316 Kawalang-Katarungan Lamang ang Nasa Puso Ninyo
1 Naniniwala kayong lahat na handa kayong bayaran ang halaga ng katotohanan, ngunit ilan sa inyo ang tunay na nagdusa para sa katotohanan? Walang iba kundi katiwalian ang nasa inyong mga puso, na nagpapaisip sa inyo na ang lahat, sino man sila, ay parehong mapanlinlang at buktot—hanggang sa abot na naniniwala din kayo na ang Diyos na nagkatawang-tao, tulad ng karaniwang tao, ay maaaring maging walang mabuting puso o mapagmalasakit na pagmamahal. Higit pa diyan, naniniwala kayo na sa Diyos na nasa langit lamang umiiral ang isang marangal na katangian at isang mahabagin at mapagmalasakit na kalikasan. Naniniwala kayong walang ganyang banal na umiiral, na tanging kadiliman at kasamaan ang naghahari sa lupa, samantalang ang Diyos ay isang bagay na pinaglalagakan ng mga tao ng kanilang pananabik sa mabuti at maganda, isang maalamat na nilalang na gawa-gawa lamang nila.
2 Sinasamba ninyo ang Diyos na nasa langit. Sinasamba ninyo ang matatayog na larawan at pinahahalagahan yaong mga bantog dahil sa kanilang kahusayang magsalita. Nagagalak kang mautusan ng Diyos na pumupuno sa iyong mga kamay ng mga yaman, at pinananabikan nang labis ang Diyos na makatutupad ng bawat nais mo. Ang Diyos na ito na hindi matayog ang tanging hindi mo sinasamba; ang pakikisama sa Diyos na wala kahit sinong tao ang lubos na maaaring gumalang ang nag-iisang bagay na kinapopootan mo. Ang paglingkuran ang Diyos na hindi kailanman nagbigay sa iyo ng kahit isang sentimo ang tanging bagay na hindi mo handang gawin, at itong hindi kaibig-ibig na Diyos ang Isang natatangi na hindi magawang hangarin mo Siya. Walang kakayahan ang ganitong uri ng Diyos na mapalawak ang mga pananaw mo, na maramdaman mong tila ba may natagpuan kang kayamanan, na lalong hindi ang tuparin ang nais mo. Bakit, kung gayon, sinusunod mo Siya? Napag-isipan mo ba ang mga katanungang tulad nito?
Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Paano Mababatid ang Diyos na Nasa Lupa