218 Isang Awit ng Pagbabalik ng Alibughang Anak
I
Mahabang panahong naniwala sa Diyos,
ba’t gan’to ka pa rin?
Tinakasan pagkastigo’t paghatol
na parang walang pakialam.
Ipinapakita ng malungkot mong mukha
ang pabayang ugali,
na parang nagdusa ng kawalang katarunga’t
ayaw nang sundan ang Diyos.
Ikaw, alibughang anak—saan ka patungo
nang may ganyang pagmamatigas?
Tila nagpapasakop sa pangangasiwa ng Diyos
nang walang sariling desisyon.
Nagtatagal ka sa mga sangandaan at
nawala na ang dating “pananalig”.
Matatag mong hinaharap kamataya’t
naglalakad sa malabong hinaharap.
II
Nalalabuan, tila may “dakilang pananalig” ka,
naniniwalang ‘di ka iiwan ng Diyos,
kaya nagpapatuloy ayon sa gusto.
Labis na pagnanasa’ng pumapalit
sa pansarili mong pagsisikap.
Nasobrahan ka ng pagkanegatibo’t
‘di ka pa rin nakakabangon.
Saan napunta’ng ‘yong konsensya’t katwiran?
‘Di pa rin nagigising hanggang ngayon.
Talagang wala kang silbi’t walang kakayahan.
Akala mo sagrado’t ‘di nalalabag
ang marangal mong pagkatao.
Kahit Diyos na naging tao’y mapagpakumbaba,
paanong naging marangal ang tiwaling tao?
III
Nakakalungkot na ‘di ko
talaga kilala ang sarili ko.
Sa loob ng marangal kong panlabas
ay may napakasamang tao.
Pinapahiya’ng sarili dahil mayabang,
palalo’t walang katotohanan.
Pa’no magagawa’ng tungkulin
kung ‘di man lang nagbago’ng katiwalian?
Pa’no ko makakamit katotohana’t buhay
nang ‘di hinahatulan?
Malapit nang matapos ang gawain ng Diyos,
at natatakot akong
mahulog sa sakuna’t tumangis
at magngalit aking mga ngipin.
Ihahanda’ng sarili’t tatanggapin
ang paghatol Niya;
saka lang ako tatalino.
Pa’no ko makakamit katotohana’t buhay
nang ‘di hinahatulan?
Malapit nang matapos ang gawain ng Diyos,
at natatakot akong
mahulog sa sakuna’t tumangis
at magngalit aking mga ngipin.
Ihahanda’ng sarili’t tatanggapin
ang paghatol Niya;
saka lang ako tatalino.