66. Ang Pagiging Magiliw ba ay Isang Prinsipyo ng Pag-asal?
Naalala ko noong nasa unang baitang ako, magiliw at madaling lapitan ang aming gurong tagapayo at palaging may maamong hitsura kanyang mukha. Hindi siya kailanman nawalan ng pasensiya sa amin o malupit na pumuna sa amin. Minsan, nakikipagkuwentuhan pa siya sa amin na para bang hindi namin siya guro. Gusto naming lahat na makasama siya, at pinuri siya ng mga magulang namin sa pagiging isang mabuting na guro. Talagang tiningala at hinangaan ko siya, at ginusto kong maging katulad niya. Paglipas ng panahon, kahit sino man ang makasalamuha ko, halos hindi talaga ako nakikipagtalo sa kahit sino kahit kailan. Kahit na may nanakit sa akin at nainis ako o kinamuhian ang taong ito, pinili ko pa rin na magtiim-bagang at batiin sila nang may ngiti para makisama sa kanila nang mapayapa. Dahil dito, gusto akong kasama ng mga kaklase ko at sinabi ng lahat ng kamag-anak ko na maganda ang ugali ko at matino ako. Pagkatapos manampalataya sa Diyos, ganito pa rin ang pakikisama ko sa mga kapatid, nagsasalita nang malumanay at ginagawa ang lahat ng makakaya ko para hindi makasakit ng pride ng sinuman. Kahit na nakikita ko na may mga problema ang iba, palagi kong pinapalabas na maliit lang ang mga bagay-bagay, kaya naging positibo ang tingin sa akin ng iba at tumibay ang paniniwala ko na magandang bagay ang pagiging ganito. Kalaunan ko lang naunawaan, matapos pagdaanan ang ilang bagay, at pamamagitan ng paglalantad ng salita ng Diyos, na ang pagiging magiliw ay hindi isang prinsipyo kung paano umasal at naunawaan ko rin kung paano umasal nang may wangis ng isang tunay na tao.
Noong Enero 2022, pinangangasiwaan ko ang ilan sa gawain ng iglesia ng pag-aalis. Kasisimula pa lang nina Li Yuan and Lin Xi sa gawaing ito, at hindi pa nila naaarok ang mga prinsipyo, kaya medyo sinubaybayan ko pa ang gawain nila. Noong panahong iyon, natuklasan ko medyo pabaya sila sa kanilang tungkulin at lumilitaw ang ilang halatang problema. Isang beses, napansin ko na sa mga materyal na inorganisa nila, ang mga pag-uugali ng ilang tao ay naibuod lamang at kulang ang mga detalye, may ilang kaso na walang ebidensiya at nangangailangan ng karagdagang mga halimbawa para makumpirma kung dapat bang paalisin ang mga taong ito. Kung hindi malinaw na masisiyasat at mabeberepika, madaling magkamali sa pagpapaalis at pagpapatalsik sa isang tao. Isa itong napakaseryosong problema. Nakita ko kung gaano kapabaya ang dalawa sa pag-oorganisa ng mga materyal para sa pagpapaalis ng mga tao at habang mas iniisip ko ito, mas lalo akong nagagalit. Kaya sinabi ko sa kapareha ko, si sister Liu Jing, “Kasisimula lang nina Li Yuan at Lin Xi sa pagtatrabaho nito at hindi sila humihingi ng payo tungkol sa maraming bagay na hindi nila nauunawaan. Masyado silang pabaya sa kanilang mga tungkulin. Sa pagkakataong ito, kailangan kong ipaalam ang problema sa saloobin nila sa kanilang tungkulin.” Sumang-ayon sa akin si Liu Jing. Pero nang sultan ko ang dalawa, nag-alinlangan ako, “Noong kasama ko sila ilang araw na nakalipas, tila negatibo ang mga kalagayan nila, kung pupungusan ko sila at hihimayin ang kalikasan ng kanilang pagiging pabaya sa mga tungkulin, magiging sobrang negatibo ba ila at magbibitiw na? Sasabihin ba nila na hindi ko nauunawaan ang mga suliranin nila at na masyadong mataas ang hinihingi ko at nagiging malupit ako? Baka mawala ang magandang impresyon nila sa akin.” Para maprotektahan ang sarili kong imahe, ipinaalam ko lang ang mga paglihis na idinulot nila at wala akong sinabi para ilantad ang mga tiwaling disposisyon nila. Ipinahayag ko pa nga ito nang may kasamang mga pakonsuwelo at panghihikayat, gaya ng panghihimok sa kanila na tingnan nang tama ang kanilang mga pagkukulang at kahinaan at hindi mamuhay sa pagkanegatibo at maling pagkaunawa. Nang mabasa ni Liu Jing ang sulat ko, sinabi niya, “Hindi ba’t plano mong talakayin ang kalikasan ng pagiging pabaya nila sa kanilang mga tungkulin? Bakit masyado kang paligoy-ligoy? Sa tingin mo ba, matutukoy nila ang kanilang problema kung ganito mo sila kakausapin?” Nang marinig ko ang sinabi ni Liu Jing, napagtanto ko na walang makukuhang anumang resulta ang pagpapaligoy-ligoy ko nang ganito, pero natatakot akong mag-iwan ng masamang impresyon sa kanila, kaya nakahanap ako ng dahilan para iwasan ang usapin.
Noong Pebrero, pumunta ako sa grupo nila para pag-usapan ang gawain. Para hindi lumayo ang loob nila sa akin, sinabi ko sa sarili ko na kailangan kong maging maamo sa kanila at mag-ingat sa mga salitang gagamitin ko, hindi magsalita nang masyadong nakatataas o nang malupit. Nang makita ko silang nagbibiruan, sinakyan ko sila para makita nila na madali akong pakisamahan, madaling lapitan, at hindi mapagpanggap, at kaya kong makisama sa lahat. Nang marinig ko na sinabi nilang wala silang anumang pag-usad at medyo nasisiraan sila ng loob, sinabi ko sa kanila na marami rin akong kulang noon, at na matagal bago ko unti-unting naarok ang ilang prinsipyo. Sinabi ko ito para aluin at palakasin ang loob nila. Hindi nagtagal, talagang naging magkasundo kami at sinabi sa akin ng isang sister na masarap sa pakiramdam na makisalamuha nang ganito, nang walang anumang presyur. Nang marinig ko ito, lalo akong nakatiyak na tama ang ganitong paraan ng pag-asal ko. Isang beses, sinabi sa akin ng isang miyembro ng pangkat, si Chen Xin, na kahit matagal na siyang nakikibahagi sa gawaing ito, palagi pa rin siyang nagkakamali, inisip niya na wala siyang anumang pag-usad, at ganap na naging negatibo siya. Alam ko na ang kawalan ng pag-usad ni Chen Xin ay dahil mainipin siya sa mga resulta, at ikumpara niya ang sarili sa iba, at dahil hindi siya tumuon sa mga prinsipyo, pero natakot ako na kung direkta kong ipapaalam ang problema niya, baka hindi niya ito tatanggapin nang maluwag sa loob at magkakaroon siya ng masamang palagay o negatibong pananaw tungkol sa akin. Kaya, pinalakas ko na lang ang loob niya at sinabing, “Kasisimula mo pa lang, at normal lang na may mga problema o paglihis sa gawain mo. Kailangan mo lang ng pagsasanay. Kailangan mong tingnan nang tama ang sarili mo, ibuod ang mga problema at paglihis na nangyayari at pagkatapos, pag-aralan mo ang mga kaugnay na prinsipyo nang may pagtutok. Sa ganitong paraan ka uusad.” Dahil hindi ko binanggit ang problema ni Chen Xin, hindi niya nakilala ang kanyang tiwaling disposisyon at patuloy niyang ikinukumpara ang sarili sa iba at nakakaramdam siya ng pagkanegatibo kapag hindi niya kayang makipagsabayan. Nagiging pabaya rin si Lin Xi sa kanyang mga tungkulin, at nanatili ang maraming problema, nakaaapekto sa pag-usad ng gawain. Alam ko na napakapabaya ni Lin Xi sa kanyang mga tungkulin at na dapat sana ay pinungusan at inilantad ko siya, pero natakot ako na magkaroon siya ng masamang impresyon sa akin at na hindi na niya ako susuportahan o tatangkilikin. Kaya, pahapyaw ko lang binanggit ang mga isyu niya, ipinapahiwatig na ang kawalan niya ng pag-usad ay maaaring dahil lang sa mga maling layunin sa kanyang tungkulin. Dahil pinalabas kong maliit na isyu lang ito, hindi isinapuso ni Lin Xi ang alinman sa mga sinabi ko, hindi niya binago ang kanyang pabayang saloobin, at madalas na kailangang ulitin ang gawain niya. Dahil iniisip ko lang kung paano protektahan ang mga ugnayan ko, tinatalakay ko lang nang pahapyaw ang tungkol sa mga isyung nakita ko, hindi ito nagbunga ng anumang resulta at naaantala nito ang gawain. Pero hindi ko pinagnilayan o kinilala ang sarili ko.
Sa isang pagtitipon, nagbahaginan kami tungkol sa mga salita ng Diyos na naglalantad kung paano kinukuha ng mga anticristo ang loob ng mga tao. Nagkataon na nabasa ko ang isang sipi na direktang tumutukoy sa kalagayan ko. Sa wakas, nagkamit ako ng kaunting kaalaman sa pag-uugali ko. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Kapag nakikita ng ilang lider ng iglesia ang mga kapatid na pabasta-bastang gumagawa ng kanilang mga tungkulin, hindi nila sinasaway ang mga ito, kahit na dapat. Kapag malinaw niyang nakikita na naaapektuhan ang mga interes ng sambahayan ng Diyos, hindi siya nakikialam dito o nagtatanong, at hindi siya nagdudulot ng kahit kaunting sama ng loob sa iba. Sa katunayan, hindi talaga siya nagpapakita ng pagsasaalang-alang sa kahinaan ng mga tao; sa halip, ang intensyon at layon niya ay ang makuha ang loob ng mga tao. Alam na alam niya na: ‘Basta’t ginagawa ko ito at hindi ako nagdudulot ng sama ng loob kanino man, iisipin nilang mabuti akong lider. Magkakaroon sila ng maganda at mataas na pagtingin sa akin. Sasang-ayunan nila ako at magugustuhan nila ako.’ Wala siyang pakialam kung gaano kalaking pinsala ang nagawa sa mga interes ng sambahayan ng Diyos, o kung gaano kalaking mga kawalan ang naidulot sa buhay pagpasok ng mga hinirang ng Diyos, o kung gaanong labis na nagambala ang buhay iglesia niya, patuloy lang siya sa kanyang satanikong pilosopiya at hindi nagdudulot ng sama ng loob sa sinuman. Walang anumang paninisi sa sarili sa puso niya. Kapag may nakita siyang isang taong nagdudulot ng mga pagkagambala at panggugulo, sa pinakahigit ay maaari niya itong kausapin tungkol dito, paliliitin ang isyu, at pagkatapos ay hindi na niya ito pakikialaman. Hindi siya magbabahagi tungkol sa katotohanan, o tutukuyin ang diwa ng problema sa taong iyon, lalong hindi niya hihimayin ang kalagayan niyon, at hindi siya kailanman magbabahagi tungkol sa kung ano ang mga layunin ng Diyos. Hindi kailanman inilalantad o hinihimay ng mga huwad na lider ang mga pagkakamaling kadalasang ginagawa ng mga tao, o ang mga tiwaling disposisyong madalas ibinubunyag ng mga ito. Wala siyang nilulutas na anumang totoong mga problema, kundi sa halip ay palaging kinukunsinti ang mga maling gawi at pagpapakita ng katiwalian ng mga tao, at gaano man kanegatibo o kahina ng mga tao, hindi niya ito sineseryoso. Nangangaral lang siya ng ilang salita at doktrina at nagsasabi ng ilang salita ng panghihikayat para harapin ang sitwasyon sa isang pabasta-bastang paraan, sinusubukang panatilihin ang pagkakasundo. Dahil dito, hindi alam ng mga hinirang ng Diyos kung paano pagnilayan at kilalanin ang kanilang sarili, walang solusyon sa anumang ibinubunyag nilang mga tiwaling disposisyon, at namumuhay sila sa gitna ng mga salita at doktrina, kuru-kuro at imahinasyon, nang walang anumang buhay pagpasok. Naniniwala pa sila sa kanilang puso na, ‘Mas malawak pa nga ang pang-unawa ng aming lider sa mga kahinaan namin kaysa sa Diyos. Masyadong maliit ang aming tayog upang makatugon sa mga hinihingi ng Diyos. Kailangan lang naming tuparin ang mga hinihingi ng aming lider; sa pagpapasakop sa aming lider, nagpapasakop kami sa Diyos. Kung dumating ang araw na tanggalin ng Itaas ang aming lider, magsasalita kami upang marinig; upang mapanatili ang aming lider at mapigilang tanggalin siya, makikipagkasundo kami sa Itaas at pipilitin silang sumang-ayon sa mga hinihingi namin. Ganito namin gagawin ang tama para sa aming lider.’ Kapag ang mga tao ay may ganoong mga saloobin sa kanilang puso, kapag nakapagtatag na sila ng ganoong relasyon sa lider nila, at nagkaroon na ng ganitong uri ng pagdepende, pagkainggit, at pagsamba sa puso nila para sa kanilang lider, magkakaroon sila ng higit pang pananalig sa lider na ito, at palagi nilang gustong makinig sa mga salita ng lider, sa halip na hanapin ang katotohanan sa mga salita ng Diyos. Ang gayong lider ay halos pumalit na sa puwang ng Diyos sa puso ng mga tao. Kung ang isang lider ay handang mapanatili ang ganoong relasyon sa mga taong hinirang ng Diyos, kung nakakaramdam siya ng kasiyahan dito sa puso niya, at naniniwala siyang dapat lang siyang tratuhin nang ganito ng mga taong hinirang ng Diyos, kung gayon ay walang pinagkaiba ang lider na ito kay Pablo, nakatapak na siya sa landas ng isang anticristo, at nailihis na ng anticristong ito ang mga hinirang ng Diyos, at talagang wala silang pagkakilala” (Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Unang Aytem: Sinusubukan Nilang Kuhain ang Loob ng mga Tao). Inilalantad ng Diyos na palaging isinasaalang-alang ng mga anticristo ang laman ng mga tao. Napapansin nila kapag nagiging pabaya ang mga kapatid sa tungkulin ng mga ito at naaantala ang gawain ng iglesia, pero hindi nila ito kailanman ipinapaalam o pinupungusan ang mga kapatid. Sa halip, kinukunsinti at pinapaunlakan lang nila ang mga tao para makapagtanim sila ng magandang imahe ng kanilang sarili sa puso ng mga tao, kinukuha ang loob ng mga ito. Pakiramdam ko ay inilalantad ng Diyos ang sarili kong pag-uugali. Sa aking tungkulin, palagi kong sinisikap na protektahan ang aking imahe at katayuan sa puso ng mga tao. Para maging maganda ang impresyon ng mga miyembro ng pangkat tungkol sa akin, madalas akong umaasal nang mabait, iniingatan ko pa nga ang tono ng aking boses at ang saloobin ko habang nagsasalita. Natatakot ako na sa anumang maling hakbang, magiging masama ang impresyon ng mga tao sa akin. Nakita ko ang kawalan ng pag-usad at masamang kalagayan ni Chen Xin, at alam kong ito ay dahil palagi siyang naghahabol sa reputasyon at katayuan, ikinukumpara ang sarili niya sa iba, at hindi tumutuon sa kanyang mga propesyonal na kasanayan, at malinaw sa akin na kung magpapatuloy siya nang ganito, hindi lamang ito makaaapekto sa kanyang sariling buhay pagpasok, kundi maaantala rin ang gawain. Dapat sana ay nakipagbahaginan ako sa kanya at binanggit ang mga bagay na ito, pero natakot akong mapasama ang loob niya, kaya ang tanging ginawa ko ay aluin, palakasin ang loob, at hikayatin siya. Hindi matukoy ni Chen Xin ang sarili niyang mga problema at namuhay siya sa isang negatibong kalagayan, nahahadlangan ang kanyang buhay pagpasok at napakabagal ng pag-usad niya sa propesyonal na aspekto. Alam na alam ko rin na nagiging pabaya si Lin Xi sa kanyang mga tungkulin at na malinaw na kailangan kong ipaalam ang kanyang mga isyu at magbahagi tungkol sa diwa ng mga ito para tulungan siyang magnilay at maunawaan ang mga usapin, pero natakot ako na kung direkta kong ipapaalam ang mga problema niya, baka maging negatibo ang tingin niya sa akin, kaya, bahagya ko lang binanggit ang mga problema, hindi ito nakatulong sa paglutas ng mga ito. Nang mapagtanto ko ito, naunawaan ko sa wakas na ang asal ko ay tulad sa isang anticristo na sinusubukang kuhanin ang loob ng mga tao. Para makuha ang pagsang-ayon at suporta ng mga miyembro ng grupo, palagi ko silang pinauunlakan, at iniiwasan kong ipaalam ang mga problema o makipagbahaginan para lutasin ang mga ito. Bukod sa naantala ko ang buhay pagpasok ng mga kapatid ko, naantala ko rin ang gawain ng iglesia. Sobra akong naging makasarili at kasuklam-suklam!
Kalaunan, nagtapat ako sa mga miyembro ng pangkat tungkol sa kung paano ko sinusubukang makuha ang loob ng mga tao. Sinabi ng isa sa kanila, “Noong huli, nang magkaroon ng mga paglihis ang gawain natin, hindi mo kami pinungusan, at sa halip, pinadalhan mo lang kami ng isang sulat para palakasin ang loob namin at hikayatin kami. Sinabi pa nga ng isang sister, ‘Tingnan ninyo, sinusubukan na naman niya tayong aluin.’” Mas lalo akong nakonsensiya nang marinig ko ang sinabi niya. Kapag pinapaalis ng iglesia ang isang tao, dapat silang seryosong suriin alinsunod sa mga katotohanang prinsipyo. Walang puwang para sa anumang kapabayaan o pagiging pabasta-basta. Kung hindi natin ito seseryosohin o susuriin ang mga usapin ayon sa mga prinsipyo, madali itong hahantong sa mga maling akusasyon at mapipinsala ang mga kapatid. Naging malinaw sa akin na nagiging pabaya sila sa kanilang mga tungkulin, at halos nakakagulo sa gawain ng iglesia, pero dahil natatakot akong mapasama ang loob nila, hindi ko ako nagbigay ng patnubay o tulong, at tuluyan kong binalewala kung naaapektuhan ba ang gawain ng iglesia. Ang pag-uugali ko ay paglaban sa Diyos! Natakot ako sa pagkatanto kong ito, at ginusto kong bumawi sa lalong madaling panahon.
Kalaunan, nabasa ko ang isang sipi ng salita ng Diyos: “Kapag nakikipag-ugnayan ka sa iba, kailangan mo munang ipakita sa kanila ang iyong tunay na nararamdaman at ang iyong katapatan. Kung, habang nagsasalita at nakikipagtulungan at nakikipag-ugnayan sa iba, ang mga salita ng isang tao ay pabasta-basta, mabulaklak, kaaya-aya ngunit mababaw, pambobola, hindi responsable, at kathang-isip, o kung nagsasalita lamang siya upang makakuha ng pabor sa iba, ang kanyang mga salita ay walang anumang kredibilidad, at hindi siya tapat ni bahagya. Ito ang paraan niya ng pakikipag-ugnayan sa ibang tao, maging sinuman ang mga ibang taong iyon. Ang gayong tao ay walang matapat na puso. Ang taong ito ay hindi matapat. Sabihin nating nasa isang negatibong kalagayan ang isang tao, at taos-puso niyang sinasabi sa iyo: ‘Sabihin mo sa akin kung bakit ako napakanegatibo. Hindi ko talaga ito maunawaan!’ At ipagpalagay nang sa katunayan, nauunawaan mo sa iyong puso ang kanyang problema, pero hindi mo sinabi sa kanya, sa halip ay sinabi mong: ‘Wala iyan. Hindi ka naman negatibo; ganyan din ako.’ Ang mga salitang ito ay malaking pampalubag-loob sa taong iyon, ngunit hindi sinsero ang iyong saloobin. Nagiging pabasta-basta ka sa kanya; kaya, para mas maging komportable at magaan ang loob niya, umiwas ka sa pagsasalita nang matapat sa kanya. Hindi ka masigasig na tumutulong sa kanya at diretsahang inihahayag ang kanyang problema, para maalis niya ang pagiging negatibo. Hindi mo nagawa ang nararapat gawin ng isang matapat na tao. Para lamang maalo siya at para matiyak na walang pagkakalayo o hindi pagkakasundo sa pagitan ninyo, naging pabasta-basta ka na lang sa kanya—at hindi ito ang pagiging isang matapat na tao. Kaya, upang maging isang matapat na tao, ano ang dapat mong gawin kapag nahaharap ka sa ganitong uri ng sitwasyon? Kailangan mong sabihin sa kanya kung ano ang nakita at natukoy mo: ‘Sasabihin ko sa iyo kung ano ang nakita ko at kung ano ang naranasan ko. Ikaw ang magpapasya kung ang sinasabi ko ay tama o mali. Kung ito ay mali, hindi mo ito kailangang tanggapin. Kung ito ay tama, sana ay tanggapin mo ito. Kung may sabihin ako na mahirap para sa iyo na marinig o nakakasakit sa iyo, sana ay kaya mo itong tanggapin mula sa Diyos. Ang layunin at hangarin ko ay ang tulungan ka. Malinaw kong nakikita ang suliranin: Dahil pakiramdam mo ay napahiya ka, walang nagpapadama sa iyo na importante ka, at sa tingin mo ay mababa ang tingin ng lahat sa iyo, na inaatake ka, at hindi ka pa kailanman nagawan ng ganito kalaking pagkakamali, hindi mo ito matanggap at nagiging negatibo ka. Ano sa tingin mo—ito ba talaga ang nangyayari?’ At pagkarinig nito, madarama nila na ito nga talaga ang nangyayari. Ito talaga ang nasa puso mo, pero kung hindi ka matapat na tao, hindi mo ito sasabihin. Ang sasabihin mo, ‘Madalas din akong maging negatibo,’ at kapag narinig ng taong ito na ang lahat ay nagiging negatibo, iisipin niya na normal lang para sa kanya na maging negatibo, at sa huli, hindi niya aalisin ang pagiging negatibo. Kung ikaw ay isang matapat na tao at tinutulungan mo siya nang may matapat na saloobin at matapat na puso, matutulungan mo siyang maunawaan ang katotohanan at maisantabi ang kanyang pagiging negatibo” (Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ang Isang Matapat na Tao Lamang ang Makapagsasabuhay ng Tunay na Wangis ng Tao). Ang pagbabasa ng salita ng Diyos ay nagbigay sa akin ng isang landas ng pagsasagawa. Kapag nakikisalamuha sa isa’t isa, kailangan nating maging prangka at sinsero. Dapat tayong magsalita nang matapat kapag nakikita natin ang mga problema ng iba, para makilala nila ang mga problema nilang ito. Nakabubuti sa kanilang buhay pagpasok ang pagtrato sa mga tao sa ganitong paraan. Nakita ko na nagiging pabaya si Lin Xi sa kanyang tungkulin, pero nagpatuloy ako sa pagbibigay sa kanya ng mga hindi sinserong salita ng pang-alo at panghihikayat para makuha ang pagsang-ayon niya. Nakapipinsala ito sa kanya at isa itong panlilinlang. Bagama’t mapapahiya siya sa saglit kung direkta kong ipapaalam ang problema niya, makatutulong ito sa kanya para makapagnilay at makapoprotekta rin sa gawain ng iglesia. Nang mapagtanto ito, pinuntahan ko si Lin Xi at nakipagbahaginan ako sa kanya gamit ang ilang salita ng Diyos na naglalantad sa diwa at mga kahihinatnan ng pagiging pabaya ng mga tao. Inamin ni Lin Xi kung gaano siya naging pabaya, na wala siyang ingat at hindi siya maprinsipyo sa kanyang mga tungkulin. Nang maglaon, nakita ko na sadyang nagsisikap si Lin Xi na baguhin ang mga bagay-bagay. Mas maprinsipyo at responsable na siya sa kanyang mga tungkulin kaysa dati at malinaw siyang umuusad. Nang makita ko ang kinalabasang ito, nakaramdam ako ng matinding hiya. Palagi kong pinananatili ang isang imahe ng pagiging mabait sa mga mata ng mga tao, binibigyan lang sila ng mabababaw na pahayag, at walang ginawa na makabubuti sa kanila. Kung mas maaga ko lang sanang ipinaalam ang mga problema ni Lin Xi, mas maaga rin sana niyang nagawang baguhin ang mga bagay-bagay, at nakabuti sana ito sa pag-usad ng gawain. Nalaman ko kalaunan na nasa masamang kalagayan si Chen Xin, na pakiramdam niya ay wala siyang kakayahan at mga kakayahan sa gawain, at na mas mababa siya kaysa sa mga kagrupo niya. May impresyon din siya na minamaliit ko siya, kaya namumuhay siya sa pagkanegatibo at gusto niyang magbitiw. Pinuntahan ko siya at nagtapat ako sa pagbabahaginan. Sinabi ko sa kanya na masyado niyang pinahahalagahan ang reputasyon at katayuan, at ginamit ko ang salita ng Diyos para makipagbahaginan sa kanya tungkol sa diwa at mga kahihinatnan ng paghahangad ng reputasyon at katayuan at pagsuko sa kanyang tungkulin. Pagkatapos ng aming pagbabahaginan, naunawaan na ni Chen Xin nang kaunti ang kanyang sarili, at medyo bumuti ang kalagayan niya. Masayang-masaya ako, at naunawaan ko na kung kikilos at aasal ang isang tao ayon sa salita ng Diyos, magiging payapa ang puso niya, at maaari siyang magkaroon ng mga normal na ugnayan sa iba.
Kalaunan, nagbasa pa ako ng salita ng Diyos at nagsimulang maunawaan ang tunay na diwa sa likod ng mga tradisyonal na kaugalian sa kultura na pagiging mabait at madaling lapitan. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Ang diwa sa likod ng magandang pag-uugali tulad ng pagiging madaling lapitan at magiliw ay mailalarawan sa isang salita: pagpapanggap. Ang gayong magandang pag-uugali ay hindi nagmumula sa mga salita ng Diyos, ni resulta ng pagsasagawa ng katotohanan o pagkilos ayon sa prinsipyo. Ano ang nagbubunga nito? Nagmumula ito sa mga motibo at pakana ng mga tao, mula sa kanilang pagpapanggap, pagkukunwari, panlilinlang” (Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan. Ang Kahulugan ng Paghahangad sa Katotohanan 3). “Sa kabuuan, ang lahat ng pahayag tungkol sa mabuting pag-uugali ay isang paraan lang upang ipresenta nang maganda ang panlabas na pag-uugali at imahe ng tao. Ang ‘ipresenta nang maganda’ ay pinagandang pananalita; sa mas tumpak na pananalita, ang totoo ay isa itong uri ng pagbabalatkayo, isang paraan ng pagkukunwari para lansihin ang iba na magkaroon ng positibong pagtingin sa kanilang sarili, upang lansihin silang magkaroon ng mga positibong pagsusuri sa kanilang sarili, upang lansihin silang igalang ang kanilang sarili, samantalang ang madilim na bahagi ng puso ng isang tao, ang kanyang mga tiwaling disposisyon, at ang kanyang tunay na mukha ay pawang nakatago at nakakubli. Maaari din nating ipaliwanag ito nang ganito: Ang nakatago sa ilalim ng sinag ng mabubuting pag-uugaling ito ay ang mga tiwaling tunay na pagkatao ng bawat miyembro ng tiwaling sangkatauhan. Ang nakatago ay ang bawat miyembro ng masamang sangkatauhan na may mapagmataas na disposisyon, mapanlinlang na disposisyon, malupit na disposisyon, at disposisyon ng pagiging tutol sa katotohanan. Hindi mahalaga kung ang panlabas na pag-uugali ng isang tao ay may pinag-aralan at matino, o malumanay at pino, o kung siya man ay magiliw, madaling lapitan, mapagpitagan sa matatanda at maalaga sa mga bata, o anuman—alinman sa mga ito ang ipinapakita niya, panlabas na pag-uugali lang ito na nakikita ng iba. Hindi siya nito maaakay tungo sa mabuting pag-uugali hanggang sa pagkakilala sa kanyang kalikasang diwa. Bagamat magandang tingnan ang tao na may panlabas na pag-uugali ng pagiging may pinag-aralan at matino, malumanay at pino, madaling lapitan, at magiliw, kaya ang buong mundo ay maganda ang impresyon sa kanya, hindi maitatangging talagang umiiral ang mga tiwaling disposisyon ng tao sa likod ng mabubuting pag-uugaling ito. Ang pagiging tutol ng tao sa katotohanan, ang kanyang paglaban at pagrerebelde sa Diyos, ang kanyang kalikasang diwa ng pagiging tutol sa mga salitang sinasabi ng Lumikha, at ng paglaban sa Lumikha—tunay na umiiral ang mga ito roon. Walang hindi totoo roon. Gaano man kahusay magpanggap ang isang tao, gaano man kapresentable o kaangkop ang kanyang mga pag-uugali, gaano man kabuti o kaganda niya pagmukhain ang kanyang sarili, o gaano man siya kamapanlinlang, hindi maikakaila na ang bawat tiwaling tao ay puno ng satanikong disposisyon. Sa likod ng maskara ng panlabas na pag-uugaling ito, lumalaban at naghihimagsik pa rin siya sa Diyos, lumalaban at naghihimagsik sa Lumikha. Siyempre, gamit ang mabubuting pag-uugaling ito bilang pantabing at pangkubli, naglalabas ang sangkatauhan ng mga tiwaling disposisyon sa bawat araw, oras at sandali, sa bawat minuto at segundo, sa bawat kaganapan, kung kailan namumuhay sila sa gitna ng mga tiwaling disposisyon at kasalanan. Isa itong hindi maitatangging katunayan. Sa kabila ng mga presentableng pag-uugali, kasiya-siyang salita, at huwad na panlabas ng tao, hindi man lang nabawasan ang kanyang tiwaling disposisyon, ni hindi man lang ito nagbago dahil sa mga panlabas niyang pag-uugaling iyon. Sa kabaligtaran, dahil nakukubli siya ng mga panlabas na mabubuting pag-uugaling ito kaya palaging lumalabas ang kanyang tiwaling disposisyon, at hindi siya kailanman tumitigil sa paghakbang tungo sa paggawa ng masama at paglaban sa Diyos—at siyempre pa, dahil napangingibabawan siya ng kanyang malulupit at mga buktot na disposisyon, tuloy-tuloy na lumalawak at lumalago ang kanyang mga ambisyon, pagnanasa, at labis-labis na hinihingi” (Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan. Ang Kahulugan ng Paghahangad sa Katotohanan 3). Noon, palagi kong inaakala na ang pagiging magiliw at madaling lapitan ay naaayon sa normal na moralidad ng tao, na karamihan sa mga tao ay nagugustuhan at sinasang-ayunan ang pag-uugaling ito, at na mga positibong bagay ang mga ito. Noong bata pa ako, nakita ko na pinupuri ang guro ko dahil sa kabaitan niya, at palagi kong sinusubukan na maging ganitong uri ng tao. Nang makamtan ko ang pagsang-ayon at pagtangkilik ng mga tao sa paligid ko dahil sa pagiging ganitong uri ng tao, pinatibay lang nito ang ideyang ito na dapat akong umasal nang mabait. Nagsilbi itong sarili kong prinsipyo ng pag-asal na hindi lang sinasang-ayunan ng Diyos, kundi nagugustuhan din ng mga tao. Ngayon, sa pamamagitan ng paglalantad ng salita ng Diyos, naunawaan ko na sa katunayan, ang diwa sa likod ng pagiging mabait at madaling lapitan ay isang uri ng pagpapanggap, at na isa talaga itong pandaraya para makuha ang paghanga at pagsang-ayon ng mga tao. Mapanlinlang ito. Sa pagbabalik-tanaw sa panahong bata pa ako, naisip ko na dapat maging magiliwt at madaling lapitan ang mga tao sa isa’t isa, at dahil lubos na naimpluwensiyahan ng ideyang ito, hindi ako kailanman nakipagtalo sa iba. Kahit saktan nila ako, at galit at namumuhi ako sa kanila sa loob-loob ko, hinding-hindi ko ito ipapakita at palagi kong babatiin ang mga tao nang nakangiti. Sa totoo lang, ginawa ko ang mga kompromisong ito para lang makamit ang pagsang-ayon ng mga tao. Mapagpaimbabaw ako at namumuhay sa isang kasinungalingan. Patuloy pa rin akong nakikisalamuha sa mga tao sa ganitong paraan pagkatapos kong manampalataya sa Diyos. Sa lahat ng sinasabi at ginagawa ko, palagi kong iniisip ang mga damdamin ng iba at natatakot na mapasama ang loob nila. Natatakot ako na hindi sila magkakaroon ng magandang impresyon sa akin kung magsasalita ako nang matapat, kaya kahit na nakikita ko ang problema ng isang tao, hindi ako naglalakas-loob na sabihin ang totoo o ipaalam ito. Isinaayos ng iglesia na pangasiwaan ko ang gawain ng grupong ito, pero hindi talaga ako gumampan ng anumang tunay na papel. Palagi kong gustong protektahan ang aking imahe at katayuan sa paningin ng iba at hindi pinahahalagahan ang gawain ng iglesia. Paano ako maituturing na isang mabuting tao? Sa puntong ito, nakita ko na bagama’t mukha akong magiliw, mapagmahal, at maalalahanin, sa loob-loob, ang totoo, may binubuo akong pakana. Ginusto kong gamitin ang ganitong panlalansi para makamit ang paghanga ng iba. Lubha akong tuso at mapanlinlang na tao. Pinaniniwalaan ko noon na ang mga taong magiliw ay mabubuting tao, na mayroon silang magagandang ugnayan sa iba, na nagugustuhan sila, at na sinasang-ayunan sila ng Diyos. Pero ngayon, nakikita ko na ang magigiliw na tao ay magaling lang magpanggap at na ang pagiging magiliw ay hindi isang prinsipyo ng pag-asal. Sa pamumuhay sa ganitong tradisyonal na kultural na ideya, mas lalo lang nagiging makasarili, kasuklam-suklam, tuso, at mapanlinlang ang mga tao, at ang paggawa nito ay sumasalungat sa katotohanan, isang paggawa ng kasamaan, at lumalaban sa Diyos!
Kalaunan, nabasa ko ang dalawa pang sipi ng salita ng Diyos, at naunawaan ko kung ano ang mabuting pagkatao at natutunan ko ang mga prinsipyo ng pag-asal. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Kailangang may pamantayan para sa pagkakaroon ng mabuting pagkatao. Hindi kasama rito ang pagtahak sa landas ng pagtitimpi, hindi pagkapit sa mga prinsipyo, pagsisikap na huwag makasakit ng sinuman, pagsipsip kahit saan ka magpunta, pagiging matatas at wais sa lahat ng iyong nakakasalamuha, at panghihikayat sa lahat na magsabi nang maganda tungkol sa iyo. Hindi ito ang pamantayan. Ano kung gayon ang pamantayan? Ito ay ang magawang magpasakop sa Diyos at sa katotohanan. Ito ay ang pagharap sa tungkulin at sa iba’t ibang uri ng tao, pangyayari, at mga bagay nang may mga prinsipyo at pagpapahalaga sa responsabilidad. Ito ay malinaw na nakikita ng lahat; ang lahat ay maliwanag tungkol dito sa kanilang puso” (Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Sa Pagbibigay ng Isang Tao ng Puso Niya sa Diyos, Makakamit Niya ang Katotohanan). “Ang dapat pagsumikapan ng mga tao na makamtan nang husto ay ang gawin nilang batayan ang mga salita ng Diyos, at gawing pamantayan ang katotohanan; saka lamang sila makakapamuhay sa liwanag at makakapagsabuhay sa wangis ng isang normal na tao. Kung nais mong mabuhay sa liwanag, dapat kang kumilos ayon sa katotohanan; dapat kang maging isang matapat na tao na nagsasabi ng matatapat na salita at gumagawa ng matatapat na bagay. Ang mahalaga ay ang magkaroon ng mga katotohanang prinsipyo sa pag-asal ng isang tao; kapag nawala sa mga tao ang mga katotohanang prinsipyo, at nagtuon lamang sila sa magandang pag-uugali, hindi maiiwasang magpasimula ito ng panloloko at pagpapanggap. Kung walang prinsipyo sa pag-asal ng mga tao, gaano man kaganda ang kanilang asal, mga mapagpaimbabaw sila; maaari nilang malihis sandali ang iba, ngunit hinding-hindi sila magiging katiwa-tiwala. Kapag kumilos at umasal ang mga tao ayon sa mga salita ng Diyos, saka lamang sila magkakaroon ng tunay na pundasyon. Kung hindi sila umaasal ayon sa mga salita ng Diyos, at tumutuon lamang sila sa pagpapanggap na kumikilos sila nang maayos, magiging mabubuting tao ba sila dahil dito? Talagang hindi. Ang magagandang doktrina at pag-uugali ay hindi mababago ang mga tiwaling diwa ng tao, at hindi mababago ng mga ito ang kanyang diwa. Tanging ang katotohanan at mga salita ng Diyos ang maaaring magpabago sa mga tiwaling disposisyon, kaisipan, at opinyon ng mga tao, at maaaring maging buhay nila. … Kung gayon, ano ang mga hinihingi at pamantayan ng Diyos para sa pananalita ng mga tao? (Na dapat makatulong ito sa mga tao.) Tama iyan. Ang pinakamahalaga, dapat sabihin mo ang totoo, magsalita ka nang matapat, at maging kapaki-pakinabang sa iba. Kahit paano, ang pananalita mo ay dapat nakakapagpalinaw sa mga tao, at hindi niloloko, inililigaw, pinagtatawanan, tinutudyo, nililibak, tinutuya, hinihigpitan sila, inilalantad ang mga kahinaan nila, o sinasaktan sila. Ito ang pagpapahayag ng normal na pagkatao. Ito ang kabutihan ng pagkatao. Sinabi ba sa iyo ng Diyos kung gaano ka kalakas dapat na magsalita? Hiningi ba Niya na gumamit ka ng karaniwang wika? Hiningi ba Niya na gumamit ka ng mabulaklak na retorika o ng isang matayog at pinong istilo ng lingguwistika? (Hindi.) Wala Siyang hiningi sa anumang mababaw, mapagpaimbabaw, huwad, at hindi praktikal na kapaki-pakinabang na mga bagay. Ang hinihingi ng Diyos ay pawang mga bagay na dapat taglay ng normal na mga tao, mga pamantayan at prinsipyo para sa wika at pag-uugali ng tao. Hindi mahalaga kung saan ipinanganak ang isang tao o kung anong wika ang kanyang sinasalita. Ano’t anuman, ang mga salitang sinasabi mo—ang istilo ng pagkakasabi at nilalaman ng mga ito—ay dapat na nakapagpapatibay sa iba. Ano ang ibig sabihin na dapat nakapagpapatibay ang mga ito? Ibig sabihin, kapag narinig ng ibang tao ang mga ito, madarama nila na totoo ang mga ito, at makakukuha sila ng pagtustos at tulong mula sa mga ito, at mauunawaan nila ang katotohanan, at hindi na sila malilito, o madaling malilihis ng iba. Kaya, hinihingi ng Diyos na sabihin ng mga tao ang totoo, sabihin ang iniisip nila, at hindi niloloko, inililigaw, pinagtatawanan, tinutudyo, nililibak, tinutuya, hinihigpitan ang iba, o inilalantad ang mga kahinaan nila, o sinasaktan sila. Hindi ba’t mga prinsipyo ng pananalita ang mga ito? Ano ang ibig sabihin ng hindi dapat ilantad ng isang tao ang mga kahinaan ng mga tao? Ang ibig sabihin nito ay huwag dungisan ang ibang mga tao. Huwag kumapit sa kanilang nakaraang mga pagkakamali o pagkukulang para husgahan o kondenahin sila. Ito ang pinakamaliit na bagay na dapat mong gawin. Sa maagap na banda, paano ipinapahayag ang nakakatulong na pananalita? Ito ay pangunahing nanghihikayat, nagtuturo, gumagabay, nagpapayo, umuunawa, at nagpapanatag. Isa pa, sa ilang natatanging pagkakataon, kinakailangan na direktang ibunyag ang mga kamalian ng ibang tao at pungusan sila, upang magtamo sila ng kaalaman sa katotohanan at kagustuhang magsisi. Saka lang makakamtan ang nararapat na epekto. Ang ganitong paraan ng pagsasagawa ay tunay na kapaki-pakinabang sa mga tao. Tunay na tulong ito sa kanila, at mapakikinabangan nila ito, hindi ba?” (Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan. Ang Kahulugan ng Paghahangad sa Katotohanan 3). Ipinaunawa sa akin ng salita ng Diyos ang pamantayan sa pagsukat kung mabuti ba o masama ang pagkatao ng isang tao. Tunay nga na ang mabuting pagkatao ay hindi tungkol sa pagiging walang kinikilingan, pag-iwas na makapanakit ng loob ng mga tao, pagpapanatili ng maaayos na ugnayan o pakikisama sa lahat, hindi rin ito tungkol sa pagiging magiliw o madaling lapitan ng mga tao. Mga panlabas na pag-uugali lang ang mga ito, at gaano man kahusay ginampanan ang mga ito, hindi sinasang-ayunan ng Diyos ang mga ito. Sa pamamagitan lamang ng pakikisalamuha sa mga tao batay sa mga salita ng Diyos masasabi na sumusunod ang isang tao sa mga prinsipyo. Sa pamamagitan lamang ng paglapit sa ibang tao at pagharap sa tungkulin nang may sinseridad, pagiging responsable, pagsasagawa sa katotohanan, at pagiging isang matapat na tao maaaring ituring ang isang tao na may tunay na mabuting pagkatao. Palagi kong iniisip noon na kung ipapaalam at ilalantad ko ang mga problema ng mga tao, masasaktan ko ang damdamin nila at magkakaroon ng negatibong pananaw sa akin ang mga kapatid ko, kaya, kapag nagsasalita ako, palagi kong isinasaalang-alang kung paano mas madaling tanggapin ang sasabihin ko at kung paano ko hindi masasaktan ang damdamin ng mga tao. Hindi ko iniisip kahit kaunti kung magiging epektibo ba ang paggawa nito. Sa totoo lang, ang pakikisalamuha sa mga tao sa ganitong maamong paraan ay hindi nakasasakit ng damdamin ng mga tao at pinahihintulutan nitong mapangalagaan ang iyong magandang imahe, pero wala itong anumang pakinabang para sa ibang tao o sa gawain ng iglesia. Sa pagtulong sa isang tao, dapat kahit papaano ay may hatid kang pakinabang sa kanila at malinaw mong maipapaalam ang kanilang mga problema kapag tinutukoy mo ang mga ito. Kahit na minsan ay kinakailangang gumamit ng kritikal na tono na sa simula ay maaaring mahirap tanggapin ng ibang tao, maaari naman itong mag-udyok sa kanila na magnilay-nilay sa kanilang sarili at bumawi sa mga kamaling nagawa. Naisip ko kung paanong hindi binubuo ng isang pamamaraan lamang ang gawain ng pagliligtas ng Diyos. Ang Diyos ay hindi lamang nag-aalay sa mga tao ng kaginhawahan at panghihikayat, hinahatulan, kinakastigo, at pinupungusan din Niya ang mga tao. Mas mabuting pamamaraan ito sa pagliligtas sa mga tao. Kung nakikita ko ang isang tao na namumuhay nang may tiwaling disposisyon at patuloy ko lang siyang inaalo at hinihikayat, hindi ito makabubuti sa kanya, at magiging mahirap para sa kanya na makilala ang kanyang tiwaling disposisyon. Napagtanto ko na ang pagtulong sa mga tao ay nangangailangan din ng mga prinsipyo, at dapat nakabatay sa tayog at naiibang pinagmulan at sitwasyon ng taong iyon. Kung kasisimula lang ng isang kapatid na magsagawa at wala siyang mga propesyonal kasanayan, dapat siyang higit na tulungan, pero kung umaasa siya sa isang tiwaling disposisyon para magawa ang kanyang mga tungkulin at nakaapekto na sa gawain ng iglesia, kung gayon, kailangan siyang iwasto, ilantad, at pungusan. Ito ang pagsasakatuparan sa responsabilidad at makakabuti ito para sa kanila. Nang maunawaan ang mga bagay na ito, sinabi ko sa sarili ko na hindi na ako puwedeng makisalamuha sa iba ayon sa tradisyonal na kultura, at na kailangan kong magsagawa ayon sa salita at mga hinihingi ng Diyos.
Isang araw, iniinspeksiyon ko ang mga materyal na pinagsama ng dalawa pang sister at napansin ko na kulang sa detalye ang mga halimbawa at kailangan itong dagdagan at pagbutihin. Matagal-tagal na ring ginagawa ng dalawang sister na ito ang gawaing ito, at kung naging mas maingat sila sa pag-iinspeksiyon, hindi sana nangyari ang mga paglihis na ito. Malinaw na may isyu sa mga saloobin nila sa kanilang tungkulin. Naisip ko kung paanong natakot ako na makasakit ng damdamin ng iba at ginusto kong mapanatili ang mga ungyan ko sa kanila, hindi naglalakas-loob na ipaalam ang mga isyu ng mga tao. Bukod sa wala itong pakinabang para sa mga tao, napinsala rin nito ang gawain ng iglesia. Kailangan kong matuto ng isang leksiyon sa pagkakataong ito, isagawa ang katotohanan, at kumilos ayon sa mga prinsipyo, kaya inilantad ko ang mga saloobin nila sa kanilang mga tungkulin at ang diwa at mga kahihinatnan ng paggawa ng kanilang mga tungkulin sa ganitong paraan. Kalaunan, sinabi sa akin ng isa sa mga sister na bagama’t hindi niya matanggap na mapungusan siya noong una, at pakiramdam niya ay masyado akong naging malupit, sa pamamagitan ng pagninilay-nilay sa kanyang sarili ayon sa salita ng Diyos, naunawaan niya ang mga problema niya, at naunawaan din ang kahalagahan ng paggawa ng kanyang tungkulin alinsunod sa mga prinsipyo. Sinabi niya na mayroon siyang nakamit mula sa karanasang ito ng pagkakapungos. Ipinakita sa akin ng mga katunayang ito na para sa mga naghahangad ng katotohanan, ang mapungusan ay makatutulong sa kanila para makilala ang kanilang mga problema, magawa nang mas maingat ang kanilang mga tungkulin, at mabawasan ang bilang ng mga paglihis sa kanilang gawain. Napagtanto ko na sa pamamagitan lamang ng pagkilos at pag-asal ayon sa salita ng Diyos at sa katotohanan maisasabuhay ng isang tao ang normal na pagkatao, at na kapaki-pakinabang ito sa iba, sa sarili, at sa gawain ng iglesia. Tanging ang mga salita ng Diyos ang mga prinsipyo kung paano dapat kumilos at umasal!