216 O Diyos, Hindi Kita Maaaring Iwan

1 Kung hindi ako ginagabayan ng mga salita ng Diyos, wala akong angkla, gaya ng isang inaanod na halamang-tubig. Kung hindi ko kapiling ang Diyos, nakakaramdam ako ng sakit at kahungkagan. Sa pamamagitan ng pagmumuni-muni sa sarili, nakikita kong naniwala ako sa Diyos sa maraming taon subalit hindi kailanman hinanap ang katotohanan. Iniisip ko lamang ang aking mga inaasam at patutunguhan sa hinaharap, Gumawa at nagpagal ako upang makatanggap lamang ng mga pagpapala, at hindi naman tunay na minamahal ang Diyos. Kinamumuhian at kinapopootan Niya ako; nahulog na ako sa kadiliman at matinding pagdurusa. Hindi na mapabalik ng aking mga pakiusap ang presensiya ng Diyos sa akin. Kung wala akong pusong takot sa Diyos, hindi ako nararapat mabuhay sa harap ng Diyos. Sa pagmumuni-muni ko sa aking sarili, binibilang ko ang mga kabaitan ng Diyos at nararamdaman ko ang malaking pagkakautang ko sa Kanya.

2 Sa pamamagitan ng paghatol, malinaw kong nakikita ang katototohan ng aking katiwalian. Mapagmataas, mapagmagaling, buktot at mapanlinlang, nakipagtawaran pa ako sa Diyos. Naisip ko pa nga na sa pamamagitan ng pag-iwan at paggugol, matatanggap ko ang Kanyang mga pagpapala. Dahil sa pagkapit ko sa aking mga pagkaunawa, nabuo ang isang trahedya; matapos kong sumailalim sa maraming pagpipino, napagtanto kong hindi palalampasin ng matuwid na disposisyon ng Diyos ang pagkakasala. Ginagalang Siya ng puso ko, kinamumuhian ko ang sarili ko at tunay akong nagsisisi. Nakikita kong ang paghatol ng Diyos ay puro pagmamahal at pagliligtas. Naninindigan akong isagawa ang katotohanan at gawin ang aking tungkulin upang mabayaran Siya. Hinahangad kong maging isang matapat na tao, tunay na nagmamahal sa Diyos at nagbibigay sa Kanya ng kaaliwan.

Sinundan: 215 Papuri para sa Diyos mula sa mga Inapo ni Moab

Sumunod: 217 Napuno Ako ng Pagsisisi

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito