217 Napuno Ako ng Pagsisisi
1 Nang marinig na babalik ang Diyos sa Sion, hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Maraming taon akong naniwala sa Diyos, ngunit hindi ko nagawa nang mabuti ang tungkulin ko; matinding panghihinayang ang nararamdaman ko. Tinamasa ko ang napakaraming pag-ibig ng Diyos, ngunit hindi ko pa Siya nasuklian kailanman. Binigyan Niya ako ng napakaraming pagkakataong isagawa ito, ngunit nagpakita ako ng kawalang pagmamalasakit, sa halip nakatuon lamang ang isipan ko sa paghahangad ng katayuan, katanyagan at kayamanan at paggawa ng mga plano para sa hinaharap. Puno ng mga labis na pagnanasa, hindi talaga ako nahihiya at sinayang ko ang napakaraming magandang panahon. Ngayong iiwan na tayo ng Diyos, napuno ako ng pagsisisi.
2 Bagama’t maraming mga salita ng Diyos ang nabasa ko, nakuntento na ako sa pag-unawa lamang ng doktrina. Sa pagninilay-nilay ko sa sarili kong mga kilos, nakikita kong wala talaga akong taglay na realidad ng katotohanan. Tinitingnan ko ang sarili kong kalikasan at diwa, at nakikita kong hindi ko minamahal ang katotohanan. Paano ko maibabalik ang bagay na wala na? Natatakot akong tinalikuran na ako ng Diyos. Labis akong nagsisisi. Bakit hindi ko tinanggap ang paghatol at pagkastigo ng Diyos noong binabasa ko ang Kanyang mga salita? Hindi ko alam kung huli na ang aking pagsisisi; napuno ako ng pagsisisi. Hindi ko alam kung bibigyan ako ng Diyos ng isa pang pagkakataon, napuno ako ng pagsisisi.