Paano Hangarin ang Katotohanan (37)

Tungkol sa kung paano hangarin ang katotohanan, nagbabahaginan tayo tungkol sa paksa ng “pagbitiw sa mga kuru-kuro at imahinasyon tungkol sa Diyos na nagkatawang-tao” sa panahong ito. Sa loob ng paksang ito, nagbahaginan tayo sa nilalaman tungkol sa “pagkakaroon ng di-sinasalitang pagkaunawaan sa Diyos,” hindi ba? (Oo.) Noong nakaraan, nagbahaginan tayo tungkol sa paksa ng paglilingkod sa Diyos ng taong ginagamit ng Banal na Espiritu, na nauukol sa pagkakaroon ng di-sinasalitang pagkaunawaan sa Diyos. Nagbahaginan tayo tungkol sa dalawang aspekto ng nilalaman. Sabihin ninyo sa Akin, ano ang tinutukoy ng dalawang aspektong ito? (Ang isa ay ang pag-aangat at paglilinang sa mga tao; ang isa pa ay ang hindi pagbuo ng mga paksyon.) Ang mga ito ay ang dalawang pangunahing aspekto ng nilalaman. Kapwa may kinalaman sa nilalaman ng paglilingkod sa Diyos ang dalawang aspektong ito, at may kinalaman ang mga ito sa gawaing dapat gampanan ng mga tao sa paglilingkod sa Diyos, pati na rin sa ilang paglihis na madalas lumitaw at ilang problemang dapat iwasan sa paglilingkod sa Diyos. Ang tinalakay natin noon ay ilang bagay na dapat gawin ng mga tao at ilang bagay na dapat nilang bigyang-pansin sa dalawang aspektong ito ng gawain, pati na rin ang mga prinsipyong kailangan nilang sundin sa paggawa ng dalawang aspektong ito ng gawain. Mula noong magsimulang gawin ng taong ginagamit ng Banal na Espiritu ang gawain niya hanggang ngayon, tuloy-tuloy na niyang ginagawa ang dalawang aspektong ito ng gawain, palagi siyang sumusunod sa mga prinsipyo para sa paggawa ng dalawang aspektong ito ng gawain, at nakamit din niya ang mga resulta at naisakatuparan ang kabuluhan ng paggawa sa dalawang aspektong ito ng gawain. Sa pamamagitan ng pagbabahaginan tungkol sa dalawang aspektong ito ng nilalaman, malinaw ba sa inyo kung bakit dapat gawin ang dalawang aspektong ito ng gawain, at kung ano ang mga bagay na dapat bigyang-pansin at kung ano ang mga prinsipyo kapag ginagawa ang dalawang aspektong ito ng gawain? (Medyo mas nalilinawan na kami ngayon.) Hindi Ako nagbahagi nang masyadong detalyado tungkol sa mga prinsipyo ng dalawang aspektong ito ng gawain—ang pag-aangat at paglilinang sa mga tao, at ang hindi pagbuo ng mga paksyon; nagbigay lang Ako sa inyo ng kaunting simpleng pagpapaalala patungkol sa paksa ng paglilingkod sa Diyos. Sa proseso ng paglilingkod sa Diyos, ang dalawang aytem na ito ng gawain ay kailangang-kailangan, at ang mga ito ay dalawang napakahalaga at napakakritikal na aytem ng gawain. Ang dahilan kung bakit Ako nagbahagi tungkol sa dalawang aytem na ito ng gawain ay dahil may kaugnayan ang mga ito sa malawak na paksang pinagbabahaginan natin—”ang pagkakaroon ng di-sinasalitang pagkaunawaan sa Diyos.” Bilang isang taong naglilingkod sa Diyos, kung gusto ng isang tao na makamit ang isang di-sinasalitang pagkaunawaan sa Diyos, ang dalawang aytem na ito ng gawain—ang pag-aangat at paglilinang sa mga tao, at ang hindi pagbuo ng mga paksyon—ay dapat gawin. Ibig sabihin, sa proseso ng iyong paglilingkod sa Diyos at sa iyong gawain, dapat mong gawin ang dalawang aytem na ito ng gawain, at dapat ka ring sumunod sa mga prinsipyo para sa paggawa ng dalawang aytem na ito ng gawain. Ang mga ito ay dalawang kailangang-kailangang aytem ng gawain. Dapat malinaw ninyong maunawaan ito. Nakapagbahaginan na tayo nang pangkalahatan tungkol sa layunin at kabuluhan ng pag-aangat at paglilinang sa mga tao, at nakapagbahagi na rin tayo nang kaunti tungkol sa mga bagay na dapat bigyang-pansin at sa mga prinsipyong dapat sundin patungkol sa gawain ng hindi pagbuo ng mga paksyon, pati na rin sa kabuluhan ng paggawa sa aspektong ito ng gawain. Pagdating naman sa kung ano ang ilan sa mga detalyadong gawain at kung paano gagawin ang partikular na gawain, dapat ninyong unti-unting arukin ang mga prinsipyo at alamin ang mga detalye sa proseso ng paggampan sa inyong mga tungkulin at sa inyong pang-araw-araw na buhay. Halimbawa, habang nagbabahaginan tungkol sa iba pang aspekto ng katotohanan noon, nagbahaginan tayo tungkol sa mga detalye hinggil sa gawain ng pag-aangat at paglilinang sa mga tao, tulad ng kung sinong mga tao ang iaangat at lilinangin, kung paano sila iaangat at lilinangin, kung paano oobserbahan ang mga taong naiangat at nalinang na, kung paano aalamin ang tungkol sa kanila, kung paano susubaybayan ang gawain nila, at kung paano sila lilinangin para pumasok sa katotohanang realidad at umabot sa punto kung saan kumikilos sila ayon sa mga layunin ng Diyos at angkop sila sa paggamit ng Diyos. Sa gawain ng pag-aangat at paglilinang sa mga tao, kailangan ninyo mismong isagawa at danasin ito, unti-unting kinakapa ang inyong daan hanggang sa maarok ninyo ang mga prinsipyo. Sa madaling salita, dahil nakasalamuha at nakasama ninyo ang taong ginagamit ng Banal na Espiritu sa loob ng napakaraming taon, dapat ay naunawaan o nakumpirma na ninyo na ang gawain ng pag-aangat at paglilinang sa mga tao ay isang mahalagang aytem ng gawain na ginagawa ng taong ginagamit ng Banal na Espiritu sa proseso ng paglilingkod sa Diyos. Dagdag pa rito, ang hindi pagbuo ng mga paksyon ay isa rin sa mga prinsipyong sinusunod ng taong ginagamit ng Banal na Espiritu sa proseso ng paglilingkod sa Diyos—ito ay isang bagay na nararamdaman ninyong lahat, hindi ba? (Oo.)

Pagdating sa paglilingkod sa Diyos, bukod sa mga pagpapamalas sa dalawang aspektong ito—ang pag-aangat at paglilinang sa mga tao, at ang hindi pagbuo ng mga paksyon—nagpapakita ang taong ginagamit ng Banal na Espiritu ng isa pang pagpapamalas sa proseso ng paggawa ng gawain niya na pagbabahaginan natin ngayon. Ang pagpapamalas na ito ay hindi pagtalikod sa gawain niya. Isa itong pagpapamalas ng pagtanggap ng taong ginagamit ng Banal na Espiritu sa atas ng Diyos at paggawa sa gawain, at isa itong napakahalagang pagpapamalas na may kinalaman sa pagkakaroon ng di-sinasalitang pagkaunawaan sa Diyos. Ang hindi pagtalikod sa gawain ng isang tao ay isa bang aspekto ng pagsasagawa, o isang pagpapamalas ng pagkatao? (Pareho.) Isa itong partikular na aspekto ng pagsasagawa sa gawain ng taong ginagamit ng Banal na Espiritu, at isa rin itong aspekto ng realidad na isinasabuhay niya sa kanyang pagkatao. Ang aspektong ito ng hindi pagtalikod sa gawain niya ay naipapamalas nang napakapartikular at napakapraktikal sa proseso ng paglilingkod sa Diyos ng taong ginagamit ng Banal na Espiritu. Bawat tao, sa proseso ng pananampalataya sa Diyos, paggampan ng kanyang tungkulin, at paglilingkod sa Diyos, ay madalas na mayroong mga kalagayan ng pagkanegatibo at kahinaan o pag-iwas, anuman ang mga uri ng suliraning kinakaharap niya. Ito ay dahil, habang nananampalataya sa Diyos, hindi maiiwasang maharap ang mga tao sa maraming suliranin sa pang-araw-araw na buhay at pag-iral, o mga paghihirap sa kanilang tungkulin, pati na rin mga personal na suliranin. Madalas na ginugulo at naaapektuhan ng mga paghihirap na ito ang mga tao, na nagdudulot na lumitaw sa kanila ang kahinaan, pagkanegatibo, at pag-iwas, o magkaroon ng mga maling pagkaunawa tungkol sa Diyos, at hindi maramdaman ang gawain ng Banal na Espiritu, sa mga espesyal na kapaligiran at mga espesyal na konteksto na may kinalaman sa mga bagay tulad ng sarili nilang mga interes, buhay at kamatayan, at iba pa. Sa gayong mga sitwasyon, kapag hindi nauunawaan ng mga tao ang mga layunin ng Diyos o nawawalan sila ng pananalig sa Diyos, o kapag wala silang nakikitang pag-asa at hindi nila maramdaman ang malinaw na gawain ng Banal na Espiritu, pipiliin ng karamihan na isuko ang mga responsabilidad na dapat nilang tuparin. Bitawan man nila ang mga ito nang pansamantala o bitiwan ang mga ito nang permanente, ang pagbitiw nilang ito, sa Aking pananaw, ay pagtalikod sa kanilang gawain. Ibig sabihin, kapag nakakaharap ng mga paghihirap ang mga tao, nasasadlak sa pagkanegatibo at kahinaan, nasasadlak sa maling pagkaunawa sa Diyos, at nasasadlak sa pagkadismaya sa Diyos, pipiliin nilang bumitiw at umiwas sa mga responsabilidad na dapat nilang tuparin sa halip na harapin ang mga paghihirap o tiisin ang pasakit para manindigan sa kanilang mga puwesto. Sa Aking paningin, ang ganitong uri ng pagpapamalas at ang ganitong uri ng pag-uugali ay pagtalikod sa gawain. Kung ang problema ng pagtalikod sa gawain ay lumitaw sa mga ordinaryong mananampalataya, maliit ang epekto nito sa gawain ng iglesia, at naaapektuhan lang nito ang indibidwal. Ngunit kapag ito ay isang taong naglilingkod sa Diyos, anuman ang antas niya bilang lider o manggagawa, kung tatalikuran niya ang kanyang gawain at bibitawan ito, ang epekto nito sa gawain ng sambahayan ng Diyos ay magiging mas malaki. Hindi lang nito maaapektuhan ang buhay iglesia, kundi maaapektuhan din nito ang gawain ng pagpapalaganap ng ebanghelyo. Ang gawain ng iglesia, o ang pangkalahatang gawain ng sambahayan ng Diyos, ay pawang maaapektuhan, magugulo, at mapipinsala pa nga dahil sa pag-iwas ng taong ito at sa pagtalikod niya sa kanyang gawain. Kung tatalikuran ng isang lider ng distrito ang kanyang gawain, o susukuan ang kanyang tungkulin at misyon at tatakas, magiging sanhi ito upang maapektuhan o matigil pa nga ang gawain ng buong distrito. Kung tatalikuran ng isang lider ng rehiyon o ng isang lider o manggagawa sa mas mataas pang antas ang kanyang gawain, maiisip natin kung anong uri ng sitwasyon ang lilitaw sa gawain ng sambahayan ng Diyos. Kung hindi gagawa ng tunay na gawain ang mga lider at manggagawa, hindi magpapatupad ng gawain, o hindi susubaybay sa gawain, hindi ito magkakaroon ng malaking epekto sa unang ilang araw—normal na makakakain at makakaiinom ng mga salita ng Diyos ang mga kapatid, at normal na makakapagtipon at magagampanan ang kanilang mga tungkulin. Kung hindi kailanman gagawa ng tunay na gawain ang mga lider at manggagawa, sa paglipas ng panahon, dahil hindi nakakatanggap ang mga kapatid ng mga pagsasaayos ng gawain mula sa ang Itaas at hindi nakakatanggap ng pagdidilig, pagtustos, suporta, at tulong pagdating sa buhay pagpasok, magkakawatak-watak ang mga puso ng mga tao sa iglesia, hindi magbubunga ng magagandang resulta ang buhay iglesia, matitigil din ang gawain ng iglesia, at mawawala sa iglesia ang gawain ng Banal na Espiritu—ang mga ito ay ang mga kahihinatnan na mangyayari. Kaya, ang pagtalikod ng mga lider at manggagawa sa kanilang gawain ay isang napakalubhang problema. Kung lilitaw ang gayong sitwasyon sa proseso ng paglilingkod sa Diyos, dapat umako ng responsabilidad ang lider o manggagawang iyon, o ang mga lider at manggagawa sa susunod na mas mataas na antas. Sa katunayan, ang responsabilidad na ito ay isang bagay na hindi mo kayang pasanin—kung gayon, bakit Ako nagsasalita tungkol sa pag-ako ng responsabilidad? Dahil, kapag humarap ka sa Diyos para magbigay-sulit, wala kang maibibigay. Ipinagkatiwala ng Diyos ang Kanyang hinirang na mga tao sa isa o higit pang iglesia at ang gawain ng mga iglesiang iyon sa iyo, pero nang lumitaw ang ilang espesyal na sitwasyon, tumigil ka sa paggawa at sa halip ay inasikaso mo ang sarili mong mga pribadong usapin at suliranin, ibinababa ang pasanin ng gawain ng iglesia. Sa paningin ng Diyos, isa itong malubhang pagsalangsang na ginawa mo habang naglilingkod sa Diyos; ito ay isang bagay na kinamumuhian ng Diyos at isang bagay na kinokondena ng Diyos.

Matapos niyang tanggapin ang atas ng Diyos, hindi kailanman umurong ang taong ginagamit ng Banal na Espiritu at hindi niya kailanman inabandona ang kanyang gawain sa proseso ng paglilingkod sa Diyos, anuman ang mga paghihirap na nakaharap niya. Sa simula, gumawa sa kanya ang Banal na Espiritu at ipinagkatiwala sa kanya ang mga iglesia. Noong panahong iyon, hindi niya naunawaan ang maraming katotohanang prinsipyo. Sa ilalim ng mga sitwasyong iyon, gumawa siya sa pamamagitan lamang ng pag-asa sa kaliwanagan at gabay ng Banal na Espiritu, at umasa rin sa mga kabatiran at pagkaunawa na nakamit niya sa proseso ng pananampalataya sa Diyos para gawin ang gawain ng iglesia. Sa proseso ng paggawa sa gawain ng iglesia, hindi maiiwasang makakaharap siya ng maraming suliranin, paghihirap, at kalituhan na nagmumula sa kanyang buhay at nagmumula sa kanyang gawain. Sa kontekstong ito, patuloy na nagpursigi ang taong ginagamit ng Banal na Espiritu sa paggawa ng gawain. Gaano man kalaki ang mga paghihirap na hinarap niya, at anumang mga hadlang ang nakaharap niya, palagi siyang naglalakbay sa mga iglesia sa lahat ng dako nang ginagawa ang gawain ng pagtustos sa mga iglesia at pagdidilig sa mga iglesia, sa buong panahong iyon ay kinakapa ang kanyang daan at dinaranas ang mga bagay-bagay, ginagawa ang gawain nang mas mahusay hanggang sa ngayon. Ito ang praktikal na pagpapamalas ng hindi niya pagiging negatibo at pagpapabaya o pagtalikod sa kanyang gawain sa paglilingkod sa Diyos, anuman ang mga paghihirap na nakakaharap niya. Nang una siyang magsimulang mamuno sa mga iglesia, naglalakbay mula sa isang iglesia patungo sa isa pa, nagtutustos sa mga iglesia, at gumaganap sa gawain ng pangangasiwa at pamamahala ng mga tauhan ng mga iglesia, humarap din siya sa maraming paghihirap. Kung titingnan ito mula sa perspektiba ng tao, walang sinuman ang nakapamuno na sa mga iglesia, at walang sinuman ang nakagawa na ng gawain ng iglesia noon; karamihan sa gawain ng iglesia ay nagsisimula sa wala. Para sa tao, ito ang pinakamalaking paghihirap. Bakit sinasabing ito ang pinakamalaking paghihirap? Bagama’t taglay ng taong ginagamit ng Banal na Espiritu ang gawain ng Banal na Espiritu at taglay niya ang kaliwanagan at patnubay ng Banal na Espiritu, at kaya niyang pasanin ang atas na ito, siya mismo ay isa lamang ordinaryong tao, na walang anumang espesyal na kaloob, at hindi siya ipinanganak na alam kung paano gawin ang gawain ng iglesia. Ito ay dahil ang kanyang pagkakakilanlan ay isa lamang miyembro ng ordinaryong tiwaling sangkatauhan; hindi niya taglay ang buhay ng Diyos, kundi ang buhay lamang ng isang ordinaryong tao. Ibig sabihin, hindi siya ipinanganak na alam kung paano gawin ang gawain ng sambahayan ng Diyos; iyon nga lang, matapos tanggapin ang atas ng Diyos, taglay niya ang pag-antig ng Banal na Espiritu at ang pag-akay ng Banal na Espiritu. Para sa kanya, sa pinakasimula, wala siyang alam tungkol sa gawain ng sambahayan ng Diyos, ni tungkol sa gawain ng Banal na Espiritu o sa gawain ng Diyos; nagsimula siya sa wala sa paggawa ng bawat aytem ng gawain ng sambahayan ng Diyos. Ano ang ibig sabihin na nagsimula siya sa wala? Nangangahulugan ito na para sa bawat aytem ng gawain na ginawa niya, kailangan niyang humarap sa Diyos para magdasal at maghanap. Matapos matanggap ang pag-akay, pagtanglaw, kaliwanagan, at patnubay ng Banal na Espiritu, kakapain niya ang kanyang daan at daranasin ito. Sa prosesong ito, unti-unti niyang ginamit ang iba’t ibang prinsipyo na natukoy niya at ipinatupad ang mga ito sa gawain ng iglesia. Habang ipinapatupad niya ang mga ito, naranasan niya ang kaliwanagan ng Banal na Espiritu at ang pag-akay ng Banal na Espiritu. Kasabay nito, ibinuod din niya ang kanyang karanasan, natutong kumilatis ng mga tao at kumilatis ng mga bagay-bagay, at natutong arukin ang mga kalakaran ng gawain ng Banal na Espiritu at ang mga pamamaraan ng gawain ng Banal na Espiritu, pati na rin ang pag-akay at kaliwanagan ng Banal na Espiritu. Ang prosesong ito ay napakanatural, at napakapraktikal din at napakapartikular; hindi ito hungkag kahit kaunti.

Nakaharap ba ng maraming paghihirap ang taong ginagamit ng Banal na Espiritu sa proseso ng pangangapa sa kanyang daan habang pinamumunuan niya ang mga iglesia at ginagawa ang pangkalahatang gawain ng sambahayan ng Diyos? (Oo.) Palaging may kaakibat na mga paghihirap ang proseso. Ang bawat hakbang na ginawa at bawat aytem ng gawain na ginawa ay ang pinakabagong gawain; isa itong pagtatangka, isa rin itong karanasan, at higit pa rito, isa itong anyo ng pag-usad. Ano ang ginawa ng taong ginagamit ng Banal na Espiritu nang maharap siya sa mga paghihirap? Matapos magkatawang-tao at magpakita ng Diyos, nagagawa niyang makipagtalakayan at makipagbahaginan sa Akin. Bago nagpatotoo ang Diyos sa nagkatawang-taong Diyos, ano ang ginawa ng taong ginagamit ng Banal na Espiritu nang maharap siya sa mga paghihirap? (Nagdasal at naghanap siya.) Kinailangan niyang magdasal, at kinailangan niyang maghanap. Mayroon siyang motibasyon na hindi kailanman umurong. Ano ang kolokyal na termino para dito? Ang pagpapakasubsob sa gawain. Nagpakasubsob siya sa gawain para lutasin ang mga paghihirap. Anumang paghihirap ang nakaharap niya, hindi siya maaaring bumagsak, hindi siya maaaring maghintay, at hindi siya maaaring umasa sa iba, dahil walang ibang nakakaunawa. Ipinagkatiwala sa kanya ang iglesia, at kasama nito, ipinagkatiwala sa kanya ang gawain ng iglesia. Nang maharap siya sa ilang paghihirap at ibinahagi ito sa iba, hindi nila ito maunawaan at hindi nila ito maabot. Noong panahong iyon, nakaramdam siya ng matinding pangungulila, at napakahirap nito para sa kanya. Noong nakipagbahaginan siya sa mga kamanggagawa sa paligid niya, walang sinuman sa kanila ang sumeryoso rito, sinabi nila, “Ano ba ang sinasabi mo? Hindi namin ito maunawaan at hindi namin ito maabot. Hindi pa namin kailanman naisip ang mga bagay na ito.” Walang sinuman ang nag-alala tungkol sa mga bagay na ito, walang sinuman ang nakauunawa sa mga bagay na ito, at walang sinuman ang nakakaarok kung ano ba talaga ang mga paghihirap na kinakaharap niya. Sa ilalim ng mga sitwasyong iyon, kahit pa gusto niyang umasa sa iba, wala siyang malalapitan para gawin iyon, at wala siyang maaasahan na sinuman. Kinailangan niyang magdasal sa harap ng Diyos, at kinailangan niyang maghanap at maghintay. Sinasabi ng ilang tao, “Kung gayon, hindi ba puwedeng magdasal-magbasa na lang siya ng mga salita ng Diyos at maghanap ng landas sa mga salita ng Diyos?” Noong panahong iyon, hindi pa ganoon karami sa mga salita ng Diyos ang naipahayag. Ngayon, komprehensibo nang nasabi ang iba’t ibang aspekto ng katotohanan at malinaw nang naipaliwanag ang lahat ng ito, at bukod pa roon, kung makakaharap siya ng anumang paghihirap, magagawa niyang direktang makipagbahaginan sa Akin; sa sandaling makaunawa siya sa pamamagitan ng pagbabahaginan, hahayo siya at ipapatupad ito. Sa pinakasimula, hindi umiral ang mga kondisyong ito. Kaya ano ang ginawa ng taong ginagamit ng Banal na Espiritu nang maharap siya sa lahat ng uri ng paghihirap? Kinailangan niyang harapin ang mga ito nang mag-isa. Hindi niya nagawang iwasan ang mga ito, ni hindi niya magawang umasa sa sinuman, lalong hindi niya magawang ipasa ang responsabilidad sa sinumang iba pa. Sinasabi ng ilang tao, “Dahil wala siyang paraan para lutasin ang mga paghihirap kapag lumilitaw ang mga ito, at wala siyang maaasahan, at kailangan niyang maghintay kapag nagdarasal sa Diyos, hindi alam kung kailan siya bibigyang-liwanag at aakayin ng Banal na Espiritu, mabuti pang huwag na lang niyang gawin ang gawain, at hayaan na lang ang mga bagay-bagay. Puwede na lang niyang gawin ito kung kailan niya gusto, at gawin ito kung kailan niya kaya.” Katanggap-tanggap bang gampanan ang gawain nang ayon sa sariling kagustuhan na tulad nito? (Hindi.) Bakit hindi ito katanggap-tanggap? Sa mga nakatanggap ng atas ng Diyos, malamang na wala ang karamihan ng karanasang ito: Kapag ipinagkakatiwala sa iyo ng Diyos ang isang aytem ng gawain, at naglalaman ang gawaing ito ng maraming partikular na aytem ng gawain at maraming partikular na nilalaman, pati na rin ng mga problema na nakapaloob sa mga aytem na ito ng gawain at sa nilalaman ng gawaing ito, binibigyan ka ng Banal na Espiritu ng ilang pakiramdam para makita mo ang mga problema sa loob nito at makita ang gawaing dapat mong gawin, ngunit pagdating sa kung paano ito gagawin, kailangan mong maghanap at ikaw mismo ang kumapa sa daan. Tanging ang taong ginagamit ng Banal na Espiritu, o ang isang taong nakatanggap ng isang malaking atas mula sa Diyos, ang may mga pakiramdam na ito at may mga kabatirang ito, at, higit pa rito, may pasanin at responsabilidad sa usaping ito. Kapag nahaharap sa isang paghihirap, nararamdaman niya na gaano man kalaki ang paghihirap sa harap niya, dapat gawin ang gawaing ito; taglay niya ang kabatirang ito at taglay din niya ang pag-antig na ito. Ginagawa ito ng Diyos; inaantig ng Diyos ang mga tao sa ganitong paraan. Ganito ginagamit ng Diyos ang mga tao: Binibigyan ka Niya ng ilang kabatiran at medyo inaantig ka Niya, pinapaalam sa iyo sa iyong kamalayan na ang isang partikular na aytem ng gawain ay dapat gawin sa isang partikular na paraan. Maaaring sa iyong pansariling kamalayan ay hindi mo pa napagtatanto ang kabuluhan at halaga ng paggawa sa gawaing ito, o ang mga resulta na kasunod na makakamit, at hindi mo pa alam ang tungkol sa mga bagay na ito. Ngunit kapag inaantig ka ng Banal na Espiritu, nararamdaman mo na ang paggawa nito sa isang partikular na paraan ay mabuti, at na dapat itong gawin sa ganitong paraan. Nakakatanggap ang taong ginagamit ng Banal na Espiritu ng gayong pag-antig mula sa Diyos; nararamdaman niya na dapat niyang gawin ang gawaing ito sa ganitong paraan at dapat niyang pamunuan ang mga iglesia sa direksyong ito, kaya nagpapakasubsob siya sa gawain at ibinibigay niya ang lahat ng kanyang lakas sa paggawa nito. Anuman ang mga paghihirap na nakakaharap niya, at anuman ang mga suliranin na mayroon, patuloy siyang sumusulong sa gawain. Lalo na sa ilang mahalagang gawain, maaaring hindi pa napagtatanto ng iba ang kahalagahan nito, at maaaring wala pang anumang landas o direksyon ang ibang mga lider at manggagawa para sa gawaing ito. Ngunit kapag nararamdaman ng taong ginagamit ng Banal na Espiritu ang pangangailangan na gawin ang gawaing ito, dinadala niya ang pasaning ito sa harap ng Diyos para magdasal at maghanap. Karamihan ng mga tao ay walang ganitong pasanin at pakiramdam ng responsabilidad. Kapag walang gawaing dapat gawin, ang pinakamainam na ginagawa ng mga medyo mas mahusay ay ang paggawa ng mga espirituwal na debosyon at pag-aaral ng mga himno, habang ang karamihan sa iba ay nagtitipon-tipon lang para magdaldalan nang walang kuwenta. Ginagawa lang ng karamihan sa mga lider at manggagawa ang anumang gawaing ipinapagawa sa kanila ng ang Itaas at ipinapatupad ang anumang gawaing sinasabi ng ang Itaas na ipatupad nila; sa sandaling maipatupad nila ito, hanggang doon na lang iyon. Wala silang pasanin para sa gawain ng iglesia, at wala silang saloobin ng pakikipagtulungan sa positibo at maagap na paraan; napakabuti na kung hindi nila tatalikuran ang kanilang gawain. Gayumpaman, namumuhay ang taong ginagamit ng Banal na Espiritu taglay ang pasanin at responsabilidad na ito anuman ang mga sitwasyon. Kapag nakakaharap ng ilang espesyal na paghihirap, isa sa mga pamamaraang ginagamit niya para lutasin ang mga ito ay ang ibukod ang kanyang sarili at magdasal, hinahanap ang landas at mga prinsipyo ng pagsasagawa para sa paglutas ng mga paghihirap na iyon. Habang ang iba ay kumakain, umiinom, nagpapakasaya, at nagdadaldalan nang walang kuwenta, at ang ilan ay nagtatalo, tumatawa, at nagbibiruan pa nga, siya ay nakikinig sa mga himno, nagdarasal, at naghahanap nang mag-isa sa isang tabi. Sa panlabas, nakikinig siya sa mga himno, at tila walang malaking nangyayari; hindi siya gumagawa ng anumang gawain, hindi nakikipagbahaginan o nangangaral, at hindi gumagabay sa anumang aspekto ng gawain. Ngunit alam Ko na, sa kanyang puso, nagbubulay-bulay siya, naghahanap siya, nagdarasal siya, at naghihintay siya sa pag-akay ng Banal na Espiritu, o naghihintay ng isang resulta, habang nagdadala ng isang pasanin. Ito ang isa sa mga pamamaraang ginagamit ng taong ginagamit ng Banal na Espiritu para lutasin ang mga paghihirap sa gawain: ang ibukod ang kanyang sarili at magdasal, naghahanap ng landas para lutasin ang mga paghihirap. Mayroon ding isa pang pamamaraan. Kapag hindi pinapahintulutan ng mga sitwasyon na mapag-isa siya, o kapag wala siyang tahimik na kapaligiran, mayroon din siyang paraan: Tinitipon niya ang mga lider, manggagawa, at mga kapatid para makipagbahaginan, at sa proseso ng pakikipagbahaginan, kinakapa niya ang pag-antig ng Banal na Espiritu, kinakapa niya ang pag-akay ng Banal na Espiritu, kinakapa niya ang kaliwanagang ibinibigay sa kanya ng Banal na Espiritu, at hinahanap kung paano ba talaga dapat lutasin ang kasalukuyang paghihirap, at kung anong mga prinsipyo ang dapat sundin para magsagawa at para ipatupad ang susunod na hakbang. Maaaring habang nakikipagtipon o nakikipagkuwentuhan sa mga lider at manggagawa, natutukoy niya ang ilang prinsipyo at landas. Pagkatapos ay nakakaramdam siya ng matinding kaligayahan, na para bang naalis ang isang mabigat na pasanin at nakakaramdam siya ng kaunting ginhawa. Gayumpaman, hindi pa ganap na napagpapasyahan ang partikular na plano ng pagpapatupad, kaya naghahanap siya ng mga pagkakataon para ipagpatuloy ang pakikipagbahaginan tungkol sa mga usaping ito sa mga lider at manggagawa. Minsan ay nakikipagbahaginan siya sa loob ng buong umaga, at minsan ay nakikipagbahaginan sa loob ng buong hapon, hanggang sa matukoy niya ang isang tumpak na plano ng pagpapatupad. Sa panlabas, nakikipagkuwentuhan at nakikipagbahaginan siya tungkol sa gawain sa mga lider at manggagawa, pero ang totoo, siya lang mismo ang nakakaalam sa kanyang puso na ginagawa niya ito para lutasin ang mga paghihirap at problemang lumitaw sa gawain ng iglesia, habang walang alam at ganap na walang kamalayan ang mga lider at manggagawa. Mayroon ding isa pang pamamaraang ginagamit ang taong ginagamit ng Banal na Espiritu para lutasin ang mga paghihirap sa gawain, at iyon ay ang alamin mula sa mga lider at manggagawa ang tungkol sa ilang bagay na nangyari sa mga iglesia sa iba’t ibang lugar at ang mga sitwasyong lumitaw sa gawain ng iglesia, pati na rin ang iba’t ibang kalagayang lumilitaw sa mga kapatid, pagkatapos ay nagdarasal at naghahanap siya, at nahahanap niya ang mga prinsipyo at landas para lutasin ang mga paghihirap. Kapag nahaharap sa mga paghihirap na ito, sa panlabas ay namumuhay pa rin siya nang normal, kumakain nang tatlong beses sa isang araw at nagpapahinga sa tamang oras, at pagkatapos ay nakikipagbahaginan sa mga lider at manggagawa at nakikipagbahaginan sa mga kapatid sa paligid niya. Minsan ay lumalabas din siya para magpahinga, pumupunta sa palengke para maghanap ng mga cassette tape ng mga kanta o bumili ng mga aklat. Sa panlabas, ang kanyang pang-araw-araw na rutina ay walang pinagkaiba sa karaniwan; minsan, kahit pa nga sa usapin ng anyo, hindi siya gumagampan ng gawain. Gayumpaman, sa kanyang puso, palagi niyang iniisip ang gawain at pinagbubulay-bulayan ang mga problema. Lalo na kapag nahaharap ang iglesia sa ilang malaking paghihirap, o kapag lumilitaw ang ilang paghihirap sa ilang mahalagang gawain, o kapag may nagdudulot ng mga panggugulo, palagi siyang nagdadala ng pasanin sa kanyang puso para hanapin kung paano lulutasin ang mga paghihirap at problemang ito.

Ang taong ginagamit ng Banal na Espiritu ay may ilang praktikal na pagsasagawa sa hindi pag-abandona sa kanyang gawain. Ibig sabihin, kapag nahaharap sa mga paghihirap o kapag nahaharap sa mga problema sa gawain ng iglesia, hindi siya sumusubok na maghanap ng mga alternatibong plano o mag-iwan ng daan palabas para sa kanyang sarili, ni hindi siya nagsasaalang-alang o nagpaplano para sa kanyang sarili. Bukod pa rito, hindi siya nagiging negatibo o mahina, lalong hindi siya nagrereklamo. Sa halip, hinaharap niya ang mga paghihirap nang positibo at maagap, sinusubukan ang lahat ng paraan para makahanap ng landas upang lutasin ang mga ito, palaging nagdarasal at naghahanap, at pagkatapos ay naghihintay sa kaliwanagan ng Diyos at naghihintay sa pag-akay ng Diyos. Ang lahat ng ito ay mga partikular na pagpapamalas ng hindi pag-abandona sa kanyang gawain. Hindi ba’t mayroon siyang mga partikular na pagsasagawa? (Mayroon.) Mayroon siyang mga partikular na pagsasagawa, at hindi sobrenatural ang mga ito kahit kaunti. Batay sa mga pagsasagawa niyang ito, taglay niya ang kaliwanagan ng Banal na Espiritu at taglay din niya ang pag-akay ng Banal na Espiritu, at tinatanggap din niya ang gabay ng Banal na Espiritu. Gayumpaman, kapag nahaharap siya sa mga paghihirap, hindi direktang nagbibigay sa kanya ang Diyos ng mga sobrenatural na salita o sobrenatural na kaisipan kung paano harapin ang mga ito at kung paano lutasin ang mga ito, ni hindi Niya sinasabi sa kanya kung ano ang gagawin nang diretsahan, matalas, at tahasan; walang mga partikular na tagubilin—maaari lamang siyang umasa sa kanyang sarili para kapain ang kanyang daan at maghanap. Kung walang pasanin ang isang tao, walang tunay na pananalig o sinseridad sa Diyos sa kanyang puso, at walang pusong mapagsaalang-alang sa Diyos, kapag naharap siya sa mga paghihirap, madali siyang magrereklamo sa Diyos at magkakaroon ng maling pagkaunawa sa Diyos, at pagkatapos ay magiging mahina, magiging negatibo, at aatras, at isasantabi pa nga at babalewalain ang atas na ibinigay sa kanya ng Diyos. Sa kabaligtaran, kapag nahaharap sa iba’t ibang paghihirap ang taong ginagamit ng Banal na Espiritu, hindi rin siya nakakatanggap ng anumang sobrenatural na paghahayag o sobrenatural na pag-akay, at hindi rin siya nakakatanggap ng anumang tahasang tagubilin mula sa mga salita ng Diyos, ngunit hindi siya nagiging negatibo o mahina, at hindi siya umaasa nang labis na magsasalita sa kanya ang Diyos sa isang boses na parang kulog o maglalagay ng isang salita sa kanyang puso na nagsasabi sa kanya kung ano ang gagawin. Hindi rin niya hinihiling sa Diyos na sabihin sa kanya sa malilinaw na salita kung saang direksyon pamumunuan ang mga iglesia at kung saang direksyon gagawin ang isang partikular na aspekto ng gawain, o, kapag nahaharap sa mga paghihirap, kung paano niya dapat pangasiwaan ang mga ito, kung saan siya dapat magsimula, at kung anong mga prinsipyo ang dapat niyang sundin. Wala siyang hinihingi sa Diyos, at hindi rin gumagawa ang Diyos sa ganitong paraan. Ngunit kahit sa ilalim ng gayong mga aktuwal na sitwasyon at kondisyon, at sa panahon ng gayong proseso, nagdarasal pa rin siya sa Diyos, naghahanap at naghihintay sa pag-akay ng Diyos, at naghihintay sa kaliwanagan ng Banal na Espiritu, nang hindi nagiging negatibo o mahina. Kapag nahaharap sa mga paghihirap na ito, siya mismo ay nakakaramdam din na mahirap ang mga ito at nakakaramdam na hindi madaling lutasin ang mga ito. Gayumpaman, hindi nauunawaan ng ilang tao ang taong ito, at maaaring sabihin nila, “Siya ang taong ginagamit ng Banal na Espiritu. Gumagawa sa kanya ang Banal na Espiritu. Sa kanyang paningin, napakadali ng lahat ng bagay. Binibigyang-liwanag at ginagabayan siya ng Banal na Espiritu sa loob, kaya siyempre, madali ito! Hindi ito madali para sa atin; wala tayo ng espesyal na pagkakakilanlang iyon, at hindi tayo nakatanggap ng ganoong uri ng espesyal na pag-akay mula sa Banal na Espiritu. Iba ang taong ginagamit ng Banal na Espiritu. Dahil siya ang taong ginagamit ng Banal na Espiritu, ang mga katotohanang nauunawaan niya, ang gawaing kaya niyang gawin, at ang kanyang mga abilidad ay higit sa mga ordinaryong tao at mas mataas kaysa sa mga karaniwang tao. Mas matalino siya kaysa sa mga karaniwang tao, at ang kanyang abilidad na tasahin ang mga bagay-bagay ay mas sobrenatural kaysa sa abilidad ng mga karaniwang tao.” Ang pananaw na ito ay ganap at lubos na mali. Ang dahilan kung bakit kayang akuin ng taong ginagamit ng Banal na Espiritu ang mga aytem na ito ng gawain at kaya niyang pasanin ang atas na ito at ang responsabilidad na ito na ibinigay ng Diyos ay dahil, una sa lahat, pagdating sa pagkatao, taglay ng taong ito ang apat na kondisyon para sa pagkakaroon ng di-sinasalitang pagkaunawaan sa Diyos na nabanggit natin noon, na ang pagkakaroon ng tunay na pananalig, pagiging sinsero sa Diyos, pagiging mapagsaalang-alang sa Diyos, at pagkakaroon ng pagkaunawa sa mga layunin ng Diyos. Saka lamang niya unti-unting nakakamit ang kaliwanagan ng Banal na Espiritu at nakakamit ang pag-akay ng Diyos sa proseso ng paggawa ng gawain at sa proseso ng paglilingkod sa Diyos. Ang kaliwanagan at pag-akay na ito ay ang espesyal at mabiyayang pagtrato ng Diyos, at siyempre, nakakamit din ang mga ito dahil siya mismo ay nagtataglay ng apat na pagpapamalas na iyon ng pagkatao. Ang kaliwanagan, gabay, at tulong ng Banal na Espiritu na natatamo niya, pati na rin ang paggawang perpekto sa kanya ng Diyos, ay hindi sobrenatural kahit kaunti. Ang malaking bahagi nito ay nakakamit kapalit ng sarili niyang pagsisikap, ng sarili niyang positibo at maagap na pakikipagtulungan, ng sarili niyang sinseridad, at ng halagang ibinabayad niya; hindi ito isang bagay na basta na lamang ipinagkakaloob sa kanya ng Diyos. Hindi sa, anuman ang likas na pagkatao ng taong ito, at handa man siyang gawin ang gawain o hindi, ipinapataw ng Diyos ang lahat ng ito sa kanya, palagi siyang pinagagawa at palagi siyang binibigyang-liwanag, direktang sinasabi sa kanya kung ano ang gagawin anuman ang mga paghihirap na nakakaharap niya—hindi ganoon iyon. Kapag nahaharap sa iba’t ibang paghihirap at iba’t ibang suliranin, lalo na kapag nahaharap sa mabangis na paniniil ng malaking pulang dragon at sa mga labis na hindi kanais-nais na kapaligiran, hindi niya kailanman inaabandona ang kanyang gawain—ibig sabihin, hindi niya kailanman sinusukuan ang gawain ng iglesia, hindi kailanman sinusukuan ang atas na ibinigay ng Diyos, at hindi kailanman sinusukuan ang pangkalahatang gawain ng sambahayan ng Diyos. Sa halip, ginagamit niya ang kanyang sinseridad, at ginagamit ang kanyang pananalig, debosyon, at pagsasaalang-alang sa Diyos para tuparin nang maayos ang kanyang responsabilidad. Walang anumang sobrenatural dito; gumagawa siya sa isang napakanormal at napakapraktikal na paraan. Bukod pa rito, ang gawaing ginagawa ng Diyos sa taong ginagamit ng Banal na Espiritu—ang Kanyang pagbibigay-liwanag, gabay, at pag-akay sa kanya, at maging ang Kanyang pagdidisiplina, paghatol, at pagkastigo sa kanya—ay pawang ginagawa ayon sa antas na kayang maarok, kayang makamit, kayang maabot, at kayang maranasan at maunawaan ng kanyang normal na pagkatao. Hindi ito sobrenatural kahit kaunti. Kasabay nito, ang kaliwanagan at pagtanglaw, pati na rin ang mga prinsipyo ng pagsasagawa at mga landas ng pagsasagawa, na nakakamit ng taong ginagamit ng Banal na Espiritu kapag nahaharap sa mga paghihirap ay pawang naiipon at nabubuo sa pamamagitan ng pagdanas at paghahanap nang unti-unti sa proseso ng paglilingkod sa Diyos. Hindi rin sobrenatural ang mga ito. Ang mga prinsipyo ng pagsasagawa at mga landas ng pagsasagawa na naipon niya, pati na rin ang katotohanang realidad na taglay niya, ay hindi mga kaloob. Ano ang ibig sabihin na hindi mga kaloob ang mga ito? Nangangahulugan ito na ang taong ito ay hindi ipinanganak na may ilang sobrenatural na abilidad. Ang mga instinto sa lahat ng aspekto ng kanyang pagkatao ay normal; ang kakayahan ng kanyang pagkatao at ang kanyang IQ, kasama ang kanyang mga kalakasan, interes, libangan, at abilidad na tasahin ang mga bagay-bagay, ay pawang nasa saklaw ng normal na pagkatao, at hindi sobrenatural kahit kaunti. Minsan, pagkatapos lutasin ang ilang problema, tinatanong kayo ng brother, “Hindi ba’t simple lang asikasuhin ang bagay na ito?” Nananahimik ang ilang tao, iniisip nila, “Mas marami ang ipinagkaloob ng Diyos sa iyo kaysa sa amin, kaya tiyak na simple lang para sa iyo na asikasuhin ang anumang bagay.” Sinasabi pa nga ng ilang tao, “Gumagawa sa iyo ang Banal na Espiritu, kaya siyempre malinaw ang lahat ng bagay sa iyo, at madali ang lahat para sa iyo. Alam mo kung paano gawin ang lahat ng bagay, at alam mo kung paano asikasuhin ang anumang problema. Kung gumawa sa amin ang Banal na Espiritu, kami ay magiging katulad mo lang din; hindi kami pahuhuli sa iyo!” Tama ba ang mga salitang ito? (Hindi.) Ang mga salitang ito ay ganap at lubos na mali; isa itong maling pagkaunawa. Kayang asikasuhin ng taong ginagamit ng Banal na Espiritu ang maraming problema, at sa bawat bagay ay kaya niyang maunawaan ang mga layunin ng Diyos at kaya niyang maarok ang mga prinsipyo, at alam niya kung ano ang mga pamantayang nakapaloob dito. Inaasikaso niya ang maraming problema nang madali, at para sa mga tao ay tila napakasimple at napakadali nito, ngunit ang abilidad niyang ito ay hindi likas. Kinapapalooban ito ng kanyang personal na pagsisikap at ng halagang ibinabayad niya, pati na rin ng mabiyayang pagtrato ng Diyos at ng pag-akay ng Diyos; nariyan din ang kaliwanagan at pagtanglaw ng Diyos, pati na rin ang personal na paggawang perpekto sa kanya ng Diyos. Ang mga prinsipyo ng katotohanan na nakamit niya, ang paggawang perpekto mula sa Diyos na nakamit niya, at ang mga prinsipyo at abilidad na napagkadalubhasaan niya para sa pag-aasikaso ng iba’t ibang problema—wala sa mga bagay na ito ang likas, ni hindi rin mga likas na kaloob ang mga ito, ni hindi rin ganap na ibinigay ng Banal na Espiritu o ginawa ng Banal na Espiritu ang mga ito; sa halip, nakamit niya ang mga ito sa pamamagitan ng kanyang paghahanap, ng halagang ibinayad niya, at ng kanyang pagganap sa iba’t ibang aspekto sa ilalim ng gawain at pag-akay ng Banal na Espiritu. Ang mga nakamit niyang ito ay naging buhay na niya. Hindi ba’t ganoon iyon? (Oo.) Tinitingnan ninyo ito nang ganito: “Ang taong ginagamit ng Banal na Espiritu ay isa ring tao, isa rin siyang tiwaling tao—iyon nga lang, naranasan na niya ang paghatol at pagkastigo ng Diyos at ginagamit siya ng Banal na Espiritu. Kaya bakit napakadali para sa kanya na asikasuhin ang mga problema? Gamit lamang ang ilang pangungusap ay kaya niyang ipaliwanag nang malinaw ang isang problema. Bakit napakahirap para sa atin na asikasuhin ang mga bagay-bagay?” Iniisip ng ilang tao na isa itong kaloob, at iniisip ng ilang tao na gawa ito ng Diyos. Parehong mali ang mga pananaw na ito. Sa isang banda, hindi ito isang likas na kaloob; sa kabilang banda, ang katunayan na ang taong ginagamit ng Banal na Espiritu ay may abilidad na gawin ang gawain ngayon ay dahil naranasan niya ang paggawang perpekto ng Diyos, at naglaan siya ng kanyang personal na pagsisikap at masigasig na paggawa. Ito ay dahil nang unang magsimulang maglingkod sa Diyos ang taong ginagamit ng Banal na Espiritu, marami rin siyang hindi naunawaan. Tulad ng lahat ng naglilingkod sa Diyos, nahaharap din siya sa ilang paghihirap, at nahaharap din siya sa ilang bagay kung saan hindi niya naunawaan ang mga layunin ng Diyos; nakakaramdam siya ng kalituhan at nawawalan ng direksyon, at siyempre, mayroon din siyang sariling mga kuru-kuro at imahinasyon. Gayumpaman, kapag nahaharap siya sa mga bagay na ito, pinili ng taong ginagamit ng Banal na Espiritu na gamitin ang kanyang sinseridad para gawin ang kanyang buong makakaya upang isakatuparan ang gawaing ipinapagawa sa kanya ng Diyos, at gawin ang kanyang buong makakaya at magpakasubsob sa gawain para kompletuhin ang mga gampaning ibinigay sa kanya ng Diyos at ang mga responsabilidad na ibinigay sa kanya ng Diyos. Anuman ang naging panahon, anuman ang uri ng paghihirap na nakaharap niya, at pinahintulutan man o hindi ng mga kondisyon na malutas ang paghihirap na iyon, hindi kailanman sumuko o umurong ang taong ginagamit ng Banal na Espiritu, kaya malaki ang naani niya sa proseso. Mismong dahil hindi siya umuurong, at nakikipagtulungan siya nang positibo at maagap, hinahanap niya ang katotohanan nang positibo at maagap, at humaharap sa Diyos para magdasal nang positibo at maagap anuman ang sitwasyong kinakaharap niya, sa proseso ng kanyang positibo at maagap na pakikipagtulungan, unti-unti siyang binibigyang-liwanag ng Diyos, tinutulutan siyang makita ang mga katotohanan sa bawat aspekto na dapat niyang maunawaan, ang mga prinsipyo at pamamaraan ng paggawa ng gawain, pati na rin ang mga layong nilalayon ng Diyos na makamit sa paggawa ng bawat aspekto ng gawain at ang kabuluhan ng paggawa sa aspektong iyon ng gawain, tinutulutan siya, unti-unti, na maunawaan ang lahat ng ito at maarok ang lahat ng ito. Ang isang napakahalagang dahilan kung bakit nagawa niyang anihin ang aning ito ay dahil, kapag nahaharap sa iba’t ibang paghihirap, hindi siya kailanman umurong; sa halip, tulad ni Noe, palagi siyang nanindigan sa kanyang puwesto mula nang tanggapin ang atas ng Diyos—anuman ang mga paghihirap na makaharap niya, nagdarasal at umaasa siya sa Diyos, sinusubukan ang lahat ng paraan para lutasin ang mga ito, at hindi niya kailanman inabandona ang kanyang gawain. Ano ang ibig sabihin ng hindi pag-abandona sa kanyang gawain? Nangangahulugan ito na palagi niyang isinasagawa ang iba’t ibang aytem ng gawain ng iglesia nang sunod-sunod at maayos, at ginagawa ang kanyang buong makakaya para gawin ang anumang kaya niyang gawin at anumang maiisip niya sa loob ng mga limitasyon ng kapabilidad ng tao, tinutupad nang maayos ang kanyang mga responsabilidad at tungkulin.

Kapag nagbibigay ang Diyos sa isang tao ng isang atas o gumagamit ng isang tao, kapag gumagawa ang Diyos sa isang tao o nagbibigay-liwanag at gumagabay sa kanya para maunawaan ang Kanyang mga layunin, maunawaan ang isang aspekto ng katotohanan, at maunawaan ang isang aspekto ng mga prinsipyo, wala sa gawaing ito na ginagawa ng Diyos ang sobrenatural. Ibinibigay ang lahat ng ito sa mga tao kapag maagap silang nakikipagtulungan at maagap na naghahanap. Hindi namimilit ang Diyos sa mga tao sa Kanyang gawain. Kung mayroon kang pusong naghahanap at may pasanin, at kaya mong makipagtulungan nang positibo at maagap kapag nahaharap sa iba’t ibang paghihirap, ibibigay ng Diyos ang mga bagay na ito sa iyo, at bibigyang-liwanag at gagabayan ka para maunawaan mo ang mga katotohanang prinsipyo. Gayumpaman, kung pipiliin mong umiwas at umurong kapag nahaharap ka sa mga paghihirap at ayaw mong makipagtulungan, hindi ka pipilitin ng Diyos. Hindi ipipilit ng Diyos ang responsabilidad na ito sa iyo, ni hindi Niya ipipilit ang mga paraan, pamamaraan, at prinsipyong ito para sa pagganap ng gawain sa iyo para makaunawa ka. Hindi pinupuwersa ng Diyos ang mga tao nang labag sa kanilang kalooban. Kung handa kang tanggapin ang atas ng Diyos, at kaya mong maagap na makipagtulungan, at kayang magbayad ng halaga para maghanap, bibigyang-liwanag ka ng Diyos para ipaunawa ito sa iyo. Kung ayaw mong gampanan ang gawaing ito at pipiliin mong bumitiw at abandonahin ang iyong gawain, hindi ka pupuwersahin ng Diyos nang labag sa iyong kalooban. Mayroon kang kalayaan mo; kung ayaw mong gawin ito, patuloy pa ring susulong ang gawain ng Diyos gaya ng dati. Pinili ka ng Diyos, ngunit hindi ka nakikipagtulungan, pinipili mong bitawan ang atas, ayaw mong isaalang-alang ang pasanin ng Diyos, at hindi mo kayang tugunan ang mga layunin ng Diyos, kaya maghahanap ang Diyos ng ibang tao para gampanan ang gawaing ito. Ilalagay ng Diyos ang pasaning ito sa sinumang kayang tumanggap ng Kanyang atas, handang magsaalang-alang sa Kanyang pasanin, handang magbayad ng halaga, handang maging deboto at ialay ang kanyang buong pagkatao, at kayang kompletuhin ang atas ng Diyos. Tinitingnan ng Diyos ang iyong mga pagpapamalas, tinitingnan kung ano ang pinipili mo, at tinitingnan ang iyong saloobin sa Kanyang atas. Patungkol sa pagtanggap sa atas ng Diyos, pinipili ng taong ginagamit ng Banal na Espiritu na makipagtulungan nang positibo at maagap, ibinibigay ang lahat ng kanyang lakas, at iniaalay ang kanyang buong pagkatao. Dahil tinanggap niya ang atas ng Diyos at tinanggap niya ang responsabilidad na ito, nagpupursigi siya hanggang sa wakas bilang isang nararapat na tungkulin, at hindi niya ipinagkakanulo ang Diyos. Anuman ang mga paghihirap na nakakaharap niya, nauuwi ito rito: ang pagbibigay ng buong makakaya niya at pagbibigay ng lahat ng kanyang lakas, pagpapakasubsob sa gawain at pagiging deboto, at hindi kailanman pag-abandona sa kanyang puwesto. Marahil ay madalas ding sinasabi ito sa inyo ng taong ginagamit ng Banal na Espiritu: “Kung, anuman ang mga paghihirap na makaharap natin, magpapakasubsob tayo sa gawain, at titiyaking makokompleto ang atas ng Diyos, hindi magiging walang saysay ang ating buhay. Walang sikreto sa pagkompleto sa atas ng Diyos. Nauuwi lang ito rito: ang pagbibigay ng buong makakaya at pagbibigay ng lahat ng ating lakas, at pagpapakasubsob sa gawain at pagiging deboto!” Madalas ba niya itong sinasabi sa inyo? (Oo.) Ang mga salitang, “Anuman ang mga paghihirap na makaharap natin, dapat tayong magpakasubsob sa gawain,” na sinabi ng taong ginagamit ng Banal na Espiritu sa proseso ng paglilingkod sa Diyos ay hindi isang islogan, ni hindi mga hungkag na salita. Ganito siya kumikilos, at ganito niya kayo sinusuportahan at tinutulungan. Matanggap man ninyo ito o hindi, at magsagawa man kayo sa ganitong paraan o hindi, ganito siya mismo kumikilos. Sa sarili niyang karanasan, natanggap niya ang kaliwanagan at pagtanglaw ng Diyos, natanggap ang tulong at suporta ng Diyos, at natanggap ang pag-akay at gabay ng Diyos, at patuloy siyang nagpakasubsob sa paggawa sa gawain sa buong panahong iyon. Sa paggawa sa anumang aytem ng gawain ng iglesia, hindi siya nakatuon sa mga diskarte, kundi sa halip ay ginagawa niya ito sa anumang paraan na nagkakamit ng mga resulta. Ang mga gampaning ibinigay ng Diyos, kung ano ang nauunawaan niya, kung ano ang dapat niyang gawin, at kung ano ang kaya niyang gawin, pati na rin ang gawaing ipinapagawa sa kanya ng Diyos—buong-puso niyang ipinapatupad ang lahat ng ito. Madalas niyang sinasabi sa inyo, “Dapat ninyong gawin ang inyong buong makakaya sa paggampan ng inyong tungkulin. Huwag maging tuso at magpabaya, huwag mag-imbot ng kaginhawahan, huwag abandonahin ang inyong gawain, at huwag maghanap ng daan palabas o maghanap ng mga pakinabang para sa inyong sarili.” Sinasabi niya ito, at ganito rin siya kumikilos. Mula nang magsimula siyang maglingkod sa Diyos hanggang ngayon, palagi nang nakikipagbahaginan sa inyo nang ganito ang taong ginagamit ng Banal na Espiritu, sinusuportahan at tinutulungan kayo. Bakit niya sinasabi ito? Hindi siya sumisigaw ng mga islogan para magpakitang-gilas sa iba; sa halip, ganitong-ganito siya mismo kumilos. Maaaring hindi rin niya mismo alam kung bakit ang pag-asikaso sa maraming aytem ng gawain sa sambahayan ng Diyos ay napakasimple at napakadali para sa kanya. Anuman ang problema, kaya niya itong linawin gamit lamang ang ilang salita. Kung paano asikasuhin ang anumang problemang iniuulat ng isang tao, o kung paano isagawa ang anumang aspekto ng gawain ng iglesia—sa kanyang pananaw, ang mga bagay na ito ay napakadali at lubhang walang kahirap-hirap. Bakit ganito? Maaaring sa buong paglalakbay, hindi niya naibuod ang mga bagay-bagay, at hindi niya alam kung bakit mayroon siyang gayong ani ngayon at may gayong kapabilidad sa gawain. Gayumpaman, sa nakikita Ko, hindi ito maihihiwalay sa kanyang personal na pagsisikap, sa landas na tinatahak niya sa paglilingkod sa Diyos, sa kanyang sinseridad at pagsasaalang-alang sa Diyos, at sa karakter na taglay niya. Kapag may mga nangyayari, madalas ay hindi ninyo alam kung paano asikasuhin ang mga ito, at hindi ninyo alam kung paano danasin ang mga ito. Nararamdaman ninyo na ang mga paghihirap na nakakaharap ninyo ay napakalaki at hindi ninyo alam kung paano lutasin ang mga ito. Ngunit, sa paningin ng brother, napakasimple nito. Pagkatapos ay ibinabahagi niya ang mga katotohanang prinsipyo sa inyo, sinasabi sa inyo na dapat kayong magdasal at maghanap, at humayo kayo at isagawa ninyo ang mga prinsipyo sa sandaling maunawaan ninyo ang mga ito. Pagkatapos ay iniisip ninyo, “Paano nalaman ng brother ang lahat ng bagay? Bakit napakadali para sa kanya na asikasuhin ang mga bagay-bagay? Gawa ito ng Diyos; ipinanganak siya na may ganitong abilidad. Wala tayong ganoong abilidad, ni hindi tayo pinakitaan ng espesyal na paboritismo ng Diyos.” Karamihan sa mga tao ay may mga maling pagkaunawa tungkol sa katunayan na ang taong ginagamit ng Banal na Espiritu ay gumagawa ng gawain nang may partikular na kadalian at kagalakan. Walang sinuman ang nakakaalam kung anong pagdurusa ang tiniis niya at anong mga uri ng halaga ang ibinayad niya nang hindi nakikita ng iba, kung paano siya nagsasagawa at kung paano niya tinatrato ang atas ng Diyos sa proseso ng paglilingkod sa Diyos, kung paano niya pinanghahawakan ang atas na ito at sa pasaning ito na ibinigay ng Diyos, at kung paano niya tinutupad nang maayos ang kanyang mga responsabilidad at nakakamit ang mga resulta. Nakikita lang ninyo na lubhang walang kahirap-hirap at napakadali para sa kanya na asikasuhin ang lahat ng bagay, ngunit walang nakakaalam kung ano ang mga detalye ng kanyang pagsasagawa nang hindi nakikita ng iba. Hindi ba’t ganoon iyon? (Oo.)

Anuman ang aytem ng gawain na isinasagawa ng sambahayan ng Diyos, kapag nagsimula ito sa gawaing iyon, nagsisimula ito sa wala. Sa pangkalahatan ay walang mga eksperto o tauhan na may propesyonal na kaalaman, at sa pangkalahatan ay wala ring mga kalipikadong propesyonal na teknikal na tauhan. Bukod pa rito, hindi malinaw sa sinuman ang mga prinsipyo ng bawat aytem ng gawain, kabilang na ang taong ginagamit ng Banal na Espiritu. Masasabing ang bawat aytem ng gawain, kabilang na ang gawain ng ebanghelyo, ay ginagawa simula sa wala. Ano ang ibig sabihin ng pagsisimula sa wala? Nangangahulugan ito na walang sinuman ang nakagawa na ng gawaing ito noon at walang sinuman ang may karanasan. Walang sinuman ang makapagsasabi sa iyo kung paano ito gagawin, kung ano ang landas, kung ano ang mga bagay na dapat bigyang-pansin, kung ano ang mga layunin ng Diyos, kung ano ang mga prinsipyong hinihingi ng Diyos, kung ano ang saklaw para sa pagganap sa gawaing ito, kung anong mga problema ang maaaring lumitaw sa paggawa ng gawaing ito, kung paano mo dapat harapin ang mga ito, kung paano mo dapat asikasuhin at lutasin ang mga ito, at iba pa. Walang kahit isang may karanasang tao na makapagsasabi sa iyo ng anuman sa mga detalyeng ito. Nagsisimula ang lahat ng ito mula sa wala. Lalo na para sa gawain ng sambahayan ng Diyos na kinapapalooban ng propesyonal na kaalaman, nang unang magsimulang gawin ng taong ginagamit ng Banal na Espiritu ang gayong gawain, nagbubulay-bulay siya, kinakapa niya ang kanyang daan, at naghahanap siya nang mag-isa. Sa ilang bagay ay makikipag-ugnayan siya sa Akin, at makikipagbahaginan Ako sa kanya, at magkakamit siya ng ilang inspirasyon mula rito at makakabuo ng ilang landas ng pagsasagawa. Minsan, ang paggawa ng gawain na hindi pa kailanman nagawa noon ay hindi maiiwasang magdulot ng pagharap sa maraming paghihirap. Ano ang dapat gawin kung gayon? Maagap na pinapasan ng taong ginagamit ng Banal na Espiritu ang gawaing ito, at pagkatapos ay kumokonsulta, nag-uusisa, at kinakapa ang kanyang daan. Habang ginagawa ang gawaing ito, hinahanap din niya ang mga prinsipyo ng pagsasagawa nang may mapagpakumbaba at may-takot-sa-Diyos na puso at pusong nag-aasam sa Diyos, ginaganap ang gawain habang kinakapa ang kanyang daan. Sa prosesong ito, sa pamamagitan ng kaliwanagan at pag-akay ng Banal na Espiritu, ang bawat aytem ng gawain ay nagagawa nang pahusay nang pahusay, nagagawa nang paayos nang paayos, at nagagawa sa paraang lalong nakakamit ang resulta ng pangangalaga sa gawain ng sambahayan ng Diyos at pagpapatotoo sa Diyos. Sumusunod kayo sa pag-akay ng taong ginagamit ng Banal na Espiritu. Sa ilalim ng kanyang suporta, tulong, at pag-akay, hangga’t kaya ninyong maging masunurin at kayang gawin ang mga bagay-bagay ayon sa mga prinsipyo, sapat na iyon; magiging napakadali na para sa inyo ang paggampan sa inyong tungkulin. Para sa taong ginagamit ng Banal na Espiritu, siya ang nangunguna at siya ang pinuno ng sambahayan. Kapag ginagawa ang bawat aytem ng gawain, sa tuwing nahaharap siya sa isang paghihirap o nahaharap sa isang pagpiling dapat gawin, dapat niyang malinaw na makilatis kung paano ito gagawin para makamit ang mas magagandang resulta at kung paano ito gagawin para mapangalagaan ang patotoo ng Diyos. Ang prinsipyong ito ang nangingibabaw sa kanyang puso. Pagdating sa gawaing nauugnay sa mga propesyonal na kasanayan, hindi niya mismo nauunawaan ang nauugnay na propesyonal na kaalaman. Hindi ba’t ito ay pagharap sa isang paghihirap sa gawain? Ano ang dapat niyang gawin kapag nahaharap sa isang paghihirap? Kailangan niyang mag-aral. Ang pag-aaral ng isang bagay simula sa wala ay hindi madali at kinapapalooban ng mga paghihirap. Ang mga bagay tulad ng lakas ng mga tao, kaalaman ng mga tao, at karanasan sa buhay ng mga tao ay pawang limitado. Sa ilalim ng mga sitwasyong ito, habang ginagabayan at pinangangasiwaan ng taong ginagamit ng Banal na Espiritu ang isang partikular na aytem ng propesyonal na gawain bilang isang ganap na di-eksperto, sa tingin ba ninyo ay mayroon siyang mga paghihirap? Mahirap ba para sa kanya na gampanan ang gawaing ito? (Oo, mahirap ito.) Palagi niyang sinasabi, “Isa lang akong di-eksperto.” Hindi niya ito sinasabi dahil sa huwad na pagpapakumbaba; tunay niyang nararamdaman na isa siyang di-eksperto at hindi niya nauunawaan ang mga propesyonal na kasanayan. Ngunit, umaasa sa kanyang sinserong puso, at umaasa sa kanyang nag-aasam na puso at sa kanyang mapagpakumbabang puso, nagpapakasubsob siya sa gawain para tuparin ang kanyang mga responsabilidad, gustong pasanin ang gawaing ito, gampanan ito nang maayos, at pangalagaan ito nang maayos, para makausad ang gawain. Minsan ay naghahanap siya sa internet ng mga video o materyales sa pag-aaral na nauugnay sa propesyonal na gawain, tulad ng mga video at mapagkukunan ng impormasyon tungkol sa komposisyon ng musika, melodiya, mga pamamaraan sa pag-awit, at pagsayaw, kumukuha mula sa ilang nilalaman ng mga ito. Maaaring isipin ng mga walang alam na kapag may libre siyang oras, nakikinig pa nga siya sa mga kanta ng mga walang pananampalataya at nanonood ng mga sayaw ng mga walang pananampalataya. Sa katunayan, saan siya nakatuon sa kanyang puso? Ano ang layunin niya sa paggawa ng mga bagay na ito? Ang layon niya ay gampanan nang maayos ang mga aytem na ito ng gawain ng sambahayan ng Diyos, para makamit ng mga ito ang mas magagandang resulta sa pagpapatotoo sa Diyos. Siya mismo ay hindi nagtataglay ng anumang propesyonal na kaalaman para sa paggawa sa propesyonal na gawaing ito, ngunit nakatuon pa rin siya sa pag-aaral, pagsasaliksik, at pagbubulay-bulay kung paano lulutasin ang iba’t ibang problema at paghihirap sa gawain; ang layon niya ay ilagay lang ang mga aytem na ito ng gawain sa tamang landas. Kung isasaalang-alang ang kanyang edad at lakas, hindi ba’t ang katunayan na kaya niyang magbayad ng gayong halaga at kayang gawin ang mga bagay na ito ay isang pagpapamalas ng kanyang pagpapakasubsob sa gawain? (Oo.) Hindi ba’t ito ay paggawa niya ng kanyang buong makakaya? (Oo.) Ito ang praktikal na pagpapamalas ng kanyang paggawa ng kanyang buong makakaya. Kapag nahaharap sa gayong malalaking paghihirap, mga paghihirap na kinapapalooban ng mga propesyonal na kasanayan at espesyal na kaalaman, hindi siya kailanman umurong, ni hindi niya sinukuan ang paggawa ng gawaing ito. Ano ang partikular na pagpapamalas ng hindi niya pagsuko? Ito ay ang hindi niya kailanman pagpasa ng gawain sa iba dahil hindi niya nauunawaan ang mga propesyonal na kasanayan at isa siyang di-eksperto. Sa halip, nangunguna siya sa paghimok sa lahat na maghanap ng mga materyales at mag-aral. Sa sandaling makahanap siya ng mga angkop na materyales sa pag-aaral, at mahanap ang mga prinsipyo ng pagsasagawa at mga landas ng pagsasagawa, nakikipagbahaginan siya sa inyo, para maarok din ninyo ang mga prinsipyo at makapagsagawa kayo ayon sa tamang landas. Madalas niyang itinuturo ang landas para sa inyo, pinapahanap sa inyo ang mga mapagkukunan ng impormasyon at pinapahanap kayo ng mga landas. Dahil walang anumang prinsipyo, bulag kayong naghahanap—bulag sa parehong mata at puso—at minsan ay nagkukunwari kayong nakakaunawa kahit hindi naman, hindi man lang alam kung paano matuto. Dahil walang ibang pagpipilian, kailangang personal na tagubilinan kayo ng brother, direktang sinasabi sa inyo kung anong mga mapagkukunan ng impormasyon ang hahanapin. Sa huli, natututo kayo sa wakas ng kaunting bagay at nagkakakamit ng ilang resulta sa paggampan ng inyong tungkulin. Nakikita mo, mula sa isang napakapartikular, napakaliit na bagay na ito, makikita na mayroon siyang sinserong puso sa paglilingkod sa Diyos, at ginawa rin niya ang kanyang buong makakaya, na sa kolokyal ay tinatawag na pagpapakasubsob sa gawain. Ibinibigay palagi ng taong ginagamit ng Banal na Espiritu ang lahat ng kanyang makakaya sa paggawa ng gawain. Hindi siya nagtira ng anumang lakas, hindi nag-imbot ng kaginhawahan, at hindi naghanap ng paglilibang. Siya mismo ang nagpapasan ng lahat ng gawain; hindi siya umasa sa inyo, ni hindi niya ipinasa ang gawain sa inyo. Hindi niya iniiwasan ang kanyang mga responsabilidad. Sa katunayan, ilang taon na kayong nananampalataya sa Diyos at gumagampan ng inyong mga tungkulin; dapat ay kaya na ninyong pasanin ang pasaning ito, at dapat ninyong kompletuhin ang iba’t ibang aytem ng propesyonal na gawain nang nagsasarili. Hindi kayo dapat palaging umasa sa brother. Ngunit, hindi ninyo kailanman nagagawang gampanan ang gawain nang nagsasarili, at palagi ninyong kailangan ang brother para tulungan at akayin kayo sa paggawa nito. Pagdating naman sa kung talagang tamad ba kayo o may mahinang kakayahan at hindi alam kung paano ito gagawin, hindi natin pag-uusapan ang aspektong iyon. Sabihin na lang natin na marami sa gawaing ginagawa ng brother ay talagang ginagawa bilang kahalili ninyo at para tulungan kayong gampanan ang inyong gawain. Responsabilidad ninyo ito, pero pinapasan niya ito nang mag-isa. Wala ba siyang mga paghihirap? Napapagod din siya! Bukod pa rito, sa paggawa ng gawain, hindi lang siya gumagawa ng iisang aytem ng gawain. Ang gawaing ginagawa ninyong mga lider sa anumang antas ay iisang aytem ng gawain lang; tanging ang brother ang gumagawa ng pangkalahatang gawain, ng komprehensibong gawain. Anuman ang paghihirap na lumitaw sa anumang aytem ng gawain, walang sinuman sa inyo ang gumagawa ng inyong buong makakaya para lutasin ito, at walang sinuman sa inyo ang may gustong makibahagi sa pasanin; sa kanya lamang ninyo ipinapasa ang lahat ng ito. Nagreklamo ba kailanman ang brother? Hindi siya kailanman nagreklamo. Minsan ay sinasabi lang niya sa Akin, “Talagang may mahinang kakayahan ang mga taong ito! Gaano man ako makipagbahaginan, hindi nila nauunawaan ang mga prinsipyo at hindi nila makamit ang mga resulta!” Sinasabi niya ito paminsan-minsan, ngunit hindi naaantala o naabandona ang gawain anuman ang mangyari. Bukod pa rito, maagap siyang tumutuklas ng mga problema at maagap na naghahanap ng gawaing gagawin. Kapag nakakatuklas siya ng mga problema, agad niyang nilulutas ang mga ito. Kapag nakikita niya na palaging nabibigo ang isang partikular na pangkat na maarok ang mga prinsipyo sa paggampan ng kanilang tungkulin, at na muling lumitaw ang mga problemang nalutas na noon, ginagabayan niya sila at nakikipagbahaginan siyang muli sa kanila. Minsan ay sinasabi Ko, “Ganito lang talaga ang kakayahan ng mga taong ito; hangga’t ang iba’t ibang aspekto ng gawain ng iglesia ay nakapagkakamit ng mga resulta at nakakausad nang maayos at normal, sapat na iyon. Kung pagod na pagod ka na, magpahinga ka muna.” Kahit kapag sinasabi Ko ito, hindi siya nagpapahinga, at iginigiit na gampanan ang gawain nang walang pahinga. Maaaring dahil sa inyong mahinang kakayahan o sa inyong kawalan ng kasipagan sa pag-aaral, ang mga prinsipyo na ipinanggagabay sa inyo ng brother ay may napakaliit na epekto sa inyo sa loob ng maikling panahon, ngunit ginagawa pa rin niya ang kanyang buong makakaya para gabayan at tulungan kayo, nang hindi nagiging tamad. Kahit na mayroon lang itong maliit na epekto, nararamdaman niya na tinutupad niya nang maayos ang kanyang responsabilidad; sa sandaling matupad ang kanyang responsabilidad, napapanatag ang kanyang puso. Palaging sinasabi ng taong ginagamit ng Banal na Espiritu, “Kung hindi tapos ang gawain, hindi ako makakain at hindi ako makatulog nang mahimbing.” Kapag tapos na ang gawain ay saka lamang napapanatag ang kanyang puso, at saka lang siya nagpapahinga. Kung kayong mga lider at manggagawa ay mayroon kahit kalahati ng sinseridad na mayroon ang taong ginagamit ng Banal na Espiritu sa atas ng Diyos, ang inyong gawain ay magiging mas mahusay kaysa sa gawain ninyo ngayon. Ngunit wala kayo ng sinseridad na ito. Napakatagal na kayong ginagabayan ng brother, ngunit hindi ninyo isinasapuso ang pag-aaral at hindi kayo masyadong umuusad. Kahit na ganoon, hindi sumusuko ang brother. Ginagabayan pa rin niya kayo kada ilang araw, at pagkatapos kayong gabayan, hindi siya basta na lang naghuhugas-kamay sa usaping ito; kapag nakakatuklas siya ng mga problema, patuloy siyang nakikipagbahaginan sa inyo at ginagabayan kayo hanggang sa malutas ang mga problema. Nakikita mo, sa pagtanggap sa atas ng Diyos, hindi lang siya may sinserong puso, kundi kaya rin niyang magpakasubsob sa gawain at gawin ang kanyang buong makakaya para kompletuhin ang atas ng Diyos. Mula nang magsimula siyang maglingkod sa Diyos, sinabi niya na iaalay niya ang kanyang buong buhay sa Diyos, at pagkatapos ay nagsagawa at naghangad siya ayon sa pasyang ginawa niya sa harap ng Diyos. Sa proseso ng paglilingkod sa Diyos, itinuturing niya ang paggawa ng gawain ng iglesia at ang pag-asikaso sa iba’t ibang bagay ng iglesia bilang karaniwang bahagi ng kanyang buhay at bilang kabuuan ng kanyang buhay. Patuloy niyang tinutupad at patuloy na isinasagawa ang sumpang binitawan niya sa harap ng Diyos at ang pasyang ginawa niya sa harap ng Diyos, hindi kailanman nagrereklamo tungkol sa paghihirap o pagkahapo. Kung masyadong maraming gawain, masyado siyang abala, at nakakaramdam siya ng matinding pagkapagod, naghahanap siya ng mga paraan para ikondisyon ang kanyang sarili, nag-eehersisyo o lumalabas para maglakad-lakad, at inilalaan ang lahat ng natitira niyang oras at lakas sa paggawa ng gawain ng iglesia. Dito, naiiba siya sa inyo. Palagi kayong sumisigaw, “Iaalay ko ang aking buong kabataan sa Diyos! Hindi ako kailanman mag-aasawa at iaalay ko ang aking buong buhay sa Diyos! Maglilingkod ako sa Diyos sa buong buhay ko!” Ngunit kapag medyo abala at medyo nakakapagod ang gawain, kapag nagdurusa ng kaunting paghihirap ang inyong laman at hindi ninyo matamasa ang kaginhawahan, nakakaramdam kayo ng pagkaagrabyado. Nakakaramdam din kayo ng pagkaagrabyado at nagrereklamo kapag kailangan ninyong pasanin kahit ang isa pang aytem ng gawain. Palagi ninyong gustong gumawa ng kaunting gawain lang at gugulin ang natitirang oras ninyo sa pagtatamasa ng kaginhawahan at pagtatamasa ng buhay ng laman. Kapag medyo apurahan ang gawain at may kaunting presyur, o kapag may lumitaw na kaunting paghihirap, nagrereklamo kayo tungkol sa paghihirap at nagrereklamo tungkol sa pagkahapo, nagmamaktol, at gusto pa nga ninyong talikuran ang inyong gawain at gustong tumakas, nasasadlak sa isang kalagayan ng pagkasira ng loob at nagiging partikular na emosyonal. Paano ninyo magagawang gampanan nang maayos ang gawain nang ganito?

Mula nang magsimulang manampalataya sa Panginoon ang taong ginagamit ng Banal na Espiritu hanggang ngayon, sa loob ng napakaraming taon, gaano man karaming bagay ang naranasan niya, gaano man karaming kapaligiran ang naranasan niya, o gaano man karaming panganib ang naranasan niya, at gaano man karaming hindi karaniwan at espesyal na sitwasyon ang lumitaw sa mga iglesia, o gaano man karaming espesyal na insidente ang naranasan niya, palagi siyang naninindigan sa kanyang tungkulin. Tuloy-tuloy siyang nakipagbahaginan tungkol sa katotohanan para diligan at tustusan ang mga kapatid, nagbigay ng gabay sa mga lider at manggagawa, at gumawa ng iba’t ibang aytem ng gawain ng iglesia, tulad ng gawain ng ebanghelyo, gawain ng pagdidilig ng iglesia, gawain patungkol sa buhay pagpasok ng hinirang na mga tao ng Diyos, gawain patungkol sa mga lider at manggagawa na naglilingkod sa Diyos, at ang administratibo at pangkalahatang gawain ng iglesia. Sa paglipas ng mga taon na ito, tuloy-tuloy niyang ibinibigay ang kanyang buong puso at lakas sa paggawa ng bawat aytem ng gawain; ito ang karaniwang bahagi ng kanyang buhay. Kung mamumuhay kayo nang ganito, mararamdaman ninyo na nakakabagot at hindi ito interesante; kahit na nananampalataya kayo sa Diyos, makakaramdam pa rin kayo ng kahungkagan. Ngunit iba ang taong ginagamit ng Banal na Espiritu. Nararamdaman niya na ang pamumuhay para kompletuhin ang atas ng Diyos ay ang pinakamakabuluhan at pinakamahalagang bagay. Ang mga walang pananampalataya ay mahilig kumain, uminom, maglaro, at magpakasaya, at mahilig silang maglakbay; ang ilang lalaki ay mahilig makipagkarera ng mga sasakyan o maglaro ng mga electronic gadget, at ang ilang babae ay mahilig sa mga beauty treatment, pagpapaayos ng kanilang buhok, o pagsasayaw. Ang mga bagay na ito, na sikat sa mga walang pananampalataya, ay hindi interesante para sa kanya. Kapag mayroon siyang kaunting libreng oras, nakaupo lang siya roon nang mag-isa, pinag-iisipan at pinagbubulay-bulayan ang mga problema, tulad ng kung ano ang kalikasan ng isang partikular na bagay na ginawa ng isang partikular na lider o manggagawa at kung paano ito dapat asikasuhin, anong mga problema ang lumitaw sa gawain ng ebanghelyo at kung paano dapat lutasin ang mga ito, at iba pa. Kapag nakikipagkuwentuhan siya sa inyo, nakikipagbahaginan siya tungkol sa mga bagay na ito. Anuman ang ibinabahagi niya kapag nakikipag-ugnayan siya sa inyo ay ang mismong karaniwan niyang pinagbubulay-bulayan at pinag-iisipan sa kanyang puso; ang mga pinanghahawakan niya sa kanyang puso ay mismong ang mga bagay na ito ng iglesia. Kaya nakikita mo, kapag nag-aasikaso siya ng mga problema, kaya niyang ipaliwanag nang malinaw ang mga prinsipyo gamit lamang ang ilang pangungusap, at ang paraan ng pag-aasikaso niya sa mga problema ay mukhang napakasimple rin. Gayumpaman, nang hindi nakikita ng iba, kung ilang taon na ang naranasan niya; kung ilang taon na siyang naghanda; kung ilang paghihirap na ang naranasan niya; kung ilang beses na siyang humarap sa Diyos para magdasal at maghanap kapag nahaharap sa mga paghihirap na ito, nakakatanggap ng kaliwanagan ng Banal na Espiritu, at sa huli ay naaarok ang mga prinsipyo ng pagsasagawa sa iba’t ibang aspekto—hindi ninyo alam ang tungkol sa anuman sa mga ito. Maaaring ang kaliwanagan ng Banal na Espiritu na natanggap niya ay mas marami pa kaysa sa mga salita ng Diyos na nabasa ninyo. Maaaring hindi masyadong angkop ang paghahambing na ito, ngunit ano ang kahulugan sa likod ng pagsasabi nito? Ito ay para ipaalam sa inyo kung anong uri ng halaga ang personal na ibinayad ng taong ginagamit ng Banal na Espiritu at kung anong landas ang tinahak niya sa proseso ng paggawa ng gawain ng iglesia at paglilingkod sa Diyos—ito ay para malinawan kayo tungkol sa mga bagay na ito.

Sa panahon na ginagawa ng taong ginagamit ng Banal na Espiritu ang gawain sa mainland China, ang problemang pinakamadalas niyang nakaharap ay ang patuloy na pagharap sa mga mapanganib na kapaligiran, kung saan nanganib ang kanyang personal na seguridad. Saanman siya magpunta, wala siyang mapagtaguan, walang masilungan, at walang lugar na ganap na ligtas. May ilang beses pa nga na nakaharap niya ang mga pulis ng CCP at nakatakas siya kahit napakalapit na nila. Ito ang uri ng panganib na hinarap niya. Para sa taong ginagamit ng Banal na Espiritu, maaaring sumapit sa kanya ang panganib o kamatayan anumang oras. Kahit sa ilalim ng gayong mga hindi kanais-nais na kapaligiran, hindi siya umurong, hindi niya binitawan ang atas na ipinagkatiwala sa kanya ng Diyos o ang responsabilidad na ipinagkatiwala sa kanya ng Diyos, at patuloy niyang ginawa ang gawain ng iglesia. Kapag nahaharap siya sa panganib, at hindi na siya maaaring manatili kung nasaan siya, pumupunta siya sa ibang lugar na medyo mas ligtas. Noong una siyang dumating doon, mayroon pa rin siyang natitirang mga takot, ngunit sa loob ng ilang araw, muli siyang magpapatawag ng ilang lider at manggagawa para sa mga pagtitipon, nangangaral, nakikipagbahaginan, at nagtatalakay ng gawain araw-araw. Pagkalipas ng ilang panahon, ipagkakanulo sila ng isang hindi kilalang tao o isusuplong ng mga walang pananampalataya, magiging hindi rin ligtas ang lugar, at kailangan niyang mabilis na lumipat sa ibang lugar. Pagdating sa bagong lugar, sa katulad na paraan, sa loob lamang ng ilang araw, muli niyang ipapatawag ang mga kalapit na lider at manggagawa, kasama ang mga ordinaryong mananampalataya na medyo masigasig sa kanilang paghahangad, para magtipon at makipagbahaginan, magtalakay ng gawain, at lumutas ng mga problema. Sa loob ng mga hindi kanais-nais na kapaligirang iyon, isinantabi ng taong ginagamit ng Banal na Espiritu ang buhay at kamatayan. Bukod pa rito, sa bawat aytem ng gawain na ginagawa niya, palagi niyang binibilisan ang takbo, hinihimok at pinipilit ang mga tao na gawin ito. Wala sa karamihan ng mga tao ang ganitong pakiramdam ng pag-aapura; ginagawa nila ang gawain ng iglesia tulad lang ng paggawa nila sa kanilang pang-araw-araw na buhay—walang pagkabalisa, walang pakiramdam ng pagmamadali, kumikilos nang mabagal at banayad na parang isang matandang baka na humihila ng kariton. Ngunit nakaramdam ng pagmamadali ang taong ginagamit ng Banal na Espiritu kapag gumagawa ng gawain. Halimbawa, patungkol sa gawain ng pag-iimprenta ng mga aklat ng mga salita ng Diyos, patuloy na naghihimok ang taong ginagamit ng Banal na Espiritu: “Iimprenta ninyo ang mga ito nang mabilis. Sa sandaling maipamahagi ang mga aklat sa mga kamay ng mga kapatid, magiging maayos na ito; magiging ganap na ligtas ang mga aklat. Hindi natin maaaring hayaang makumpiska ng malaking pulang dragon ang mga ito. Sikaping asikasuhin ang gawaing ito at tapusin ito sa lalong madaling panahon, para ang lahat ng hinirang na mga tao ng Diyos ay may mga salita ng Diyos sa kanilang mga kamay.” Patungkol sa pagre-record ng mga cassette tape para sa mga himno at sermon, hinimok at pinilit din niya ang mga tao na i-record ang mga ito nang mabilis. Kapag gumagawa ng gawain, palagi siyang may pakiramdam ng pag-aapura, ngunit palaging may walang-katapusang dami ng gawaing dapat gawin, at ang kanyang buong pagkatao ay palaging nasa isang lubhang tensiyonadong kalagayan. Sabihin ninyo sa Akin, kung ang isang tao ay palaging nasa isang kalagayan ng matinding presyur at tensiyon, maaapektuhan at mapipinsala rin ba ang kanyang katawan? (Oo.) Totoo ito para sa sinuman, kabilang na ang mga kapatid sa mainland China na matagal nang nasa isang kapaligiran ng pang-uusig. Palaging lubhang tensiyonado ang kanilang mga nerbiyos, at maraming tao ang madalas na nananaginip kung saan, habang nagdaraos sila ng isang pagtitipon, kumakatok ang mga pulis sa pinto, at nagmamadaling tumakas ang lahat—palagi silang nananaginip nang ganito. Dahil nagdadala ang taong ginagamit ng Banal na Espiritu ng gayon kabigat na pasanin at gumagawa ng gayon kahalagang gawain sa kapaligirang iyon na may matinding presyur, sabihin ninyo sa Akin, magiging mabuti ba ang kanyang kalusugan? Kapag ang isang tao ay nasa ilalim ng matinding presyur, napupukaw ang kanyang utak, at nakakaramdam ng matinding pagkahapo at nakakaramdam ng pasakit ang kanyang katawan. Ngunit, kahit kapag nahaharap sa gayong mga kapaligiran, hindi niya inabandona ang kanyang gawain. Kapag nahaharap siya sa isang mapanganib na kapaligiran at walang angkop na lugar para magdaos ng mga pagtitipon ng mga kamanggagawa, o kapag ang sitwasyon ay partikular na tensiyonado sa loob ng isang panahon, kung saan ang mga pag-aresto at pang-uusig ng Partido Komunista ay nagiging lalong mabangis at ang kapaligiran ay nagiging mas hindi kanais-nais kaysa noon, hindi makakain ng anuman ang taong ginagamit ng Banal na Espiritu. Kapag nahaharap ang mga tao sa mga mapanganib na kapaligiran, o kapag sila ay nababalisa at labis na nababagabag sa isang bagay, nakakaramdam ng pagkabalisa sa kanilang puso, nawawalan sila ng ganang kumain. Ngunit upang mapanatili ang mga normal na paggana ng katawan, kailangan pa rin nilang kumain; kung patuloy silang hindi kakain, babagsak ang kanilang katawan, at hindi nila magagawang gampanan ang kanilang mga tungkulin. Kaya, kakain ang brother ng ilang berdeng sibuyas na isinawsaw sa sarsa, at kakain ng ilang subo ng kanin, at maituturing na iyon bilang isang pagkain; hindi siya kailanman nagpahanda ng mga espesyal na pagkain. Sa mga hindi kanais-nais na kapaligirang iyon, kung may maliit na pananalig ang mga tao, hindi sinsero sa Diyos, at walang mga puso na mapagsaalang-alang sa Diyos, at kung wala rin silang pag-akay ng Diyos, walang sinuman ang makakatagal. Kasama ang pag-akay ng Diyos, bukod pa sa paggawa niya ng kanyang buong makakaya para makipagtulungan, isinagawa ng taong ginagamit ng Banal na Espiritu ang gawain ng sambahayan ng Diyos hanggang sa kasalukuyan, kinompleto ang atas ng Diyos, at inakay rin kayo hanggang sa kasalukuyan. Ang mapanganib na kapaligirang iyon ng mainland China ay nagdulot ng matitinding hadlang at panggugulo sa buhay iglesia at gawain ng iglesia, lumilikha ng malalaking paghihirap. Lubhang mapanganib para sa taong ginagamit ng Banal na Espiritu na gumawa ng gawain sa gayong hindi kanais-nais na kapaligiran tulad ng mainland China. Sa sandaling maaresto siya, hindi na kakailanganin ng interogasyon—direkta siyang babarilin; magiging tiyak ang kamatayan. Ngunit hindi pa rin niya binitawan ang kanyang tungkulin, ni hindi niya binitawan ang atas na ibinigay ng Diyos dahil natakot siya sa mapanganib na kapaligiran. Hindi siya sumuko kahit isang araw. Hindi lang sa hindi siya sumuko sa panlabas, kundi wala rin siyang gayong mga kaisipan o plano sa loob-loob niya. Tuloy-tuloy siyang nagpursigi sa paggawa sa ganitong paraan, inaakay at sinusuportahan ang mga lider at manggagawa sa lahat ng antas, binibigyang-daan ang mga lider at manggagawa sa lahat ng antas na makinabang din nang malaki. Siya mismo ay naharap sa malaking panganib at matinding presyur, ngunit kinailangan pa rin niyang suportahan ang mga lider at manggagawa sa paggawa nang maayos sa gawain ng iglesia, at suportahan ang mga ordinaryong kapatid kung paano gumamit ng karunungan para tumugon, kung paano dumanas, kung paano tugunan ang mga layunin ng Diyos, at kung paano magpatotoo sa Diyos kapag nahaharap sa mga mapanganib na kapaligiran. Pagdating sa mga pagpapamalas na ito ng taong ginagamit ng Banal na Espiritu kapag nahaharap sa mga mapanganib na kapaligiran, sabihin ninyo sa Akin, sa paningin ng Diyos, pasok ba ang mga ito sa pamantayan? Nasisiyahan ba ang Diyos? (Oo.) Isandaang porsiyentong tiyak na nasisiyahan ang Diyos. Mayroon siya ng mga pagsasagawang ito kapag nahaharap sa gayong mga kapaligiran, at nagbayad siya ng napakaraming halaga para sa atas na ibinigay sa kanya ng Diyos. Siyempre, kasabay nito, marami rin siyang inani. Naramdaman niya ang proteksyon ng Diyos at ang pag-akay ng Diyos, at higit pa roon, umani siya ng isang ani sa usapin ng buhay pagpasok, unti-unting ginagawang perpekto ng Diyos. Hindi tinatrato ng Diyos ang mga tao nang hindi patas. Kung sinsero ka sa Diyos, kung nagbabayad ka ng tunay na halaga, kung tinutupad mo ang iyong mga pangako, at kung handa kang maging mapagsaalang-alang sa pasanin ng Diyos, maglalagay ang Diyos ng pasanin sa iyo. Kung kaya mong magdala ng isandaang libra, maglalagay ang Diyos ng isandaang libra sa iyo. Kung sasabihin mo, “Magsisikap pa ako nang kaunti at magdadala ng isandaan at limampung libra,” unti-unting ilalagay iyon ng Diyos sa iyo ayon sa iyong tayog at ayon sa iyong determinasyon. Habang inilalagay ito sa iyo, inilalagay ng Diyos ang Kanyang buhay sa loob mo. Ito ang pinakadakilang resulta na sa huli ay inaani ng isang taong naglilingkod sa Diyos at may di-sinasalitang pagkaunawaan sa Diyos.

Habang ginagawa ng taong ginagamit ng Banal na Espiritu ang gawain ng iglesia, naharap siya sa malaking panganib. Habang lalong nagiging hindi kanais-nais ang kapaligiran, lalong naging mabangis ang mga pag-aresto ng malaking pulang dragon, mahigpit na nanggigipit sa bawat hakbang. Pagsapit ng taong 2000, halos wala nang mapagtaguan. Tumakas siya mula sa probinsyang ito patungo sa probinsyang iyon, at tumakas mula sa lugar na ito patungo sa lugar na iyon; wala na ngang natirang medyo ligtas na mga lugar. Hindi sa ayaw siyang i-host ng mga kapatid, kundi hindi ito pinahintulutan ng pangkalahatang kapaligiran. Sa ilalim ng mga sitwasyong iyon, hindi pa rin inabandona ng taong ginagamit ng Banal na Espiritu ang kanyang gawain. Ginawa pa rin niya ang lahat ng kanyang makakaya, sa gitna ng mga maaari niyang makaugnayan, para magdilig at magtustos sa mga lider at manggagawa, at gabayan sila sa paggawa ng gawain ng iglesia. Noong panahong iyon, ang pinakamahalagang aytem ng gawain ng iglesia ay ang gawain ng ebanghelyo. Nagsimula ang gawaing ito noong 1995, at pagsapit ng 2000, patuloy na itong nangyayari sa loob ng higit sa limang taon. Patuloy na may mga baguhang sumasali sa mga iglesia sa bawat probinsya, naharap ang mga iglesia sa maraming bagong problema, at maraming bagong gawain ang lumitaw. Sa ilalim ng gayong mga sitwasyon, nang walang garantiya ng seguridad, pumunta pa rin ang taong ginagamit ng Banal na Espiritu sa ilang lugar para makipag-ugnayan sa mga lider at manggagawa upang magbigay ng gabay sa gawain, at sa kanyang libreng oras, bumuo rin siya ng ilang himno ng mga karanasan sa buhay para hikayatin ang mga kapatid, ginagamit ang anyo ng mga himno para suportahan ang mga iglesia. Bagama’t labis na hindi kanais-nais ang kapaligiran, hindi umurong ang brother, at hindi siya sumuko. Sa halip, sinubukan niya ang lahat ng posibleng paraan at ginawa ang lahat ng kanyang makakaya para gampanan ang gawain ng iglesia, nang hindi umaalis sa saklaw ng gawain ng iglesia at nang hindi umaalis sa kapaligiran ng gawain ng iglesia. Paminsan-minsan, kung pupunta siya sa isang lugar na may palengkeng nagtitinda ng mga aso, pupunta rin ang brother para tumingin sa iba’t ibang aso upang maibsan ang stress at makapagpahinga—hindi nakakabagot ang kanyang buhay, tama? (Oo.) Hindi siya tumigil sa paggawa ng gawain ng iglesia kahit kapag nahaharap sa gayong malalaking paghihirap, at walang nakakita kung gaano kahirap ang mga bagay-bagay para sa kanya. Tingnan mo ang mga sikat na taong iyon sa mundo—kapag nahaharap sila sa mga paghihirap at nasa ilalim ng lubhang matinding presyur, naghahanap sila ng lugar na walang tao sa paligid at umiiyak nang malakas, nagtataob ng mga mesa, at naninira ng mga bagay, at ang ilan ay tumatakas na lang. Nahihirapan sila nang labis sa mga bagay-bagay na umaabot ito sa puntong ito. Hindi sumusuko ang ilang walang pananampalataya kapag nahaharap sila sa mga paghihirap habang isinasagawa ang kanilang mga karera. Ito ay dahil wala silang pagpipilian—masyadong marami ang kanilang mga kaaway, at ang mga naghahangad na patayin sila o maghiganti sa kanila ay napakarami, kaya hindi sila nangangahas na sumuko. Sa sandaling sumuko sila at mawalan ng kapangyarihan, ang kutsilyo ay itututok sa kanilang mga leeg, kaya kahit na nasa bingit ng kamatayan, kailangan nilang magpursigi sa pagsulong. Sa paggawa ng gawain ng iglesia, hindi umaasa ang taong ginagamit ng Banal na Espiritu sa ganoong uri ng katatagan ng loob para gawin ito. Umaasa siya sa pananampalataya sa Diyos, naniniwalang ang lahat ng bagay ay nasa mga kamay ng Diyos, at naniniwalang ang lahat ng bagay ay napapasailalim sa kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos; umaasa siya sa isang puso ng pagpapasakop sa Diyos, pagkakaroon ng sinserong puso sa Diyos, at pagkakaroon ng saloobin ng pagpapasakop sa Diyos. Sa pundasyong ito, handa siya anumang oras na tanggapin ang kataas-taasang kapangyarihan at mga pagsasaayos ng Diyos, at pagkatapos ay iniaalay niya ang lahat ng kanyang lakas at iniaalay ang kanyang buong pagkatao para sa atas mula sa Diyos na tinanggap niya. Walang anumang komplikado tungkol sa kung paano niya nagagawang gawin ang mga bagay na ito; walang mga shortcut o panlalansi na nakapaloob dito. Sa katunayan, dinaranas niya ang lahat ng ito at naglilingkod siya sa Diyos sa pamamagitan ng pag-asa sa kanyang sariling pagsisikap, at sa kanyang sariling sinseridad sa Diyos at saloobin ng pagpapasakop sa Diyos. Maaaring ang ilan sa mga bagay na dinaranas niya ay tila napakahirap sa mga tao. Iniisip ng ilang tao sa kanilang puso, “Paano ito nalampasan ng brother? Gawa iyon ng Diyos! Ang brother ay ang taong ginagamit ng Banal na Espiritu. Nagdarasal siya sa Diyos, at binibigyan siya ng Diyos ng ilang sobrenatural na pakiramdam, at pagkatapos ay hindi na siya natatakot. Hindi nararamdaman ng kanyang laman ang presyur. Napapangibabawan niya ang lahat ng ito.” Sabihin ninyo sa Akin, ganito ba iyon? (Hindi.) Sa katunayan, hindi ito ganito. Kapag nahaharap siya sa mga mapanganib na kapaligiran, natatakot din siya, natatakot din siya sa kamatayan, at nag-aalala at nababalisa rin siya. Ang mga damdamin ninyo kapag naririnig ninyo na may mapanganib na kapaligiran ang isang partikular na lugar at inaresto ang mga kapatid ay halos kapareho lang ng mga damdamin niya. Natataranta kayo; nakakaramdam ang ilan sa inyo ng pangingilabot sa inyong mga anit, nakakaranas ang ilan sa inyo ng panlalambot ng mga binti, at ang iba ay hinihingal. Mayroon bang ganitong mga damdamin ang brother? Mayroon din siya ng mga ito, ngunit kaya niyang piliin na hindi bumitiw sa kanyang tungkulin, na hindi abandonahin ang kanyang gawain, at gawin pa rin ang kanyang buong makakaya. May kinalaman ba ito sa kanyang karakter? (Mayroon.) Kaya niyang piliin na hindi bumitiw sa kanyang tungkulin—sabihin ninyo sa Akin, sobrenatural ba ito? (Hindi ito sobrenatural.) Ang isang bagay na hindi maitatanggi, anuman ang panganib na harapin niya, ang kanyang saloobin ay nananatiling isang saloobin ng pagpupursigi sa hindi pagbitiw sa kanyang tungkulin, hinding-hindi pagiging isang tumatakas, at hindi pagkakanulo sa Diyos, nararamdaman na kung ipagkakanulo niya ang Diyos, nararapat sa kanya na mamatay at nararapat sa kanya na isumpa. Kapag pinipili niya ang ganitong uri ng saloobin, patuloy na kumikilos ang Diyos bilang nagtutulak na puwersa sa kanyang puso at binibigyan siya ng lakas. Kapag ang presyur na pinapasan ng isang tao ay lumalampas sa kanyang limitasyon, gagawa ang Diyos; susuportahan siya ng Diyos, at bibigyan siya ng Diyos ng lakas. Karamihan sa mga tao ay napaparalisa sa takot at nanghihina sa takot kapag nahaharap sa mga mapanganib na kapaligirang ito, hindi nangangahas na gumawa ng gawain. Sinasabi pa nga ng ilang tao, “Nang nangyari sa akin ang mga bagay, hindi ko naramdaman na binibigyan ako ng Diyos ng lakas, ni hindi ako nakaramdam ng anumang himala.” Tama ka; ang katunayan na hindi mo ito naramdaman o sa huli ay hindi mo nakamit ang lakas na ibinigay sa iyo ng Diyos ay direktang nauugnay sa iyong personal na saloobin sa Diyos, sa iyong saloobin sa iyong misyon, at sa kung tama ba ang iyong puso. Kung pinili rin ng brother na abandonahin ang kanyang gawain, at pinili rin na umurong at iligtas ang sarili niyang buhay, hindi rin niya makakamit ang lakas na ibinibigay ng Diyos. Kung, kapag nahaharap sa mga mapanganib na kapaligirang ito, subhetibo niyang pinili na hindi gawin ang gawain ng iglesia at maghintay hanggang sa lumipas ang panganib bago ito gawin, hindi siya pipilitin ng Diyos. Hindi siya pupuwersahin ng Diyos, sinasabi, “Kailangan mo itong gawin kahit na natatakot ka; kahit na hilingin sa iyong mamatay, dapat mo itong gawin.” Hindi pinipilit ng Diyos ang mga tao. Ano ang ibig sabihin nito? Sinasabi nito sa iyo na kapag may mga nangyayari, ang iyong mentalidad at ang iyong saloobin sa atas na ibinibigay ng Diyos ay napakahalaga; kung pipiliin mo bang iligtas ang iyong buhay o pipiliin mong maging tapat sa Diyos, kung ano ang iniisip mo sa iyong puso, at kung ano ang pagkiling ng iyong puso, ay napakakritikal. Maaaring ang pagkiling ng iyong puso ay: “Pinipili kong hindi abandonahin ang aking gawain; obligasyon ko na gawin ang gawaing ibinibigay sa akin ng Diyos. Pinipili kong gawin ang gawain nang may saloobin ng pagharap sa panganib at hindi pagkatakot sa kamatayan, at gawin ang gawain kahit ikamatay ko pa.” Kapag mayroon kang gayong saloobin, poprotektahan ka ng Diyos at bibigyang-kakayahan kang maiwasan ang mga panganib na ito, at kasabay nito ay bibigyan ka ng lakas upang magkaroon ka ng pananalig. Ang malinaw na kinakaharap mo ay ang makapangyarihang rehimen ni Satanas, ngunit sa iyong puso, mayroon kang pananalig at mayroon kang pagpapasakop sa kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos. Kapag ginagawa mo ang gawain, maghahanda ang Diyos ng isang angkop na kapaligiran para sa iyo, bibigyang-daan kang gawin ito at kompletuhin ito nang hindi sumusuong sa panganib. Kapag nahaharap sa mga paghihirap at panganib na ito, nakaranas din ang taong ginagamit ng Banal na Espiritu ng maraming bagay na hindi inaasahan ng mga tao. Habang dinaranas niya ang mga bagay na ito, inilayo ng Diyos ang mga panganib na ito. Nang inilayo ng Diyos ang mga panganib na ito, hindi ito alam ng taong ginagamit ng Banal na Espiritu. Wala siyang ganitong labis na pagnanais, at hindi niya inisip nang maaga, “Tiyak na hindi ako hahayaan ng Diyos na maharap sa panganib, tiyak na hindi Niya ako hahayaang mamatay. Kapag oras na, kukunin ng Diyos ang panganib at ilalayo ito. Ginagawa ko ang gawaing ito, kaya kailangan akong patuloy na protektahan ng Diyos at hindi ako hayaang mamatay.” Hindi siya nag-isip nang ganito. Hindi siya kailanman nagkaroon ng ganitong labis na pag-asa. Ano ang inisip niya? Inisip niya sa kanyang puso, “Anuman ang mga paghihirap o panganib na makaharap ko, kahit na pahintulutan ako ng Diyos na maaresto at hayaan akong mamatay, bago iyon mangyari, dapat kong gawin nang maayos ang gawain, dapat kong kompletuhin ang atas ng Diyos at ang misyong ibinigay sa akin ng Diyos, ilagay ang gawain ng iglesia sa tamang landas, at ilagay ang mga lider at manggagawa sa tamang landas.” Ang mga ito ang mga pagsasaalang-alang at plano sa kanyang puso. Hindi niya kailanman inisip kung paano tatakas kapag nahaharap sa panganib; ginawa lang niya ang kanyang buong makakaya at naging deboto nang ganito, ginagawa ang gawain ng iglesia nang may sinseridad. Hindi niya inisip ang pagkawala mula sa anumang kapaligiran, kundi sa halip ay sinubukan niya ang lahat ng posibleng paraan para tapusin ang gawain, at kompletuhin ang atas ng Diyos at ang misyong ibinigay sa kanya ng Diyos. Gayumpaman, sa prosesong ito, maraming kamangha-manghang bagay at mga bagay na hindi inaasahan ng mga tao ang nangyari. Ilang beses, nang makaharap niya ang mga pagtugis ng malaking pulang dragon, kamangha-mangha siyang nakatakas sa panganib. Mula sa perspektiba ng tao, magagawa ba ng taong ginagamit ng Banal na Espiritu ang gawain nang ganito sa gayong hindi kanais-nais na kapaligiran, kung saan naglatag ang malaking pulang dragon ng isang malawakang lambat, nang walang kahit isang aberya? Walang tao ang makakatiyak na walang kahit isang aberya; tanging ang Diyos ang makakagawa nito. Ibig sabihin, kahit na itaya mo ang iyong buhay para gawin ang iyong tungkulin, hinding-hindi ka hahayaan ng Diyos na mahulog sa mga kamay ng rehimen ni Satanas. Tanging ang Diyos ang makakagawa nito—nakadepende lang ito sa kung gagawin Niya ito. Kung ikaw ay isang taong naglilingkod sa Diyos, kung ikaw ay isang taong ginagamit ng Diyos, isang taong nilalayon ng Diyos na gamitin para sa mahahalagang gampanin at para sa isang malaking papel, at isang taong kailangang-kailangan sa gawain ng Diyos, ganap na gagarantiyahan ng Diyos ang iyong kaligtasan, at hindi magkakaroon ng kahit isang aberya. Kahit na napakalapit mo sa rehimen ni Satanas at ng mga alipores ni Satanas, gagarantiyahan ng Diyos ang iyong seguridad. Kapag hindi nararanasan ng karamihan sa mga tao ang mga bagay na ito, wala sila ng pananalig na ito sa Diyos, ni wala silang gayong kabatiran o gayong pagkaunawa sa kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos.

Sa hindi kanais-nais na kapaligirang iyon kung saan naglatag ang malaking pulang dragon ng isang napakahigpit na lambat, puspusan pa ring nagdaos ng mga pagtitipon ng mga kamanggagawa ang taong ginagamit ng Banal na Espiritu at nakipag-ugnayan sa mga lider at manggagawa para gampanan ang iba’t ibang aytem ng gawain ng iglesia. Sa prosesong ito, nakaharap din siya sa panganib nang maraming beses, ngunit palagi siyang kamangha-manghang nakakatakas sa panganib. Sa mga salita ng malaking pulang dragon, nakakatakas siya sa bawat pagkakataon. Noon pa man, noong siya ay nasa kanyang sariling bayan sa Hilagang-silangan, naganap ang pinakamalaking operasyon ng pag-aresto. Noong panahong iyon, maraming lokal na kapatid ang naaresto. Ang operasyon ng pag-arestong iyon ay naglalaman ng mabuting layunin ng Diyos—ang ilipat ang sentro ng gawain ng Banal na Espiritu mula sa rehiyon ng Hilagang-silangan ng mainland China patungo sa rehiyon ng Central Plains. Sa pamamagitan ng kapaligirang iyon, dinala ng Diyos ang taong ginagamit ng Banal na Espiritu at ilang mahalagang lider at manggagawa sa Central Plains. Noong panahong iyon, matapos matagumpay na makatakas sa panganib ang taong ginagamit ng Banal na Espiritu, sumakay siya ng tren hanggang sa Central Plains at sinimulan ang gawain ng iglesia sa Central Plains. Katumbas ito ng opisyal na pagsisimula ng gawain ng Banal na Espiritu sa rehiyon ng Central Plains ng mainland China, at pagkatapos ay ginawa ang gawaing ito sa papalaki nang papalaking saklaw. Matapos danasin ang mapanganib na kapaligirang iyon, dumating din sa Central Plains ang ilang mahalagang kamanggagawang iyon mula sa Hilagang-silangan. Matapos makipagkita ang taong ginagamit ng Banal na Espiritu sa mga kamanggagawang ito, isang pariralang madalas nilang gamitin ay “magkahalong saya at lungkot, kasama ang napakaraming iniisip.” Pagkatapos ay nagsimula silang gumawa ng gawain sa iba’t ibang iglesia ng rehiyon ng Central Plains. Nag-iimprenta ng mga aklat ng mga salita ng Diyos, nagpapatawag sa mga lider at manggagawa para sa mga pagtitipon ng mga kamanggagawa, naghahanda ng mga lokasyon para mag-host ng mga pagtitipon ng mga kamanggagawa—nagsimulang isagawa ang bawat aytem ng gawain. Hindi nagtagal, muling sinimulan ng malaking pulang dragon ang mga pag-aresto at pang-uusig nito, at patuloy na sumapit sa kanila ang mga kapaligiran. Nagdaos ang taong ginagamit ng Banal na Espiritu ng mga pagtitipon ng mga kamanggagawa sa ilang probinsya ng rehiyon ng Central Plains, nagbabahagi ng katotohanan para magtustos at sumuporta sa mga tao, inaalam ang tungkol sa gawain ng iglesia, at nilulutas ang iba’t ibang problema at paghihirap na lumitaw sa gawain, at paminsan-minsan ay nakaranas din ng ilang malaking kampanya ng pang-uusig. Sa isa sa mga pagkakataong iyon, isang malaking pagtitipon ang ipapatawag para sa mga lider at manggagawa sa lahat ng antas at para sa mga kapatid na maaaring malinang mula sa mga lokal na iglesia. Dahil kinailangan niyang asikasuhin ang ilang iba pang bagay, nagpadala ang taong ginagamit ng Banal na Espiritu ng isang sister para mangasiwa sa pagtitipon bilang kapalit niya. Noong mismong gabing iyon, ni-raid ng mga pulis ang lokasyon ng pagtitipon, at maraming tao ang naaresto. Kinaumagahan na nang may dumating para iulat ang balita sa brother. Pagkarinig nito, mabilis na umalis ang brother sa lugar. Kung nahuli pa siya nang kaunti sa pag-alis, sa sandaling ipagkanulo siya ng isang tao, maaaring naaresto rin ang brother. Sa katunayan, hindi naging masyadong maagap ang pag-uulat nila ng balita, ngunit hindi pinahintulutan ng Diyos na maaresto ang taong ginagamit ng Banal na Espiritu. Kahit na huli na nang dumating ang ulat, ligtas pa rin siyang nakaalis at matagumpay na nakatakas sa panganib. May ilang iba pang pagkakataon na nasa kalagitnaan ang brother ng pagdaraos ng isang malaking pagtitipon, at iniulat ng mga kapatid na nagpapatrolya sa labas na nakakita sila ng mga sasakyan ng pulis na papunta sa kanila mula sa humigit-kumulang isang milya ang layo, kaya mabilis na lumikas ang brother. Maraming beses na nangyari ang gayong mga sitwasyon. Matapos lumipat sa ibang lugar at pagkatapos ay magpahinga nang isang araw o kalahating araw, ang brother, habang nakakaramdam ng pagkabalisa, ay patuloy na makikipag-ugnayan sa mga lider at manggagawa para gumawa ng gawain. Hindi siya sumuko, at hindi siya naging mahina, lalong hindi siya naging negatibo. Nakikita mo, kung isa itong karaniwang tao, masisiraan siya ng bait sa takot matapos maharap sa panganib nang dalawang beses. Pinaghahanap ng Partido Komunista ang taong ginagamit ng Banal na Espiritu. Sa sandaling maaresto, magiging tiyak ang kamatayan; siya mismo ay malinaw rin tungkol sa mga kahihinatnan ng pagkaaresto ng Partido Komunista. Ngunit sa mga taon na iyon sa mainland China, ginawa niya ang gawain na sumusuong sa gayong mga hindi kanais-nais na kapaligiran, na sinamahan ng mabangis na pag-uusig ng malaking pulang dragon. May mangyayaring aberya rito ngayon, at may lilitaw na sitwasyon doon bukas, na madalas na may kasamang mga insidente ng pagkaaresto ng mga lider at manggagawa, ngunit patuloy siyang nagpursigi sa paggawa ng gawain ng iglesia. Maging ito man ay ang gawain ng pagdidilig ng iglesia, gawain ng ebanghelyo, o pangkalahatang gawain, hindi siya kailanman huminto. Mayroon pa ngang isang taon kung saan naglunsad ng matinding panunupil ang malaking pulang dragon, at ang mga pag-aresto at pang-uusig sa mga mananampalataya sa Diyos ay naging mas mabangis pa. Iyon ang pinakamapanganib na panahon, ngunit hindi pa rin tumigil ang taong ginagamit ng Banal na Espiritu sa paggawa ng gawain ng iglesia. Minsan, nagdala ang mga kapatid mula sa ibang probinsya ng ilang baguhan na may mahusay na kakayahan na nilalayon nilang linangin sa rehiyon ng Central Plains para dumalo sa mga pagtitipon. Nang marinig ng taong ginagamit ng Banal na Espiritu na ang mga baguhang ito ay partikular na masigasig, may partikular na mahusay na pagkaarok, at mga taong maaaring malinang, nagmadali siyang magdaos ng mga pagtitipon para sa kanila. Kalaunan, dahil masyadong tensiyonado ang sitwasyon, matapos magdaos ng mga pagtitipon nang ilang araw, pinalikas niya sila nang mabilis. Sa loob ng ganoong uri ng mapanganib na kapaligiran, kung makakaharap sa bagay na ito ang isang karaniwang tao, iisipin niya, “Masyadong tensiyonado ang sitwasyon ngayon. Kahit pa may mahusay na kakayahan ang ilang taong dumating, at kahit pa maaaring makatulong nang kaunti ang pagdaraos ng pagtitipon para sa kanila, hindi naman sila maperpekto kaagad-agad. Mas mabuting huwag nang magdaos ng pagtitipon; hindi pa magiging huli ang lahat para magtipon matapos humupa ang sitwasyon.” Kung makakaharap sa bagay na ito ang isang karaniwang tao, ipagpapaliban niya ang gawaing ito. Gayumpaman, sa ilalim ng mga sitwasyong iyon, patuloy pa ring ginawa ng taong ginagamit ng Banal na Espiritu ang gawain. Kung hindi siya pumunta, makakaramdam sana siya ng pagkabalisa sa kanyang puso. Sinabi niya, “Naglakbay nang malayo ang mga kapatid para makarating dito, at gusto nilang lahat na makinig sa ilang pagbabahaginan. Hindi magiging angkop kung hindi ako pupunta. Hindi ko naman puwedeng hayaan na lang silang pumunta rito nang walang napala, hindi ba? Kung makikipagbahaginan ako, mas marami silang makakamit. Kahit na mapanganib ito, dapat akong pumunta. Nagpoprotekta ang Diyos!” Dinala niya ang kanyang pananalig at dinala ang kanyang sinseridad, at sinuong din niya ang mga panganib. Bagama’t alam din niya kung ano ang magiging mga kahihinatnan kung may talagang mangyaring masama, nagpursigi pa rin siya sa paggawa ng gawain nang ganito, at hindi niya inabandona ang kanyang gawain. Naramdaman niya na may mahusay na kakayahan ang mga taong ito at maaaring malinang, kaya hindi niya ipinasa ang gawaing ito sa iba, kundi sa halip ay personal niya itong ginawa. Gaano man kapanganib ang kapaligiran, patuloy lang na nagpursigi ang taong ginagamit ng Banal na Espiritu sa pagganap sa gawain nang ganito.

Siyempre, ang taong ginagamit ng Banal na Espiritu ay isa ring ordinaryong tao. Sa buong paglalakbay niya sa paglilingkod sa Diyos, tiyak na nakaranas siya ng maraming kapaligiran, at sa pamamagitan lamang nito, kasama ng sarili niyang mga pagsisikap, pati na rin ang pag-akay ng Diyos at ang paggawang perpekto ng Diyos, unti-unting lumago nang lumago ang kanyang pananalig. Sa simula, ang kanyang pananalig sa Diyos ay medyo kathang-isip, ngunit maging ito man ay kathang-isip at may dalang mga personal na kuru-kuro, o maging ito man ay may dalang ilang tunay na kalikasan—anuman ang naging anyo nito—ang ibinigay niya ay ang kanyang sinseridad at ang ibinayad niya ay isang tunay at personal na halaga. Bukod pa rito, taglay ang layon na kompletuhin ang atas ng Diyos, sumunod sa kalooban ng Diyos, at bigyang-daan ang gawain ng Diyos na lumaganap nang maayos, patuloy siyang nagpursigi sa kanyang gawain nang hindi kailanman sumusuko. Pagdating sa pagtitiis sa pag-uusig ng malaking pulang dragon at pagtitiis sa pag-uusig ni Satanas, hindi kailanman inabandona ng taong ginagamit ng Banal na Espiritu ang kanyang gawain. Matapos danasin ang mga kapaligirang ito, makatakas sa pag-uusig ng malaking pulang dragon, at makarating sa isang Kanluraning bansa, madalas pa rin niyang sinasabi na sumasakit ang kanyang ulo. Nakikita mo, ang pagdanas sa pang-uusig ng malaking pulang dragon at pagtitiis ng gayon kalaking presyur at mga panganib ay nagdulot ng ilang hindi kanais-nais na pisikal na reaksyon. Kahit pagkatapos pumunta sa ibang bansa, patuloy na namumuhay ang taong ginagamit ng Banal na Espiritu sa ilalim ng anino ng pang-uusig ng malaking pulang dragon. Hindi pa rin itinitigil ng malaking pulang dragon ang pagtugis nito sa taong ginagamit ng Banal na Espiritu. Nagpadala ito ng ilang espesyal na tauhan para hanapin kung saan nakatira ang brother at ligaligin siya. Sabihin ninyo sa Akin, gaano kawalang-habas at gaano kabuktot ang diyablong ito! Ngunit kahit sa ilalim ng gayong mga sitwasyon, hindi inabandona ng taong ginagamit ng Banal na Espiritu ang atas na ibinigay sa kanya ng Diyos, at patuloy pa ring ginagawa ang gawain ng iglesia. Batay sa kanyang mga personal na karanasan sa kanyang paglalakbay sa landas ng paglilingkod sa Diyos hanggang sa kasalukuyan, patuloy ring dinaranas ng taong ginagamit ng Banal na Espiritu ang mga kapaligirang inihanda ng Diyos, patuloy na nagkakaroon ng tunay na pagkakilala tungkol sa Diyos, at ang kanyang pananalig sa Diyos ay lalong naging tunay at totoo. Sa huli, ang nakamit ng taong ginagamit ng Banal na Espiritu ay tulad lang ng sinabi niya mismo: “Hamak ang tao sa harap ng Diyos. Anuman ang gawin ng tao, paano man siya magplano, at anuman ang kanyang personal na kalagayan, hawak-hawak siya ng mga kamay ng Diyos; kasama rito ang kanyang kapalaran, na hawak-hawak din ng mga kamay ng Diyos. Mabuhay man o mamatay ang tao, kung paano tumatakbo ang kanyang buhay, at sa ilalim ng anong mga sitwasyon siya namamatay ay pawang hawak ng mga kamay ng Diyos. Ang tanging magagawa ng tao ay kompletuhin ang misyong ibinigay ng Diyos, tuparin nang maayos ang mga responsabilidad ng isang nilikha, at magpasakop sa mga pamamatnugot at pagsasaayos ng Lumikha.” Ito ang madalas niyang sinasabi. Sa huli, ibinubuod niya ito rito: “Magpasakop sa mga pamamatnugot at pagsasaayos ng Lumikha, nang hindi gumagawa ng sarili mong mga pagpili. Sa buong paglalakbay ko sa landas na ito ng paglilingkod sa Diyos, ang mga bagay na pinlano ko at ang mga bagay na hindi ko pinlano ay pawang naisasakatuparan ayon sa mga pagnanais ng Diyos. Ang mga bagay na naranasan ko, inasahan man ang mga ito nang maaga o hindi inasahan, ay pawang nasa ilalim ng mga pamamatnugot ng Diyos, at pawang napapasailalim sa kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos. Gaano man kalaking bagay ang makaharap nila, ang mga tao ay pawang hawak-hawak ng mga kamay ng Diyos, at kailangan lang nilang magpasakop.” Marahil nang sabihin niya ito dalawampung taon na ang nakalipas, may kasama itong ilang personal na kuru-kuro o personal na subhetibong intensiyon. Gayumpaman, ano ang nararamdaman at nakukumpirma Ko mula sa katunayan na kaya niyang sabihin ang mga salitang ito matapos maglingkod sa Diyos hanggang sa kasalukuyang araw? Na ang kanyang pagpapasakop ay mas tunay at tumpak kaysa noong sampung taon na ang nakalipas, dalawampung taon na ang nakalipas, o tatlumpung taon na ang nakalipas; hindi na ito isang kuru-kuro at imahinasyon, at hindi ito isang islogan o doktrina. Sa halip, nagmumula ito sa puso; isa itong prinsipyo ng pagsasagawa at isang landas ng pagsasagawa na nakuha niya matapos danasin ang pagliligtas at paggawang perpekto ng Diyos sa buong paglalakbay at sa huli ay magkamit ng pagkakilala sa Diyos. Nakikita mo, matapos tanggapin ng isang ordinaryong tao ang atas ng Diyos, nagsasagawa siya ayon sa mga salita ng Diyos at mga hinihingi ng Diyos, ginagawa ang kanyang buong makakaya para makipagtulungan sa gawain ng Diyos, tunay na nagdurusa at nagbabayad ng halaga, at naghahangad ng katotohanan para tumahak sa tamang landas. Ang nakakamit niya sa huli ay walang kondisyong pagpapasakop sa Lumikha. Ang magawang maabot ito ay ang ganap na makamit ng Diyos. Para ganap na makamit ng Diyos ang taong ginagamit ng Banal na Espiritu, ang isang prinsipyong sinunod niya sa proseso ng paglilingkod sa Diyos ay ito: Sa anumang oras ay hindi niya inaabandona ang kanyang gawain, at sa lahat ng oras ay nagpupursigi siya sa pagtupad nang maayos sa kanyang mga responsabilidad, pagkompleto sa atas na ibinigay sa kanya ng Diyos, at paggawa nang maayos sa tungkulin ng isang nilikha. Kapag nahaharap sa anumang paghihirap, at kapag nahaharap sa anumang problema at kabiguan, palagi niyang pinipiling hindi abandonahin ang kanyang gawain, at manatiling tapat hanggang sa pinakadulo. Itinuturing niya ang pagkompleto sa misyong ibinigay sa kanya ng Diyos, paggawa ng gawain ng sambahayan ng Diyos, at paggawa ng tungkulin ng isang nilikha bilang karaniwang bahagi ng kanyang buhay, at bilang pangunahing nilalaman ng kanyang buhay at pananatiling buhay. Ginagamit niya ang buhay ng kanyang laman at ang kanyang panghabambuhay na lakas para kompletuhin ang atas na ibinigay sa kanya ng Diyos. Ito ay isang bagay na nakamit ng taong ginagamit ng Banal na Espiritu. Sa proseso ng paglilingkod sa Diyos, palaging dinaranas ng taong ginagamit ng Banal na Espiritu ang pag-uusig ng malaking pulang dragon at dinaranas ang pag-uusig ng rehimen ni Satanas. Gayumpaman, nagpupursigi pa rin siya sa paggawa ng gawain, at hindi pa rin niya binibitawan ang kanyang misyon; pinalalaganap niya ang gawain ng Diyos sa mga huling araw sa lahat ng bansa at lugar sa mundo, binibigyang-daan ang gawain ng sambahayan ng Diyos na palaging umusad nang maayos, at inihahatid ang mga salita ng Diyos, gawain ng Diyos, at mga layunin ng Diyos sa bawat isa sa hinirang na mga tao ng Diyos. Pagdating sa pagdanas sa pang-uusig ng rehimen ni Satanas, tinutupad ng taong ginagamit ng Banal na Espiritu ang kanyang misyon. Gaano man kabangis ang malaking pulang dragon, at gaano man kahindi kanais-nais ang kapaligiran, hindi niya inaabandona ang kanyang gawain. Hindi niya kailanman ipinapasa ang responsabilidad na ito sa iba para gawin bilang kapalit niya at pagkatapos ay umaaktong parang isang burukrata, tinatamasa ang isang maginhawang buhay. Sa halip, para sa bawat aytem ng gawain, paano man ninyo ito ginagawa, personal siyang nag-uusisa tungkol dito, personal na nangangasiwa rito, personal na sumusubaybay rito, at personal na gumagabay rito. Kapag nahaharap siya sa propesyonal na gawain na hindi niya nauunawaan o kung saan siya ay isang baguhan, personal din niya itong inaaral at personal na ginagawa ito. Hindi siya umuurong, lalong hindi niya iniiwasan ang mga responsabilidad. Ito ay isang pagpapamalas ng hindi pag-abandona ng taong ginagamit ng Banal na Espiritu sa kanyang gawain sa proseso ng paglilingkod sa Diyos.

Mayroon pang isang pagpapamalas ng hindi pag-abandona ng taong ginagamit ng Banal na Espiritu sa kanyang gawain habang naglilingkod sa Diyos. Iyon ay, kapag lumilitaw ang ilang espesyal na sitwasyon sa iglesia—tulad ng kapag lumilitaw ang mga anticristo, kapag may iba’t ibang boses, at kapag may iba’t ibang paghusga laban sa taong ginagamit ng Banal na Espiritu—nagiging mahina ba siya? Inaabandona ba niya ang kanyang gawain? (Hindi.) Hindi niya inaabandona ang kanyang gawain. Ang mga paghusga, paninira, at paninirang-puri laban sa taong ginagamit ng Banal na Espiritu na nagmumula sa malaking pulang dragon, sa rehimen ni Satanas, sa relihiyosong mundo, sa mundong walang pananampalataya, at sa lahat ng uri ng masasamang tao at mga anticristo sa loob ng iglesia—wala sa mga ito ang nakakaapekto sa paggawa niya nang maayos sa gawain ng sambahayan ng Diyos. Kapag nahaharap ang mga ordinaryong tao sa mga bagay na ito, makakaramdam sila ng kaunting pagkabagabag sa kanilang puso, at makakaapekto ito sa paggawa nila ng gawain. Kung madalas nilang marinig ang mga bagay na ito, iisipin pa nga nila, “Masyadong mahirap ang paggawa ng gawain ng sambahayan ng Diyos. Kailangan kong tiisin ang gayon kalaking presyur, at tiisin ang napakaraming paghusga at pagkondena. Hindi ko ginawa ang mga bagay na iyon, at hindi ako ganoong uri ng tao! Hinihiling ko sa Diyos na ipagtanggol ako at patunayan ang aking kawalang-sala. Kung hindi ako ipagtatanggol ng Diyos at hindi Niya patutunayan ang aking kawalang-sala, hindi ko magagawang ipagpatuloy ang paggawa ng gawaing ito.” Maraming tao ang kikilos nang ganito. Ngunit kapag nahaharap sa mga bagay na ito, hindi ito ginagawa ng taong ginagamit ng Banal na Espiritu. Sa kabaligtaran, kapag nahaharap siya sa mga bagay na ito, hindi lang sa hindi siya nagiging mahina, kundi mas nararamdaman pa niya na ang gampaning ibinigay sa kanya ng Diyos ay isang mabigat na gampanin, at nararamdaman niya na mabigat ang pasanin sa kanyang mga balikat. Kapag nahaharap siya sa napakaraming paninirang-puri at paninira mula sa mga buktot na puwersa ng malaking pulang dragon, pati na rin sa mga paghusga at maling akusasyon ng relihiyosong mundo, naaapektuhan at nagugulo ba ang mga kapatid kapag naririnig nila ang mga bagay na ito? Ang totoo, kapag nahaharap sa mga bagay na ito, mula sa pananaw ng tao, dapat pagaanin ang loob ng taong ginagamit ng Banal na Espiritu, at dapat pagaanin ng mga kapatid ang loob niya, sinasabi, “Hindi ka ganoong uri ng tao. Alam ng Diyos, at alam din namin. Hindi mo ginawa ang mga bagay na iyon; ikaw ang aming mabuting lider.” Ngunit hindi siya nauunawaan ng mga kapatid. Sa halip, kailangan niyang pagaanin ang loob ng mga kapatid, at dapat niyang gampanan agad ang gawain ng iglesia, para hindi maapektuhan ang mga kapatid at ang mga lider at manggagawa sa mga paninirang-puri at paghusga na ito mula sa malaking pulang dragon, mula sa relihiyosong mundo, at mula sa iba’t iba pang mga puwersa. Habang lalo niyang nasusumpungan ang kanyang sarili sa gayong mga sitwasyon, mas binibilisan ng taong ginagamit ng Banal na Espiritu ang takbo ng kanyang pagtustos at pagsuporta para sa mga lider at manggagawa, at mas binibilisan niya ang takbo ng kanyang mga pagsasaayos at pagpaplano para sa buhay iglesia. Kasabay nito, sa loob ng iglesia ay mahigpit niyang pinamamahalaan at maayos na ginagawa ang administratibong gawain, sinusuri kung sa aling mga iglesia lumitaw ang mga anticristo at nagdulot ng mga panggugulo sa gawain ng iglesia, mapangahas na ipinapakalat ang mga walang batayang tsismis at paninirang-puri na nagmumula sa rehimen ng malaking pulang dragon, kay Satanas, at mula sa relihiyosong mundo, ginugulo ang buhay iglesia, at inaapektuhan ang mga kapatid sa normal na paggampan ng kanilang mga tungkulin. Sa pagkatuklas sa gayong mga tao, gumagamit siya ng mga atas administratibo para pangasiwaan at tugunan sila, agarang pinapangalagaan ang buhay iglesia, at agaran ding pinapangalagaan ang normal at maayos na pag-usad ng gawain ng sambahayan ng Diyos. Ito ay paggawa ng gawain nang laban sa agos, at mahirap din ito! Nakikita mo, kapag patuloy na bumibigkas at nagsasalita ang Diyos, at kapag makapangyarihang gumagawa ang Banal na Espiritu, maayos ang takbo ng lahat ng bagay. Kapag malinaw na nakikita ng mga tao ang Diyos na gumagawa, at malinaw na nakakakita ng mga himala, lahat sila ay may sigasig at punong-puno ng alab; kapag malaki ang mga puwersa ng iglesia, madali ring gampanan ang gawain—paano man magbahaginan ang sambahayan ng Diyos, sinasabi ng lahat ng tao na mabuti ito, at sinasabi ng lahat na tama ito, at magpapakita ng suporta ang karamihan sa mga tao at hindi magdudulot ng problema para sa iyo. Gayumpaman, sa sandaling makaharap ang iglesia sa malupit na paniniil ni Satanas, kung saan inuusig, inaaresto, at ibinibilanggo ang mga Kristiyano, at maging si Cristo ay kinokondena, tinatalikuran ng mundo, at namamali ng unawa sa Kanya ang buong sangkatauhan, at nahaharap ang iglesia sa pagkakawatak-watak, mawawalan ng pananalig sa Diyos ang karamihan sa mga tao. Gagaya pa nga ang ilang tao sa pagdududa sa Diyos at pagdududa sa gawain ng Diyos, iniisip nila, “Ang pananampalataya sa Makapangyarihang Diyos at pananampalataya sa yugtong ito ng gawain ng Diyos ay napakahirap. Mabuti pang maghintay na lang ako hanggang sa humupa ang kapaligiran bago ako patuloy na manampalataya.” Umaakto lang sila bilang mga tagamasid, gusto nilang talikuran ang Diyos, hindi na sila nangangahas na manampalataya. Iniisip nila, “Masyadong malaki ang mga puwersa ng rehimen ni Satanas, at masyadong malaki ang mga puwersa ng relihiyosong mundo. Dahil sa maliit na bilang ng mga tao at kakaunting puwersa ng ating iglesia, hindi tayo makapanindigan kahit kaunti.” Hindi sila naniniwala na ito ay gawain ng Diyos, hindi sila naniniwala na naroroon ang pamumuno ng Diyos, at hindi sila naniniwala na kaya ng Diyos na akayin ang mga taong ito tulad lang ng pag-akay Niya kay Moises at pag-akay sa mga Israelita palabas ng Ehipto at patawid sa Dagat na Pula; hindi sila naniniwala na taglay ng Diyos ang abilidad na ito. Kapag nahaharap sa paniniil at pag-uusig sa iglesia ng makapangyarihan at buktot na mga puwersa ng malaking pulang dragon, pinipili ng karamihan sa mga tao na iwasan ito dahil sa takot. Hindi pa nga nangangahas ang ilang lider at manggagawa na ipahayag ang kanilang mga posisyon o ipahayag ang kanilang mga pananaw; lalo na kapag nakikita nila na walang sigasig at negatibo at mahina ang karamihan sa mga kapatid, sumusunod na lang sila sa agos. Hindi sila nangangahas na hingin sa mga kapatid na maging deboto sa Diyos sa paggampan sa kanilang mga tungkulin, at hindi man lang sila nangangahas na pungusan ang sinumang nagdudulot ng mga paggambala at panggugulo, at sa halip ay nagsasabi lang ng ilang pabasta-bastang salita sa kanila. Nagpapakita sila ng saloobin ng pakikipagkompromiso sa buktot na rehimen ni Satanas at sa malalakas na puwersa, habang kasabay nito ay naghahanda ng daan palabas para sa kanilang sarili. Kapag nahaharap sa mga paghihirap na ito, kapag nahaharap sa paniniil sa iglesia ng rehimen ni Satanas at ng malalakas na puwersa, at kapag ang iglesia ay nasa isang dehadong kalagayan sa mundong ito, sinisiil, at nahaharap pa nga sa pagbabawal, pinipili ng karamihan sa mga tao na umiwas at makipagkompromiso; hindi sila tumitindig at lumalaban, at hindi sila nangangahas na kumilos upang pangalagaan ang gawain ng sambahayan ng Diyos. Maraming lider at manggagawa ang nagpapakita ng saloobin ng paghihintay at pagmamasid, inoobserbahan ang ihip ng hangin. Kung lilipas ang krisis na ito at pansamantalang ligtas sa panganib ang iglesia, kikilos sila upang gampanan ang gawain. Kung hindi huhupa ang krisis na ito sa loob ng maikling panahon, at lalo pa ngang lumalala—at, sa paningin ng mga tao, nahaharap ang iglesia sa panganib na ipagbawal ito—magiging negatibo ang ilang lider at manggagawa, at aabandonahin ang kanilang gawain at hindi mangangahas na gampanan ito. Iniisip nila, “Kung ipagpapatuloy ko ang paggawa ng gawain, maaari akong maaresto at mabugbog hanggang mamatay, at lalamunin at pupuksain ako ng buktot na kapanahunang ito at ng makapangyarihang rehimen na ito ni Satanas.” Ito ang iniisip ng maraming lider at manggagawa. Kinikimkim nila ang takot na ito sa kanilang puso. Gayumpaman, kapag nahaharap ang taong ginagamit ng Banal na Espiritu sa mga paghihirap at panganib na ito, alam niya kung ano ang ibig sabihin ng mga ito, at alam din niya kung ano ang dapat niyang gawin. Habang lalong nagiging mapanganib ang panahon, mas kumakaunti ang kanyang kinakain at mas umiikli ang kanyang tulog, nagtatrabaho siya araw at gabi, ginagamit ang lahat ng kanyang lakas upang pangalagaan ang pag-iral ng iglesia, upang pangalagaan ang katatagan ng iglesia, upang pangalagaan ang abilidad ng mga lider at manggagawa na magawa ang gawain nang normal, at upang pangalagaan ang normal na operasyon ng gawain ng sambahayan ng Diyos, tinitiyak na hindi tumitigil ang gawain, at upang umusad nang maayos ang lahat ng aspekto ng gawain. Kasabay nito, pinoprotektahan niya ang mga kapaligiran kung saan ginagampanan ng mga lider at manggagawa at ng mga pangunahing tauhan sa iba’t ibang lugar ang kanilang mga tungkulin, ginagawa ang lahat ng posibleng paraan upang makahanap ng mga angkop na tao na may kakayahang mag-asikaso ng mga panlabas na usaping ito upang lutasin ang mga problemang ito, at binibilisan niya ang takbo ng kanyang paggawa ng aspektong ito ng gawain. Nakikita mo, hindi ba’t nagpapakasubsob siya sa gawain at nagiging deboto? Hindi ba’t ginagawa niya ang kanyang buong makakaya upang kompletuhin ang atas ng Diyos? (Oo.)

Mula nang magsimulang lumaganap ang ebanghelyo ng kaharian ng Diyos noong 1995, ang pag-atake at paninirang-puri laban sa sambahayan ng Diyos ng rehimen ni Satanas, ng relihiyosong mundo, at ng iba’t iba pang mga puwersa, pati na rin ng ilang midya sa mundo, ay hindi kailanman tumigil; hanggang sa kasalukuyang araw, sa paglaganap ng ebanghelyo sa lahat ng bansa at lugar sa mundo, ang pag-atake mula sa mga panig na ito ay hindi tumigil. Ang isa sa mga pinakamalubhang insidente sa mga ito ay ang kaso sa Zhaoyuan, Shandong na inimbento ng Partido Komunista. Alam ba ninyong lahat ang tungkol dito? (Oo.) Noong panahong iyon, marami-rami na ang hinirang na mga tao ng Diyos sa Tsina. Masasabing umabot na sa isang partikular na saklaw ang iglesia sa Tsina, at nagkaroon na ito ng isang partikular na antas ng impluwensiya sa relihiyosong mundo at sa lipunan, na nakapukaw sa atensiyon ng CCP. Nabagabag at nabalisa ang CCP sa paglawak ng saklaw at paglawak ng impluwensiya ng ating iglesia. Naramdaman nito na nanganganib ang rehimen nito, at na ang paniniwala ng Partido Komunista ay nahaharap sa isang krisis, kaya pinlano nito ang kaso sa Zhaoyuan upang idiin at gawan ng maling akusasyon ang iglesia, ginamit ito upang siilin at ipagbawal ang iglesia. Matapos mangyari ang kaso sa Zhaoyuan, ang ilan na may mababaw na pundasyon, ang ilan na may maliit na pananalig, at ang ilan na duwag, pati na rin ang ilang hindi mananampalataya, kabilang ang ilan sa mga nagpakabusog sa tinapay, ay natakot at hindi na nangahas na manampalataya. May ilang sitwasyon pagdating sa hindi pangangahas na manampalataya. Ganap na naniwala at tumanggap ang ilang tao sa mga tsismis na inimbento ng Partido Komunista. Naniwala sila na ang ating iglesia ay isang gawang-taong grupo at nagmula sa tao; bukod pa rito, kahit na hindi nila personal na nasaksihan ang anuman sa mga bagay na ipinanira ng Partido Komunista sa iglesia, naniwala pa rin sila sa mga ito. Ibig sabihin, ganap at pikit-mata silang naniwala sa mga tsismis na inimbento ng Partido Komunista. Ang ganitong uri ng mga tao ay mga hindi mananampalataya. Naramdaman ng ilang tao na ang sinabi ng Partido Komunista ay hindi tiyak na totoo, ngunit pagdating sa kung sino ang nagsasabi ng totoo at sino ang nagsisinungaling, hindi nila alam. Ang ganitong uri ng mga tao ay hindi naniwala na gumawa ng bagong gawain ang Diyos, ni hindi sila naniwala sa Partido Komunista, ngunit hindi rin nila hinanap ang katotohanan para alamin ang tunay na daan. Bukod pa rito, ang pananampalataya sa Diyos ay nangangahulugan ng pagsuong sa gayon kalalaking panganib—maaari silang maaresto at mabilanggo, at mabugbog hanggang sa malumpo o mamatay anumang oras—kaya huminto na lang sila sa pananampalataya. Ito ang isang grupo ng mga tao. Ang isa pang grupo ng mga tao ay hindi nangahas na manampalataya dahil lang sa karuwagan. Alam nila na palaging nagsisinungaling ang Partido Komunista at palaging nag-iimbento ng mga hindi makatarungan, peke, at maling kaso; ang mga hindi makatarungang kaso na inimbento ng Partido Komunista ay hindi mabilang, at pumatay na ito ng hindi mabilang na mga tao, at pumapatay ng mga tao nang hindi kumukurap. Alam nila na ang kaso sa Zhaoyuan ay inimbento ng Partido Komunista, at alam din nila na ang mga salitang ito na sinabi ng Diyos ay ang katotohanan. Ngunit sadyang duwag sila, at takot na takot sila sa mga tsismis ng Partido Komunista at sa alon at tindi ng kabuktutan na ginawa ng Partido Komunista, at hindi sila nangahas na manampalataya. Pinagbulay-bulayan nila, “Ang Makapangyarihang Diyos ay ang tunay na Diyos. Kung susunod ako sa yugtong ito ng gawain ng Diyos at magpupursigi sa pananampalataya hanggang sa pinakadulo, magkakamit ako ng mga pagpapala. Ngunit sa ngayon, masyadong malaki ang mga puwersa ng Partido Komunista. Kung maaaresto ako, sasailalim ako sa pagpapahirap at maaari pa ngang mabugbog hanggang mamatay. Mabuti pang manampalataya na lang ako nang palihim sa bahay. Hindi ako dadalo sa mga pagtitipon, hindi ko gagampanan ang aking tungkulin, at hindi ako mangangaral ng ebanghelyo; sa ganitong paraan, walang makakaalam na nananampalataya ako sa Diyos. Hindi pa magiging huli ang lahat para lumabas at manampalataya pagkatapos mawasak ang Partido Komunista.” Noong panahong iyon, maraming tao ang naging negatibo at mahina, hindi na nangahas na dumalo sa mga pagtitipon o gumampan ng kanilang tungkulin. Umalis ang ilang tao sa iglesia. Kahit sa mga lider at manggagawa, may mga mahina, may mga nag-abandona sa kanilang gawain at hindi nangahas na gampanan ang gawain, at mayroon pa ngang ilan na hindi na nangahas na manampalataya. Sa ilalim ng mga sitwasyong iyon, hindi ba’t ang mabigat na gampaning ito, ang mabigat na pasaning ito ng pagtustos at pagsuporta sa hinirang na mga tao ng Diyos at pagpapatibay sa kanilang pananalig, ay muling naatang sa taong ginagamit ng Banal na Espiritu? (Oo.) Kung mayroon kang pasanin para sa gawain ng iglesia, anuman ang mangyari, at gaano man kalaki ang mga paghihirap at paglaban na makaharap mo, malalaman mo kung ano ang dapat mong gawin at kung paano mo ito dapat gawin. Kung wala kang pasanin para sa gawain ng iglesia, at wala kang sinseridad o pananalig sa Diyos, hindi ka mangangahas na gumawa ng anumang gawain. Sa partikular, kapag nahaharap sa mga buktot na puwersa ng malaking pulang dragon, at kapag nahaharap sa malakas na kapangyarihan ni Satanas, kahit na alam mo kung ano ang dapat mong gawin at alam mo kung paano mo ito dapat gawin, hindi ka mangangahas na gawin ito. Gayumpaman, tiniis ng taong ginagamit ng Banal na Espiritu ang mga banta ng malalakas na puwersa at patuloy pa ring ginampanan ang gawain ng iglesia. Habang lalong nahaharap ang iglesia sa mga paghihirap, nahaharap sa mga panganib, at nahaharap sa matinding kagipitan, mas nararamdaman niya na hindi maaaring iwasan ang kanyang responsabilidad, at mas pinadadalas niya ang pagpapatawag sa mga lider at manggagawa, pati na rin sa mga kapatid, para sa mga pagtitipon, upang magbahaginan tungkol sa buhay pagpasok, magbahaginan tungkol sa mga layunin ng Diyos, at magbahaginan tungkol sa kung paano dapat harapin ng mga tao ang mga kapaligirang ito at kung paano sila dapat magsagawa kapag nahaharap sa mga ito. Habang lalo niyang nasusumpungan ang kanyang sarili sa gayong mga sitwasyon, mas pinadadalas niya ang pagdaraos ng mga pagtitipon, at mas pinadadalas ang pagpapatawag sa mga lider at manggagawa upang ituro sa kanila kung paano gampanan ang gawain, anong gawain ang isasaayos at ipapatupad, kung paano isasaayos at ipapatupad ang gawain, at kung paano susuportahan ang mga kapatid para malampasan ang mga paghihirap. Ang gawaing ginagawa ng taong ginagamit ng Banal na Espiritu ay ang gawain ng sambahayan ng Diyos, at ang kanyang nilalabanan at kinakalaban ay ang malakas na kapangyarihan ni Satanas at ang mga buktot na puwersa ng buong mundo. Mula sa pananaw ng tao, sa kaunting tapang na taglay ng mga tao, matatakot sila nang husto. Sa panahong iyon, komprehensibong nag-ulat ang mga istasyon ng telebisyon ng CCP ng mga negatibong balita na umaatake, naninira, at kumokondena sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Ito ang naging dahilan upang sumunod at mag-ulat ang maraming website at istasyon ng radyo sa buong mundo ng mga maling kaisipan at erehiya ng rehimen ng CCP na umaatake, naninira, at kumokondena sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Maging ang ilang tanyag na istasyon ng telebisyon sa mundo ay nag-uulat ng mga pekeng balita at maling impormasyon upang siraang-puri at kondenahin ang iglesia ng Diyos. Nahaharap sa napakaraming ulat ng midyang pangbalita, sadyang hindi makapanindigan ang mga tao kung aasa lamang sa kanilang maliit na pananalig at maliit na lakas; silang lahat ay uuurong, magtatago, at mananahimik hanggang sa humupa ito, hindi alam kung ano ang dapat nilang gawin, at hindi makahanap ng daan pasulong. Magkakaroon ng mga pagdududa ang mga tao sa kanilang puso: “Nasaan ang Diyos? Dahil ang mga ito ay mga salita ng Diyos at ito ang tunay na daan, at ang Diyos ang personal na gumagawa ng gawain at ang Diyos ang nagpakita, paanong nagagawa Niyang hahayaan na makaharap ng iglesia ang gayong panganib? Paanong nagagawa Niyang dalhin ang iglesia at ang gawain ng sambahayan ng Diyos sa ganitong uri ng kapaligiran? Paano natin haharapin ang gayong kagipitan?” Ang mga ordinaryong tao ay maduduwag at matatakot, at magtatago sila at maghihintay ng tatlo hanggang limang buwan hanggang sa humupa ang unos bago muling gumampan ng gawain. Poprotektahan muna nila nang mabuti ang kanilang sarili, at sa sandaling magarantiyahan ang sarili nilang seguridad, babalik sila upang tingnan ang gawain ng iglesia. Ilan man ang mga taong natitira, ang pagtiyak sa sarili nilang seguridad ang magiging priyoridad, at ang pag-iingat sa sarili nilang buhay ang mauuna. Ngunit nang maharap ang taong ginagamit ng Banal na Espiritu sa napakaraming paninirang-puri at tsismis na ito, ano ang kanyang pinili? Pinili niyang makipaglaban hanggang kamatayan sa mga puwersa ni Satanas at sa rehimen ni Satanas, na manindigan sa kanyang patotoo para sa Diyos, na manatili sa kanyang puwesto, at maayos na pangalagaan ang gawain ng Diyos at maayos na pangalagaan ang patotoo ng Diyos; ito ang kanyang responsabilidad. Kung tumigil ang gawain ng iglesia, kung nagulo at nasabotahe ng malaking pulang dragon ang gawain ng pagpapalaganap ng ebanghelyo, at kung ipinagbawal ang iglesia, naniwala siya na mangangahulugan ito na hindi niya natupad ang kanyang responsabilidad at na nagpapasan siya ng isang hindi matatalikurang responsabilidad. Palagi niyang sinasabi, “Kung hindi ko makokompleto ang atas na ibinigay sa akin ng Diyos, nararapat sa akin na maisumpa!” Walang sinuman ang nagpataw ng gayong pasanin sa kanya, at walang sinuman ang nagsabi sa kanya kung ano ang dapat niyang gawin kapag nahaharap sa pag-atake at paninirang-puri ng mga puwersa ni Satanas. Sa pagsandig sa kanyang pananalig sa Diyos, at sa pagsandig sa kanyang sinseridad sa Diyos at sa kanyang pagsasaalang-alang sa Diyos, inako niya ang responsabilidad na ito bilang obligasyon. Sa kanyang pananaw, ang responsabilidad na ito ay kanyang dapat pasanin, at siya ang tanging angkop na tao upang magkompleto ng gawaing ito. Siyempre, hindi ito pagmomonopolyo sa kapangyarihan, ni hindi ito pakikibahagi sa mga pagmamaniobra para sa kapangyarihan; nagpupursigi siya sa paggawa ng partikular na gawaing ito at sa pagtupad nang maayos sa kanyang responsabilidad. Noong inaatake, sinisiraan, at kinokondena ng CCP ang iglesia, at mabangis na inuusig ang hinirang na mga tao ng Diyos, masasabing ang lahat ng kapatid ay nahaharap sa matitinding pagsubok, pagpipino, at tukso. Lalo na para sa mga kapatid na tatlo hanggang limang taon pa lamang nananampalataya at hindi pa nakapaglatag ng pundasyon sa tunay na daan, isa itong malaking pagsubok. Kung walang sinuman ang agarang sumuporta, nagtustos, at umakay sa kanila, iyong mga may mababaw na pundasyon, ang mga duwag, at iyong mga may mahinang kakayahan ay mapag-iiwanan at mawawalan ng pagkakataong maligtas. Gayumpaman, nang maharap ang iglesia sa ganitong uri ng espesyal na kapaligiran, mas pinadalas ng taong ginagamit ng Banal na Espiritu ang kanyang pagtuturo at pagsasanay sa mga lider at manggagawa, at mas pinadalas ang kanyang paggawa ng iba’t ibang aytem ng gawain ng iglesia. Hindi siya nagpakatamad kahit kaunti, at hindi niya iniwasan ang anumang mga responsabilidad kahit kaunti; sa halip, mas pinag-ibayo niya ang kanyang gawain, at ang bilis at pagiging episyente ng kanyang gawain ay dumoble kumpara noon. Naaalala Ko na noong panahong iyon, magsisimulang magdaos ng mga pagtitipon at makipagbahaginan ang brother pagkabangon na pagkabangon at pagkatapos mag-almusal sa umaga, nilulutas ang mga problemang lumitaw sa gawain ng iglesia at sa buhay iglesia. Pagkatapos kumain sa hapon at magpahinga nang isa o dalawang oras, magsisimula siyang muli na makipagbahaginan tungkol sa gawain. Sa mga pinakaabalang panahon, bukod sa pakikipagbahaginan sa umaga at hapon, nakikipagbahaginan din siya nang isa o dalawang oras pa sa gabi. Matapos lumipas ang mga abalang taong iyon, napunta sa tamang landas ang lahat ng aspekto ng gawain. Ang mga nagdaang taon na iyon ay pawang nakatuon sa pagpapaigting ng gawain. Mas pinadalas Ko ang Aking pangangaral, at mas pinag-ibayo ng brother ang kanyang pakikipagtulungan, nagdaraos din ng mga pagtitipon at nangangaral; at ginugol niya ang natitirang oras sa pagtuturo at pagsasanay sa mga lider at manggagawa, pati na rin sa paggabay sa kanila sa paggawa ng iba’t ibang aytem ng gawain at pag-aasikaso sa iba’t ibang bagay. Kung may impresyon ang ilang tao tungkol dito, ang alam lang nila ay: “Noong panahong iyon, palaging nakikipagbahaginan sa amin ang brother at ginagabayan kami sa paggawa ng gawain ng iglesia.” Ngunit maaaring hindi mo alam ang konteksto ng pangyayaring ito, ni hindi mo alam kung bakit ito ginawa ng brother, dahil wala ka ng sinseridad na o ng pasaning iyon, o maaaring dahil masyadong mababa ang iyong tayog para makita mo ito nang malinaw. Nang maharap ang iglesia sa matitinding banta at presyur, at sa mga kritikal na sandali kung kailan nahaharap ang gawain ng iglesia sa mga panggugulo at nahaharap sa sabotahe, lalo pang isinaalang-alang ng taong ginagamit ng Banal na Espiritu ang mga layunin ng Diyos. Sa ilalim ng mga sitwasyong ito, lalo pa siyang naglaan ng kanyang buong lakas sa paggawa ng gawain, sinusubukang humanap ng mga paraan upang lutasin ang iba’t ibang paghihirap at problema. Sa isang banda, hinanap niya ang pag-akay ng Diyos at hinanap ang gabay ng Diyos; sa kabilang banda, personal siyang nakipagtulungan nang positibo at maagap. Sa loob ng dalawampu’t apat na oras sa isang araw sa loob ng ilang magkakasunod na taon, bukod sa oras para sa pagkain, pagtulog, at pagpapahinga, halos nagtatrabaho siya araw at gabi, gumugugol ng ilang beses na mas maraming oras at lakas kaysa sa isang ordinaryong tao upang gampanan ang gawain ng iglesia. Ito ang halagang ibinayad ng taong ginagamit ng Banal na Espiritu upang pangalagaan ang gawain ng iglesia nang maharap ang iglesia sa pinakamalalaking paghihirap nito, at sa ngayon, lumipas na ang rurok ng pinakamahirap na panahong ito. Dahil ang taong ginagamit ng Banal na Espiritu ay isang taong personal na gumawa ng gawain, isang taong direktang nakaranas ng mga bagay na ito, at isang taong direktang nag-asikaso sa mga ito, mayroon siyang partikular na malalim na impresyon kung aling mga taon ang pinakaabala at anong gawain ang ginawa noong panahong iyon. At anong gawain ang ginawa na nagbunsod upang umusad nang maayos at maging matatag ang iba’t ibang aytem ng gawain ng iglesia, at nagbunsod sa isang pambihirang tagumpay sa gawain, pati na rin kung anong mga paghihirap ang hinarap niya noong panahong iyon, at aling mga paghihirap ang hindi madaling asikasuhin—siya mismo ang nakakaalam sa lahat ng bagay na ito, ngunit walang sinuman sa inyo ang nakakaalam sa mga ito. Habang ang iba ay naglilingkod din sa Diyos, dumaranas din ng gawain ng Diyos at dumaranas ng pagliligtas ng Diyos, at nagtatamasa rin ng pag-akay at pagtustos ng Diyos at nagtatamasa ng biyaya ng Diyos, ang taong ginagamit ng Banal na Espiritu ay gumugol ng dami ng lakas, dugo ng puso, at halaga na kagaya ng iginugugol ng isang ordinaryong tao; sa huli, ginawa siyang perpekto ng Diyos, kinompleto niya ang atas na ibinigay sa kanya ng Diyos, pinasan ang gawain ng sambahayan ng Diyos, at inakay kayo hanggang sa kasalukuyan. Mismong dahil gumugol siya ng dami ng lakas, oras, at halaga na kagaya ng iginugol ng isang ordinaryong tao, sa huli ay may nakamit kayong lahat, hindi ba? (Oo, may nakamit kami.) Sa totoo lang, napakarami ng nakamit ninyo. Bilang pinuno ng sambahayan at inyong nangunguna, ang brother, sa buong panahong ito, ay inakay kayo sa pagdanas ng gawain ng Diyos at inakay kayo sa paggawa ng iba’t ibang aytem ng gawain, pinangingibabawan ang maraming paghihirap; binigyang-kakayahan din niya kayong maayos na dumanas sa bawat pagkakataon ng pagpipino, pagsubok, at tukso—at maging sa pag-atake at paniniil mula sa lahat ng panig ng lipunan, pati na rin sa paniniil at pang-uusig mula sa malalakas na puwersa ng CCP—hanggang sa araw na ito.

Matapos sumunod sa Diyos hanggang sa kasalukuyan, karamihan sa mga taong gumagampan ng kanilang mga tungkulin nang full-time ay nagkamit ng kaunting buhay pagpasok, at ang kanilang pananalig sa Diyos ay mas malaki kaysa noon. Mula sa Aking pagmamasid, ang ilang tao ay nagagawang maging masunurin at mapagpasakop sa paggampan ng kanilang mga tungkulin. Labis Akong nagagalak tungkol dito. Bagama’t napakalimitado ng kakayahan ng mga taong ito, napakalimitado ng kanilang pag-unlad sa kapabilidad sa gawain, at napakalimitado rin ng nakamit nila sa buhay pagpasok—sa partikular, ang mga pasaning kayang pasanin ng mga lider at manggagawa at ang gawaing kaya nilang gawin ay napakalimitado rin—isang kapuri-puring pagpapamalas sa karamihan ng mga tao ay ang kanilang pagiging mas masunurin at mapagpasakop kaysa noon. Ang pagsunod at pagpapasakop na ito, sa Aking paningin, ay nangangahulugang naging medyo makatwiran sila, at mayroon silang kaunting wangis ng mga nasa hustong gulang. Bagama’t napakalayo pa ninyo pagdating sa paghahangad sa katotohanan, at napakalayo pa rin ninyo pagdating sa buhay pagpasok, batay sa inyong masunurin at mapagpasakop na saloobin, kung hahangarin ninyo ang katotohanan, talagang may pag-asa kayo na maligtas sa huli. Hindi sa mayroon lang kaunting pag-asa; talagang may pag-asa. Kaya, upang matamo ang kaligtasan, dapat kayong magsikap. Naglilingkod man kayo sa Diyos bilang isang lider o gumagawa ng iba’t ibang tungkulin, dapat kayong lahat na matuto mula sa taong ginagamit ng Banal na Espiritu. Maaari siyang magsilbing pinakamakatotohanang halimbawa na inyong tutularan, ang siyang pinakamadali ninyong makikita at mahahawakan—tama? (Oo.) Noon, noong gumagawa kayo ng gawain ng iglesia at una ninyong nakasalamuha ang brother, medyo nag-alala Ako nang pungusan niya kayo; nabalisa Ako para sa inyo, natatakot na hindi ninyo ito magagawang batahin at magiging negatibo at mahina kayo, dahil nakakaunawa lang kayo ng kaunting mga salita at doktrina, halos walang tayog, at walang tunay na pananalig sa Diyos; naniwala lang kayo sa inyong puso na mayroong Diyos, may partikular na sigasig at partikular na tapat na motibasyon, at handa kayong gampanan ang inyong mga tungkulin. Sinabi Ko, “Dahil napakababa ng kanilang tayog, kapag pinupungusan mo sila nang ganoon, magiging negatibo at mahina ba sila?” Sinabi ng brother, “Sapat na katotohanan na ang naibahagi sa kanila, at nauunawaan nilang lahat ito sa usapin ng doktrina, ngunit sadyang hindi sila makasunod sa mga prinsipyo. Hindi uubra na hindi sila pungusan.” Sinabi Ko, “Kung gayon, dapat isagawa ang pagpupungos.” Ngunit matapos kayong pungusan ng brother sa loob ng napakaraming taon, nakabuo Ako ng isang kongklusyon: Minsan ay hindi Ko na kailangang mag-alala para sa inyo; talagang nakinabang kayo mula sa pagdanas ng pagpupungos, at nagagawa ninyong maging masunurin at mapagpasakop sa paggampan ng inyong mga tungkulin. Ano’t anuman, pinungusan man kayo ng brother, o binigyan kayo ng positibong pag-akay, pagtustos, suporta, at tulong—na ang lahat ng ito ay dahil sa paglilingkod niya sa Diyos at paggawa ng gawain, at dahil kailangan niyang kompletuhin ang atas na ibinigay sa kanya ng Diyos—sa huli ay naging malaking pakinabang ito sa inyo, hindi ba? (Oo.) Dahil mismo sa katotohanan na patuloy niyang tinutupad nang maayos ang kanyang mga responsabilidad at tinutupad nang maayos ang kanyang mga obligasyon sa inyo, sinserong tinatrato ang atas ng Diyos, at sinsero kayong tinatrato, kaya sa huli ay nagkaroon siya ng di-sinasalitang pagkaunawaan sa Diyos, kinompleto ang atas na ibinigay sa kanya ng Diyos, at tinupad nang maayos ang mga responsabilidad na ibinigay sa kanya ng Diyos, habang binibigyang-kakayahan din kayong makarating sa araw na ito at makamit kung ano ang mayroon kayo ngayon, tama? (Oo.) Nakikita mo, nang maharap ang iglesia sa gayon kalaking kapaligiran at maharap sa pag-atake, paninirang-puri, at maging sa pag-uusig at pagbabawal ng relihiyosong mundo at ng malalakas na puwersa ng CCP, kung hindi agarang sinamantala ng taong ginagamit ng Banal na Espiritu ang oras upang gampanan ang gawain, kundi sa halip ay isinantabi kayo at pinabayaan kayo—walang pakiramdam ng responsabilidad at walang sinseridad sa inyo, sumisigaw lang ng mga islogan, iniraraos lang ang mga bagay-bagay, at hinahayaan na lang ito, pagkatapos ay tinatamasa ang buhay at hindi tinutupad ang kanyang mga obligasyon—kung gayon, maaabot ba ninyo ang puntong kinaroroonan ninyo ngayon sa paggampan ng inyong mga tungkulin? (Hindi.) Tiyak na hindi ninyo ito maaabot. Huwag na nating banggitin ang iba pang bagay, ang katunayan lang na palagi kayong hinihimok ng brother na mas pabilisin ang isang partikular na aytem ng gawain at kompletuhin nang mabilis ang isang partikular na aytem ng gawain—ang pakiramdam niyang ito ng pag-aapura ay makakaimpluwensiya sa inyo at magtutulak sa inyo, hindi ba? (Oo.) Kapag naipasa sa inyo ang pakiramdam na ito ng pag-aapura, hindi kayo mangangahas na magpakatamad. Bukod pa roon, medyo may pagkaalipin ang tao. Palagi kayong natatakot na suriin ng brother ang inyong gawain, natatakot na makahanap ng mga problema ang brother, magalit, at pungusan at pagalitan kayo. Upang makapagbigay-sulit, upang makompleto ang inyong mga gampanin, upang mapasaya ang brother, at upang mag-iwan ng magandang impresyon sa brother, nagpapakasubsob kayo sa gawain para gawin ito. Halimbawa, noon ay nakakabuo kayo ng isang himno kada ikalawang linggo, ngunit ngayon ay nakakabuo na kayo ng isang himno kada linggo. Palagi ninyong iniisip na higitan ang inyong mga itinalagang target, palaging natatakot na himukin kayo ng brother. Bagama’t medyo mahigpit ang brother sa inyo sa paggawa nito, ang paggamit ba niya ng pamamaraang ito upang gampanan ang gawain ay nagbunsod sa inyo na maging mas mabuti o mas masama? Inakay ba kayo nito sa tamang landas o iniligaw kayo? (Inakay kami nito sa tamang landas. Mayroon na rin kami ngayong pakiramdam ng pag-aapura sa paggawa ng aming gawain.) Ang paraan, estilo, at mentalidad ng brother sa paggawa ng gawain—natutunan ninyong lahat ang mga ito. Kalaunan, narinig Ko na nagsimula na ring magsagawa nang ganito ang ilang kapatid sa pangkat ng mga taga-ebanghelyo. Medyo nagpabagal-bagal ang ilang tao sa paggampan ng kanilang mga tungkulin at nangaral ng ebanghelyo sa loob ng isang buwan at wala pa ring nakamit na mga resulta, kaya pinuna sila ng mga superbisor at binanggit ang kanilang mga pangalan sa isang pagtitipon, sinasabing ang mga resulta ni ganito-at-ganyan sa paggampan ng kanyang tungkulin ay “sero.” Nakaramdam ng kahihiyan ang mga taong ito at hindi nila nakayanan ang pagkapahiya, at pagkatapos, nagkaroon sila ng kaunting pakiramdam ng pag-aapura sa paggampan ng kanilang mga tungkulin. Sa tingin Ko ay napakabuti ng pagsasagawa sa ganitong paraan. Bagama’t ang pamamaraang ito ay medyo walang pagsasaalang-alang at walang pagkamakatao, isang magandang mensahe ang naiparating dito: Sa ilalim ng gayong mahigpit na pagdidisiplina, pagpupungos, pangangasiwa, at panghihimok mula sa brother, karamihan sa mga tao ay nagkaroon ng pakiramdam ng pag-aapura sa paggampan ng kanilang mga tungkulin. Palagi silang natatakot na may sumuri sa kanila, natatakot na mainspeksyon ang kanilang gawain, palaging natatakot na masubaybayan ang kanilang pag-usad at masuri ang datos, palaging natatakot na matanong tungkol sa mga partikular na detalye ng kanilang gawain, natatakot na maantala ang pag-usad ng gawain, at natatakot na mapaalis mula sa iglesiang may tungkuling full-time dahil sa kawalan ng mga resulta sa paggampan ng kanilang mga tungkulin. Samakatwid, mas pinag-iibayo nila ang kanilang gawain. Karamihan sa mga tao ay nagkaroon ng pakiramdam ng pag-aapura sa paggampan ng kanilang mga tungkulin. Bagama’t ang pakiramdam na ito ng pag-aapura ay hindi maituturing na sinseridad sa kasalukuyan, ni hindi ito umaabot sa antas ng debosyon, kahit papaano ay nagkakamit sila ng mga resulta sa paggawa ng gawain. Kaya, magsikap pa nang kaunti, matuto mula sa brother, at magkaroon ng kaunting sinseridad sa paggampan ng inyong mga tungkulin. Huwag iraos lang ang mga bagay-bagay, huwag sumigaw ng mga islogan, at huwag gumawa ng mga bagay para lang makakompleto ng mga gampanin, kundi sa halip, magbigay-sulit sa Diyos, at maging karapat-dapat sa sarili ninyong konsensiya at katwiran. Kung magagawa ninyong magkaroon ng kaunting sinseridad at kaunting debosyon, at magsikap tungo sa mga katotohanang prinsipyo, magiging pasok kayo sa pamantayan sa paggawa ng mga tungkulin ninyo. Ngayon, karamihan sa inyo na gumagampan ng inyong mga tungkulin ay may tamang saloobin, may motibasyon, nakasabay sa takbo ng gawain ng sambahayan ng Diyos, at hindi nangangahas na maging pabaya. Kahit na natatakot kayong mapungusan dahil sa hindi paggampan nang maayos sa inyong tungkulin, kahit papaano ay may takot sa inyong puso. Noon, wala man lang kayong takot; masyadong malala ang inyong pagiging salanggapang, at masyado kayong sutil, kumikilos ayon sa sarili ninyong mga kapritso sa lahat ng inyong ginagawa. Naisip ninyo, “Maaaring nababalisa ka, pero ako ay hindi. Ayaw kong gawin ang mga bagay nang ganoon kabilis. Ang iyong pagiging mapagsaalang-alang sa mga layunin ng Diyos ay walang kinalaman sa akin. Hindi ko pa rin alam kung ano ang ibig sabihin ng pagiging mapagsaalang-alang sa mga layunin ng Diyos; magiging mapagsaalang-alang ako sa mga ito sa sandaling malaman ko kung ano ang ibig sabihin nito at kung paano ito gawin.” Iba na ngayon. Iniisip mo, “Isinasaalang-alang mo ang mga layunin ng Diyos, at hinihiling mo sa akin na mas pag-ibayuhin ang aking gawain at kompletuhin ang gampanin sa loob ng isang partikular na dami ng oras, kaya dapat ko itong makompleto sa tamang oras. Kung hindi ko ito makokompleto, pupungusan mo ako, papagalitan ako, o tatanggalin at ititiwalag pa nga ako. Kung hindi ko magagampanan ang aking tungkulin, hindi ba’t mawawala ang pag-asa kong maligtas? Upang maligtas, dapat kong gampanan nang maayos ang aking tungkulin; kailangan kong maipasabi sa iyo na ginagampanan ko nang maayos ang aking tungkulin.” Naging medyo aktibo at positibo ang iyong kalagayan, ngunit nagkukulang ka pa rin nang kaunti pagdating sa pagsasagawa, tama? (Oo.) Dapat kang magsikap tungo sa mga katotohanang prinsipyo. Maharap ka man sa pagpupungos o maharap sa anumang mga paghihirap, dapat kang matuto mula sa brother. Dapat mong obserbahan kung paano kumikilos ang brother at kung ano ang ginagawa niya kapag nahaharap sa mga paghihirap, at kung paano niya tinatrato ang kanyang misyon at tinatrato ang atas na ibinigay sa kanya ng Diyos. Dapat mong hanapin ang mga prinsipyo ng pagsasagawa mula rito. Huwag palaging magbulay-bulay, “Dapat akong gumawa ng mga bagay para makita ng brother. Upang hindi ako pagalitan ng brother, upang maging masaya siya sa akin at magkaroon ng magandang impresyon sa akin kapag sinusuri niya ang gawain, at upang matiyak na patuloy niya akong gagamitin, dapat akong gumawa nang maayos.” Kung gumagawa ka ng mga bagay para lang magbigay-sulit sa brother, hindi ito ang prinsipyong dapat mong sundin; dapat mong hangarin ang pagiging mapagsaalang-alang sa mga layunin ng Diyos at pagpapalugod sa Diyos. Ang iyong paggampan sa iyong tungkulin ay dapat munang pumasa sa pamantayan ng brother; iyon ang unang hakbang. Ang pinakamahalagang bagay ay dapat mong makamit ang pagsang-ayon ng Diyos. Ang pagkamit nito ay nangangahulugang taglay mo ang katotohanang realidad. Ito ang prinsipyong dapat sundin ng mga tao. Kung ginagampanan mo ang iyong tungkulin para lang palugdan ang brother, mali ang iyong panimulang punto; hindi ito pananampalataya sa Diyos at pagpapasakop sa Kanya. Dapat mayroon kang lugar para sa Diyos sa iyong puso, at dapat palagi kang magbulay-bulay, “Kung nasisiyahan ang brother, nasisiyahan ba ang Diyos? Kung nasisiyahan ang brother at hindi niya ako pinupungusan, ngunit hindi pa rin nasisiyahan ang Diyos, nagpapatunay iyon na hindi ko pa rin ganap na naaabot ang punto ng paggampan sa aking tungkulin ayon sa mga katotohanang prinsipyo. Dapat pa rin akong maghanap sa katotohanan at kumilos ayon sa mga prinsipyo. Sa sandaling magawa kong palugdan ang Diyos, saka ako makakatiyak. Kung nasisiyahan ang Diyos at tinatanggap ako ng Diyos, magiging masaya rin ang brother na makita ito.” Dapat kang tumuon at maghangad sa mga katotohanang prinsipyo. Mula sa mga salita at kilos ng brother, sa kanyang paraan ng pagsasalita, at sa kanyang mga paraan at metodo ng paggawa ng gawain, dapat mong obserbahan kung paano niya ginagampanan nang maayos ang kanyang tungkulin upang palugdan ang Diyos at makamit ang paggawang perpekto ng Diyos, at pagkatapos ay dapat mong gawin ang ginagawa niya at tularan siya. Ang pagtulad sa kanya ay hindi nangangahulugan ng pagtulad sa paraan ng kanyang pagsasalita at pagkilos, kundi sa halip ay pagtulad at pag-aaral sa mga prinsipyo ng paggawa niya ng mga bagay-bagay. Dapat mong tingnan kung anong mga prinsipyo ang sinusunod niya sa paggawa ng bawat aytem ng gawain, kung paano niya nakakamit ang pagbibigay-kasiyahan sa Diyos, kung paano niya kinokompleto ang atas ng Diyos, kung anong mentalidad ang taglay niya sa paggawa ng gawain, kung aling katotohanang prinsipyo ang pinanghahawakan niya, at kung anong aspekto ng katotohanang realidad ang taglay niya. Dapat kang maghanap sa direksyong ito, at matapos mahanap ang mga prinsipyo, dapat kang kumilos ayon sa mga ito at isagawa mo ang mga ito. Ang pagsasagawa sa ganitong paraan ay magpapabilis sa iyong pag-usad.

Kapag nahaharap ang iglesia sa isang lubhang mahalagang pangyayari, kung ito ay isang bagay na naranasan mo na noon, kung ito ang uri ng bagay na nagawa at naasikaso mo na noon, at mayroon kang karanasan, malalaman mo kung paano magpatuloy. Gayumpaman, maraming usapin ang unang beses mo pa lang nakakaharap. Kung paano asikasuhin ang ganitong uri ng usapin sa paraang umaayon sa mga layunin ng Diyos, at kung paano kumilos upang hindi maligaw o magdulot ng malulubhang kahihinatnan—ang mga ito ay mga bagay na hindi madaling makita nang malinaw ng mga tao, at hindi lubos na nakakatiyak ang mga tao tungkol sa mga ito sa kanilang puso. Ano ang dapat gawin kung hindi makita nang malinaw ng mga tao ang mga bagay-bagay? Kung gayon ay dapat nilang arukin ang mga prinsipyo. Anuman ang makaharap nila, at hindi alintana kung ito man ay isang malaking usapin o isang maliit na usapin, kung hindi nila ito makita nang malinaw, dapat nilang hanapin ang katotohanan, at dapat silang magdasal sa Diyos at humingi ng pag-akay ng Diyos. Ito ay isang prinsipyo na dapat taglayin ng bawat taong gumagampan ng kanilang tungkulin o naglilingkod sa Diyos, at dapat magsagawa at dumanas ang lahat sa ganitong paraan. Samakatwid, nang maharap ang iglesia sa malalaking kapighatian at pagsubok, hindi pinili ng taong ginagamit ng Banal Espiritu na iwasan ang mga ito, ni hindi niya inihiwalay ang kanyang sarili mula sa mga kapatid at sa gawain ng iglesia. Sa halip, nagpursigi siya sa paggawa ng gawain, ibinibigay ang kanyang buong makakaya upang gampanan nang maayos ang gawain. Sa hindi kanais-nais na kapaligirang iyon, hindi niya hinayaang tumigil ang gawain ng iglesia, kundi sa halip ay tiniyak niya na umusad ang gawain ng iglesia nang normal at maayos. Siyempre, ang taong ginagamit ng Banal na Espiritu ay nakatanggap ng pagsasanay at ginawang perpekto ng Diyos sa proseso ng patuloy na pagdanas sa iba’t ibang problemang lumilitaw sa iglesia at pag-asikaso sa lahat ng aspekto ng gawain ng iglesia. Sa huli, naunawaan niya ang mga layunin ng Diyos at naunawaan ang mga katotohanang prinsipyo sa bawat aytem ng gawain. Ito ay may mas malaking praktikal na pakinabang sa paggawa ng bawat aytem ng gawain ng iglesia. Sa paggabay niya sa inyo sa paggawa ng gawain, hindi na ninyo kailangang lumihis; sa diwa, kumakain na lang kayo ng nakahanda na. Hindi na ninyo kailangang mangapa o maghanap; maaari na lang kayong direktang magsagawa ayon sa mga prinsipyong ibinabahagi ng brother. Gayumpaman, hindi kayo maaaring magtanong sa brother tungkol sa lahat ng bagay at maghintay na suriin niya ang mga bagay-bagay para sa inyo, iniisip sa tuwing nahaharap kayo sa isang usapin, “Hindi na natin kailangang mag-alala pa, hindi na natin kailangang hanapin ang mga salita ng Diyos, at hindi na natin kailangang makipagbahaginan o magtalakay ng anuman. Maaari na lang nating direktang tanungin ang brother. Anuman ang sabihin ng brother, gagawin natin; saanman tayo dalhin ng brother, susunod tayo. Kung sasabihin sa atin ng brother na pumunta sa silangan, hindi tayo pupunta sa kanluran. Nababawasan tayo ng maraming abala dahil doon!” Kung mayroon kayong ganitong uri ng saloobin, at palagi kayong umaasa sa brother nang ganito, sa huli ay gagawing perpekto ng Diyos ang brother, at marami siyang makakamit, habang wala kayong makakamit na kahit ano. Hindi ba’t pininsala ninyo ang inyong sarili? Napagbulay-bulayan na ba ninyo ang usaping ito? (Hindi pa namin ito napagbulay-bulayan noon.) Kung gayon, hindi ba’t oras na para pagbulay-bulayan ito ngayon? (Oo.) Nakikita mo, ang mga panlabas na anyo ng mga tao ay halos pare-pareho lang—pawang may anyo ng tao—ngunit ang kanilang mga panloob na paghahangad, at kung paano sila mag-isip at kung paano sila pumili sa kanilang puso patungkol sa atas na ibinigay sa kanila ng Diyos, ay magkakaiba, hindi ba? (Oo.)

Kapag nahaharap ang iglesia sa malalaking usapin, ang taong ginagamit ng Banal na Espiritu ay kayang makipagtulungan nang malapit at may di-sinasalitang pagkaunawaan sa Diyos, at hindi niya inaabandona ang kanyang gawain. Inaakay niya ang hinirang na mga tao ng Diyos sa iglesia na patuloy na sumulong sa ilalim ng mga pagsasaayos at pag-akay ng Diyos, binibigyang-daan ang gawain ng sambahayan ng Diyos na umusad nang maayos. Bukod sa aspektong ito, kapag personal siyang nahaharap sa ilang pandurungis at paninirang-puri, hindi siya naaapektuhan, at hindi niya inaabandona ang kanyang gawain. Halimbawa, kapag may isang tao na may maling pagkaunawa sa kanya, o kapag may ilang paninirang-puri at tsismis tungkol sa kanya sa relihiyosong mundo—kapag nahaharap sa mga bagay na ito, at kapag nasisira ang kanyang personal na reputasyon at katanyagan—ayon sa Aking mga obserbasyon at sa mga nalaman Ko, tila hindi siya masyadong naaapektuhan ng mga bagay na ito, at wala siyang pakialam kung paano siya tinatasa ng mga tagalabas, lalo na kung paano nagkokomento at nanghuhusga sa kanya ang relihiyosong mundo. Hindi siya naaapektuhan ng mga bagay na ito. Halimbawa, noong una siyang pumunta sa ibang bansa, narinig niya na gumawa ng mga tsismis ang Partido Komunista na nagsasabing tumakas siya tangay ang malaking halaga ng pera at na bumili siya ng isang marangyang mansiyon sa isang bansa. Narinig ng taong ginagamit ng Banal na Espiritu ang mga tao na gumagawa ng gayong mga tsismis nang higit sa isang beses, at nakita rin niya ang mga tsismis na ito online, ngunit hindi siya nalimitahan. Ano ang kanyang pananaw kapag nahaharap siya sa mga ganitong uri ng bagay? Madalas niyang isipi ang isang karaniwang kasabihan: “Titigil ka ba sa pagtatanim ng repolyo dahil lang nakarinig ka ng iyak ng kuneho?” Sinasabi Ko na hindi masama ang mentalidad na ito. Kapag kailangan mong magtanim ng repolyo, hindi ka dapat malimitahan ng iyak ng isang kuneho. Ang mga repolyo ay para kainin mo; hindi ka dapat mapigilan sa pagtatanim ng mga ito dahil lang kinakain ito ng isang kuneho. Kung gusto nitong kainin ang mga repolyo, dapat kang humanap ng paraan para solusyunan ito—palaging may paraan para solusyunan ang ganitong uri ng problema. Hindi siya naaapektuhan o nalilimitahan ng mga bagay na ito, at ginagawa lang niya kung ano ang dapat niyang gawin; hindi rin naaapektuhan ang gawain ng iglesia ng anumang panlabas na opinyon ng publiko o paninirang-puri. Ang totoo, kapag kinakaharap ng taong ginagamit ng Banal na Espiritu ang mga bagay na ito, ano ang iniisip niya sa kanyang puso? Sumusunod siya sa isang prinsipyo, iyon ay: “Paano man magbago ang panlabas na kapaligiran, ang misyong ibinigay sa akin ng Diyos ay ang dapat kong gawin, at dapat ko itong kompletuhin. Pagdating naman sa kung paano ako sinisiraan ng mundo sa labas, kung ano ang saloobin nito sa akin, kung tinitingala ba ako nito o minamaliit ako, at kung anong reputasyon ang mayroon ako sa mundo sa labas—walang kinalaman ang mga ito sa aking misyon.” Kapag naririnig ng ilang tao na gumagawa ng mga tsismis ang mundo sa labas tungkol sa kanila, nag-iimbento ng mga bagay-bagay mula sa wala para siraan sila, nagdudulot ng negatibong epekto sa kanilang katanyagan, masyadong mababa ang kanilang tayog para tiisin ito, kaya humihinto sila sa paggampan ng kanilang mga tungkulin. Anuman ang atas na ibigay sa kanila, hindi nila ginagampanan ang gawain. Iniisip nila, “Dahil ginagamit ako ng Diyos, dapat Niyang ayusin ang mga panlabas na tsismis at paninirang-puring ito para sa akin at ibalik ang aking magandang reputasyon. Kung hindi aayusin ng Diyos ang mga ito para sa akin, wala ako sa kondisyon para gumawa ng gawain; hindi ko magagawa ang gawaing ito.” Para sa karamihan ng mga tao, kung tatanggap sila ng isang maliit na atas, at gagampanan nang kaunti ang kanilang mga tungkulin at tutuparin nang kaunti ang kanilang responsabilidad, palagi nilang sinusubukang magtakda ng mga kondisyon sa Diyos. Pagkatapos gumawa ng kaunting gawain, palagi nilang gustong ipagpalit ito sa biyaya; pagkatapos gumawa ng kaunting gawain, pakiramdam nila ay may merito sila sa harap ng Diyos at kalipikado silang makipagtawaran sa Diyos. Anuman ang mangyari sa mundo sa labas, hangga’t ang ginagawa ng Diyos ay hindi ayon sa gusto nila, hindi umaayon sa kanilang mga nais, at sumasalungat sa kanilang mga nais, nagrereklamo sila tungkol sa Diyos sa kanilang puso, at gusto nilang abandonahin ang kanilang gawain at huminto sa paggawa ng gawain. Kahit na gampanan nila ang gawain, ginagawa nila ito nang pabasta-basta at iniraraos lang nila ito. Kung hindi naaasikaso nang maayos ang kanilang mga personal na problema, maaari itong makaapekto sa kanila sa paggampan ng kanilang mga tungkulin, at maaari itong makaapekto sa pagkompleto nila sa atas na ibinigay sa kanila ng Diyos. Sabihin ninyo sa Akin, ang gayon bang mga lider at manggagawa ay pasok sa pamantayan at karapat-dapat pagkatiwalaan? (Hindi sila pasok sa pamantayan, ni hindi sila karapat-dapat pagkatiwalaan.) Ang gayong mga tao ay hindi karapat-dapat pagkatiwalaan! Anuman ang mangyari sa takbo ng kanilang mga personal na buhay at pananatiling buhay ay maaaring makaapekto sa pagkompleto nila sa atas ng Diyos. Kung may isang bagay na kahit bahagya lang na hindi ayon sa gusto nila, nagmamaktol sila at kumikilos nang hindi makatwiran, humihinto sa paggampan ng kanilang mga tungkulin, at inaabandona ang kanilang gawain. Kapag nalutas na ang mga panlabas na bagay na ito, kapag ang lahat ng bagay na ito ay naaayon sa gusto nila, at kapag masaya ang lagay ng loob nila, saka lang nila naaalala na may gawain pa ang iglesia, at saka lang nila naiisip na akuin ang pasanin at ipagpatuloy ang paggawa ng gawain. Hindi nila sineseryoso ang atas na ibinigay sa kanila ng Diyos, palaging tinatrato ito bilang pinakamaliit na bagay. Sa kanilang puso, ang atas na ibinigay sa kanila ng Diyos ay hindi kasinghalaga ng kanilang reputasyon, at hindi kasinghalaga ng kanilang prestihiyo sa gitna ng mga tao. Sa sandaling may isang tao na magkaroon ng maling pagkaunawa sa kanila, o may ilang personal na pagkiling laban sa kanila at hinuhusgahan sila nang patalikod, o medyo hindi kumbinsido sa kanila, o may ilang opinyon o ilang naiibang suhestiyon tungkol sa kanilang gawain, hindi sila natutuwa, inaabandona nila ang kanilang gawain at humihinto sa paggawa ng gawain, at kumikilos nang hindi makatwiran sa harap ng Diyos. Anumang maliit na insidente na lumilitaw sa kanilang buhay, o kahit isang pagkakataon ng hindi pagkakasundo sa isang tao o pagkakaroon ng alitan sa kanya, ay maaaring makaapekto sa kanila sa pagkompleto sa atas ng Diyos, at maaaring makaapekto sa kanila sa pagtupad sa kanilang mga responsabilidad. Gayumpaman, pagdating naman sa taong ginagamit ng Banal na Espiritu, mula nang makasalamuha Ko siya hanggang ngayon, mula sa mga nakita Ko at sa mga alam Ko, hindi siya kailanman nalimitahan sa proseso ng pag-aasikaso sa anumang bagay. Palagi niyang sinasabi, “Titigil ka ba sa pagtatanim ng repolyo dahil lang nakarinig ka ng iyak ng kuneho?” Kung titingnan ito mula sa perspektiba ng tao, ang taong ginagamit ng Banal na Espiritu ay may napakatibay na katatagan ng isip; kung titingnan ito mula sa perspektiba ng katotohanan, ang taong ito ay may pananalig, may sinseridad, at pagsasaalang-alang sa Diyos. Ang kanyang pananalig, sinseridad, at pagsasaalang-alang sa Diyos ay higit sa kanyang pag-aalala para sa sarili niyang reputasyon. Kahit na siniraan siya ng ilang tao, na nagdulot ng lubhang masamang epekto sa kanyang personal na reputasyon at katanyagan, wala siyang pakialam. Sa kanyang puso, ang pagkompleto sa atas ng Diyos at pagpasan sa gawain ng iglesia ay mas mahalaga kaysa sa anumang bagay. Gaano man kalaki ang iyong katanyagan at gaano man kalaki ang prestihiyo mo sa harap ng mga tao, kung hindi mo nakompleto ang atas ng Diyos at ang misyong ibinigay sa iyo ng Diyos, nasa panganib ka. Walang magiging silbi ang anumang sabihin mo; dapat kang magsulit sa Diyos, dahil ang misyong ito ay ibinigay sa iyo ng Diyos. Ang tungkuling ginagampanan mo ay nagmula sa Diyos; hindi ito ibinigay sa iyo ng sambahayan ng Diyos o ng iyong lider, ni hindi ito isang bagay na hiningi mo mismo—ibinigay ito sa iyo ng Diyos. Dahil ang tungkulin mo ay ibinigay sa iyo ng Diyos, hindi ka dapat malimitahan ng anumang bagay. Matuyo man ang mga dagat at madurog ang mga bato o matagpuan mo ang iyong sarili sa mga dulo ng daigdig, at anuman ang pag-uusig, kapighatian, problema, o kabiguan na makaharap mo, hangga’t kaya mong gampanan ang iyong tungkulin, hindi mo dapat abandonahin ang iyong gawain, hindi ka dapat bumitiw, at hindi mo ito dapat iwasan. Kung iiwasan mo ito at ikaw ay magiging isang tumatakas, isa kang Hudas, at ikaw ay habambuhay na isang pangunahing makasalanan. Pagdating sa pagtanggap sa atas ng Diyos, ang taong ginagamit ng Banal na Espiritu ay palagi nang tumutupad nang maayos sa kanyang mga responsabilidad at gumagampan sa kanyang tungkulin batay sa determinasyon na isaalang-alang ang mga layunin ng Diyos. Sinabi niya, “Hangga’t hindi humihinto ang gawain ng Diyos, patuloy kong itutulak ang aking munting kariton.” Ang mga ito ay ang eksaktong mga salita niya, na nangangahulugang: “Hangga’t hindi nagtatapos ang gawain ng Diyos, at hindi ako sinasabihan ng Diyos na huminto, magpapakasubsob ako sa gawain at patuloy kong gagawin ang gawain. Hihinto lang ako kung hindi na ako ginagamit ng Diyos, nagtapos na ang gawain ng Diyos, at sinabihan ako ng Diyos na huminto. Kung hindi ako sinasabihan ng Diyos na huminto, hangga’t ako ay buhay at may hininga, patuloy kong gagawin ang gawain.” Sabihin ninyo sa Akin, malaki ba ang kanyang pananalig? Matindi ba ang kanyang motibasyon? (Oo.) Mayroon ba kayong ganitong motibasyon? (Wala pa.) Karamihan sa mga tao ay palagi pa ring umaasa: “Kailan magtatapos ang gawain ng Diyos? Kailan darating ang malalaking kalamidad? Gaano karaming oras pa ang natitira? Maaari ba nating matamasa nang kaunti ang buhay ng laman? Ang lahat ng taon na ito ng pangangaral ng ebanghelyo at paggampan ng ating tungkulin ay naging napakaabala, hindi tayo nakakapagpahinga nang maayos tuwing Bagong Taon at iba pang mga pista opisyal, tinalikuran natin ang ating mga pamilya, at hindi na natin matamasa ang pagmamahal ng pamilya—kailan ito magtatapos?” Ang mga tao ay sadyang walang determinasyon o mentalidad na bantayan ang kanilang misyon at tungkulin sa buhay na ito na para bang ang mga ito ang mismong buhay nila. Bagama’t sumisigaw ka ng gayong mga islogan at gumagawa ng gayong mga panata, hindi sumusunod ang mga aktuwal mong pagkilos. Sa kabaligtaran, kahit na ang kanyang personal na reputasyon at katanyagan ay sumailalim sa mga pandurungis at paninirang-puri, ang taong ginagamit ng Banal na Espiritu ay hindi nagiging negatibo at mahina o sumusubok na ipagtanggol at bigyang-katwiran ang kanyang sarili tulad ng ginagawa ng ilang tao, lalong hindi nito naaapektuhan ang gawain. Ipinagpapatuloy niya ang paggawa ng gawain gaya ng dati, hindi natitinag anuman ang sitwasyon. Ang gawaing ito, ang misyong ito, ay ibinigay sa kanya ng Diyos, kaya patuloy lang niya itong ginagawa nang hindi humihinto.

Kayo man ay mga taong naglilingkod sa Diyos o mga kapatid na gumagampan ng inyong iba’t ibang tungkulin, kung gusto ninyong magkamit ng isang isang di-sinasalitang pagkaunawaan sa Diyos at maging mapagsaalang-alang sa mga layunin ng Diyos, maaaring talagang hindi pa ninyo ito maabot sa ngayon. Ngunit kahit papaano man lang, dapat kayong magtaglay ng tunay na pananalig sa Diyos at ng isang sinserong puso; dapat muna ninyong makamit ang dalawang bagay na ito. Kaya, paano kayo dapat magsagawa para makamit ninyo ang dalawang bagay na ito? Ang paraan ng paggawa nito ay ito: Sa tungkuling ginagampanan mo, kahit papaano ay dapat mong gawin ang iyong buong makakaya, nang hindi nag-aatubili o nagiging pabasta-basta. Halimbawa, sabihin nating ginagampanan mo ang iyong tungkulin sa isang pangkat ng mga mananayaw, at nakikipagbahaginan sa iyo ang taong ginagamit ng Banal na Espiritu tungkol sa mga prinsipyo ng koreograpiya at kung anong uri ng mga sayaw ang gagawan ng koreograpiya, at sinasabi rin sa iyo kung anong mga materyales ang pag-aaralan at kung gaano kahaba ang panahon mo para kompletuhin ang gawain. Pagkatapos magtala, nakikipagtalakayan at nakikipagbahaginan ka kasama ng lahat. Kung saan hindi nalinaw ng pagbabahaginan ang mga bagay-bagay, naghihintay ka at naghahanap pa, o kumokonsulta ka sa ibang mga pangkat ng mga mananayaw; sa sandaling makaunawa ka, ipinapatupad mo ito kaagad. Kung hindi mo pa rin lubos na nauunawaan, patuloy kang nag-eeksperimento at sinusubukan mong kapain ito; sa sandaling makaunawa ka, nagmamadali ka na gawin ito at isagawa ito. Una sa lahat, dapat kang magkaroon ng sinserong puso sa sarili mong tungkulin. Ano ang mga pagpapamalas ng pagtataglay ng isang sinserong puso? Kakatapos lang nating pag-usapan ang tungkol sa isang aspekto ng pagsasagawa ng taong ginagamit ng Banal na Espiritu, na sa paglilingkod sa Diyos, hindi niya kailanman inaabandona ang kanyang gawain, anuman ang mga paghihirap na nakakaharap niya. Ano ang dapat mong gawin kapag nakakaharap ka ng ilang bagay na mahirap? Huwag matakot—kung walang paghihirap, hindi maipapakita ang iyong tayog at hindi maipapakita ang iyong kakayahan. Puno ang buhay ng iba’t ibang paghihirap, at ginugugol ng mga tao ang kanilang buhay sa pagharap sa sunod-sunod na paghihirap. Habang patuloy na nahaharap sa mga paghihirap, kung hahanapin mo ang mga katotohanang prinsipyo at lulutasin ang mga paghihirap na ito, hindi ba’t magkakamit ka ng abilidad na lumutas ng mga paghihirap? Hindi ba’t bubuti ang iyong kakayahan at karakter? Bukod pa rito, kapag mayroon ka ng mga prinsipyo para sa paglutas ng mga paghihirap at isinagawa mo ang mga ito, hindi ba’t magkakaroon ka ng buhay pagpasok? Sa pamamagitan ng paglutas ng mga paghihirap, nakakamit mo ang realidad ng katotohanan—hindi ba’t unti-unting lalago ang iyong buhay? Kaya, ang pagkakaroon ng mga paghihirap ay isang mabuting bagay. Habang mas nahaharap ka sa mga paghihirap, mas nabubunyag ang iyong sinseridad, at mas nasusubok ang iyong pananalig sa Diyos. Huwag matakot sa pagkakaroon ng mga paghihirap, at huwag matakot sa mga kabiguan at pagbagsak. Siyempre, sa inyong pang-araw-araw na buhay, madalas na lumilitaw ang ilang interpersonal na alitan, o maaaring may isang tao na hindi nasisiyahan sa iyo, o hinuhusgahan ka pa nga nang patalikod at minamaliit ka, kasama ng lahat ng iba pang uri ng nakakadismaya at hindi kanais-nais na mga bagay; hindi ka dapat malimitahan ng mga bagay na ito, ni hindi mo dapat hayaang makaapekto sa iyo ang paglitaw ng mga problema o paghihirap na ito sa paggampan ng iyong tungkulin. Kung may oras ka para asikasuhin ang mga ito, maaari kang maghanap kung paano asikasuhin ang mga ito ayon sa mga prinsipyo; kung masyado kang abala sa iyong tungkulin at walang oras para asikasuhin ang mga ito, maaari mong isantabi ang mga pang-araw-araw na gawaing ito, mga di-mahalagang bagay, at mga alitan tungkol sa tama at mali, at unahin ang paggampan nang maayos sa iyong tungkulin—ito ang pinakamahalagang bagay. Sinasabi ng ilang tao, “Hindi ko kaya. May nanghusga sa akin nang patalikod, at nasaktan ako rito. Napakasama ng pakiramdam ko sa loob-loob ko, masama ang timpla ko, nasisiraan ako ng loob, at nalilimitahan at nagugulo ako sa paggampan ng aking tungkulin. Hindi ko malampasan ang bagay na ito—ano ang dapat kong gawin?” Kung gayon, dapat kang taos-puso at taimtim na magdasal sa Diyos, at hilingin sa Diyos na tulungan ka at bigyan ka ng lakas. Dapat mong sabihin, “Diyos ko, gusto kong gampanan nang maayos ang aking tungkulin, pero ngayon ay may lumitaw na alitan. Nakakaramdam ako ng matinding pagkabalisa sa aking puso. Ayaw kong bigyang-pansin ang bagay na ito, pero palagi akong nalilimitahan nito sa aking puso. Hinihiling ko sa Iyo na tulungan ako at bigyan ako ng lakas, para malampasan ko ito at hindi ako malimitahan nito, at para magampanan ko nang maayos ang aking tungkulin.” Pagkatapos magdasal, magsikap nang husto na malampasan ito at maghimagsik laban dito. Habang nagsisikap kang makipagtulungan, hindi makakaabala sa iyo ang mga di-mahalagang bagay na ito kahit kaunti, ni hindi makakaapekto ang mga ito sa iyo sa paggampan ng iyong tungkulin. Kung sinsero ka sa paggampan ng iyong tungkulin, kung tunay kang naniniwala na sinisiyasat ka ng Diyos at na makikita ng Diyos ang iyong saloobin sa paggampan ng iyong tungkulin, kung mayroon kang gayong pananalig sa Diyos, at kung magdarasal ka nang sinsero na tulad nito, ganap na tutulungan ka ng Diyos na malampasan ang paghihirap at mawaksi ang mga limitasyon ng gayong mga alitan, at magagawa mong gampanan nang normal ang iyong tungkulin. Kung ang pagdarasal mo ay para lang subukin ang Diyos, at sinasabi mo lang na gusto mong gampanan nang maayos ang iyong tungkulin, pero ang subhetibong intensiyon mo ay masangkot sa alitan at talunin ang kabilang panig, makikita ng Diyos na wala kang sinseridad at babalewalain ka Niya, at hindi mo magagampanan nang maayos ang iyong tungkulin. Ano ang panghuling resulta ng hindi paggampan nang maayos sa iyong tungkulin? Wala nang iba kundi ang maabandona ang iyong tungkulin, at magiging mahirap para sa iyo na hindi abandonahin ang iyong gawain. Nauunawaan ba ninyo? (Nauunawaan namin.) Bagama’t sa proseso ng paggampan ng iyong tungkulin ay maraming pagkakataon na ayaw mong abandonahin ang iyong gawain, ayaw mong masangkot sa mga alitan, at ayaw mong malimitahan ng sinumang tao, anumang pangyayari, at bagay, at gusto mo lang gampanan nang maayos ang iyong tungkulin, kapag may mga bagay na aktuwal na nangyari sa iyo, hindi mo makontrol ang iyong sarili. Ang sarili mong kalooban ay lubhang napakalakas, at iginigiit mong masangkot sa mga alitan sa iba. Sa napakahalagang sandaling ito, hindi tinitingnan ng Diyos kung gaano kaganda pakinggan ang iyong mga salita; tinitingnan lang ng Diyos ang iyong puso, kung ano ang iyong mga subhetibong intensiyon. Kung ang kinikilingan mo ay ang makipagtalo tungkol sa tama at mali, ipagtanggol ang sarili mong mga interes, at makipagtalo sa kabilang panig para linawin ang usapin at tukuyin kung sino ang nakalalamang, sadyang hindi gagawa ang Diyos kahit kaunti, at hindi ka Niya bibigyang-liwanag o aakayin. Kapag nakikita ng Diyos na hindi tunay ang pagnanais mong gampanan nang maayos ang iyong tungkulin, kundi tunay ang pagnanais mong ipagtanggol ang sarili mong reputasyon at katayuan, babalewalain ka ng Diyos. Sasabihin ng Diyos na isa kang sinungaling, at na hindi ka isang matapat na tao. Sa ilalim ng mga sitwasyong ito, hindi gagawa ang Diyos sa iyo, dahil hindi kailanman gumagawa ang Banal na Espiritu ng walang-silbing gawain. Tinitingnan muna ng Diyos kung saan kumikiling ang iyong mga subhetibong intensiyon. Ipagpalagay na kumikiling ka sa paggampan nang maayos sa iyong tungkulin at pagkompleto sa atas ng Diyos, pero napakaliit ng iyong personal na lakas, napakalakas ng mga puwersang kinakaharap mo, at napakalaking problema at napakahirap lutasin ng mga alitang kinakaharap mo; nakikita ang iyong sinseridad, tutulungan ka ng Diyos na ayusin ang lahat ng ito. Nakikita mo, ang taong ginagamit ng Banal na Espiritu ay namumuhay rin sa gitna ng tiwaling sangkatauhan at namumuhay sa materyal na mundong ito, at nakakaharap din niya ang mga bagay na ito, tulad ng mga panghuhusga, pandurungis, at paninirang-puri ng mga tao, ng pagkamapanlaban ng mga tao sa kanya, at maging ang mga taong nakikipag-agawan sa kanya para sa katayuan at nakikipag-agawan sa kanya para sa katanyagan sa gitna ng iba, at iba pa. Pero anuman ang makaharap niya, palagi niyang pinipiling tuparin nang maayos ang kanyang mga responsabilidad at kompletuhin ang misyong ibinigay sa kanya ng Diyos, at hindi niya binibigo ang pagtataas sa kanya ng Diyos. Palagi niyang taglay ang mentalidad na ito sa paggawa ng gawain ng iglesia: Anuman ang makaharap niya, itinuturing niya ang gawain ng iglesia at ang misyong ibinigay sa kanya ng Diyos bilang kanyang pangunahing priyoridad, at ang atas at misyong ibinigay sa kanya ng Diyos ay pinangangalagaan niya na para bang ang mga ito ang mismong buhay niya. Kaya, kapag mayroon siyang gayong pagkiling sa kanyang mga subhetibong intensiyon, sinisiyasat siya ng Diyos at nakikita ng Diyos ang kanyang sinseridad. Kapag sinisiyasat siya ng Diyos at nakikita ang kanyang sinseridad, ang mga bagay na iyon na maaaring maging sanhi para malimitahan, mabagabag, at maapektuhan ang tao, at maaari pa ngang makaimpluwensiya sa mga kaisipan at pananaw ng tao at makaimpluwensiya sa landas na tinatahak niya, ay hindi namamalayang nalulutas sa ilalim ng pag-akay ng Diyos, at napakadali pa nga. Ang paggawa ng gawain ng iglesia ay ganito lang; madalas na lumilitaw ang mga paghihirap, at madalas na lumilitaw ang mga problema. Palaging sinasabi ng brother, “Titigil ka ba sa pagtatanim ng repolyo dahil lang nakarinig ka ng iyak ng kuneho?” Pagkarinig sa kasabihang ito, alam din ng karamihan sa mga tao na tama ang prinsipyo sa likod nito, pero pagdating sa pagsasagawa nito, bakit hindi nila ito magawa? Bakit mayroong paghihirap kung gayon? Direktang nauugnay ito sa mga subhetibong saloobin ng mga tao sa kanilang tungkulin at sa kanilang misyon. Ibig sabihin, sa pagitan ng iyong tungkulin at atas ng Diyos sa isang banda, at ng iba’t iba mong personal na interes sa kabilang banda, pinipili mo ang iyong mga personal na interes; ang pinapahalagahan mo ay ang sarili mong mga makalamang interes, ang iyong reputasyon at katayuan, at makalamang pagtatamasa. Inilalaan mo ang walumpu o siyamnapung porsiyento ng dugo ng puso mo at lakas sa sarili mong mga makalamang interes, at ginagamit ito para ipagtanggol ang sarili mong mga makalamang interes, habang tinatrato ang iyong tungkulin bilang isang ekstrang gawain. Kung gayon, gaano karaming sinseridad ang maaari mong taglayin sa paggampan ng iyong tungkulin, sa atas ng Diyos, at sa Diyos? (Napakakaunti.) Para sa ilang tao, maaaring mas mababa pa ito sa sampung porsiyento. Posible ba para sa iyo na ipagpalit ang kaunting sinseridad na iyon sa katotohanan at ipagpalit ito sa paggawang perpekto ng Diyos? (Hindi.) Ang paggawang perpekto ng Diyos at ang katotohanan ay mga kayamanang walang katumbas na halaga! Ginugugol mo ang mas mababa sa sampung porsiyento ng iyong lakas at iniisip mong maipagpapalit mo ito sa katotohanan, maipagpapalit ito sa paggawang perpekto ng Diyos, at maipagpapalit ito sa pagkilala at pagtanggap ng Diyos—sabihin mo sa Akin, ibibigay ba ng Diyos ang mga bagay na iyon sa iyo? (Hindi.) Dapat mong ilabas ang isandaang porsiyento ng iyong sinseridad; saka mo lang, tulad ng taong ginagamit ng Banal na Espiritu, makakamit ang katotohanan, at makakamit ang paggawang perpekto ng Diyos at ang pagsang-ayon ng Diyos. Ang katotohanan mismo ay isang kayamanang walang katumbas na halaga, at walang anumang maipagpapalit dito. Ang katotohanan ang puhunan na nagbibigay-kakayahan sa isang nilikhang tao na maging kalipikadong mabuhay magpakailanman. Isipin mo na lang kung gaano iyon kahalaga! Imposibleng makamit mo ang katotohanan sa pamamagitan lang ng paggugol nang kaunti, pagbibigay ng kaunting pagsisikap, at pagsigaw ng ilang islogan. Huwag nang banggitin pa ang pagkamit sa katotohanan, kahit ang pagkamit ng kaunting kaliwanagan at pag-akay ng Banal na Espiritu ay nangangailangan ng isang partikular na antas ng sinseridad at kasigasigan, at bukod pa rito, dapat kang magbayad ng halaga para makamit mo ang gawain ng Banal na Espiritu—paano pa kaya ang pagkamit sa katotohanan! Nangangailangan iyon ng isang panahon ng masigasig na paghahangad, at dapat kang magbata ng maraming pagdurusa at magbayad ng maraming halaga para makamit ito. Ito ay dahil ang katotohanan ay magsisilbing iyong buhay; sa sandaling magawa sa loob mo ang buhay na ito, hindi mo na kakailanganing matikman ang kamatayan—hindi ka mamamatay. Ano ang ibig sabihin ng hindi pagkamatay? (Nangangahulugan ito ng pagkamit ng buhay na walang hanggan.) Ang buhay na walang hanggan, kung titingnan ito nang literal, ay nangangahulugan ng pananatiling buhay magpakailanman, pamumuhay magpakailanman, at hindi pagkamatay, dahil taglay mo ang pundasyon para mabuhay, at taglay mo ang puhunan para mabuhay. Kaya sa anong paraan mo makakamit ang katotohanan, ang kayamanang ito na walang katumbas na halaga? Kahit papaano, dapat kang magkaroon ng kaunting sinseridad. Kung mayroon ka lang sampung porsiyentong sinseridad, sapat na ba iyon? Sa tingin Ko, kahit ang limampung porsiyento ay hindi sapat; hindi mo pa rin makakamit ang katotohanan. Maaaring maunawaan mo ang ilang panlabas na katotohanan, pero hindi mo makakamit ang mas malalalim na katotohanan—ang katotohanan at buhay ng aspekto ng pagkakilala sa Diyos, ang aspekto ng pagpapasakop sa Diyos, at ang aspekto ng pagkatakot sa Diyos at pag-iwas sa kasamaan. Kung gusto mong magawa sa loob mo ang mga katotohanang ito para maging iyong realidad, at para maging kung ano ang likas mong inihahayag at isinasabuhay, dapat mong ialay ang isandaang porsiyento ng iyong sinseridad; hindi ito isang bagay na maaaring tawaran. Samakatwid, kung gusto mong makamit ang katotohanan, dapat mong pagnilayan kung gaano karaming sinseridad ang inialay mo, at kung mayroon ka bang hindi inialay. Sa proseso ng paggampan ng iyong tungkulin, at sa mga tao, pangyayari, at bagay na nakakaharap mo, gaano karaming oras ang ginugugol mo sa pagbabalewala sa iyong tungkulin, pagpapabaya sa mga nararapat na gampanin, paghahangad ng makalamang pagtatamasa, paghahangad ng katayuan, kasikatan, at pakinabang, at pagpapakitang-gilas at pagtataas sa iyong sarili? Gaano karaming oras sa paggampan ng iyong tungkulin ang ginugugol mo sa pagiging pabasta-basta, pag-asa sa iba, at pagiging hindi handang magbata ng pagdurusa at magbayad ng halaga, pati na rin sa pag-abandona sa iyong gawain kapag nahaharap sa mga isyu, at pagkilos ayon sa sariling kalooban at hindi pagiging mapagsaalang-alang sa pasanin ng Diyos kapag nahaharap sa mga isyu? Dapat mong taimtim na suriin ang lahat ng bagay na ito.

Tingnan mo kung paano sinubaybayan ng taong ginagamit ng Banal na Espiritu ang inyong gawain sa paglipas ng mga taon. Kapag nakikipagbahaginan siya ng katotohanan sa inyo para suportahan at tulungan kayo, paano niya ito ginagawa? Mayroon bang anumang sarili niyang kalooban na nakahalo? Inabandona ba niya kailanman ang kanyang gawain? Iniwasan ba niya kailanman ang kanyang mga responsabilidad? Kahit ang pagpupungos niya sa inyo ay ginagawa nang may gayong sinseridad, at kahit ang panenermon niya sa inyo at pagdidisiplina niya sa inyo ay ginagawa nang may sinseridad—wala rito ang iniraraos lang. Sinsero niyang tinutupad ang kanyang mga responsabilidad at tinutupad ang kanyang mga obligasyon sa inyo. Saan nagmumula ang sinseridad na ito? Nakabatay ito sa kanyang sinseridad sa Diyos. Tinanggap niya ang atas ng Diyos nang may sinseridad, at mula noon ay ginamit niya ang kanyang sinseridad para subukang kompletuhin ang atas ng Diyos at gawin ito nang maayos. Kaya, paano niya ito isinasagawa? Hindi lang siya nagsasabi ng ilang salita, nagpapahayag ng kanyang paninindigan, at hinahayaan na lang na ganoon. Sa halip, ginagawa niya ang gawaing ito sa inyo sa isang praktikal na paraan. Dapat ay kaya ninyong maunawaan ito, tama? (Oo.) Samakatwid, kahit ang pagpupungos niya sa inyo at ang panenermon niya sa inyo ay ginagawa nang may sinseridad. Siya mismo ay nakakaramdam din ng matinding galit kapag pinupungusan at pinapagalitan niya kayo. Kung hindi siya responsable sa inyo at wala siyang kahit katiting na sinseridad, at wala siyang pakialam o hindi niya isinasapuso ang anumang pagkakamaling ginawa ninyo, makakaramdam ba siya ng matinding galit? Kapag nabibigo kayong gampanan nang maayos ang inyong tungkulin at nagdudulot kayo ng pinsala sa gawain ng sambahayan ng Diyos, kung hindi niya pinangalagaan ang mga interes ng sambahayan ng Diyos, hindi niya iningatan ang mga bagay na ito sa kanyang puso, at wala siyang pakialam kung ano ang kalagayan ng paggampan ninyo ng tungkulin—gusto lang na magkasundo ang lahat at panatilihing maayos ang mga bagay-bagay—at wala siyang anumang pakiramdam ng responsabilidad o pasanin sa inyo, makakaramdam ba siya ng matinding galit kapag nilalabag ninyo ang mga prinsipyo sa paggampan ng inyong tungkulin? Kung hindi siya nakaramdam ng matinding galit, mapupungusan ba niya kayo? (Hindi.) Sabihin ninyo sa Akin, gusto ba niyang magalit? (Hindi; sadyang masyado lang kaming nakakainis.) Tama iyan. Masyado kayong nakakainis. Gaano man karaming beses pagbahaginan ang mga bagay-bagay, nilalabag pa rin ninyo ang parehong mga prinsipyo; paano man ipaliwanag ang mga bagay-bagay, hindi ninyo matandaan ang mga ito. Sa huli, hindi alam ng ilang kapatid kung ano ang gagawin sa kanilang sarili, at tinatanong nila ang brother, “Kailangan kaming parusahan sa pagkakataong ito, hindi ba?” Ang brother, na hindi na rin alam ang gagawin, ay nagsasabing, “Hindi muna kayo parurusahan sa pagkakataong ito.” Mula sa pagpupungos sa inyo hanggang sa huli ay pagtalakay sa inyo kung dapat ba kayong parusahan at kung paano kayo dapat parusahan—nakikita mo, tinatrato lang kayo ng brother bilang pamilya. Gumagamit siya ng lahat ng uri ng pamamaraan para akayin kayo at tulungan kayo. Sa huli, hindi man lang niya magawang magalit para pungusan kayo. Hindi niya alam kung tatawa ba siya o iiyak, at ito ang eksenang lumilitaw. Kung walang pasanin ang brother para sa inyong buhay pagpasok at sa inyong paggampan ng tungkulin, walang sinseridad sa gawain ng sambahayan ng Diyos, hindi ito tinatrato bilang sarili niyang usapin, at hindi ito isinasapuso, gagawin ba niya ang mga bagay na ito sa inyo? (Hindi.) Kapag nakikita ng karamihan sa mga lider at manggagawa ang mga tao na kumikilos nang labag sa mga prinsipyo o gumagambala at gumugulo sa gawain ng iglesia, nagagalit ba sila? Ang ilang indibidwal na nagtataglay ng kaunting pakiramdam ng katarungan ay nagagalit. Ngunit pagkatapos magalit, nagbubulay-bulay sila, “Nagbayad din sila ng halaga sa paggampan ng kanilang tungkulin; hindi ko talaga sila mapupuna. Dapat ko na lang silang hikayatin nang kaunti, kausapin sila tungkol sa mga bagay-bagay, at hilingin sa kanila na gawin ito nang maayos.” Pagkatapos ay sinasabi nila sa tao, “Itinataas tayo ng Diyos para gampanan ang ating tungkulin at binibigyan tayo ng oportunidad na maligtas. Dapat tayong magkaroon ng konsensiya at dapat nating suklian ang pagmamahal ng Diyos!” Nagbibigay lang sila ng ilang pangungusap ng panghihikayat na ganito at hinahayaan na lang ito, nang walang pakialam kung nalutas ba ang problema. Habang ginagawa ng taong ginagamit ng Banal na Espiritu ang gawain at tinutupad ang kanyang mga responsabilidad, anuman ang uri ng problema na makaharap niya o anuman ang uri ng sitwasyon na lumitaw sa iglesia, personal siyang palaging sumusunod sa iisang prinsipyo, at palagi niyang pinanghahawakan ang responsabilidad na ito, ginagabayan ng tamang saloobin, upang kompletuhin ang atas na ibinigay sa kanya ng Diyos. Ano ang mentalidad niyang ito? Ito ay na, anuman ang mangyari sa buhay, anuman ang mangyari sa panlabas na kapaligiran, at paano man magbago ang mga tao, pangyayari, at bagay, dapat kompletuhin ng mga tao ang misyong ibinigay sa kanila ng Diyos—ito ay ganap na likas at may katwiran. Sa kanyang pananaw, gaano mo man kahusay na pinamamahalaan ang iyong personal na buhay, kung hindi mo nakompleto ang atas ng Diyos, hindi mo nagawa nang maayos ang gampaning ibinigay sa iyo ng Diyos at hindi mo nagawa nang maayos ang gawaing ibinigay sa iyo ng Diyos, at hindi mo natugunan ang mga layunin ng Diyos, walang magiging silbi ang anumang sabihin mo. Samakatwid, anuman ang makaharap niya, hindi siya nalilimitahan, naaapektuhan, o nagugulo; ginagawa niya kung ano ang dapat niyang gawin, sa paraang dapat niya itong gawin. Ang atas ng Diyos at ang misyong ibinibigay ng Diyos sa mga tao ay ang pangunahing priyoridad; dapat panghawakan ng mga tao ang mga ito sa lahat ng oras. Ibig sabihin, anuman ang mangyari, hangga’t hindi humihinto ang gawain ng Diyos, ang paggawa ng gawain ng iglesia at paggawa ng gawain ng sambahayan ng Diyos ay ang misyong ibinigay sa iyo ng Diyos, at dapat kang magpursigi rito hanggang sa pinakadulo. Sa buhay na ito, dahil pinili ka ng Diyos at ibinigay sa iyo ang misyong ito, nakatadhana ka sa buong buhay mo na mamuhay para sa misyong ibinigay sa iyo ng Diyos, at mamuhay para kompletuhin ang atas na ibinigay sa iyo ng Diyos. Kung papabayaan mo ang mga wastong gampanin at hahayaan mong maglakbay ang isip mo sa ibang mga bagay, mabibigong pasanin ang atas ng Diyos, at mabibigong tuparin nang maayos ang iyong mga responsabilidad, at may pagkakautang ka sa Diyos at may pagkakautang sa mga kapatid, pagkatapos mong mamatay, labis kang mahihiya na humarap sa Diyos, at wala kang magiging paraan para magsulit sa Diyos. Samakatwid, ginagabayan ng mentalidad na ito, sa landas ng paglilingkod sa Diyos sa lahat ng taon na ito, anuman ang mga paghihirap na naranasan niya, anuman ang mga kapaligiran na naranasan niya, at anuman ang mga paghihirap na nakaharap ng gawain ng iglesia, hindi binitawan ng taong ginagamit ng Banal na Espiritu ang gawain ng iglesia, at hindi niya inabandona ang gawain ng sambahayan ng Diyos. Ipinagpatuloy niya ang paggawa ng gawain nang hakbang-hakbang hanggang sa kasalukuyan, at ipagpapatuloy niya ang paggawa nito sa ganitong paraan sa hinaharap. Palagi niyang ginagawa ang gawain—ito ang karaniwang bahagi ng kanyang buhay.

Naunawaan ba ninyo ang pagbabahaging ito? (Oo, naunawaan namin.) Ano ang naunawaan ninyo? (Na dapat naming panghawakan ang aming tungkulin at panghawakan ang atas na ibinigay sa amin ng Diyos sa lahat ng oras. Gaano man kalaki ang mga paghihirap, hindi kami maaaring sumuko; dapat kaming magdasal sa Diyos at maghanap sa katotohanan para lutasin ang mga problema. Bukod pa rito, masira man ang aming reputasyon at katayuan o masira ang aming mga personal na makalamang interes, dapat naming bitawan ang aming mga personal na interes, hindi malimitahan ng mga bagay na ito, at kumapit sa atas na ibinigay sa amin ng Diyos.) Mayroon ding pinakamahalagang punto, iyon ay na ang paglilingkod sa Diyos, paggawa ng gawain ng sambahayan ng Diyos, at pagtanggap sa mga responsabilidad at misyong ibinigay sa iyo ng Diyos ay isang panghabambuhay na usapin; hindi mo dapat panghawakan ang isang pansamantalang pananaw. Kung palagi mong pinanghahawakan ang isang pansamantalang pananaw, iniisip mo, “Pagkatapos kong gampanan ang aking tungkulin nang dalawa o tatlong taon, magtatapos ang gawain ng Diyos, at magtatagumpay ako sa pananampalataya sa Diyos; magiging sulit ang aking buhay at makakalamang ako,” pagkatapos, hindi mo magagawang maglakad hanggang sa dulo ng landas; hindi ka pasok sa pamantayan bilang isang taong naglilingkod sa Diyos, at wala kang sinseridad sa Diyos. Kaya, anong uri ng mga tao ang mga humahawak sa isang pansamantalang pananaw? Sila ay mga oportunista. Dahil wala ka man lang sinseridad sa Diyos, kaya mo bang magkaroon ng sinseridad sa gawain ng iglesia at sa mga kapatid? (Imposible iyon.) Kapag may nangyaring malaking insidente sa iglesia, o kapag may nangyaring isang bagay na may kinalaman sa sarili mong reputasyon at katayuan at sa sarili mong mga interes, imposibleng pipiliin mong pangalagaan ang gawain ng iglesia, at imposibleng tutugunan mo ang mga layunin ng Diyos. Ang mga taong tulad nito, na pinanghahawakan ang isang pansamantalang pananaw, ay nasa malaking panganib. Kapag normal na umuusad ang gawain ng iglesia, nakakasunod sila sa kanilang pananamapalataya, pero sa sandaling makaharap ang iglesia ng walang katulad na pag-uusig at may lumitaw na krisis, mahaharap sila sa tukso, at hindi tiyak kung magagawa nilang patuloy na sumunod sa Diyos. Makakasunod ba ang gayong mga tao sa Diyos hanggang sa dulo ng landas? (Hindi.) Ang paghawak sa isang pansamantalang pananaw sa paggampan ng tungkulin ng isang tao ay isang mapanganib na senyales. Iniisip ng ilang tao, “Ang paghawak ko sa isang pansamantalang pananaw ay nagpapakita na ako ay tuso at marunong magsamantala ng mga pagkakataon. Tingnan ninyo kung gaano kayo kahangal! Mag-aalay lang ako ng kaunting sinseridad kapag malapit nang magtapos ang gawain ng Diyos at lumaganap na ang ebanghelyo ng kaharian sa bawat bansa sa mundo. Kung may natitira pang ilang taon o maging mga dekada ang gawain ng Diyos at hindi ito magtatapos sa lalong madaling panahon, iraraos ko na lang ang aking mga araw at hahangarin muna ang mundo, at babalik para gampanan ang aking tungkulin kapag malapit nang magtapos ang gawain ng Diyos.” Masyado kang matalino at masyadong mapagkalkula, at naplano mo nang napakaayos ang lahat. Maaaring hindi alam ng mga tao ang iyong mga plano, pero alam ng Diyos. Wala kang sinseridad sa Diyos, kaya hindi ka bibigyan ng Diyos ng anumang pasanin na babalikatin. Kung gayon, ang gawain ng sambahayan ng Diyos, ang paglilingkod sa Diyos at paggampan sa iyong tungkulin, at ang maligtas sa hinaharap ay walang magiging kinalaman sa iyo. Sa proseso ng paglilingkod sa Diyos, bukod sa pagkakaroon ng pananalig sa Diyos, pagkakaroon ng sinseridad, at pagsasaalang-alang sa Kanya, tinatrato rin ng taong ginagamit ng Banal na Espiritu ang bawat aytem ng gawain ng iglesia bilang sarili niyang gawain. Ang pamumuhay sa buhay na ito ay nangangahulugan ng paggawa ng gawain, at ang paggawa ng gawain ay nangangahulugan ng pamumuhay. Ang pagtrato sa gawain ng iglesia bilang sarili niyang gawain, at ang paggawa ng gawain na tulad lang ng paggawa sa kanyang pang-araw-araw na buhay—hindi ba’t napakaganda ng mentalidad na ito? (Oo.) Mayroon ba kayo ng mentalidad na ito? (Wala pa.) Huwag kalimutan: Para magawang gampanan nang maayos ang iyong tungkulin at makompleto ang atas ng Diyos, walang sikreto at walang shortcut. Nauuwi ito sa mga salitang ito: Magpakasubsob sa gawain at maging deboto. Sa lahat ng oras, magpakasubsob sa gawain at gawin ang iyong buong makakaya. Dapat mong ialay ang iyong sinseridad at ibigay ang lahat para gampanan nang maayos ang iyong tungkulin; kung hindi, imposible para sa iyo na magawang perpekto ng Diyos, tama? (Oo.)

Sige, dito nagtatapos ang ating pagbabahaginan para sa araw na ito. Paalam!

Pebrero 22, 2025

Sinundan: Paano Hangarin ang Katotohanan (33)

Sumunod: Paano Hangarin ang Katotohanan (38)

Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos Ukol sa Pagkakilala sa Diyos Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw Paglalantad sa mga Anticristo Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Tahanan ng Diyos Mahahalagang Salita Mula sa Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga Huling Araw Araw-araw na mga Salita ng Diyos Ang mga Katotohanang Realidad na Dapat Pasukin ng mga Mananampalataya sa Diyos Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin Mga Gabay para sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian Naririnig ng mga Tupa ng Diyos ang Tinig ng Diyos Makinig sa Tinig ng Diyos  Masdan ang Pagpapakita ng Diyos Mahahalagang Tanong at Sagot tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume I) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume II) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume III) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IV) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume V) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VI) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VIII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IX) Paano Ako Bumalik sa Makapangyarihang Diyos

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito