gawin ang aking tungkulin. Gaano man ako kaabala, hindi ako kailanman nag-antala. Talagang masigasig ako noon. Kahit sinalungat at pinigilan ako ng mga kamag-anak kong di-nananampalataya, hindi ko naramdaman na nagdurusa ako.

Sa paglipas ng panahon at pagdaan ng mga taon, sa isang iglap, dalawampu’t pitong taon na ang nakalipas, at ako ay naging animnapung taong gulang na. Malinaw sa akin na hindi na kasinglakas ng dati ang katawan ko, at sobra nang lumala ang memorya ko. Nakakalimutan ko ang mga bagay pagkatapos mapag-usapan ang mga ito, at minsan makakalimutin ako. Dalawang beses na akong inopera sa mata, at pagkatapos ng matagal na pagtingin sa kompyuter, sumasakit ang mga mata ko at nagluluha, at sa gabi, nagiging malabo ang paningin ko. Minsan, habang naglalakad, napansin kong kusang lumiliko sa kanan ang katawan ko. Sinubukan kong lumakad nang diretso, pero hindi ko mapigilang kumiling sa kanan. Nag-alala ako na baka mauwi ako sa bahagyang pagkaparalisa. Kalaunan, isinaayos ko nang makatwiran ang aking mga oras ng pahinga, nag-ehersisyo ako araw-araw, at tinulungan ako ng isang kapatid sa physical therapy. Pagkalipas ng ilang panahon, bumuti ang kalusugan ko, pero pakiramdam ko ay hindi pa rin mapantayan ng lakas ko ang pagnanais kong magawa ang tungkulin ko. Nakikita ko ang mga kabataan na ginagawa ang kanilang pangunahing gawain nang maayos habang ginagampanan din ang iba pang mga tungkulin. Kumpara sa kanila, hindi mabigat ang aking trabaho, pero nakakapagod ito para sa akin. Doon ko lamang napagtanto na tumatanda na talaga ako. Pakiramdam ko, para akong naging walang silbi, hindi na makapagtrabaho nang maayos, at baka mawala pa ang pagkakataon kong gawin ang tungkulin ko. Nag-aalala rin ako na kung lumala pa ang mga mata ko, baka hindi ko na mabasa ang mga salita ng Diyos. Magkakaroon pa kaya ako ng pagkakataong maligtas kung ganoon? Sa pag-iisip ng mga bagay na ito, napuno ng kalungkutan ang puso ko. Kahit na ginagawa ko pa rin ang tungkulin ko, ang katotohanan ay, nalagay na ako sa isang negatibo at pasibong kalagayan. Ginagawa ko lamang ang tungkulin ko nang mekanikal, parang isang robot, at minsan, habang ginagawa ko ang tungkulin ko sa kompyuter, nakakatulog ako. Sa ganitong paraan, iniraos ko lang ang mga araw. Minsan, hindi ko pa nga nauunawaan ang Diyos, iniisip ko, “Bakit ba kailangang maging walang silbi ako kung kailan mabilis nang lumalaganap ang ebanghelyo? Kung ipinanganak lang sana ako pagkalipas ng ilang dekada! Mukhang hindi ako isang taong ililigtas ng Diyos, at isa lamang akong tagapagserbisyo.” Habang mas iniisip ko ito, mas lalo akong nanlulumo at nawawalan ng ganang gampanan ang tungkulin ko. Kapag nakikita ako ng ilang kapatid, tinatanong nila, “Anong problema? Parang iba ka ngayon. Nasaan na ang sigasig mo sa iyong tungkulin?” Sumagot ako nang may panghihina, “Matanda na ako ngayon, hindi na ako katulad ng dati.” Noong panahong iyon, palagi akong nabubuhay sa negatibidad, pero hindi ko mahanap ang dahilan kung bakit.

Sa kalaliman ng aking paghihirap, narinig ko ang isang sipi ng mga salita ng Diyos. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Mayroon ding matatandang kapatid na ang edad ay 60 hanggang bandang 80 o 90, at dahil sa kanilang katandaan, nakakaranas din sila ng ilang paghihirap. Sa kabila ng kanilang edad, hindi palaging tama o makatwiran ang kanilang pag-iisip, at ang kanilang mga ideya at pananaw ay hindi palaging naaayon sa katotohanan. May mga problema rin ang mga matatandang ito, at palagi silang nag-aalala, ‘Hindi na masyadong malakas ang katawan ko at may mga limitasyon na sa kung anong tungkulin ang aking magagampanan. Kung gagampanan ko lamang itong maliit na tungkulin na ito, tatandaan kaya ako ng Diyos? Minsan ay nagkakasakit ako, at kailangan ko ng mag-aalaga sa akin. Kapag walang nag-aalaga sa akin, hindi ko magampanan ang aking tungkulin, kaya ano ang magagawa ko? Matanda na ako at hindi ko na naaalala ang mga salita ng Diyos kapag binabasa ko ito at nahihirapan akong maunawaan ang katotohanan. Kapag nakikipagbahaginan tungkol sa katotohanan, magulo at hindi maayos ang pagsasalita ko, at wala akong karanasan na karapat-dapat na ibahagi. Matanda na ako at kulang na ako sa enerhiya, malabo na ang aking paningin at hindi na ako malakas. Ang lahat ay mahirap na para sa akin. Maliban sa hindi ko magampanan ang aking tungkulin, madali rin akong makalimot ng mga bagay-bagay at magkamali. Minsan ay nalilito ako at nagdudulot ako ng problema sa iglesia at sa aking mga kapatid. Gusto kong makamtan ang kaligtasan at mahangad ang katotohanan ngunit napakahirap nito. Ano ang puwede kong gawin?’ Kapag iniisip nila ang mga ito, nagsisimula silang mabahala, iniisip na, ‘Bakit ba kung kailan matanda na ako ay saka lang ako sumampalataya sa Diyos? Bakit ba hindi ako katulad niyong mga nasa edad 20 at 30, o maging niyong mga nasa edad 40 at 50? Bakit ba natagpuan ko lang ang gawain ng Diyos kung kailan napakatanda ko na? Hindi naman sa masama ang aking kapalaran; kahit papaano ngayon ay natagpuan ko na ang gawain ng Diyos. Maganda ang kapalaran ko, at naging mabuti ang Diyos sa akin! May isang bagay lang na hindi ako nasisiyahan, at iyon ay ang masyado na akong matanda. Hindi na matalas ang aking memorya, at hindi na rin malakas ang kalusugan ko, ngunit matatag ang kalooban ko. Kaya lang ay hindi na ako sinusunod ng katawan ko, at inaantok ako pagkatapos kong makinig nang matagal-tagal sa mga pagtitipon. Minsan ay pumipikit ako upang magdasal at nakakatulog ako, at lumilipad ang isip ko kapag nagbabasa ako ng mga salita ng Diyos. Matapos magbasa nang kaunti, inaantok ako at nakakatulog, at hindi ko nauunawaan ang mga salita. Ano ang magagawa ko? Nang may ganitong mga praktikal na suliranin, mahahangad at mauunawaan ko pa ba ang katotohanan? Kung hindi, at kung hindi ako makapagsasagawa ayon sa mga katotohanang prinsipyo, hindi ba’t mawawalan ng saysay ang lahat ng aking pananampalataya? Hindi ba’t mabibigo akong makamtan ang kaligtasan? Ano ang puwede kong gawin? Nag-aalala ako nang husto! …’ … Nahuhulog sa malalim na pagkabagabag, pagkabalisa, at pag-aalala ang matatandang ito dahil sa kanilang edad. Sa tuwing nahaharap sila sa ilang pagsubok, kabiguan, paghihirap, o hadlang, sinisisi nila ang kanilang edad, at napopoot pa nga sila sa kanilang sarili at hindi nila gusto ang kanilang sarili. Pero anu’t anuman, wala itong saysay, walang solusyon, at wala silang daan pasulong. Posible nga talaga kayang wala silang daan pasulong? May solusyon ba? (Dapat pa ring magampanan ng matatanda ang kanilang mga tungkulin sa abot ng kanilang makakaya.) Katanggap-tanggap naman na gampanan ng matatanda ang kanilang tungkulin sa abot ng kanilang makakaya, tama ba? Hindi na ba mahahangad ng matatanda ang katotohanan dahil sa kanilang edad? Wala na ba silang kakayahan na maunawaan ang katotohanan? (Kaya nila.) Kaya bang unawain ng matatanda ang katotohanan? Maaari nilang maunawaan ang ilan, at maging ang mga kabataan ay hindi rin naman maunawaan ang lahat ng ito. Ang matatanda ay palaging may maling akala, iniisip nilang malilituhin na sila, na mahina na ang kanilang memorya, kaya hindi nila maunawaan ang katotohanan. Tama ba sila? (Hindi.) Bagaman higit na mas marami ang enerhiya ng mga kabataan kaysa sa matatanda, at mas malakas ang kanilang katawan, ang totoo, ang kanilang kakayahan na makaunawa, makaintindi, at makaalam ay katulad lamang ng sa matatanda. Hindi ba’t minsan ding naging kabataan ang matatanda? Hindi sila ipinanganak na matanda, at darating din ang araw na ang mga kabataan ay tatanda rin. Hindi dapat palaging isipin ng matatanda na dahil sila ay matanda na, mahina ang katawan, may karamdaman, at mahina ang memorya, ay naiiba na sila sa mga kabataan. Ang totoo, wala namang pagkakaiba(Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan. Paano Sikaping Matamo ang Katotohanan 3). Pagkatapos pakinggan ang mga salita ng Diyos, naunawaan ko na normal na proseso lang na tumanda ang isang taong bata. Bawat isa ay dumadaan sa parehong kabataan at katandaan, pero sa paningin ng Diyos, pareho lang ang mga bata at matatanda. Mas marami lang enerhiya at lakas ng katawan ang mga kabataan kaysa sa matatanda. Gayumpaman, ang kakayahan ng mga tao na makaunawa at makaarok ay pareho lang. Hindi pinapaboran ng Diyos ang mga kabataan, at hindi rin Niya minamaliit ang matatanda. Pero hindi ko naunawaan nang malinaw ang layunin ng Diyos at nagkamali pa ako ng pagkaunawa sa Kanya. Inakala ko na dahil matanda na ako, hindi mabuti ang kalusugan, at lumalabo na ang aking paningin, hindi ko na magagampanan ang aking tungkulin nang may sigla tulad noong kabataan ko, kaya hindi na ako maliligtas. Nagreklamo pa nga ako sa Diyos dahil hinayaan Niyang tumanda ako bago ang yugtong ito ng pagpapalaganap ng ebanghelyo. Talagang hindi ako naging makatwiran! Ang mga baluktot na kaisipang ito ay gumulo sa akin, kaya ako naging negatibo, tumigil sa paghahangad sa katotohanan, at iniraos na lang ang mga araw. Hindi ko nga ginagawa ang mga pangunahing bagay na dapat kong gawin o ang mga bagay na kaya kong gawin. Sinabi ng Diyos na maaaring gawin ng matatanda ang kanilang mga tungkulin sa abot ng kanilang makakaya. Sa katunayan, maraming tungkulin ang angkop para sa matatanda, tulad ng pagpapatuloy sa mga kapatid, pangangaral ng ebanghelyo, pagdidilig ng mga baguhan, at pagsusulat ng mga sermon. Hangga’t ang isang tao ay handang gampanan ang kanyang tungkulin at matugunan ang Diyos, maraming tungkulin ang dapat niyang gawin. Bagamat matanda na ako, binigyan pa rin ako ng iglesia ng mga pagkakataon para magampanan ang tungkulin ko. Maaari akong mangaral ng ebanghelyo online at maglinang ng mga baguhan para magawa ito. Marami pang tungkulin na kaya kong gawin, pero dahil patuloy kong inihahambing ang sarili ko sa mga kabataan, hindi ko magawang pakalmahin ang puso ko para gampanan nang maayos ang kasalukuyan kong tungkulin. Nang pinag-isipan ko ito, nakita ko na ang mga isyu at paghihirap ko ay kayang solusyunan. Dahil mahina ang memorya ko, maaari akong magsulat ng mga tala, at kapag hindi na komportable ang mga mata ko dahil sa matagal na paggamit ng kompyuter, maaari akong magpahinga nang sapat at magsagawa ng mga ehersisyo para sa mata. Puwede rin akong gumamit ng warm compress para maibsan ang pagod ng mata. Nang mapagtanto ko ang mga bagay na ito, hindi na ako naapektuhan ng edad ko, at naging handa akong gampanan nang maayos ang tungkulin ko sa abot ng aking makakaya.

Pagkatapos noon, napaisip ako, “Bakit ba noong bata pa ako, kahit gaano kahirap o kanakakapagod ang tungkulin ko, lagi akong may lakas, pero ngayong matanda na ako at hindi na maganda ang kalusugan ko, nagiging pasibo at negatibo ako kapag naiisip kong hindi na kasingdami ng dati ang kaya kong gawin?” Pagkatapos ay naalala ko ang dalawang sipi ng mga salita ng Diyos na nabasa ko noon. Sabi ng Diyos: “Dito, natutuklasan natin ang isang dating di-matukoy na problema: Ang relasyon ng tao sa Diyos ay isa lamang hayagang pansariling interes. Isa itong relasyon sa pagitan ng isang tumatanggap at isang nagbibigay ng mga pagpapala. Sa madaling salita, ito ang relasyon sa pagitan ng empleyado at ng amo. Nagtatrabaho nang husto ang empleyado para lang makatanggap ng mga gantimpalang ipinagkakaloob ng amo. Walang pagmamahal sa gayong relasyon na nakabatay lang sa interes, transaksiyon lamang. Walang nagmamahal o minamahal, kawanggawa at awa lamang. Walang pagkakaunawaan, walang magawang pigil na galit at panlilinlang lamang. Walang pagiging matalik, isang pagitan lamang na hindi matatawid. Ngayong umabot na ang mga bagay-bagay sa puntong ito, sino ang makapagbabaligtad ng gayong kalakaran? At ilang tao ang may kakayahang tunay na maunawaan kung gaano na kalala ang relasyong ito? Naniniwala Ako na kapag ibinuhos ng mga tao ang kanilang sarili sa galak ng pagiging mapalad, walang sinumang makakaisip kung gaano kahiya-hiya at hindi magandang tingnan ang gayong relasyon sa Diyos(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Apendise 3: Maaari Lamang Maligtas ang Tao sa Gitna ng Pamamahala ng Diyos). “Nananampalataya ang mga tao sa Diyos upang pagpalain, magantimpalaan, at makoronahan. Hindi ba’t umiiral ito sa puso ng lahat? Isang katunayan na umiiral nga ito. Bagama’t hindi ito madalas tinatalakay ng mga tao, at pinagtatakpan pa nga ang kanilang motibo at hangaring magtamo ng mga pagpapala, ang paghahangad at motibong ito sa kaibuturan ng puso ng mga tao ay hindi matinag-tinag noon pa man. Gaano man karaming espirituwal na teorya ang nauunawaan ng mga tao, anumang kaalaman na batay sa karanasan ang mayroon sila, anumang tungkulin ang kaya nilang gampanan, gaano mang pagdurusa ang tinitiis nila, o gaano man ang halagang binabayaran nila, hinding-hindi nila binibitawan ang motibasyon para sa mga pagpapala na nakatago sa kaibuturan ng kanilang mga puso, at laging tahimik na nagpapakapagod para dito. Hindi ba’t ito ang bagay na nakabaon sa pinakakaibuturan ng puso ng mga tao? Kung wala ang motibasyong ito na tumanggap ng mga pagpapala, ano ang mararamdaman ninyo? Sa anong saloobin ninyo gagampanan ang inyong tungkulin at susundan ang Diyos? Ano kaya ang mangyayari sa mga tao kung mawawala ang motibasyong ito na tumanggap ng mga pagpapala na nakatago sa kanilang puso? Posible na magiging negatibo ang maraming tao, samantalang ang ilan ay mawawalan ng gana sa kanilang mga tungkulin. Mawawalan sila ng interes sa kanilang pananampalataya sa Diyos, na para bang naglaho ang kanilang kaluluwa. Magmumukha silang inalisan ng kanilang puso. Ito ang dahilan kung bakit sinasabi Kong ang motibasyon para sa mga pagpapala ay isang bagay na nakatago sa kaibuturan ng puso ng mga tao(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Anim na Pahiwatig ng Paglago sa Buhay). Matapos basahin ang mga salita ng Diyos na nagsisiwalat, lubos na nahiya ako. Nanampalataya ako sa Diyos at nagsakripisyo para lamang makamit ang Kanyang mga pagpapala. Noong bata pa ako, nagawa kong masigasig na ipangaral ang ebanghelyo at handa akong gugulin ang sarili ko para sa Diyos, at anumang sakit o pagod, hindi ako nagreklamo dahil inisip ko na basta’t mas marami akong nagawang gawain at mas maraming naipangaral na ebanghelyo para makapaghanda ng mabubuting gawa, ililigtas ako ng Diyos at tatanggap ako ng Kanyang mga pagpapala. Sa isang kisap-mata, mahigit dalawampung taon na ang lumipas, at ngayon, sa aking katandaan at masamang kalusugan, ang mga klase ng tungkulin na kaya kong gawin ay naging limitado, kaya naisip ko na hindi na ako makakatanggap ng mga pagpapala o maliligtas pa. Nang makita kong masira ang pangarap kong magtamo ng mga pagpapala, nawalan ako ng pag-asa at sinukuan ko ang aking sarili. Ni ayaw ko ngang gawin ang dapat at kaya kong gawin. Ang lahat ng diumano ay pananalig at pag-ibig ko noon ay nawala na. Naramdaman ko pa nga na wala nang saysay na manampalataya pa sa Diyos. Napuno ang puso ko ng hindi pagkaunawa at ng mga reklamo laban sa Diyos. Napagtanto ko na ang pananampalataya ko sa Diyos ay para lamang sa mga pagpapala, at ang halaga na ibinayad ko ay isang pagtatangka na makipagtawaran sa Diyos. Naisip ko ang maraming matatandang kapatid na nasa paligid ko, ang ilan ay mas matanda pa sa akin, at kung paano nilang lahat tahimik na ginagampanan ang kanilang tungkulin sa abot ng kanilang makakaya. Bakit hindi ko magawa ang ganoon? Namuhay ako na palaging nag-aalala at hindi ko hinanap ang alinman sa mga katotohanang naroroon para sa akin. Hindi ba parang wala na lang akong ginagawa at naghihintay na lamang sa pagwasak? Ginagamit ni Satanas ang iba’t ibang kahirapan ko—tulad ng aking katandaan, masamang kalusugan, mahinang memorya, at malabong paningin para guluhin ako, sa pag-asang mawawalan ako ng pananalig sa Diyos at isusuko ko ang pagkakataon kong hangarin ang katotohanan. Hindi na ako puwedeng mahulog sa mga panlilinlang ni Satanas. Kailangan kong gawin nang maayos ang tungkulin ko para masuklian ang pag-ibig ng Diyos.

Kalaunan, nakabasa ako ng ilang salita ng Diyos: “Sinasabi Ko man na kayo ay paurong o may mahinang kakayahan, pawang totoo ang mga ito. Ang pagsasabi Ko nito ay hindi nagpapatunay na binabalak Kong talikuran kayo, na nawalan na Ako ng pag-asa sa inyo, lalong hindi na ayaw Kong iligtas kayo. Naparito Ako ngayon upang gawin ang gawain ng pagliligtas sa inyo, na ang ibig sabihin ay ang gawain na Aking ginagawa ay isang pagpapatuloy ng gawain ng pagliligtas. Ang bawat tao ay may pagkakataon upang magawang perpekto: Basta’t ikaw ay handa, basta’t patuloy kang naghahangad, sa huli ay magagawa mong makamit ang resultang ito, at walang sinuman sa inyo ang matatalikuran. Kung mahina ang iyong kakayahan, ang Aking mga hihingin sa iyo ay alinsunod sa iyong mahinang kakayahan; kung magaling ang iyong kakayahan, ang Aking mga hihingin sa iyo ay alinsunod sa iyong magaling na kakayahan; kung ikaw ay ignorante at mangmang, ang Aking mga hihingin sa iyo ay alinsunod sa iyong kamangmangan; kung ikaw ay may pinag-aralan, ang Aking mga hihingin sa iyo ay alinsunod sa katunayan na ikaw ay may pinag-aralan; kung ikaw ay nakatatanda, ang Aking mga hihingin sa iyo ay alinsunod sa iyong katandaan; kung ikaw ay may kakayahang magbigay ng kagandahang-loob, ang Aking mga hihingin sa iyo ay magiging alinsunod sa kakayahang ito; kung sinasabi mong hindi ka makapagbibigay ng kagandahang-loob, at magagampanan mo lamang ang isang partikular na tungkulin, maging ito man ay pagpapalaganap ng ebanghelyo, o pag-aalaga sa iglesia, o pagdalo sa iba’t ibang mga pangkalahatang usapin, ang Aking pagpeperpekto sa iyo ay magiging alinsunod sa tungkulin na iyong ginagampanan. Ang pagiging tapat, ang pagpapasakop hanggang sa pinakahuli, at ang paghahangad na magkaroon ng pinakadakilang pag-ibig sa Diyos—ito ang kailangan mong tuparin, at wala nang iba pang mas magandang mga pagsasagawa kaysa sa tatlong bagay na ito. Sa kahuli-hulihan, kinakailangang makamit ng tao ang tatlong bagay na ito, at kung makakamit niya ang mga iyon, sa gayon ay gagawin siyang perpekto. Ngunit, sa ibabaw ng lahat, dapat kang talagang maghabol, dapat kang aktibong magpatuloy nang pasulong at pataas, at huwag maging walang-kibo sa bagay na iyan(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Pagpapanumbalik ng Normal na Buhay ng Tao at Pagdadala sa Kanya sa Isang Kamangha-manghang Hantungan). “Para sa bawat tao, hindi mahalaga ang iyong kakayahan, o edad, o kung ilang taon ka nang nananampalataya sa Diyos, dapat kang magsumikap tungo sa landas ng paghahangad sa katotohanan. Hindi mo dapat bigyang-diin ang anumang obhetibong mga palusot; dapat mong hangarin ang katotohanan nang walang kondisyon. Huwag iraos lang ang mga bagay-bagay. Ipagpalagay nang itinuring mo ang paghahangad sa katotohanan bilang isang dakilang usapin ng buhay mo, at nagpupursigi at nagsusumikap ka para dito, at marahil ang mga katotohanang nakamit at nagawa mong maabot ay hindi ang mga inaasam mo, pero sinabi ng Diyos na bibigyan ka Niya ng nababagay na hantungan dahil sa saloobin mo ng paghahangad sa katotohanan at sa sinseridad mo—napakaganda niyon! Sa ngayon, huwag tumuon sa kung ano ang kahahantungan at kalalabasan mo, o kung ano ang mangyayari at ano ang magaganap sa hinaharap, o kung maiiwasan mo ba ang sakuna at hindi ka mamamatay—huwag mong isipin o hilingin ang mga bagay na ito. Tumuon ka lang sa mga salita at mga hinihingi ng Diyos, at hangarin mo ang katotohanan, gawin nang maayos ang iyong tungkulin, at tugunan ang mga layunin ng Diyos, at iwasang biguin ang anim na libong taong paghihintay ng Diyos, at ang Kanyang anim na libong taon ng pananabik. Bigyan ng kaunting kapanatagan ang Diyos; hayaan Siyang makakita ng pag-asa sa iyo, at hayaang matupad ang Kanyang mga kahilingan sa iyo. Sabihin mo sa Akin, tatratuhin ka ba ng Diyos nang masama kung gagawin mo ito? Siyempre hindi! At kahit na ang mga resulta sa huli ay hindi ang ninanais ng mga tao, paano nila dapat harapin ang katunayang iyon, bilang mga nilikha? Dapat silang magpasakop sa lahat ng bagay sa mga pamamatnugot at pagsasaayos ng Diyos, nang walang anumang mga personal na plano. Hindi ba’t ito ang perspektiba na dapat taglayin ng mga nilikha? (Ito nga.) Tama na magkaroon ng ganitong mentalidad(Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan. Bakit Dapat Hangarin ng Tao ang Katotohanan). Ang mga taos-pusong salita ng Diyos ay nagpainit at umantig nang husto sa puso ko. Parang isang ina na ibinubuhos ang kanyang puso sa kanyang anak. Nakatulong ito sa akin para maunawaan na ang gawain at mga salita ng Diyos ngayon ay para iligtas at gawing perpekto ang mga tao. Anumang edad, kakayahan, o antas ng edukasyon, anumang edad ng mga tao o ang pamilyang pinanggalingan nila, binibigyan ng Diyos ang bawat isa ng pagkakataon na magawang perpekto. Walang sinumang kinikilingan ang Diyos. Humihingi ang Diyos ng mga bagay batay sa kakayahan ng bawat tao at nagsasaayos Siya ng mga angkop na tungkulin para sa taong ito. Kung magagawa ng mga tao nang maayos ang kanilang tungkulin sa kani-kanilang mga papel at magagawa nilang maging tapat at mapagpasakop, ito ang nais makita ng Diyos. Pinawi ng mga salita ng Diyos ang aking mga hindi pagkakaunawa sa Kanya at ipinakita ng mga ito sa akin ang isang landas ng pagsasagawa, na nagdulot ng malaking ginhawa sa akin. Hindi na ako nag-aalala ngayon tungkol sa aking edad, masamang kalusugan, o humihinang memorya. Hindi na rin ako nag-iisip kung magkakaroon ba ako ng magandang kalalabasan o hantungan. Sa halip, nakatuon ako sa paggawa nang maayos sa aking kasalukuyang tungkulin sa abot ng aking makakaya, at sa pagsasagawa ng mga katotohanan na nauunawaan ko sa aking mga tungkulin. Tunay na nagpapasalamat ako sa Diyos para sa mga ganitong pag-unlad!

Sinundan: 32. Nagpupursige sa Tungkulin sa mga Panahon ng Pagsubok

Sumunod: 40. Isang Pagninilay sa Paghihiganti

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

44. Nakauwi na Ako

Ni Chu Keen Pong, Malaysia Mahigit isang dekada akong nanalig sa Panginoon at naglingkod sa iglesia nang dalawang taon, at pagkatapos ay...

88. Ang Hirap ng Kulungan

Ni Xiao Fan, TsinaIsang araw noong Mayo 2004, dumadalo ako sa isang pagtitipon kasama ng ilang kapatid nang biglang pumasok ang mahigit 20...

Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos Ukol sa Pagkakilala sa Diyos Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw Paglalantad sa mga Anticristo Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Tahanan ng Diyos Mahahalagang Salita Mula sa Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga Huling Araw Araw-araw na mga Salita ng Diyos Ang Mga Katotohanang Realidad na Dapat Pasukin ng mga Mananampalataya sa Diyos Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin Mga Gabay para sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian Naririnig ng mga Tupa ng Diyos ang Tinig ng Diyos Makinig sa Tinig ng Diyos Masdan ang Pagpapakita ng Diyos Mahahalagang Tanong at Sagot tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian Mga Patotoong Batay sa mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume I) Mga Patotoong Batay sa mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume II) Mga Patotoong Batay sa mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume III) Mga Patotoong Batay sa mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IV) Mga Patotoong Batay sa mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume V) Mga Patotoong Batay sa mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VI) Mga Patotoong Batay sa mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VII) Mga Patotoong Batay sa mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VIII) Paano Ako Bumalik sa Makapangyarihang Diyos

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito