65. Paghahanap ng Paraan para Resolbahin ang Pagsisinungaling

Ni An Ran, Tsina

Responsable ako sa gawain ng pagdidilig sa ilang iglesia. Alam kong ang pagkakaroon ng kakayahang gawin ang tungkuling ito ay pagtataas at biyaya ng Diyos, at gusto kong gawin nang mabuti ang tungkuling ito upang suklian ang pag-ibig ng Diyos. Gayumpaman, dahil wala akong pasanin, ipinagpaliban ko ang gawain. Pagkatapos ay hindi ko pinagnilayan ang sarili ko at nagsinungaling ako para protektahan ang aking reputasyon at katayuan. Kung iisipin ang mga katunayan, nakita kong naging mapanlinlang ako at hindi naging isang mapagkakatiwalaang tao.

Kakila-kilabot ang kapaligiran kanina, at marami sa mga kapatid ang naaresto. Sumulat sa akin ang nakatataas na lider, hinihimok akong magbahagi pa ng katotohanan sa mga pangitain sa mga baguhan upang maunawaan nila ang gawain ng Diyos at makapanindigan sa teribleng kapaligiran. Sa pagtanggap ko sa liham na ito, agad akong nakipagbahaginan sa mga tagadilig para sa implementasyon, pero hindi ko na sinubaybayan ang mga detalye ng gawaing ito pagkatapos. Akala ko, dahil nakipagbahaginan na ako sa mga tagadilig, makikipagbahaginan sila sa mga baguhan, at isa pa, dahil wala pa ni isang naaresto sa mga iglesia na ako ang responsable, walang dapat maging anumang malaking problema. Pero hindi inaasahan, sasandali pagkatapos nito, ang tatlong iglesia na ako ang responsable ay tinamaan ng malawakang pag-aresto. Sumulat ulit sa akin ang lider, tinatanong kung gaano karaming baguhan sa bawat iglesia ang regular na dumadalo sa mga pagtitipon, gaano karami ang hindi regular na dumadalo dahil sa teribleng kapaligiran, gaano karaming baguhan ang naaresto, at gaano karami ang walang sinuman upang magdilig sa kanila, at na tumugon ako kaagad tungkol sa mga detalyeng ito. Sa pagtanggap ko ng liham na ito ay napagtanto ko na, “Kahit na ipinatupad ko ang gampaning ito, hindi ko na ito detalyadong sinubaybayan. Wala akong ideya tungkol sa mga detalye na hinihingi ng lider, kaya paano ko siya sasagutin? Ano’ng iisipin niya tungkol sa akin kung sasabihin ko sa kanya ang totoo? Sasabihin ba niya na hindi ako gumagawa ng tunay na gawain? Paano pa ako makakaharap sa mga tao kung pupungusin niya ako? Hindi, hindi ko maaaring sabihin ang katotohanan.” Umupo ako sa harap ng aking kompyuter, iniisip kung ano ang puwedeng gawin, hindi malaman kung paano tutugon, hanggang sa nakaisip ako ng ideya. Sumulat ako sa lider na nagsasabi, “Ipinatupad na ang pagdidilig sa mga baguhan tungkol sa katotohanan sa mga pangitain at kasalukuyang sinusubaybayan.” Pagkatapos nito, nagmadali akong mangumusta sa gawain, iniisip na, “Kapag tinanong ulit ako ng lider, bibigyan ko siya ng ulat sa sitwasyon na kakukumusta ko lang. Sa pamamagitan nito, hindi niya malalaman na naging iresponsable ako at hindi ko sinubaybayan ang gawain.” Kalaunan, nang aktuwal akong pumunta sa mga tagadilig para alamin ang tungkol sa mga detalye ng sitwasyon, nalaman kong kahit na nakipagbahaginan sila sa mga baguhan, wala silang nakamit na kahit ano, gayundin, na hindi rin malinaw sa kanila ang tungkol sa mga sitwasyon ng mga baguhan. Nang malaman ang mga bagay na ito, napagtanto ko sa wakas na ang lahat ng ito ay dahil wala akong naging pasanin at hindi ko totoong sinubaybayan ang gawain, at naantala ang buhay pagpasok ng mga baguhan. Gayumpaman, hindi ko hinanap ang katotohanan o pinagnilayan ang aking sarili, kaya naman walang nagbago sa sitwasyon.

Hindi nagtagal, nagsaayos ang nakatataas na lider ng isang pagtitipon kasama kami para alamin ang tungkol sa mga detalye ng gawain ng pagdidilig, tungkol sa kung gaano karaming baguhan ang naging responsabilidad ng bawat tagadilig, kung paano nila nilutas ang mga paghihirap at kuru-kuro ng mga baguhan, kung naging maasikaso ba sila sa pag-aalaga sa mga baguhan, at iba pa. Nakadama ako ng pagkabalisa pagkatapos, iniisip na, “Sana hindi ako ang unang tanungin ng lider, may ilang gawain na hindi ko pa ganap na naipapatupad at may ilang detalye na nakakahiya talaga kung hindi ko maipapaliwanag!” Pero nangyari nga ang mga bagay na kinatatakutan ko, at ako ang unang tinanong ng lider. Dahil wala na akong ibang magagawa, kinailangan ko na lang magpanggap na kalmado ako, pero sa loob ko, gusto ko nang tumakbo. Naisip ko, “Paano kung masyadong maraming itanong sa akin na mga detalyeng hindi ko maipaliwanag, hindi ba’t para bang wala akong nagawang anumang tunay na gawain? Nakakahiya iyon! Magiging mababa na kaya ang tingin sa akin ng lider at ng ibang mga katrabaho?” Nagsimulang magtanong ng ilang bagay ang lider, na nahirapan akong sagutin isa-isa, pero nang magtanong ang lider tungkol sa pagdidilig ni Sister Yang Fan sa mga baguhan, nataranta ako, iniisip na, “Wala akong alam tungkol sa pagdidilig ni Yang Fan sa mga baguhan, malaking problema ito, ano ba ang dapat kong sabihin? Kung magtatapat ako sa lider at sasabihin kong hindi ko alam, sasabihin kaya niya na ‘Napakatagal nang ikaw ang nangangasiwa sa gawain ng pagdidilig pero ni hindi mo alam ang ganyan kasimpleng mga detalye, paano mo ginagampanan ang trabaho mo?’ Hindi ba’t mabibigo ko ang lider at bababa ang tingin niya sa akin dahil dito?” Habang iniisip ang lahat ng ito, iniulat ko na lang sa lider ang ilan sa gawain ng pagdidilig ni Yang Fan noon. Bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa pagkakonsensiya at pagkabalisa ko sa pagsasabi nito, at namula ang mukha ko. Kahit na nagawa kong magpalusot at protektahan ang reputasyon at katayuan ko, labis akong nakadama ng pagkakasala at ng hindi maipaliwanag na sakit, “Hindi ba’t nagsisinungaling lang ako? Napakamapagpaimbabaw ko!” Nang gabing iyon, humiga ako sa kama, pabaling-baling, hindi makatulog, puno ng pagsisisi sa mga kasinungalingang sinabi ko. Pero ang nasabi na, nasabi na, at tulad ng natapong tubig, hindi na ito maibabalik pa, at masyadong huli na para magtapat ako at maging bukas. Kung malalaman ng lider, tatawagin ba niya ako na mapanlinlang na tao? Tumakbo sa isip ko ang mga bagay na ito, at hindi ako nagkaroon ng lakas ng loob na magtapat. Pakiramdam ko, wala akong integridad at dignidad, at na para talaga akong mapagpaimbabaw. Kumabog ang puso ko sa pag-aalala, na para bang bumabaligtad ang sikmura ko, at patuloy kong tinanong ang sarili ko, “Bakit ba hindi ko nagawang sabihin ang totoo sa lider? Ano ang punto ng pagsisinungaling na ito?” Mas lalo akong nakokonsensiya habang lalo ko itong iniisip, kaya nagdasal ako sa Diyos sa puso ko, “O Diyos! Nang magtanong ang lider tungkol sa mga detalye ng gawain ngayon, malinaw na hindi ko alam, pero dahil natatakot ako na bumaba ang tingin sa akin ng tao at na mapahiya ako, nagsinungaling ako para malinlang ko ang lider. O Diyos! Labis akong mapanlinlang, bigyan Mo ako ng lakas ng loob upang maging dalisay at bukas ako, at upang makapamuhay ako bilang isang matapat na tao.”

Isang araw, nanood ako ng video ng patotoong batay sa karanasan na tinatawag na Ang Pasakit ng Pagsisinungaling, may sipi ng mga salita ng Diyos sa video na ito na talagang umantig sa akin. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Sa kanilang pang-araw-araw na buhay, madalas na ang mga sinasabi ng mga tao ay walang kabuluhan, mga kasinungalingan, at mga bagay na kamangmangan, kahangalan, at depensibo. Sinasabi nila ang karamihan sa mga bagay na ito dahil sa banidad at pride, upang bigyan ng kasiyahan ang mga sarili nilang ego. Inihahayag ng pagsasalita nila ng gayong mga kasinungalingan ang mga tiwaling disposisyon nila. … Masyado nang dumami ang mga kasinungalingan mo. Ang bawat salitang sinasabi mo ay may halo na at hindi sinsero, at ni isa ay hindi maituturing na totoo o tapat. Kahit na hindi mo nararamdamang napahiya ka kapag nagsisinungaling ka, sa kaibuturan, nakakaramdam ka ng kahihiyan. Inuusig ka ng konsensiya mo, at mababa ang pagtingin mo sa sarili mo, iniisip na, ‘Bakit nabubuhay ako nang kahabag-habag? Ganoon ba kahirap ang magsalita ng katotohanan? Kailangan bang magsinungaling ako para sa pride ko? Bakit sobrang nakakapagod ang buhay ko?’ Hindi mo kailangang mamuhay nang nakakapagod. Kung makakapagsagawa ka bilang isang tapat na tao, magagawa mong mamuhay nang maluwag, malaya, at libre. Gayunman, pinili mong itaguyod ang pride at banidad mo sa pamamagitan ng pagsisinungaling. Bunga nito, nakakapagod at miserable ang pag-iral mo, na ikaw mismo ang may gawa. Maaaring magkaroon ng pakiramdam ng pagmamalaki ang isang tao sa pamamagitan ng pagsisinungaling, ngunit ano ba ang pakiramdam ng pagmamalaki? Ito ay isang bagay na walang kabuluhan at ganap na walang halaga. Ang pagsisinungaling ay nangangahulugan ng pagkakanulo ng iyong karakter at dignidad. Tinatanggalan nito ng dignidad at karakter ang isang tao; hindi ito nakalulugod sa Diyos, at kinasusuklaman Niya ito. Ito ba ay kapaki-pakinabang? Hindi. Ito ba ang tamang landas? Hindi. Ang mga taong madalas na nagsisinungaling ay namumuhay alinsunod sa mga satanikong disposisyon nila; namumuhay sila sa ilalim ng kapangyarihan ni Satanas. Hindi sila namumuhay sa liwanag, ni hindi rin sila namumuhay sa presensya ng Diyos. Palagi mong iniisip kung paano magsisinungaling at pagkatapos mong magsinungaling, kailangan mong mag-isip kung paano pagtatakpan ang kasinungalingang iyon. At kapag hindi mo napagtakpan nang maayos ang kasinungalingang iyon at ito ay nabunyag, kailangan mong pigain ang iyong utak upang subukang ituwid ang mga kontradiksyon at gawin itong kapani-paniwala. Hindi ba’t nakakapagod ang mabuhay nang ganito? Nakakapagod. Sulit ba ito? Hindi, hindi ito sulit. Ang pagpiga sa iyong utak upang magsabi ng mga kasinungalingan at pagkatapos ay pagtatakpan ang mga ito, lahat para sa kapakanan ng pride, banidad, at katayuan, anong kabuluhan nito? Sa wakas, nagninilay-nilay ka at iniisip mo, ‘Ano ang punto ng pagsisinungaling? Masyadong nakakapagod ang pagsisinungaling at ang pangangailangang pagtakpan ang mga ito. Hindi uubra na kumikilos ako sa ganitong paraan; mas magiging madali kung magiging matapat na lang ako na tao.’ Ninanais mong maging isang tapat na tao, ngunit hindi mo mabitiwan ang pride, banidad, at mga personal na interes. Kaya, ang nagagawa mo lang ay magsinungaling para panindigan ang mga bagay na ito. Kung ikaw ay isang taong nagmamahal sa katotohanan, titiisin mo ang iba’t ibang paghihirap upang maisagawa ang katotohanan. Kahit pa ang ibig sabihin nito ay pagsasakripisyo ng iyong reputasyon, katayuan, at pagtitiis ng pangungutya at pamamahiya ng iba, hindi mo ito iindahin—basta’t nagagawa mong isagawa ang katotohanan at palugurin ang Diyos, sapat na ito. Pinipili ng mga nagmamahal sa katotohanan na isagawa ang katotohanan at maging tapat. Ito ang tamang landas at ito ay pinagpapala ng Diyos. Kung hindi minamahal ng isang tao ang katotohanan, ano ang pinipili niya? Pinipili niyang gumamit ng mga kasinungalingan upang panindigan ang kanyang reputasyon, katayuan, dignidad, at karakter. Mas pipiliin niyang maging mapanlinlang, at kasuklaman at itakwil ng Diyos. Itinatakwil ng gayong tao ang katotohanan at ang Diyos. Pinipili niya ang sarili niyang reputasyon at katayuan; nais niyang maging mapanlinlang. Wala siyang pakialam kung nalulugod ang Diyos o hindi o kung ililigtas siya ng Diyos. Maliligtas pa rin ba ng Diyos ang gayong tao? Tiyak na hindi, dahil pinili niya ang maling landas. Makapamumuhay lang siya sa pamamagitan ng pagsisinungaling at pandaraya; makapamumuhay lamang siya ng buhay na puno ng pasakit dahil sa pagsisinungaling at pagtatakip sa mga ito at pagpipiga sa kanyang utak upang ipagtanggol ang sarili niya araw-araw. Kung iniisip mong maitataguyod ng kasinungalingan ang reputasyon, katayuan, banidad, at pride na hinahangad mo, lubos kang nagkakamali. Ang totoo, sa pamamagitan ng pagsisinungaling, hindi ka lang bigong mapanatili ang banidad at pride mo, at ang dignidad at karakter mo, kundi mas matindi pa, napapalagpas mo ang pagkakataong isagawa ang katotohanan at maging isang tapat na tao. Kahit na nagawa mong protektahan sa sandaling iyon ang iyong reputasyon, katayuan, banidad, at pride, isinakripisyo mo ang katotohanan at ipinagkanulo ang Diyos. Ibig sabihin nito ay ganap nang nawala sa iyo ang pagkakataon na mailigtas at maperpekto Niya, na siyang pinakamalaking kawalan at panghabang-buhay mong pagsisisihan. Hindi ito mauunawaan kailanman ng mga mapanlinlang(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ang Isang Matapat na Tao Lamang ang Makapagsasabuhay ng Tunay na Wangis ng Tao). Inilantad ng mga salita ng Diyos ang aking eksaktong kalagayan. Upang protektahan ang aking banidad at pride, at maiwasan na bumaba ang pagtingin sa akin ng mga tao, pinili ko na magsinungaling at linlangin sila, isinakripisyo ko ang aking integridad at dignidad, sa halip na sabihin ang katotohanan. Tungkol naman sa pinakabagong sunud-sunod na pag-aresto, sumulat sa akin ang lider para itanong kung ilang baguhan sa lugar na pinamamahalaan ko ang regular na dumadalo at ilan ang hindi, at para magtanong tungkol sa mga resulta kamakailan sa pagdidilig at pagsuporta sa mga baguhan. Malinaw na hindi ko nasubaybayan ang mga gampaning ito, at dapat naging matapat ako sa ulat ko sa lider, pero para maprotektahan ang banidad at katayuan ko, nagsinungaling ako at sinabi kong sinusubaybayan ko na ito. Sa kalagitnaan ng pagpupulong, tinanong ako ng lider tungkol sa pagdidilig ni Yang Fan sa mga baguhan, hindi ko alam ang mga detalye, kaya nagsinungaling na lang ako, at nag-ulat ng mga lumang impormasyon na para bang ito ang sa kasalukuyan sa pagsusumikap na makalusot ako. Kahit na alam kong nagsisinungaling ako at nakonsensiya ako, ayaw ko pa ring magtapat. Para hindi bumaba ang tingin sa akin ng iba, nagsinungaling ako nang paulit-ulit. Naging tuso at mapanlinlang ako! Hindi ko mapigilang tanungin ang sarili ko, “Hindi ba mananampalataya ka?” Ang totoong mananampalataya ay kayang magsabi ng totoo, maging matapat, at magkaroon ng integridad at dignidad, at kahit ano pa ang sitwasyon, mayroon siyang lakas ng loob na harapin ang katotohanan at sabihin ito nang walang paligoy-ligoy, at kahit na ang pagsasagawa sa ganitong paraan ay pahihintulutan ang iba na makita ang kanyang mga kamalian at kakulangan, ang pagsasagawa ng katotohanan at pamumuhay nang hayagan ay nagpapalugod sa Diyos at nagpapahintulot sa iba na magtiwala sa taong ito. Pero nagsinungaling ako para protektahan ang aking reputasyon at katayuan, wala akong anumang integridad at dignidad, at nabigo akong mamuhay nang naaabot ang kahit ang pinakamabababang hinihingi sa pag-asal ng tao. Biniyayaan ako ng Diyos at pinagkalooban ng oportunidad na gawin ang tungkulin ng pagdidilig, umaasa na magagawa kong maging taos-puso sa pakikipagtulungan ko sa Kanya at maayos na madidiligan ang mga baguhan na tunay na nananampalataya sa Diyos. Ito rin ay pagbibigay sa akin ng Diyos ng pagkakataon para magsagawa para makamit ang katotohanan, pero nabigo akong mamuhay nang abot sa mabuting layunin ng Diyos. Hindi lamang ako hindi nagdala ng anumang pasanin sa aking tungkulin, mas pinili ko pang magsinungaling sa halip na isagawa ang katotohanan sa oras na may kinaharap na problema. Tunay na nabigo ko ang Diyos. Mas lalo akong nagagalit habang lalo ko itong iniisip, at kinamuhian ko ang sarili ko dahil naging mapanlinlang ako.

Kalaunan, naghanap ako sa salita ng Diyos para alamin ang ugat ng aking pagsisinungaling at panlilinlang. Nabasa ko ang isang sipi ng mga salita ng Diyos: “Kapag inilalantad ang mga anticristo at pinupungusan, ang unang ginagawa nila ay maghanap ng iba’t ibang dahilan para ipagtanggol ang kanilang sarili, maghanap ng lahat ng uri ng dahilan para subukang makalusot, sa gayon ay naisasagawa nila ang kanilang mithiing umiwas sa kanilang mga responsabilidad, at nakakamtan ang kanilang layon na mapatawad. Ang pinakakinatatakutan ng mga anticristo ay na makikilatis ng hinirang na mga tao ng Diyos ang kanilang karakter, ang kanilang mga kahinaan at kamalian, ang kanilang kapintasan, ang kanilang tunay na kakayahan at abilidad sa gawain—kaya ginagawa nila ang lahat para pagandahin ang tingin sa kanila at pagtakpan ang kanilang mga pagkukulang, isyu, at tiwaling disposisyon. Kapag nabubunyag at nalalantad ang kanilang kasamaan, ang unang ginagawa nila ay hindi ang aminin o tanggapin ang katunayang ito, o gawin ang lahat ng kanilang makakaya para makabawi at makabayad sa mga pagkakamali nila, sa halip ay sinisikap nilang mag-isip ng iba’t ibang paraan para mapagtakpan ang mga ito, malinlang at mailihis ang mga nakakaalam sa mga ginawa nila, huwag hayaang makita ng hinirang na mga tao ng Diyos ang tunay na usapin, huwag hayaang malaman ng mga ito kung gaanong nakapipinsala ang mga ginawa nila sa sambahayan ng Diyos, kung gaano nila nagambala at nagulo ang gawain ng iglesia. Mangyari pa, ang pinakakinatatakutan nila ay ang malaman iyon ng Itaas, dahil kapag nalaman iyon ng Itaas, iwawasto sila ayon sa prinsipyo, at magiging katapusan na ng lahat para sa kanila, at tiyak na matatanggal sila at matitiwalag. Kaya nga, kapag nalalantad ang kasamaan ng mga anticristo, ang unang ginagawa nila ay hindi pagnilayan kung saan sila nagkamali, saan nila nilabag ang mga prinsipyo, bakit nila ginawa ang ginawa nila, anong disposisyon ang nanaig sa kanila, ano ang mga intensiyon nila, ano ang kanilang kalagayan sa oras na iyon, kung dahil ba iyon sa kanilang pagkasuwail o dahil may halong hindi maganda ang mga intensiyon nila. Sa halip na suriin ang mga bagay na ito, o pagnilayan man lang ang mga ito, nag-iisip silang mabuti ng kahit anong paraan para mapagtakpan ang mga tunay na pangyayari. Kasabay nito, ginagawa nila ang lahat para ipaliwanag at pangatwiranan ang sarili nila sa harap ng hinirang na mga tao ng Diyos, para malinlang sila, pinagmumukhang maliit ang mga malalaking problema at pinagmumukhang hindi problema ang maliliit na problema, at nilulusutan ang mga iyon nang sa gayon ay maaari silang manatili sa sambahayan ng Diyos, walang ingat na gumagawa ng mga maling gawain at inaabuso ang kanilang kapangyarihan at patuloy na inililigaw at kinokontrol ang mga tao, at mahikayat ang mga ito na tingalain sila at gawin ang sinasabi nila para matugunan ang kanilang mga ambisyon at pagnanais(Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikalabing-isang Aytem). Mula sa paglalantad ng mga salita ng Diyos, nakita ko na kapag may mga paglihis o isyu sa gawain ng mga anticristo, sa halip na matuto ng mga aral at agad itama ang mga problema at paglihis sa kanilang gawain, sinusubukan nila ang lahat ng posibleng paraan para magsinungaling, pagtakpan ang totoo, at pigilan ang mga lider na malaman ang mga problema at isyu sa kanilang gawain, at sinusubukan nilang gumamit ng mga panlilinlang at pandaraya para makuha ang tiwala ng iba. Ito ang buktot na disposisyon ng mga anticristo. Hindi ba’t ang disposisyon ng anticristo ang ibinunyag ko? Nang dumating ang lider para pangasiwaan at kumustahin ang gawain ko, maraming trabaho ang hindi ko pa tapos, pero hindi ko lang hindi iniulat sa kanya ang tunay na sitwasyon, itinago ko pa ang katotohanan at nilinlang ko siya, sinusubukan ang lahat ng makakaya ko para pagtakpan ang katotohanan na wala talaga akong nagawang tunay na gawain. Kalaunan, noong sinisiyasat ng lider ang pagdidilig sa mga baguhan na isinasagawa ng bawat tagadilig, dahil hindi ako nakagawa ng tunay na gawain at hindi ko alam ang tiyak na mga detalye, nagsinungaling ulit ako, at iniulat ko ang gawain ng pagdidilig noon bilang gawain na kamakailan lang nagawa para makalusot sa lider. Lubos kong nalalaman na mapanlinlang at hindi matapat ang gawin ito, pero para mapanatili ko ang mabuting impresyon sa akin ng lider, nagsinungaling ako para linlangin siya. Nakita ko na ang ibinunyag kong disposisyon ay ang mismong buktot at kasuklam-suklam na disposisyon ng isang anticristo. Ang pagtatanong ng lider tungkol sa aking gawain ay nagpapakitang responsable siya at magpapahintulot ito na mabilis niyang matuklasan ang mga paglihis at problema sa gawain ko. Nanatili akong tahimik tungkol sa mga problema sa gawain at nagkunwari ako sa harap ng lider para bigyan siya ng huwad na impresyon na gumagawa ako ng tunay na gawain. Bilang resulta, hindi nalaman ng lider ang tungkol sa katotohanan, at ang mga problema ko sa gawain ay nanatiling hindi nalulutas. Sa paggawa nito, hinahadlangan ko ang gawain ng iglesia. Nakita ko na ang pagtatakip sa katotohanan para mapigilan ang lider na mangasiwa sa gawain ay mas malala ang kalikasan kaysa sa hindi paggawa ng tunay na gawain. Nang mapagtanto ko ito, pakiramdam ko ay nasa panganib ako. Wala akong may-takot-sa-Diyos na puso at naglalakad ako sa landas ng isang anticristo. Sa loob-loob ko, nagdasal ako sa Diyos at nagsisi, “O Diyos, dahil sa paglalantad ng mga salita Mo, nakikita ko nang buktot at kasuklam-suklam ang disposisyon ko, at napuno ng takot ang aking puso. Gabayan Mo ako na maiwaksi ang tiwaling disposisyong ito at matanggap ang pangangasiwa ng iba.”

Kalaunan, binasa ko ang isang sipi ng mga salita ng Diyos: “Ang hinihingi ng Diyos sa mga tao na maging matapat ang nagpapatunay na tunay Niyang kinamumuhian at hindi gusto ang mga taong mapanlinlang. Ang pag-ayaw ng Diyos sa mga taong mapanlinlang ay pag-ayaw sa kanilang paraan ng paggawa ng mga bagay-bagay, kanilang mga disposisyon, kanilang mga layon, at kanilang mga pamamaraan ng panlilinlang; ayaw ng Diyos ang lahat ng bagay na ito. Kung ang mga taong mapanlinlang ay nagagawang tanggapin ang katotohanan, aminin ang kanilang mga mapanlinlang na disposisyon, at handa silang tanggapin ang pagliligtas ng Diyos, sila man ay may pag-asang maligtas—sapagkat pantay-pantay ang pagtrato ng Diyos sa lahat ng tao, at gayundin ang katotohanan. Kaya nga, kung nais nating maging mga taong nagbibigay-lugod sa Diyos, ang unang bagay na kailangan nating gawin ay baguhin ang ating mga prinsipyo ng pag-asal. Hindi na tayo maaaring mamuhay pa ayon sa mga satanikong pilosopiya, hindi na tayo magraraos sa pamamagitan ng mga pagsisinungaling at pandaraya. Kailangan nating iwaksi ang lahat ng ating kasinungalingan at maging matapat na tao. Sa gayon ay magbabago ang pagtingin sa atin ng Diyos. Dati-rati, laging umaasa ang mga tao sa mga pagsisinungaling, pagkukunwari, at panloloko habang namumuhay kasama ang iba, at gumagamit sila ng mga satanikong pilosopiya bilang batayan ng kanilang pag-iral, bilang kanilang buhay, at bilang kanilang saligan para sa kanilang pag-asal. Isang bagay ito na kinasusuklaman ng Diyos. Sa mga walang pananampalataya, kung prangka kang magsalita, sinasabi mo ang katotohanan, at isa kang matapat na tao, sisiraan ka, huhusgahan, at tatalikdan. Kaya sumusunod ka sa mga makamundong kalakaran at namumuhay ayon sa mga satanikong pilosopiya; lalo ka pang humuhusay sa pagsisinungaling, at mas lalong nagiging mapanlinlang. Natututo ka ring gumamit ng mga tusong kaparaanan para makamtan ang iyong mga mithiin at protektahan ang iyong sarili. Mas lalo kang nagiging maunlad sa mundo ni Satanas, at dahil dito, palalim nang palalim ang pagkahulog mo sa kasalanan hanggang sa hindi mo na mapalaya ang iyong sarili. Sa sambahayan ng Diyos, eksaktong kabaligtaran niyon ang mga bagay-bagay. Kapag mas nagsisinungaling at nanlilinlang ka, mas mayayamot sa iyo ang mga taong hinirang ng Diyos at tatalikdan ka. Kung ayaw mong magsisi at nakakapit ka pa rin sa mga satanikong pilosopiya at lohika, at kung nakikipagsabwatan ka at gumagamit ng mga detalyadong pakana para magbalatkayo at magpanggap, malamang na mabubunyag at matitiwalag ka. Ito ay dahil kinapopootan ng Diyos ang mga taong mapanlinlang. Tanging matatapat na tao ang maaaring umunlad sa sambahayan ng Diyos, at ang mga taong mapanlinlang ay tatalikdan at ititiwalag sa huli. Lahat ng ito ay pauna nang itinalaga ng Diyos. Matatapat na tao lang ang maaaring magkaroon ng bahagi sa kaharian ng langit. Kung hindi ka magsisikap na maging matapat na tao, at kung hindi ka dumaranas at nagsasagawa sa direksyon ng paghahanap sa katotohanan, kung hindi mo ilalantad ang sarili mong kapangitan, at kung hindi mo ilalantad ang iyong sarili, hinding-hindi mo matatanggap ang gawain ng Banal na Espiritu at matatamo ang pagsang-ayon ng Diyos(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ang Pinakasaligang Pagsasagawa ng Pagiging Isang Taong Matapat). Mula sa mga salita ng Diyos, nakita ko na gusto ng Diyos ang matatapat na tao, na may lakas ng loob ang matatapat na tao na harapin ang kanilang mga kamalian at kakulangan, na kaya nilang maging matapat, hindi sila nanlilinlang ng mga tao o ng Diyos, at kapag may kinahaharap na problema, kaya nilang hanapin at isagawa ang katotohanan. Ang ganitong mga tao ay dinadala ng Diyos sa kaharian para mamuhay magpakailanman. Itinataboy ng Diyos ang mga sinungaling, mapanlinlang, at gumagamit ng mga panloloko. Mapanlinlang at mala-demonyo ang ganitong mga tao. Tulad nga ng sinasabi sa Bibliya: “Kayo’y sa inyong amang diyablo, at ang mga nasa ng inyong ama ay inyong gagawin. Siya’y isang mamamatay-tao buhat pa no’ng una, at hindi nananatili sa katotohanan, sapagkat walang katotohanan sa kanya. Kapag nagsasalita siya ng kasinungalingan, ay nagsasalita siya ng sa sarili niya: sapagkat siya’y isang sinungaling, at ama nito(Juan 8:44). Nakita ko na ang mga sinungaling ay pawang mga diyablo. Mga kaaway ng Diyos ang mga diyablo at kinamumuhian ng Diyos ang mga ito. Hinding-hindi ililigtas ng Diyos ang ganitong mga tao. Itinatakda ito ng pagiging matuwid at ng tapat na diwa ng Diyos. Sa aking tungkulin, nagsinungaling ako para maprotektahan ang aking banidad at katayuan, sinusubukan na pagtakpan ang mga kakulangan ko sa gawain. Ang paggawa nito ay nangangahulugang ipinagkakanulo ko ang katotohanan, na tumatayo ako sa panig ni Satanas, at nilalabanan ang Diyos. Bukod dito, sa pag-asa sa pagtatago at pagkukunwari habang gumagawa ako ng mga tungkulin sa iglesia, mapagtatakpan ko lang ang katotohanan sa loob ng ilang panahon, at pagtagal, maraming mabubunyag na mga paglihis sa gawain, at sa oras na malaman ng lahat ang katotohanan, makikilatis at tatanggihan nila ako, ibig sabihin, sisirain ko ang anumang bahid ng integridad at dignidad na mayroon ako at ang pagkakataon ko na magsisi ay mawawala. Sa pagninilay sa mga anticristong iyon, kahit na gaano karaming masasamang bagay ang gawin nila o gaano karaming pinsala sa gawain ng sambahayan ng Diyos ang idulot nila, hindi sila kailanman nagninilay o nagsisisi, at kung may isang tao na mangangasiwa o susuri sa kanilang gawain, gagamit sila ng iba’t ibang paraan ng panloloko para malinlang ang taong ito at mapagtakpan ang totoo, na nagpapakita na ganap nilang hindi tinatanggap ang katotohanan. Sa huli, dahil sa lahat ng kasamaang ginagawa nila, pinatatalsik sila mula sa iglesia. Ang mga taong may lakas ng loob na maging bukas at na kayang isagawa ang katotohanan ay matatapat sa mga mata ng Diyos at sila ang mga maliligtas at mananatili. Sa kabilang banda, iyong mga sumusubok na linlangin ang Diyos para sa personal na kapakinabangan ay lubhang hangal at mapanlinlang, at sa huli, ititiwalag sila ng Diyos.

Kalaunan, nagbasa pa ako ng mga salita ng Diyos: “Kapag ginagawa ng mga tao ang tungkulin nila o ang anumang gawain sa harap ng Diyos, dapat na dalisay ang kanilang puso: Dapat na tila isang mangkok ito ng sariwang tubig—napakalinaw at walang karumihan. Kung gayon, anong uri ng saloobin ang tama? Anuman ang iyong ginagawa, nagagawa mong ibahagi sa iba kung anuman ang nasa iyong puso, anuman ang mga ideya na maaaring mayroon ka. Kung may magsabing hindi gagana ang paraan mo ng paggawa ng mga bagay-bagay, at magmungkahi siya ng iba pang ideya, at sa tingin mo ay isa itong magandang ideya, isuko mo ang sarili mong paraan, at gawin mo ang mga bagay-bagay ayon sa iniisip niya. Sa paggawa nito, makikita ng lahat na kaya mong tumanggap ng mga mungkahi ng iba, pumili ng tamang landas, kumilos nang naaayon sa mga prinsipyo, at nang hayagan at malinaw. Walang kadiliman sa iyong puso, at kumikilos at nagsasalita ka nang taos-puso, umaasa sa isang saloobin ng katapatan. Nagsasalita ka nang diretsahan. Kung ganito ang isang bagay, ganito nga ito; kung hindi naman, hindi talaga. Walang mga pandaraya, walang mga lihim, isang napakalantad na tao lamang(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ikatlong Bahagi). Umaasa ang Diyos na haharapin natin ang ating mga tungkulin nang may dalisay na puso, na magsasalita tayo ayon sa mga katunayan, at tatanggapin natin ang Kanyang pagsisiyasat sa lahat ng bahay. Nang magtanong ulit ang lider tungkol sa aking gawain, nagpasya ako na sabihin ang totoo kung wala akong nagawang tunay na gawain, na magkaroon ako ng lakas ng loob na harapin ang aking mga problema, na itigil ko na ang pagsisinungaling para maprotektahan ang reputasyon at katayuan ko, at na isagawa ko ang pagiging isang matapat na tao. Kalaunan, nagkusa akong magtapat sa lider tungkol sa pagsisinungaling ko alang-alang sa aking reputasyon at katayuan. Pagkatapos kong magtapat sa kanya, nakipagbahaginan ang lider tungkol sa sarili niyang karanasan para tulungan ako. Sa pagsasagawa sa ganitong paraan, nakaramdam ako ng higit na kalayaan. Mula noon, sinunod ko ang payo ng lider para agad na maitama ang mga paglihis sa gawain ko, tulad ng agad na pagtanggal sa mga hindi angkop na tagadilig, detalyadong pakikipagbahaginan sa mga tagadilig tungkol sa kanilang mga tungkulin, at pagkatapos ay pangungumusta at pangangasiwa sa kanilang pagsulong sa kanilang gawain. Nang asikasuhin ko nang ganito ang mga detalye ng gawain, nagkaroon ng malinaw na pagbuti ang gawain.

Pagkalipas ng isang linggo, nagpadala ang lider ng liham na nagtatanong tungkol sa aking paglinang sa mga tagadilig. Nang matanggap ko ang liham na ito, napagtanto ko na masyado akong naging abala sa pagsubaybay sa ibang gawain, na nakaligtaan ko na ang trabaho na maglinang ng mga tauhan, at na hindi ko alam kung gaano karaming tao ang maaaring linangin. Paano ako tutugon? Ano ang iisipin sa akin ng lider kung malalaman niya na napapabayaan ko na ang ganito kaimportanteng trabaho? Sasabihin ba niya na hindi ako gumagawa ng tunay na gawain? Naisip ko, “Bakit hindi na lang ako tumugon sa kanya na kasalukuyan kong sinusubaybayan ang gawaing ito, sa ganitong paraan, hindi niya malalaman ang totoo.” Sa pag-iisip nang ganito, bigla kong napagtanto na, “Hindi ba’t gusto ko na namang magsinungaling para protektahan ang reputasyon at katayuan ko?” Kaya taimtim akong nagdasal sa Diyos, “O Diyos! Ayaw ko nang magsinungaling o manlinlang pa. Hindi ko ginawa ang gampaning ito, at ito ay dahil sa pagiging iresponsable ko. Nakahanda akong iulat ito nang matapat sa lider.” Nakaramdam ako ng matinding kapayapaan pagkatapos manalangin. Naisip ko kung gaano kagusto ng Diyos ang matatapat na tao na nagsasabi ng katotohanan, na kailangan kong harapin nang kalmado ang mga bagay-bagay, hindi itago ang totoo, at na kahit na ano pa ang isipin sa akin ng lider, kinakailangan kong isagawa ang pagiging isang matapat na tao. Kaya naman, sinabi ko sa lider ang totoo, “Hindi ko masyadong nabigyang pansin ang paglinang sa mga taong may talento, pero handa ako na baguhin ito sa hinaharap.” Pagkatapos, nagsimula na akong aktuwal na makipagtulungan, at makalipas ang ilang araw, nakatagpo ako ng dalawang tao na maaaring linangin. Pagkatapos nito, nang sumulat ulit sa akin ang lider para tingnan at kumustahin ang ibang gawain, kahit na ang ilang trabaho ay hindi mabuti ang mga nagiging resulta, handa na akong harapin ito nang kalmado at iulat ang mga bagay na ito nang matapat. Bagama’t hindi ko pa rin maabot ang mga pamantayan ng pagiging isang matapat na tao, handa akong hanapin ang katotohanan, magsagawa ayon sa salita ng Diyos, at unti-unting iwaksi ang mapanlinlang kong disposisyon.

Sinundan: 64. Paglaya Mula sa Putikan ng Yaman at Katanyagan

Sumunod: 66. Ang Pagiging Magiliw ba ay Isang Prinsipyo ng Pag-asal?

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos Ukol sa Pagkakilala sa Diyos Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw Paglalantad sa mga Anticristo Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Tahanan ng Diyos Mahahalagang Salita Mula sa Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga Huling Araw Araw-araw na mga Salita ng Diyos Ang Mga Katotohanang Realidad na Dapat Pasukin ng mga Mananampalataya sa Diyos Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin Mga Gabay para sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian Naririnig ng mga Tupa ng Diyos ang Tinig ng Diyos Makinig sa Tinig ng Diyos Masdan ang Pagpapakita ng Diyos Mahahalagang Tanong at Sagot tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian Mga Patotoong Batay sa mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume I) Mga Patotoong Batay sa mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume II) Mga Patotoong Batay sa mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume III) Mga Patotoong Batay sa mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IV) Mga Patotoong Batay sa mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume V) Mga Patotoong Batay sa mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VI) Mga Patotoong Batay sa mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VII) Mga Patotoong Batay sa mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VIII) Paano Ako Bumalik sa Makapangyarihang Diyos

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito