Paano Hangarin ang Katotohanan (33)

Ngayon, pagnilayan muna natin ang isang tanong. Sinisiyasat ng Diyos ang kaibuturan ng puso ng tao—isa ba itong katunayan? (Oo.) Dahil sinisiyasat ng Diyos ang kaibuturan ng puso ng tao, bakit sinusubok pa rin Niya ang tao? Napagnilayan ba ninyo ang tanong na ito? (Hindi.) Hindi ninyo ito napagnilayan, kaya ngayong nabanggit na ang tanong na ito, ano ang palagay ninyo? Mayroon ba kayong anumang pagkaunawa sa usaping ito? (Bagama’t sinisiyasat ng Diyos ang kaibuturan ng puso ng tao, kailangan pa rin nating magpatotoo para sa Diyos sa harap ni Satanas, upang makita ni Satanas ang tunay nating puso sa Diyos at ang katapatan natin sa Kanya. Kaya, ang pagsubok na ito ay nagbibigay rin sa atin ng pagkakataon na magpatotoo sa harap ni Satanas.) Ito ay isang aspekto ng pinagbahaginan natin noong nakaraan. Bukod dito, ano pa ang naiisip ninyo? (May naisip din akong isang punto: Bagama’t sinisiyasat ng Diyos ang kaibuturan ng puso ng tao, naghahanda rin ang Diyos ng mga kapaligiran para subukin ang tao, pinahihintulutan siya na aktuwal na maranasan ang mga bagay-bagay, at pinahihintulutan siya, sa loob ng mga kapaligirang iyon, na patuloy na labanan ang sarili niyang mga tiwaling disposisyon at patuloy na maghimagsik laban sa kanyang laman, upang maisagawa niya ang katotohanan at maisagawa ang mga salita ng Diyos. Isa itong praktikal na proseso kung saan nagkakamit ng katotohanan ang isang nilikha.) Sino pa ang may anumang pagkaunawa? Hindi ba't karaniwan ay napakahusay ninyong magsalita? Bakit, kung gayon, wala kayong pagkaunawa kapag nahaharap sa isang aktuwal na isyu? Alam ba ninyo kung ano ang nakapaloob sa tanong na kakabanggit Ko lang? Nakapaloob dito ang paraan ng paggawa ng Diyos, at nakapaloob din dito ang pagkilala sa mga layunin ng Diyos. Kaya, anong pagkaunawa ang makakamit ninyo mula rito? Kung wala kayong pagkaunawa sa gayon kalaking usapin, nagpapatunay ito na hindi ninyo pinagninilayan ang mga aktuwal na isyung ito, lalong hindi ninyo nauunawaan ang katotohanan at hindi kayo nakakapasok sa realidad. Samakatwid, kapag nahaharap kayo sa gayong mga isyu, wala kayong direktang karanasan sa mga ito at dahil dito ay wala kayong masabing anumang pagkaunawa. Sino pa ang gustong magsalita tungkol sa pagkaunawa nila sa tanong na ito? Dahil sinisiyasat ng Diyos ang kaibuturan ng puso ng tao at alam Niya na handa ang mga tao na isagawa ang katotohanan, handang gampanan nang deboto ang mga tungkulin nila, at handang magpasakop sa Diyos, hindi ba't sapat na iyon? Bakit sinusubok pa rin ng Diyos ang tao? Anong epekto ang nilalayon ng Diyos na makamit sa huli sa paggawa nito? (Sa tingin ko ay naghahanda ang Diyos ng mga kapaligiran para iparanas sa tao ang mga pagsubok at pagpipino upang kunin ang katotohanan at ikintal ito sa kanya, at gawing buhay niya ang katotohanan; isa itong medyo praktikal na proseso.) Tama ba ito? (Oo. Magdaragdag pa ako ng isa pang punto: Sa tingin ko, ang pagsubok ng Diyos sa gawain ng tao ay nagsisilbi, sa isang banda, para kunin ang katotohanan at ikintal ito sa tao sa pamamagitan ng pagpaparanas sa kanya ng mga pagsubok at pagpipino, at sa isa pa, para tuparin ang kalooban ng Diyos sa tao.) Sinasabi ninyo na sinusubok ng Diyos ang tao upang pahintulutan siyang tuparin ang kalooban ng Diyos, pero kaya bang tuparin ng tao ang kalooban ng Diyos? (Hindi, hindi niya kaya.) Napakaraming taon na kayong nakikinig sa mga sermon, ngunit wala kayong pagkaunawa sa karamihan ng mga bagay, lalo na pagdating sa mga aktuwal na isyu sa pang-araw-araw ninyong buhay. Anuman ang mangyari, alam lang ng karamihan sa mga tao kung paano maglitanya ng matatayog-pakinggang retorika at magsalita tungkol sa mga hungkag na doktrina at teorya. Sinasabi pa nga ng ilang tao ang mga bagay na ganap na malayo sa punto, na walang anumang kaugnayan sa katotohanan, sa realidad—ni hindi man lang bahagyang konektado. Bagama't hindi rin napagnilayan ng ilang tao ang mga tanong na ito, mayroon pa rin silang kaunting pagkaunawa sa ilang partikular na aktuwal na isyu, hindi ba? Batay sa mga sagot ninyo, sa mga karaniwang panahon sa aktuwal ninyong buhay ay wala kayong pagpasok sa karamihan ng mga katotohanang may kinalaman sa pagsasagawa, at kaya wala kayong karanasan sa mga ito. Anumang aktuwal na isyu ang makaharap ninyo, wala kayong pagkaunawang masasabi at alam lang ninyo kung paano magsalita tungkol sa mga doktrina; sa tuwing may nangyayari, tumutugon kayo gamit ang mga doktrina. Samakatwid, sa anumang gawain o anumang larangan ng tungkulin, napakalimitado ng magagawa ninyo, at maging ang mga limitadong bagay na magagawa ninyo ay hindi kaayon ng mga katotohanang prinsipyo. Hindi maarok ng karamihan sa mga tao ang mga katotohanang prinsipyo, hindi rin maunawaan ng karamihan sa mga tao ang mga ito, at lalo na, hindi nila kayang gampanan ang mga tungkulin nila ayon sa mga prinsipyo. Tungkol sa tanong ngayon lang, “Sinisiyasat ng Diyos ang kaibuturan ng puso ng tao, kaya bakit sinusubok pa rin Niya ang tao?” karamihan sa inyo ay walang pagkaunawa, pero sa sandaling nakapagpahayag ng kaunting pagkaunawa ang ilang indibidwal, makakatanggap pa rin ang karamihan sa inyo ng kumpirmasyon sa mga puso ninyo at makakatukoy kung sino ang nagsalita nang mas tumpak at medyo kaayon ng mga katunayan. Kaya, mismodapat unawain ang tanong na ito? Kailangan natin itong pagbahaginan.

Ang pagsisiyasat sa kaibuturan ng puso ng tao ay isang abilidad na taglay ng Diyos Mismo. May malalim na pagkaunawa ang Diyos sa sangkatauhan, sa mga nilikha; ganap na tumpak ito; hindi maitatanggi ang katunayang ito. Naranasan mo man ito o hindi, nagkamit ka man ng anumang pagkaunawa rito o hindi, at naramdaman mo man ito kahit minsan o hindi, ano't anuman, isang katunayan na sinisiyasat ng Diyos ang kaibuturan ng puso ng tao. Dahil sinisiyasat ng Diyos ang kaibuturan ng puso ng tao, natural na mayroon Siyang lubos na malalim na pagkaunawa sa tao. Kung ano ang kakayahan at mga instinto ng tao, kung gaano kalaki ang tayog niya, kung ano ang kaya at hindi niya kayang gawin, at kung anong mga tiwaling disposisyon ang mayroon siya—alam na alam ng Diyos ang lahat ng bagay na ito; ganap na malinaw sa Diyos ang tungkol sa mga ito! Kung gayon ay bakit patuloy pa ring sinusubok ng Diyos ang tao? Ano ang layon ng pagsubok na ito? Kailangan ng Diyos na bigyan Siya ng tao ng sagot sa pamamagitan ng sarili nitong pag-uugali at mga pagpapamalas. Gusto ng Diyos na makitang makatanggap ng kumpirmasyon ang determinasyon ng tao, ang mga nais niya, ang mga dasal niya, o ang mga panatang ipinanunumpa niya sa harap ng Diyos. Sa paningin ng Diyos, isa itong esensiyal na proseso; nauugnay ito sa kung paano inililigtas ng Diyos ang tao at kung paano Niya kinukuha ang Kanyang mga salita at kinukuha ang katotohanan at ikinikintal ang mga ito sa tao. Noong nakaraan, nagbahaginan din tayo tungkol sa bahagi kung bakit sinusubok ng Diyos ang tao, binabanggit na sinusubok Niya ang tao dahil kailangan Niya na magpatotoo ang tao para sa Kanya. Pero isa itong napakaliit na bahagi ng dahilan. Ang pangunahing dahilan ay na, sa pamamagitan ng pagsubok sa tao, nilalayon ng Diyos na kunin ng tao ang mga salita ng Diyos, kunin ang katotohanan, at isagawa ang mga ito at gawing sarili niyang realidad ang mga ito. Ang layon ay hindi para lamang tapusin ng tao ang pagbabasa ng mga salita ng Diyos nang walang iba kundi isang impresyon o ilang ideya, mga layunin, o determinasyon. Sa halip, pagkatapos basahin ang mga salita ng Diyos, ito ay para pagnilayan at pagbahaginan ng tao ang tungkol sa mga ito, at sa gayon ay maunawaan ang katotohanan, at maisagawa ang katotohanan upang maging buhay realidad niya ito. Kaya, bakit gusto ng Diyos ang pagsasagawa ng tao? Ang pagsasagawang ito ay napakahalaga sa pagtatamo ng tao ng kaligtasan. Isa itong kinakailangang proseso kung saan kinukuha ng Diyos ang katotohanan at ikinikintal ito sa tao. Sa pamamagitan ng pagsasagawa sa katotohanan, sa isang banda, nagagawa ng tao na iwaksi ang kanyang mga tiwaling disposisyon; sa isa pang banda, tunay niyang nararanasan kung ano ang sinasabi ng mga salita ng Diyos, tunay na nararanasan kung ano ang mga hinihinging pamantayan ng Diyos at kung ano ang mga layunin ng Diyos, at tunay ring nararanasan ang proseso ng pagwawaksi sa kanyang mga tiwaling disposisyon at pagpapasakop sa Diyos. Sa pamamagitan ng prosesong ito, ang mga salita ng Diyos at ang katotohanan ay naikikintal sa tao. Siyempre, hindi ito isang resulta na makakamit sa pamamagitan ng pagsasagawa sa katotohanan nang isa o dalawang beses; sa halip, dapat isagawa at pasukin ng tao ang bawat aspekto ng katotohanan sa mahabang panahon. Sa mahabang prosesong ito, habang patuloy na nararanasan at patuloy na pinagdaraanan ng tao ang mga bagay-bagay, unti-unting nalulutas ang kanyang mga tiwaling disposisyon sa iba't ibang antas. Ang paglutas sa mga tiwaling disposisyon ng tao ay hindi pa rin ang panghuling resulta na nilalayon ng Diyos na makamit sa pamamagitan ng pagsubok sa kanya. Ano ang panghuling resulta? Ang nilalayon ng Diyos na isakatuparan sa tao ay, sa pamamagitan ng pagtalab ng katotohanan sa loob niya, na alisin sa kanya ang kanyang mga tiwaling disposisyon at pagkatapos ay kunin ang katotohanan at gawin itong kanyang buhay; ito ang panghuling resulta. Kapag naging buhay ng tao ang katotohanan, nalulutas mula sa ugat ang kanyang mga tiwaling disposisyon. Ang paglutas sa mga tiwaling disposisyon ng tao mula sa ugat ay ang panghuling resulta na nakakamit ng tao sa pamamagitan ng pagtahak sa landas ng kaligtasan. Ito ang pangunahing dahilan kung bakit sinusubok ng Diyos ang tao. Samakatwid, ang dalawang punto na sinasabi ng ilang tao kapag sinasabi nilang, “Sinusubok ng Diyos ang tao, sa isang banda, dahil kailangan Niya na magpatotoo ang tao, at sa isa pang banda, para mapasunod ang tao sa kalooban ng Diyos” ay sa katunayan hindi masyadong mahalaga kumpara sa plano ng pamamahala ng Diyos at sa Kanyang layon na gawing ganap ang tao at bigyang-kakayahan ang tao na magtamo ng kaligtasan. Ang mahalaga ay nilalayon ng Diyos, sa proseso ng pagsubok sa tao, na kunin ang Kanyang mga salita at kunin ang katotohanan at ikintal ang mga ito sa tao. Ang panghuling resulta ay ang maging buhay ng tao ang mga salita ng Diyos at ang katotohanan, para palitan ang dati niyang buhay—ang kanyang mga tiwaling disposisyon. Hindi ba't makakamit na ng Diyos ang tao kung gayon? (Oo.) Para ang tao ay makamit ng Diyos sa huli, ito ang resulta na nilalayon ng Diyos na makamit sa pamamagitan ng pagsubok sa kanya. Ang pagsubok na ito ay may maraming anyo. Minsan ay gumagamit ang Diyos ng isang kapaligiran para iparanas sa iyo ang mga pagsubok at pagpipino; minsan ay gumagamit Siya ng isang kapaligiran para kastiguhin at hatulan ka; at minsan ay gumagamit Siya ng isang kapaligiran para udyukan ka at balaan ka. Minsan ay gumagamit Siya ng ibang tao para paalalahanan ka, balaan ka, at pungusan ka; at minsan ay gumagamit Siya ng Kanyang mga salita para tahasang sawayin ka, ituwid ka, at disiplinahin ka, o gumagamit pa nga ng Kanyang mga salita para tahasang hatulan ka at ilantad ang iyong paghihimagsik. Ang lahat ng ito ay mga paraan kung paano sinusubok ng Diyos ang tao; ang mga paraan ng Diyos sa pagsubok sa tao ay marami at iba-iba. Ano, kung gayon, ang mga kondisyon kung saan sinusubok ng Diyos ang tao? Anong mga kondisyon ang dapat mong matugunan para subukin ka ng Diyos? Dapat ay mayroon kang buhay pagpasok. Sinisiyasat ka ng Diyos; alam Niya kung ano ang iniisip mo sa puso, at alam Niya kung anong uri ng kalikasang diwa ang mayroon ka. Gayumpaman, kung wala kang buhay pagpasok—sa madaling salita, kung karaniwang hindi mo hinahangad ang katotohanan at hindi mo hinahanap ang mga katotohanang prinsipyo sa anumang bagay—kahit pa binibigyang-liwanag ka ng Diyos at ginagabayan ka upang tulungan kang maunawaan ang isang aspekto ng katotohanan, nananatili kang walang pakialam, hindi ka naaantig sa loob, at ni sa iyong puso o sa iyong subhetibong kamalayan ay wala kang anumang intensiyon na magsagawa ayon sa mga katotohanang prinsipyo. Sa gayong kaso, ang iba't ibang paraan ng Diyos ng pagsubok sa tao ay bihirang sasapit sa iyo. Ano ang ipinapahiwatig nito? Ipinapahiwatig nito na nasa yugto ka pa rin ng pagtatrabaho at hindi ka pa tumatahak sa landas ng kaligtasan. Anong tanda ito? Na nagtatrabaho ka pa rin! Ano ang ibig sabihin ng pagtatrabaho? Nangangahulugan ito na kapag ginagawa mo ang kaunting bahaging iyon ng iyong tungkulin at ginagawa ang mga gampaning iyon, ito ay pagsusumikap lamang, at walang kinalaman sa mga katotohanang prinsipyo. Dahil nagsusumikap ka lamang, walang usapan tungkol sa mga prinsipyo ng pagsasagawa, ni walang anumang usapan tungkol sa paghahanap sa mga katotohanang prinsipyo. Sapat na kung kaya mong magsumikap, hindi magdulot ng mga pagkagambala, hindi magdulot ng mga kaguluhan, hindi sadyang manggambala sa kaayusan, hindi sadyang manabotahe ng anumang bagay, at hindi sadyang manira ng anumang uri ng kagamitan. Ang mga hinihingi sa iyo ay hindi mataas; sapat na kung kaya mong magsumikap, hindi magdulot ng mga kaguluhan, at sa panlabas ay magmukhang medyo maayos ang pag-uugali. Iyon ang pamantayang hinihingi sa iyo. Bakit hinihingi sa iyo ang gayong pamantayan? Dahil hindi mo hinahangad ang katotohanan, karaniwang wala kang buhay pagpasok, at hindi mo hinahanap ang katotohanan sa anumang bagay. Sinasabi ng ilang tao, “Bagama’t hindi namin hinahanap ang katotohanan kapag may mga nangyayari, wala kaming nilabag na anumang prinsipyo. Ginagawa namin ang anumang ipinagagawa sa amin ng sambahayan ng Diyos, naging masunurin kami, at nakumpleto namin ang mga gampanin namin. Hindi rin kami sadyang nagdulot ng mga pagkagambala o kaguluhan, kaya paano Mo nasasabing nagtatrabaho kami?” Pang-aagrabyado ba sa mga taong ito na sabihing nagtatrabaho sila? (Hindi.) Batay sa doktrina ay alam ng mga tao na hindi, pero ang ilan ay nananatili pa ring hindi kumbinsido sa kanilang puso. Bakit sinasabing nagtatrabaho ang mga taong ito? (Ang pangunahing layon ng Diyos sa pagiging tao at pagpapahayag ng katotohanan sa mga huling araw ay upang magawa nating tanggapin ang katotohanan, isagawa ang katotohanan, at kamtin ang katotohanan bilang ating buhay. Kung ginagawa natin ang ating mga tungkulin nang walang mga prinsipyo, ang paggawa sa mga ito ay walang kinalaman sa katotohanan at matatawag lamang na pagtatrabaho.) Pagkarinig sa mga salitang ito, hindi matanggap ng ilang tao ang mga ito, at sinasabing, “Napakaraming taon na kaming nananampalataya sa Diyos at nagbayad na kami ng napakalaking halaga sa paggampan ng aming mga tungkulin, kaya paanong nagtatrabaho pa rin kami? Hindi kami kumbinsido rito! Hindi ba't sinisiyasat ng Diyos ang kaibuturan ng puso ng tao? Ngunit hindi alam ng Diyos kung ano ang saloobin ng aming puso tungkol sa Kanya, at hindi Niya kami nauunawaan! Kung hindi kami nauunawaan ng Diyos, paano masasabing sinisiyasat ng Diyos ang kaibuturan ng puso ng tao? Kung hindi nauunawaan ng Diyos ang tao, madali Niyang maaagrabyado ang tao.” Naniniwala ang gayong tao na naagrabyado sila ng Diyos; tama ba na mag-isip sila nang ganito? (Hindi.) Kinikilala nilang sinisiyasat ng Diyos ang kaibuturan ng puso ng tao ngunit sinasabi rin nilang inagrabyado sila ng Diyos. Tunay ba nilang kinikilala na sinisiyasat ng Diyos ang kaibuturan ng puso ng tao? (Hindi. Kung naniniwala silang inagrabyado sila ng Diyos, kahit pa sabihin nilang, “Sinisiyasat ng Diyos ang kaibuturan ng puso ng tao,” hindi ito isang tunay na pagkaunawa.) Sinisiyasat ng Diyos ang kaibuturan ng puso ng tao, kaya nauunawaan ba Niya ang iba't ibang kalagayan at diwa ng mga tao? (Oo.) Dahil nauunawaan nga ng Diyos, tumpak ba ang Kanyang paglalarawan sa maraming tao na maraming taon nang nananampalataya sa Diyos bilang nagtatrabaho pa rin—hindi mga taong naghahangad sa katotohanan at hindi pa tumatahak sa landas ng kaligtasan? (Tumpak ito.) Saan ito nakabatay? (Sa mga aktuwal nating kalagayan. Sa mga kapaligirang inihahanda ng Diyos, hindi natin hinahanap ang katotohanan para lutasin ang ating mga tiwaling disposisyon, at ginagawa natin ang ating mga tungkulin nang wala ang mga katotohanang prinsipyo, kaya sa tingin ko ay tama ang paglalarawan ng Diyos sa atin.) Hindi pa rin ninyo makilatis ang usaping ito.

Sa paglipas ng mga taon, napakarami Ko nang nasabing katotohanan at naibahaging katotohanang prinsipyo—handa ba kayong isagawa ang mga ito? (Oo.) Handa kayong isagawa ang katotohanan, kung gayon, ni minsan ba ay nagdasal at nagpasya kayo o nanumpa ng mga panata sa Diyos tungkol dito? (Minsan ay nanunumpa ako ng mga panata at nagpapasya.) Handa ang karamihan sa mga tao na isagawa ang katotohanan sa kanilang puso, at madalas silang nagdarasal at nagpapasya, at nanunumpa rin sila ng mga panata sa Diyos; hinihiling pa nga ng ilan sa Diyos na disiplinahin sila. Pero ang kahandaan bang ito ay maaaring mangahulugan na taglay ng mga tao ang katotohanang realidad? Maaari ba itong pumalit sa kanilang pagsasagawa sa katotohanan? (Hindi.) Hindi ito maaaring pumalit sa kanilang pagsasagawa sa katotohanan. Tingnan ninyo, hindi ba't nasa ganitong kalagayan ang karamihan sa mga tao? Pagdating sa pagsasagawa sa katotohanan o pagbabahaginan tungkol sa isang partikular na aspekto ng katotohanan, kung ang mga subhetibong intensiyon ng mga tao ang pinag-uusapan, walang sinuman ang gustong magkimkim ng paglaban dito; handa silang lahat na isagawa ang katotohanan. Halimbawa, ang pagiging isang matapat na tao, paggampan nang deboto sa tungkulin, hindi pagiging pabasta-basta, pakikipagtulungan nang may pagkakasundo, hindi pagdudulot ng mga pagkagambala o kaguluhan kapag gumagawa ng mga bagay-bagay, at ang magawang pangalagaan ang mga interes ng sambahayan ng Diyos at itaguyod ang patotoo ng Diyos, at iba pa—handa ang lahat ng tao na isagawa at pasukin ang mga katotohanang ito. Kung itatanong mo na, “Sino ang hindi handang isagawa ang katotohanan?” walang sinuman ang magtataas ng kanilang kamay; handa ang lahat na isagawa ito. Kung itatanong mo naman, “Kailan mo planong simulan ang pagsasagawa nito?” sasabihin nila, “Sisimulan ko itong isagawa mula ngayon.” Pero pagkatapos, wala silang ginagawang aktuwal na pagkilos; patuloy pa rin nilang iniisip sa kanilang puso, “O Diyos, handa akong isagawa ang katotohanan.” Hindi lang sila nagdarasal nang ganito sa harap ng Diyos, kundi ipinapahayag din nila ang kanilang determinasyon at ipinapahayag ang kanilang mga nais sa harap ng lahat, at minsan ay inaantig pa nga nila ang kanilang sarili hanggang sa puntong umaagos na ang mga luha sa kanilang mukha at nahihirapan na silang huminga sa kahihikbi nila. Ang maantig ay isang bagay, pero kung aktuwal ba nilang maisasagawa ang katotohanan ay hindi natin masasabi. Palaging nananatili ang ilang tao sa yugto ng pagiging handang isagawa ang katotohanan; sa tuwing tinatanong mo sila, sinasabi nilang handa silang magsagawa, tulad lang ng isang bata na nagsasalita na para bang nasa hustong gulang na siya. Halimbawa, tinatanong ng ilang magulang ang kanilang anak kung handa ba itong kumita ng pera para suportahan sina Nanay at Tatay paglaki nito, at sinasabi ng bata, “Oo!” Pero kung talaga bang susuportahan nito ang mga magulang nito sa paglaki nito ay iba nang usapan. Pagkarinig sa isang bata na magsabi na handa itong suportahan ang mga magulang nito, sineseryoso ng ilang magulang ang mga sinabi at hinuhugot nila ang lahat ng kanilang pag-asa at ibinubuhos ito sa bata, handa pa nga sila na magpakapagod nang husto para sa mga ito. Sa katunayan, puro salita lang ang bata; siya mismo ay hindi nga nakakaunawa kung ano ang ibig sabihin ng “kahandaang” ito. Iniisip lang nito na hangga't masaya at nasisiyahan ang mga magulang nito pagkarinig dito, natupad na ang “kahandaan” nito. Hindi nito alam kung anong mga paghihirap ang kakailanganin nitong batahin, anong halaga ang kakailanganin nitong bayaran, o anong mga responsabilidad at obligasyon ang kakailanganin nitong tuparin alang-alang sa “kahandaang” ito kapag lumaki na ito. Hindi nito alam kung paano dapat isagawa ang “kahandaang” ito, kung paano ito dapat tuparin, o kung paano ito dapat gawing realidad. Puro salita lang ang bata, at hanggang doon lang iyon; paglaki nito, ganap nitong makakalimutan ang mga salitang sinabi nito sa pagkabata at itatapon ang mga ito sa hangin. Ang kumita ng pera sa tunay na buhay ay hindi madali; napakalupit ng realidad, at walang anumang maayos ang takbo kahit ano pang trabaho ang gawin nito. Kaya, makakamit ba ang mga salitang sinabi nito sa pagkabata, “Handa akong suportahan ang mga magulang ko”? (Hindi ito madaling makamit.) Nasa ganitong kalagayan din ang karamihan sa inyo; hindi kayo handang magtrabaho lamang para sa Diyos, at handa kayong igugol nang deboto ang inyong sarili para sa Diyos, handang magpasakop sa Diyos, handang pumasok sa katotohanang realidad, at handang gawin ang lahat ng bagay ayon sa mga katotohanang prinsipyo. Gayumpaman, ang paghinto na sa pagiging handa lamang ay hindi kumakatawan sa iyong realidad at hindi mo ito realidad; wala kang taglay na realidad sa mga larangang ito. Humihinto na ang mga tao sa pagiging handa lamang at pagkatapos ay iniisip nila, “Dahil handa ako, maituturing ako na tapat at nakapagsagawa ng katotohanan. Dahil mayroon akong ganitong determinasyon, maiwawaksi ko ang aking mga tiwaling disposisyon at matutugunan ang mga layunin ng Diyos.” Naniniwala sila na ang pagiging handa ay nangangahulugang taglay na nila ang katotohanan bilang kanilang buhay at na taglay na nila ang katotohanang realidad. Hindi nila alam na itong “kahandaan” nila ay nananatili lamang sa kanilang mga nais at kaisipan; wala itong kinalaman sa realidad, at mayroon pa ring agwat sa pagitan nito at ng pagsasagawa sa katotohanan, at sa pagitan nito at ng pagpasok sa katotohanang realidad. Bagama't handa kang isagawa ang katotohanan, hindi mo ito naisagawa at wala kang mga aktuwal na pagpapamalas, kaya nananatili ka pa rin sa mga imahinasyon ng iyong mga subhetibong intensiyon, at namumuhay ka pa rin sa yugto kung saan ang iyong mga tiwaling disposisyon ang nagdidikta sa iyong mga kaisipan at pag-uugali. Habang nananatili ka sa yugtong ito, kaya bang daigin ng iyong kahandaan ang iyong mga tiwaling disposisyon? (Hindi.) Anuman ang makaharap mo, namumuhay ka pa rin ayon sa iyong mga tiwaling disposisyon. Halimbawa, kapag nakikipagtulungan ka sa isang tao sa paggampan ng iyong tungkulin, iniisip mo na kung makikipagtulungan at makikipagtalakayan ka sa kanya tungkol sa mga bagay-bagay, magmumukha kang mas mababa kaysa sa kanya, at dahil dito, mawawala ang iyong katayuan at prestihiyo. Kaya, hindi ka nakikipagtulungan sa kanya, at ikaw mismo ang gumagawa ng lahat ng desisyon. Kapag nakikita mo ang isang tao na nagiging pabasta-basta sa paggampan ng kanyang tungkulin, hindi mo rin siya inilalantad o pinupungusan, iniisip mo, “Karaniwang mayroon akong magandang ugnayan sa taong ito. Kung pabasta-basta siya, hayaan na lang ito; ano't anuman, hindi naman nakaranas ng anumang kawalan ang mga personal kong interes. Magbibigay na lang ako ng ilang pahiwatig at bibigyan ko siya ng kaunting payo—sapat na iyon; kung hindi siya magsisisi, oobserbahan ko siya nang mas matagal pa at hindi masyadong paghihigpitan.” Hindi mo isinasagawa ang katotohanan anuman ang makaharap mo. Ang “kahandaan” mong iyon ay isa lamang medyo positibong kaisipan; hindi iyon ang iyong realidad kahit kaunti. Hindi mo isinagawa ang katotohanan kahit kaunti, at hindi ka rin nakapasok sa katotohanang realidad. Sa tuwing nahaharap ka sa isang bagay na kinakailangan mo na isagawa ang katotohanan, palagi mo itong tinatrato at pinangangasiwaan batay sa iyong mga tiwaling disposisyon; hindi mo hinahanap ang mga katotohanang prinsipyo, at hindi ka rin pumapasok sa katotohanang realidad. At sa iyong puso ay palagi mong iniisip, “Handa akong isagawa ang katotohanan, handa akong mahalin ang Diyos, at handa akong magpasakop sa Diyos,” kaya ipinapalagay mo na isinagawa mo na mismo ang katotohanan, minahal mo na mismo ang Diyos, at nagpasakop ka na mismo sa Diyos. Tinutukoy mo pa nga ang iyong sarili, ibinibigay sa iyong sarili ang magandang-pakinggang titulo na “isang taong nagsasagawa ng katotohanan at naghahangad sa katotohanan.” Nililinlang mo ang iyong sarili, at nililinlang mo rin ang Diyos. Hindi ka pumapasok sa katotohanang realidad anuman ang nakakaharap mo, at hindi mo ginagamit ang katotohanan para lutasin ang mga bagay-bagay, ngunit nagpapasya ka pa rin sa harap ng Diyos: “O Diyos, handa akong maging tapat sa Iyo, handa akong magpasakop sa Iyo, handa akong mahalin Ka, at handa akong isuko ang lahat ng mayroon ako para sa Iyo.” Pagkatapos magdasal, kapag naghahanda ang Diyos ng isang kapaligiran para sa iyo, hindi ka kumikilos ayon sa mga katotohanang prinsipyo at hindi mo isinasagawa ang katotohanan; matagal nang naisantabi ang iyong kahandaan. Pagkatapos lumipas ng usapin, agad kang nagsisimulang magpahayag muli ng iyong determinasyon: “Handa akong isagawa ang katotohanan, handa akong magpasakop sa Diyos, handa akong mahalin ang Diyos.” May isang tinig na palaging nagsasabi sa iyo sa puso mo: “Dahil handa akong gawin ang lahat ng bagay na ito, hindi ako isang trabahador; ako ay isang taong nagmamahal sa Diyos, isang taong nagsasagawa ng katotohanan.” Mahusay mong kinukumbinsi ang iyong sarili, pero hinahayaan ka ba ng Diyos na linlangin Siya nang ganito? (Hindi.) Kaya mong linlangin ang iyong sarili, pero hindi ka pahihintulutan ng Diyos na linlangin Siya nang ganito. Maaaring kaya mong linlangin ang iyong sarili at linlangin ang mga tao sa paligid mo, pero hindi mo kayang linlangin ang Diyos. Paulit-ulit kang nagpapasya sa harap ng Diyos: “O Diyos, handa akong magpasakop sa Iyo, handa akong palugdan Ka!” “O Diyos ko, handa akong igugol ang aking sarili para sa Iyo, handa akong ialay ang buong sarili ko sa Iyo!” Alin sa mga sumpang binitawan mo sa harap ng Diyos ang naisagawa mo? Alin ang naitupad mo? Wala ni isa ang natupad; sa huli, nananatili ka pa rin sa yugto ng kahandaan. Samakatwid, gaano man karaming pagsisikap ang ginugol mo, hangga't nananatili ka pa rin sa yugto ng kahandaan, hindi pa nakapagsimulang maghanap sa mga katotohanang prinsipyo, at hindi pa nakapagsimulang magsagawa ng katotohanan, kung gayon ay wala kang buhay pagpasok. May buhay ba ang isang taong walang buhay pagpasok? (Wala.) Anong klaseng bagay ang isang taong walang buhay? Siya ba ay isang trabahador o isa sa hinirang na mga tao ng Diyos? Kabilang ba siya sa mga inililigtas ng Diyos? Siya ba ay isang taong nilalayong iligtas ng Diyos? Siya ba ay isang taong nagpapasakop sa ilalim ng kapamahalaan ng Diyos? (Hindi.) Wala kang buhay pagpasok, ngunit inaangkin mong ikaw ay isang taong nagsasagawa ng katotohanan at inaangkin mong hindi ka isang trabahador. Kung hindi ka isang trabahador, ano ka kung gayon? Ikaw ba ay isa sa mga tao ng Diyos, o isang taong iniligtas at ginawang perpekto ng Diyos? (Hindi alinman sa dalawa.) Sa Aking pananaw, ang tawagin kang isang trabahador ay higit pa sa nararapat sa iyo; ang ilang tao ay hindi man lang mga trabahador—ayaw nila at nag-aatubili pa nga silang gumugol ng kaunting pagsisikap sa paggampan ng kanilang mga tungkulin. Huwag ninyong isipin na dahil lang gumugol kayo ng kaunting pagsisikap at may kahandaang magsagawa sa katotohanan, kalipikado na kayong tumanggap ng mga pagpapala at gantimpala at may kapital na para magtangkang makipagtawaran sa Diyos. Malayo pa rin kayo sa pagtatamo ng kaligtasan. Halos wala pa sa inyo ang may anumang malinaw na buhay pagpasok. Iniisip ninyo na, pagkatapos manampalataya sa Diyos, ang pag-iwan sa inyong pamilya at propesyon para gampanan ang inyong mga tungkulin at ang pagiging handang gawin ang anumang isinasaayos ng sambahayan ng Diyos na gawin ninyo ay nangangahulugang taglay ninyo ang katotohanang realidad. Pero sa katunayan, ano ang nasa likod ng iyong kahandaan na iyon? Ang kahandaan ninyo ay lubhang binantuan at hindi nito makayanan ang masubok, kaya ang mailarawan kayo bilang mga trabahador ay hindi nang-aagrabyado sa inyo kahit kaunti. Wala kang buhay pagpasok, kaya hindi ba't isa kang trabahador? Mabuti na nga na hindi kita tinawag na isang diyablo. Ang isang taong walang buhay pagpasok ay isang taong walang buhay. May ilang tao na sampung taon nang nananampalataya sa Diyos pero walang buhay; ang ilan ay dalawampung taon nang nananampalataya pero walang buhay; ang ilan ay mahigit tatlumpung taon pa ngang nananampalataya, ngunit wala pa ring buhay. Hindi sila makagawa ng anumang aktuwal na gawain at hindi nila malinaw na maipaliwanag o malinaw na maipahayag kahit ang pinakasimple at pinakamababaw na mga katotohanan—hindi ba't nangangahulugan ito na wala silang buhay? Sa lahat ng taon ng kanilang pananampalataya sa Diyos, palagi nilang iniisip na napakaayos naman ng lagay nila sa kanilang pananalig, madalas na sinasabing, “Handa akong magpabalik-balik at igugol ang aking sarili para sa Diyos, handa akong magbayad ng halaga para sa Diyos, at handa akong maging tapat sa Diyos. Tingnan ninyo kung gaano karami ang naialay ko at kung gaano karami ang naigugol ko para sa Diyos. Inilaan ko ang aking oras at lakas at tinalikuran ko ang aking pamilya, pag-aaral, trabaho, at pera. Handa akong gawin ang anumang ipagawa sa akin. Handa akong magpasakop sa Diyos, handa akong palugdan ang Diyos, handa akong tumanggap ng pagpupungos, at handa akong tumanggap ng pagkastigo at paghatol.” Maaari bang mangahulugan ang “kahandaang” iyon na nakapasok ka na sa katotohanang realidad? Paanong napakadaling lumabas sa iyong bibig ng “kahandaan” mong iyon? “Handa” kang gumawa nang napakarami, pero gaano karaming katotohanan ang isinagawa mo? Nasaan ang iyong katotohanang realidad? “Handa” kang gumawa nang napakarami, pero mayroon ka bang patotoong batay sa karanasan? Bakit, kahit ngayon, ang posibilidad na ipagkanulo mo ang Diyos ay nananatiling isandaang porsiyento? Bakit hindi ito nabawasan kahit kaunti? Kahit pa mabawasan ito nang dalawampu o tatlumpung porsiyento, unti-unting bumababa, maituturing pa rin na nakapagsagawa at nakapasok ka sa katotohanan nang kaunti. Pero hindi mo man lang kayang kamtin ang ganoon karami. Ang “kahandaan” mong ito ay panlilinlang; ito ang pinakamalaking panlilinlang laban sa Diyos. Hindi iyon katapatan sa Diyos, ni hindi iyon isang tunay na puso sa Diyos. Iniisip mo ba na kung ang isang kasinungalingan ay sasabihin nang isang libo o sampung libong beses, magiging totoo talaga ito, magiging isang katunayan? Sa Diyos, hindi totoo ang pahayag na ito; isa itong baluktot na pangangatwiran at erehiya. Sinisiyasat ng Diyos ang kaibuturan ng puso ng tao. Gaano mo man sabihin na handa kang igugol ang iyong sarili para sa Diyos, at gaano man kagandang pakinggan ang iyong mga salita, ganap na malinaw na pinagmamasdan ng Diyos kung anong klaseng bagay ka. Patuloy mong inaangkin na handa kang isagawa ang katotohanan, at sinasabi mong taglay mo ang realidad ng paghahangad sa katotohanan, at na mayroon kang ebidensiya ng pagsasagawa nito. Kung gayon, ano ang ibinabalik mo sa Diyos kapag sinusubok ka Niya? Pinapanood mo ang masasamang tao na nagdudulot ng mga pagkagambala at kaguluhan sa sambahayan ng Diyos, ngunit hindi mo ito binibigyang-pansin at hindi ka nakikialam. Kahit pa may mag-ulat ng isang problema, hindi mo ito nilulutas o pinangangasiwaan, at hinahayaan mo lang ang masasamang tao na gumawa ng kasamaan at magwala. Ito ba ang iyong pagpapasakop sa Diyos? Ito ba ang iyong katapatan sa Diyos? Dahil iniisip mong tapat ka sa Diyos, ilang beses mong pinangalagaan ang mga interes ng sambahayan ng Diyos habang isa kang lider o manggagawa? Sa anong mga usapin ka nagkusa na tukuyin at lutasin ang mga problema, tinitiyak ang normal na operasyon ng gawain ng iglesia? Kapag nagdudulot ang masasamang tao ng mga pagkagambala at kaguluhan sa gawain ng iglesia, ilang beses kang tumindig para ilantad sila at lutasin ang mga kaguluhang idinulot nila? Kailan mo itinaguyod ang mga prinsipyo sa paggamit at paggastos ng mga handog at maayos na pinrotektahan ang mga handog ng Diyos mula sa pagkawala? Sa mga usaping ito, hindi ka kailanman nagpakita ng pagsasaalang-alang sa mga layunin ng Diyos sa pamamagitan ng pagsasagawa ng mahigpit na mga pagsusuri upang pigilan ang masasamang tao sa paggawa ng kasamaan. Sa halip, naging lubos kang naging iresponsable, nanonood habang nakararanas ng mga kawalan ang gawain ng iglesia at ang mga interes ng sambahayan ng Diyos, ngunit nananatili kang walang pakialam. Lalo na tungkol sa paggastos ng mga handog, hindi ka nagsasagawa ng anumang mga pagsusuri, kaswal na nagbibigay ng pag-apruba at pumipirma. Sa isang kaswal na salita mula sa iyong bibig at isang kumpas ng iyong panulat, sampu-sampung libo o daan-daang libong handog ang nilustay, at hindi ka man lang kumurap. Kalaunan, nang panagutin ka ng sambahayan ng Diyos, natakot ka na kakailanganin mong magbayad para sa mga kawalan, kaya nagawa mo pa ngang mag-imbento ng ebidensiya, naghahanap ng isang tao na magbabaluktot sa ebidensiya at magpapalit sa mga pirma. Ito ang iyong “katapatan” sa Diyos. Noong nagwawala ang masasamang tao sa paggawa ng masasamang bagay at nagdudulot ng mga pagkagambala at kaguluhan sa gawain ng iglesia, at nang makita mo ang mga tao na nagiging pabasta-basta sa paggampan ng kanilang mga tungkulin at nagiging palamunin sa sambahayan ng Diyos, nagbingi-bingihan at nagpapakahangal ka, nagkukunwaring hindi nakakakita at nagkukunwaring walang alam, habang iniisip sa iyong puso, “Handa akong maging tapat sa Diyos, handa akong magbantay sa aking puwesto para sa sambahayan ng Diyos, bantayang mabuti ang pintuan nito, at bantayang mabuti ang kawan.” Handa ka, pero nagawa mo ba ito? Sinasabi mong handa kang magbantay sa iyong puwesto at magsagawa ng mahigpit na mga pagsusuri para sa sambahayan ng Diyos at bantayang mabuti ang pintuan nito, pero taglay mo ba ang katapatan sa Diyos? Kalipikado ka bang sabihin ang mga salitang ito? Mayroon ka bang anumang kamalayan sa sarili? Masyadong mataas ang tingin mo sa iyong sarili! Kung hindi mo ito kayang gawin, huwag kang magsalita nang walang-ingat. Sinasabi mong handa ka, at nagpapasya ka at nanunumpa ng mga panata sa harap ng Diyos. Pagkatapos mong manumpa ng mga panata, naghihintay ang Diyos; mag-oobserba ang Diyos at manonood, para makita kung ano ang susunod mong gagawin, kung isasagawa mo ba ang katotohanan, at kung natupad ba ang mga salitang sinabi mo. Kung hindi mo natutupad ang mga ito, kung gayon, sa paningin ng Diyos ay isa kang manlilinlang, at ang mga pagpapasyang ginawa mo at mga panatang ipinanumpa mo sa harap ng Diyos ay isang bungkos ng mga kasinungalingan. Lantaran mong nililinlang ang Diyos at lantaran mong sinusubukang lokohin ang Diyos; anong klaseng bagay ka? Iniisip mo ba na ang pagpapahayag lamang ng iyong determinasyon sa Diyos, pagsusumikap nang kaunti, at paggawa nang pabasta-basta ay maituturing na pagsasagawa sa katotohanan? Ipinagkanulo mo ang mga interes ng sambahayan ng Diyos, ngunit gusto mo pa ring tanggapin ka ng Diyos, at gusto mo pa ring sang-ayunan ka ng hinirang na mga tao ng Diyos; gusto mo pa ngang makipagtawaran sa Diyos, at gusto mo pa ngang tumanggap ng gantimpala—talaga bang magiging ganoon kaganda ang mga bagay-bagay para sa iyo? Nililinlang mo ang Diyos at pinakikitunguhan Siya nang pabasta-basta, at pinaglalaruan mo Siya, ngunit gusto mo pa ring bigyan ka ng Diyos ng gantimpala; anong klaseng bagay ka? Kung kaya mong gawin ito, may buhay ka ba? Kung may konsensiya at katwiran ng tao ang tiwaling sangkatauhan, hindi nila tatratuhin ang Diyos nang ganito pagkatapos makinig sa mga sermon sa loob ngnapakaraming taon. Ngunit maraming taon ka nang nananampalataya sa Diyos at nakikinig ka sa mga sermon sa loob ng napakaraming taon, at kaya mo pa ring tratuhin ang Diyos nang ganito, ginagamit ang sarili mong kahandaan para pumalit sa puwesto ng pagsasagawa ng katotohanan, para subukang lokohin ang Diyos at pakitunguhan Siya nang pabasta-basta, at para linlangin Siya at paglaruan Siya. Sabihin mo sa Akin, anong klaseng bagay ka? Isa kang Satanas, isang diyablo—hindi isang tao. Sa paningin ng Diyos, hindi ka man lang isang nilikha; isa ka lang diyablo, isang hamak na taong karapat-dapat mamatay! Sabihin mo sa Akin, hindi ba't karapat-dapat mamatay ang gayong tao? (Oo.)

Iniisip ng ilang tao na nagpakapagod sila nang husto sa paggampan ng kanilang mga tungkulin sa sambahayan ng Diyos, at na handa silang igugol ang kanilang sarili para sa Diyos, handang makinig sa mga salita ng Diyos, at handang isagawa ang katotohanan. Kapag sinasabi nilang handa sila, nakakaramdam sila ng kaunting pagkaantig at mayroon silang kaunting sinseridad, at kaya itinataas nila ang kanilang sarili bilang mga taong tulad ni Pedro na naghahangad sa katotohanan at nagsasagawa ng katotohanan, iniluluklok ang kanilang sarili sa isang trono. Ito ba ay isang bagay na dapat gawin ng isang nilikha? Dapat bang magkaroon ng gayong mga pagpapamalas ang isang nilikha? (Hindi.) Ang isang taong may buhay pagpasok ay hindi lamang may kahandaan; sa halip, batay sa kahandaang iyon, mayroon siyang pagsasagawa at mayroon siyang pagpasok. Ano, kung gayon, ang magiging mga pagpapamalas ng gayong tao? Ang pagkakaroon ng buhay pagpasok ay nangangahulugan na unti-unting iwinawaksi ng isang tao ang kanyang mga tiwaling disposisyon at unti-unting nagiging buhay niya ang mga salita ng Diyos. Ano ang karaniwang ibinubunyag at isinasabuhay ng mga tao na may mga salita ng Diyos bilang kanilang buhay? Anong saloobin mayroon sila sa Diyos? Ano ang mga pagpapamalas nila sa paggampan ng kanilang mga tungkulin? (Ang isang taong may buhay pagpasok ay may ilang pangunahing pagpapamalas. Una, mayroon siyang tunay na pagkakilala sa kanyang sarili. Nakikita niyang masyado pa siyang nagkukulang sa mga hinihingi ng Diyos at na masyado pang maliit ang kanyang tayog. Nakakaramdam siya ng pasakit at pagkabagabag sa ilan sa kanyang mga pagsalangsang at mga pagbubunyag ng katiwalian, at umaasa rin siya na makaranas ng mas marami pang kapaligirang inihanda ng Diyos at makapagbuhat ng mas marami pang pasanin, sinasanay ang kanyang sarili sa pagsasagawa sa katotohanan sa prosesong ito, dahil sa ganitong paraan lang niya makakamit ang katotohanan. Pangalawa, sa pinakamababa, kaya niyang iwasan ang maging pabasta-basta sa paggampan ng kanyang tungkulin at kaya niyang madalas na magnilay sa kanyang sarili. Kung matutuklasan niya na lumabag siya sa mga prinsipyo o nagkulang sa ilang aspekto, kaya niyang maagap na itama ang landas. Dagdag pa rito, pagdating sa mga usaping may kinalaman sa mga atas administratibo ng Diyos o may kinalaman sa mga handog ng Diyos, mayroon siyang may-takot-sa-Diyos na puso at hindi siya nangangahas na lapastanganin ang disposisyon ng Diyos.) (Gusto kong magdagdag ng isang punto. Ang isang taong may buhay pagpasok ay magiging mapagbantay at maingat sa paggampan ng kanyang tungkulin, magsusumikap sa mga salita ng Diyos at maghahanap sa mga katotohanang prinsipyo, at iiwas sa pagkilos nang walang pakundangan ayon sa sarili niyang kalooban. Makikipagtalakayan din siya tungkol sa mga bagay-bagay at makikipag-usap sa mga taong nakakaunawa sa katotohanan, at magsasagawa siya ayon sa mga katotohanang prinsipyo.) Sa aktuwal nilang buhay, ang mga taong may buhay pagpasok ay may kaukulang pagsasabuhay at mga pagbubunyag. Hindi sila nananatili sa antas ng mga intensiyon; hindi lang sila handang maging tapat at handang magpasakop. Sa halip, mayroon silang aktuwal na pagsasabuhay at mga pagbubunyag. Ang pinakasimpleng punto ay na, anuman ang mangyari sa pang-araw-araw nilang buhay, kaya nilang kusang-loob at may-kamalayang hanapin ang mga katotohanang prinsipyo. Bago kumilos, kinukuha muna nila ang mga prinsipyo para sa paggawa nito at nagkakamit sila ng malinaw na pagkaunawa sa mga ito, at hindi sila walang pakundangang gumagawa ng mga maling gawa. Kung hindi sila nakakaunawa, hinahanap nila ang mga prinsipyo sa mga salita ng Diyos. Kung hindi pa rin ito lubos na malinaw sa kanila pagkatapos nilang mahanap ang mga ito, naghahanap sila ng isang taong nakakaunawa sa katotohanan para makipagbahaginan at magtalakay pa sa mga ito. Sa sandaling maunawaan nila ang mga prinsipyo, kaya na nilang isagawa ang mga ito. Sa positibong banda, lubos silang kusang-loob at lubos na masigasig sa pagsasagawa sa katotohanan. Anuman ang makaharap nila, malaki man o maliit ang usapin—at lalo na kapag isa itong malaking usapin na may kinalaman sa gawain ng sambahayan ng Diyos—lalo silang maingat. Hindi sila kaswal na gumagawa ng mga desisyon nang mag-isa kundi mas kumokonsulta sila sa iba, mas nagtatanong, at mas naghahanap. Sa negatibong banda, kapag nakagawa sila ng mali, kaya nilang pagnilayan at kilalanin ang kanilang mga tiwaling disposisyon, at kilalanin ang kanilang mga kakulangan at kapintasan, ang mga aspekto na hindi nila batid, at ang mga aspekto kung saan may tendensiya silang maging negatibo at manghina at mabigong makipagsabayan. Madalas nilang pinagninilayan ang kanilang sarili. Sa prosesong ito, una, nagdarasal sila sa Diyos at naghahanap sa katotohanan, pinagninilayan at kinikilala ang kanilang sarili sa pamamagitan ng mga salita ng paghatol at paglalantad ng Diyos; pangalawa, hinihiling nila sa kanilang mga kapatid na magbigay ng puna. Pagkatapos makumpleto ang isang gampanin, paulit-ulit nilang pinagbubulayan kung lumabag ba sila sa mga prinsipyo sa anumang aspekto, kung mayroon ba silang nakaligtaan, kung mayroon bang anumang pagbaluktot, o kung mayroon bang anumang pagkakaiba sa mga pagsasaayos ng gawain ng Itaas. Patuloy nilang pinagninilayan ang kanilang sarili. Maging sa positibong banda man o sa negatibong banda, ang layon at direksiyon ng kanilang pagsasagawa ay ang magsikap na kumilos ayon sa mga katotohanang prinsipyo at maging katugma ng mga katotohanang prinsipyo, sa halip na kumilos ayon sa sarili nilang kalooban. Kung hindi nila nauunawaan ang mga katotohanang prinsipyo o hindi malinaw sa kanila ang tungkol sa mga ito, hindi nila kinikimkim ang usapin sa loob nila. Sa halip, naghahanap sila ng mga taong nakakaunawa sa katotohanan at nakikipagbahaginan sa kanila hanggang sa nagiging malinaw ang mga prinsipyo, at saka lang nila isinasagawa at ipinapatupad ang mga prinsipyo. Sa madaling salita, pagdating sa pagsasagawa, hindi sila kumikilos ayon sa kanilang mga kagustuhan o ayon sa lagay ng kanilang loob, lalong hindi sila walang pakundangang gumagawa ng mga maling gawa ayon sa sarili nilang kalooban; sa halip, kaya nilang hanapin ang katotohanan at gampanan ang kanilang mga tungkulin ayon sa mga prinsipyo. Ito ang kanilang pagpapamalas sa pagsasagawa. Dagdag pa rito, pagdating sa kanilang saloobin sa Diyos, sa kung paano nila tinatrato ang mga hinihingi ng Diyos at tinatrato ang bawat aspekto ng mga usaping nauugnay sa Diyos, kaya nilang magkaroon ng may-takot-sa-Diyos na puso, at magkaroon ng isang puso na natatakot sa Diyos, at isang puso na nanginginig sa pangamba. Labis silang natatakot na baka masaktan nila ang puso ng Diyos sa pamamagitan ng pagtahak sa maling landas o paggawa ng maling bagay, at labis silang natatakot na baka magkasala sila sa Diyos, lumabag sa mga atas administratibo ng Diyos, o lumapastangan sa disposisyon ng Diyos. Mayroon silang ganitong mentalidad sa Diyos, at mayroon silang ganitong mga aktuwal na pagkilos at pagbubunyag sa pagtrato nila sa katotohanan at sa pagtrato nila sa mga katotohanang prinsipyo; ito lamang ang bumubuo sa buhay pagpasok, tama? (Oo.) Mayroon ba kayong mga pagpapamalas na ito? Ang mga nagtataglay ng mga pagpapamalas na ito ay may buhay pagpasok; ang mga hindi nagtataglay ng mga pagpapamalas na ito ay pawang nagtatrabaho. Kung tatanungin ka kung ano ang pinagkakaabalahan mo habang nagpapabalik-balik ka at iginugugol mo ang iyong sarili araw-araw, at sasabihin mong ginagampanan mo ang iyong tungkulin at nag-aalay ka ng debosyon sa Diyos, kung gayon, may prinsipyo ba ang iyong mga salita at kilos? Nakabatay ba ang mga ito sa mga salita ng Diyos? Kung ang bawat salitang sinasabi mo, lahat ng bagay na ginagawa mo, at bawat pananaw na pinanghahawakan mo ay hindi nakabatay sa mga salita ng Diyos at sa katotohanan, kung hindi mo hinahanap ang katotohanan kapag may mga nangyayari at wala kang buhay pagpasok, hindi ba't nagtatrabaho ka lang? Sa magandang pananalita, nagtatrabaho ka; sa prangkang pananalita, nagsusumikap ka lang; at sa mas prangkang pananalita, ibinebenta mo lang ang iyong trabaho! Ang pagbebenta ng iyong trabaho ay katumbas ng pagtatrabaho. Ano ang makakamit mo sa pagbebenta ng iyong trabaho? Nagkakamit ka lang ng kaunting biyaya: kumakain ng masasarap na pagkain, nagsusuot ng magagandang damit, nagtatamasa ng ilang kaginhawahan sa buhay, naninirahan sa medyo maluwang na lugar, at nagiging medyo mainit sa taglamig at medyo presko sa tag-init. Napakainam na niyon. Nagsusumikap ka lang; ano pa ang inaasahan mong makamit? Handa ka lang na gampanan ang iyong tungkulin pero hindi mo isinasagawa ang katotohanan. Hindi ito pagsunod sa daan ng Diyos. Kung gayon, ang ginagawa mo ay pagtatrabaho lamang. Ang mga nagtatrabaho ay hindi nagsasagawa ng katotohanan at walang mga prinsipyo sa anumang ginagawa nila. Ang pagtatrabaho sa ganitong paraan, hindi sila makakapagkamit ng buhay; ang makapagtamasa ng kaunting biyaya ay napakainam na. Handa kang magsumikap, at bilang pagsasaalang-alang sa iyong pagpapakapagod, tinutustusan ka ng sambahayan ng Diyos ng ilang pang-araw-araw na pangangailangan para makapamuhay ka nang medyo mas maayos, magkaroon ng mga sariwang gulay sa buong taon, at makakain ng ilang organikong pagkain. Biyaya na ito ng Diyos—ano pa ang inaasahan mong matamasa? Kung nagtrabaho at nagsumikap ka para kumita ng pera sa mundo, ano ang makakaya mong kainin o isuot? Hindi basta-basta ibibigay sa iyo ang pagkain o damit; kailangang mong kitain ang pera para ikaw mismo ang bumili sa mga ito, at kailangan mo ring tiisin ang pagmamaltrato at pang-aapi ng iba. Sa pamamagitan ng pagsusumikap sa sambahayan ng Diyos, matatamasa mo ang biyaya ng Diyos at kahit papaano ay hindi ka maaapi; makakakain ka nang maayos, makakapanamit nang maayos, makakatira sa isang magandang lugar, at mamumuhay ng isang kaaya-ayang buhay. Walang nang-aapi sa iyo, walang umaatake at gumaganti sa iyo, at kapag nagkasakit ka, inaalagaan at binabantayan ka ng mga kapatid. Hindi ba't biyaya ito? Hindi ba't ito ang mga bagay na hinahanap ninyo? Kung ito ang lahat ng hinahanap ninyo, natamo na ninyo ang mga ito; nakamit na ninyo ang hinanap ninyo. Hindi ba't ito ang mga bagay na hinahanap ng mga taong walang buhay? Hindi ba't nagkatotoo na ang lahat ng nais nila sa paghahanap sa mga bagay na ito? Ang iyong “kahandaan” ay maaari lamang ipagpapalit sa biyayang ito at sa pagtatamasa mula sa Diyos. Napakainam na niyon; hindi ka dinaya ng Diyos. Sa katunayan, walang halaga ang “kahandaan” mong iyon. Kung walang buhay pagpasok, hindi mo ito maaaring ipagpapalit sa buhay; maaari mo lang itong ipagpapalit sa kaunting biyaya. Hindi ba't ang biyayang naipagpalit ninyo rito ay lampas na sa hiningi o inisip ninyo? (Oo.) Kung gayon, ito ba ang gusto ninyo? Ito ba ang hinahangad ninyo? Noong una kayong sumampalataya sa Diyos, umasa lang ba kayo na makamit ang biyayang ito at doon na magtapos? (Hindi.) Kung gayon, mayroon ba kayong iba pang mga adhikain? (Oo. Nais din naming hangarin na magtamo ng kaligtasan.) Kung mayroon ka lang ng intensiyon na isagawa ang katotohanan pero hindi mo ito isinasagawa kailanman, maisasakatuparan pa ba ang adhikain mong ito—ang hangaring magtamo ng kaligtasan? (Hindi.) Bakit hindi ito maisasakatuparan? Dahil nananatili ka lang sa antas ng kahandaan at hindi mo isinagawa ang katotohanan. Namumuhay ka sa isang kapaligiran ng pisikal na kaginhawahan at kaalwanan, nagtatamasa sa biyaya ng Diyos, at nakakaramdam ng labis na kasiyahan sa iyong puso. Mabuti bang magpatuloy nang ganito? (Hindi.) Ano ang mali rito? Hindi ba't ito ang mismong mga bagay na hinahangad ninyo? (Ang manatili lang sa antas ng mga intensiyon nang hindi isinasagawa ang katotohanan, at nang hindi isinasabuhay ang isang wangis ng tao—sa tingin ko ay walang kabuluhan at walang halaga ang mamuhay sa ganitong paraan.) Hindi ba ninyo iniisip na ang pagkain at pananamit nang maayos ang bumububo sa halaga ng pamumuhay? Pagkain nang maayos, pananamit nang maayos, paninirahan sa isang magandang lugar, at pagtatamasa ng isang magandang buhay; isang buong buhay na walang mga pag-aalala tungkol sa pagkain o damit at pagtatamasa ng yaman, karangalan, at kapayapaan—hindi ba't ito ang mga bagay na hinangad ng mga emperador noon? Kahit ang mga emperador ay naghangad sa mga bagay na ito, kaya ano pa ang inaasahang hangarin ng mga hamak na taong tulad ninyo? Tingnan ninyo ang bawat isa sa inyo: Hindi ninyo hinahangad ang buhay at hindi ninyo hinahangad ang pagtatamo ng kaligtasan; hinahangad lang ninyo ang pagkain nang maayos, pananamit nang maayos, at pagtatamasa ng isang magandang buhay. Hindi ba't iyon ang buong saklaw ng inyong paghahangad? Masyadong madaling makamit ang napakaliit na paghahangad. Hindi na kailangang pagbahaginan ang katotohanan; maging ang isang karagdagang salita ng pagbabahaginan ay magiging hindi angkop. Hindi ninyo kailangan ang katotohanan. Ano ang kailangan ninyo? Lahat kayo ay naghahangad na magpakabusog sa tinapay. Hangga't tinatamasa ng inyong laman ang kapayapaan at kagalakan, mayroon kayong pagkain at damit, at namumuhay kayo nang masaya sa buong buhay na ito, sapat na iyon para sa inyo, at hindi ninyo hinahangad ang pagtatamo ng kaligtasan. Samakatwid, karamihan sa mga tao ay may kaunting kamalayan o determinasyon patungkol sa paghahangad sa katotohanan. Inuulit Ko nang isandaang beses ang isang pahayag tungkol sa mga katotohanang prinsipyo, at ilan sa inyo ang kayang tanggapin ito? Ilan sa inyo ang kayang isapuso ito? Napakakaunti, sa nakikita Ko. Nagkaroon Ako ng mga pakikitungo sa inyo sa loob ng napakaraming taon. Anuman ang usaping pinangangasiwaan—isa man itong pangkalahatang usapin, o isang usaping may kinalaman sa gawain ng iglesia o may kinalaman sa paggampan ng mga tungkulin—kung magsasalita lang Ako nang mahinahon nang hindi nagbibigay ng partikular na diin sa sinasabi Ko, at nang hindi gumagamit ng mariing tono, natutuklasan Ko na pagkatapos ay napakakaunting tao ang nakakasunod sa mga katotohanang prinsipyo, at mahigpit na nakakapagsagawa sa mga bagay-bagay at nakapagpapatupad sa mga ito ayon sa mga katotohanang prinsipyo. Naibahagi Ko na ang mga katotohanang prinsipyo sa loob ng napakaraming taon, ngunit hindi pa rin ninyo maunawaan ang mga ito at wala kayong kamalayan sa mga ito sa inyong puso. Kailangan may isang taong magpungos sa inyo at magdisiplina sa inyo bago ninyo matandaan at masunod ang mga ito. Kung magsasalita lang Ako sa inyo nang mahinahon, nananatili kayong walang kamalay-malay at hindi ninyo sineseryoso ang pagsasagawa sa katotohanan kahit kaunti. Ang mga taong may kaunting kakayahan ay nakakaunawa lang ng kaunting doktrina at pagkatapos ay iniisip nila na nakapasok na sila sa katotohanang realidad at lubos pa nga silang nasisiyahan sa kanilang sarili. Ang ilan ay nagbabakasakali pa nga, nagpapasikat. Hindi ba't ito ay kawalan ng kahihiyan?

Kamakailan, nilulutas Ko ang mga problema sa isang partikular na iglesia, at nagbahagi Ako ng ilang prinsipyo sa kanila. Naibahagi Ko na ang mga prinsipyong ito nang ilang beses sa nakalipas na ilang taon, ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin ito naaarok ng mga namamahala. Nagsasalita lang Ako nang mahinahon, pero hindi maunawaan ng ilang tao ang wika ng tao. Hindi nila alam kung ano ang gagawin, at hindi nila alam kung paano ipatupad ang mga bagay-bagay. Maraming beses Ko nang sinabi ang mga bagay na ito pero pumapasok lamang ang mga ito sa isang tainga at lumalabas sa kabila; halos tubuan na ngkalyo ang mga tainga nila sa pagkarinig sa mga ito, ngunit hindi pa rin sila nakakaunawa. Sabihin ninyo sa Akin, anong klaseng mga bagay sila? Sila ba ay mga tao? Nagsasalita Ako nang napakalinaw, sinasabi sa kanila ang mga prinsipyo kung paano dapat pangasiwaan ang isang usapin at kung paano ito dapat gawin. Regular din Akong nagbabahagi ng katotohanan, at kapag lumilitaw ang mga espesyal na sitwasyon, nagbabahagi Ako ng ilang espesyal na prinsipyo. Ngunit kahit ngayon, hindi pa rin nila alam kung ano ang mga prinsipyo. Sabihin ninyo sa Akin, kaya ba nilang sumunod sa mga prinsipyo? Kaya ba nilang magsagawa ayon sa mga katotohanang prinsipyo? Hindi nila kayang sumunod sa mga prinsipyo, ni hindi nila kayang magsagawa ayon sa mga katotohanang prinsipyo, kaya ang ginagawa nila ay hindi maituturing na paggampan ng tungkulin. Ano, kung gayon, ang ginagawa nila? Hindi ba't nagsusumikap lang sila? Kung hindi mo kayang sumunod sa mga katotohanang prinsipyo na sinabi Ko sa iyo, ang pagsusumikap ba nang kaunti ay pagsasagawa sa katotohanan? Nangangahulugan ba ito na mayroon kang buhay pagpasok? Hindi iyon buhay pagpasok; iyon ay pagtatrabaho. Kung kikita ka ng pambili ng iyong pagkain mula sa pagtatrabaho mo, napakainam na niyon; hindi ka magkakamit ng buhay. Hindi mo maunawaan ang mga katotohanang prinsipyong sinasabi Ko, kaya paano kita ilalarawan? Kung nauunawaan mo ang mga katotohanang prinsipyo, kung gayon ay nagtataglay ka ng pagkatao, ikaw ay isang tao. Kung hindi mo nauunawaan ang mga katotohanang prinsipyo, kung gayon ay wala kang pagkatao, ikaw ay isang hayop. Kung nasusuya ka sa katotohanan at namumuhi sa katotohanan, at sadyang kinakalaban mo ang sambahayan ng Diyos, kung gayon ay isa kang Satanas, at isa kang diyablo. Kung nauunawaan mo ang sinasabi Ko at kumikilos ka nang naaayon—kung nauunawaan mo nang hindi Ko na kailangang bigyang-diin ito sa ikalawang pagkakataon at nang hindi Ko na kailangang udyukan ka muli, kung nakakapagsagawa ka ayon sa Aking mga salita, at patuloy kang nananatiling matatag sa mga ito—kung gayon ay nakikita Ko na mayroon kang konsensiya at katwiran. Sa Aking puso, iginagalang kita at pinahahalagahan kita, at tinatrato kita bilang isang tao. Kung may nasabi Ako nang isang libo o sampung libong beses at hindi mo pa rin ito nauunawaan, kung gayon ay hindi kita tinatrato bilang isang tao; sa Aking puso, hindi ka isang tao, ikaw ay isang hayop. Bakit? Kung hindi mo man lang maunawaan ang mga salitang sinabi Ko nang napakasimple at napakalinaw, at napakahayag, kung gayon, ano ka ba maliban sa isang hayop? Mas masahol ka pa sa isang hayop. Ang aso Ko ay nakakaunawa ng mga bagay na karaniwang sinasabi ng mga tao. Maaaring hindi nito alam kung ano ang gusto Kong gawin nito, pero pagkatapos manirahan kasama Ko sa loob ng napakaraming taon, alam na nito kung ano ang ayaw Kong gawin nito. Karaniwan, iniiwasan nitong gawin ang anumang bagay na alam nitong hindi Ko gusto. Paano ito makikita? Halimbawa, kapag dinidisiplina Ko ang mga tuta nito, nakikipagtulungan ito hangga't kaya nito, labis na natatakot na baka hindi makaunawa ang dalawang maliliit na aso at gagalitin ng mga ito ang kanilang amo. Alam nito na hindi ito pinapayagang kagatin ang mga bagay o damit na nakasampay para matuyo sa bakuran at na magagalit ang amo nito kung gagawin nito iyon. Sa tuwing pumapasok ito sa bakuran, pinapaamo muna nito ang dalawang tuta at pinipigilan ang mga ito na kagatin ang mga nakasampay para ipatuyo. Kung nakakagawa ito ng isang bagay na ikinagagalit Ko, patuloy nitong sinusubukang suyuin Ako at pasayahin Ako. Kapag gusto Ko na itong himasin at kausapin muli ay saka lang ito nagiging masaya. Napakasimple ng pag-iisip ng isang aso, pero nagtataglay ang isang aso ng isang pinakamahalagang bagay na wala ang tiwaling sangkatauhan: Ang sinseridad ng isang aso ay isang bagay na wala sa sangkatauhan. Kung walang sinseridad ang sangkatauhan, paano sila matatawag na sangkatauhan? Bagama't nababalot ng balat ng tao ang mga miyembro ng sangkatauhan at sa panlabas ay may anyo ng tao, sa diwa ay hindi sila mga tao. Wala sila ng kahit pinakabatayang konsensiya at katwiran, kaya paano sila makakapagpamalas ng sinseridad? Ang ilang tao ay nakakaunawa sa mga prinsipyo at kaya nilang isagawa ang mga ito; ang gayong mga tao ay matatawag na mga tao. Bakit ganoon? (Una, ang abilidad nilang makaunawa sa mga prinsipyo ay nagpapakita na mayroon silang espirituwal na pang-unawa at alam nila ang kahulugan ng mga salita ng Diyos at mga layunin ng Diyos. Pangalawa, nagtataglay ang gayong mga tao ng konsensiya at katwiran, may mga hangganan para sa kanilang sariling asal, at kaya nilang itaguyod ang mga prinsipyo; samakatwid, tanging ang gayong mga tao ang matatawag na mga tao.) Tama iyan. Una, mayroon silang abilidad na umarok. Nakakaunawa sila ng wika ng tao at kaya nilang mag-isip at umarok sa mga paraang karaniwan sa ibang mga tao. Pangalawa, nagtataglay sila ng konsensiya at katwiran, sila ay may mga hangganan ng konsensiya, handang magsagawa sa katotohanan, at kayang magsagawa nito. Ang gayong tao ay matatawag na isang tao; ang mga hindi nagtataglay ng dalawang bagay na ito ay hindi mga tao. Kung ang isang tao ay hindi tao, paano siya magtataglay ng konsensiya at magtataglay ng katwiran? Kung walang konsensiya at katwiran, paano niya magagawang unawain ang wika ng tao? Ang isang taong walang konsensiya at katwiran ay hindi man lang makasunod sa mga regulasyon sa kabila ng pag-unawa sa kaunting doktrina at kagustuhang gawin iyon. Ngunit iniisip pa rin niya na ang kanyang kahandaang isagawa ang katotohanan ay nangangahulugang siya ay isang taong tapat sa Diyos at isang taong tinatanggap at minamahal ng Diyos. Hindi ba't ito ang lohika ng isang tampalasan? (Oo.) Sa huli, hindi makakamit ng mga taong may lohika ng isang tampalasan ang katotohanan. Anong klaseng mga tao ang may lohika ng isang tampalasan? Mga taong magulo ang isip. Palaging nakakaisip ng lohika ng isang tampalasan ang mga taong magulo ang isip. Ano ang ibig Kong sabihin sa pagsasabi sa inyo ng mga bagay na ito? Sinusubukan Ko bang udyukan kayo na isagawa ang katotohanan, o inilalantad Ko ba ang diwa ng inyong mga problema? (Ipinapakita Mo sa amin nang malinaw na hindi pa namin natatahak ang landas ng paghahangad sa katotohanan at hinihimok Mo kaming magsimula sa landas na iyon.) Sinasabi ng ilang tao, “Hindi ba't sinasabi Mo ang mga bagay na ito para lang udyukan kaming isagawa ang katotohanan?” Talagang hindi iyon ang ibig Kong sabihin. Nasa sa iyo na iyon kung kaya mong isagawa ang katotohanan at wala itong kinalaman sa Akin. Sa sandaling malinaw Ko nang naibahagi ang mga katotohanang dapat Kong ibahagi, matutupad Ko na ang Aking mga responsabilidad at obligasyon. Tungkol naman sa kung aling landas ang pipiliin mo at anong daan ang tatahakin mo, hindi Ako nakikialam. Kung makapagtatamo ka ba sa huli ng kaligtasan ay ganap na nakasalalay sa sarili mong mga pagpili at ganap na nakadepende sa daang tatahakin mo; nagtatapos dito ang Aking responsabilidad sa inyo. Ibig sabihin, kinukuha Ko angang lahat ng katotohanang dapat ninyong maunawaan at sinasabi ang mga ito sa inyo, at kung handa kayong isagawa ang mga ito, natural na mas mabuti iyon, pero kung hindi kayo handa, hindi Ako makikialam. Tiyak na hindi Ko kayo susundan araw-araw at pangangasiwaan, lalong hindi Ko kayo pipiliting isagawa ang katotohanan. Hindi Ako gumagawa ng gayong mga bagay; hindi iyon ang Aking gawain, ni hindi iyon napapaloob sa saklaw ng Aking gawain. Kung hinihingi ninyo sa Akin na tratuhin kayo na parang mga alipin, pinupungusan at dinidisiplina kayo araw-araw bago kayo makasunod sa ilang panuntunan, makapagpakita ng kaunting pagsunod, at makapagsagawa nang kaunti sa katotohanan, kung gayon, sa Aking paningin, ang gayong mga tao ay iyong mga hindi na maililigtas. Kung nasabi Ko na ang mga katotohanang prinsipyo nang isang libo o sampung libong beses at hindi pa rin ninyo nauunawaan ang mga ito at hindi kayo naghahanap, ano pa ang masasabi Ko? Ano ang Aking saloobin tungkol dito? Gawin ninyo kung ano ang gusto ninyo. Kung hindi kayo handang makinig, huwag kayong makinig. Maaari kayong manampalataya paano man ninyo gusto; hindi Ako makikialam, ni hindi Ko nanaising gumugol ng ganoong pagsisikap. Libreng ipinagkaloob sa inyo ang katotohanan, pero hindi ninyo alam kung paano ito pahalagahan. Kung makapagtatamo kayo sa huli ng kaligtasan ay sarili na ninyong usapin at walang kinalaman sa Akin. Kung palagi kang kailangang umasa sa ibang tao para pangasiwaan, pungusan, at disiplinahin ka bago ka bahagyang makapagsagawa nang kaunti sa katotohanan o makagawa ng isang bagay na kapaki-pakinabang sa gawain ng sambahayan ng Diyos at sa iyong tungkulin, kung gayon ay hindi ito ang gusto Ko. Kung ganito kayong lahat, kung gayon ay walang kabuluhan ang Aking pakikipagbahaginan tungkol sa katotohanan; ang pagbabahagi tungkol sa anumang aspekto ng katotohanan ay magiging kalabisan, at magiging ganap na hindi kinakailangan. Kung hindi man lang kayo nagtataglay konsensiya at katwiran na dapat taglayin ng normal na pagkatao, at pagkatapos marinig ang napakaraming katotohanang naibahagi ay wala pa rin kayong subhetibong intensiyon o plano kung paano isagawa ang katotohanan at kung paano pumasok sa katotohanang realidad, kung gayon ay wala kayong pag-asang magtamo ng kaligtasan. Tama ba? (Oo.)

Palaging sinusubukan ng ilang tao na maglaro ng isip at manlinlang sa Akin. Sa tuwing may ginagawa sila, naghihintay sila na magbigay Ako ng utos bago kumilos. Kahit ilang beses Ko nang naibahagi ang mga prinsipyo, wala itong epekto sa kanila; sadyang hindi sila nagsasagawa ayon sa mga prinsipyo. Patuloy nilang iniisip, “Kailangan kong makakuha ng utos mula sa Iyo tungkol sa usaping ito. Kung sasabihin Mong puwede naming gawin ito, gagawin namin ito; kung sasabihin Mong hindi puwede, hindi namin gagawin. Paano kung kumilos ako ayon sa mga prinsipyong ipinaliwanag Mo at, kapag natapos Ako, hindi Ka masiyahan? Paano kung pahirapan Mo ako? Paano kung pagbayarin Mo ako sa mga kawalan?” Nakikipaglaro sila ng isip sa Akin, hindi kumikilos ayon sa mga prinsipyo ni hindi tinutupad ang mga responsabilidad ng isang tao. Wala silang ginagawa sa mga bagay na saklaw ng sarili nilang responsabilidad—pakikipagtulungan sa iba, pagtatalakay at pakikipagbahaginan ng mga usapin sa iba, o pagkonsulta sa mga sangguniang materyal. Sa halip, patuloy nila Akong hinahabol at iniinis, nagtatanong ng kung ano-ano at palaging nagsasabi, “Sa tingin Mo ba ay ayos lang na gawin ko ito sa ganitong paraan?” Sa katunayan, ipinaliwanag Ko na nang napakalinaw ang mga prinsipyo, pero sadyang hindi sineseryoso ng mga taong ito ang mga iyon. Iniisip nila, “Ang mga prinsipyong ibinahagi Mo ay isa lamang malawak na balangkas—mga salitang nilalayon na manlinlang sa mga tao. Dapat Mong sabihin sa akin kung paano harapin ang usaping ito, at dapat Mong ipaliwanag ang bawat detalye sa akin.” Hindi mo puwedeng tanggapin ang mga prinsipyong ipinaliwanag Ko at hindi seryosohin ang mga ito, at ipinapasabi mo sa Akin nang direkta kung paano gawin ang lahat ng bagay. Hindi ba't ginagawa ka nitong walang silbi? Wala ka bang utak? Wala ka bang mga kaisipan? Ano ang iyong tungkulin? Ayaw mong pasanin ang alinman sa mga tungkulin na dapat gampanan ng isang tao o ang mga responsabilidad na dapat niyang akuin; gusto mo lang na direkta Kong sabihin sa iyo kung ano ang gagawin. Ano, kung gayon, ang silbi ng iyong puso at utak? Ayaw mong ibuhos ang iyong puso rito, ayaw mong gamitin ang iyong utak, ni ayaw mong magsumikap, at natatakot ka ring umako ng responsabilidad. Anong klaseng tao ka? Hindi ba't isa kang di-mapagkakatiwalaang tuso? Napakahina ng iyong kakayahan, ngunit puno ka ng mga pakana! Hindi uubra ang subukan Akong lansihin nang ganito. Nakakasuklam na nga na hindi mo maunawaan ang mga prinsipyo, ngunit sinusubukan mo pa ring lansihin Ako at natatakot kang umako ng responsabilidad. Paano mo posibleng maisasagawa ang katotohanan? Ano ang kalikasan ng pagiging takot na umako ng responsabilidad habang ginagampanan ang sariling tungkulin? Mayroon bang anumang tunay na puso sa paggampan ng tungkulin ng isang tao sa ganitong paraan? Mayroon bang anumang debosyon? (Wala.) Kung walang tunay na puso ni debosyon, mayroon bang anumang buhay pagpasok? Ito ba ang paggampan ng tungkulin? (Hindi.) Kung gayon, ano ang kalikasan ng paggampan ng tungkulin ng isang tao sa ganitong paraan? Ito ay pagtatrabaho; iyon ang kalikasan nito. Nasusuklam Ako sa sinumang nakikipaglaro ng isip sa Akin. Kung gumagawa ka sa isang taimtim at praktikal na paraan, maagap na naghahanap kapag hindi ka nakakaunawa, at nagsasagawa ayon sa mga prinsipyo sa sandaling naitanong mo na ang tungkol sa mga ito at nagkaroon ka ng kalinawan, kung gayon, kahit pa minsan ay magtanong ka nang isa pang beses sa ilalim ng mga espesyal na sitwasyon, hindi Ako mababagabag sa mahina mong kakayahan. Pero kung ang isang tao ay palaging nakikipagtunggali sa Akin sa loob-loob niya, nakikipaglaro ng isip at sinusubukang isahan Ako, tumatangging umako ng anumang responsabilidad, tinatanong Ako tungkol sa lahat ng kinakaharap niya, at kumikilos lang pagkatapos Ko siyang bigyan ng tagubilin, anong problema ito? Sa panlabas, tila nagpapasakop siya sa Diyos sa lahat ng bagay, pero sa katunayan, nagiging tuso siya. Iniisip niya na kung may mangyayaring mali kapag kumikilos siya sa ganitong paraan, hindi siya magkakaroon ng anumang pananagutan; kasabay nito, maipapakita niya sa iba na nagpapasakop siya sa Diyos sa lahat ng bagay. Samakatwid, anuman ang gawin niya, palagi niyang gustong makarinig ng mga tagubiling personal na ibinibigay ng Diyos, na para bang lubos na malapit ang ugnayan nila sa Diyos. Hindi nila napagtatanto na ginugulo nito ang mga kaisipan ng Diyos, ginugulo ang Kanyang gawain, at nagiging sanhi ito na masuya at masuklam Siya sa kanila. Iniisip pa nga nila na ginagampanan nila ang kanilang mga tungkulin at iginugugol ang kanilang sarili para sa Diyos, na dapat silang gabayan ng Diyos sa ganitong paraan, na dapat silang pahintulutan ng sambahayan ng Diyos na kumilos nang ganito, at na dapat silang palayawin ng sambahayan ng Diyos na parang maliliit na sanggol. Saka lang sila nakakaramdam ng kasiyahan sa loob-loob nila at pakiramdam nila ay nasisiyahan sila. Anong klase ng pag-iisip ito? Ito ba ay isang taong naghahangad sa katotohanan? Mayroon bang katwiran ang gayong tao? (Wala.) Ang mga taong nakakaunawa sa katotohanan ay kumikilos nang may katwiran. Sa pinakamababa, nilulutas nila ang mga problemang kaya nilang lutasin mismo at hindi nila iniinis ang Diyos ng sunud-sunod na tanong. Kahit pa hindi nila kayang lutasin mismo ang isang problema, dapat silang maghanap at makipagbahaginan sa mga kapatid na nakikipagtulungan sa kanila o sa mga taong nakakaunawa sa katotohanan. Sa ganitong paraan, malulutas nila ang problema at makakahanap sila ng landas ng pagsasagawa. Kaya itong gawin ng isang taong may katwiran; ang mga taong walang katwiran ay may tendensiya na walang pakundangang gumawa ng mga maling gawa. Kung ang isang taong may buhay pagpasok ay nakakaunawa sa katotohanan, kayang magsagawa nito at pumasok sa katotohanang realidad, at nagtataglay ng mga salita ng Diyos bilang kanyang buhay, magkakaroon ba siya ng ganitong uri ng saloobin sa Diyos o aasal ba siya sa ganitong paraan? Makikipag-ugnayan ba siya sa Diyos sa ganitong paraan? (Hindi.) Hindi nila gagawin; tiyak iyon. Ano, kung gayon, ang nangyayari sa mga taong kumikilos sa ganitong paraan? Malinaw na hindi sila kailanman nagkaroon ng buhay pagpasok. Ginagawa nila ang lahat ng bagay nang ganap na ayon sa kanilang mga interes at intensiyon, ngunit patuloy nilang inaangkin na, “Handa akong maging tapat sa Diyos, handa akong magserbisyo para sa Diyos, at handa akong mamatay para sa Diyos! Hangga't handa ako, ako ay isang taong nagmamahal sa Diyos, at ako ay isang taong tapat at nagpapasakop sa Diyos!” Sa ilalim ng pagkukunwaring ito, iniisip nilang mayroon silang buhay. Talagang hindi nila alam ang posisyon nila sa sansinukob! Hindi ba't isa itong pagpapamalas ng kawalan ng katwiran? (Oo.) Kung may katwiran ang isang tao, ang “kahandaang” ito ay ituturing ba niya bilang buhay? (Hindi.) Bakit hindi? (Dahil nakikita niyang marami pa siyang tiwaling disposisyon na hindi pa nalulutas at maraming katotohanan na hindi niya kayang isagawa, at pakiramdam niya ay nagkukulang siya sa mga hinihingi ng Diyos, hindi niya iniisip na mayroon siyang buhay.) Ang pinakakapansin-pansing katangian ng isang taong may katwiran ay na kaya niyang madalas na pagnilayan ang kanyang sarili. Kapag natutuklasan niya ang kanyang mga problema, tinatrato niya ang mga ito nang makatwiran at nauunawaan niya ang mga ito, at hinahanap niya ang katotohanan para lutasin ang mga ito. Tanging ang gayong tao ang may tunay na buhay pagpasok. Ang mga taong nakakaunawa sa katotohanan ay pawang may tunay na pagkakilala sa kanilang sarili; lahat sila ay may tumpak na pagsusuri at pagtatasa sa kanilang sarili. Alam nila nang eksakto kung ano ang kanilang kakayahan, kung ano ang kanilang pagkatao, kung gaano karami sa mga salita ng Diyos at mga katotohanang prinsipyo ang naisagawa na nila, at kung gaano karami pa ang kailangan nilang isagawa. Magkakaroon sila ng mga pagsasaalang-alang na ito, at pagkatapos pagbulayan ang mga ito, magkakaroon sila ng mga ganitong nakamit. Pagkatapos magkaroon ng mga ganitong nakamit, iisipin nila, “Ang kahandaan ng tao pagdating sa kanyang subhetibong intensiyon ay hindi buhay. Walang silbi ang pagiging handa lamang; hindi ko pa naisasagawa ang katotohanan. Mayroon pa rin akong katiwalian at paghihimagsik sa loob ko, at hindi gaanong mabuti ang aking pagkatao. Palagi kong gustong ikumpara ang aking sarili sa iba, at anuman ang gawin ko, palagi kong gustong kumilos nang mag-isa at basta-basta. Hindi ko kailanman gustong makipagtalakayantungkol sa mga usapin o makipagtulungan kaninuman; gusto ko lang na ako mismo ang may huling salita. Minamaliit ko ang lahat at wala akong sinumang iginagalang. Ang mga ito ay hindi mga pagpapamalas ng pagtataglay ng pagkatao, at ang mga ito ay hindi mga pagpapamalas ng pagsasagawa sa katotohanan!” Sa pamamagitan ng pagninilay at pagkilala sa kanilang sarili nang inihahambing sa mga salita ng Diyos at sa mga patotoong batay sa karanasan ng kanilang mga kapatid, makakamit nila ang mga resultang ito at magkakaroon sila ng mga ganitong nakamit. Matapos magkaroon ng mga ganitong nakamit, nakakabuo ba sila ng kongklusyon tungkol sa kanilang paghahangad at tungkol sa iba't iba nilang pagpapamalas? (Oo.) Anong kongklusyon ang nabubuo nila? (Na hindi pa sila isang taong naghahangad sa katotohanan.) Kinikilala nila na hindi sila isang taong naghahangad sa katotohanan, na hindi nila nauunawaan ang katotohanan, at na malayong-malayo pa sila sa mga hinihingi ng Diyos. Kinikilala nila na sa paggampan ng kanilang tungkulin ay nagsumikap lang sila nang kaunti at hindi pa nila naisasagawa ang katotohanan. Ito ang kongklusyong nabubuo nila. Hindi ba't lalong tumitindi ang intensiyon nilang isagawa ang katotohanan kung gayon? (Oo.) Pagkatapos maabot ng mga taong may konsensiya at may katwiran ang mga resultang ito sa pamamagitan ng pagninilay, lalong tumitindi ang intensiyon nilang isagawa ang katotohanan. Kapag may nangyayari, pinagbubulayan nila kung anong mga mapaghimagsik na kaisipan ang mayroon sila, kung anong mga walang-katotohanang kaisipan at pananaw ang mayroon sila, kung anong mga tiwaling kalagayan at mga pagbubunyag ng mga tiwaling disposisyon ang mayroon sila, at kung paano sila dapat maghimagsik laban sa mga ito at kung paano nila dapat lutasin ang mga ito. Pagkatapos pagbulayan ang mga bagay na ito, hahanapin nila kung ano ang sinasabi ng mga salita ng Diyos at kung paano hinihingi ng Diyos sa tao na magsagawa, at hahanapin nila ang mga katotohanang prinsipyo. Kapag nahanap nila ang mga katotohanang prinsipyo, lalo pang tumitindi ang intensiyon nila na isagawa ang katotohanan. Alam nila kung ano ang mga hinihinging pamantayan ng Diyos at kung paano sila dapat magsagawa sa mga partikular na termino. Malinaw sa kanila ang landas, at ang susunod nilang hakbang ay ang magsagawa.

Sabihin ninyo sa Akin, kaya bang pagnilayan ng mga taong walang pagkamakatwiran ang sarili nila? (Hindi.) Hindi nila kailanman pagninilayan ang sarili nila; palagi nilang iniisip na bagama't mayroon silang mga tiwaling disposisyon, hindi nila kailanman ibinunyag ang mga ito, na palagi silang tama at mas magaling kaysa sa lahat ng iba pa sa lahat ng paraan, at na hindi sila kailanman nagkamali at hindi kailanman nakagawa ng anumang mali. Bakit nagagawa nilang mag-isip sa ganitong paraan? Ito ang ibig sabihin ng kawalan ng pagkamakatwiran. Hindi pagninilayan ng mga taong walang pagkamakatwiran ang sarili nila at hindi nila ikukumpara ang sarili nila sa mga salita ng Diyos. Hindi nila ikukumpara ang sarili nila sa mga salita ng Diyos at wala silang medyo tumpak na pagsusuri, pagtatasa, o pagkakilala sa sarili nila, kaya mayroon ba silang intensiyon na isagawa ang katotohanan? Hindi makakausbong sa loob nila ang intensiyong ito. Kung gayon, mamahalin ba nila ang katotohanan? Lalapit ba sila sa harap ng Diyos para hanapin ang katotohanan? Hindi. Naniniwala silang nagawa na nila ang lahat ng dapat nilang gawin, tulad lang ng sinabi ni Pablo, "Iningatan ko ang pananalig, nakipaglaban ako ng mabuting pakikipaglaban." Pagkatapos lang magsumikapnang kaunti, binubuo nila ang kongklusyong ito tungkol sa sarili nila, at kaya hindi nila hinahanap ang katotohanan. Inilalarawan ng mga taong walang pagkamakatwiran ang sarili nila sa ganitong paraan at hindi nila hinahanap ang katotohanan, kaya, may kakayahan ba silang isagawa ang katotohanan? (Wala.) Kahit pa paminsan-minsan ay sumusunod sila sa ilang regulasyon at gumagawa nang pabasta-basta, at sa panlabas ay mukhang isinasagawa nila ang katotohanan, sa realidad ay sumusunod sila sa mga regulasyon, ngunit naniniwala pa rin sila na isinasagawa nila ang katotohanan. Hindi ba't panlilinlang ito sa sarili? Bakit masyadong nahihilig ang mga tao na sumunod sa mga regulasyon? Ito ay dahil hindi sila magaling sa paghahanap sa katotohanan. Kung hindi nila hinahanap ang katotohanan, imposibleng maunawaan nila ang mga katotohanang prinsipyo, at imposibleng maunawaan nila kung ano ang landas ng pagsasagawa sa katotohanan. Samakatwid, anuman ang gawin nila, sumusunod lang sila sa ilang regulasyon at gumagawa nang pabasta-basta. Malinaw na sumusunod sila sa mga regulasyon ngunit sinasabi nilang isinasagawa nila ang katotohanan—isa itong pagkukunwari, isa itong panlilinlang, at isa itong paglalaro. Sumusunod ka lang sa isang regulasyon. Katulad lang ito ni Pablo: Nagdusa siya nang lubos at nagbayad ng malaking halaga sa kanyang gawain at pangangaral, ngunit gumawa lang siya nang pabasta-basta at hindi kailanman sumunod sa daan ng Diyos. Ibig sabihin, sa lahat ng ginawa niya, hindi niya kailanman hinanap ang mga layunin ng Diyos, hindi kailanman isinapuso ang mga salita ng Diyos, hindi siya kailanman nagsagawa ayon sa mga ito, at basta na lang kumilos ayon sa sarili niyang kalooban. Pagkatapos ay ginamit niya ang kanyang pagdurusa at paggugol bilang kapital para humingi ng gantimpala mula sa Diyos: "Natapos ko na ang takbuhin na dapat kong takbuhin. Ibigay Mo sa akin ang korona; ibigay Mo sa akin ang gantimpala!" May nagtanong sa kanya, "Alam mo ba kung sino ang Panginoong Jesus?" Sinabi niya, "Siya ay Cristo." Tinanong nila siyang muli, "Kung gayon, sino ka?" Sinabi niya, "Ako rin ay cristo." Hindi ba't nalantad ang tunay niyang kulay? Mayroon ba siyang anumang aktuwal na pagpapamalas ng pagsasagawa sa katotohanan? (Wala.) Ang mga taong hindi kailanman nagninilay sa sarili nila ay hindi kailanman makakaalam na isagawa ang katotohanan. Wala silang kamalayan sa pagsasagawa sa katotohanan at hindi nila kailanman hahanapin ang katotohanan. Hindi nila mahanap ang landas ng pagsasagawa sa katotohanan, lalong hindi nila maunawaan ang mga detalye ng pagsasagawa sa katotohanan. Samakatwid, kapag sinusubukan nilang magsulat ng isang artikulo ng patotoo tungkol sa buhay karanasan, kahit pa pagkatapos magsikap nang buong lakas, hindi sila makapagsulat. Gustong-gusto nilang magpakitang-gilas, at gustong-gustong magpakita kung ano ang kaya nilang gawin, pero hindi nila magawa; masyado silang nababalisa kaya pinagpapawisan sila, ngunit hindi pa rin sila makapagsulat ng kahit ano. Bakit ganito? Hindi nila kailanman isinagawa ang katotohanan at hindi kailanman pinagdaanan ang proseso ng paghahanap sa katotohanan at pagsasagawa nto. Ang mga tao bang ito ay may buhay pagpasok? (Wala.) May buhay ba ang mga taong walang buhay pagpasok? Wala silang buhay. Kung gayon, saan sila umaasa kapag ginagampanan nila ang mga tungkulin nila? (Umaasa sila sa sarili nilang kalooban at umaasa sa sarili nilang mga kagustuhan.) Tamang sabihin na umaasa sila sa sarili nilang kalooban at umaasa sa sarili nilang mga kagustuhan, pero nakakaramdam pa rin sila ng pagkaagrabyado at hindi nila ito tinatanggap. Kaya, masasabi natin ito sa ganitong paraan: Saan sila umaasa kapag ginagampanan nila ang mga tungkulin nila? Umaasa lang sila sa: "Handa akong isagawa ang katotohanan at palugdan ang Diyos; handa akong maging tapat sa Diyos; handa akong magpasakop sa katotohanan; handa akong tahakin ang daan ng pagkatakot sa Diyos at pag-iwas sa kasamaan; handa akong magsisi at umamin sa mga pagkakamali ko; handa akong hangarin ang katotohanan at tahakin ang landas ng kaligtasan." Umaasa lang sila sa gayong mga pagnanais ng "Handa ako" habang ginagampanan ang mga tungkulin nila; ito ang batayan nila sa paggampan ng kanilang tungkulin ayon sa sarili nilang kalooban. Para sa kanila, ang "kahandaang" ito ay kayang pumalit sa lahat ng bagay at kayang magsakatuparan sa lahat ng bagay, pero para sa Diyos, ang kahandaan nila ay hindi nagkakahalaga ng kahit kaunti. Bakit? Pinagmamasdan ng Diyos ang puso mo at alam Niya na handa kang isagawa ang katotohanan at handa kang hangarin ang katotohanan. Naghihintay ang Diyos sa pagsasagawa mo at sa pagpasok mo, ngunit hindi Siya kailanman nakakakita ng anumang aktuwal na pagkilos mula sa iyo o nakakakita ng anumang buhay pagpasok mula sa iyo. Samakatwid, walang buhay ang gayong mga tao; tiyak ito. May isang napakalinaw na katangian ang mga taong walang buhay: Palagi nilang tinatrato ang Diyos nang may parehong saloobin sa pagtrato nila sa isang tao. Palagi nilang iniisip kung paano makipagtunggali sa Diyos at magpakana laban sa Kanya, palagi silang nanghuhula tungkol sa kung paano sila tinitingnan ng Diyos, at palagi nilang tinatrato ang Diyos na para bang nakikipag-ugnayan sila sa ibang tao o sa isang nakatataas. Wala silang may-takot-sa-Diyos na puso, at wala silang saloobin ng pagpapasakop sa Diyos. Ito ang pinakamalinaw na katangian ng isang taong walang buhay. Sa puso nila, palagi silang naghihinala tungkol sa Diyos: "Ano ang iniisip Mo? Ano ang ibig sabihin ng tingin sa Iyong mga mata? Ano ang kahulugan sa likod ng Iyong tono at sa tunog ng Iyong boses? Sinasabihan Mo ba ako na gawin ito sa ganitong paraan o sa ganoong paraan?" Hindi nila hinahanap ang mga katotohanang prinsipyo; wala silang takot sa Diyos, kundi paghihinala, pagiging mapagbantay, at pakikipagtunggali lamang. Ang isang taong walang buhay ay hindi kailanman magkakaroon ng takot sa Diyos, at kaya, wala man lang siya ng pinakapangunahing paggalang para sa Diyos na nagkatawang-tao. Maaaring palagi mong sinasabing "O Diyos, O Diyos" kapag nagdarasal ka, at maaaring napakaganda nitong pakinggan. Sa panlabas, maaaring magmukhang lubos mong iginagalang ang Diyos na nagkatawang-tao, pero sa realidad, dahil wala kang buhay pagpasok at hindi mo taglay ang mga salita ng Diyos bilang iyong buhay, kapag binibigkas mo ang "O Diyos," bumibigkas ka lang ng isang salita. Hindi ibig sabihin nito na kilala mo ang diwa ng Diyos at ang Kanyang pagkakakilanlan o tunay na tinatrato Siya bilang Diyos. Isa lamang itong paraan ng pagtawag, tulad lang ng mga terminong ginagamit mo para tawagin ang iyong mga magulang, mga lolo't lola, o sinumang nakatatanda. Para sa iyo, ang "Diyos" ay isa lamang magalang na paraan ng pagtawag dahil, para sa iyo, ang Diyos ay hindi ang layon ng iyong pagsamba, at wala kang may-takot-sa-Diyos na puso. Nauunawaan mo ba? (Oo.) Tanging pagkatapos maging buhay ng isang tao ang mga salita ng Diyos unti-unting uusbong sa loob niya ang isang may-takot-sa-Diyos na puso. Ano ang ipinapakita sa inyo ng pahayag na ito? Umuusbong ang isang may-takot-sa-Diyos na puso dahil naging buhay sa loob ng isang tao ang mga salita ng Diyos; hindi ito umuusbong mula sa konsensiya at katwiran ng isang tao. Ang pagkakaroon ng konsensiya at pagkakaroon ng katwiran ay hindi makalilikha ng isang may-takot-sa-Diyos na puso. Kahit pa isa kang mabuting tao, isang taong sumusunod sa panuntunan, at isang taong totoo at nananatili sa kanyang tamang kinalalagyan, kung wala kang anumang pagkakilala sa Diyos o hindi ka kailanman nagkaroon ng buhay pagpasok, kung gayon, sa pinakamataas na antas ay mayroon ka lang kaunting paggalang, kortesiya, at pagiging magalang sa Diyos; hindi ito matatawag na pagkatakot. Ang pagkatakot ng isang tao sa Diyos ay umuusbong dahil naging buhay niya ang mga salita ng Diyos. Samakatwid, huwag mong isipin na ang isang "kahandaan" lamang ay maaaring sumaklaw sa lahat ng bagay o maaaring pumalit sa lahat ng bagay. Para sa Diyos, ang iyong kahandaan ay walang kuwenta at walang gaanong halaga. Sinasabi ng ilang tao, "Hindi ba’t ibinahagi Mo na dapat magkaroon ang tao ng saloobin ng pagpapasakop sa Diyos?" Ang iyong saloobin sa Diyos at ang iyong subhetibong intensiyon—kung ano ang handa mong gawin—ay dalawang magkaibang bagay. Ang pagkakaroon ng saloobin ng pagpapasakop sa Diyos ay ang pagkamakatwiran na dapat mong taglayin, samantalang ang iyong subhetibong intensiyon at ang iyong kahandaan ay isa lamang pagnanais o determinasyon mo. Ang susi ay na dapat mong malinaw na kilalanin ito: Maaaring maakay ka ng iyong kahandaan patungo sa landas ng kaligtasan, at siyempre, isa rin itong paunang kinakailangan para pahintulutan kang tumahak sa landas ng kaligtasan, pero ang pagiging handang isagawa ang katotohanan ay hindi nangangahulugang isinagawa mo na ito, ni hindi ito nangangahulugang nakapasok ka na sa katotohanang realidad, lalong hindi ito nangangahulugan na taglay mo ang katotohanang realidad o mayroon kang buhay pagpasok. Ibig sabihin, kung mananatili ka lang sa yugto ng pagiging handang isagawa ang katotohanan, hindi masasabing mayroon ka nang buhay. Kaya, kailan ka ba tunay na nagkakaroon ng buhay pagpasok? Kapag kaya mong isagawa ang katotohanan, at kilala mo ang iyong sarili, at kaya mong magsagawa ayon sa mga hinihingi ng Diyos—ito lamang ang ibig sabihin ng tunay na magkaroon ng buhay pagpasok. Mayroon kang buhay pagpasok dahil, sa pamamagitan ng iyong pagkaunawa sa katotohanan, ang iyong mga kaisipan at pananaw, ang iyong saloobin sa Diyos, at ang iyong mga tiwaling disposisyon ay pawang nagbago na sa iba't ibang antas; naitama na ang iyong saloobin sa Diyos at ang iyong saloobin sa paggampan ng iyong tungkulin, at hindi ka na namumuhay ayon sa iyong mga tiwaling disposisyon o ayon sa mga walang-katotohanang kaisipan at pananaw; sa iyong mga pananaw sa mga tao at mga bagay-bagay, at sa iyong sariling asal at mga kilos, nagagawa mong gawing batayan mo ang mga salita ng Diyos at gawing pamantayan mo ang katotohanan—ito lamang ang pagkakaroon ng buhay. Mayroon ba kayong buhay? Tanging kapag taglay mo ang mga realidad na ito ka nagkakaroon ng buhay; kung wala ang mga realidad na ito, wala kang buhay. Kung wala kang buhay, kung gayon, anong klaseng tao ka? Isa kang halimaw, isa kang diyablo, at isa kang tao na kay Satanas. Saan umaasa ang mga taong kay Satanas kapag ginagampanan ang kanilang mga tungkulin? Umaasa sila sa kanilang mga tiwaling disposisyon at umaasa sa kanilang pagnanais para sa mga pagpapala. Ano ang panghuling resulta? Nagwawala sila at gumagawa ng masamang gawa; lubos nilang hindi kayang isagawa ang katotohanan, hindi kayang sumunod sa daan ng Diyos, at lalong hindi kayang magtamo ng kaligtasan. Ito ang resulta.

Kababahagi lang natin tungkol sa ilang pagpapamalas ng mga taong walang buhay pagpasok. Pagkarinig dito, sinasabi ng ilang tao, "Kaya pala kahit pagkatapos manampalataya sa Diyos sa buong panahong ito, wala pa rin tayong buhay pagpasok at hindi natin nakamit ang katotohanan at buhay. Kung gayon, sa Iyong puso, hindi Mo ba kami gusto at labis Ka na bang sawang-sawa sa amin?" Palaging inaalala ng gayong mga tao kung paano Ko sila tinatasa. Tama ba ito? (Hindi.) Bakit hindi ito tama? (Napakaraming ibinabahagi ng Diyos sa atin ngayon upang malinaw nating makilala ang tunay nating kalagayan at malinaw na makita na, hanggang ngayon, hindi pa tayo tumatahak sa landas ng paghahangad sa katotohanan at, sa paggampan ng ating mga tungkulin, nasa yugto pa rin tayo ng pagtatrabaho. Nagbibigay-daan ito upang tayo ay magising at magsisi sa tamang oras, at nagbibigay-daan upang mahanap natin ang tamang landas sa pagsasagawa sa katotohanan. Kung huhulaan lang natin kung paano tayo tinatasa at itinuturing ng Diyos nang hindi hinahanap na maunawaan ang masisidhing layunin ng Diyos, isa itong pagpapamalas ng hindi paghahangad sa katotohanan, at sa huli ay hindi pa rin natin makakamit ang katotohanan.) Paano man kita tasahin o anuman ang impresyon Ko sa iyo, hindi ito isang usapin na dapat mong pagtuunan ng pansin, at hindi ito ang pokus ng iyong pag-aalala. Hindi ba't ganoon iyon? (Oo.) Gusto mo pa ngang magustuhan kita at magkaroon Ako ng magandang impresyon sa iyo? Batay sa paggampan ninyo, napakabuti na kung magagawa ninyong hindi Ako makaramdam ng pagkasuklam sa inyo. Tungkol naman sa kung gusto Ko kayo, kung kanino Ako may magandang impresyon, at kung kanino mataas ang tingin Ko, mayroon Akong sariling mga prinsipyo. Hindi ito isang usapin na dapat ninyong pagtuunan ng pansin, ni hindi ito isang bagay na dapat ninyong malaman. Higit pa rito, anuman ang saloobin Ko sa inyo kapag nagsasalita Ako o anuman ang mga pananaw Ko tungkol sa sinumang indibidwal, hindi Ako kikilos dahil sa pagkamainitin ng ulo o dahil sa mga damdamin, lalong hindi dahil sa emosyon; tatratuhin Ko kayo nang patas. Kahit pa napakahina ng paggampan ninyo, huwag kayong maging negatibo at huwag kayong malimitahan. Tumuon lang kayo sa pagtupad ng tungkuling dapat ninyong gawin ayon sa mga prinsipyong hinihingi ng sambahayan ng Diyos. Tungkol naman sa kung anong landas ang maaaring tahakin ng bawat isa sa inyo, nakasalalay iyon sa inyong mga paghahangad at pagpili. Siyempre, mula sa Aking pananaw, umaasa Ako na ang bawat isa sa inyo ay makapaghahangad sa katotohanan at makatatanggap sa katotohanan at makatatahak sa landas ng kaligtasan. Sa partikular, umaasa Ako na kayong mga nagpapakapagod at nagbubuhat ng mabibigat na pasanin at gumagampan ng mahahalagang tungkulin, iyong mga may espirituwal na pang-unawa na may medyo mahusay na kakayahan, at iyong mga may mabuting pagkatao ay pawang magiging mga tao na naghahangad sa katotohanan, makakatahak sa landas ng kaligtasan sa lalong madaling panahon, at makakapagsagawa sa katotohanan at magkakamit ng buhay pagpasok sa lahat ng bagay. Gayumpaman, kung hindi kayo handang hangarin ang katotohanan at tahakin ang landas ng kaligtasan, hindi Ko kayo pipilitin; hindi Ko kayo pupuwersahin. Ito ang Aking saloobin. Pagdating sa bawat isa sa inyo, alam Ko at nauunawaan Ko kung ano ang inyong kakayahan, at kung ano ang inyong mga paghahangad, at mayroon Akong sariling mga pananaw tungkol sa mga ito. Pero hindi Ako bubuo ng mga kongklusyon tungkol sa inyo ngayon. Kung anong landas ang tatahakin ninyo at kung gaano kalayo ang mararating ninyo ay nakasalalay sa sarili ninyong mga pagpili. May mga prinsipyo ang sambahayan ng Diyos sa pagtrato sa mga tao. Kung lalabagin mo ang mga atas administratibo, pangangasiwaan ka ng iglesia ayon sa nararapat batay sa mga prinsipyo. Hindi kita ipagsasanggalang; kahit pa mataas ang tingin Ko sa iyo, hindi kita ipagsasanggalang. Kahit pa nagsumikap ka nang husto sa nakaraan at isa kang tao na nagpakapagod, nagbuhat ng mabibigat na pasanin, at nakapag-ambag noon sa isang partikular na larangan ng gawain ng sambahayan ng Diyos, kung lumalabag ka sa mga atas administratibo, pakikitunguhan ka ng iglesia ayon sa nararapat. Ang mga paltos sa iyong mga paa ay nagmula sa sarili mong paglalakad; ang landas na tinatahak mo ay ang pinili mo mismo. Ito ang mga kahihinatnan ng pagtahak sa maling landas. Ang pangangasiwa sa mga usaping ito ay simple lang para sa Akin. Mayroon Akong ilang pakikipag-ugnayan sa ilang indibidwal tungkol sa mga pangkalahatang usapin. Ang kanilang paraan sa paggawa ng mga bagay-bagay ay medyo nakakainis at medyo nakakasuklam, pero kaya Ko pa rin silang tratuhin nang tama. Tumigil na kayo sa palagiang panghuhula sa Aking mga kaisipan. Pinakanasusuya Ako sa mga tao na palaging naghahanap ng nakatagong kahulugan at nagmamasid sa Aking ekspresyon, palaging nag-uusisa tungkol sa kung ano ang Aking iniisip, at palaging naghihinala tungkol sa kung gusto Ko ba sila o kung ano ang impresyon Ko sa kanila. Pinakanasusuklam Ako sa mga bagay na ito. Huwag na huwag mong paghinalaan ang Aking mga kaisipan, huwagn a huwag pagbubulay-bulayan kung paano kita tinitingnan at kung paano kita tinatasa, o kung anong mga plano ang mayroon Ako para sa iyo, at kung paano kita pakikitunguhan. Huwag mong alalahanin ang mga bagay na ito, at huwag ka ring mag-aksaya ng lakas sa pagbubulay-bulay sa mga ito. Habang mas pinagbubulayan mo ang mga ito, mas nasusuklam Ako sa iyo. Alinman sa iyong mga problema ang tukuyin Ko kapag nagbabahagi tungkol sa katotohanan, hindi ito para ganap kang balewalain, hindi ito para atakihin ka, ni hindi ito para kondenahin ka. Sa halip, ito ay para tulungan kang lutasin ang iyong mga problema upang maunawaan mo ang katotohanan, magkaroon ka ng landas ng pagsasagawa, at sa huli ay makatahak sa landas ng kaligtasan. Samakatwid, hindi mo dapat ituon ang iyong isipan sa mga salitang ginagamit Ko o sa tono ng Aking boses. Dapat kang tumuon sa nilalaman ng Aking sinasabi, ikumpara ang iyong sarili rito, at tingnan kung tinutugunan ba ng Aking sinasabi ang iyong problema, at kung kaya ba nitong lutasin ang iyong problema. Kung nagsasalita Ako ng ilang karagdagang salita sa iyo, kung mataas ang tingin Ko sa iyo, o inilalagay kita sa isang mahalagang posisyon, huwag kang maging hambog. Minsan, ang mga salitang sinasabi Ko sa iyo ay napakahigpit at lubos na tumatagos, at kahit pa pakiramdam mo ay galit na galit Ako, hindi ka dapat maging negatibo. Hindi Ko ito ginagawa para atakihin ka; pinangangasiwaan Ko lang ang usapin nang walang kinikilingan at hinuhusgahan ang isyu batay sa mga merito nito. Ginagawa Ko ito para kunin ang katotohanan at ibahagi ito nang malinaw at ibahagi ito nang lubusan, hindi para pahirapan ka nang personal. Nagbabahagi Ako tungkol sa iyong problema dahil kinapapalooban ito ng isang aspekto ng katotohanan o kinapapalooban ito ng isang aspekto ng kalagayan ng sangkatauhan. Kailangan natin itong pagbahaginan upang magkaroon ang lahat ng kabatiran at matuto ng aral sa pamamagitan ng usaping ito. Huwag mong hulaan ang Aking mga kaisipan; kung gagawin mo ito, inilalagay mo ang iyong pagsisikap sa maling lugar. Nauunawaan mo ba? (Oo.) Kung pinagbubulayan mo araw-araw kung ano ang Aking iniisip, kung paano kita tinitingnan at tinatasa, kung anong mga plano ang mayroon Ako para sa iyo, at kung pakikitunguhan ba kita o pagdudusahin ka—kung palagi mong iniisip ang mga bagay na ito, mali ka at inilalagay mo ang iyong pagsisikap sa maling lugar. Kung gusto kitang pakitunguhan, hindi Ko kakailanganing gawin iyon nang personal; direkta kang pakikitunguhan ng mga lider at manggagawa ayon sa mga prinsipyo. May mga panuntunang administratibo ang sambahayan ng Diyos, at susunod ang iglesia sa mga kaparaanan ayon sa mga prinsipyo at pangangasiwaan ang usapin nang walang kinikilingan. Kung gusto kitang pakitunguhan, sasabihan Ko ang mga lider at manggagawa ng iglesia na magbahagi sa katotohanan at lutasin ang isyu batay sa iyong mga pagpapamalas, at pagkatapos ay hayaan silang pakitunguhan ka ayon sa mga prinsipyo; magiging napakadali nito. Samakatwid, hindi mo kailangang maghanap ng nakatagong kahulugan at pagmasdan ang Aking ekspresyon, at hindi mo rin kailangang makinig ng mga pahiwatig sa Aking sinasabi, lalong hindi mo kailangang bigyang-pansin ang tono ng Aking boses. Kung mayroon kang tunay na pananampalataya sa Diyos, kung naniniwala ka na sinisiyasat ng Diyos ang kaibuturan ng puso ng tao, at kung naniniwala ka na ang Diyos ang pinagmumulan ng katotohanan, ng daan, at ng buhay, kung gayon ay hindi ka dapat magkaroon ng mga ganitong paghihinala tungkol sa Akin o magtrato sa Akin sa ganitong paraan. Nauunawaan mo ba? (Oo.) Hindi Ko gusto na tinatrato mo Ako sa ganitong paraan at nang may ganitong mentalidad. Ganap na likas at may katwiran para sa Akin na maunawaan ang iyong diwa, maunawaan ang iyong pagkatao, at maunawaan ang iyong mga tiwaling disposisyon. Pero kung gusto mong maunawaan kung ano ang saloobin Ko sa Aking puso, kung paano kita tinitingnan, at kung ano ang plano Kong gawin sa iyo, kung gayon ay mali ka. Alam ba ninyo kung saan kayo nagkakamali? (Lumagay kami sa maling posisyon.) Ito ay paglagay sa maling posisyon. Kung lalagay ka sa maling posisyon kapag nakikipag-ugnayan sa Akin, kung gayon ay nasa malaking panganib ka. Hinding-hindi mo dapat tahakin ang landas na ito; kung gagawin mo ito, malalagay ka sa panganib.

Sa pananampalataya sa Diyos, hindi na kailangang maghanap ng nakatagong kahulugan at pagmasdan ang ekspresyon ng Diyos, ni hindi ka dapat maging mapagbantay o mapaghinala sa Kanya. Malinaw ba ninyong alam sa inyong puso kung ano ang dapat ninyong gawin at kung paano kayo dapat kumilos? (Medyo mas malinaw na ngayon. Dapat tayong maging bukas at tapat sa Diyos at magsikap sa mga salitang ipinapahayag ng Diyos at sa mga katotohanang Kanyang ibinabahagi.) Madaling sabihin ang mga salitang ito, pero madali bang isagawa ang mga ito? (Hindi.) Kapag inilalantad at hinihimay Ko ang mga kalagayan at problema ng ilang tao, kung magsasalita Ako nang mahinahon, pinapapasok ito ng ilang tao sa isang tainga at pinalalabas sa kabila; kung magsasalita Ako nang mas matindi o mas mahigpit, nakakaramdam ng pagkabagabag ang ilang tao at nagiging negatibo, sinasabing, "Galit na galit ang Diyos kapag kinakausap ako. Tiyak na hindi na Niya ako gusto at hindi Siya nasisiyahan sa akin, kaya hindi ba't nawalan na ako ng lahat ng pag-asa na maligtas? Ayaw na nga sa akin ng Diyos, kaya ano pa ang silbi ng mabuhay? Mabuti pang mamatay na lang ako!" Ito ba ang tamang paraan para unawain ito? (Hindi.) Ganito ba ang iisipin ninyo? (Hindi.) Makapal ang mukha ng ilang tao. Paano man sila ilantad o pungusan, wala silang pakialam. Anuman ang sabihin mo sa kanila, hindi sila nakakaramdam ng pagkabagabag sa kanilang puso, iniisip na, "Puwede mong sabihin ang anumang gusto mo. Kung hindi ko ito tatanggapin sa aking puso, wala kang magagawa. Puwede mo akong pungusan, pero hangga't hindi mo ako inaalis o pinapatalsik, hindi ako magiging negatibo, ni hindi ako magiging mahina. Patuloy kong gagawin ang mga bagay-bagay tulad ng ginawa ko noon. Sadyang hindi ko isasagawa ang katotohanan. Hangga't hindi ako gumagawa ng kasamaan, ano ang magagawa mo sa akin?" Problema ito. Kung hindi nila tinatanggap ang katotohanan ni isinasagawa ang katotohanan, makakapagtamo pa ba sila ng kaligtasan? (Hindi.) Kita mo, ang mga tao ay napakahirap na mga bagay na pakitunguhan. Ano ang nagpapahirap na pakitunguhan sila? Sa isang banda, mayroon silang lahat ng uri ng walang-katotohanang kaisipan at pananaw; sa isa pang banda, nagtataglay sila ng isang bagay na nakamamatay—ang kanilang mga tiwaling disposisyon. Ang mga walang-katotohanang kaisipan at pananaw ay nagiging sanhi para magkaroon ka ng mga walang-katotohanang pag-unawa at pag-arok, at magkaroon ng mga walang-katotohanang saloobin, pagdating sa ilang partikular na bagay. Batay rito, ipinapahayag mo rin ang iyong mga walang-katotohanang kaisipan at pananaw sa pamamagitan ng iyong mga tiwaling disposisyon, pinagsasama-sama ang isa pang pagkakamali sa isa pa. Hindi ba't mahirap itong harapin? (Oo.) Ang iyong mga pananaw at saloobin ay walang-katotohanan mismo, ngunit kumakapit ka pa rin sa mga ito, sinusubukan mo pa ring ipaliwanag at bigyang-katwiran ang iyong sarili, at tumatanggi kang tanggapin ang katotohanan. Gumagamit ka pa nga ng ilang partikular na taktika at nagbibigay ng lahat ng uri ng dahilan at palusot para absuweltuhin ang iyong sarili at iwasan ang responsabilidad. Hindi ba't ito ay pagbubunyag ng mga tiwaling disposisyon habang kumakapit pa rin sa iyong mga walang-katotohanang pananaw? (Oo.) Ang pagkakaroon ng mga tiwaling disposisyon ay malaking problema na, ngunit kumakapit ka pa rin sa mga walang-katotohanang kaisipan at pananaw. Hindi ba't ginagawa nitong malubha ang problema? Inilalantad nito na matigas ang iyong kalooban, nasusuya ka sa katotohanan, mapagmataas, at mapanlinlang, at na hindi ka nag-iiwan ng mga butas sa anumang sinasabi mo. Hindi ba't isa itong buhay na Satanas? (Oo.) Kung aasal ka sa ganitong paraan, hindi mo kailanman makakamit ang katotohanan at buhay. Kung, pagkatapos makilala ito, magagawa mong bitiwan ang iyong mga walang-katotohanang kaisipan at pananaw, itigil ang paggamit sa mga ito sa pagharap sa mga bagay-bagay, itama ang iyong maling saloobin, at, ayon sa mga salita ng Diyos at sa paraan ng pagturo ng Diyos sa tao, matapat at taimtim na lutasin ang mga problemang kinakaharap mo nang mayroong takot-sa-Diyos na puso, kung gayon ay mayroon kang buhay pagpasok. Sa sandaling magkaroon ka ng buhay pagpasok, sa sandaling pinaghimagsikan, nilutas, at binitawan mo ang iyong mga walang-katotohanang kaisipan at pananaw, at sa sandaling ang iyong mga satanikong disposisyon ay iyong napaghimagsikan, nalutas, at nabitiwan sa proseso ng iyong pagsasagawa sa katotohanan at pagkamit ng buhay pagpasok, ano ang isinasabuhay at ipinapamalas mo? Mga bagay na kaayon ng mga katotohanang prinsipyo at kaayon ng mga hinihingi ng Diyos. Samakatwid, ang isinasabuhay mo ay ang buhay ng katotohanan na hinihingi ng Diyos. Hindi ba't ganoon? (Oo.) Ano ang susi sa pagtatamo ng buhay pagpasok? (Hindi sapat na magkaroon lamang ng pagnanais at subhetibong intensiyon na isagawa ang katotohanan; dapat magkaroon ang isang tao ng mga aktuwal na pagpapamalas ng pagsasagawa sa katotohanan.) Alam at nauunawaan ito ng lahat bilang doktrina, pero hindi ito ganoon kadaling isagawa; mahirap ito. Ito ay, sa isang partikular na antas, nauugnay sa kung mabuti ba o masama ang pagkatao ng isang tao. Kayang tanggapin ng mga taong may konsensiya at katwiran ang katotohanan, kaya hindi gaanong mahirap para sa kanila na isagawa ito; kung magsisikap sila, maisasagawa nila ito. Ang mga taong walang konsensiya at katwiran ay hindi nagmamahal sa katotohanan, kaya napakahirap para sa kanila na isagawa ito; sadyang hindi nila ito magagawa. Tanging ang mga nakapagsasagawa sa katotohanan ang may buhay pagpasok. Sa pamamagitan ng regular na pagsasagawa sa katotohanan, unti-unti silang nagkakamit ng buhay. Ang mga hindi nakapagsasagawa sa katotohanan ay lalong napapalayo sa buhay pagpasok at hindi magkakamit ng buhay, tama? (Oo.) Ang aspektong ito ay isang napakasimpleng isyu; isa itong isyu na madalas talakayin sa pang-araw-araw na buhay ng mga tao. Ang ilang indibidwal ay maaaring may kaunting pag-unawang batay sa pandama sa kanilang mga isipan, pero kulang pa rin sa personal na karanasan at pagkaunawa sa isyung ito. Kung hihilinging magsalita tungkol sa kanilang pagkaunawa, hindi nila ito maipaliwanag nang malinaw at hindi nila ito maipaliwanag nang malinaw. Sa pamamagitan ng pagbabahaginan sa ganitong paraan, malinaw na ba sa inyo ngayon? (Oo.) Kung gayon ay ibuod ito: Sinisiyasat ng Diyos ang kaibuturan ng puso ng tao, kaya bakit sinusubok pa rin Niya ang tao? (Dahil kailangang praktikal na maranasan ng tao ang gawain ng Diyos, makilala ang sarili niyang mga tiwaling disposisyon, at makamit ang katotohanan bilang kanyang buhay sa pamamagitan ng mga kapaligirang inihahanda ng Diyos. Isa rin itong proseso kung saan kinukuha ng Diyos ang katotohanan at kinukuha ang Kanyang mga salita, at ikinikintal ang mga ito sa tao. Sa prosesong ito, paulit-ulit na nakikipaglaban ang tao sa kanyang mga tiwaling disposisyon, paulit-ulit na itinatatwa ang kanyang mga maling kaisipan at pananaw, at unti-unti niyang nagagawang maghimagsik laban sa laman at isagawa ang mga salita ng Diyos; sa huli, kaya niyang isagawa ang katotohanan at kamtin ito.) Ipinaliwanag nang malinaw ang prosesong ito. Nauunawaan ba ninyong lahat? (Oo.) Kung sasabihin sa ganitong paraan, tila napakasimple ng tanong. Ang paliwanag sa mga salita ay maaaring magmukhang simple, pero maraming detalye ang nakapaloob sa pagsasagawa nito. Ganyan ito gumagana sa teorya, gaya ng nakasaad sa mga salita. Sa pangkalahatan, malinaw nang napagbahaginan ang tanong na ito ngayon: Ang pagsubok ng Diyos sa tao ay isang proseso kung saan kinukuha ng Diyos ang Kanyang mga salita at ikinikintal ang mga ito sa tao upang maging buhay niya ang mga salitang iyon; isa itong paraan ng paggawa ng Diyos, at isa rin itong proseso na dapat maranasan ng tao upang magtamo ng kaligtasan. Dito nagtatapos ang pagbabahaginan natin tungkol sa paksang ito.

Isasalaysay Ko sa inyo ang tungkol sa kung paano umasal ang isang tao, at mapapakinggan at makikita ninyo kung ano ang naging problema. Noong taglamig na iyon, umulan ng niyebe, at sinabihan Ko ang mga tao na dapat silang pumunta at palahin nila ang niyebe. May isang taong nagtanong kung dapat ba itong palahin ng mga tao o ng isang makina. Sinabi Ko, “Kung masyadong makapal ang niyebe, gumamit ng makina; kung kakayanin ng mga tao na palahin ito, huwag gumamit ng makina.” Bagama't hindi Ko sinabi sa kanya kung gaano dapat kakapal ang niyebe bago dapat gumamit ng makina, o sa anong mga sitwasyon dapat itong palahin ng mga tao, sinabi Ko naman sa kanya ang prinsipyo. Pero talagang hindi niya ito maunawaan at sadyang hindi niya alam kung paano palahin ang niyebe. Sabihin ninyo sa Akin, hindi ba't madaling unawain ang mga salita Ko? Kung hihingin sa inyo na ipatupad ito, paano ninyo ito ipapatupad? (Una, titingnan ko kung gaano kakapal ang naipong niyebe at magpapasya ako batay sa aktuwal na sitwasyon.) Sa ilang lugar, ang naipong niyebe ay isang metro ang kapal, samantalang sa iba ay limang pulgada lang ang kapal nito. Ano ang gagawin mo? (Kung ang niyebe ay wala pang limang pulgada ang kapal sa karamihan ng mga lugar, dapat itong palahin ng mga tao, at puwedeng gumamit ng makina para linisin ang iilang hiwa-hiwalay na lugar.) Ano ang palagay ninyo sa prinsipyong ito? (Ito ay naaangkop ito.) Hindi alam ng ilang tao kung paano ipatupad kahit ang isang bagay na kasingsimple nito. Ano ang ibig sabihin ng hindi pagkaalam kung paano ito ipatupad? Ito ay nangangahulugan ng hindi man lang pagkaalam kung paano mangasiwa ng mga ordinaryong sitwasyon. Nang isang pulgada pa lang ang kapal ng niyebe, nagtanong siya, “Dapat ba tayong lumabas atpalahin natin ang niyebe? Dapat ba itong palahin ng mga tao, o dapat ba tayong gumamit ng makina?” Sinabi Ko, “Puwede mo lang palahin ang niyebe pagkatapos tumigil ang pag-ulan ng niyebe. Kung masyado nang makapal ang niyebe para palahin ng mga tao, gumamit ng makina para asikasuhin ito. Ito ang prinsipyo.” Sinabi niya na naunawaan niya. Nang umabot sa dalawang pulgada ang kapal ng niyebe, lumapit siyang muli para magtanong kung dapat ba itong palahin, at minsan Ko pang inulit ang prinsipyo. Nang umabot sa pitong pulgada ang kapal ng niyebe, lumapit siya para muling magtanong. Sabihin ninyo sa Akin, mayroon bang anumang kakayahan ang taong ito? (Wala.) Ilang beses Kong inilahad ang prinsipyo, ngunit hindi niya ito maunawaan at paulit-ulit siyang nagtanong kung ano ang dapat gawin. Hindi niya matukoy kung kailan dapat palahin ang niyebe, kung sa anong mga sitwasyon ito dapat palahin ng mga tao, o kung sa anong mga sitwasyon dapat gumamit ng makina. Gaano ba talaga kahina ang kakayahan niya? Gaano pa karami ang kailangang sabihin kapag nagsasaayos ng gawain para sa gayong tao bago siya makaunawa? Hindi makakakita nang malinaw ng anumang bagay ang gayong tao. Kung gayon, ano ang problema sa pag-uugali niyang ito? Naunawaan ba niya ang sinabi Ko? (Hindi niya naunawaan; sumusunod siya sa mga regulasyon.) Kung sumusunod siya sa mga regulasyon, dapat ay nagmadali siyang palahin ang niyebe. Isinaayos man niya na palahin ito ng mga tao o ipapala ito gamit ang makina, dapat sana ay may sinunod man lang siya sa alinman sa dalawang ito. Pero sumunod ba siya sa alinman sa dalawa? Hindi siya pumunta para palahin ang niyebe; paulit-ulit lang siyang nagtanong kung dapat ba itong palahin, at kung dapat ba itong palahin ng mga tao o dapat gumamit ng makina. Bakit siya patuloy na nagtanong sa halip na gumawa ng anumang bagay? (Gusto talaga niyang gumamit ng makina para palahin ito, pero ayaw niyang siya mismo ang gumawa ng pasya; naghihintay lang siya na magbigay ng utos ang Diyos.) Naghihintay siya na magbigay Ako ng utos. Nagpakita ba ang saloobin niyang ito ng anumang intensiyon na magpasakop? (Hindi.) Una, tingnan natin kung kaya ba niyang maunawaan ang prinsipyong inilahad Ko. Naunawaan ba niya ang sinabi Ko? (Hindi.) Hindi niya naunawaan. Gusto lang niyang direktang sabihin Ko sa kanya kung ano ang gagawin, kung ano ang hindi gagawin, at kung paano ito gagawin. Iyon lang ang mga uri ng mga salita na kaya niyang maunawaan; sadyang hindi niya maunawaan ang mga prinsipyo. Pagkarinig sa prinsipyo, lubos siyang nalito, na para bang nagbabasa siya ng isang aklat ng langit na walang mga salita at pakiramdam niya ay isang misteryo ang lahat ng bagay. Hindi niya maunawaan ang prinsipyo at hindi niya alam kung ano ang gagawin, kaya pagdating sa pag-asikaso sa naipong niyebe, ang tanging alam niyang gawin ay ang patuloy na magtanong kung dapat ba itong palahin ng mga tao o dapat gumamit ng makina. Sabihin ninyo sa Akin, hindi ba't ang pakikitungo sa ganitong uri ng tao ay nagdudulot sa inyo ng pagkaasiwa at pagkayamot? (Oo, nakakayamot ito at sobrang nakakapagod.) Ano ang pakiramdam ng pakikitungo sa gayong tao? Ilarawan ninyo ito. (Medyo para itong pakikipag-usap sa isang pader; kahit ano pa ang sabihin mo, hindi niya ito mauunawaan.) Hindi ba't ang pakikipag-usap sa ganitong uri ng tao ay parang pakikitungo sa isang tatlo hanggang limang taong gulang na bata? Hindi ba't parang pakikipag-usap ito sa isang hayop? (Oo.) Sabihin ninyo sa Akin, kung gayon, sobrang nakakapagod ba na makitungo sa ganitong uri ng tao? Nakakagalit ba ito? (Oo, nakakagalit ito.) Ang pakikitungo sa ganitong uri ng tao ay parehong nakakainis at sobrang nakakapagod. Kung gayon, paano dapat pangasiwaan ang ganitong uri ng tao? Paalisin na lang ninyo siya kaagad at tapusin na ang usapan. Gamitin ninyo ang sinumang nakakaunawa sa prinsipyong ito at, pagkarinig dito, kayang isagawa at isakatuparan ang gampanin ayon sa prinsipyong ito, at kayang lutasin ang usapin. Ang pagsasabi ng anumang bagay sa isang taong hindi makaunawa sa prinsipyo ay walang saysay. Paano mo man ito ipaliwanag, hindi pa rin niya ito mauunawaan at kukulitin ka niya ng walang-katapusang mga katanungan, gaya lang ng isang hangal. Iniisip pa nga niya na ang pagtatanong nang ganito ay napakamakatwiran, iniisip na, “Tingnan mo, hindi ba't ginagawa ko ang gawaing ito sa isang napakaespesipiko at napakametikulosong paraan? Nang isang pulgada pa lang ang kapal ng niyebe, nagmadali akong magtanong kung dapat ba itong palahin, at nang umabot ito sa dalawang pulgada, hindi ako nangahas na mag-antala at nagmadali akong magtanong muli. Kita mo, hindi ako kumikilos nang walang pakundangan. Hindi ba't mayroon akong pagpapasakop at mayroon akong katapatan? Hindi ba't nagiging responsable ako? Maagap akong nagtatanong at nagbibigay ng napapanahong tugon, nang hindi inaantala ang anumang bagay kahit kaunti!” Hindi ba't masyado siyang biliba sa kanyang sarili? (Oo.) Kung papaalisin mo siya, ano ang iisipin niya? Makakaramdam pa nga siya ng pagkaagrabyado, iniisip na, “Labis akong nag-alala at napakaraming beses akong nagpabalik-balik para sa usaping ito! Naging madali ba ito para sa akin? Paanong sa huli ay pinaalis na lang ako?” Matatanggap ba niya ito sa kanyang puso? (Hindi.) Masyadong mahina ang kakayahan ng ganitong uri ng tao. Huwag muna nating isipin na hindi niya maunawaan ang mga katotohanang prinsipyo; kahit ang mga prinsipyo para sa paggawa ng isang ordinaryong gampanin ay hindi niya maarok at hindi niya maunawaan. Hindi niya taglay ang IQ ng isang normal na tao, kaya paanong mauunawaant niya ang katotohanan? Ang pagpapaalis sa kanya ay talagang alinsunod sa mga prinsipyo, pero hindi niya ito nauunawaan at nakakaramdam pa nga siya ng pagkaagrabyado at sama ng loob. Hindi maarok ng ganitong uri ng tao ang mga prinsipyo kahit sa maliliit na usapin, kaya maaabot ba nila ang malalaking usapin, mga usaping may kinalaman sa katotohanan? (Hindi.) Lalo nang hindi. Kaya, para sa ilang tao na hindi makaunawa sa katotohanan, hindi nila maabot ang mga katotohanang prinsipyo. Maisasagawa ba ng gayong mga tao ang katotohanan? (Hindi.) Sinasabi ng ilang tao, “Ayon sa sinasabi Mo, dahil hindi maisagawa ng ganitong uri ng tao ang katotohanan, hindi ba't nangangahulugan iyon na hindi siya makakapagtamo ng kaligtasan?” Ganoon ba iyon? Ano ang dapat mong gawin kung hindi mo maunawaan ang mga katotohanang prinsipyo? Mayroong isang simpleng paraan na magbibigay-kakayahan sa iyo na magampanan ang iyong tungkulin hanggang sa dulo. Kung hindi mo maunawaan ang mga katotohanang prinsipyo, sumunod ka sa isang regulasyon: Sa paggampan ng iyong tungkulin, dapat ay mayroon kang tunay at sinserong puso, umasa ka sa iyong konsensiya at katwiran upang gawin ang makakaya mo, pati na ang posibleng makakaya mo, at talagang hindi mo dapat paglaruan ang isipan. Dahil napakahina na nga ng iyong kakayahan at wala kang abilidad na makaunawa sa katotohanan, kung, sa paggampan ng iyong tungkulin, wala ka pa ring tunay na puso kahit kaunti at pinaglalaruan mo pa rin ang isipan, hindi ba't isa iyang maladiyablong kalikasan? Katapusan na ng gayong tao. Kung gayon, ano ang ibig sabihin ng pagkakaroon ng tunay na puso sa paggampan ng iyong tungkulin? Ito ay nangangahulugan ng paggawa sa abot ng iyong makakaya. Gawin nating halimbawa ang pagpala ng niyebe. Ayon sa ibinigay na prinsipyo, dapat itong palahin ng mga tao kung kaya nila, at gumamit sila ng makina kung hindi nila kaya. Kung nakikita mong umulan ng isang pulgadang niyebe at hindi mo alam kung dapat ba itong palahin nang mano-mano o ng makina, puwede mo muna itong simulang palahin at gumamit ka lang ng makina kung talagang hindi mo ito makakaya nang mano-mano. Bagama't hindi mo alam kung tama ba ang paggawa nito, ginagawa mo ito nang buong lakas, nang hindi nagiging tuso o nagpapabaya. Kahit na mapatunayang walang silbi ang pagsisikap mo, kahit papaano, mayroon kang sinserong puso sa harap ng Diyos. Kapag nakikita ng Diyos na mayroon kang sinserong puso, at hindi ka naging tuso o nagpabaya at hindi mo pinaglaruan ang isipan Niya, tatanggapin ng Diyos ang mabuti mong pag-uugali. Pero kung tuso ka at nagpapabaya at pinaglalaruan mo ang isipan ng Diyos, kasusuklaman ka ng Diyos, at kung hindi ka magsisisi, kokondenahin at ititiwalag ka ng Diyos. Ano ang ilang pagpapamalas ng paglalaro sa isipan ng Diyos? Iniisip mo, “Hindi ko nauunawaan ang prinsipyong kakabigay lang. Umulan ng isang pulgadang niyebe, kaya dapat ba itong palahin nang mano-mano, o dapat bang gumamit ng makina? Kung hindi ito dapat palahin nang mano-mano, at iyon mismo ang gagawin ko, hindi ba't mangangahulugan iyon ng paggugol ng karagdagang pagsisikap? Kung gagamit ako ng makina, paano kung hindi makapal ang niyebe at dapat itong palahin nang mano-mano, pero gumamit ako ng makina—hindi ba't masisisi ako sa walang-pakundangang paggamit ng makina at pag-aaksaya ng gasolina? Talagang hindi ako puwedeng kumilos nang walang pakundangan. Kung gagawin ko iyon, hindi lang maaaring masayang ang lahat ng pagsusumikap ko, kundi masisisi rin ako. Maaari pa nga akong mapungusan at pagbayarin para sa mga kawalan. Kailangan kong makakuha ng malinaw na sagot bago ako kumilos.” Mayroon kang ganitong uri ng pakana sa isipan. Ano ang tawag dito? (Panlilinlang.) Ito ay paglalaro ng isipan. Nang maglaro ng isipan ang taong iyon nang ganito, sa panlabas ay maaaring nagmukha siyang mapagpasakop, at nagkunwari siyang naghahanap at hindi kumikilos nang walang pakundangan, pero sa katunayan ay mayroon siyang mga lihim na motibo. Hindi ito matukoy ng mga tao, pero matagal nang nakita ng Diyos na ang taong ito ay hindi totoo. Ayaw niyang magtrabaho, kaya palagi siyang naghahanap ng mga palusot upang magtanong. Gumamit siya ng isang uri ng mabuting pag-uugali bilang pagbabalatkayo para itago ang sarili niyang intensiyon. Kapag may isang taong naglalaro ng isipan at nanlilinlang nang ganito, maituturing ito na pagsalangsang sa mga mata ng Diyos. Nauunawaan ba ninyo? (Oo, nauunawaan namin.) Kung gayon, malinaw na ba sa inyo ngayon kung paano kayo dapat magsagawa? Bagama't hindi mo nauunawaan ang mga katotohanang prinsipyo, hindi modapat paglaruan ang isipan ng Diyos. Dapat mong sabihin, “Magulo ang pag-iisip ko, mahina ang kakayahan ko, at hindi ko maunawaan ang mga katotohanang prinsipyo. Kaya gagawa ako ng isang bagay na praktikal: Magsusumikap pa ako nang kaunti at gagawa pa ako nang kaunti. Kapag pagod na ako, magpapahinga ako sandali at pagkatapos ay ipagpapatuloy ko ang pagtatrabaho.” Kahit na may magreklamo kalaunan na ang pagsusumikap mo ay hindi kinakailangan at walang saysay, makikita ng Diyos na ang puso mo ay tunay at matapat. Kikilalanin ka ng Diyos, at hindi ka makakagawa ng pagsalangsang. Madali ba itong makamit? (Oo, madali ito.) Ito ang pinakasimpleng prinsipyo ng pagsasagawa. Bagama't simple ito, ang problema ay baka mabigo kang gawin ito. Yaong mga nakakaunawa sa katotohanan ay may mga paraan sa paglutas sa anumang makaharap nila, at mayroon silang mga prinsipyo kung paano tratuhin ang bawat uri ng tao: Sa pagtrato nila sa mga hangal na tao, mayroon silang mga prinsipyo kung paano tratuhin ang gayong mga tao, at sa pagtrato nila sa masasamang tao, mayroon silang mga prinsipyo kung paano tratuhin ang gayong mga tao. Kung nauunawaan mo ang katotohanan pero hindi mo ito isinasagawa at sa halip ay naglalaro ka ng isipan, maituturing itong isang pagsalangsang. Kung mayroon kang tunay na puso, at sa sandaling maunawaan mo ang isang prinsipyo, maisasagawa mo ito nang naaayon at nang hindi gumagawa ng pagsalangsang sa harap ng Diyos, kung gayon, ang ginagawa mo ay tatanggapin ng Diyos. Ano ang pangunahing punto rito? (Ang hindi paglalaro ng isipan, at ang pagsasagawa muna ayon sa kung ano ang kaya nating maunawaan.) Huwag kang maglaro ng isipan; magkaroon ka ng tunay na puso sa Diyos. Magkaroon ka ng tunay na puso sa gawain, mga gampanin, at misyon na ibinibigay sa iyo ng Diyos. Isagawa mo kung gaano man karami ang nauunawaan mo. Kahit hindi mo nauunawaan, maaari mo pa ring panghawakan ang batayang kahulugan ng mga salita ng Diyos; kahit na sumusunod ka sa mga regulasyon, kailangan mo pa rin itong panghawakan. Tama ba? (Oo.) Ano ang prinsipyo rito? Ano ang hinihinging pamantayan ng Diyos para sa tao? Hindi mataas ang mga hinihingi ng Diyos sa tao; ibig sabihin, kailangan mong magkaroon ng tunay na puso. Bagama't kinasusuklaman at hindi gusto ng Diyos ang mga tao na hindi nakakaunawa sa mga prinsipyo at na mahina ang kakayahan, kung mayroon kang tunay na puso, tatanggapin ka pa rin ng Diyos, at tatratuhin ka Niya nang patas. Kung wala kang tunay na puso at palagi mong pinaglalaruan ang isipan ng Diyos, gaano man kahusay ang iyong kakayahan o gaano man kataas ang iyong pagkaarok, kasusuklaman ka pa rin ng Diyos, at itatala Niya ang mga pagsalangsang na ginagawa mo. Nauunawaan ba ninyo? (Oo, nauunawaan namin.) Ang mga ito ay pawang mga bagay na karaniwang nararanasan sa pang-araw-araw na buhay. Dapat ay mayroon na kayong landas ngayon kung paano tingnann ang gayong mga bagay, hindi ba? (Oo.) Dito na natin tatapusin ang ating pagbabahaginan tungkol sa aspektong ito.

Noong nakaraan, marami-rami tayong napagbahaginan sa mga kuru-kuro at imahinasyon tungkol sa Diyos na nagkatawang-tao. Malawakan din tayong nagbahaginan kung paano bitiwan at kung paano lutasin ang mga kuru-kuro at imahinasyon tungkol sa Diyos na nagkatawang-tao. Batay sa nilalamang ito, magtatapos tayo sa pamamagitan ng pagbabahaginan kung paano magkamit ng tahimik na pagkakaunawaan sa Diyos. Siyempre, sa kasalukuyang yugto, tumutukoy ito sa pagkakaroon ng tahimik na pagkakaunawaan sa Diyos na nagkatawang-tao. Madali bang magkaroon ng tahimik na pagkakaunawaan sa Diyos? (Hindi, hindi ito madali.) Sa loob ng saklaw ng kaya ninyong maunawaan, ano ang dapat taglayin ng isang tao, sa pinakamababa, para magkamit ng tahimik na pagkakaunawaan sa Diyos? Ano ang dapat niyang taglayin pagdating sa kakayahan, pagkatao, paghahangad, sa landas na tinatahak niya, at iba pa, upang magkamit ng tahimik na pagkakaunawaan sa Diyos? (Pagdating sa kakayahan, dapat taglayin ng isang tao ang abilidad na makaarok; pagdating sa pagkatao, dapat taglayin ng isang tao kahit papaano ang konsensiya at katwiran; at dapat ding maunawaan ng isang tao ang ilang katotohanan. Saka lang magkakamit ang isang tao ng tahimik na pagkakaunawaan sa Diyos.) (Para magkamit ng tahimik na pagkakaunawaan sa Diyos, una, dapat ay may tunay na puso ang isang tao at maging taos-puso sa Diyos. Sa isa pang banda, dapat ay may kakayahan ang isang tao at dapat niyang maunawaan ang mga layunin ng Diyos at ang Kanyang mga hinihingi sa tao. Ang isa pang aspekto ay na ang mga pananaw ng isang tao sa mga bagay-bagay at ang mga perspektiba sa likod ng paghahangad ng isang tao ay dapat maging kaayon ng sa Diyos. Saka lang magiging madali na magkamit ng tahimik na pagkakaunawaan sa Diyos.) Mayroon pa ba? (May naiisip akong isang aspekto: Dahil napakataos-puso ng Diyos kapag nagsasalita Siya sa mga tao, kung nais ng mga tao na magkamit ng tahimik na pagkakaunawaan sa Diyos, dapat din silang magkaroon ng taos-pusong saloobin.) Ito ay isa ring aspekto; sa pinakamababa, isa itong pananaw. Kung paano magkamit ng tahimik na pagkakaunawaan sa Diyos ay isang napakalawak na paksa. Isa rin itong napakalalim na paksa. Ang pakikipagbahaginan sa inyo tungkol sa nilalamang ito ay parang pagtuturo ng mga kurso sa unibersidad sa mga mag-aaral sa kindergarten. Batay sa pagkaunawang ibinahagi ninyo ngayon lang, marami sa inyo ang ganap na walang alam sa aspektong ito. Lalo nitong pinatutunayan kung gaano kayo nagkukulang: Hindi ninyo nauunawaan ang aspektong ito ng katotohanan, hindi ninyo kailanman napag-isipan ang paksang ito, at hindi ninyo maarok ang paksang ito. Kung paano magkamit ng tahimik na pagkakaunawaan sa Diyos ay ang huling paksa tungkol sa pagbitiw sa mga kuru-kuro at imahinasyon tungkol sa Diyos na nagkatawang-tao. Isa itong napakahalagang paksa. Isa itong layon na sa huli ay makakamit ng isang tao sa pagsunod sa Diyos na nagkatawang-tao, at isa rin itong pagpapahayag ng buhay diwa na maisasabuhay ng isang tao kapag nananampalataya siya sa Diyos at nakakamit ang katotohanan bilang kanyang buhay. Ang pagbitiw sa mga kuru-kuro at imahinasyon ng isang tao tungkol sa Diyos na nagkatawang-tao ay hindi lamang tungkol isang usapin ng hindi pagkakaroon ng mga kuru-kuro tungkol sa Diyos. Ang aspektong ito ng katotohanan ay kinapapalooban ng maraming kuru-kuro at imahinasyon tungkol sa Diyos na nagkatawang-tao, at kinapapalooban din ito ng iba't ibang saloobin ng mga tao tungkol sa Diyos na nagkatawang-tao, ng iba't iba nilang pagkaunawa sa Kanya, at ng iba't iba nilang paraan ng pagsasagawa sa pagtrato nila sa Kanya. Ang pinakamagandang kinalabasan na makakamit sa huli sa pamamagitan ng pagsasagawa sa aspektong ito ng pagbitiw sa mga kuru-kuro at imahinasyon tungkol sa Diyos na nagkatawang-tao ay ang magkaroon ang mga tao ng tahimik na pagkakaunawaan sa Diyos na nagkatawang-tao. Ang “pagkakaroon ng tahimik na pagkakaunawaan” na ito ay isang pantaong paraan ng pagsasalita; sa mga salitang madalas nating ginagamit, nangangahulugan ito ng pagiging naaayon sa Diyos at pagiging kaayon ng Diyos. Pero dahil sa tayog ng tao, dahil sa mga katangian ng tao, at dahil sa diwa ng tao, at kung pagbabatayan ang bawat aspekto ng kanyang pinagmulan at mga kondisyon, sa katunayan ay lubos na imposible para sa tao na umabot sa punto ng pagiging naaayon Diyos o na umabot sa punto ng pagiging kaayon ng Diyos. Samakatwid, ang paggamit sa ekspresyon na “pagiging kaayon ng Diyos” ay magiging medyo hindi makatotohanan, at medyo hungkag at hindi obhetibo. Kaya pinag-isipan Ko itong mabuti at nakita Kong mas obhetibo at mas naaangkop ang terminong “tahimik na pagkakaunawaan”, at maituturing itong medyo akma. Hindi ba't ganoon? (Oo.) Sa huli, hindi hinihingi sa iyo ng pagbitiw sa mga kuru-kuro at imahinasyon tungkol sa Diyos na nagkatawang-tao na maging kaayon ka ng Diyos. Dahil magkaiba sa diwa ang buhay ng tao at ng Diyos, at dahil sa mga problema ng tao sa bawat aspekto, imposibleng magiging kaayon ng Diyos ang tao. Isang bagay lang ang hinihingi: Dapat magkamit ang isang tao ng tahimik na pagkakaunawaan sa Diyos. Ano ang ibig sabihin ng tahimik na pagkakaunawaang ito? Nangangahulugan ito na sa tuwing may anumang nangyayari, kaya mong tumayo sa parehong panig ng Diyos, magkaroon ng parehong perspektiba, magkaroon ng parehong mga kaisipan at pananaw, at gumamit ng parehong mga pamantayan na katugma sa mga katotohanang prinsipyo para tingnan, unawain, at tratuhin ang anumang tao, pangyayari, o bagay. Ito ang tinatawag na tahimik na pagkakaunawaan. Sa simpleng salita, ang tahimik na pagkakaunawaan ay nangangahulugan ng pag-alam kung ano ang iniisip ng iba nang wala ni isa sa inyo ang nagsasalita, at pagkakaroon ng parehong pananaw sa iisang bagay, nang hindi nangangailangan ng anumang pakikipag-usap gamit ang mga salita. Ano ang isa pang paraan ng paglalarawan sa tahimik na pagkakaunawaan? (Ang pagkakatugma ng isipan.) Tama, ang pagkaktugma ng isipan. Kahit na hindi nakatira ang dalawa sa iisang rehiyon o iisang espasyo, dahil mayroon silang parehong mga kaisipan at pananaw, at mayroon silang parehong paninindigan at parehong perspektiba, at mayroon din silang parehong saloobin tungkol sa lahat ng bagay, nang hindi kinakailangang makipag-usap at nang hindi kinakailangang magpalitan ng anumang salita, nagagawa nilang umabot sa parehong mga pamamaraan at landas para sa pag-aasikaso ng anumang problema, at nagagawa rin nilang magkaroon ng parehong mga layon at pakay sa pag-aasikaso nito. Ito ang tinatawag na tahimik na pagkakaunawaan; ito ay tulad ng tinatawag ng mga tao na pagiging magkapareho ng pag-iisip. Kung ang isang tao ay kapareho ng pag-iisip ng Diyos, ito ay tinatawag na tahimik na pagkakaunawaan. Ano ang dapat taglayin ng isang tao para magkamit ng tahimik na pagkakaunawaan sa Diyos—o kahit man lang, sa Diyos na nagkatawang-tao? May sinabi kayong ilang bagay ngayon lang. Ang ilan sa inyo ay mas tumpak na nagsalita, habang ang iba naman ay hindi gaanong naging tumpak. Iyong mga nagsalita nang tumpak ay may pag-asang magkamit ng tahimik na pagkakaunawaan sa Diyos.

Anong mga kondisyon ang dapat taglayin ng isang tao para magkamit ng tahimik na pagkakaunawaan sa Diyos? Una, dapat taglayin ng isang tao ang tunay na pananampalataya. Mahalaga ba ito? (Oo.) Sa partikular, ang tunay na pananampalataya ay nangangahulugang pagkakaroon ng tunay na pananalig sa Diyos. Ibig sabihin, kinikilala mo na Siya ang Lumikha, naniniwala ka mayroon Siyang kataas-taasang kapangyarihan sa lahat ng bagay, at nauunawaan mo kung ano ang Kanyang saloobin sa sangkatauhan, at kung ano ang Kanyang saloobin sa lahat ng pangyayari at bagay. Mayroon kang kaunting pakiramdam at pagkilala sa iyong puso tungkol sa Kanyang mga sinasabi at ginagawa, sa Kanyang diwa, sa Kanyang pagkakakilanlan, sa Kanyang pagkamakapangyarihan-sa-lahat, sa Kanyang kapangyarihan, sa Kanyang awtoridad, at iba pa. Ito ang tunay na pananampalataya. Ang tunay na pananampalatayang ito ay tumutukoy sa pananalig. Gayumpaman, ang pananalig na ito ay hindi lamang isang usapin ng pasalitang pagkilala na ang Diyos na nagkatawang-tao ay ang Lumikha at na Siya ay Diyos; hindi lamang ito pag-amin at pagkilala sa Kanyang pagkakakilanlan, katayuan, at diwa. Sa halip, nangangahulugan ito ng pagkakaroon ng batayan o malalim na pagkaunawa at pakakilala sa Kanyang pagkakakilanlan, katayuan, at diwa. Ito ay tunay na pananampalataya. Saka ka lamang magkakaroon ng tunay na pananalig sa Lumikha kapag nagkaroon ka na ng tunay at batayang pagkaunawa, pagkakilala, at karanasan. Ito ang isang kondisyon na dapat taglayin ng isang tao para magkamit ng tahimik na pagkakaunawaan sa Diyos. Sa isa pang banda, dapat ay may tunay na puso ang isang tao. Ang pagkakaroon ng tunay na puso ay nangangahulugan na taos ang iyong puso sa Diyos. Hindi ka nananampalataya sa Diyos at sumusunod sa Diyos sa paraang magulo ang isip, ni hindi ka naglalaro lang. Ang iyong pananampalataya sa Diyos at ang iyong pagsunod sa Diyos ay hindi tulad ng kung paano mo tatratuhin ang isang ordinaryong tao; hindi rin ito isang pananampalatayang panrelihiyon, hindi ito isang ritwal, hindi ito isang akto ng pagbibigay-pugay, lalong hindi ito isang akto ng pagpipitagan. Sa halip, mayroon kang tunay na puso. Ang pagkakaroon ng tunay na puso ay nangangahulugang, kahit man lang, dapat mong magawang ialay ang lahat ng mayroon ka sa Diyos; dapat ay handa ka man lang na gawin ito. Kung sasabihin sa iyo ng Diyos na mamatay ka, pag-iisipan mo ito: “Sinabihan ako ng Diyos na mamatay, kaya pupunta ako at mamamatay. Kahit na ayaw ko sa aking puso, kailangan ko pa ring ialay ang aking sarili sa Diyos.” Dapat ay mayroon kang ganitong uri ng tunay na puso. Higit pa rito, anuman ang hingin sa iyo ng Diyos, anuman ang hingin Niya sa iyo na ialay, o anuman ang sabihin Niya sa iyo na gawin mo, kaya mong magpasakop sa Kanya at hindi makipagtawaran sa Kanya; ang iyong saloobin sa Diyos ay taimtim at taos-puso. Kahit na mayroon kang mga tiwaling disposisyon, at kahit na mayroon ka pa ring maraming kuru-kuro at imahinasyon tungkol sa Diyos, kahit man lang, ang puso mong ito ay tunay, at taos-puso ka sa Diyos. Ang pagkakaroon ng tunay na puso sa Diyos ay ang ikalawang kondisyon na dapat taglayin ng isang tao para magkamit ng tahimik na pagkakaunawaan sa Diyos.

Kung gusto ng isang tao na magkamit ng tahimik na pagkakaunawaan sa Diyos na nagkatawang-tao, pagkatapos taglayin ang dalawang kondisyon ng tunay na pananampalataya at isang tunay na puso, ang ikatlong kondisyon na dapat niyang taglayin ay pagsasaalang-alang. Ang salitang “pagsasaalang-alang” ay medyo abstrakto; ano ang ibig sabihin ng magpakita ng pagsasaalang-alang? Nangangahulugan ito na kung ano ang gustong sabihin ng Diyos at kung ano ang gustong gawin ng Diyos, kung ano ang ikinababalisa at ikinababahala ng Diyos, at kung ano ang ikinasasaya ng Diyos ay maaaring makaantig lahat sa iyong puso, at maaaring makaapekto lahat sa iyong lagay ng loob at sa iyong mga emosyon. Kaya mong isipin kung ano ang iniisip ng Diyos at mabalisa tungkol sa kung ano ang ikinababalisa ng Diyos; ito ang tinatawag na pagpapakita ng pagsasaalang-alang. Ang pagpapakita ng pagsasaalang-alang ay nangangahulugan na kapag nakikita mo ang kahulugan ng sinasabi ng Diyos at nakikita ang bawat kilos ng Diyos, kaya mong maunawaan ang puso ng Diyos, at kaya mong positibo at maagap na makipagtulungan sa Diyos, gawin ang lahat ng iyong makakaya, at tuparin ang tungkulin na dapat mong gawin, binibigyan ng kasiyahan at kapanatagan ang puso ng Diyos. Ito ay pagpapakita ng pagsasaalang-alang. Gayundin, tungkol sa mga hinihingi ng Diyos, kaya mong tanggapin ang mga ito at magpasakop sa mga ito, at sa gayon ay napalulugod ang Diyos; mayroon kang nais na sumunod sa kalooban ng Diyos at kaya mong maagap na makipagtulungan. Ito aytinatawag na pagpapakita ng pagsasaalang-alang. Halimbawa, kapag binabasa mo ang mga salita ng Diyos na, “Sino ang makakapagpakain sa Aking mga tupa? Sino ang Aking Pedro? Sino ang sumusunod sa Aking kalooban?” maaantig ka ng mga salitang ito ng Diyos. Pagkarinig sa mga salitang ito ng Diyos, mararamdaman mo ang Kanyang pagkabalisa at ang Kanyang kalungkutan; maaantig ang iyong puso, at isasapuso mo ang mga salita ng Diyos at pagninilayan ang mga ito. Sa tuwing nakikita mo ang mga salitang ito ng Diyos, maaantig ka; ang mga salitang ito ng Diyos ay mananahan sa isang lugar sa iyong puso, at magkakaroon ka ng nais na palugdan ang Diyos, tinutugunan ang Kanyang mga layunin at binibigyan Siya ng kapanatagan. Ito ba ay pagpapakita ng pagsasaalang-alang? (Oo.) Halimbawa, sinasabi ng Diyos, “Gusto Kong magkamit ng isang grupo ng mga tao sa lupa na naaayon sa Aking mga layunin.” Pinagninilayan mo sa iyong puso, “Gusto ng Diyos na magkamit ng isang grupo ng mga tao sa lupa na naaayon sa Kanyang mga layunin. Paano ito gagawin ng Diyos? Sa anong mga paraan ito maisasakatuparan? Paano ako dapat makipagtulungan upang palugdan ang Diyos?” Ito ay tinatawag na pagpapakita ng pagsasaalang-alang. Dapat ay malinaw sa iyong puso kung paano mo dapat danasin ang gawain ng Diyos para maging isang taong naaayon sa mga layunin ng Diyos, at kung paano mo dapat hangarin ang katotohanan at kung paano mo dapat isagawa ang katotohanan upang magawa kang perpekto ng Diyos at maging isang taong naaayon sa Kanyang mga layunin. Kung mayroon kang gayong mga kaisipan, magiging handa kang maagap na makipagtulungan sa Diyos. Ito ay tinatawag na pagpapakita ng pagsasaalang-alang. Isa itong saloobin, at isa rin itong pagpili sa kung paano umasal ang isang tao. Ito ay pagsasaalang-alang. Tulad lang ito ng paggalang ng mga tao sa kanilang mga magulang—kapag may mga suliranin ang kanilang mga magulang, handa silang tumulong; kapag nakikita nilang mahina ang kalusugan ng kanilang mga magulang, nababalisa sila sa kanilang puso at ginagawa nila ang lahat ng posibleng paraan para makakuha ng medikal na paggamot at pangangalagang pangkalusugan para sa kanilang mga magulang, upang manumbalik ang kalusugan ng kanilang mga magulang sa lalong madaling panahon at maibsan ang kanilang karamdamant at sakit. Isa itong pagpapamalas ng paggalang sa mga magulang. Ibig sabihin, kung hindi mo alam ang mga suliranin, karamdaman, at sakit ng iyong mga magulang, ibang usapin iyon; sa sandaling malaman mo ang tungkol sa mga ito, labis kang mag-aalala at labis na mag-aasikaso, at gagawin mo ang lahat ng iyong makakaya upang mabawasan ang pagdurusa ng iyong mga magulang. Ito ay tinatawag na pagpapakita ng pagsasaalang-alang. Kung gayon, paano naman ang pagtrato mo sa Diyos? Hindi mataas ang mga hinihingi ng Diyos sa tao. Kaya ng mga anak na magpakita ng pagsasaalang-alang sa kanilang mga magulang, kaya naman, kaya rin ng tao na magpakita ng pagsasaalang-alang sa Diyos. Nauunawaan ba ninyo ngayon ang aspektong ito ng pagpapakita ng pagsasaalang-alang sa Diyos? (Nauunawaan namin.)

Kung gusto ng isang tao na magkamit ng tahimik na pagkakaunawaan sa Diyos na nagkatawang-tao, ang ikaapat na kondisyon na dapat niyang taglayin ay na dapat niyang maunawaan ang mga layunin ng Diyos. Kung gusto mong magpakita ng pagsasaalang-alang sa puso ng Diyos, gusto Siyang palugdan, gusto na matupad ang Kanyang mga nais, at gusto na makatanggap Siya ng kapanatagan, dapat mong pagnilayan: “Ano ang mga layunin ng Diyos? Ano ang gustong gawin ng Diyos? Ano ang gusto ng Diyos? Ano ang ikinababalisa ng Diyos? Ano ang ikinababahala Niya? Ano ang ikinalulungkot Niya? Ano ang ikinasasakit Niya? Para saan nagbabayad ng halaga ang Diyos? Ano ang hinihinging pamantayan ng Diyos? Ano ang mga hinihingi ng Diyos? Ano ang ipinahayag ng Diyos? Ano ang sinabi ng Diyos sa sangkatauhan?” Kung gusto mong magpakita ng pagsasaalang-alang sa mga layunin ng Diyos, dapat mong maunawaan kung ano ang Kanyang mga layunin. Upang maunawaan ang mga layunin ng Diyos, dapat madalas kang maghanap at magnilay sa iba't ibang bagay na nakakatagpo mo. Isa ka mang lider o manggagawa, isang superbisor ng isang aytem ng gawain, o isang ordinaryong mananampalataya, dapat mong hanapin kung ano ang mga layunin ng Diyos at kung ano ang Kanyang hinihinging pamantayan sa iba't ibang tao, pangyayari, at bagay na nakakatagpo mo. Dapat walang pagod mong pag-isipan ang mga ito, at hanapin at pagnilayan ang mga ito nang hindi nalilimitahan sa anumang paraan. Sa huli, sa sandaling maunawaan mo ang mga layunin ng Diyos at ang hinihinging pamantayan ng Diyos, magiging madali para sa iyo na magkamit ng tahimik na pagkakaunawaan sa Diyos, at tataglayin mo ang mga batayang kondisyon. Kaya sabihin ninyo sa Akin, anong mga batayang kondisyon ang dapat taglayin ng isang tao para magkamit ng tahimik na pagkakaunawaan sa Diyos? (Dapat taglayin ng isang tao ang mga kondisyon sa apat na larangan: una, tunay na pananampalataya sa Diyos; ikalawa, isang tunay na puso sa Diyos; ikatlo, pagsasaalang-alang sa Diyos; at ikaapat, isang pagkaunawa sa mga layunin ng Diyos.) Natatandaan ba ninyo ang mga ito? Ito ba ang apat? (Oo.) Walang alinman sa apat na kondisyong ito ang maaaring maging kulang; sa sandaling matugunan mo ang apat na kondisyong ito, magkakaroon ka ng tahimik na pagkakaunawaan sa Diyos. Mukhang napakasimple ng bawat isa, pero ang aktuwal na pagkamit nito ay hindi madali. Kaya, alin sa apat na kondisyong ito ang taglay ninyo? (Sa mahigpit na pananalita, wala pa kaming nakakamit alinman sa mga ito.) Sa mahigpit na pananalita, wala kayong taglay sa mga ito. Kung hindi natin ito sasabihin nang napakahigpit, ang karamihan sa mga tao ay may kaunting tunay na puso sa Diyos. Naaangkop bang sabihin ito? (Naaangkop ito.) Para naman sa iba pang tatlong kondisyon—tunay na pananalig, pagsasaalang-alang sa Diyos, at isang pagkaunawa sa mga layunin ng Diyos—hindi taglay ng mga tao ang mga ito kahit kaunti, tama? (Oo.) Taglay mo man ang mga ito o hindi, dapat kang magsikap tungo sa mga aspektong ito at umabot nang malayo hangga’t iyong makakaya. Kung ginawa mo na ang lahat ng iyong makakaya, gaano man kataas na antas ang maaabot mo sa huli, kahit papaano ay magkakaroon ka ng malinis na konsensiya at nagawa mo ang tama. Pero kung hindi ka magsisikap paitaas at sa huli ay maiiwan kang may mga pagsisisi, maaari mo na lang hampasin ang iyong dibdib at sisihin ang iyong sarili. Makaabot ka man sa apat na kondisyong ito o hindi, at anuman ang antas na kaya mong abutin, kahit papaano ay dapat kang magsikap paitaas. Ito ay dahil ibinaba na ngayon ang pamantayan, at may ginawa nang pag-atras ng isang hakbang. Hindi hinihingi sa iyo na maging kaayon ng Diyos. Napakataas ng pamantayan ng pagiging kaayon ng Diyos, at hindi mo ito maaabot. Ngayon ay hinihingi na lang sa iyo na magkamit ng tahimik na pagkakaunawaan sa Diyos. Dapat mong gawin ang lahat ng iyong makakaya para magsikap paitaas patungo rito—huwag kang sumuko—at sa huli ay magkaroon ng tunay na pananalig sa Diyos, magkaroon ng tunay na puso sa Diyos, magkaroon ng pagsasaalang-alang para sa Diyos, at maunawaan mo ang mga layunin ng Diyos. Ang proseso ng pagkamit sa apat na kondisyong ito ay ang proseso rin ng pagkakamit ng tahimik na pagkakaunawaan sa Diyos. Siyempre, sa sandaling ganap mong makamit ang apat na kondisyong ito, magkakaroon ka ng ganap na tahimik na pagkakaunawaan sa Diyos.

Natapos na ang ating pagbabahaginan sa apat na kondisyong ito na dapat taglayin ng isang tao upang magkamit ng tahimik na pagkakaunawaan sa Diyos. Ayon sa nakagawian, hindi ba't dapat tayong magbigay ng ilang halimbawa? Ito ang pinakagusto ninyong marinig, at isa rin itong kinakailangang landas at pamamaraan upang maunawaan ninyo ang iba't ibang katotohanan. Ang pagbibigay ng ilang positibo at negatibong halimbawa ay magbibigay-kakayahan sa inyo na maunawaan ang katotohanan tungkol sa pagkakaroon ng tahimik na pagkakaunawaan sa Diyos at sa mga prinsipyo ng pagsasagawa sa bagay na ito. Sa inyong pananaw, sa mga taong nakapaligid sa inyo o sa mga taong kilala ninyo, mayroon bang sinuman na nakapagkamit na ng apat na kondisyong ito—ibig sabihin, na nagkamit na ng tahimik na pagkakaunawaan sa Diyos? Kahit papaano, sa inyong paningin, ang taong ito ay may tahimik na pagkakaunawaan sa Diyos, kayang magbuhat ng mabigat na pasanin, at kayang tapusin ang misyong ibinigay ng Diyos. Magbigay kayo ng ilang halimbawa. Sino ang gayong tao? (Ang taong ginagamit ng Banal na Espiritu.) Bukod sa taong ginagamit ng Banal na Espiritu, maaari ba kayong magbigay ng ilan pang halimbawa ng mga tao na may tahimik na pagkakaunawaan sa Diyos? Tingnan natin kung ano ang pagkakapareho ng ganitong uri ng mga tao. Sa pamamagitan ng ilang halimbawa mula sa kanila, hayaang makita ng lahat kung anong mga katangian mayroon ang ganitong uri ng mga tao: ang kanilang mga salita, kilos, at asal, ang kanilang mga kaisipan at pananaw sa kung paano sila umasal at mangasiwa ng mga usapin, ang kanilang mga saloobin sa Diyos at sa katotohanan, ang kanilang mga saloobin sa sarili nilang mga misyon at tungkulin—ang mga pagpapamalas na mayroon sila at ang magkakaparehong katangian na mayroon sila sa mga bagay na ito. Bukod sa taong ginagamit ng Banal na Espiritu, mayroon pa bang gayong mga tao? (Wala.) Kung gayon ay magbahaginan tayo tungkol sa kung paano nagkamit ng tahimik na pagkakaunawaan sa Diyos ang taong ginagamit ng Banal na Espiritu, o, sa madaling salita, kung anong mga bagay ang nagawa ng taong ginagamit ng Banal na Espiritu na nagsisilbing mga pagpapamalas ng isang tahimik na pagkakaunawaan sa Diyos. Maaaring alam ng ilang tao ang tungkol sa mga bagay na ito, at maaaring hindi naman alam ng ilan. Alam man ninyo ang tungkol sa mga ito o hindi, ano't anuman, dapat ninyong subukang magtamo ng pagkaunawa at subukang gumawa ng mga paghahambing batay sa paksang pinagbabahaginan ngayon.

Upang magbahaginan tungkol sa mga pagpapamalas ng tahimik na pagkakaunawaan na mayroon sa Diyos ang taong ginagamit ng Banal na Espiritu, dapat tayong magsimula sa mga pagbigkas at mga salita ng Banal na Espiritu sa mga iglesia. Ang unang pagbigkas ng Banal na Espiritu sa mga iglesia ay nagmarka sa punto kung saan pormal na nagsimula ang Diyos na magsalita ng mga salita at gumawa ng mga pagbigkas sa sangkatauhan sa pagkakakilanlan ng Diyos Mismo, na naglalahad sa Kanyang ikatlong yugto ng gawain—ang gawain ng Kapanahunan ng Kaharian, na ang gawain ng pagsasalita sa buong sangkatauhan upang gumawa ng pagkastigo at paghatol. Simula sa unang pagbigkas ng Banal na Espiritu, binasa ang mga ito ng taong ginagamit ng Banal na Espiritu, pero hindi lang niya basta binasa ang mga ito nang siya lang at pagkatapos ay ipinakalat ang mga ito sa iglesia. Naisip niya, “Ang mga salitang ito ay hindi ordinaryo ni karaniwan; tila nagmumula ang mga ito sa Banal na Espiritu. Dahil nagmumula ang mga ito sa Banal na Espiritu, lahat ng kapatid sa iglesia ay may karapatang makita ang mga ito. Ito ay pagbigkas ng Diyos, at ang dakilang balitang ito ay dapat ipaalam sa lahat.” Kaya, para ipaalam sa lahat ng nasa iglesia ang tungkol sa balitang ito at para makita nila ang mga salita at pagbigkas ng Banal na Espiritu, ano ang dapat gawin? Talagang walang ganitong pasanin ang mga ordinaryong tao, at hindi rin nila alam kung paano ito gawin. Pagkatapos ay sinimulang gawin ito ng taong ginagamit ng Banal na Espiritu; ibig sabihin, kinuha niya ang mga salita ng Banal na Espiritu at ipinalaganap ang mga ito sa loob ng iglesia, upang mas marami sa hinirang na mga tao ng Diyos ang makabasa ng mga salita ng Diyos. Noong panahong iyon, dahil sa isang limitasyon—ang hindi hayagang makapag-imprenta ng mga aklat tungkol sa pananampalataya sa Diyos sa kapaligiran sa mainland China kung saan inuusig ang pananampalataya—inorganisa ng taong ginagamit ng Banal na Espiritu ang mga kabataan sa iglesia na maayos magsulat at masigasig sa paggawa ng mga bagay-bagay upang kopyahin ang mga salita ng Banal na Espiritu at gumawa ng mga eksaktong kopya nito. Matapos kopyahin ang mga ito, ipinadala ang mga kopya sa bawat rehiyon at distrito; pagkatapos ay ipinadala ng mga distrito ang mga ito sa mga iglesia sa iba't ibang lugar, at kasunod nito ay ipinadala ng mga iglesia ang mga ito sa mga indibidwal. Kahit papaano, ang bawat iglesia ay kinailangang magkaroon ng isa o higit pang sulat-kamay na kopya ng mga salita ng Banal na Espiritu sa mga iglesia. Sa tuwing ipinapahayag ang isa sa mga pinakabagong pagbigkas ng Diyos, nagtatalaga ang taong ginagamit ng Banal na Espiritu ng mga tao para gumawa ng mga eksaktong kopya nito. Kapag umabot na sa isang partikular na dami ang mga salitang ipinahayag, nag-oorganisa siya ng mga tao para iimprenta ang mga ito bilang mga aklat. Sa isang lugar na tulad ng Tsina na walang habas na lumalaban sa Diyos, maging ang pananampalataya sa Diyos ay may kaakibat na panganib, lalo na ang pag-iimprenta ng mga aklat tungkol sa pananampalataya sa Diyos. Kapag naaresto, parusang kamatayan ito. Samakatwid, ang pagbili ng makinarya at kagamitan sa pag-iimprenta noong panahong iyon ay may kaakibat ding panganib. Kahit sa ganoong mga sitwasyon, inorganisa pa rin ng taong ginagamit ng Banal na Espiritu ang mga tao para gawin nang maayos ang gawaing ito, pinapabili ang mga tao ng ilang makinarya at kagamitan, at inoorganisa ang mga tao para mag-type at matuto ng typesetting, at isinasaayos ang mga kapatid para mamahala sa pag-iimprenta at ibuklod ang mga salita ng Diyos upang maging mga aklat. Mula sa pagta-type, typesetting, proofreading, at pag-iimprenta hanggang sa pagbubuklod at pagkatapos ay pamamahagi ng mga aklat sa mga iglesia sa iba't ibang lugar—inorganisa ng taong ginagamit ng Banal na Espiritu ang mga tao para gawin ang lahat ng gawaing ito. Sabihin ninyo sa Akin, kung hindi ito inorganisa ng taong ginagamit ng Banal na Espiritu, sino sana ang nanguna sa gawaing ito? (Wala sanang nakagawa nito.) Sa paggawa ng gawaing ito, sa isang banda, kailangang tiyakin ang kaligtasan; sa isa pang banda, ang mga taong pinili para sa bawat hakbang ng gawain ay kailangang maging angkop. Sa pamamagitan ng prosesong ito, sa huli ay sunod-sunod na naipadala ang mga aklat na ito sa mga iglesia sa iba't ibang lugar. Bagama't ang kalidad ng pag-iimprenta ng mga aklat noong panahong iyon ay mas mababa kaysa ngayon, kung pagbabatayan ang kapaligiran noong panahong iyon, ang mga pinansiyal na kondisyon ng iglesia, at ang mga kondisyon ng mga tao sa bawat aspekto, ang pagkakamit ng isang kopya kada tao ng Ang mga Salita ng Banal na Espiritu sa mga Iglesia at Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin ay napakabuti na at napakahirap. Kung walang nag-organisa nito at walang isang tamang tao na gagawa ng gawaing ito, gaano man karami ang mga salitang naroon mula sa Banal na Espiritu tungo sa mga iglesia, hindi sana naipadala ang mga ito sa mga iglesia sa tamang oras, at baka hindi man lang nakarating ang mga ito sa mga kapatid kahit kaunti, at nang isang kopya bawat tao. Mula noong magsimulang ipahayag ng Diyos ang Kanyang unang pagbigkas hanggang ngayon, nagpursigi ang taong ginagamit ng Banal na Espiritu sa paggawa ng gawaing ito. Ang gawain ng pag-iimprenta ng mga aklat ay may mahabang kasaysayan, at pagkatapos makamit ang isang kopya kada tao, maituturing na nagkamit ng mga resulta ang gawain ng pag-iimprenta.

Bukod sa pagsasaayos ng mga tao para iimprenta ang Ang mga Salita ng Banal na Espiritu sa mga Iglesia at ipamahagi ito sa tamang oras, ang isa pang aytem ng gawain na ginawa ng taong ginagamit ng Banal na Espiritu ay ang pagtatatag ng mga iglesia sa iba't ibang lugar. Noong panahong iyon, ang mga iglesia sa iba't ibang lugar ay pawang binubuo ng mga taong kakatanggap pa lang sa yugtong ito ng gawain. Maraming iglesia ang walang mga angkop na lider at manggagawa. Magulo ang mga iglesia sa loob, magulo ang mga administratibong istruktura, at magulo rin ang mga usapin sa mga tauhan—ibig sabihin, magulo ang bawat aspekto. Pagkatapos ay sinimulan ng taong ginagamit ng Banal na Espiritu ang pagtutuwid sa mga bagay-bagay, pagtatatag ng mga administratibong istruktura at paglilinang ng mga lider at manggagawa. Pagkatapos, natagpuan niya nang paisa-isang hakbang ang lahat ng may kaunting sigasig, kayang gumugol ng kanilang sarili, maaaring linangin, at kaya ring tumalikod sa kanilang mga pamilya, at pinagawa niya sila ng gawain ng iglesia. Noong panahong iyon, maagang nag-aasawa ang mga tao sa ilang lugar. Sa edad na labing-anim o labimpito, o labing-walo o labinsiyam, iisipin na nila na mag-asawa, magkaanak, at magkaroon ng mga supling. Hindi eksepsiyon ang mga kapatid sa iglesia at naiimpluwensiyahan din sila ng mga lokal na kaugaliang ito. Maraming kapatid na masigasig sa kanilang pananampalataya sa Diyos ang umabot na rin sa edad na ito. Kung hindi sila iniangat at nilinang ng iglesia, madalas na diniligan, binigyan ng mga pasanin, at pinagawa ng gawain sa iba't ibang lugar, kung gayon, baka nag-asawa na ang mga taong ito at baka mga lola o lolo na sila ngayon. Noong panahong iyon, maituturing na nagkamit ng espesyal na pabor ang ilan sa mga kabataang ito. Ang ilang iglesia ay hindi makahanap ng mga taong may mahusay na kakayahan sa mga nakatatanda para maglingkod bilang mga lider at manggagawa. Ang ilang taong may mas mahusay na kakayahan ay hindi pa rin kayang tumalikod sa kanilang mga pamilya, habang ang ilang iba pa ay may mahinang kakayahan at sadyang hindi kayang gumawa ng aktuwal na gawain, at mayroon lang kaunting sigasig at handang magpakaabala at gumugol ng kanilang sarili. Kung gayon, ano ang dapat gawin? Nilinang ng taong ginagamit ng Banal na Espiritu ang ilang kabataan na may mahusay na kakayahan at iniangat sila para maglakbay sa mga iglesia sa iba't ibang lugar at gumawa ng gawain, dahil kaya nilang talikuran ang kanilang mga pamilya at medyo malaya sila. Pagkatapos malinang ang mga taong ito, kahit papaano, magagarantiyahan ang buhay iglesia sa mga iglesia sa iba't ibang lugar. Kasama ng mga salita ng Banal na Espiritu sa mga iglesia, naging medyo mas normal ang buhay iglesia at gawain ng iglesia sa mga iglesia sa iba't ibang lugar. Ang ilan sa mga kabataang ito ay nasa limampung taong gulang na ngayon. Dahil sumunod sila sa Diyos hanggang sa kasalukuyan, masasabing marami na silang naranasan. Marahil ay nararamdaman nilang pinakamapalad sila dahil hindi nila napalampas ang pagkakataon na maiangat at malinang ng sambahayan ng Diyos noong panahong iyon, at hindi rin sila, tulad ng mga walang pananampalataya, nagsimulang mag-usap tungkol sa pag-aasawa nang umabot sila sa edad na iyon at nagpakasal. Bagama't nananatili silang walang asawa ngayon, marami na silang nakamit at naunawaan nila ang marami-raming katotohanan. Ang pagtatatag ng mga iglesia sa iba't ibang lugar at paglilinang ng mga lider at manggagawa ay isang aspekto ng gawain. Ang isa pang aspekto ay na hindi lamang isang usapin ng pagkakaroon ng kakayahang basahin ang mga salita ng Diyos at pagkakaroon ng gawain ng Banal na Espiritu ang buhay iglesia. Ang buhay iglesia ay nangangailangan ng napakaraming nilalaman. Sa pananampalataya sa Diyos, bukod sa pagbabasa ng mga salita ng Diyos, kailangan din ng mga tao na pagbahaginan ang katotohanan at pag-usapan ang kanilang mga karanasan. Mayroon din silang ilang pangangailangan pagdating sa mga uri ng libangan, tulad ng pagkanta ng mga himno at pagsasayaw. Samakatwid, ang taong ginagamit ng Banal na Espiritu ay nagtatag ng isang pangkat ng mga gumagawa ng himno, nag-organisa ng ilang tao para magsulat ng mga himnong batay sa karanasan, at nagsulat din ng mga himno nang siya mismo. Ang layon ay para bigyan ang mga kapatid ng mga awiting kakantahin at pagyamanin ang buhay iglesia. Pagkatapos maisulat ang mga himno, paano maipapamahagi ang mga ito nang pantay-pantay sa mga iglesia upang matutunan ng lahat ng kapatid na kantahin ang mga ito? Nag-organisa ang taong ginagamit ng Banal na Espiritu ng mga tao para kumanta sa mga himno at nakahanap ng mga tao na magrerekord sa mga ito. Noong panahong iyon, ang mga mang-aawit at musikero ay pawang mga baguhan. Hindi sila sumailalim sa propesyonal na pagsasanay at nagsimula silang mag-ensayo nang walang gaanong kaalaman sa musika. Nang irekord ang mga kanta, walang magandang kagamitan sa pagrerekord, at wala ring mga de-kalidad na instrumento para sa saliw ng musika. Ang isang erhu ay itinuring na isang medyo praktikal na instrumento, at ang pagkakaroon nito ay maituturing na pagkakaroon ng saliw. May ilang indibidwal na kaya ring tumugtog nang kaunti sa accordion o electronic keyboard. Sa madaling salita, mga baguhan silang lahat, pero ang maabot ang antas na iyon sa panahong iyon ay hindi na isang madaling gampanin. Siyempre, maganda man o hindi ang mga gawaing nabuo sa huli, ang bagay na ito ay nangangailangan ng isang taong mag-oorganisa nito. Anuman ang kailangan ng mga iglesia, anuman ang kailangan ng mga kapatid, at anumang kooperasyon ang hinihingi ng gawain ng Diyos sa tao, naisip ang lahat ng ito ng taong ginagamit ng Banal na Espiritu at patuloy niyang sinubaybayan ang mga bagay na ito. Ibig sabihin, sa abot ng kanyang makakaya, kinuha niya ang lahat ng maiisip ng tao at ginawa itong realidad, at ginawa rin niya ang kanyang buong makakaya para gawin ang lahat ng kayang gawin ng tao. Sa ganitong paraan, inorganisa at sinubaybayan ng taong ginagamit ng Banal na Espiritu ang gawaing ito, ipinapadala ang mga naimprentang aklat ng mga salita ng Diyos, mga aklat ng himno, at mga nairekord na cassette tape at CD sa lahat ng iglesia, upang mabasa ng lahat ng kapatid ang mga salita ng Diyos, matutunan nila ang mga himno, at magkaroon sila ng magandang buhay iglesia. Bagama't ang buhay iglesia noong panahong iyon ay medyo payak kumpara ngayon, at medyo mahirap ang mga kondisyon, nang walang mga modernong kagamitan o de-kalidad na makinarya, at nang walang mga lider at manggagawa o mga teknikal na tauhan na angkop gamitin, dahil inorganisa at sinubaybayan ng taong ginagamit ng Banal na Espiritu ang gawaing ito at patuloy niyang pinabuti ang bawat aytem ng gawain, nagawa pa rin ng mga tao na magtamasa ng magandang buhay iglesia sa mga sitwasyon noong panahong iyon. Ang magandang buhay iglesiang ito ay nangangahulugang nababasa ng mga tao ang mga pinakabagong salita ng Diyos, nakakaramdam sila ng kasiyahan at nagkakamit ng paglaya. Nababasa ng lahat ang mga pinakabagong pagbigkas ng Diyos sa sangkatauhan at nakikilala nila ang mga layunin ng Diyos sa mismong sandaling iyon, ang mga kaisipan ng Diyos tungkol sa tao, at ang Kanyang mga hinihingi sa tao. Ang mas maganda pa, nauunawaan ng ilang tao ang katotohanan sa mga salita ng Diyos at nagkakaroon sila ng kaunting pagpasok. Sa pamamagitan ng pag-oorganisa at pagsasaayos ng taong ginagamit ng Banal na Espiritu sa mga bagay-bagay sa ganitong paraan, sa isang banda, naitatag ang mga iglesia, at sa isa pang banda, ang lahat ng tao ay nagsimulang mamuhay ng isang normal at nasa ayos na buhay iglesia. Ang sambahayan ng Diyos ay hindi isang grupong panrelihiyon. Ang buhay iglesia ay hindi nagsasagawa ng mga ritwal na panrelihiyon, lalong hindi ito nagsasagawa ng monologong pangangaral. Dapat na kabilang sa buhay iglesia ng sambahayan ng Diyos ang pagkain at pag-inom ng mga salita ng Diyos, at dapat na kabilang dito ang gawain ng Banal na Espiritu; dapat na kabilang dito ang pagbabahaginan tungkol sa katotohanan at pag-uusap tungkol sa mga patotoong batay sa karanasan, at dapat din na kabilang dito ang pag-awit ng mga himno bilang pagpupuri sa Diyos. Ang ganitong uri ng buhay iglesia ay buhay iglesia sa ilalim ng pamumuno at patnubay, pagdidilig at pagtustos, at paggabay at pagtulong ng Diyos; ito ay tunay na buhay iglesia. Bagama't kung ihahambing sa buhay iglesia ngayon, ito ay napakababaw, may isang aspekto lamang, at napakasimple, iyon ang kailangan ng mga tao noong panahong iyon, at ito rin ay upang matamasa ng mga tao ang kaliwanagan at pagtanglaw ng Banal na Espiritu—ibig sabihin, upang matamasa ng lahat ng hinirang na mga tao ng Diyos ang mga salita ng Diyos sa buhay iglesia at marinig nila ang tinig ng Diyos gamit ang sarili nilang mga tainga. Isa itong magandang simula para sa buhay iglesia. Kung wala ang gayong buhay iglesia, hindi sana kayo nakarating sa araw na ito. Dahil mismo mayroong ganitong uri ng regular at matatag na buhay iglesia na may mga praktikal na resulta, nakarating ang mga tao nang hakbang-hakbang sa kinaroroonan nila ngayon at nadala sila sa kinaroroonan nila ngayon, at nagkaroon sila ng tayog na mayroon sila ngayon pati na rin ng mga nakamit nila ngayon sa bawat aspekto. Ito ang gawaing ginawa ng taong ginagamit ng Banal na Espiritu pagdating sa administrasyon ng iglesia, mga tauhan, at partikular na gawain ng iglesia. Gumawa rin ang taong ginagamit ng Banal na Espiritu ng mahalagang gawain sa isa pang larangan, at ito ay ang mangaral ng mga sermon na kasunod agad ng mga salita ng Banal na Espiritu sa mga iglesia. Regular o iregular niyang tinawag ang mga lider at manggagawa para sa mga pagtitipon at ibinahagi ang mga layunin ng Diyos, ibinahagi ang mga katotohanang prinsipyo na dapat sundin ng mga tao sa pang-araw-araw nilang buhay at sa paggampan ng kanilang mga tungkulin, at ibinahagi rin niya kung paano magtatag ng mga iglesia at magdilig ng mga iglesia, at ibinahagi kung paano maglingkod sa Diyos. Ginawa ng taong ginagamit ng Banal na Espiritu ang kanyang buong makakaya para gawin nang maayos ang gawaing ito, nagbabahagi ng mga paksa tungkol sa buhay pagpasok at nagbabahagi rin ng mga katotohanan tungkol sa paglilingkod sa Diyos. Ito ang nag-iwan ng pinakamalalim na impresyon sa Akin.

Ang gawaing ginawa ng taong ginagamit ng Banal na Espiritu ay malapit na nauugnay sa mga layunin ng Diyos at sa layon ng Diyos sa pagtatatag ng mga iglesia sa lupa, at hindi ito mapaghihiwalay sa gawaing gagawin ng Diyos sa Kanyang hinirang na mga tao. Sa mahigpit na pananalita, ang sinabi ng taong ginagamit ng Banal na Espiritu, ang pinagtuunan niya ng pansin, ang sinubaybayan niya, ang pinangasiwaan niya, at ang ginawa niya sa iglesia sa bawat panahon ay pawang may malapit na pakikipagtulungan sa gawain ng Banal na Espiritu; nagsumikap siyang makipagtulungan nang lubusan sa pagpapatupad ng anumang pamumuno na ibinigay ng Banal na Espiritu, anumang mga paghahayag na ibinigay ng Diyos, at anumang mga kahulugan at hinihingi ang mayroon sa mga salita ng Diyos, upang hindi mawalan ng saysay ang mga salita ng Diyos, upang hindi mawalan ng saysay ang mga layunin ng Diyos, at upang malaman at maunawaan ng lahat ng tao noong panahong iyon ang mga layunin ng Diyos at ang mga salita ng Diyos. Bagama't hindi ito umabot sa punto na nalaman ito ng bawat sambahayan, kahit papaano, sa ilalim ng pamumuno ng taong ginagamit ng Banal na Espiritu, nagawang sundan nang malapitan ng lahat ng tao noong panahong iyon ang daloy na ito at naramdaman nila na ang daloy na ito ay mayroong gawain ng Banal na Espiritu, mayroong gawain ng Diyos, mayroong mga salita ng Diyos, at mayroong mga layunin ng Diyos. Nakatitiyak sila na ang daloy na ito ay nagmula sa Diyos, nakatitiyak na tama ang daloy na ito, at, kahit papaano, nakatitiyak na ang taong ginagamit ng Banal na Espiritu ay isang tamang tao. Anuman ang puwang sa pagitan ng lahat ng ginawa niya noon at ng ginagawa ngayon, sa madaling salita, ang lahat ng ginawa niya ay upang itaguyod ang gawaing ginawa ng Banal na Espiritu at makipagtulungan dito. Pagdating sa antas kung saan naunawaan ng mga tao sa iglesia ang katotohanan noong panahong iyon, nagawa ng taong ginagamit ng Banal na Espiritu ang mga bagay na ito at nagawa niyang dalhin ang iglesia sa antas na naabot nito noon—alin sa apat na pagpapamalas ng pagkakaroon ng tahimik na pagkakaunawaan sa Diyos ang masasabi ninyong taglay niya? (Pakiramdam ko ay taglay niya lahat ang apat.) Magiging medyo hindi obhetibo na sabihing taglay rin niya ang ikaapat, ang “pagkaunawa sa mga layunin ng Diyos,” pero sa Aking pananaw, taglay niya kahit papaano ang tatlo pang iba: tunay na pananampalataya, isang tunay na puso, at pagsasaalang-alang, kung saan ang “pagsasaalang-alang” ang pinakahalata. Isa siyang tao na nagpakita ng pagsasaalang-alang sa pasanin ng Diyos, at sa paggawa ng napakaraming gawain, hindi siya kailanman nagpakana para makakuha ng anumang bagay na nauugnay sa pera o personal na pakinabang para sa kanyang sarili. Maaaring hindi ninyo nauunawaan kung ano ang ibig Kong sabihin dito, kaya bibigyan Ko kayo ng isang halimbawa. Mula noong simulan ng taong ginagamit ng Banal na Espiritu ang pag-oorganisa sa pag-iimprenta ng mga aklat at hanggang sa kasalukuyan, wala ni isang sentimo ang siningil sa mga kapatid para sa alinman sa mga aklat na ipinamahagi ng ating iglesia. Hindi sa tumigil lang tayo sa paniningil para sa mga ito kalaunan, nang magkaroon na ng pondo ang iglesia; kahit sa pinakasimula pa lang, noong lubhang kapos sa pananalapi, hindi tayo naningil ng kahit isang sentimo. Bakit ganoon? Bagama't hindi masyadong masagana sa pananalapi ang iglesia noong panahong iyon, dahil sa limitadong pinansiyal na mapagkukunan na mayroon noon, halos kaya naman nitong tustusan ang mga gastusin tulad ng gastos sa pag-iimprenta ng mga aklat, kaya hindi siningil ang mga kapatid para sa mga aklat na ipinamahagi sa kanila at nabasa nila ang mga ito nang libre. Habang patuloy na naiimprenta ang mga aklat, paliit nang paliit ang kabuuang halaga ng mga pondo ng iglesia. Noong panahong iyon, karamihan sa mga kapatid na maraming taon nang nananampalataya sa Diyos ay walang pinagkakakitaan dahil palagi nilang ginagampanan ang kanilang mga tungkulin, at wala silang gaanong hawak na pera. Dahil dito, minsan ay hindi sapat ang inihandog na pera para tustusan ang mga gastusin at iba't ibang bayarin ng iglesia. Tandang-tanda Ko na, sa isang pagkakataon, may isang pangkat ng mga aklat na kailangang iimprenta, pero iilang libong yuan na lang ang natitira sa iglesia. Pagkatapos mabayaran ang halaga ng pag-iimprenta ng mga aklat, wala nang matitirang pera para sa gawain ng iglesia. Kung may mga gastusin sa paglalakbay ang mga lider at manggagawa na kailangang tustusan kapag pumupunta sa isang lugar, o kung kailangang tustusan ang mga gastusin sa pamumuhay habang nagho-host ng mga kapatid para sa isang malaking pagtitipon, baka walang magagamit na pera. Ano ang dapat gawin? Sa mga sitwasyong ito, dapat pa rin bang iimprenta ang mga aklat? (Oo, dapat.) Kailangan pa ring iimprenta ang mga aklat, at kailangan pa ring bayaran ang pera. Nakaisip ng solusyon ang taong ginagamit ng Banal na Espiritu. Sinabi niya na dapat munang mangolekta nang maaga ng iilang yuan para sa bawat aklat sa pangkat na ito—sapat lang para tustusan ang halaga ng pag-iimprenta ng pangkat. Sa kontekstong ito, kinolekta ang pera nang maaga sa isang pagkakataong iyon. Pero pagtagal-tagal, naghandog muli ang mga kapatid sa iglesia, at nagkaroon ng sapat na pera para tustusan ang mga gastusin sa pag-iimprenta para sa susunod na pangkat ng mga aklat. Mula noon, bumuti ang kalagayang pinansiyal ng iglesia, at hindi na tayo kailanman naningil ng pera para sa pag-iimprenta ng mga aklat. Ang insidenteng iyon ay isa lamang maikling pangyayari. Ano ang punto sa pagbanggit nito? Ang punto ay, kahit noong pinakakapos ang pananalapi, hindi tayo tumigil sa pag-iimprenta ng ating mga aklat. Sinubukan ng taong ginagamit ng Banal na Espiritu ang lahat ng posibleng paraan at, tulad ng isang padre de pamilya, siya ay nabalisa, nag-isip, at gumawa ng mga plano para sa bagay na ito. Hindi alam ng karamihan sa mga tao ang tungkol sa mga bagay na ito. Nang ipamahagi sa mga iglesia ang mga aklat na ito ng mga salita ng Diyos, ang pinakamaganda nang sinabi ng mga tao pagkatanggap ng isa ay, “Napakaganda ng aklat na ito! Tayo mismo ang nagpaimprenta nito—napakahirap siguro niyon!” Hindi man lang nga pinahalagahan o binasa nang maayos ng ilan ang aklat na ito. Gayumpaman, hindi alam ng mga tao kung gaano karaming paghihirap ang hinarap ng Itaas nang palihim habang ginagawa ang gawaing ito at iniimprenta ang aklat na ito. Marami-raming tao sa ating iglesia ang nagmula sa Lokal na Simbahan o iba pang mga denominasyon. Dati, hindi ginawa ng mga lider at mga apostol sa mainland ng mga denominasyong iyon ang gawain ng pag-iimprenta ng mga aklat. Kinuha nila ang karamihan sa perang inihandog ng mga kapatid sa iba't ibang iglesia, pero hindi sila nag-imprenta ng mga aklat at hindi nila ginawang malawakang magagamit ang mga himno. Anumang mga rekording ng sermon ang mayroon mula sa mas matataas na antas ay hindi kailanman ipinamahagi sa mga nasa ibaba. Wala silang ginawa sa gawaing ito. Ang mayroon lang ang hinirang na mga tao ng Diyos ay isang Bibliya. Kung gusto mong magbasa ng isang koleksiyon ng mga sermon o mga patotoong batay sa karanasan, hindi ka makakakuha nito; kung gusto mong makinig sa ilang magandang himno, mas lalong mahirap iyon. Walang gumawa ng gawaing ito. Kung gusto mong magbasa ng mga espirituwal na aklat, kailangan mong magkaroon ng personal na ugnayan sa kanila bago ka nila pahiramin ng isa para basahin. Sadyang hindi makakuha ng pagtutustos sa buhay ang hinirang na mga tao ng Diyos, at walang mabubuting tao para mamuno at mamahala sa buhay iglesia. Ang mga apostol at lider na iyon ay hindi gumawa ng anumang tunay na gawain. Isang bagay na regular nilang ginagawa ay ang magdaos ng pagpupulong ng mga kamanggagawa paminsan-minsan kung saan sobra-sobra silang kumakain at umiinom. Maaaring ito ang “gawaing” ginawa nila. Bata pa Ako noon, labimpito o labing-walong taong gulang lang, at nang marinig Ko ang tungkol sa mga bagay na ito, pakiramdam Ko, “Napakagulo! Ang mga taong ito ba ay nananampalataya sa Diyos? Paano ito naihahalintulad sa isang bagay na gagawin ng mga mananampalataya sa Diyos?” Labis Akong nagalit nang marinig Ko ang tungkol dito. Wala tayong pakialam sa kung ano ang kinain nila o kung ano ang tinamasa nila. Sa madaling salita, sa pinakamababa, hindi nila inorganisa nang maayos ang buhay iglesia, hindi nila ipinamahagi ang espirituwal na pagkain na kailangan ng mga tao—ang mga aklat at himno—at hindi sila naglinang ng mga lider at manggagawa. Wala silang ginawa sa gawaing ito. Nakatanggap ang iglesia ng hindi maliit na halaga ng mga handog, pero nang pumunta sila sa mga iglesia sa iba't ibang lugar, ang tanging inalala nila ay ang kumain, uminom, at magpakasaya. Wala silang ginawang tunay na gawain at hindi nila kailanman ginamit ang mga handog para sa gawain ng iglesia. Sa mga pagtitipon, nagtatalakay lang sila ng ilang doktrina at sumisigaw ng ilang islogan, at iyon na iyon; hindi nila kailanman nilutas ang mga aktuwal na problema. Pagkatapos magsimulang gumawa ang taong ginagamit ng Banal na Espiritu, tinapos niya ang mga penomenang ito. Sinimulan niyang lutasin ang bawat problema at nagsimula siyang gumawa ng kongkretong gawain nang paunti-unti, upang ang buhay iglesia at ang gawain ng mga tauhan ng iglesia ay unti-unting magbago at mapunta sa tamang landas, at nagpatuloy ito hanggang sa kasalukuyan. Ang mga handog para sa Diyos ay ang inihahandog ng mga tao sa Diyos. Kung titingnan mo ang pamamahala at paggamit sa mga handog, ang mga gastusin sa pamumuhay ng Diyos na nagkatawang-tao ay bumubuo lamang ng napakaliit na bahagi. Ang natitirang karamihan ng mga handog ay ginagamit para sa gawain ng pangangaral ng ebanghelyo, sa mga gastusin sa pamumuhay ng mga lider at manggagawa at ng mga taong gumagampan ng kanilang mga tungkulin nang full-time, at sa pagbili ng makinarya at kagamitan na kailangan para sa gawain ng iglesia, at iba pa. Sa madaling salita, ang lahat ng gastusing ito ay makatwiran at ginagamit para sa gawain ng sambahayan ng Diyos, sa halip na para suportahan ang mga walang silbing tao na hindi kayang gampanan ang kanilang mga tungkulin. Kung pag-uusapan ang gawain ng sambahayan ng Diyos, malawak ang saklaw nito. Ginamit ng taong ginagamit ng Banal na Espiritu ang mga handog nang makatwiran, binuo niya ang buhay iglesia nang unti-unti, at inayos ang administratibong gawain nang unti-unti. Ikinategorya rin ang iba't ibang uri ng mga tao sa iglesia: Iyong mga gumagampan ng kanilang mga tungkulin ay ibinukod mula sa mga hindi gumagampan, at iyong mga nagmamahal sa katotohanan ay ibinukod mula sa mga nasusuya sa katotohanan. Iyong mga dapat paalisin ay pinaalis, at iniangat din ang mga angkop na taong lilinangin sa iba't ibang panahon. Ang mga ito ay mga bagay na nakita ninyong lahat at naranasan ninyong lahat. Sa paglalakbay na ito, siyempre, unti-unting naunawaan ng taong ginagamit ng Banal na Espiritu ang katotohanan at naarok ang mga prinsipyo sa paggawa ng gawain habang nararanasan ang mga bagay na ito. Sa isang banda, natanggap niya ang kaliwanagan ng Banal na Espiritu sa pamamagitan ng paggawa ng gawain. Sa isa pang banda, sa pamamagitan ng gawain at mga salita ng Diyos, unti-unti niyang lalong naunawaan ang mga layunin ng Diyos. Ang kanyang pagkaunawa ay hindi nanatili sa antas lamang ng mga doktrina, ni nanatili sa loob lamang ng mga regulasyon at pagsasagawa. Sa halip, ang kanyang pagkaunawa ay naging lalong praktikal, at lalo siyang naging mas mahusay sa paggawa nang maayos ng gawain ng iglesia ayon sa mga hinihingi ng Diyos, kaya naging mas matatag at mas normal ang buhay iglesia, at mas kapaki-pakinabang sa buhay pagpasok ng mga tao. Samakatwid, sa proseso ng patuloy na paghahanap at patuloy na pagtuklas nagawa ng taong ginagamit ng Banal na Espiritu na maunawaan ang mga layunin ng Diyos, malapit na makipagtulungan sa Diyos, magpakita ng pagsasaalang-alang sa mga layunin ng Diyos, at gawin ang kanyang buong makakaya para gawin nang maayos ang gawain ng iglesia, nagsusumikap na tiyakin nang may higit na katumpakan na hindi mawawalan ng saysay ang mga layunin ng Diyos at maisasakatuparan ang kalooban ng Diyos. Sa bawat isang bagay na ginagawa niya, may kinalaman man ito sa mga tauhan o buhay pagpasok, at may kinalaman man ito sa mga panlabas na usapin o mga panloob na bagay, nagsusumikap siyang umayon sa mga prinsipyo at umayon sa mga layunin ng Diyos, nang hindi lumilihis tungo sa kaliwa o sa kanan. Ginagawa ng taong ginagamit ng Banal na Espiritu ang kanyang gawain nang may apat na kondisyong ito: tunay na pananampalataya, isang tunay na puso, pagsasaalang-alang, at isang pagkaunawa sa mga layunin ng Diyos. Para sa inyo, hindi lamang ito lubos na kapaki-pakinabang at lubos na nakatutulong; ito ay inyong pagpapala! Kung ang taong ito ay hindi isang tamang tao, kundi isang tao na naghangad ng kasikatan at pakinabang at nag-imbot sa mga pakinabang ng katayuan, isang mapanlinlang na tao, isang tao na nakatuon lamang sa tubo at nasisilaw sa pera, o isang hindi mananampalataya, sabihin ninyo sa Akin, kaya ba niyang gawin ang gawaing ito? Magagawa ba niyang makipagtulungan sa lahat ng paraang ito? Magkakamit ba siya ng gayong tahimik na pagkakaunawaan sa Diyos na nagkatawang-tao? (Hindi.) Kung gayon, ang taong ito ay napakahalaga! Pangunahin na dahil taglay ng taong ginagamit ng Banal na Espiritu ang apat na kondisyong katatapos lang natin pag-usapan kung kaya’t nagagawa niya nang maayos ang gawaing ito ng iglesia. Kapag tungkol sa iisang bagay, ang mga tao ay parehong may karapatang pumili at iba’t ibang mapagpipilian. Maaari nilang piliing pangasiwaan ito nang masama, at siyempre maaari din nilang piliin na pangasiwaan ito nang maayos. Kung papangasiwaan nila ito nang maayos, di-mabilang na mga tao ang makikinabang, at ang mga salitang sinasabi ng Diyos at ang gawaing ginagawa ng Diyos ay unti-unting magkakamit ng mga resulta sa mga tao. Pero kung hindi tatahakin ng isang tao ang mabuting landas at sa halip ay walang pakundangan siyang gagawa ng mga maling gawa, anong mga uri ng bagay ang gagawin niya? Gagamitin niya ang lahat ng handog para sa Diyos para sa personal na kasiyahan, bibili siya ng mga mamahaling sasakyan at mamahaling bahay, at bibili pa nga ng mga pribadong eroplano at cruise ship para maglakbay sa mga bansa sa buong mundo, nagpapakasasa sa pagkain, pag-inom, at pagsasaya. Sa pinakahigit, mangangaral siya ng ilang sermon paminsan-minsan, at iyon na iyon. Wala siyang gagawing gawain ng iglesia kahit kaunti at babalewalain niya ang iglesia kahit pa lubos na magulo ito, iniisip lang ang sarili niyang kasiyahan. Kung ang gayong tao ang mamumuno sa iglesia, magiging madali ba para sa inyo na magkaroon ng magandang buhay iglesia at magandang kapaligiran para sa paggampan ng inyong mga tungkulin? (Hindi.) Kaya, talagang kinakailangan na magkaroon ng isang mabuting tao tulad ng taong ginagamit ng Banal na Espiritu na namumuno sa inyo. Nakikita ng ilang tao ang gawaing ginawa ng taong ginagamit ng Banal na Espiritu at binabalewala pa rin ito, iniisip na, “Madali lang ito. Sino ba ang hindi makakagawa nito? Hangga't nauunawaan ng isang tao ang mga layunin ng Diyos, at siya ang taong ginagamit ng Diyos, ang taong itinalaga ng Diyos, madali lang gawin ang gawaing ito.” Sabihin ninyo sa Akin, madali ba ito? (Hindi.) Hindi madaling gawin nang maayos ang gawaing ito, lalo na sa isang kapaligiran ng pag-uusig sa relihiyon tulad ng sa mainland China. Pinaghahanap ng mga awtoridad ang taong ginagamit ng Banal na Espiritu; saanman siya magpunta para dumalo sa mga pagtitipon o anumang aytem ng gawain ang gawin niya, itinataya niya ang kanyang buhay, at ang maaresto ay nangangahulugan ng kamatayan. Kung gayon, isinuko ba niya ang kanyang tungkulin? Umurong ba siya? Sinubukan ba niyang maging tuso at magpabaya? (Hindi.) Gaano man siya natakot o gaano man siya nanghina sa kanyang puso, hindi niya kailanman isinuko ang kanyang tungkulin. Ang ilang tao ay hindi nagpapasan ng mahalagang gawain at hindi nahaharap sa malaking panganib saanman sila magpunta. Kapag sinasabi nilang, “Hindi ko isinuko ang paggampan sa aking tungkulin,” madali itong sabihin at madaling gawin. Pero kung isasaalang-alang ang mga sitwasyon na kinalalagyan ng taong ginagamit ng Banal na Espiritu, para magawa niyang hindi sumuko sa gayon kapanganib na kapaligiran at asikasuhin din ang bawat aspekto ng gawain ng iglesia—kailangan niyang isipin ang bawat larangan ng gawain at bawat bagay, at kailangan niyang isipin ang mga ito bago pa man maisip ng sinumang iba—masasabi ba ninyo na madali itong gawin? (Hindi.) Ang lakas ng tao at ang kayang tiisin ng likas na kapasidad ng tao ay parehong limitado. Mukhang madali kapag nakikita mo siyang ginagawa ito, pero kung ipapagawa sa iyo ito, malalaman mo kung gaano kahirap at kung gaano kalayo sa pagiging madali ito. Sa inyong mga tao na nakinig sa mga sermon sa loob ng napakaraming taon, wala Akong nahanap na ikalawang tao na tulad nito, at wala rin Akong nahanap na sinuman na kayang magpasan ng gawaing ito. Marami-raming tao ang nagsimulang sumunod nang magsimulang magsalita ang Banal na Espiritu sa mga iglesia at nagpatuloy hanggang sa kasalukuyan. Dapat ay malaman nila at maging malinaw sa kanila kung ano ang pinagdaanan ng iglesia sa pag-unlad nito tungo sa kasalukuyang kalagayan nito at kung paano ito nakarating sa ganito kalayo nang hakbang-hakbang. Kung hindi dahil sa pagsasaalang-alang at pagkaunawa na ipinakita ng taong ginagamit ng Banal na Espiritu para sa pasanin ng Diyos, kung gayon, sa perspektiba ng tao, hindi sana posibleng umunlad ang iglesia tungo sa kasalukuyang kalagayan nito. Siyempre, sasabihin ng ilang tao, “Hindi ba't ang gawain at pamumuno ng Banal na Espiritu ang nagbigay-kakayahan sa kanya na makamit ang gayong mga resulta sa kanyang gawain?” Gusto rin ng Banal na Espiritu na gumawa sa iyo, pero mayroon ka ba ng tunay na pusong iyon at pagsasaalang-alang? Kaya mo ba itong gawin? Sa tingin Ko ay hindi mo talaga ito magagawa. Hindi ito pangmamaliit sa iyo; sa halip, likas na hindi mo ito kayang gawin. Ang taong ginagamit ng Banal na Espiritu at ikaw ay parehong tao, ngunit kaya niya itong gawin at hindi mo ito kaya. Nagpapatunay ito na may mga pagkakaiba sa mga tao. Pinili siya ng Diyos para gawin ang gawaing ito, at hindi nagkamali ang Diyos sa taong pinili Niya. Kahit papaano, taglay ng taong ito ang kondisyong ito at mayroon siya ng kalipikasyong ito, samantalang ikaw ay wala. Hindi mo taglay ang mga kondisyong hinihingi ng Diyos, kaya pinili siya ng Diyos at hindi ka Niya pinili. Wala kang magagawa kundi ang makumbinsi. Ito ay isang katunayan, at hindi ito maitatatwa ng sinuman, tama? (Oo.)

Ngayong natapos na nating pag-usapan ang buhay iglesia, ang paglilimbag ng mga aklat, at ang bawat aspekto ng iglesia, sunod naman nating pag-usapan ang pangangaral ng ebanghelyo magmula noong 1995. Noong panahong iyon, tinanong Ako ng taong ginagamit ng Banal na Espiritu, “Ayos lang ba na mangaral ng ebanghelyo ngayon? Sinasabi ng ilang tao na gusto nilang lumabas at mangaral ng ebanghelyo,” at sumang-ayon Ako. Pagkatapos, nagsimulang gumawa ng mga pagsasaayos para sa gawaing ito ang taong ginagamit ng Banal na Espiritu. Hindi lang siya simpleng nag-organisa ng mga pangkat ng mga taga-ebanghelyo at pagkatapos ay nagpadala ng mga partikular na tao sa mga partikular na lugar para ipangaral ang ebanghelyo, gawin ang isang simpleng pagsasaayos na iyon, at ituring na naasikaso na ang lahat. Habang inoorganisa ang mga pangkat ng mga taga-ebanghelyo, pinag-isipan niya kung paano mangaral sa iba't ibang relihiyon at denominasyon, kung anong mga katotohanan ng ebanghelyo ang kailangan ng mga tao sa iba't ibang relihiyon at denominasyon, at kung aling mga sipi at nilalaman ang pipiliin mula sa mga salita ng Diyos para isama sa mga aklat ng ebanghelyo. Pagkatapos ay pumili at nagtipon siya ng ilang esensiyal na salita ng Diyos tungkol sa iba't ibang aspekto ng mga katotohanan ng ebanghelyo at ipinalimbag niya ang mga ito bilang mga aklat na partikular na para sa pangangaral ng ebanghelyo. Pagkatapos mailimbag ang mga aklat, inorganisa rin ng taong ginagamit ng Banal na Espiritu ang pagsasanay sa mga manggagawa ng ebanghelyo at personal niyang inilatag ang mga prinsipyo para sa pangangaral ng ebanghelyo. Ito ang kongkretong gawaing ginawa niya. Ibig sabihin, kapag sinasabi Ko sa kanya ang tungkol sa isang bagay, agad niya itong ipinapatupad nang walang tanong-tanong at nang walang anumang kompromiso. Hindi niya Ako ginugulo o kinukulit ng mga tanong kung paano ito gagawin; hindi Ko kailangang mag-alala tungkol dito. Kung ipagkakatiwala sa inyo ang isang gawain, kailangan Ko pa ring mag-alala tungkol dito at suriin ito. Pero pagdating sa taong ginagamit ng Banal na Espiritu, nagsasabi Ako ng isang pangungusap sa kanya tungkol sa kung ano ang gagawin, at agad niya itong ginagawa at ipinapatupad. Ang nag-iwan ng pinakamalalim na impresyon sa Akin ay na naglatag ang taong ginagamit ng Banal na Espiritu ng maraming prinsipyo para sa pangangaral ng ebanghelyo, tulad ng kung paano mangaral ng ebanghelyo, kung sino ang puwedeng pangaralan at kung sino ang hindi puwedeng pangaralan, at kung aling mga pamamaraan ang gagamitin para ipangaral ito at kung aling mga pamamaraan ang hindi gagamitin para ipangaral ito. Inilatag niya ang mga partikular na paraan at metodo, ang bawat aytem, nang napakadetalyado. Pagkatapos ay madalas siyang nagdaos ng mga pagtitipon para sa mga pangkat ng mga taga-ebanghelyo, hinayaan niya silang magbigay ng mga katanungan, at nakipagbahaginan siya sa kanila para magbigay ng mga sagot. Inilatag din niya kung anong mga kuru-kuro at tanong mayroon ang mga relihiyosong tao tungkol sa gawain ng Diyos sa mga huling araw, kung paano dapat harapin ang mga ito, kung aling mga katotohanan ang dapat ibahagi, at kung aling mga pamamaraan ang dapat gamitin para lutasin ang mga tanong nila. Inasikaso niya ang bawat usapin, malaki man o maliit, tinutugunan ang mga ito nang unti-unti tulad ng mga langgam na ngumangatngat sa isang buto. Kita mo, isang pangungusap lang ang sinabi Ko at agad niya itong ipinatupad, at maaari Akong maging isang tagapamahala na hindi na kailangang makialam. Bakit Ko sinasabi ito? Dahil naroon ang taong ginagamit ng Banal na Espiritu na gumagawa ng gawain, hindi Ko kailangang mag-alala, dahil lubos siyang may kakayahang pasanin ang gawaing ito. Nagpakita siya ng pagsasaalang-alang at naghanap din; siyempre, naging mapagpasakop din siya at tunay na nagbayad ng halaga. Ibig sabihin, nagawa niyang tanggapin ang mga salitang sinabi Ko at ang Aking mga hinihingi, at ipatupad ang mga ito. Sa ganitong paraan, unti-unting naipalaganap ang ebanghelyo. Gaano man karaming tao ang nangangaral ng ebanghelyo, ano't anuman, sa pamamagitan ng taong ginagamit ng Banal na Espiritu inilunsad ang gawaing ito at nagsimulang umusad. Siya ang nag-organisa, nagsubaybay, nagpatupad, at nangasiwa rito, unti-unting dinadala ang gawain sa kasalukuyang kinalalagyan nito. Masasabing ang mga kasalukuyang tagumpay sa gawain ay nakamit batay sa mga naunang pagsasaayos ng gawain, mga tuntunin ng mga detalye ng gawain, at mga pagsasaayos sa mga pangkalahatang usapin. Ang mga bagay na ito ay pawang gawaing ginawa ng taong ginagamit ng Banal na Espiritu. Mayroon siyang isang tunay na puso at nagbayad siya ng tunay na halaga. Hindi ba't mga katunayan ang mga ito? (Oo.)

Habang palawak nang palawak ang paglaganap ng ebanghelyo ng kaharian at parami nang parami ang mga taong tumatanggap sa yugtong ito ng gawain, anong isyu ang kaakibat nito? Kaakibat nito ang isyu ng pagtatatag ng mga iglesia. Magagawa ba ninyo nang maayos ang gawain ng pagtatatag ng mga iglesia? Hindi pa ninyo ito magagawa nang maayos. Kailangan pa rin ng taong ginagamit ng Banal na Espiritu na personal na gumawa ng mga pagsasaayos ng gawain, magtalaga sa gawaing ito, at magsagawa sa gawaing ito, at personal na mangasiwa, magsubaybay, at mag-udyok sa gawaing ito na sumulong. Samakatwid, madalas siyang nagpatawag ng mga pagtitipon para sa mga lider at manggagawa at para sa mga taong responsable sa gawain ng ebanghelyo, sinasabi sa kanila kung paano magtatag ng mga iglesia, kung ilang tao ang dapat bumuo sa isang iglesia, kung ilang iglesia ang dapat bumuo sa isang distrito, kung ilang distrito ang dapat bumuo sa isang rehiyon, kung ilang lider ng iglesia at ilang diyakono ang dapat hirangin sa bawat iglesia, at iba pa. Gumawa siya ng mga partikular na tuntunin tungkol sa bawat detalyeng nakapaloob sa gawain ng iglesia, kabilang na ang mga partikular na pagsasaayos para sa pamamahala at paggamit ng mga handog. Ang lahat ng ito ay gawaing ginawa ng taong ginagamit ng Banal na Espiritu. Sabihin ninyo sa Akin, mayroon ba siyang tahimik na pagkakaunawaan sa Diyos na nagkatawang-tao? (Oo.) Kung wala siyang pagsasaalang-alang sa mga layunin ng Diyos sa kanyang puso, o mayroon lang siyang napakaliit na pagsasaalang-alang, o kung ang pagsasaalang-alang na ipinakita niya ay nakompromiso sa isang antas, naipatupad kaya ang gawaing ito? (Hindi.) Kung hindi naipatupad ang gawain, anong sitwasyon ang lumitaw sana sa iglesia? (Magiging magulo sana ang buhay iglesia.) Hindi lang sana magiging magulo ang buhay iglesia, kundi magiging magulo sana ang lahat ng aspekto ng gawain ng iglesia. Magagawa rin sana ng masasamang tao na magdulot ng mga pagkagambala at kaguluhan, at humawak pa nga ng kapangyarihan at magkaroon ng huling pasya sa iglesia. Magiging magulo sana ang gawain ng pagtatatag ng mga iglesia sa lahat ng dako, at magiging magulo sana ang iba't ibang aytem ng gawain tulad ng mga pagsasaayos ng mga tauhan at ang pamamahala ng mga handog. Kung ang taong naglingkod bilang lider ay walang pusong tunay na nagpakita ng pagsasaalang-alang sa Diyos at, nang makita na ang iglesia ay umuunlad nang maayos, lumalaki ang saklaw, at dumarami ang bilang, ay nagsimulang magtamasa ng mga pakinabang ng katayuan, umasa sa mga nakaraang tagumpay, at gugulin ang mga natitira niyang taon sa kaginhawahan—kung ang ganitong uri ng tao ang naging lider, hindi sana magagawa nang maayos ang gawain ng iglesia. Gayumpaman, palaging ginagawa ng taong ginagamit ng Banal na Espiritu ang lahat ng kanyang makakaya sa gawain ng iglesia, hanggang sa kasalukuyan. Ang isang pariralang madalas gamitin ng mga taong may determinasyon ay, “Hangga't nagpapatuloy ang buhay, magpapatuloy ang pakikibaka.” Para sa taong ginagamit ng Banal na Espiritu, hangga't nagpapatuloy ang buhay, magpapatuloy ang gawain. Patuloy siyang gumagawa sa buong panahong ito. Kahit na sabihan mo siya na magpahinga, hindi siya nagpapahinga; ganito siya magtrabaho araw-araw at nagpupursigi siya sa paggawa gaano man siya kapagod. Isa ba itong bagay na makakamit sa pamamagitan lamang ng pag-unawa sa mga layunin ng Diyos? Gumawa ba siya dahil lang may nangangasiwa at nag-uudyok sa kanya? Hindi. Hindi magkakapareho ang mga puso ng mga tao. Mayroong takot-sa-Diyos na puso ang taong ito at nagpapakita siya ng pagsasaalang-alang sa puso ng Diyos. Ito ay lubos na mahalaga! Gaano man siya mapagod, hindi siya nagiging negatibo, at anuman ang paghihirap na makaharap niya, hindi siya umuurong; nagpupursigi siya sa paggawa sa buong panahong ito. Samakatwid, ang lahat ng aytem ng gawain ng iglesia ay hakbang-hakbang nang nakatahak sa tamang landas, umuusad nang mas maayos, at nagkakamit ng paganda nang pagandang mga resulta. Ano ang pakiramdam na mayroong ganitong tao na nangunguna sa inyo sa pagsasagawa ng bawat aytem ng kongkretong gawain? Kung wala ang taong ito na nangunguna sa inyo, ano ang mangyayari sa inyo? Hindi ba't labis kayong magkukulang? (Oo.) Ang pagkakaroon ng taong ito ay napakahalaga para sa inyo. Nadala niya ang bawat aytem ng gawain ng iglesia sa tamang landas. Ang mga problemang lumilitaw sa bawat hakbang ng gawain ay paunti nang paunti, ang mga problemang kailangang lutasin ay paunti nang paunti, at ang mga katotohanang prinsipyong nauunawaan ng mga tao ay nagiging mas malinaw. Ang mga resultang ito ay nagawa hindi lang dahil narito ang taong ito, kundi, ang mas mahalaga, dahil mayroon siyang tahimik na pagkakaunawaan sa Diyos. Paano kung tumahak siya sa ibang landas? Paano kung isagawa niya ang sarili niyang proyekto at pamahalaan ang sarili niyang katayuan? Kung gayon, ang mga resultang makakamit ay hindi magiging ganito. Dahil mismo sa ang kalikasan ng lahat ng gawaing ginagawa niya ay malapit na nakikipagtulungan sa gawain ng Diyos, nagpapakita ng pagsasaalang-alang sa mga layunin ng Diyos, at nagkakaroon ng tahimik na pagkakaunawaan sa Diyos, kaya kayo ang mga nakikinabang sa huli. Gaano karaming pakinabang ang natanggap ninyo? Hindi na kailangang lumayo pa, kahit papaano, marami na kayong naunawaan tungkol sa iba't ibang larangan ng kadalubhasaan, nakagawa na kayo ng pag-usad sa inyong kadalubhasaan, at mula sa pagiging mga baguhan ay unti-unti na kayong naging mga propesyonal. Higit pa rito, habang mas detalyado at espesipiko siya sa pagsasalita tungkol sa mga katotohanang prinsipyo, at habang mas mahigpit ang mga hinihingi niya sa inyo, at, sa partikular, habang mas matalim ang mga salitang ginagamit niya sa pagpupungos sa inyo, mas nagagawa ninyong iukit ang mga ito sa inyong puso, tandaan ang mga ito nang lubos, malinaw na maunawaan kung ano ang mga katotohanang prinsipyo, at maunawaan kung ano ang mga layunin ng Diyos. Talagang napakababa ninyo. Kahit ilang beses pang ibahagi sa inyo ang mga katotohanang prinsipyo, hindi ninyo matandaan ang mga ito. Tanging kapag madalas kayong inilalantad at pinupungusan nang ganito katindi ng taong ginagamit ng Banal na Espiritu, at pinapagalitan pa nga kayo, saka lang kayo nakakaunawa sa ilang katotohanang prinsipyo, nagiging mas masunurin sa panuntunan at nagiging mas maayos sa inyong sariling asal at mga kilos, at naitatama ninyo ang inyong mga saloobin. Siyempre, habang pinupungusan, nanginginig din kayo sa takot, palaging natatakot na tunay kayong makikilala ng taong ginagamit ng Banal na Espiritu at papaalisin kayo. Nakikita Kong isa itong mabuting bagay, hindi isang masamang bagay. Kahit papaano, ang ilang tao ngayon ay may mas mabuti nang saloobin sa paggampan ng kanilang mga tungkulin at mas maayos na ang pag-uugali nila kaysa noon. Nagkaroon ito ng positibong epekto. Bagama't ang pagsaway sa mga tao ay maaaring mukhang mali, at kung titingnan sa panlabas, hindi ito masyadong mukhang pino at ang mga salita ay hindi gaanong masarap pakinggan, ang mga resultang nakamit ay mabuti. Para makamit ang resultang ito, gaano kalaking halaga ang ibinayad ng taong ginagamit ng Banal na Espiritu? Ilang beses ba siyang dapat magalit sa inyo? Sabihin ninyo sa Akin, kapag pinupungusan niya kayo, hindi ba’t nagagalit siya? Hindi ba’t nabubugnot siya? Hindi ba't makakasama rin ito sa kalusugan niya? Ayaw niya kayong pungusan. Minsan ay labis siyang nagagalit kaya pinagagalitan niya kayo, at ang mga salitang sinasabi niya ay maaaring hindi gaanong pino pakinggan. Pero batay sa inyong mga pagpapamalas sa Aking mga pakikisalamuha sa inyo, tama ang sinasabi niya at naaayon ito sa inyong aktuwal na sitwasyon; hindi ito kalabisan kahit kaunti. Ano ba ang ginawa ninyo para magalit nang husto ang taong ito? Ito ay dahil ang mga bagay na ginagawa ninyo ay masyadong nakakagalit. Napakaraming taon nang ibinabahagi sa inyo ang mga katotohanang prinsipyo, ngunit hindi pa rin ninyo nauunawaan ang mga ito at walang pakundangan pa rin kayong gumagawa ng mga maling gawa ayon sa sarili ninyong kagustuhan. Saka lang siya napipilitang magsalita nang ganito. Pagkatapos sabihin ito, siya mismo ay nagsisisi pa nga, nagsasabing, “Lahat tayo ay magkakapatid; bakit ba ako nagagalit nang husto?” Inaalo at hinihikayat Ko siya: “Ganito mismo sila dapat pungusan. Walang mali rito. Sa susunod na maharap ka sa ganitong uri ng sitwasyon, kailangan mo pa rin silang pungusan.” Sabihin ninyo sa Akin, tama bang hikayatin siya nang ganito? (Oo.) Dahil mismo ang mga tao ay lubhang malalim na ginawang tiwali, masyadong manhid, at kaawa-awa sa baba ng tayog kung kaya’t kahit ang isang napakasimpleng bagay ay nangangailangan ng pagsaway at pagsigaw para makakuha ng mga resulta. Kung hindi, hindi magagawa ang gawain. Iniisip ng lahat na may kakayahan sila, at gusto ng lahat na kumilos nang walang pagpipigil ulo at walang pakundangan ayon sa sarili nilang kagustuhan. Sabihin ninyo sa Akin, magiging katanggap-tanggap ba na walang ganitong tao na nagpapanatili ng kontrol sa mga bagay-bagay? (Hindi.) Sinasabi ng lahat ng tao na nananampalataya sila sa Diyos, pero wala ni isa sa kanila ang mayroong takot-sa-Diyos na puso; silang lahat ay mga taong puno ng mga tiwaling disposisyon. Kung walang nagpapanatili ng kontrol sa mga bagay-bagay, ang magiging kasunod na sitwasyon ay gugustuhin ng lahat na magkaroon ng huling pasya at gugustuhin ng lahat na gumamit ng kapangyarihan tulad ng isang hari, habang tumatangging hayaan na ang katotohanan ang mamahala, at tumatangging hayaan na ang Diyos ang mamahala. Kung ang katotohanan ang mamamahala at ang katotohanan ang hahawak ng kapangyarihan, kung gayon ay dapat mayroong nagbabantay sa inyo, at dapat gamitin ang taong ito para pigilan kayo. Madali bang makamit ang epektong ito? (Hindi.) Habang gumagawa ang taong ginagamit ng Banal na Espiritu, habang lalo siyang gumagawa, lalo siyang nagagalit; habang lalo siyang gumagawa, lalo siyang nababalisa; habang lalo siyang gumagawa, lalong nagiging matalim ang mga salita niya; habang lalo siyang gumagawa, lalo niya kayong madalas na pinupungusan; at habang lalo siyang gumagawa, lalong sumasama ang saloobin niya sa inyo. Ito pa lamang ay sumasalamin na sa kung gaano kahina ang inyong kakayahan, gaano katigas ang inyong kalooban, gaano kayo kamanhid, at gaano kaliit ang inyong tayog. Sabihin ninyo sa Akin, sa ganito kahirap na gawain, sumuko ba ang taong ginagamit ng Banal na Espiritu? Hindi siya sumuko. Kahit ilang beses pa kayong gumawa ng pare-parehong simpleng pagkakamali, sumuko ba siya sa inyo? (Hindi.) Sa tuwing may anumang pangkat na naghahanap tungkol sa isang problema, ang brother, nang walang pag-aatubili at nang walang anumang kompromiso, ay agad na nakikipagbahaginan tungkol dito at nilulutas niya ito. Minsan ay kumakain siya o magpapahinga na sana, pero ibinababa niya ang kanyang mangkok o ipinagpapaliban ang pagpapahinga at agad siyang sumasagot. Sinasabi niya, “Sa sandaling makasagot ako, mabilis na silang makakapagtrabaho. Hindi dapat maantala ang gawain; apurahan ang gawain. Sa sandaling makasagot ako, mapapanatag ako, at makakapagpahinga rin ako nang may kapayapaan ng isip.” Tingnan ninyo, tama ba ang pag-iisip niya sa paglutas ng mga problema? (Oo.) Palagi niya kayong pinangangasiwaan at inuudyukan, at madalas din niya kayong pinupungusan. Palagi rin niyang sinusuri ang inyong gawain, pinapanatiling puno ang inyong mga gawain para hindi kayo nakatambay lang, at binabantayan niya kayo araw-araw. Sabihin ninyo sa Akin, mabuti bang mayroong ganitong tao na nangunguna sa inyo? (Oo, mabuti ito.) Sa tingin Ko ay napakabuti na mayroong ganitong tao. Napakalaking tulong niya sa inyo sa paghahangad sa katotohanan at sa paggampan nang maayos sa inyong mga tungkulin. Huwag ninyo siyang ayawan, at huwag kayong magreklamo. Ako ang responsable sa pagbabahagi ng katotohanan, at talagang wala Akong pisikal na lakas o enerhiya para gawin itong mga pangkalahatang gawain at gawaing administratibo. Higit pa rito, dahil ginagawa ito ng brother, hindi na talaga kailangan na gawin Ko ito. Kung Ako ang gagawa ng gawain sa inyo, magiging mas malumanay Ako nang di-hamak. Magbibigay ito sa inyo ng pagkakataon na manamantala, at imposibleng maging kasing-ayos ng sa ngayon ang inyong pag-uugali. Alam Ko ang sitwasyong ito. Ang pagiging masyado Kong maluwag sa inyo ay hindi lubos na naaangkop para sa inyo. Kapag hindi Ko tinatrato nang mahigpit ang ilang tao, nagiging mapagpalayaw sila at walang pagpipigil, at sinusubok pa nga ang suwerte, at ginagawa nila ang kanilang gawain nang walang-ingat at pabasta-basta. Hindi ba't kailangang pungusan ang ganitong uri ng mga tao? (Oo.) Ang pinakakailangan ninyo ay ang mahigpit na paraan ng paggawa ng brother—habang mas mahigpit, mas mabuti. Kapag dumating ang araw na nauunawaan na ninyo ang katotohanan, at alam na ninyong magpakita ng pagsasaalang-alang sa mga layunin ng Diyos, nakakapagsagawa na kayo nang tumpak ayon sa mga katotohanang prinsipyo, pahusay nang pahusay na ninyong nagagampanan ang inyong mga tungkulin, nagagampanan na ninyo ang inyong mga tungkulin sa lalong wastong paraan, nagiging lalong epektibo na kayo sa paggampan ng inyong mga tungkulin, natututo na kayong humarap sa Diyos, alam na ninyo kung paano isagawa ang katotohanan, at alam na ninyo kung paano kumilos ayon sa mga layunin ng Diyos, sabihin ninyo sa Akin, hindi ba't magiging isang mabuting bagay ito? (Oo.) Isa itong mabuting bagay. Ang pagkakaroon ng ganitong tao ay napakakapaki-pakinabang sa inyo. Ginagawa ng taong ito ang lahat ng bagay na ito dahil mismo mayroon siyang tahimik na pagkakaunawaan sa Diyos. Ang tahimik na pagkakaunawaang ito ay nangangahulugan ng pagpapakita ng pagsasaalang-alang sa Diyos at pagkakaroon ng kakayahang ipatupad at isagawa ang mga salita ng Diyos nang walang kompromiso, at pagkatapos ay unti-unting pagdadala sa inyo sa tamang landas ng pananampalataya sa Diyos, upang sa paggampan ng inyong mga tungkulin ay unti-unti kayong maging pasok sa pamantayan at makatahak sa tamang landas, at upang matagumpay ninyong makumpleto ang misyong ibinigay sa inyo ng Diyos at makapagbigay-ulat kayo sa Diyos. Isa itong mabuting bagay. Kaya sabihin ninyo sa Akin, sa prosesong ito, anong papel ang ginagampanan ng taong ginagamit ng Banal na Espiritu? Anong papel ang tingin ninyo na ginagampanan niya? (Ang pinuno ng isang sambahayan.) Tulad ng pinuno ng sambahayang ito, tama? Sa buong paglalakbay, pinangungunahan niya kayo na sumulong. Anuman ang mga suliraning lumitaw sa gawain, hindi siya kailanman nagrereklamo tungkol sa hirap, hindi kailanman nagrereklamo tungkol sa pasakit; kung may sinumang umuurong, hinihila niya sila at hinahampas sila para itulak sila pasulong.

Marami pang mapag-uusapan tungkol sa paksa ng pagkakaroon ng tahimik na pagkakaunawaan sa Diyos, at hindi pa natatalakay ang ilang detalye. Kung gusto ninyong marinig ang tungkol sa mga ito, sa susunod nating pagtitipon ay tatalakayin natin ang mga partikular na detalyeng ito upang magkaroon kayo ng kaunting pagkaunawa kung ano ang ibig sabihin ng magkaroon ng tahimik na pagkakaunawaan sa Diyos at, tungkol naman sa mga taong kayang magkamit ng tahimik na pagkakaunawaan sa Diyos, kung ano ang tingin sa kanila ng Diyos at kung paano sila inilalarawan at binibigyang-kahulugan ng Diyos. Pagbabahaginan natin ang tungkol sa lahat ng bagay na ito. Tatapusin natin dito ang ating pagbabahaginan para sa araw na ito. Paalam!

Disyembre 21, 2024

Sinundan: Paano Hangarin ang Katotohanan (32)

Sumunod: Paano Hangarin ang Katotohanan (37)

Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos Ukol sa Pagkakilala sa Diyos Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw Paglalantad sa mga Anticristo Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Tahanan ng Diyos Mahahalagang Salita Mula sa Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga Huling Araw Araw-araw na mga Salita ng Diyos Ang mga Katotohanang Realidad na Dapat Pasukin ng mga Mananampalataya sa Diyos Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin Mga Gabay para sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian Naririnig ng mga Tupa ng Diyos ang Tinig ng Diyos Makinig sa Tinig ng Diyos  Masdan ang Pagpapakita ng Diyos Mahahalagang Tanong at Sagot tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume I) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume II) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume III) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IV) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume V) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VI) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VIII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IX) Paano Ako Bumalik sa Makapangyarihang Diyos

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito