93. Paano Ko Binitiwan ang Isang Matatag na Trabaho

Ni Lizhi, Japan

Ipinanganak ako sa isang mahirap at atrasadong pamilya sa kanayunan. Bata pa lang ako, mariin nang hiniling ng ama ko na mag-aral akong mabuti, para sa hinaharap, makapasok ako sa magandang paaralan at magkaroon ng masaganang buhay. Pero hindi nangyari ang inaasahan ko. Bumagsak ako sa entrance exam ng high school nang tatlong magkakasunod na taon. Dahil dito, nalito ako sa magiging landas ko, at nawalan ako ng kumpiyansa. Nung panahong ‘yon, sobra ang stress ko, at labis akong nasaktan. Hanggang sa ika-apat na taon, kung kailan sa wakas ay natanggap ako sa isang paaralan ng railway engineering, at pagkatapos ng graduation, nakakuha ako ng matatag na trabaho sa opisina ng Railway Bureau.

Noong Marso ng 1999, tinanggap namin ng asawa ko ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. Kalaunan, aktibo akong gumawa ng tungkulin ko at sumali sa buhay-iglesia, at pagkaraan ng anim na buwan, napili akong mamuno ng iglesia. Pero pagkatapos maging lider, habang gumugugol ako ng mas maraming oras sa mga pagtitipon at sa tungkulin ko, lumitaw ang mga conflict sa trabaho. Para maiwasang lumiban sa mga pagtitipon, kailangan kong mag-leave ng ilang beses sa isang buwan. Bukod sa mga kaltas sa suweldo, nawalan din ako ng bonus sa katapusan ng buwan. Dismayadong sinabi ng boss ko, “Kakasimula mo pa lang sa trabahong ito, kaya kailangan mong gawin nang mabuti ang trabaho mo. Kung palagi kang hihingi ng leave, malaki ang mawawala sa suweldo mo, at mawawala ang bonus mo, hindi ba ito kahangalan? Inalagaan kita nang mabuti, pero kung lagi kang hihingi ng leave, magiging mahirap na ipromote ka.” Kalaunan, nang humingi ako ulit ng leave, nagtalo nang husto ang kalooban ko. Naisip ko, “Mabait sa akin ang boss ko rito. Kung palagi akong hindi papasok at magbibigay sa kanya ng masamang impresyon sa akin, mahihirapan akong mapromote. Hindi na ako pwedeng lumiban pa, o hindi matutuwa sa’kin ang boss ko.” Pero naisip ko, bilang lider ng iglesia, kung hindi ako pupunta sa mga pagtitipon, hindi ako magkakaroon ng maraming kaalaman tungkol sa gawain ng iglesia at sa kalagayan ng aking mga kapatid, at hindi ko magagawa nang maayos ang gawain ng iglesia. Kaya masyado talaga akong naguluhan. Pagkatapos nun, ilang beses kong piniling manatili sa trabaho, pero labis akong nakonsensya tungkol dito.

Minsan, inabisuhan ako ng aking nakatataas na lider tungkol sa isang pulong ng magkakatrabaho, at nagsimula na naman akong makipagtalo sa sarili ko, kaya nanalangin ako sa Diyos para hanapin ang kalooban Niya. Pagkatapos, nabasa ko ang isang sipi ng salita ng Diyos. “Sa bawat hakbang ng gawaing ginagawa ng Diyos sa kalooban ng mga tao, sa panlabas ay mukha itong pag-uugnayan sa pagitan ng mga tao, na para bang mula sa pagsasaayos ng tao, o mula sa panghihimasok ng tao. Ngunit sa likod ng mga eksena, ang bawat hakbang ng gawain, at lahat ng nangyayari, ay isang pustahan na ginawa ni Satanas sa harap ng Diyos, at hinihingi sa mga tao na manindigan sa kanilang patotoo sa Diyos. Gaya nang si Job ay sinubukan, halimbawa: Sa likod ng mga eksena, nakikipagpustahan si Satanas sa Diyos, at ang nangyari kay Job ay mga gawa ng tao, at panghihimasok ng mga tao. Sa likod ng bawat hakbang ng gawaing ginagawa ng Diyos sa inyo ay ang pakikipagpustahan ni Satanas sa Diyos—sa likod ng lahat ng ito ay isang labanan. … Kailangan ng mga taong magbayad ng isang tiyak na halaga sa kanilang mga pagsisikap sa lahat ng kanilang ginagawa. Kung walang aktwal na paghihirap, hindi nila mabibigyang-kasiyahan ang Diyos, hindi man lamang sila kalapitan sa pagbibigay-kasiyahan sa Diyos, at nagbubuga lamang sila ng mga hungkag na kasabihan! Mabibigyang-kasiyahan ba ng mga hungkag na kasabihang ito ang Diyos? Kapag naglalaban sa espirituwal na dako ang Diyos at si Satanas, paano mo dapat bigyang-kasiyahan ang Diyos, at paano ka dapat manindigan sa iyong patotoo sa Kanya? Dapat mong malaman na ang lahat ng nangyayari sa iyo ay isang malaking pagsubok at ang oras na kailangan ka ng Diyos na magpatotoo. Bagama’t maaaring hindi mukhang mahalaga ang mga ito sa panlabas, kapag nangyayari ang mga bagay na ito, ipinakikita ng mga ito kung mahal mo ba o hindi ang Diyos. Kung mahal mo, makakapanindigan ka sa iyong patotoo sa Kanya, at kung hindi mo naisagawa ang pag-ibig sa Kanya, ipinapakita nito na ikaw ay hindi isang taong nagsasagawa ng katotohanan, na ikaw ay walang katotohanan, at walang buhay, na ikaw ay ipa!(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Pagmamahal Lamang sa Diyos ang Tunay na Pananampalataya sa Diyos). Mula sa salita ng Diyos, nakita ko na sa panlabas, araw-araw tayong nakikipag-ugnayan sa mga tao, pero nasa likod nito ang pakikipagpustahan ni Satanas sa Diyos, at kailangan nating manindigan sa ating patotoo. Nang maharap sa mga pagsubok si Job, nawala ang lahat ng kayamanan niya magdamag, at sa panlabas ay tila ba mga magnanakaw ang kumuha sa kanyang ari-arian, pero ang panunukso ni Satanas ang nasa likod nito, at nang manindigan si Job sa kanyang patotoo, umatras si Satanas sa kahihiyan. Ang totoo ay isang espirituwal na labanan ang conflict ng oras ng pulong ko at ng trabaho ko. Sa panlabas, nagmamalasakit sa akin ang boss ko at gusto akong ipromote, pero ang totoo, nasa likod nito ang panggugulo ni Satanas. Ginagamit ni Satanas ang kasikatan at kayamanan para akitin ako na tumuon lamang sa pagtatrabaho at pagkita ng pera. Nais nitong sirain ang normal kong ugnayan sa Diyos, at ilayo ako sa Diyos, para wala akong panahon na makipagkita at gawin ang tungkulin ko. Meron dito ng masasamang layunin ni Satanas. Nang maisip ito, nanalangin ako sa Diyos, “Hindi ako mahuhulog sa mga panlilinlang ni Satanas, dadalo ako sa pulong, ibabahagi ang mga salita Mo, pananatilihin ang isang normal na ugnayan sa’Yo, at hinding-hindi hahayaang magtagumpay ang mga pakana ni Satanas.” Kalaunan, nakahanap ako ng lakas ng loob na humingi ng leave sa boss ko at dumalo sa pulong ng magkakatrabaho.

Pero habang lalong nagiging abala ang gawain ng iglesia, maraming bagay ang kailangang isaayos at ipatupad kaagad, at kung gusto kong gawin nang maayos ang tungkulin ko, kailangan kong magleave sa trabaho. Nung panahong ‘yon, labis akong nahihirapan, at maraming beses na hindi ko ito malampasan, na nakaapekto sa gawain ng iglesia. Kung minsan, naiisip kong umalis na lang sa trabaho ko, para hindi ko maantala ang gawain ng iglesia, pero nag-aalala ako na kung gagawin ko ‘yon, hindi ako magkakaroon ng magandang kinabukasan. Napakagandang trabaho nito kaya nag-aalinlangan akong umalis, at para bang may walang tigil na labanan sa puso ko. Pag-uwi ko, sinabi ko sa asawa ko na gusto ko nang umalis sa trabaho at ibinahagi ko ang mga saloobin ko. Sabi ko, “Hindi ko kayang talikuran ang trabahong ito. Nag-aral akong mabuti nang maraming taon para makuha ang trabahong ito, at malaki ang suweldo. Kung aalis ako, ano kaya ang iisipin sa akin ng mga kamag-anak, kaibigan, at kaklase ko? Magagalit ang mga magulang ko kapag nalaman nila. At saka, kung aalis ako sa trabaho ko, hindi tayo makakabili ng bahay sa hinaharap, at baka habang-buhay tayong magiging mahirap. Pero ngayon, nabasa ko na ang napakaraming salita ng Makapangyarihang Diyos, at nauunawaan ko ang kalooban ng Diyos. Pinili ako ng mga kapatid na maging lider ng iglesia. Kung naaantala ko ang gawain ng iglesia dahil sa trabaho ko, hindi ba’t pinapabayaan ko ang tungkulin ko?” Pagkatapos makinig sa’kin, hiniling sa akin ng asawa ko na higit pang manalangin sa Diyos at gumawa ng sarili kong pasya. Nung gabing iyon, hindi ako mapalagay, at hindi ako makatulog, kaya’t nanalangin ako sa Diyos at hiniling na gabayan Niya ako. Isang araw, nabasa ko sa salita ng Makapangyarihang Diyos, “Sino ang tunay at ganap na makagugugol para sa Akin at makapaghahandog ng lahat-lahat nila para sa Akin? Lahat kayo ay walang gana; nagpapaikut-ikot ang inyong mga kaisipan, iniisip ang tahanan, ang mundo sa labas, ang pagkain at damit. Sa kabila ng katotohanang ikaw ay nasa harap Ko, gumagawa ng mga bagay-bagay para sa Akin, sa puso mo ay iniisip mo pa rin ang iyong asawa, mga anak at mga magulang na nasa bahay. Lahat ba ng ito ay pag-aari mo? Bakit hindi mo ipinagkakatiwala ang mga ito sa Aking mga kamay? Wala ka bang sapat na paniniwala sa Akin? O ito ba’y dahil natatakot ka na gagawa Ako ng mga di-karapat-dapat na mga pagsasaayos para sa iyo? Bakit ka laging nag-aalala sa pamilya ng iyong laman? Lagi kang nasasabik sa iyong mga mahal sa buhay! Mayroon ba Akong puwang sa puso mo? Nagsasalita ka pa rin tungkol sa pagpapaubaya sa Aking magkaroon ng pamamahala sa loob mo at sakupin ang iyong buong pagkatao—lahat ng ito ay mapanlinlang na mga kasinungalingan! Ilan sa inyo ang buong pusong tapat sa iglesia? At sino sa inyo ang hindi nag-iisip tungkol sa mga sarili ninyo, kundi kumikilos para sa kaharian ng ngayon? Pag-isipan nang buong ingat ang tungkol dito(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula, Kabanata 59). Inihahayag ng salita ng Diyos na kapag ang mga tao ay walang tunay na pananampalataya sa Diyos, hindi sila naglalakas-loob na ilagay ang kanilang kinabukasan at kapalaran sa mga kamay ng Diyos. Palagi silang nag-aalala at nagpaplano para sa kanilang sariling laman, natatakot na hindi mabuting isasaayos ng Diyos ang mga bagay-bagay. Walang lugar ang Diyos sa puso ng mga gayong tao. Hindi ba’t wala rin akong pananalig sa Diyos? Palagi akong nag-aalala na kung aalis ako sa trabaho, hindi ako mabubuhay dahil sa kakulangan ng pera. Napakaliit ng pananalig ko sa Diyos. Wala akong kahit katiting na totoong pagkaunawa sa kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos sa lahat ng bagay. Naisip ko ang sinabi ng Panginoong Jesus, “Masdan ninyo ang mga ibon sa himpapawid: sapagkat ang mga ito’y hindi naghahasik, ni umaani, ni nagtitipon man sa mga kamalig; ngunit ang mga ito’y pinakakain ng inyong Ama sa langit. Hindi ba lalong higit ang halaga ninyo kaysa sa mga ito?(Mateo 6:26). “Hanapin muna ninyo ang kaharian ng Diyos, at ang Kanyang katuwiran; at ang lahat ng mga bagay na ito ay pawang idaragdag sa inyo(Mateo 6:33). Madalas kong binibigkas ang mga talatang ito, at madalas kong ginagamit ang mga salitang ito para himukin ang iba, pero nang mangyari sa akin ang mga bagay-bagay, wala akong tunay na pananalig sa Diyos. Habang pinagninilayan ko ang mga salita ng Diyos, natanto ko na ang kinabukasan at kapalaran ng bawat isa ay nasa mga kamay ng Diyos, at ang Diyos ay palaging gagawa ng naaangkop na mga pagsasaayos. Nangako ang Diyos na hindi Niya pagmamalupitan ang mga taos-pusong gumugugol para sa Kanya. Bakit wala akong tiwala sa Diyos? Sa puntong ito, gusto kong umalis na kaagad sa trabaho ko at gawin nang maayos ang aking tungkulin. Pero pagdating ko sa opisina, pinag-uusapan ng mga katrabaho ko ang tungkol sa pagtataas ng kanilang suweldo at mga bonus. Nagsimula akong mag-alinlangan, ayaw na isuko ang trabaho ko. Alam kong may kabayaran para maisagawa ang katotohanan, kaya nanalangin ako sa Diyos, hinihiling sa Kanya na patnubayan ako na madaig ang laman, nang sa gayon ay makaalis na ako sa trabaho ko at magawa ang aking tungkulin.

Hindi nagtagal, may naranasan akong nakakakilabot na naging dahilan para pagnilayan ko ang magiging landas ko sa buhay. Isang gabi, nakikipagtulungan ako sa konduktor, yardmaster, at iba pa para ikonekta ang mga bagon ng tren. Nakatayo ako sa hagdan ng umaandar na tren, gamit ang walkie-talkie para turuan ang konduktor sa pagkonekta ng sasakyan. Napakabilis ng takbo ng tren. Bilang pagsunod sa proseso ng trabaho, nag-utos ako na bagalan ang takbo kapag nasa sampung bagon na ang layo namin mula sa bagon ng tren na ikokonekta namin. Pero hindi binagalan ng konduktor, at walang magawang pinagmasdan ko habang pabangga ang tren sa bagon na nakaparada sa riles. Napakabilis ng takbo nito kaya hindi ako makatalon mula sa bagon. Wala akong magawa kundi tumalon mula sa hagdan papunta sa bagon na sinasakyan ko. Ipinikit ko ang mga mata ko, kumapit sa gilid ng bagon para hindi ako tumilapon sa labas, at paulit-ulit akong tumawag sa Makapangyarihang Diyos sa puso ko. Sa isang malakas na kalabog, nagbanggaan ang tren at ang bagon. Nabali ang braso ng kasamahang konduktor, at isinugod siya sa ospital para magamot magdamag. Nasindak ako, pero hindi ako nasaktan. Habang mas iniisip ko ‘yon, parang mas nakakatakot ang gabing ‘yon. Alam ko na maraming tao sa railway shunting na propesyon ang naaksidente na. Ang ilan ay nadurog ang mga braso, at ang ilan ay nadurog ang mga binti…. Nakita ko na sa harap ng panganib, hindi maililigtas o mapoprotektahan ng isang matatag na trabaho ang buhay ko. Pagkatapos ng aksidenteng ito, pakiramdam ko’y ang paghahangad ng pera ay nagdudulot lamang ng pansamantalang kasiyahan ng laman. Wala nang mas malungkot pa kaysa mawalan ng pangangalaga at proteksyon ng Diyos, at pagkatapos ay mawalan ng buhay. Kung kapalit ay buhay ko para kumita ng pera, ano ang silbi ng isang matatag na trabaho? ‘Di ko na pwedeng hayaang hadlangan ng trabaho ko ang aking tungkulin. Nagpasya akong mamuhay ayon sa salita ng Diyos, ipagkatiwala sa Diyos ang lahat ng meron ako, at magpasakop sa kataas-taasang kapangyarihan at mga pagsasaayos ng Diyos. Naisip ko ang mga salita ng Diyos. “Bilang isang normal na tao, na naghahangad ng pag-ibig sa Diyos, ang pagpasok sa kaharian upang maging isa sa mga tao ng Diyos ang inyong tunay na hinaharap, at isang buhay na siyang pinakamahalaga at pinakamakabuluhan; walang sinuman ang higit na pinagpala kaysa sa inyo. Bakit Ko sinasabi ito? Sapagkat yaong mga hindi naniniwala sa Diyos ay nabubuhay para sa laman, at sila ay nabubuhay para kay Satanas, ngunit sa kasalukuyan kayo ay nabubuhay para sa Diyos, at nabubuhay upang gawin ang kalooban ng Diyos. Kaya sinasabi Ko na ang inyong mga buhay ang pinakamakabuluhan. Ang grupo lamang ng mga taong ito, na pinili ng Diyos, ang magagawang isabuhay ang isang buhay na pinakamakabuluhan: Walang sino pa man sa lupa ang magagawang isabuhay ang isang buhay na may gayong halaga at kahulugan(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Alamin ang Pinakabagong Gawain ng Diyos at Sumunod sa Kanyang mga Yapak). Labis akong naantig ng salita ng Diyos. Totoo ‘yon. Ang mga taos-pusong nagmamahal sa Diyos ay hindi namumuhay para sa kasikatan, kayamanan, o kasiyahan ng laman, namumuhay sila para sa Diyos. Tanging ang mabuhay para sa Diyos ang kapaki-pakinabang at makabuluhang buhay. Dahil sa paunang pagtatalaga at pagpili ng Diyos, naging mapalad akong marinig ang tinig ng Lumikha, maunawaan ang ilang katotohanan, at magkaroon ng pagkakataong makagawa ng isang tungkulin. Isa itong napakagandang bagay. Kailangan kong huminto sa pamumuhay sa sarili kong maliit na mundo at sa paghahangad ng pera at materyal na kasiyahan. Dapat kong sundin ang mga pangangasiwa at pagsasaayos ng Diyos, at gampanan ang tungkulin ko bilang isang nilikha.

Pagkatapos nun, nabasa ko ang isa pang sipi ng salita ng Diyos. Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Paano mo ipapasa ang iyong nakita at naranasan sa mga taong nakakaawa, dukha, at tapat na relihiyosong mga mananampalataya na nagugutom at nauuhaw sa katuwiran at naghihintay sa iyo na akayin sila? Anong klaseng mga tao ang naghihintay sa iyo na akayin sila? Naiisip mo ba? Alam mo ba ang pasaning nasa iyong mga balikat, ang iyong tungkulin, at ang iyong responsibilidad? Nasaan ang iyong diwa ng makasaysayang misyon? Paano ka magsisilbi nang sapat bilang isang panginoon sa susunod na kapanahunan? Mayroon ka bang matinding diwa ng pagiging panginoon? Paano mo ipaliliwanag ang panginoon ng lahat ng bagay? Ito ba talaga ang panginoon ng lahat ng nabubuhay na nilalang at lahat ng pisikal na bagay sa mundo? Ano ang mga plano mo para sa pagsulong ng susunod na yugto ng gawain? Ilang tao ang naghihintay sa iyo na maging pastol nila? Mabigat ba ang iyong gawain? Sila ay dukha, kaawa-awa, bulag, at nalilito, dumaraing sa kadiliman—nasaan ang daan? Lubha silang nananabik sa liwanag, tulad ng isang bulalakaw, upang biglang bumulusok at itaboy ang mga puwersa ng kadiliman na nang-api sa tao sa loob ng maraming taon. Sino ang makakaalam kung gaano sila sabik na umaasa, at gaano sila nananabik, araw at gabi, para dito? Kahit sa isang araw na nagdaraan ang kumikinang na liwanag, ang mga taong ito na labis na nagdurusa ay nananatiling nakakulong sa isang madilim na piitan nang walang pag-asang mapalaya; kailan sila titigil sa pagluha? Grabe ang kasawian ng marurupok na espiritung ito na hindi kailanman napagkalooban ng kapahingahan, at matagal nang patuloy na nakatali sa kalagayang ito ng walang-awang mga gapos at malamig na kasaysayan. At sino na ang nakarinig sa ingay ng kanilang pagdaing? Sino na ang nakakita sa kanilang kaawa-awang kalagayan? Naisip mo na ba kung gaano kalungkot at kabalisa ang puso ng Diyos? Paano Niya matitiis na makita ang inosenteng sangkatauhan, na nilikha ng sarili Niyang mga kamay, na nagdaranas ng gayong paghihirap? Kunsabagay, ang sangkatauhan ang kapus-palad na mga biktimang nalason na. At bagama’t nanatiling buhay ang tao hanggang sa araw na ito, sino ang makakaalam na matagal nang nalason ng masamang nilalang ang sangkatauhan? Nalimutan mo na ba na isa ka sa mga biktima? Hindi ka ba handang patuloy na mabuhay, dala ng iyong pagmamahal sa Diyos, upang iligtas ang mga taong ito? Hindi ka ba handang ilaan ang lahat ng iyong lakas upang suklian ang Diyos, na nagmamahal sa sangkatauhan na parang sarili Niyang laman at dugo? Kapag nasabi at nagawa na ang lahat, paano mo bibigyang-kahulugan ang pagkakasangkapan ng Diyos sa iyo upang maipamuhay mo ang iyong pambihirang buhay? Talaga bang mayroon kang matibay na pasiya at tiwala na ipamuhay ang makabuluhang buhay ng isang taong madasalin at mapaglingkod sa Diyos?(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Paano Mo Dapat Asikasuhin ang Misyon Mo sa Hinaharap?). Mula sa salita ng Diyos, naramdaman ko ang pagmamahal at pagmamalasakit ng Diyos sa sangkatauhan, pati ang masidhing pagnanais ng Diyos na iligtas ang mga tao. Ngayon, tayo ay nasa mga huling araw na, at dumarami ang mga sakuna. Ipinapahayag ng Diyos ang katotohanan at ginagawa ang gawain ng paghatol at pagkastigo, para iligtas ang mga tao mula sa kapamahalaan ni Satanas. Mapalad ako na marinig ang tinig ng Diyos at matanggap ang pagliligtas Niya, na biyaya ng Diyos. Pero maraming nananabik sa pagpapakita ng Diyos ang hindi pa nakasalubong sa Panginoon, ang dinadaya at kinokontrol pa rin ng mga anticristong pastor at elder sa mundo ng relihiyon, at walang paraan para marinig ang tinig ng Diyos at makasalubong sa Panginoon. Kung lahat ay kasingmakasarili ko, kung inaalala lamang nila ang kaaliwan ng laman, at hindi ipinangangaral ang ebanghelyo at nagpapatotoo sa Diyos, pagdating ng malaking sakuna, lahat sila’y mahuhulog dito at maparurusahan. Pagkatapos kong pagnilayan ang kalooban ng Diyos, naunawaan ko kung ano ang dapat kong piliin at hangarin. Kaya, nagpasya akong bitawan ang trabaho ko, gawin nang maayos ang aking tungkulin, at gumugol para sa Diyos. Kung kailan gusto ko nang magbitiw, biglang dumating ang assistant station director para makipagkita sa’kin, para turuan ako kung paano magbigay ng mga regalo at kung sino ang makakatulong sa akin para mapromote. Maingat niyang ipinaliwanag sa akin ang lahat. Hindi lahat ay may pagkakataong mapromote, at malaki ang itataas ng sahod ko. Pagkatapos ng kaunting talakayan, nag-alinlangan na naman ako sa pagpapasya kong magbitiw sa trabaho. Hindi nagtagal pagkatapos nun, nakaranas ako ng isa pang nakakatakot na bagay na lubos na nagpabago ng pag-iisip ko. Isang araw, sa pang-araw na shift, pagkapasok sa istasyon ng isang tren ng kargamento, kailangan itong idiskonekta at muling ikonekta. Pagkatapos gawin ‘yon, responsibilidad ko na ilagay ang brake shoes sa ilalim ng mga gulong. Pagkatapos ng lunch break, bago umandar ang tren, nakalimutan kong tanggalin ang brake shoes. Nagsimulang magmaneho ang konduktor, at nakaladkad ng mga gulong sa riles ang brake shoes. Napansin niya at inihinto ang tren sa oras, nang malapit na nitong malipat ang switch, na nakaiwas sa pagkadiskaril, o maging sa isang rollover. Sa araw na iyon, kung wala ang proteksyon ng Diyos, kung nadiskaril ang tren o nag-rollover, magiging napakalubha ng mga kahihinatnan. Natakot ako, at hindi ko maiwasang magnilay-nilay sa sarili ko at magtanong kung bakit nangyari ito. Napagtanto ko, bilang lider ng iglesia, alam kong naging hadlang ang trabaho ko sa aking tungkulin, na lubhang nakaapekto sa gawain ng iglesia, pero sakim ako sa pera at kasiyahan ng laman, hindi ako kailanman naging handang isuko ang mga ito, at madalas akong manumpa sa Diyos at pagkatapos ay nililinlang ko ang Diyos sa pamamagitan ng hindi pagsunod sa mga ito. Naisip ko ang salita ng Diyos, “Nakatanggap kayo ng walang-hanggang biyaya mula sa Akin, at nakakita kayo ng walang-hanggang mga hiwaga mula sa langit; ipinakita Ko pa sa inyo ang mga apoy ng langit, ngunit wala sa puso Ko ang sunugin kayo. Gayon man, gaano karami ang naibigay ninyo sa Akin bilang kapalit? Gaano karami ang handa kayong ibigay sa Akin?(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Masyadong Hamak ang Pagkatao Ninyong Lahat!). Sa panlabas, hindi maganda ang nangyari, pero malinaw kong naunawaan na ito ay pagmamahal, paalala, at babala ng Diyos para sa’kin. Ang Diyos ay nagpahayag ng napakaraming katotohanan, at napakalinaw na ipinaliwanag ang kalalabasan at hantungan ng mga tao. Nais lamang Niyang maunawaan natin ang Kanyang marubdob na hangarin, wastong maghangad sa katotohanan at gampanan ang mga tungkulin ng isang nilikha, at makamit ang Kanyang pagliligtas. Pero matigas ang ulo ko. Palagi kong iniisip na mananatili akong buhay at mamumuhay ng magandang buhay sa pamamagitan ng pag-asa sa aking trabaho, kaya ayokong isuko ito, sundin ang Diyos, at gawin ang aking tungkulin. Ang dalawang nakakatakot na pangyayaring ito ang lubusang gumising sa’kin. Sa harap ng sakuna, walang halaga ng pera ang makapagliligtas sa buhay ko. Naalala ko na sinabi ng Panginoong Jesus, “Sinuman sa inyo na hindi tumanggi sa lahat niyang tinatangkilik, ay di maaaring maging alagad Ko(Lucas 14:33). Ngayon ko lang talaga naunawaan ang kahulugan ng mga salita ng Panginoong Jesus. Kapag pinahahalagahan natin ang pera at materyal na kasiyahan, sinasakop ng mga bagay na ‘to ang mga puso natin, at ‘di natin magagawang tunay na mahalin at sundin ang Diyos, gumugol para sa Diyos, at gawin ang ating mga tungkulin bilang mga nilikha. Ang gayong mga tao ay nananabik pa rin sa laman at sa mundo, at hindi karapat-dapat na maging mga tagasunod ng Diyos. Ayoko nang suwayin o biguin ang Diyos. Kailangan kong baguhin ang pananaw ko sa mga bagay-bagay, magpasakop sa kataas-taasang kapangyarihan at mga pagsasaayos ng Diyos, sundin ang Diyos nang buong puso, gumugol para sa Kanya, at suklian ang Kanyang pagmamahal. Kaya, sinabi ko sa boss ko na gusto ko nang magbitiw at dumaan ako sa mga proseso para tapusin ang kontrata ng trabaho. Sa sandaling ‘yon, napakagaan ng pakiramdam ko. Para akong ibon na lumilipad palabas ng hawla. Hindi ko na kailangang mag-alala tungkol sa paghingi ng leave, at hindi ko na kailangang magdusa dahil naapektuhan ang gawain ng iglesia dahil sa trabaho ko. Tuwang-tuwa ako na ginawa ko ang ganoong pasya.

Galit na galit ang ama ko nang marinig niyang nagbitiw ako. Pinuntahan niya ako at sinabing, “Nagsumikap ako para palakihin ka, nanghiram ako ng pera para sa pag-aaral mo. Sa wakas ay nakakuha ka ng magandang trabaho, at ngayon ay ayaw mo rito? Anong iniisip mo? Isang magandang bagay na magkaroon ng trabaho sa Railway Bureau. Manalig ka sa Diyos kung gusto mo, pero paano mo nagawang magbitiw sa trabaho mo? Kung wala kang trabaho, paano ka mabubuhay sa hinaharap?” Nalungkot ako nang makita ang galit na ekspresyon ng ama ko. Naalala ko kung paano nag-ipon ng pera ang mga magulang ko para makapag-aral ako, sa pag-asang makakahanap ako ng magandang trabaho, makakaahon sa kahirapan, at mamumuhay ng magandang buhay. Gusto ko ring dalhin ang mga magulang ko mula sa kanayunan patungo sa lungsod para manirahan sa isang mataas na gusali at magkaroon ng magandang materyal na buhay. Pero pinili ko ang landas ng pananalig sa Diyos at hindi na hinangad ang pera at materyal na kasiyahan, kaya pakiramdam ko’y may pagkakautang ako sa kanila. Nahaharap sa sinabi ng ama ko, hindi ko alam ang isasagot. Nangilid ang mga luha sa mga mata ko, at hindi ako nangahas na tumingin sa kanya. Pero sa puso ko, alam kong tama ang pasya ko, dahil ang Tagapagligtas sa mga huling araw ay nagpakita na at gumagawa ng Kanyang gawain. Ipinapahayag Niya ang katotohanan para iligtas tayo mula sa madilim at masamang mundong ito, at ito ang tanging paraan para mailigtas at makapasok sa kaharian ng Diyos. Minsan lang sa buhay ang pagkakataong ito. Paanong isusuko ko ito dahil hangad ko ang kaginhawahan ng laman? Paanong hahayaan ko ang kaguluhan sa trabaho na pigilan ako sa paghahangad sa katotohanan at pagtupad sa tungkulin ng isang nilikha? Nasasaktan, tahimik akong nanalangin sa Diyos, at hiniling sa Kanya na protektahan ang puso ko para hindi maguluhan. Naisip ko ang mga salita ng Diyos. “Nilikha ng Diyos ang mundong ito at dinala ang tao, isang nabubuhay na nilalang na pinagkalooban Niya ng buhay. Sumunod, nagkaroon ng mga magulang at kamag-anak ang tao, at hindi na nag-iisa. Mula nang unang makita ng tao ang materyal na mundong ito, itinadhana siyang mabuhay sa loob ng ordinasyon ng Diyos. Ang hininga ng buhay mula sa Diyos ang sumusuporta sa bawat nabubuhay na nilalang sa kanyang paglaki hanggang sa kanyang pagtanda. Sa prosesong ito, walang nakadarama na lumalaki ang tao sa ilalim ng pangangalaga ng Diyos; sa halip, naniniwala sila na lumalaki siya sa ilalim ng mapagmahal na pangangalaga ng kanyang mga magulang, at na ang likas na pag-uugali niya sa buhay ang gumagabay sa kanyang paglaki. Ito ay dahil hindi alam ng tao kung sino ang nagkaloob ng buhay niya, o kung saan ito nanggaling, lalo nang hindi niya alam kung paano lumilikha ng mga himala ang likas na pag-uugali niya sa buhay. Ang alam lang niya ay na pagkain ang saligan ng pagpapatuloy ng buhay, na pagtitiyaga ang pinagmumulan ng kanyang pag-iral, at na mga paniniwala sa kanyang isipan ang puhunan kung saan nakadepende ang kanyang pananatiling buhay. Tungkol sa biyaya at panustos ng Diyos, walang anumang naaalala ang tao, kaya nga inaaksaya niya ang buhay na ipinagkaloob sa kanya ng Diyos…. Wala ni isa sa sangkatauhang ito na pinangangalagaan ng Diyos gabi’t araw ang nagkukusang sambahin Siya. Patuloy lang ang Diyos sa paghubog sa tao, nang walang anumang inaasahan, tulad ng naplano na Niya. Ginagawa Niya iyon sa pag-asang balang araw, magigising ang tao mula sa kanyang panaginip at biglang matatanto ang halaga at kahulugan ng buhay, ang halagang katumbas ng lahat ng naibigay ng Diyos sa kanya, at ang sabik na kahilingan ng Diyos na bumalik ang tao sa Kanya(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Diyos ang Pinagmulan ng Buhay ng Tao). “Dapat kang magdusa ng paghihirap alang-alang sa katotohanan, dapat mong ibigay ang iyong sarili sa katotohanan, dapat kang magtiis ng kahihiyan para sa katotohanan, at upang higit pang makamit ang katotohanan, dapat kang sumailalim sa higit pang pagdurusa. Ito ang dapat mong gawin. Hindi mo dapat itapon ang katotohanan alang-alang sa isang mapayapang buhay-pamilya, at hindi mo dapat iwala ang dangal at integridad ng iyong buhay para sa pansamantalang kasiyahan. Dapat mong hangarin ang lahat ng mainam at mabuti, at dapat mong hangarin ang isang landas sa buhay na higit na makahulugan. Kung namumuhay ka ng gayong mahalay na buhay, at walang hinahangad na anumang mga layunin, hindi ba’t sinasayang mo ang iyong buhay? Ano ba ang iyong makakamtan mula sa ganitong pamumuhay? Dapat mong talikuran ang lahat ng kasiyahan ng laman alang-alang sa nag-iisang katotohanan, at hindi mo dapat sayangin ang lahat ng katotohanan alang-alang sa isang munting kasiyahan. Ang mga ganitong tao ay walang integridad o dangal; walang kabuluhan ang kanilang pag-iral!(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang mga Karanasan ni Pedro: Ang Kanyang Kaalaman sa Pagkastigo at Paghatol). Binigyang-liwanag ako ng mga salita ng Diyos. Akala ko’y ang mga magulang ko ang nagpalaki sa akin, at ang nag-impok at nag-ipon para makapagtapos ako ng pag-aaral, kaya kung hindi ko sila pakikinggan at isusuko ko ang trabaho ko para sa aking tungkulin, may pagkakautang ako sa kanila, pero katawa-tawa at walang katotohanan ang opinyon ko. Ang Diyos lamang ang pinagmumulan ng buhay ng tao, at ang lahat ng buhay natin ay nagmumula sa Diyos. Lahat ng meron tayo ay nagmumula sa panustos at pagpapala ng Diyos. Kung wala ang Diyos, hindi tayo magkakaroon ng kahit ano. Ang pagpapalaki sa akin ng mga magulang ko hanggang sa maging husto ako sa gulang ay makapangyarihang pagsasaayos ng Diyos. Kailangan kong magpasalamat sa Diyos at suklian ang pagmamahal Niya. Kung hindi ko magagampanan ang tungkulin ko bilang nilikha para palugurin ang Diyos, kahit na meron akong matatag na trabaho at nagtatamasa ng magandang materyal na buhay kasama ang aking pamilya, hindi ito magkakaroon ng anumang halaga o kabuluhan. Ang mga pansamantalang kasiyahang ito ay hindi makapagbibigay-daan sa akin na maunawaan ang katotohanan at magkamit ng buhay. Bukod dito, para sa Diyos, magrerebelde ako laban sa Kanya, at hindi ko makukuha ang pagsang-ayon Niya. Upang makamit ang katotohanan, kailangan kong magdusa at dumaan sa pasakit. Sa ganitong paraan lang ako mabubuhay nang may pagkatao at dignidad, at saka ko lamang makakamit ang pagsang-ayon ng Diyos. Sa sandaling ito, habang mas iniisip ko ito, mas lumalakas ang pakiramdam ko. Kaya, muli akong nagpatotoo sa aking ama tungkol sa pagpapakita at gawain ng Diyos, at sinabi sa kanya na kung wala ang pananalig sa Diyos, ang lahat ng hangarin ay walang saysay, at walang itong halaga o kabuluhan. Ngayon, naparito na ang Tagapagligtas upang ipahayag ang katotohanan para iligtas ang mga tao, at sa pamamagitan lamang ng pananalig sa Diyos, paghangad sa katotohanan, pagwaksi sa kasalanan, at tunay na pagsisisi sa Diyos, makakaligtas ang mga tao sa mga sakuna at makakapasok sa kaharian ng Diyos. Lahat ng naghahangad sa mundo, gaano man kayaman ang kanilang materyal na buhay, sa huli ay mamamatay sa mga sakuna at mapaparusahan. Pero kahit anong sabihin ko, hindi pa rin sumang-ayon ang ama ko sa aking pagbibitiw, at sa huli ay umalis siya sa galit.

Kalaunan, hiniling ng ama ko sa aking mga kamag-anak na pumunta para kumbinsihin ako. Sinabi nilang lahat na ang isang posisyon sa Railway Bureau ay isang trabaho na hindi mabibili ng mga regalo at pera sa patagong paraan at sinabing naging walang saysay ang pagpapalaki sa’kin ng mga magulang ko. Nang marinig ko ang mga akusasyon ng aking pamilya, alam ko na ginagamit ni Satanas ang aking mga kamag-anak para atakihin ako at hadlangan ako sa pagtalikod at paggugol para sa Diyos. Naisip ko ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, “Kailangan mong taglayin ang Aking katapangan sa iyong kalooban at kailangan mong magkaroon ng mga prinsipyo kapag humaharap ka sa mga kamag-anak na hindi naniniwala. Gayunman, para sa Aking kapakanan, hindi ka rin dapat na sumuko sa kahit anong mga puwersa ng kadiliman. Manalig ka sa Aking karunungan upang makalakad sa perpektong daan; huwag hayaang ang mga pakikipagsabwatan ni Satanas na makapangyari. Ibuhos ang lahat ng iyong pagsisikap sa paglalagay ng iyong puso sa Aking harapan, at pagiginhawahin kita at bibigyan ka ng kapayapaan at kaligayahan(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula, Kabanata 10). Matapos pagnilayan ang mga salita ng Diyos, nakaramdam ako ng kumpiyansa, at nagkalakas-loob na sabihin sa aking pamilya, “Ngayon, talagang sumasamba ang mga tao sa pera, kasikatan, at katayuan. Para sa mga bagay na ito, nag-aagawan ang mga tao, nagpapakana, nag-aaway-away, at ang mga mag-asawa ay niloloko at pinagtataksilan pa ang isa’t isa. Lahat ng tao ay namumuhay nang ganito, kaya kahit na makahanap tayo ng maayos at matatag na trabaho at magkaroon ng magandang materyal na buhay, posible ba talagang maging masaya?” Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Darating ang lahat ng uri ng sakuna, sunud-sunod; daranas ng mga kalamidad ang lahat ng bansa at lugar: Ang salot, taggutom, baha, tagtuyot, at mga lindol ay nasa lahat ng dako. Ang mga sakunang ito ay hindi lamang nangyayari sa isa o dalawang lugar, ni matatapos ang mga iyon sa loob ng isa o dalawang araw; bagkus, kakalat ang mga iyon sa palawak nang palawak na lugar, at titindi nang titindi. Sa loob ng panahong ito, lilitaw nang sunud-sunod ang lahat ng uri ng mga salot na insekto, at mangyayari ang kababalaghan ng kanibalismo sa lahat ng dako. Ito ang Aking paghatol sa lahat ng bansa at mga bayan(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula, Kabanata 65). Gamit ang mga salita ng Diyos, ipinagpatuloy ko ang pagbabahagi ko, “Ngayon, dumarami ang mga sakuna. Ang pagsunod lamang sa Makapangyarihang Diyos ang makapagpoprotekta sa atin mula sa mga sakuna. Ang pananalig ko sa Diyos, pagpapalaganap ng ebanghelyo, at paggawa ng aking tungkulin ay isang libo o sampung libong beses pa nga na mas mahalaga kaysa sa trabaho ko. Ang pananalig ko sa Diyos ay hindi kahangalan, gaya ng iniisip niyo. Nang ipangaral ni Noe ang ebanghelyo, sinabi ng mga tao na isa siyang baliw, pero nang dumating ang baha, sa buong sangkatauhan, tanging ang walong miyembro ng pamilya ni Noe ang nakaligtas. Si Noe ay hindi baliw o hangal. Siya ang pinakamatalinong tao at pinakapinagpala ng Diyos. Ngayon, ang kasamaan at katiwalian ng sangkatauhan ay umabot na sa puntong pupuksain ng Diyos ang masama at tiwaling lahing ito, at makakaligtas lamang tayo sa pamamagitan ng pagsamba sa Makapangyarihang Diyos. Sinasabi ko sa inyo ang magandang balitang ito ngayon sa pag-asang mananalig din kayo sa Makapangyarihang Diyos. Huwag niyo na akong subukang kumbinsihin, dahil nakapagdesisyon na ako. Susunod ako sa Makapangyarihang Diyos sa natitirang bahagi ng buhay ko.” Pagkatapos kong sabihin ito, ang tiyahin ko, na nananalig sa Panginoon, ay sinabing, “Salamat sa Diyos! Mabuti na nananalig ka sa Diyos, at ang pagpili na ipangaral ang ebanghelyo ng Diyos ay nakalulugod sa Diyos.” Sinabi niya sa iba, “Ang landas na pinili niya ngayon ay ang tamang landas. Hindi mahalaga ang pagiging mayaman. Ang mahalaga ay buhay. Dapat nating igalang ang kanyang pasya.” Pagkatapos nun, hindi nagsalita ang iba. Masayang-masaya ako rito. Nang manindigan ako at piliing palugurin ang Diyos, nakadama ng hiya ang pamilya ko at tumigil na sa paghikayat sa akin. Simula noon, hindi na ako napipigilan ng mga tao at mga bagay-bagay sa paligid ko, at nagagawa ko na ang tungkulin ko nang full-time.

Kalaunan, nang makitang napakaraming tao ang tumatanggap sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, nakaramdam ako ng di-mailarawang ligaya sa puso ko. Ang maibalik sa sambahayan ng Diyos ang mga taong tapat na nananabik sa Kanya ay isang napakamakabuluhang bagay, at ang pinakanakaaaliw para sa Diyos. Sa pagbabalik-tanaw sa pagpiling magbitiw sa aking trabaho at tahakin ang landas ng pananalig sa Diyos, alam kong ito ang pinakamatalinong desisyon na nagawa ko sa buong buhay ko. Ang magawang gugulin at ialay ang buhay ko sa pangangaral ng ebanghelyo at pagpapatotoo sa Diyos ay mas mahalaga at makabuluhan kaysa sa anumang bagay na magagawa ko.

Sinundan: 92. Ano ang Resulta ng Pagprotekta sa Huwad na Lider

Sumunod: 98. Mga Aral na Natutunan Mula sa Pag-atake

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

40. Pag-uwi

Ni Muyi, South Korea “Ang masaganang pag-ibig ng Diyos ay malayang ipinagkaloob sa tao at bumabalot sa tao; ang tao ay inosente at...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito