Paano Hangarin ang Katotohanan (38)
Sa panahong ito, nagbabahaginan tayo tungkol sa nilalaman ng “pagbitiw sa mga kuru-kuro at imahinasyon ng isang tao tungkol sa Diyos na nagkatawang-tao” sa loob ng “Paano Hangarin ang Katotohanan.” Sa mga nakalipas na pagkakataon, nagbahaginan tayo tungkol sa paksa ng pagkakaroon ng tahimik na pagkakaunawaan sa Diyos. Sa ilalim ng paksang ito, partikular nating pinagbahaginan ang mga detalye ng taong ginagamit ng Banal na Espiritu sa bawat aspekto—ang kanyang gawain, ang kanyang personal na pagsasagawa, at iba pa. Noong nakaraan, nagbahaginan tayo tungkol sa paksa ng hindi pag-aabandona ng taong ginagamit ng Banal na Espiritu sa kanyang gawain sa paglilingkod sa Diyos. Anong mahahalagang punto ang natatandaan ninyo tungkol sa nilalaman patungkol sa hindi niya pag-aabandona sa kanyang gawain? (Natatandaan kong ibinabahagi ng Diyos na, sa kanyang paglilingkod sa Diyos, ang taong ginagamit ng Banal na Espiritu ay palaging nagbubuhat ng pasanin at may pananagutan sa paggawa ng iba't ibang aytem ng gawain ng iglesia, at na ito ang karaniwan sa kanyang buhay. Talagang naantig ako sa puntong ito. Gayundin, kapag nahaharap siya sa mga problema at suliranin, mayroon siyang ilang landas ng pagsasagawa, na mga dapat din nating tularan. Ang una ay, kapag nahaharap siya sa mga suliranin, ibinubukod niya ang kanyang sarili at nagdarasal, naghahanap ng landas tungo sa isang solusyon. Kung maraming tao at walang tahimik na kapaligiran, titipunin niya ang mga kapatid para makipagbahaginan at sama-samang maghahanap ng landas. Ang isa pang bagay ay naghahanap siya ng landas tungo sa isang solusyon sa pamamagitan ng pag-alam tungkol sa sitwasyon ng gawain ng iglesia, sa mga problema sa gawain, at sa mga kalagayan ng mga kapatid. Ito ang mga paraan kung paano hinahanap ng taong ginagamit ng Banal na Espiritu ang katotohanan at hinahanap ang mga layunin ng Diyos sa kanyang gawain. Inilantad din ng Diyos ang maling pananaw natin, na naniniwala tayo na ang taong ginagamit ng Banal na Espiritu ay nakakatanggap ng kaliwanagan at gabay ng Banal na Espiritu at nakakaarok sa mga prinsipyo sa paggawa ng gawain dahil sa espesyal at mabiyayang pagtrato ng Diyos sa kanya. Ang totoo, hindi ito ang kaso—nakamit niya ang mga bagay na ito sa pamamagitan ng pagdurusa at pagbabayad ng halaga, at sa pamamagitan ng unti-unting pagdanas ng mga bagay-bagay nang may sinseridad at pananalig. Hindi sa nagpakita ang Diyos ng mga tanda at kababalaghan, na nagbigay-kakayahan sa kanya na makamit ang mga bagay na ito. Winasak din nito ang ating mga kuru-kuro at imahinasyon. Panghuli, may hinihingi ang Diyos sa atin, na ang inaasam rin Niya para sa atin: Kahit na hindi natin makamit ang tahimik na pagkakaunawaan sa Diyos sa ngayon, maaari muna nating sanayin ang ating sarili na magkaroon ng sinseridad sa Diyos at magkaroon ng tunay na pananalig sa Diyos; anuman ang mga suliraning makaharap natin sa paggampan ng ating mga tungkulin, hindi tayo dapat sumuko, at maaari tayong umasa sa Diyos at maghanap sa katotohanan para lutasin ang mga ito. Kung kaya nating patuloy na maghangad sa ganitong paraan, tiyak na magtatamo tayo ng kaligtasan; binigyan tayo ng Diyos ng gayong pangako. Pakiramdam ko ay medyo malinaw ang landas na ito.) Mabuti naman. Tila ang pagbabahaginan tungkol sa aspektong ito ng katotohanan ay lubhang nakatutulong sa inyo, hindi ba? (Oo.) Pagdating sa paglilingkod sa Diyos, maging sa kanyang gawain o sa kanyang personal na pagsasagawa, ang taong ginagamit ng Banal na Espiritu ay may napakapartikular na mga landas ng pagsasagawa. Ang totoo, dapat ay nararamdaman ninyo ang mga partikular na landas ng pagsasagawang ito, o ang ilang kilos, paraan, at pamamaraan. Gayumpaman, karamihan sa inyo ay hindi tumutuon sa mga bagay na ito. Lahat kayo ay may mga kuru-kuro at imahinasyon tungkol sa mga napakapraktikal na pagpapamalas at mga kilos na ito na naibubunyag sa taong ginagamit ng Banal na Espiritu, at hindi ninyo napansin ang mga partikular na landas ng pagsasagawa ng taong ginagamit ng Banal na Espiritu pagdating sa paglilingkod sa Diyos. Kaya, nakipag-ugnayan at nakisalamuha kayo sa taong ginagamit ng Banal na Espiritu sa loob ng napakaraming taon nang hindi natututunan mula sa kanya ang mga prinsipyo tungkol sa paglilingkod sa Diyos at tungkol sa personal na pagsasagawa, ni ang katotohanang realidad sa bagay na ito. Nakatanggap ba kayo ng kumpirmasyon tungkol dito sa pamamagitan ng nilalamang ibinahagi Ko, kung gayon? (Oo.) Ngayong nakatanggap na kayo ng kumpirmasyon tungkol dito, nakatutulong din ba ito sa inyo sa pagkatuto kung paano maglingkod sa Diyos, o sa pag-alam kung ano dapat ang sarili ninyong pagsasagawa at pagpasok sa proseso ng paglilingkod sa Diyos? (Oo.) Kung hindi Ako nagbahagi tungkol dito, magkakaroon lang kayo ng pakiramdam at impresyon kung paano gumagawa ng gawain at naglilingkod sa Diyos ang taong ginagamit ng Banal na Espiritu, pero hindi ninyo magagawang arukin ang mga prinsipyo at landas ng pagsasagawa sa loob nito, tama? (Oo.)
Ngayon, ipagpatuloy natin ang ating pagbabahaginan tungkol sa pagkakaroon ng tahimik na pagkakaunawaan sa Diyos. Ang isa pang napakakritikal na pagsasagawa ng taong ginagamit ng Banal na Espiritu sa proseso ng paglilingkod sa Diyos—o, sa ibang salita, isang napakahalaga at kritikal na prinsipyong pinagtutuunan niya mismo ng pansin at sinusunod sa proseso ng paggawa ng gawain—ay ang kanyang labis na pagbibigay-pansin sa landas na kanyang tinatahak. Napakakritikal ng puntong ito; para man sa mga lider at manggagawa o para sa mga ordinaryong tagasunod, isa itong napakakritikal na prinsipyo. Ang isang napakakritikal at napakaprominenteng aspekto ng taong ginagamit ng Banal na Espiritu, kapwa sa kanyang personal na landas ng pananampalataya sa Diyos at sa proseso ng paglilingkod sa Diyos, ay ang kanyang labis na pagbibigay-pansin sa landas na kanyang tinatahak. Ano ba mismo ang ibig sabihin ng pagbibigay-pansin sa landas na kanyang tinatahak? Nangangahulugan ito na, sa proseso ng paglilingkod sa Diyos, sa bawat larangan ng gawaing ginagawa niya, nagbibigay-pansin siya sa kung ang mga layon, direksiyon, at prinsipyo ng kanyang ginagawa ay tunay bang naaayon sa mga layunin ng Diyos, kung tunay bang katugma ang mga ito sa hinihingi ng Diyos, o kung tunay bang pinangangalagaan ng mga ito ang gawain ng Diyos at ang mga interes ng sambahayan ng Diyos—ito ang pinakapangunahing bagay. Ito ang pagpapamalas ng pagbibigay-pansin ng taong ginagamit ng Banal na Espiritu sa landas na kanyang tinatahak; ito rin ang prinsipyong pinanghahawakan niya sa kanyang puso, at isa itong pangunahing pagsasaalang-alang sa kanyang puso tungkol sa landas na kanyang tinatahak. Ang pagbibigay-pansin sa landas na tinatahak ng isang tao ay hindi isang pangkalahatang doktrina o islogan, kundi nasasalamin ito sa mga usapin sa bawat larangan. Ang ilang usapin ay may kinalaman sa pang-araw-araw na buhay ng isang tao, at ang ilang usapin ay may kinalaman sa gawain ng sambahayan ng Diyos. Pagbahaginan natin kung anong mga partikular na pagpapamalas ang mayroon na nauugnay sa paksa ng landas na tinatahak ng isang tao.
Bilang pinakamataas na lider ng iglesia, dapat munang tiyakin ng taong ginagamit ng Banal na Espiritu sa kanyang pang-araw-araw na buhay na, sa bawat aspekto, ang mga kapatid ay nakikinabang at napapatibay mula sa nakikita nila sa kanya, o kahit papaano man lang, dapat niyang hayaan silang makita na siya ay isang positibong pigura, isang mabuting tao, at isang taong may konsensiya at may katwiran—ibig sabihin, sa pinakamababa, sa paningin ng mga tao ay isa siyang marangal at matuwid na tao, at isang taong mapagkakatiwalaan. Una, tungkol sa mga usapin sa pagitan ng kalalakihan at kababaihan, ang taong ginagamit ng Banal na Espiritu ay labis na nagbibigay-pansin sa landas na kanyang tinatahak sa bagay na ito, gayundin sa kanyang mga pagpapamalas, kilos, at pagsasagawa sa bagay na ito. Sa mga usapin sa pagitan ng kalalakihan at kababaihan, labis siyang nagbibigay-pansin sa mga hangganan sa pagitan ng mga kasarian, sinusubukan hangga't maaari na iwasang magkaroon ng personal na pakikipag-ugnayan o malapit na pakikipag-ugnayan sa sinumang nasa kabilang kasarian. Ito ay isang pamamaraang tinataglay niya sa kanyang pagsasagawa. Lalo na pagdating sa mga nasa kabilang kasarian na medyo may hitsura at medyo kaakit-akit, ang taong ginagamit ng Banal na Espiritu ay partikular na maingat sa kanyang pakikipag-ugnayan sa kanila. Sa ilalim ng mga espesyal na sitwasyon, magkakaroon paminsan-minsan ng hindi maiiwasang pakikipag-ugnayan na may kinalaman sa gawain—ibig sabihin, kapag kinakailangan ng isang partikular na gawain ang isang tao na sumangguni sa brother nang personal tungkol sa ilang partikular na usapin. Bukod sa mga espesyal na sitwasyong ito, sinusubukan ng taong ginagamit ng Banal na Espiritu hangga't maaari na iwasan ang personal na pakikipag-ugnayan sa kabilang kasarian. Kung kinakailangan ng gawain ng iglesia na makipag-ugnayan siya sa isang tao sa kabilang kasarian, kailangang mayroong hindi bababa sa dalawa o tatlong tao na naroroon; dapat ay may mga kapatid na naroroon, para lang maiwasan ang hindi kinakailangang gulo. Bilang pinakamataas na lider ng iglesia, ang taong ginagamit ng Banal na Espiritu ay isang taong may katayuan sa paningin ng mga tao. Lalaki ka man o babae, anuman ang hitsura mo, matangkad ka man o pandak, guwapo ka man o hindi, at anuman ang mga personal mong kakayahan o ang personal mong kaalaman at mga talento, sa mga mata ng mga tao, hangga't mayroon kang katayuan, magkakaroon ng limbo sa itaas ng iyong ulo, mag-iibayo ang halaga mo, at tataas ang posisyon mo. Lalo na sa paningin ng kabilang kasarian—hangga't mayroon kang katayuan, anuman ang edad o hitsura mo, ang lahat tungkol sa iyo ay mabuti para sa kanila. Noong una, katamtaman lang ang hitsura mo sa paningin ng mga tao, at katamtaman lang din ang kapabilidad mo sa gawain, pero sa sandaling magkaroon ka ng katayuan, nagbabago ang mga pananaw ng mga tao sa iyo; nagiging mataas ang tingin nila sa iyo, at kasunod na dumarating ang tukso. Ang isang aspekto ng tuksong ito ay ang tukso tungkol sa mga usapin sa pagitan ng kalalakihan at kababaihan. Bilang pinakamataas na lider sa sambahayan ng Diyos, kinakaharap din ng taong ginagamit ng Banal na Espiritu ang tuksong ito. Dahil mayroon siyang katayuan, sa paningin ng maraming miyembro ng kabilang kasarian, napakaguwapo rin niya, mayroon siyang magandang tindig, palabiro at matalino, may kapabilidad sa gawain, at may aura at ugali ng isang pambihirang tao. Maaaring hindi Ko ito nasasabi nang napakaangkop, pero isa rin itong katunayan. Samakatwid, bagama't maraming miyembro ng kabilang kasarian ang hindi hayagang humahanga sa kanya, sa kanilang mga puso ay mayroon silang espesyal na pagtingin sa brother. Mayroon pa ngang ilan na sa loob-loob nila ay naglalaway sa brother at palaging gustong dumikit sa kanya. Sabihin ninyo sa Akin, kung palaging gustong makipaglapit at dumikit sa kanya ang mga miyembro ng kabilang kasarian, malaki ba ang tuksong ito? (Oo.) Ang ilang miyembro ng kabilang kasarian ay hindi lang mas nakikipaglapit sa kanya sa pakikipag-usap o pisikal na kalapitan. Sa halip, gumagawa sila ng mga mapang-akit at mapanuksong kilos, kumikindat at tumitingin nang may pahiwatig, nagsasalita sa isang kakaibang tono, o nagsusuot ng magagandang damit para magpakitang-gilas at ipangalandakan ang kanilang sarili, o sinusubukan nilang suyuin siya, ipinagluluto siya ng masarap na makakain o binibilhan siya ng magandang bagay. Sa madaling salita, sinusubukan nilang bolahin siya. Sabihin ninyo sa Akin, kapag nangyayari ang mga bagay na ito, malinaw bang nakikita ng isang taong nasa hustong gulang kung ano ang nangyayari? (Oo.) Kung gayon, paano hinaharap ng taong ginagamit ng Banal na Espiritu ang mga bagay na ito kapag nangyayari ang mga ito? Una, sinasadya niyang iwasan ang gayong mga tao. Pangalawa, direkta niyang tinatanggihan niya ang kanilang pambobola. Higit pa rito, sa mga angkop na pagkakataon, inilalantad din niya ang gayong mga tao at inaalerto sila sa problema. Kung ang taong gumagawa ng mga bagay na ito ay isang taong maaaring iangat at linangin, na paminsan-minsan lang nagbubunyag ng kaunting tiwaling disposisyon, at na may kalikasang diwa na hindi sa nabanggit na uri ng tao, kung gayon, binibigyan niya ito ng paalala at tinutulungan ito, at pinupungusan at inilalantad ito. Kung kaya niyang magsisi, pinapanatili siya at patuloy na nililinang; kung hindi siya magsisisi, at siya mismo ang ganoong uri ng tao, kung gayon ay hindi siya maaaring panatilihin. Ang taong ginagamit ng Banal na Espiritu ay may mga prinsipyo sa kung paano niya hinaharap ang mga usaping ito. Kung nakatagpo ang isang malaswang tao ng ganitong uri ng tao, pananatilihin niya ito sa kanyang tabi, nasisiyahan sa pagtingin dito araw-araw, at nagagawang kumapit dito, nakakaramdam ng saya at partikular na .nalulugod Ngunit kapag nakatagpo ang taong ginagamit ng Banal na Espiritu ng ganitong uri ng tao, nilalayuan niya ito, ipinapadala ito sa ibang lugar para gawin ang tungkulin nito, at hindi niya ito pananatilihin sa kanyang tabi. Sa mga espesyal na sitwasyon, tulad ng sa panahon ng mga pagtitipon ng mga kamanggagawa o kapag kailangang iulat ang gawain, gumagamit ang brother ng ilang pamamaraan para lumayo sa ganitong uri ng tao hangga't maaari, walang personal na pakikipag-ugnayan o may kaunting pakikipag-ugnayan dito, hindi ito binibigyan ng pagkakataong manamantala, at hindi ito pinapahintulutang makaramdam na mayroon siyang anumang espesyal na damdamin dito. Sa madaling salita, patas ang brother sa lahat, ipinaparamdam dito na tinatrato niya ito tulad ng pagtrato niya sa lahat, na walang espesyal sa kung paano niya siya tinatrato, at na wala siyang intensiyong magkaroon ng personal na pakikipag-ugnayan dito. Paano man ito mambola, at paano man ito umasal, hindi ito pinapansin ng taong ginagamit ng Banal na Espiritu; pinapanatili niyang mahigpit na propesyonal ang mga bagay-bagay.
Sa pang-araw-araw na buhay o habang ginagawa ang gawain ng iglesia, dahil sa kanyang papel bilang taong ginagamit ng Banal na Espiritu, hindi maiiwasang madalas siyang makakaharap ng mga sitwasyon kung saan binobola siya ng mga miyembro ng kabilang kasarian. Isang beses, nakikipagbahaginan ang taong ginagamit ng Banal na Espiritu tungkol sa gawain kasama ang ilang lider at manggagawa. Nakaupo ang brother sa tapat nila, at habang nakikipagbahaginan siya, tumayo ang isang sister at sinabi nitong, “Napakalaki ng silid na ito, at napakahina ng boses ng brother, hindi ko siya marinig.” Pagkasabi niyon, naglakad siya palapit sa brother at umupo sa mismong tabi nito. Mayroong humigit-kumulang isang dosenang iba pang tao sa silid noong oras na iyon, at nang makita nila siyang naglalakad palapit sa brother, hindi nila napagtanto kung ano ang gagawin niya. Walang sinuman sa kanila ang nakaisip na magiging ganoon kakapal ang mukha niya para umupo sa mismong tabi ng brother nang kitang-kita ng lahat. Nang hindi nag-aatubili kahit isang segundo, mabilis na tumayo ang brother. Bagama't nabigo ang babaeng ito sa pagtatangka niyang dumikit sa brother, hindi siya nahiya kahit kaunti at hindi siya namula; sa halip, labis na nakaramdam ng pagkaasiwa ang brother dahil sa kanya. Hindi pa kailanman naranasan ng brother ang gayong sitwasyon noon, at ang biglaang pagtayo nang ganoon ay isang instintibong kilos ng pagtatanggol sa sarili. Ang lahat ng naroroon noong oras na iyon ay nakaramdam ng labis na pagkaasiwa at sandaling hindi nila alam ang gagawin. Nagpalakad-lakad ang brother sa silid habang ipinagpapatuloy niya ang kanyang pagbabahagi, na para bang walang nangyari. Hindi ba't masasabi ninyong napakabilis ng naging reaksiyon niya? Pagkatapos tumayo at makipagbahaginan nang ilang sandali, sinabi ng brother sa babaeng ito, “Umupo ka roon!” Dahil napakaraming tao ang nakatingin sa kanya, nakaramdam din siya ng kaunting pagkaasiwa. Ano sa palagay mo ang naging impresyon ng karamihan sa mga tao sa babaeng ito? Naramdaman nilang, “Talagang nakakamulat ito ng mata; ang malawak na mundong ito ay talagang puno ng bawat maiisip na kakatwang bagay! Maraming taong makapal ang mukha riyan. Wala silang pakialam sa anumang bagay at wala silang anumang kahihiyan!” Ang pag-asal nang ganoon kapanukso sa isang pampublikong lugar, at ang paghahanap pa ng magandang pakinggan na palusot na hindi marinig ang pagsasalita ng brother—kung talagang hindi mo marinig, hindi ka ba puwedeng kumuha na lang ng upuan at umupo nang medyo mas malapit? Bakit kailangan mong umupo sa mismong tabi niya at idikit ang sarili mo sa kanya? Bata pa Ako noon at hindi Ko pa nakita ang ganitong uri ng bagay noon, kaya nakaramdam Ako ng pagkamangha. Mula noon, namulat ang Aking mga mata sa bagay na ito, at naramdaman Kong talagang komplikado ang mga tao! Kung titingnan lahat sa panlabas, at siya ay nasa hustong gulang na sa kanyang mga kuwarenta—sa edad na iyon, talagang may kakayahan siyang gumawa ng gayong bagay, at sa isang pampublikong lugar pa! Bagama't hindi nasunod ang gusto niya at walang nangyari, hindi kapani-paniwala para sa mga tao ang eksenang ito. Bakit Ko sinasabing hindi ito kapani-paniwala? Dahil, kung ang isang taong tulad nito ay kayang gawin ang ganitong uri ng bagay sa isang pampublikong lugar, paano siya aasal kapag nakatalikod ang mga tao, sa pribado? Mayroon ba talaga siyang anumang kahihiyan? Masyadong nakakatakot ang ganitong uri ng tao! Pagkatapos maranasan ang insidenteng iyon, nakaramdam din ng pagkaasiwa at pagkagulat ang brother; hindi niya ito inasahan. Namulat din ang kanyang mga mata, at sinabi niya, “Kaya pala nagbibigay ang katayuan sa isang tao ng gayon kalaking karisma! Pakiramdam ko ay hindi ako masyadong matangkad at wala akong gaanong karisma, kaya paanong umaasal ang isang tao nang ganito sa akin? Tila ang mga tuksong dala ng katayuan ay napakarami at napakakakila-kilabot—kailangan kong mag-ingat! Kapag nakakatagpo ng gayong mga sitwasyon sa hinaharap, kadalasan ay kailangan kong tumayo habang nagsasalita, at hindi ako puwedeng tumayo lang sa isang lugar. Kung hindi, kung makikita niya akong palaging nakatayo sa lugar na iyon, iisipin niyang lumapit sa akin at puntahan ako, at malalagay ako sa isang napakadehadong sitwasyon. Dati ay iniisip ko na kapag may ibang mga tao na naroroon, ang mga miyembro ng kabilang kasarian sa pangkalahatan ay hindi mangangahas na gumawa ng hakbang. Hindi ko kailanman inasahan na kahit napakaraming tao ang naroroon, mangangahas siyang gumawa ng hakbang. Kakaiba talaga ang babaeng ito—napakakapal ng mukha niya!” Mula noon, namulat ang mga mata ng taong ginagamit ng Banal na Espiritu, at nang makatagpo siyang muli ng ganitong uri ng tao, gumamit siya ng isang pamamaraan: Kapag nakikita niyang may isang taong palaging nagtatangkang lumapit sa kanya, at nakikita niyang makapal ang mukha nito, walang anumang kahihiyan, at ginagawa ang ganitong uri ng bagay sa isang pampublikong lugar, direktang sinasabi rito ng brother sa harap ng lahat, “Lumayo ka sa akin. Doon ka maupo!” Ginagamit niya ang pamamaraang ito para lutasin ang isyu. Pagkatapos mangyari ang insidenteng ito, hindi Ko na muling nakita ang babaeng iyon. Nabalitaan Ko kalaunan na ang palagiang pag-uugali ng taong ito sa iglesia ay ganito: Sinuman ang maging lider, sinuman ang may katayuan, dumidikit siya sa kanila. Noong nasa orihinal na denominasyon pa siya, eksklusibo siyang dumidikit sa mga taong apostol at sa mga nagpapasya. Umubra sa karamihan ng mga lider at manggagawa ang taktika niyang ito at malugod nila itong tinanggap, pero winakasan ito ng taong ginagamit ng Banal na Espiritu. Kalaunan, pinatalsik ang taong ito mula sa iglesia.
Bago maharap sa tukso sa mga usapin sa pagitan ng kalalakihan at kababaihan, madalas nang nakikipagbahaginan ang taong ginagamit ng Banal na Espiritu kasama ang mga lider at manggagawa kung paano dapat umasal ang mga tao at kung ano dapat ang kanilang pagtuunan pagdating sa mga usapin sa pagitan ng kalalakihan at kababaihan. Dagdag pa rito, gumawa rin siya ng mga partikular na panuntunan sa mga pagsasaayos ng gawain kung paano dapat makipagtulungan sa paglilingkod ang mga lider at manggagawa: Hindi maaaring magtulungan nang silang dalawa lamang ang mga miyembro ng kabilang kasarian. Sa mga espesyal na sitwasyon, kung walang angkop na ikatlong tao na makakatuwang, ang pakikipagtulungan ay dapat sa pagitan ng mga miyembro ng kabilang kasarian na may medyo malaking agwat sa edad. Bukod sa espesyal na sitwasyong ito, sa pangkalahatan, ang pakikipagtulungan sa pagitan ng kalalakihan at kababaihan nang silang dalawa lamang ay talagang ipinagbabawal sa mga lider at manggagawa sa iglesia. Malinaw itong nakasaad sa mga pagsasaayos ng gawain, hindi ba? (Oo.) Sa kanyang gawain, madalas na nakikisalamuha ang taong ginagamit ng Banal na Espiritu sa ilang nakababata at nasa katanghaliang-gulang na kababaihan tungkol sa gawain ng iglesia, at madalas niyang kailangang harapin ang mga taong ito. Kaya, hindi maiiwasan na magkakaroon ang ilang tao ng pagtingin sa taong ginagamit ng Banal na Espiritu na nagmumula sa mga pagnanasa ng tao, at magbibigay sa kanya ng mga pahiwatig. Nagpatupad din ang brother ng ilang prinsipyo ng pagsasagawa sa bagay na ito. Nakikipagbahaginan man tungkol sa gawain, nagdaraos ng mga pagtitipon, o naglalakbay, sinusubukan ng brother hangga't maaari na iwasang magkaroon ng pakikipag-ugnayan sa isang miyembro ng kabilang kasarian nang silang dalawa lamang. Sa partikular, may ilang indibidwal na may pagtingin sa brother at nambobola rin. Para sa gayong tao, kung patuloy itong mangungulit pagkatapos itong ilantad o tanggihan ng brother, mayroong isang huling paraan: ang matinding pagpupungos dito. Pinupungusan niya ito hanggang sa punto na masaktan ito, maramdaman na ang brother ay malamig at walang awa, mawala ang pagtingin nito sa kanya, at ayaw na nitong mapalapit. Pagkatapos ay mapapanatag na ang isip ng brother. Madalas na ibinabahagi ng taong ginagamit ng Banal na Espiritu na ang mga naglilingkod sa Diyos ay dapat, una sa lahat, hindi magkamali at hindi dapat gumawa ng mga kasalanan sa mga usapin sa pagitan ng kalalakihan at kababaihan—ito ang prinsipyong matatag niyang pinaninindigan. Para matiyak na hindi magkakamali at hindi gagawa ng mga kasalanan ang isang tao, dapat siyang gumamit ng ilang pamamaraan at diskarte sa kung paano niya tinatrato ang mga miyembro ng kabilang kasarian. Una, dapat subukan ng isang tao hangga't maaari na iwasang magkaroon ng pakikipag-ugnayan sa mga miyembro ng kabilang kasarian nang silang dalawa lamang. Dagdag pa rito, hindi dapat magmalasakit o magpakita ang isang tao ng pagsasaalang-alang sa isang partikular na miyembro ng kabilang kasarian nang personal, o bigyan ng espesyal na atensiyon ang taong iyon—hindi dapat bigyan ang sinumang miyembro ng kabilang kasarian ng pagkakataong magpakasasa sa mga pantasya. Kahit na may pagtingin ang isang indibidwal na miyembro ng kabilang kasarian sa brother o nagpapakita ng mga pambobola, ginagawa ng brother ang lahat ng posibleng paraan para tanggihan ito at ilantad at balaan ito, habang nilalayuan ito, hindi ito binibigyan ng pagkakataong manamantala. Ang mga ito ang ilang pagpapamalas ng taong ginagamit ng Banal na Espiritu sa kanyang personal na pagsasagawa, at ang mga ito rin ang mga prinsipyong sinusunod niya tungkol sa mga usapin sa pagitan ng kalalakihan at kababaihan. Siyempre, ang mga ito ay isa ring aspekto ng mga prinsipyong dapat sundin ng mga naglilingkod sa Diyos. Kahit na hindi ka isang taong naglilingkod sa Diyos, dapat mong tiyakin na hindi ka magkakamali o gagawa ng mga kasalanan sa mga usapin sa pagitan ng kalalakihan at kababaihan. Isa itong pinakabatayang prinsipyo para sa sariling asal. Kung hindi mo man lang ito mapanatili, at nakakagawa ka pa rin ng mga pagkakamali at nagkakasala pa rin, kung gayon, hindi ka matutubos ng mahalagang dugong ibinuhos ng Diyos sa krus, tama? Sa mga usapin sa pagitan ng kalalakihan at kababaihan, ang “paggawa ng mali” ay tumutukoy sa pagtahak sa maling landas nang panandalian at pagkahulog sa tukso, habang ang “paggawa ng kasalanan” ay tumutukoy sa pakikibahagi sa mga di-wastong ugnayan sa pagitan ng kalalakihan at kababaihan bilang isang palagiang gawi. Para sa sinuman sa iglesia na nagkakamali sa mga usapin sa pagitan ng kalalakihan at kababaihan, kung siya ay isang lider o manggagawa, bibigyan siya ng brother ng babala at pupungusan siya. Kung mabibigo siyang itama ang kanyang mga gawi sa kabila ng paulit-ulit na mga paalala at lalo pa niyang pinapalala ang mga bagay-bagay, tatanggalin siya ng sambahayan ng Diyos at babawiin ang kalipikasyon niyang maging isang lider o manggagawa. Kapag nakakaharap sa gayong mga usapin, iyong mga hindi nagtatama sa kanilang mga gawi sa kabila ng paulit-ulit na mga paalala ay babagsak, at masasadlak sa mga ito at aabandonahin nila ang gawain ng iglesia—hindi maaaring gamitin ang gayong mga tao. Bukod sa hindi nila kayang gawin ang gawain, mabibigyan din nila ng kahihiyan ang Diyos; dapat silang tanggalin. Dagdag pa rito, para sa mga nagkakamali sa mga usapin sa pagitan ng kalalakihan at kababaihan, sila man ay mga lider at manggagawa o mga ordinaryong mananampalataya, babalaan sila ng brother kung makakatagpo siya ng gayong mga tao. Isang babala na madalas Kong marinig na ibinibigay ng brother ay isang pagtukoy sa Bibliya: Kung ang isang tao ay may kamalayan at sadyang nagkakasala, maging ang handog para sa kasalanan ay mawawala. Ano ang orihinal na sipi? (“Kung sasadyain pa nating magpatuloy sa paggawa ng kasalanan..., wala nang matitirang sakripisyo para sa mga kasalanan” (Mga Hebreo 10:26).) Nangangahulugan ito na kung sinasadya mong magkasala, mawawala ang handog para sa kasalanan. Ang mga isyu tungkol sa kalalakihan at kababaihan na pinag-uusapan natin dito ay hindi tumutukoy sa wastong pakikipag-date at pag-aasawa, kundi sa mga di-wastong ugnayan sa pagitan ng kalalakihan at kababaihan, ibig sabihin, ang kawalan ng kaayusan sa mga ugnayan sa pagitan ng kalalakihan at kababaihan. Halimbawa, ang pakikibahagi sa mga relasyon sa pagitan ng tatlong tao o mga relasyong labas sa kasal; ang walang pinipiling mga kaswal na pakikipagtalik, kaswal na pakikipagtalik sa maraming miyembro ng kabilang kasarian, at pagkakaroon ng mga relasyon sa maraming miyembro ng kabilang kasarian, at ang pagkabigong itama ang mga gawi sa kabila ng paulit-ulit na mga paalala; o ang pagkakaroon ng mga relasyon sa isang miyembro ng kabilang kasarian nang walang batayan sa pakikipag-date o pag-aasawa, sa halip ay pinaglalaruan ang miyembrong iyon ng kabilang kasarian, o pinaglalaruan pa nga ang maraming miyembro ng kabilang kasarian. Ang mga ito ay mga di-wastong ugnayan sa pagitan ng kalalakihan at kababaihan; ito ay paggawa ng mga kasalanan. Ang anumang bagay na hindi wastong pakikipag-date o hindi isang wastong ugnayan sa pag-aasawa ay isang kasalanan. Kung lilitaw ang gayong di-wastong ugnayan sa pagitan ng mga miyembro ng kabilang kasarian sa proseso ng pangangaral ng ebanghelyo o sa buhay iglesia, madalas na makikipagbahaginan ang brother sa kanila, “Kung sasadyain pa nating magpatuloy sa paggawa ng kasalanan..., wala nang matitirang sakripisyo para sa mga kasalanan.” Ano ang ibig sabihin nito? Ibig sabihin nito ay kung mabibigo kang itama ang iyong mga gawi sa kabila ng paulit-ulit na mga paalala at palagi kang gumagawa ng mga kasalanan, mawawala ang handog para sa kasalanan, at ang kasalanan mong iyon ay magiging isang pagsalangsang na permanenteng kinokondena; kakailanganin mong pasanin ang mga kahihinatnan at kailangan mong maparusahan. Kung hindi mapapatawad ang mga kasalanan ng isang tao, hindi siya kalipikadong tumanggap ng pagliligtas ng Diyos, at siya ay isang tao na masasawi. Anumang uri ng pagsalangsang ang gawin mo, kabilang na ang mga pagsalangsang tungkol sa mga usapin sa pagitan ng kalalakihan at kababaihan, kung wala na ang handog para sa kasalanan, ang pagsalangsang mo ay ilalarawan bilang isang kasalanan, ikaw ay layon ng kaparusahan, at hindi ka layon ng pagtubos sa paningin ng Diyos. Ano ang kahihinatnan ng hindi pagiging layon ng pagtubos? Ito ay na ay naiwawala mo ang batayang kondisyon para iligtas ka ng Diyos. Kung gayon ay hindi ka na isang miyembro ng piniling mga tao ng Diyos. Dahil hindi ka isa sa piniling mga tao ng Diyos, naibukod ka na mula sa mga hanay ng mga inililigtas ng Diyos, at wala kang bahagi o puwang sa sambahayan ng Diyos.
Bilang may pinakamataas na posisyon sa sambahayan ng Diyos, madalas na nakakaharap ang taong ginagamit ng Banal na Espiritu sa mga isyu tungkol sa tukso sa pagitan ng kalalakihan at kababaihan. Una, nililinaw niya sa lahat ang kanyang mga pananaw, paninindigan, at mga prinsipyo ng pagsasagawa tungkol sa usaping ito. Pangalawa, kapag nakakaharap sa gayong mga bagay, mas malinaw pa niyang hayagang bibigyang-diin sa kabilang panig, o ipapaalam niya nang malinaw sa kabilang panig kung ano ang kanyang mga pananaw at paninindigan tungkol sa usaping ito, at kung ano ang kanyang saloobin. Sa sarili niyang mga salita, kapag nakikita mong nagpapakita ng interes sa iyo o nambobola sa iyo ang isang miyembro ng kabilang kasarian, dapat kang maging mahigpit at malinaw mo siyang tanggihan. Hindi mo siya dapat bigyan ng anumang pagkakataon na sasamantalahina; huwag mo siyang bigyan ng anumang puwang na makapagsamantala, at aatras siya. Hindi ka puwedeng labis na mahiyang tumanggi, at hindi mo puwedeng isaalang-alang ang damdamin niya. Dapat kang maging mahigpit at istrikto. Kapag nakatagpo ka ng ganitong uri ng tao, lalong kailangan mong maging istrikto. Hanggang sa anong antas ka dapat maging istrikto? Hanggang sa antas na ipaparamdam mo sa kanya na isa kang taong walang awa, na hindi ka tinatablan ng anumang paglapit, at na wala kang damdamin. Sa huli, nakikita ng karamihan sa mga miyembro ng kabilang kasarian na ang brother ay ganitong uri ng tao at na hindi niya gusto ang ganitong uri ng pag-uugali, iniisip na, “Kung aasal ako nang ganito sa iyo, pagagalitan mo rin ba ako? Ilalagay mo rin ba ako sa isang alanganing sitwasyon?” Kapag isinasaalang-alang ng ilang miyembro ng kabilang kasarian ang kahihinatnang ito, hindi sila nangangahas na mambola sa kanya. Sabihin ninyo sa Akin, isa ba itong mabuting bagay o masamang bagay para sa brother? (Isang mabuting bagay.) Masayang-masaya ang brother: “Mabuti at hindi ka nangangahas. Ang hindi pangangahas ay tama mismo.” Dahil ang brother ay napakaistrikto at napakahigpit, at sa paningin ng mga tao ay wala siyang isinasaalang-alang na damdamin ng sinuman, maraming miyembro ng kabilang kasarian ang hindi nangangahas na magkaroon ng mga lihim na balak sa kanya; medyo natatakot sila at hindi sila nangangahas na lumapit sa kanya. Hindi ba't inililigtas nito ang brother sa maraming problema? (Oo.) Ano ang palagay ninyo sa pagsasagawa sa ganitong paraan? (Mabuti ito.) Ano ang mabuti rito? (Hindi ito nagbibigay sa kabilang kasarian ng anumang pagkakataon na sasamantalahin, na nakakaiwas sa maraming tukso.) Kung ang isang karaniwang tao na may kaunting katayuan ay hindi nakakapagtamasa ng paghanga ng kabilang kasarian, nadidismaya siya, iniisip na, “Mayroon akong napakataas na katayuan, pero wala ni isang miyembro ng kabilang kasarian ang dumidikit sa akin o lumalapit sa akin, para lumikha ng romantikong kilig sa akin o lumapit sa akin nang may pagmamahal.” Sa pangkalahatan, lalaki ka man o babae, kung walang humahanga sa iyo, hindi ka ba nakakaramdam ng pagkadismaya sa loob-loob mo? Kung may pagtingin sa iyo ang mga miyembro ng kabilang kasarian, nagkakagusto sa iyo, itinuturing ka nila bilang taong pinapangarap nila, o minamahal ka pa nga at nililigawan ka, hindi ba't karamihan sa inyo ay matutuwa at labis na masisiyahan dito sa inyong puso? (Oo.) Hindi nararamdaman ng karamihan sa mga tao na nakakatakot ito, ni hindi nila nararamdaman na mapanggulo ito. Bilang isang taong naglilingkod sa Diyos, kung katulad ka ng mga walang pananampalataya na kapag wala kang katayuan, ninanais mong magkagusto sa iyo ang mga miyembro ng kabilang kasarian at maghangad na mapalapit sa iyo, at kapag mayroon kang katayuan, kung nagkakagusto sa iyo ang mga miyembro ng kabilang kasarian, nahuhumaling sa iyo, humahanga sa iyo, nanliligaw sa iyo, o sumusulyap sa iyo nang may pang-aakit, bukod sa hindi mo sila tinatanggihan ay nasisiyahan ka rin dito at inilulublob mo ang iyong sarili rito, kung gayon ay hindi mo kayang maglingkod sa Diyos. Sinasabi ng ilang tao, “Bakit hindi ko kakayaning maglingkod sa Diyos? Nagkakagusto lang naman sa akin ang iba, nang walang anumang malalim na pag-usad. Ang pagkakagusto nila ay problema nila. Ano ang kinalaman sa akin ng pagkakagusto nila? Ano ang mali kung masiyahan nang kaunti sa mga taong naghahangad na mapalapit sa akin, humahanga sa akin, at nagkakagusto sa akin? Malaya silang gawin ito. Bakit dapat kong tanggihan ang kanilang panunuyo?” Sabihin ninyo sa Akin, ano ang mali rito? Bakit mo dapat tanggihan ang kanilang paglapit? (Kung hindi tinatanggihan ng isang tao ang kabilang kasarian na nanliligaw sa kanya, at ang kanyang mga kaisipan at isip ay palaging nakatuon sa romantikong pag-ibig, hindi niya ilalaan ang kanyang puso sa kanyang tungkulin. Sa ganitong paraan, hindi niya magagawang gampanan nang maayos ang kanyang tungkulin.) Ang isang obhetibo at praktikal na punto ay na dapat mong protektahan nang mabuti ang iyong sarili, upang hindi ka gumawa ng mga kasalanan sa harap ng Diyos o maging dahilan para mapoot sa iyo ang Diyos. Hindi ka maaaring makialam sa kung ano ang iniisip ng iba, pero sa pinakamababa, dapat mong ipaalam sa iba ang iyong saloobin, at ikaw mismo ay dapat na makaalam kung ano ang gagawin kapag nakaharap sa gayong mga bagay. Kung nagkakagusto sa iyo ang isang miyembro ng kabilang kasarian at naghahangad na mapalapit sa iyo, hanggang sa punto pa nga ng pagkahumaling at paghanga, at hindi mo tinatanggihan ang kanyang paglapit kundi sa halip ay nasisiyahan ka sa mga ito, kung gayon ay mamumuhay ka buong araw sa isang mundo ng mga masalimuot na damdaming ito, at hindi maiiwasang mahuhulog ka sa bitag ng pag-ibig at masasadlak sa pagnanasa. Sa sandaling mahulog ang isang tao sa bitag ng pag-ibig at tungo sa pagnanasa, makakalapit ba ang kanyang puso sa harap ng Diyos? Magagawa ba niya ang kanyang gawain? Magagampanan ba niya nang maayos ang kanyang tungkulin? (Hindi.) Ang mga nararapat na gampaning ito ay magugulo lahat ng kanyang mga romantikong damdamin at pagnanasa, at magiging imposible para sa Banal na Espiritu na gumawa sa kanya. Sinasabi mo, “Alam ko kung saan ang hangganan. Kapag libre ako at hindi gumagawa ng gawain o gumagampan ng aking tungkulin, iisipin ko ang mga usapin ng puso at tatamasahin ang mga romantikong damdamin at pag-ibig na ibinibigay sa akin ng kabilang kasarian. Kapag oras na para gumawa ng gawain, isasantabi ko ang mga bagay na ito. Madali kong mapapangasiwaan ang mga bagay na ito at mapapanatiling kontrolado ang mga ito. Tatamasahin ako rito kapag oras na para tamasahin ito, at gagawa ako ng gawain kapag hindi oras para magtamasa nito, at hindi ako malilimitahan ng mga bagay na ito kapag gumagawa ako ng gawain.” Sabihin ninyo sa Akin, posible ba ito? (Hindi.) Una, mula sa perspektiba ng instinto ng tao, likas na hindi kayang tumuon ng mga tao sa dalawang bagay nang sabay-sabay. Pangalawa—at ito ang pangunahing punto—mula sa perspektiba ng mga hinihingi ng Diyos para sa mga naglilingkod sa Kanya, para magampanan ang iyong tungkulin, makapaglingkod sa Diyos, at makumpleto ang atas ng Diyos, dapat mong ilaan ang buong katawan at isipan mo. Dapat kang magkaroon ng sinseridad at ibigay mo ang lahat mo sa paggawa ng gawain at paglilingkod sa Diyos, at hindi dapat nahahati ang puso mo. Kung, habang naglilingkod sa Diyos at gumagawa ng gawain ng iglesia, gumagawa ka rin ng ibang mga bagay, nag-iisip tungkol sa ibang mga bagay, o napupuno pa nga ang puso mo ng ibang mga bagay, kung gayon ay imposibleng maantig ka ng Diyos. Hindi nananahan ang Diyos sa isang maruming templo, at hindi ginagamit ng Diyos ang gayong tao. Ang pamumuhay sa gitna ng tukso, ang maipit sa bitag ng pag-ibig, at ang pagpapasasa sa pagnanasa at romantikong pag-ibig habang naglilingkod sa Diyos—ito ay paglapastangan sa Diyos. Samakatwid, kung titingnan ito batay sa mga hinihingi ng Diyos, kapag naiipit ang isang tao sa kalagayang ito, hindi gumagawa ang Diyos. Sinasabi ng ilang tao, “Nasa puso ko ang Diyos. Kaya ko pa ring gumawa ng gawain ng iglesia. Hindi ko hinadlangan ang gawain ng iglesia.” Mali ka; nasisiyahan ka lang sa sarili mo. Sa realidad, inabandona ka na ng Diyos, at matagal na Siyang tumigil sa paggawa sa iyo, dahil sa panahong ito ay sadyang hindi ka puwedeng gamitin ng Diyos. Magagamit ka lang ng Diyos kapag bumalik na sa normal ang kalagayan mo, kapag angkop ka nang maglingkod sa Diyos, at kapag kaya mo nang tapusin ang gawaing ibinibigay sa iyo ng Diyos nang buong puso, nang buong lakas, at nang buong isipan—kapag natugunan na ng kalagayan mo at ng puso mo ang mga kondisyong ito. Tungkol sa mga usapin sa pagitan ng kalalakihan at kababaihan, kung mahuhulog ka sa tukso sa aspektong ito at mahuhulog sa bitag ng pag-ibig habang naglilingkod sa Diyos, at malulugod dito at masisiyahan dito, matagal ka nang hindi itinuturing ng Diyos bilang isang taong naglilingkod sa Kanya, at hindi ka na magiging kalipikadong maglingkod sa Diyos. Samakatwid, ang hinihingi para sa mga lider at manggagawa ay ito: Kung nakikipag-date ka sa isang tao, huwag mong gawin ang ganitong uri ng tungkulin; maaari kang gumawa ng ilang ordinaryong tungkulin, pero hindi ka puwedeng maglingkod sa Diyos. Kung gusto mong makipag-date, at gustong magpakasal at mamuhay ng sarili mong buhay, dapat mo munang asikasuhin ang mga bagay na ito. Pagkatapos, kung matutugunan mo ang mga kondisyon para maiangat at malinang, magagamit ka ng sambahayan ng Diyos sa tamang panahon. Kung hindi mo matutugunan ang mga kondisyon, maaari mo na lang ipagpatuloy ang pamumuhay ng sarili mong buhay at gumawa ng ilang tungkulin sa abot ng iyong mga kapabilidad. Hindi ipagkakait sa iyo ng sambahayan ng Diyos ang karapatan mong gampanan ang iyong tungkulin, pero hindi ka puwedeng maglingkod sa Diyos. Ibig sabihin nito, imposible para sa iyo na maglingkod sa Diyos at makipag-date nang sabay. Kung gusto mong makipag-date, hindi ka puwedeng maglingkod sa Diyos; kung gusto mong maglingkod sa Diyos, huwag kang makipag-date—ito ang hinihingi. Bilang isang taong naglilingkod sa Diyos, kapag nahaharap ka sa tukso sa pagitan ng kalalakihan at kababaihan, kung wala kang mga tumpak na prinsipyo ng pagsasagawa para lutasin ang usaping ito at humahantong ka sa pagkahulog sa tukso, maaaring nagwakas na ang landas mo ng paglilingkod sa Diyos. Kung mayroon kang angkop na landas ng pagsasagawa para ganap na maiwasan at malutas ang ganitong uri ng problema, hindi hinahayaang mahulog ang iyong sarili sa gayong tukso, at kung, sa pamamagitan ng iyong subhetibong kalooban, kaya mong determinadong tanggihan at layuan ang gayong mga bagay, hindi pinapahintulutang mangyari ang mga ito sa iyo, kung gayon ay mayroon pa ring pag-asa para sa iyo na patuloy na tahakin ang landas ng paglilingkod sa Diyos. Samakatwid, ang iilang prinsipyo ng pagsasagawa at mga landas ng pagsasagawa na ito ng taong ginagamit ng Banal na Espiritu tungkol sa mga usapin sa pagitan ng kalalakihan at kababaihan ay pawang mga bagay na dapat ninyong kapulutan ng aral, at ang mga ito rin ang dapat ninyong isagawa.
Bilang isang taong naglilingkod sa Diyos, dapat mong malaman kung ano ang ibig sabihin para sa iyo ng pagbibigay sa iyo ng Diyos ng katayuang ito at kung ano ang Kanyang mga hinihingi para sa iyo. Kapag mayroon kang ganitong katayuan, at tinitingnan ka ng mga miyembro ng kabilang kasarian nang may inggit at paghanga, at tinitingala ka, o nililigawan ka pa nga at binobola, dapat mong malaman kung paano ito pangasiwaan. Kung hindi mo ito mapapangasiwaan nang maayos, magkakaroon ng mga kahihinatnan. Kung wala kang katayuan, maaaring hindi malaki ang tukso tungkol sa kalalakihan at kababaihan, pero sa sandaling magkaroon ka ng katayuan, kasunod na lalaki ang tuksong ito, at tataas ang posibilidad na maharap ka sa gayong tukso. Kung hindi mo makita nang malinaw ang kalubhaan ng usaping ito at ang mga kahihinatnang maaari nitong idulot, at kapag nangyari ang gayong mga bagay, bukod sa hindi matatag ang saloobin mo, hindi mo tinatanggihan ni nilalayuan ang mga ito, at sinasamantala mo rin ang iyong katayuan para matamasa ang romantikong pag-ibig na idinulot sa iyo at ang emosyonal na kasiyahang idinulot sa iyo ng kabilang kasarian, kung gayon ay magkakaproblema ka. Kung mahuhulog ka sa tukso, kapopootan ka ng Diyos at aabandonahin ka Niya, at hindi ka na makakapaglingkod sa Diyos. Para sa isang taong naglilingkod sa Diyos, napakalubha ng kahihinatnang ito; dapat ninyong mabatid ang kahihinatnang ito. Sa proseso ng paglilingkod sa Diyos, itinuturing ng taong ginagamit ng Banal na Espiritu na napakalubha ng mga kahihinatnan ng mga usapin sa pagitan ng kalalakihan at kababaihan. Sa panig niya, gumamit siya ng ilang tamang pamamaraan at diskarte, pati na rin ng mga angkop na prinsipyo ng pagsasagawa, para ganap na maiwasan at malutas ang mga problemang ito. Bagama't namumuhay ang mga tao sa mundong ito ng mga damdamin at hindi maiiwasang mahaharap sa tukso sa pagitan ng kalalakihan at kababaihan, mayroon pa ring mga paraan para malutas ang mga problemang ito. Nakadepende lang ito sa kung paano mo hinaharap ang mga ito; nakadepende lang ito sa kung ano ang iyong determinasyon at kahandaang maglingkod sa Diyos at tapusin ang atas ng Diyos. Marahil ay nakipagbahaginan na rin sa inyo ang taong ginagamit ng Banal na Espiritu tungkol sa aspektong ito: Matapos maglingkod sa Diyos sa loob ng napakaraming taon, hindi pa niya kailanman nahawakan ang kamay ng kahit isang miyembro ng kabilang kasarian, ni hindi pa siya kailanman sadyang nagkaroon ng anumang pisikal na pagkakadikit o nakasagi ng sinumang miyembro ng kabilang kasarian—nangangahas siyang sabihin ito. Bukod pa rito, sinabi rin sa inyo ng brother na hindi pa siya kailanman gumamit ng mga mapang-akit na salita o wikang may sekwsuwal na pahiwatig para mang-akit ng sinumang miyembro ng kabilang kasarian. Siyempre, walang sinuman ang makakaila o makakatindig para akusahan siya sa bagay na ito; ang mga ito ay pawang mga katunayan. Matapos maglingkod sa Diyos sa loob ng napakaraming taon, palagi nang kumikilos sa ganitong paraan ang taong ginagamit ng Banal na Espiritu, at talagang ganito katatag ang kanyang saloobin. Naharap na siya sa ilang tukso, malalaki at maliliit, nakaranas ng iba't ibang sitwasyon, at nagkaroon ng pakikipag-ugnayan sa lahat ng uri ng miyembro ng kabilang kasarian—iyong mga maganda, iyong mga may magandang hubog ng katawan, iyong mga may kaloob, at iyong mga may talento; nagkaroon na siya ng pakikipag-ugnayan sa kanilang lahat. Sa huli, nangangahas siyang sabihin, “Matapos makapaglingkod sa Diyos sa loob ng napakaraming taon, hindi ko pa kailanman nahawakan ang kamay ng kahit isang miyembro ng kabilang kasarian, ni hindi pa ako nagkaroon ng anumang pisikal na pagkakadikit o nakasagi ng sinumang miyembro ng kabilang kasarian.” Ito ay matagumpay na patotoo. Kung, pagkatapos maglingkod sa Diyos nang maraming taon, mayroon ka ring ganoong patotoo, at ikaw mismo ay naglalakas-loob na sabihin ito nang hayagan, at walang miyembro ng kabilang kasarian ang makakaila rito o makakaakusa sa iyo, kung gayon ay nanindigan ka sa iyong patotoo sa bagay na ito, at sinasang-ayunan ka ng Diyos. Isa itong napakakritikal na isyu. Ang makapanatiling matatag sa mga prinsipyo at ang makapanindigan tungkol sa mga usapin sa pagitan ng kalalakihan at kababaihan ay nangangailangan na magkaroon ka ng tunay na pananalig sa Diyos, sinseridad sa Diyos, at pagsasaalang-alang sa Diyos; dagdag pa rito, dapat ka ring magtaglay ng mga kalakasan at merito sa iyong karakter. Sa ngayon, maaaring hindi kayo mangangahas na sabihing mayroon kayong ganoong patotoo, dahil maaaring nagkamali na ang ilan sa inyo noon, at maaaring nakagawa pa nga ng mga pagsalangsang ang ilan. Pero kung, sa loob ng sampu, dalawampu, o tatlumpung taon, bawat sampung taon ay nagagawa mong sabihin na, “Naglingkod ako sa Diyos nang napakaraming taon, at hindi ako nagkamali sa mga usapin sa pagitan ng kalalakihan at kababaihan, ni nag-iwan ng anumang pagsalangsang sa bagay na ito,” kung gayon ay magkakaroon ka ng patotoo tungkol sa mga usapin sa pagitan ng kalalakihan at kababaihan, at sa paningin ng Diyos, makakapasa ka na sa bagay na ito. Para matamo ng isang taong naglilingkod sa Diyos ang gayong patotoo, dapat mayroon ka munang kamalayan, determinasyon, at paninindigan tungkol sa usaping ito, at magawa mong manatiling matatag sa mga prinsipyo ng pagsasagawa sa bagay na ito. Ito ay isa sa mga pinakapangunahing kondisyon para sa pagtanggap sa kaliwanagan at pag-akay ng Banal na Espiritu, at pagtanggap sa sariling paghatol, pagkastigo, at pagpeperpekto ng Diyos. Kung hindi ka nakagawa ng malalaking pagkakamali sa mga usapin sa pagitan ng kalalakihan at kababaihan pero palagi kang nakakagawa ng maliliit na pagkakamali, nagpapatunay ito na ang iyong kamalayan at paninindigan tungkol sa usaping ito at ang iyong kahandaang palugurin ang Diyos sa bagay na ito ay hindi gaanong matibay, at wala kang gaanong sinseridad sa Diyos at hindi mo isinasaalang-alang ang Diyos. Kung gayon, dapat lang na kuwestiyunin ang iyong karakter. Kung wala kang gayong patotoo kapag sampung taon ka nang nananampalataya sa Diyos, at wala ka pa ring gayong patotoo sa ika-dalawampung taon, at sa ika-tatlumpung taon ay palagi ka pa ring nakakagawa ng maliliit na pagkakamali, kung gayon ay dapat nang ekisan ang iyong karakter—may problema sa iyong karakter. Ang mga usapin sa pagitan ng kalalakihan at kababaihan ay isa ring uri ng pagsubok para sa mga tao. Sinusubok ng mga ito ang iyong karakter, sinusubok ang iyong paghahangad, sinusubok kung ano ang iyong saloobin sa atas ng Diyos, at sinusubok kung kaya mong tapusin ang atas ng Diyos sa paglilingkod sa Kanya. Kaya, mayroon ba kayong anumang suliranin sa pagtatamo ng patotoo sa bagay na ito? (Mayroon kaming mga suliranin, pero mayroon kaming determinasyon na makipagtulungan.) Dapat kang magsimula sa malalaking aspekto. Tiyakin muna na wala kang gagawing mga pagsalangsang, at pagkatapos ay unti-unting ayusin ang iyong mga pagkakamali. Kapag wala ka nang mga pagkakamali, hindi mangyayari ang mga pagsalangsang. Ito ang landas. Dapat kang madalas na magdasal sa Diyos. Kung nasa puso mo ang Diyos, pipigilan ka ng Diyos at didisiplinahin ka, na magiging dahilan para makaramdam ng pagkasuya ang iyong puso sa mga bagay na ito. Bukod pa rito, dahil nakikita ng Diyos ang iyong sinseridad, maghahanda Siya ng mga angkop na kapaligiran upang hindi sumapit sa iyo ang mga tuksong ito. Ito ay dahil alam ng Diyos ang mga kahinaan ng mga tao, at alam din ng Diyos ang tayog ng mga tao; kapag hindi sumasapit sa iyo ang mga tuksong ito, nakatanggap ka na ng malaking proteksiyon. Kapag umabot ka sa isang partikular na tayog, kahit na hindi ka protektahan ng Diyos at maharap ka sa ilang tukso, hindi ka mahuhulog sa mga ito dahil mayroon kang tayog. Pagkatapos ay malapit ka nang magkaroon ng patotoo, tama? (Oo.) Ito na ang lahat ng pagbabahaginan natin tungkol sa mga usapin sa pagitan ng kalalakihan at kababaihan. Sa pangkalahatan, dapat ay nauunawaan na ninyo ngayon ang landas tungo sa paglutas ng mga problema sa bagay na ito, ang mga tamang kaisipan at pananaw na dapat ninyong taglayin sa gayong mga usapin, at ang epekto at pinsalang idinudulot sa mga tao ng pagkahulog sa tukso sa bagay na ito.
Sa proseso ng paglilingkod sa Diyos, bukod sa mga usapin sa pagitan ng kalalakihan at kababaihan, na isang bagay na madalas na kailangang harapin ng mga tao at dapat din nilang harapin, ang isa pang bagay na dapat nilang harapin ay ang pera at mga interes. Sa sandaling magkaroon ng katayuan ang mga tao, madalas silang makakatagpo ng ilang materyal na interes, na kinakatawan ng pera. Bilang isang taong naglilingkod sa Diyos, ang taong ginagamit ng Banal na Espiritu ay—dahil sa kanyang katayuan sa iglesia—mas malamang na makahawak ng pera ng iglesia kaysa sa mga ordinaryong kapatid; ibig sabihin, maaari siyang maging kabilang sa mga unang makakahawak ng pera ng iglesia. Tungkol sa pamamahala ng pera at ari-arian ng iglesia, bumuo ang taong ginagamit ng Banal na Espiritu ng mga pagsasaayos ng gawain at mga sistema ng pamamahala, gumagawa ng mga malinaw na panuntunan kung paano dapat pamahalaan ng bawat iglesia, distrito, at rehiyon ang mga pondo ng handog. Pagkatapos mailabas ang mga sistema ng pamamahala at mga nauugnay na prinsipyong ito sa lahat ng iglesia, ang kapangyarihang pamahalaan ang pera at ari-arian ay ipinasa sa mga iglesia—ibig sabihin, ang pamamahala ay isasagawa sa antas ng bawat iglesia, kung saan ang mga lider at manggagawa sa lahat ng antas ay nagpapatupad sa usaping ito ayon sa mga pagsasaayos ng gawain at mga tuntunin ng Itaas. Batay rito, ang taong ginagamit ng Banal na Espiritu ay halos hindi personal na humahawak ng mga pondo ng handog ng iglesia; maging ito man ay mga pondo ng handog mula sa iglesia o sa antas ng rehiyon, hindi niya hinahawakan ang mga ito. Kahit na iniaabot ng ilang lider ng iglesia o lider ng rehiyon ang mga pondo ng handog para pamahalaan ng brother, pagkatapos matanggap ang mga ito, hindi itinatago ng brother ang mga ito para sa kanyang sarili, kundi sa halip ay iniaabot niya ang mga ito sa pangkat ng pananalapi ng iglesia. Iniuutos niya sa pangkat ng pananalapi na ipamahagi ang mga ito sa lahat ng iglesia ayon sa mga prinsipyo, para tustusan ang mga gastusin sa pamumuhay at mga gastusin sa paglalakbay para sa mga tauhang gumagampan ng kanilang mga tungkulin nang full-time at para sa mga lider at manggagawa, at gayundin bilang mga pondong kinakailangan para sa iba't ibang aytem ng gawain ng sambahayan ng Diyos. Ang mga pondo ng handog ng iglesia ay pinamamahalaan lahat ng mga tauhan sa pananalapi na inihalal ng iglesia. Anuman ang halaga, ang mga pondo ng handog ay pinamamahalaan ng mga angkop na tao sa iba't ibang administratibong rehiyon ng iglesia. Pagdating sa kabuuang halaga ng mga pondo ng handog o kung sino ang naghandog ng kung magkano sa bawat iglesia, hindi kailanman inaalala ng brother ang mga usaping ito, at hindi rin siya nagtatanong tungkol sa mga usaping ito. Sa halip, ang inaalala lang niya ay kung sapat ba ang mga pondo para sa gawain ng iglesia, kung mayroon bang sobrang mga pondo ng handog, at kung paano pinamamahalaan ang mga ito. Bukod pa rito, gumawa rin siya ng mga regulasyon tungkol sa mga handog sa mga espesyal na panahon; sa partikular, minsan siyang gumawa ng regulasyon na “hindi dapat maghandog ang mga mahihirap na tao, samantalang walang limitasyon sa mga handog ng mayayaman.” Ano't anuman, tungkol sa mga pondo ng handog, hindi kailanman kumuha ang brother ng anumang halaga ng mga pondo ng handog bilang pag-aari niya para tustusan ang sarili niyang pagkain, pag-inom, o kasiyahan. Kahit na mayroon siyang mga personal na gastusin sa pamumuhay, ang mga pamilyang nagpapatuloy sa kanilang bahay o ang isang partikular na iglesia ang tumutulong na asikasuhin ang mga ito. Ang brother mismo ay halos hindi kailanman humahawak ng mga pondo ng handog ng iglesia; ang mga pondo ng handog ay halos umiikot sa loob ng administratibong estruktura na ang mga yunit ay ang mga indibidwal na iglesia. Ganoon ang sitwasyon. Bukod pa rito, napakatipid ng brother sa kanyang pang-araw-araw na pagkain, pananamit, at mga gastusin. Ito man ay damit, medyas, o sapatos, isinusuot niya ang mga ito nang napakatagal na panahon; kahit na luma na ang mga ito, nanghihinayang siyang itapon ang mga ito, kundi tinatagpi-tagpi niya ang mga ito at patuloy na isinusuot. Labis siyang matipid sa pera. Gayumpaman, para sa mga kasangkapan at kagamitan na kinakailangan para sa gawain ng iglesia, palaging ipinapabili ng brother sa mga tao iyong mga may magandang kalidad at may makatwirang presyo, at hindi sila pinapahintulutan na bumili ng mabababang produkto para lang makatipid ng pera. Ganito siya gumastos ng pera para sa gawain ng iglesia. Pagdating naman sa pagbili ng mga bagay para sa kanyang sarili, bumibili siya ng mga mura; hangga't magagamit pa naman ang mga ito, ayos na iyon. Minsan, nakikita ng ilang mapagmahal at mapagkawanggawang kapatid na ang brother ay napakaabala at napakapagod sa gawain, at palihim nila siyang binibigyan ng pera para bumili ng mga suplementong pangkalusugan para palusugin ang kanyang katawan. Sinasabi ng brother, “Nagpapasalamat ako samabubuting intensiyon mo. Mabuti ang kalusugan ko at hindi ko kailangan ang perang ito. Kung gusto mong maghandog, ialay mo ito sa Diyos at ibigay ito sa iglesia. Sa sarili ko, hindi ako kinukulang, kaya hindi mo kailangang bigyan ako ng pera.” Hindi kailanman tumatanggap ang brother ng perang ibinibigay sa kanya ng iba. Sinasabi niya, “Sa paggawa ng gawain at paglilingkod sa Diyos, hindi ako naglilingkod sa sinumang indibidwal na tao, at hindi ko rin ginagawa ito para magsipsip sa sinuman. Isa lang akong taong naglilingkod sa Diyos.” Hindi niya kailanman tinatanggap ang gayong pera; ipinapabigay lang niya ito sa mga tao sa iglesia. Minsan ay iginigiit ng mga kapatid na bigyan siya ng pera. Pagkatapos itong matanggap, inilalagay ng brother ang pera sa iglesia kung nasaan siya noong panahong iyon, ipinapapangalaga ito sa mga tao bilang mga pondo ng handog at ipinatatala ito sa mga account. Tungkol sa mga account ng pananalapi, sadyang nagsisikap ang taong ginagamit ng Banal na Espiritu na panatilihing malinaw ang mga ito. Una, hindi siya tumatanggap ng perang ibinibigay sa kanya ng mga kapatid. Pangalawa, bilang isang taong naglilingkod sa Diyos at bilang lider ng sambahayan ng Diyos, maayos niyang pinamamahalaan ang pera—ang mga handog—na iniaalay ng mga kapatid sa Diyos; ipinapagamit niya itong lahat sa mga normal na gastusin ng gawain ng iglesia, at hindi pinapahintulutan ang masasamang tao o mga anticristo na angkinin ito, ni pinapahintulutan ang malaking pulang dragon na agawin ito. Dagdag pa rito, nagsasaayos siya ng mga angkop na tao para pamahalaan nang maayos ang mga handog at tiyakin na malinaw ang mga account. Sinasabi niya, “Ang mga pondo ng handog na ito ay iniaalay sa Diyos ng mga kapatid; hindi iniaalay ang mga ito sa iglesia, ni hindi iniaalay ang mga ito sa mga lider o sa sinumang indibidwal. Dahil iniaalay ang mga ito sa Diyos, mga handog ang mga ito at pera ang mga ito ng Diyos; dapat pamahalaan nang maayos ng mga naglilingkod sa Diyos ang mga ito at maayos na pangalagaan ang mga ito, at gastusin ang mga ito sa pagsasagawa ng gawain ng sambahayan ng Diyos. Dapat nilang gastusin kung ano ang dapat gastusin at hindi gastusin kung ano ang hindi dapat gastusin, ginagastos ang mga pondo ng handog na ito ayon sa mga prinsipyo, tinitiyak na ang bawat gastusin ay ginagamit para pangalagaan ang gawain ng sambahayan ng Diyos at pangalagaan ang mga interes ng sambahayan ng Diyos. Sa ganitong paraan, natutupad ang responsabilidad ko.” Tungkol naman sa ilang taong nagpapakita sa kanya ng kaunting pagmamahal, na gustong magmalasakit sa kanya at bigyan siya ng pera, hindi niya kailanman tinatanggap ito. Ano ang dahilan niya sa hindi pagtanggap nito? Sinasabi niya, “Sapat na ang ipinagkaloob sa akin ng Diyos. Pagdating sa pagkain, pananamit, mga pang-araw-araw na pangangailangan, at tirahan, ang biyayang ibinigay ng Diyos ay sagana at umaapaw. Hindi ko kailangan ng mga karagdagang pabuya o kita, ni hindi ko kailangang tamasahin ang mga pagpupugay na iniaalay ng mga kapatid.” Ganoon ang pananaw niya. Sa proseso ng paglilingkod sa Diyos ng taong ginagamit ng Banal na Espiritu, pagdating sa mga pondo ng handog ng iglesia, ni minsan ay hindi niya ibinulsa ang mga pondo ng handog ng iglesia para ibili ng mga personal na gamit para sa kanyang sarili, at hindi niya kailanman inangkin ang mga handog sa Diyos at idineposito ang mga ito sa sarili niyang bank account. Kaya, lubos kayong puwedeng mapanatag: Hinding-hindi aangkinin ng taong ginagamit ng Banal na Espiritu ang mga handog na iniaalay sa Diyos ng piniling mga tao ng Diyos bilang pag-aari niya; hindi niya gagawing pribadong pag-aari niya ang mga ito. Tungkol naman sa sarili niyang mga pang-araw-araw na gastusin, ang mga iyon ay pawang ipinagkaloob ng Diyos at ang mga dapat niyang tamasahin bilang taong ginagamit ng Banal na Espiritu. Ano ang ibig sabihin ng “ang dapat niyang tamasahin”? Nangangahulugan ito na ang pagtatamasa niya sa mga bagay na ito ay hindi katumbas ng isang labis na pagnanais, at mauunawaan ito ng lahat; ang mga ito ang pinakakaraniwang uri ng pagtatamasa. Wala siyang matataas na hinihingi tungkol sa mga bagay na ito. Pakiramdam niya ay higit na mas mabuti ang kasalukuyan niyang pamantayan ng pamumuhay kaysa noong tatlumpu hanggang limampung taon na ang nakalilipas. Mayroon siyang sapat na pagkain at pananamit, at kumakain siya ng mga ordinaryong lutong-bahay, na para sa kanya ay pinakamasarap. Sa katunayan, ang mga gastusin niya para sa pagkain, pananamit, mga pang-araw-araw na pangangailangan, at tirahan sa kanyang pang-araw-araw na buhay ay, sa pinakamataas, nasa antas ng middle class sa Amerika, o hindi man lang umaabot sa antas na iyon. Una, siya mismo ay hindi naghahangad ng kasiyahan ng laman at hindi nag-aasam ng kaginhawahan. Ang kanyang pang-araw-araw na buhay ay pangunahing umiikot sa lahat ng gawain at usapin ng paglilingkod sa Diyos. Hindi siya pumupunta sa mararangyang restawran at hindi siya tumutuloy sa mararangyang hotel, lalong hindi pa siya kailanman sumakay sa mararangyang cruise, at hindi siya nakapaglakbay sa magagandang tanawin o mga makasaysayang lugar; hindi siya kailanman gumastos ng pera sa mga bagay na ito. Dagdag pa rito, para sa kanyang mga personal na gamit, hanggang sa mga lokal na brand lang sa Amerika siya bumibili ng mga damit o mga pang-araw-araw na pangangailangan. Ang pananaw at prinsipyo niya sa pagbili ng mga bagay ay ang hindi kailanman magbayad ng matataas na presyo. Kahit na may isinusuot nga siya na maganda o kinakain na masarap, ito ay isang bagay na isinaayos Ko para sa kanya. O maaaring may isang indibidwal na brother o sister na bumili para sa kanya ng isang sikat na brand ng relo, bumili para sa kanya ng isang magandang sombrero, bumili para sa kanya ng isang magandang pares ng sapatos na balat, o bumili para sa kanya ng isang magandang suit. Noong nasa mainland China siya, bumili ang brother ng isang suit na may napakagandang kalidad. Maliban sa ilang pinakamalamig na araw, halos isinusuot niya ito sa buong taon, at pagkalipas ng lahat ng taong ito, nasa kanya pa rin ang suit na iyon. Kalaunan, bumili ang ilang kapatid para sa kanya ng ilang sikat na brand ng suit. Dahil pakiramdam niya ay hindi niya kailangan ng ganoon karami, ibinigay niya ang isa na gawa sa de-kalidad na tela sa isang lider. Isa siyang napakamatipid na tao; anuman ang aspekto ng kanyang pang-araw-araw na buhay, lubos na may prinsipyo siya sa kanyang mga gastusin at paggastos. Sa panlabas, ang taong ito ay tila hindi masyadong mapili sa kung ano ang kanyang kinakain at isinusuot, pero sa katunayan, nauunawaan niya ang lahat ng bagay na ito. Kung aling mga estilo ng pananamit ang pamantayan at ortodokso, na nagpapamukhang marangal at matuwid ang isang tao, at kung aling mga estilo ang kakatwa at hindi pangkaraniwan—alam niya ang lahat ng ito. Sadyang hindi siya tumutuon sa pagkain, pananamit, at kasiyahan.
Sa iglesia, madalas bumibili ang ilang mapagmahal na kapatid ng ilang magandang bagay para sa taong ginagamit ng Banal na Espiritu. Kadalasan, ibinibigay niya ang mga bagay na ito sa mga kapatid at mga lider at manggagawa sa paligid niya na nangangailangan ng mga ito at na taos-pusong gumugugol ng kanilang sarili. Kung mayroong pagkain, ibinibigay niya ito sa mga pamilyang nagpapatuloy sa kanilang bahay para sabay-sabay na kainin ng lahat; kung mayroong mga damit, direkta niyang ibinibigay ang mga ito sa mga brother sa paligid niya na kulang sa damit. Napakakaunti lang ng mga damit niya. Pagdating sa pera, mga hilig, at materyal na kasiyahan, napakaingat niya. Sa panahon na gumawa siya ng gawain sa mainland China, minsan, pagkatapos ng isang pagtitipon, kailangan niyang mabilis na sumakay ng sasakyan papunta sa ibang lugar. Dahil lampas na sa oras ng pagkain kapag dumarating siya, kumakain na lang siya ng pansit, bihon, o piniritong pansit sa isang puwesto ng pagkain malapit sa istasyon ng bus, at itinuturing na itong isang magandang pagkain. Ang ilang tao ay umaayaw sa mga putaheng walang karne at tumatangging kainin ang mga ito, at gusto ring kumain ng mga ginisang putahe, samantalang ang ilang tao ay umiinom pa nga ng serbesa, pero pakiramdam ng brother ay napakasarap na ng pagkain ng street food. Kita mo, hindi siya kailanman tumutuon sa pagkain ng mga sikat na putahe o delicacy, at hindi siya kailanman naniniwala na isa siyang mataas na uri ng tao at na dapat siyang kumain ng mga bagay na tumutugma sa kanyang katayuan. Hindi siya kailanman nag-iisip nang ganito; pakiramdam niya ay isa lang siyang taong naglilingkod sa Diyos, isang ordinaryong tao lamang. Sinasabi niya, “Kung hindi ako itinaas ng Diyos, isa lang akong taong gumagawa ng mano-manong trabaho, at walang sinuman ang magpapahalaga sa akin. Sa iglesia, dahil lang sa itinaas ako ng Diyos kaya mayroon akong pagkakataon na maglingkod sa Kanya at tanggapin ang Kanyang atas na pamunuan ang iglesia at pamunuan ang mga kapatid. Mataas ang katayuan ko sa sambahayan ng Diyos; nakikinig ang lahat sa mga salita ko at mataas ang tingin nila sa akin. Tila ba mahalaga ako at may kabuluhan, pero sa totoo lang, isa lang akong ordinaryong tao; wala akong halaga, at wala akong maipagmamalaki.” Madalas niya itong sinasabi. Bukod pa rito, palagi niyang pinagbubulay-bulayan dalawampung taon na ang nakalilipas, “Bakit gagamitin ng Diyos ang isang taong tulad ko? Isa lang akong ordinaryong tao.” Habang mas nararamdaman niyang ordinaryo siya, mas nararamdaman niya na ang Diyos ang nagtataas sa kanya, at sa ganitong paraan lang siya magkakaroon ng pagkakataong ito na tanggapin ang atas ng Diyos at paglingkuran ang Diyos. Habang mas nag-iisip siya nang ganito, mas nagpapasalamat siya, mas nagiging mapagpasalamat siya sa Diyos, at mas nararamdaman niya na ang Diyos ang nagtataas sa kanya sa isang pambihirang paraan. Samakatwid, madalas niyang sinasabi sa mga kapatid, “Isa lang akong tiwaling tao, isang ordinaryong tao lamang. Ang pagtataas lang ng Diyos sa akin ang nagbibigay-kakayahan sa akin na maglingkod sa Kanya.” Ano ang ipinapahiwatig nito? Dapat alamin ng mga tao ang sarili nilang katangian; kung ano ang dapat nilang tamasahin at kung ano ang hindi nila dapat tamasahin—bilang mga taong naglilingkod sa Diyos, dapat na malinaw sa kanilang puso ang tungkol dito. Pagdating sa pera, mga hilig, at materyal na kasiyahan, mulat siyang pumipili at nagsasagawa. Nakipag-ugnayan at nakisalamuha Ako sa kanya sa loob ng napakaraming taon, at sa pagtingin sa kanyang pagkatao, nakikita Ko na wala siyang matataas na hinihingi tungkol sa lahat ng materyal at pinansiyal na usaping ito, tulad ng kasiyahan ng laman, mga gastusin sa pamumuhay, pagkain, pananamit, tirahan, at transportasyon. Halimbawa, kung may magsasabi ng kung gaano kasarap o kalinamnam ang isang bagay, sasabihin niya, “Ano ang silbi niyan? Gaano man kasarap ang isang bagay, pare-pareho lang iyan kapag nasa tiyan mo na. Gaano man kasarap ang kinakain mo, walang kabuluhan ang lahat ng ito.” Kita mo, sadyang ganitong uri siya ng tao. Sa totoo lang, alam din niya kung ano ang masarap. Ang hindi niya pagiging mapili sa pagkain, pananamit, at kasiyahan ay hindi nangangahulugang hindi niya nauunawaan ang mga bagay na ito, lalong hindi ito nangangahulugan na hangal siya—talagang hindi mo dapat isipin na hangal siya. Sinasabi ng ilang tao, “Hangal lang siya, isang payak na tao, at walang gaanong alam sa mundo.” Maaaring marami ka nang alam sa mundo, pero kung mayroon kang katayuan, magiging mapili ka sa pagkain, pananamit, at kasiyahan, at kakain ka ng mga kakaibang delicacy at magsusuot ng mga mamahaling damit; lalampas ka sa saklaw ng dapat mong tamasahin, tinatamasa ang mga bagay sa isang walang katuturan, walang pagpipigil, at walang prinsipyong paraan, at nang hindi ka inuusig ng iyong konsensiya. Kita mo, hindi ba't magkakaiba ang mga tao sa isa't isa? (Oo.) Sa sandaling magkaroon ng katayuan ang ilang tao, tanging sa mga high-class na restawran sila pumupunta, at madalas na nagtatanong kung aling mga restawran ang may mga kakaibang delicacy at kung sinong mga sikat na chef ang magaling magluto; at kapag namimili sila, palagi silang pumupunta sa mga sikat na kainan at bilihan ng pastry. Halos hindi kumakain ng mga pastry ang brother; sa mga espesyal na sitwasyon kapag nagugutom siya, maaaring kumakain siya nang kaunti para maibsan ang gutom niya. Hindi siya kailanman bumibili ng mga pastry, ni nagtatanong tungkol sa kung anong mga pagkain ang mga sikat na putahe. Sa sandaling magkaroon ng katayuan ang maraming lider at manggagawa, ang unang ginagawa nila ay kumpletuhin ang lahat ng kanilang mga kagamitan. Ang kinakain nila, ang isinusuot nila, ang tinitirhan nila, at ang ginagamit nila ay dapat na tumutugma lahat sa kanilang pagkakakilanlan at katayuan, at dapat na high-class lahat at may pinakamataas na kalidad. Palagi silang nagtatanong kung anong mga bagay ang pinakamagandang gamitin, anong pagkain ang pinakamasarap, at anong mga bagay ang pinakamahal, at sa sandaling malaman nila, nag-iisip sila ng mga paraan para makuha ang mga bagay na iyon. Inaangkin nila ang mga handog na iniaalay sa Diyos ng piniling mga tao ng Diyos, ginagamit ang mga ito sa alinmang paraan na gusto nila at ginagastos ang mga ito sa alinmang paraan na gusto nila. Pagkatapos nilang magkaroon ng katayuan, pakiramdam nila, “Akin ang pera ng Diyos, at ang akin ay sa Diyos din. Ako mismo ay pag-aari ng Diyos, kaya puwede ko lang kunin ang pera ng Diyos at gastusin ito sa alinmang paraan na gusto ko. Kung hindi ito kayang gastusin ng Diyos, gagastusin ko ito para sa Kanya.” Inaako nila mismo ang pagpapasya. Hindi ba't nasa malaking panganib ang gayong mga tao? (Oo.) Sa sandaling magkaroon sila ng katayuan habang naglilingkod sa Diyos, ang unang ginagawa nila ay pag-interesan ang mga handog, pinag-iisipan, “Magkano ang pera ng ating iglesia? Sino ang nangangalaga sa pera? Nakikinig ba sa akin ang taong nangangalaga sa pera? Kailangan ko munang kumuha ng isang bahagi ng pera at itago ito; sa ganoong paraan ay magiging madali para sa akin na gastusin ito—kailangan kong gumawa ng gawain! Mayroon na akong katayuan ngayon, at isa akong taong naglilingkod sa Diyos. Wala sa mga damit, sinturon, o sapatos na balat ko ang mga sikat na brand, parehong luma ang computer at cell phone ko, wala sa mga muwebles sa kuwarto ko ang rosewood, at wala sa mga kumot na ginagamit ko ang tunay na seda. Hindi ba't kailangang palitan ang lahat ng bagay na ito? Hindi ba't kailangan ng kompletong pagpapaganda ang mga bagay na ito?” Nagiging mapili sila sa pagkain, pananamit, at kasiyahan. Sabihin mo sa Akin, kaya bang maglingkod sa Diyos ang gayong mga tao? Hindi ba't mga batugan lang sila na gusto lang makalibre ng kain? Sa US, kapag nagpapatakbo ng negosyo ang mga walang pananampalataya, ang opisina ng boss ang kadalasang mas maliit at mas hindi kapansin-pansin. Gayumpaman, kapag nagpapatakbo ng negosyo ang mga Tsino, bago pa man ito magbukas, ang unang ginagawa nila ay palamutian ang opisina ng boss, pinapalamutian ito para magmukhang isang palasyo; mayroon ding magagandang babae na naghahain ng tsaa, at mga espesyal na tauhan na nagsisilbi sa kanila—nagiging maselan sila sa pagpapakita ng karangyaan. Ang ilang huwad na lider at huwad na manggagawa sa iglesia ay umaasal din sa ganitong nakakahiyang paraan. Ang ilang tao ay hindi man lang mga lider o manggagawa, kundi responsable lang sila sa isang aspekto ng gawain, subalit gusto nilang magtamasa ng espesyal na pagtrato. Kapag lumalabas sila, iginigiit nila na padalhan sila ng sasakyan na sila lang ang gagamit, sinasabing, “Kung gusto ninyong gumawa ako ng gawain, kailangan ninyong magpadala ng sasakyan na ako lang ang gagamit. Hindi ako makakalabas nang walang sasakyan. Kung walang sasakyan, paano ko magagawa ang gawain?” Minamaliit pa nga nila ang mga segunda-manong sasakyan, iniisip na, “Alam ba ninyo kung magkano ang halaga ko? Alam ba ninyo kung gaano kahalaga ang mga usaping pinangangasiwaan ko? Kailangan ninyo akong bigyan ng isang magandang sedan; kailangang mayroon itong navigation at aircon.” Medyo mataas ang mga hinihingi nila. Mayroon silang maraming maluhong pagnanais, at nangangahas silang gumawa ng anumang kahilingan. Ang taong ginagamit ng Banal na Espiritu ay sadyang maingat tungkol sa pera at materyal na kasiyahan. Mahigpit niyang kinokontrol ang kanyang pang-araw-araw na buhay at mahigpit ding hinihingi ang ilang bagay sa kanyang sarili. Una, dapat niyang panatilihing malinaw ang mga bagay-bagay pagdating sa pera. Hinding-hindi niya ituturing ang mga handog sa Diyos bilang sarili niyang suweldo para waldasin sa alinmang paraan na gusto niya at gamitin sa alinmang paraan na gusto niya, gumagastos nang labis-labis—hinding-hindi niya ito gagawin. Bukod pa rito, lubos siyang mahigpit tungkol sa pamamahala at paggamit ng mga handog. Itinakda ng brother na dapat magsaayos ng mga angkop na tao para pamahalaan ang mga handog sa lahat ng administratibong rehiyon ng iglesia. Sa partikular, sa loob ng saklaw na maaari niyang pasukin, personal siyang nagsasaayos ng mga tao para pamahalaan ang mga handog. Ano ang palagi niyang sinasabi? “Ang mga pondo ng handog ay mga handog sa Diyos. Kung hindi natin pamamahalaan nang maayos ang mga ito at aagawin ang mga ito ng malaking pulang dragon, ito ay pagpapabaya natin sa ating tungkulin bilang mga tao, at ito ay ang ating pagkabigong tuparin ang ating responsabilidad; ito ang pinakamalaking pagsalangsang. Higit pa rito, kung hindi natin mapapamahalaan ang mga handog ayon sa mga prinsipyo at hindi natin gagamitin ang mga handog sa gawain ng iglesia, o kung ang ating kapabayaan at hindi wastong pamamahala ay magdudulot ng mga kawalan sa mga handog sa Diyos at makakaapekto sa gawain, kung gayon ay responsabilidad natin ito, at may utang tayo sa Diyos.” Narinig na ba ninyo ang brother na sabihin ang mga salitang ito? (Narinig na namin.) Malamang na hindi pa narinig ng karamihan sa mga ordinaryong kapatid ang mga ito, pero dapat ay narinig na ng mga lider at manggagawa ang mga salitang ito. Una, ginagawa niya mismo ito; pangalawa, tinuturuan niya kayo at ginagabayan niya kayo na gumawa ng gawain sa ganitong paraan. Ang pagsasabi ng brother ng mga bagay na ito ay nakakatulong sa inyo. Marahil ay mayroon kayong determinasyon na pamahalaan nang maayos ang mga handog at pakiramdam ninyo ay medyo di-kinakailangan ang mga salitang ito na sinabi ng brother, pero binibigyan kayo ng brother ng paalala at tinutulungan niya kayong magsagawa ng pagsusuri, at sa gayon ay mas kakaunti ang magagawa ninyong pagkakamali. Posible rin na sadyang hindi ninyo nauunawaan kung paano pamahalaan nang maayos ang mga handog, at sa paglilingkod ninyo sa Diyos, sadyang wala kayo ng kahit katiting na kamalayan sa mga isyu tungkol sa pamamahala ng mga handog. Kung gayon, kapag nakikipagbahaginan sa inyo ang brother tungkol sa mga isyu sa bagay na ito, dapat kayong makinig nang mabuti at isapuso ang pagkatuto; hindi ninyo dapat ituring ang kanyang mga salita na parang hanging dumaraan lang sa inyong mga tainga.
Ang pamamahala sa mga handog ay isang napakahalagang aytem ng gawain sa paglilingkod sa Diyos, pangangalaga sa gawain ng sambahayan ng Diyos, at pangangalaga sa mga interes ng Diyos. Bagama't isa itong aytem ng administratibong gawain, bilang isang taong naglilingkod sa Diyos, dapat mong maunawaan ang kahalagahan ng aytem na ito ng gawain at dapat mo itong seryosohin. Ipagpalagay na palagi mong nararamdaman na, “Mga handog iyon sa Diyos—ano ang kinalaman ng mga iyon sa atin? Ginagamit ang mga iyon para sa paggawa ng gawain ng iglesia; hindi ibinibigay sa atin ang mga iyon, at hindi mapupunta sa ating mga bulsa ang perang ito, ni hindi tayo mabibigyan ng kahit isang sentimo para gastusin. Samakatwid, kung sino ang gumagamit ng perang ito, kung sino ang hindi gumagamit nito, kung paano ito ginagamit, kung ginagamit ba ito nang naaangkop, kung nagkaroon ba ng anumang kawalan, at kung magkano ang nawala—wala sa mga bagay na ito ang may kinalaman sa atin. Hindi tayo nababahala sa mga bagay na iyon. Didiligan na lang natin nang maayos ang iglesia at gagawin nang maayos ang sarili nating gawain, at iyon na iyon.” Tungkol naman sa kung paano pamahalaan ang mga handog, kung pinamamahalaan ba nang maayos ang mga ito, kung nagkaroon ba ng anumang kawalan, at kung angkop ba ang mga taong namamahala sa mga ito, hindi ka nababahala sa alinman sa mga bagay na ito, at hindi ka nag-uusisa, nangangasiwa, o sumusubaybay sa alinman sa mga ito. Kung gayon, paano ilalarawan ang paglilingkod mo sa paningin ng Diyos? Para sa iyo, ang mga interes ng Diyos at ang mga interes ng sambahayan ng Diyos ay talagang walang kinalaman sa iyo; wala kang sinseridad at walang pagsasaalang-alang sa Diyos, at walang puwang ang Diyos sa puso mo—hindi ka gusto ng Diyos. Hindi ka nababahala at wala kang sinseridad kahit kaunti sa mga usaping may kinalaman sa mga interes ng Diyos at may kinalaman sa mga interes ng sambahayan ng Diyos. Hindi mo kailanman ginagawa ang gawain ng pangangalaga sa mga interes ng sambahayan ng Diyos, hindi mo tinutupad ang mga responsabilidad o obligasyon mo, at hindi mo itinuring ang pamamahala ng mga handog bilang isang aytem ng gawain sa loob ng misyong ibinigay sa iyo ng Diyos. Kaya, lubhang hindi ka gusto ng Diyos. Ang hindi pagkagusto sa iyo ng Diyos ay hindi nangangahulugan na hindi ka Niya gagamitin; maaari ka pa rin Niyang gamitin, pero wala Siyang gaanong kanais-nais na impresyon sa iyo. Wala kang sinseridad sa Diyos. Kahit papaano, ang mga interes ng Diyos ay walang halaga sa iyo at hindi mo isinasapuso ang mga ito kahit kaunti. Itinuturing mo pa nga ang mga interes ng Diyos bilang mga interes ng ibang tao. Ang pananaw mo ay na wala kang pakialam dito at maaari ka na lang maging tagamasid; gaano man kalaki ang kawalang dinaranas ng mga interes ng Diyos, hindi ka nababalisa o nababagabag. Hindi mo kailanman pinangangalagaan ang mga interes ng Diyos. Kung gayon, paano ka tinitingnan ng Diyos? Sinasabi mong, “Taos-puso ako sa Diyos,” pero sinasabi ng Diyos na mapanlinlang ka at nagsisinungaling ka. Ang iniaalay mo sa dambana ng Diyos ay mga kasinungalingan; hindi mo natupad ang responsabilidad mo sa mga handog sa Diyos, at wala kang patotoo sa bagay na ito, kaya dapat kuwestiyunin ang sinseridad mo sa Diyos. Hindi mo inilalaan ang buong katawan at isipan mo sa atas ng Diyos. Hindi ba't ganoon? (Oo.) Kita mo, mataas ba ang mga hinihingi ng Diyos sa mga tao? Sinusubok ng Diyos ang sinseridad mo sa lahat ng aspekto. Sinusubok ng Diyos ang sinseridad mo sa pamamagitan ng mga kaisipan, pananaw, at saloobin mo sa Kanya at sa mga interes ng sambahayan ng Diyos, gayundin sa pamamagitan ng mga aktuwal mong kilos. Ginagamit Niya ang mga ito para sukatin kung pasok ka ba sa pamantayan bilang isang taong naglilingkod sa Kanya, at para sukatin din kung makakapagkamit ka ba ng kaligtasan sa huli, kung ikaw ba ang uri ng tao na hinahanap Niya na naaayon sa Kanyang mga layunin at may pagsasaalang-alang sa Kanyang mga layunin, at kung ikaw ba ang uri ng tao na nilalayon Niyang gawing perpekto. Hindi nakikinig ang Diyos sa mga islogan mo, at hindi Siya nakikinig sa mga determinasyong ipinapahayag mo; gusto ng Diyos na tingnan ang mga aktuwal mong kilos.
Dati sa mainland China, habang ginagawa ang gawain ng iglesia, winawaldas ng ilang lider at manggagawa ang mga handog ayon sa gusto nila, at ginagamit pa nga ang mga handog para sa Diyos nang walang pahintulot para bumili ng mga motorsiklo; lubos na makapal ang mukha nila sa paglilibot sakay ng mga ito. Ang taong ginagamit ng Banal na Espiritu ay hindi kailanman bumili ng motorsiklo o kotse; bumili lang siya ng ilang bisikleta at traysikel. Sa lahat ng taon niya sa paggawa ng gawain ng iglesia, hindi kailanman bumili ang brother ng anumang marangyang gamit para sa kanyang sarili, ni hindi siya bumili ng anumang mamahaling kagamitan sa komunikasyon. Kapag ang karaniwang tao ay may kaunting katayuan, uunahin niyang maghanap ng mga pakinabang para sa kanyang sarili, at tinatamasa ang mga pakinabang ng katayuan—pagkain ng masasarap na pagkain, pagsusuot ng magagandang damit, at paggamit ng magagandang bagay. Hindi ito kailanman ginawa ng brother. Ilang beses Kong nakita ang mga lider at manggagawa ng iglesia na nagdadala ng mga pondo ng handog sa brother, at palagi niyang sinasabi sa kanila na ibigay ang mga pondo ng handog sa mga taong responsable sa pamamahala ng mga ito. Hindi kailanman personal na pinamamahalaan ng brother ang pera, pero madalas siyang nakikipagbahaginan sa mga lider at manggagawa tungkol sa mga prinsipyo para sa pamamahala ng mga handog, tulad ng kung saan pinakaangkop na gamitin ang mga ito, at kung paanong kapag may natuklasang anumang kaso ng maling paggamit o pagdispalko, dapat iulat at aksiyonan ang mga ito. Tungkol sa mga prinsipyo para sa paghirang ng mga tao na mamamahala sa mga handog, madalas na sinasabi ng brother na dapat hirangin ang mga kapatid na nagbibigay ng maraming handog o iyong mga mahilig tumulong at magbigay sa iba, dahil medyo maaasahan ang mga taong ito. Bukod sa brother, wala pa Akong nakitang ibang tao na namamahala sa mga handog nang napakahigpit. Iniisip ng karamihan sa mga tao, “May malalaking ari-arian ang sambahayan ng Diyos. Ang lahat ng perang ito ay nakukuha nang libre; walang sinuman ang kailangang magtrabaho nang husto para kitain ito. Sa sandaling maging isang lider o manggagawa ka, maaari mo itong gastusin sa alinmang paraan na gusto mo. Ang perang ito ay inihandog ng lahat, kaya pag-aari ito ng lahat.” Napakakaunting tao ang nag-iisip na, “Ang perang ito ay mga handog para sa Diyos. Ang kalikasan nito ay naiiba sa iba pang uri ng pera. Dapat itong pamahalaan nang maayos ng mga tao. Ang perang ito ay gagamitin sa gawain ng iglesia at gagamitin sa gawain ng pangangaral ng ebanghelyo; hindi ito para gamitin ng sinumang indibidwal.” Napakakaunting tao ang nagtataglay ng gayong konsepto. Kita mo, ganito kaingat at kasinop tratuhin ng brother ang mga pondo ng handog, at ganito kahigpit niya pinamamahalaan ang mga ito. Kung makakarinig siya ng sinumang naglulustay o nagwawaldas ng mga handog, labis siyang nagagalit; pupungusan niya sila sa mga pagtitipon, at hihimayin ang kalikasan ng ganitong uri ng bagay at ang mga kahihinatnan nito. Natatakot ang ilang tao at hindi sila nangangahas na lustayin o waldasin ang mga handog, pero nabibigo pa rin silang pamahalaan ang mga handog sa isang positibo at maagap na paraan. Pagdating sa kung paano mo tinatrato ang mga handog para sa Diyos, kung ang katayuang taglay mo ay karaniwan at ang halaga ng perang maaari mong hawakan ay napakaliit, kapag nararamdaman mo na hindi ito mahalaga o walang gaanong silbi, maaaring hindi ito maging isang tukso para sa iyo, pero hindi iyon nangangahulugan na hindi sasapit sa iyo ang tuksong ito. Kung hindi masyadong mabuti ang pagkatao mo, wala kang konsensiya at katwiran, at, lalo na, hindi tama at iresponsable ang saloobin mo sa mga handog—na nagpapatunay na wala kang takot-sa-Diyos na puso—kung gayon ay madali kang maaakit ng pera at madali ka ring mahuhulog sa tuksong ito. Halimbawa, sabihin nating isa kang lider o manggagawa at nakakahawak ka ng mga pondo ng handog habang bumibisita sa mga iglesia. Kung ang isang iglesia ay mayroon lang isa o dalawang libong yuan na mga pondo ng handog, maaaring hindi ka matukso, at sasabihin mong, “Mga handog ito para sa Diyos. Dapat pamahalaan nang maayos ang mga ito, at dapat gamitin ang mga ito para sa gawain ng iglesia.” Maaaring makakapag-isip ka sa ganitong paraan, at maaaring makakakilos ka rin sa ganitong paraan. Pero kung ang isang iglesia ay may malaking halaga ng pondo ng handog, kung mayroon itong aabot sa sampu-sampung libo o daan-daang libong yuan, matutukso ka ba? Makakaya mo bang pigilan ang puso mo at iwasan ang paglulustay at pagdispalko sa mga handog? Hindi natin masasabi. Karamihan sa mga lider at manggagawa ay hindi natutukso kapag nakakahawak sila ng mga handog na may maliliit na halaga, pero natutukso sila kapag malaki ang halaga. Lalo na sa ilalim ng ilang espesyal na sitwasyon, maaaring pag-interesan nila ang mga handog—hindi ba't iyon mismo ang oras na sumasapit sa kanila ang tukso? Tatlumpung taon na ang nakalipas, may isang taong gumagawa ng gawain ng pamumuno sa iglesia sa isang rehiyon ng Henan. Iniabot ng iglesia ang sampung libong yuan na pondo ng handog para ipasa niya sa taong ginagamit ng Banal na Espiritu. Ang halagang ito ay itinuturing na napakalaking pera noong panahong iyon. Pagkatapos makuha ang pera, pinag-isipan ng lalaking iyon, “Kung iuuwi ko ang sampung libong yuan na ito sa bayan ko para magnegosyo, ang sampung libo ay magiging dalawampung libo, ang dalawampung libo ay magiging apatnapung libo, at ang apatnapung libo ay magiging walumpung libo. Pagdating ng panahong iyon, ibabalik ko ang sampung libong yuan sa sambahayan ng Diyos. Parang ginamit ko ang sampung libong ito bilang puhunan. Hindi ko ito inaangkin para sa sarili ko; hinihiram ko ito.” Kita mo, ang gayong mga aktibong kaisipan ang nag-udyok sa kanya na itakas ang mga handog. Pagkarinig dito, nagpuyos sa galit ang brother, sinasabing ang sampung libong yuan ay hindi maliit na halaga at kailangang humanap ng paraan para mabawi ito. Napakarami ng gawain ng iglesia, at napakalaki ng mga gastusin para sa pag-iimprenta ng mga aklat ng mga salita ng Diyos; kailangan ng pera sa maraming aspekto. Ang sampung libong yuan ay talagang napakahalaga para sa iglesia noong panahong iyon, at kung kailan kinakailangan ang pera, itinakas ito ng lalaking iyon. Napakalaking kawalan! Sinubukan ng brother na mag-isip ng paraan para mabawi ang perang ito. Kalaunan, nakahanap ang brother ng isang angkop na tao para makipagbahaginan at makipagtalakayan sa lalaking iyon tungkol sa usapin, at kinakausap ito tungkol sa kalubhaan at mga kahihinatnan ng paglulustay at pagdispalko ng mga handog. Sa huli, pumayag siyang ibalik ang hindi pa nagagastos na pera. Kita mo, kapag nahaharap ang isang karaniwang tao sa sitwasyong ito at nakakakita ng sampung libong yuan, maaari siyang matukso at mangangahas na lustayin at idispalko ito. At ilang beses na bang dumaan ang sampung libong yuan sa mga kamay ng taong ginagamit ng Banal na Espiritu sa panahon ng paggawa niya ng gawain ng iglesia? Gaano man karaming pera ang dumaan sa mga kamay niya, hindi niya kailanman sinabing, “Kailangan kong maglaan para sa sarili ko. Magtatabi ako ng pera para suportahan ang sarili ko sa pagtanda, kaunting pera para sa pag-aalaga sa kalusugan ko, at bibili ako ng ilang mararangyang gamit. Noong huli ay may nakita akong isang bagay na gusto ko, pero wala akong sapat na pera para bilhin ito. Ngayong may sapat na akong pera, itatabi ko ito para pambili ng mga bagay-bagay.” Hindi niya ito kailanman ginawa. Para naman sa inyong mga tao ngayon, dahil sa mga taon ng pananampalataya ninyo sa Diyos at sa inyong edad, marahil ay hindi ninyo alam ang tungkol sa maraming bagay na nangyari tatlumpung taon na ang nakalipas, pero alam ninyong lahat ang tungkol sa mga bagay na nangyayari ngayon. Gaano man karami sa mga handog para sa Diyos ang dumaan sa mga kamay niya, hindi siya nagtabi ng kahit isang sentimo para suportahan ang sarili niya sa pagtanda, para alagaan ang kalusugan niya, o para gumastos sa sarili niyang pagkain, pag-inom, at paglilibang. Tahasang iginagarantiya ito ng brother sa inyo. Kung kayo ay mga lider na naglilingkod sa Diyos, magagawa ba ninyo ito? Mangangahas ba kayong gawin ang garantiyang ito? (Hindi.) Hindi ninyo ito magagawa, pero nagawa ito ng taong ginagamit ng Banal na Espiritu. Hindi lang iyon, kundi hindi niya kailanman ginamit ang mga handog para bumili ng mga marangyang kotse, mga relos na may sikat na brand, o mga mamahaling kagamitan para sa kanyang sarili. Bukod sa hindi niya kailanman ginamit ang mga handog sa ganitong paraan, gumawa rin siya ng mga partikular na regulasyon kung paano dapat gamitin ang mga handog para sa Diyos at kung paano dapat gastusin ang mga ito. Pinamamahalaan niya nang napakahusay ang mga handog, ginagawa ang pinakamalaking posibleng pagsisikap ng tao—ibig sabihin, sa loob ng saklaw ng kaya niyang makamit at kung ano ang abot ng kanyang makakaya, ibinibigay niya ang lahat ng mayroon siya para pangalagaan ang mga handog, tinitiyak na ang mga handog para sa Diyos ay ginagamit lahat sa gawain ng sambahayan ng Diyos at ginagamit lahat ayon sa mga prinsipyo. Maaaring hindi alam ng mga ordinaryong mananampalataya ang tungkol sa mga bagay na ito, pero dapat ay alam ng isang bahagi ng mga nakatataas na lider at manggagawa ng iglesia ang tungkol sa mga ito. Para naman sa mga kapatid na nagbibigay ng maraming handog, tinatrato rin sila ng sambahayan ng Diyos ayon sa mga prinsipyo: Ginagamit ang mga kapatid na ito kapag dapat silang gamitin, at anuman ang tungkuling angkop nilang gawin ay iyon ang tungkuling ginagawa nila. Imposibleng gagawa ng eksepsiyon ang brother at iangat ang isang tao dahil lang nagbigay sila ng maraming handog. Hindi kailanman ginawa ng brother ang gayong bagay. Sa sukdulan, ang mga nagbibigay ng maraming handog ay may kalamangan sa paggawa ng isang partikular na aspekto ng tungkulin: Medyo nakaririwasa ang mga pamilya nila, at marami rin silang naihandog—kung walang mga pamilyang angkop para sa pangangalaga ng mga handog sa lugar sa paligid ng iglesia, sila ang mauuna sa paggawa ng tungkulin ng pangangalaga sa pera at ari-arian ng iglesia. Ang gayong pagsasaayos ay batay rin sa mga prinsipyo, dahil medyo mas maaasahan ang gayong mga tao.
Para sa mga lider at manggagawa, sa proseso ng paglilingkod sa Diyos at habang gumagawa ng gawain, ang mga usaping may kinalaman sa pera ay isang bagay na madalas nilang kinakaharap at kailangang harapin, at isa rin itong bagay na hindi nila maiiwasan. Kapag nahaharap ka sa mga usaping may kinalaman sa pera, kung ang mga pananaw at pamamaraang pinanghahawakan mo ay hindi kaayon ng mga layunin ng Diyos, at pumupukaw ng pagkasuklam at pagkapoot ng Diyos, kung gayon, ang pagtingin ng Diyos sa iyo bilang isang taong naglilingkod sa Diyos pagdating sa iyong karakter, at sa saloobin mo sa Kanya, ay labis na babagsak. Lalo na, labis na nakatuon ang ilang babae sa pagkain, pananamit, at kasiyahan, at gusto nila ng mga mamahaling damit at mamahaling kosmetiko. Kung pupunta sila sa isang mayamang pamilyang nagpapatuloy sa bahay kung saan nakakakain sila nang maayos, nakakapagsaya, at binibigyan ng perang panggastos, mananatili sila roon at hindi aalis. Madalas silang umiinom ng sabaw ng manok at kumakain ng mga suplementong pangnutrisyon, at tuwing oras ng kainan, may direktang nagdadala ng pagkain sa kanila, pinagsisilbihan sila na para bang mga asawa sila ng emperador. Gustung-gusto lang nilang tamasahin ang mga bagay na ito. Tinatamasa pa nga ng ilang babae ang mga mamahalin at marangyang gamit pagkatapos maging mga lider at manggagawa; habang mas mataas ang katayuan nila, mas mataas ang kalidad ng mga bagay na tinatamasa nila, at habang mas mataas ang katayuan nila, mas malaki ang mga ginagastos at mga gastusin nila. Ang ilang taong namamahala sa mga handog sa iglesia ay walang pagkilatis tungkol sa mga lider at manggagawang ito na nagpapakasasa sa mga pakinabang ng katayuan. Iniisip nilang ang sambahayan ng Diyos ay katulad ng mundo; tinatrato nila ang mga taong naglilingkod sa Diyos sa sambahayan ng Diyos na para bang kanilang mga nakatataas o mga makamundong lider at nagbibigay sila ng pagpupugay sa mga ito. Ibinibigay nila sa mga lider at manggagawa ang anumang halaga ng pera na hingin ng mga ito, at hindi sila tumatanggi kahit kapag hinihingan ng pera para pambili ng mararangyang gamit. Ibinibigay nila ang anumang halagang hinihingi, hindi nangangahas na magbigay nang kulang kahit isang sentimo, at hindi nila kailanman sinisiyasat ang mga intensiyon at pakay ng mga ito sa paggastos ng mga handog. Ang mga tauhang responsable sa pamamahala ng mga handog ay may karapatang mangasiwa at magsiyasat kung paano gastusin ng mga lider at manggagawa ang mga handog, at mayroon din silang obligasyon at may responsabilidad na magtanong tungkol sa layon ng bawat halaga ng mga handog. Halimbawa, kung gusto ng isang lider o manggagawa na gumamit ng mga handog, dapat mo siyang tanungin, “Saan mo gagamitin ang perang ito? Bakit gusto mo ng napakalaking pera?” Kung hindi niya tatanggapin ang pangangasiwa mo at hindi ka niya hahayaang mag-usisa tungkol dito, hindi ka puwedeng makipagkompromiso; dapat kang sumunod sa mga prinsipyo at sabihing, “Ako ang namamahala sa mga handog, kaya dapat akong maging isang mabuting tagapangasiwa ng mga handog para sa Diyos. Dapat kong suriin ang mga bagay-bagay. Hindi uubra kung hindi mo ito ipapaliwanag nang malinaw.” Ang mga kosmetikong ginagamit ng ilang lider at manggagawa ay nagkakahalaga ng ilang daan o isang libong yuan o higit pa; ang ilan ay nagkakahalaga pa nga ng ilang libo o sampung libong yuan o higit pa. Kapag pumupunta sila sa mall para bumili ng mga damit, hindi sila kailanman nagtatanong tungkol sa presyo; binibili lang nila ang alinmang gusto nila, at may mga tao na partikular na nagbabayad para sa kanila, na gumagastos ng mahigit sampung libong yuan sa isang pagkakataon. Winawaldas nila ang mga handog nang ganito nang hindi man lang kumukurap o nakakaramdam ng katiting na pagkabagabag sa kanilang puso, at ang mga taong nagbabayad ay sumusunod sa kanila at nakabuntot sa kanila na parang mga alipin. Hindi ba't sila ay isang kawan ng mga hayop, isang kawan ng mga diyablo? Paanong nararamdamang mong lubos kang may katwiran at panatag kapag gumagastos ng mga handog? Ang mga handog bang iyon ay para gastusin mo? At ang gumamit pa nga ng gayong mga mamahaling kosmetiko—karapat-dapat ka ba? Naglilingkod ka sa Diyos para tapusin ang isang misyon at para tapusin ang isang atas; hindi ka nandirito para maghanap ng kasiyahan at magpakasaya, ni hindi ka narito para maging isang emperatris o isang retiradong emperador. Sa paggawa ng gawain ng iglesia, dapat kang magdusa at magbayad ng halaga; dapat kang magbayad ng halaga na ilang beses na mas malaki kaysa sa mga ordinaryong tao para maglingkod sa Diyos. Dapat mong ialay ang iyong sinseridad, sa halip na pumunta rito para magpakasasa sa laman. Hinihingi ng Diyos sa mga naglilingkod sa Kanya na magpakita ng pagsasaalang-alang sa Kanyang pasanin at gawin nang maayos ang gawain ng iglesia, hindi para magpakasaya sa laman at tamasahin ang mga pakinabang ng katayuan. Hindi ibinigay sa iyo ng Diyos ang gampaning ito para magpakasaya ka. Ang magpakasaya ka ay kawalan ng kahihiyan; ito ay walang katwiran at walang pagkatao—iyan ang gagawin ng isang diyablo. Libre mong kinakain ang pagkain ng sambahayan ng Diyos, at tinutustusan ka rin ng Diyos ng katotohanan at tinutustusan ka ng buhay—sapat na ang nakamit mo. Subalit gusto mo pa ring palihim na gumastos ng mga handog. Iniisip mo ba na ang paglilingkod sa Diyos ay tulad ng paggawa sa isang sekular na trabaho at pagtanggap ng suweldo? Kahit pa nagtatrabaho ka at tumatanggap ng suweldo, hindi mo magagawang kumita ng ganoon kalaking pera. Sa paglilingkod sa Diyos, walang mga suweldo at walang mga dibidendo. Kapag iniaalay mo ang iyong sarili at iniaalay ang iyong sinseridad sa Diyos para paglingkuran Siya, ang nakakamit mo ay ang katotohanan, ang nakakamit mo ay buhay, at ang nakakamit mo ay kaligtasan—hindi mga marangyang gamit, at hindi kasiyahan ng laman. Bukod pa rito, puwede bang ipagpalit ang kaunting sinseridad na mayroon ka para sa mga marangyang gamit na iyon? Gaano katinding pagdurusa ang kailangan mong tiisin at gaano kalaking halaga ang kailangan mong bayaran sa pagtatrabaho sa mundo para kitain ang mga bagay na iyon? Sa pinakamabuti, mapapakain at mabibihisan mo lang ang sarili mo, subalit gusto mo pa ring magtamasa ng magagandang bagay. Ang mga taong naglilingkod sa Diyos ay hindi dapat nakatuon sa kasiyahan, ni hindi sila dapat nakatuon sa kaginhawahan ng laman. Dapat silang tumuon sa pagdurusa, pagbabayad ng halaga, at paggawa nang maayos sa kanilang tungkulin, at sa pagtanggap sa pagkastigo at paghatol ng Diyos para makamit ang katotohanan, sa halip na magpakasaya sa laman. Ang pagpapasasa sa laman, pagpapasasa sa pagpipiging at pagdiriwang, at pagpapasasa sa pagkain, pag-inom, at katuwaan—iyan ang buhay ng mga walang pananampalataya; ito ang pananaw nila sa buhay at ang kanilang paghahangad. Kita mo, sa paglipas ng mga taon, habang isinasagawa ng taong ginagamit ng Banal na Espiritu ang kanyang gawain, mas nagiging abala siya sa bawat taong lumilipas, nadaragdagan ang bigat ng kanyang trabaho sa bawat taong lumilipas, mas napapagod siya nang husto sa bawat taong lumilipas, at tumatanda siya sa bawat taong lumilipas. Sa kabila nito, hindi siya kailanman tumuon sa pagtatamasa ng anumang produktong pampaganda para magmukha siyang mas bata upang magkaroon ng mas magandang impresyon sa kanya ang mga kapatid; hindi siya kailanman tumuon sa mga bagay na ito. Tungkol sa kanyang pagharap sa kasiyahan ng laman, hindi kailanman sinasabi ng taong ginagamit ng Banal na Espiritu, “Dahil ako ay isang taong naglilingkod sa Diyos, dahil ako ang taong ginagamit ng Banal na Espiritu, kalipikado akong tamasahin ang mga handog na ito. Anuman ang bilhin ko, dapat akong bumili ng magandang bagay, dapat akong bumili ng isang bagay na may pinakamataas na kalidad.” Wala siyang ganitong maluhong pagnanais. Labis siyang napapagod sa kanyang gawain, pero minsan kapag nasa posisyon ang sambahayan ng Diyos na hayaan siyang kumain ng masarap para makakuha ng karagdagang nutrisyon, nararamdaman pa nga niya na hindi ito kinakailangan, at na ang pagtatamasa nito ay isang labis na pagnanais. Kita mo, medyo mahigpit siya sa kanyang sarili pagdating sa pera, mga materyal na bagay, at kasiyahan ng laman, hindi ba? (Oo.) Kung mayroon kayong katayuan, mararamdaman ba ninyo na isa itong maluhong pagnanais? (Kung matutugunan ang mga kondisyon, hindi namin mararamdaman na isa itong maluhong pagnanais.) Kung isa man itong maluhong pagnanais o hindi ay nakadepende sa sitwasyon: Una, nakadepende ito sa pisikal na kondisyon ng tao. Pangalawa, nakadepende ito sa mga naiambag niya sa gawain ng sambahayan ng Diyos. Karamihan sa inyo ay halos walang naiambag sa gawain ng sambahayan ng Diyos, ibig sabihin, hindi kayo gumanap ng isang kongkretong papel sa pagsusulong ng anumang aytem ng gawain sa sambahayan ng Diyos—ibinibigay lang ninyo ang inyong pagtatrabaho; hindi masasabing nagtutustos kayo para sa iglesia, at hindi masasabing nagtutustos kayo para sa buhay ng piniling mga tao ng Diyos, lalong hindi masasabing deboto kayo sa gawain ng iglesia. Kung mayroon kayong gayong mga hinihingi, isa itong maluhong pagnanais. Bukod pa rito, karamihan sa inyo ay bata pa at maayos ang inyong pisikal na kondisyon. Sapat na ang nutrisyon mula sa inyong pang-araw-araw na lutong-bahay na pagkain sa pang-araw-araw na buhay. Kung mas madalas din kayong mag-ehersisyo, hindi ninyo kailangan ng espesyal na nutrisyon. Kahit pa may ilang indibidwal na mahina ang pangangatawan at kailangang magpalakas, sapat na ang pag-inom ng ilang suplementong pangnutrisyon. Pero ang taong ginagamit ng Banal na Espiritu ay naiiba sa inyo. Una, may mga naiambag ang brother sa gawain ng iglesia at sa sambahayan ng Diyos; malinaw ito sa lahat at isa itong hindi maikakailang katunayan. Pangalawa, gumugol ang brother ng napakaraming lakas at dugo ng puso at nagbayad ng ganoon kalaking halaga para sa gawain ng sambahayan ng Diyos. Ngayong may kakayahan na ang sambahayan ng Diyos, kahit pa kumain siya ng masarap para makakuha ng karagdagang nutrisyon, hindi iyon maituturing na isang maluhong pagnanais, tama? (Oo.) Para sa karamihan ng mga tao, ang pagkakaroon ng gayong mga hinihingi ay isang maluhong pagnanais, dahil wala silang mabuting pagkatao, wala silang gaanong naiambag sa gawain ng sambahayan ng Diyos, at sadyang hindi sila kalipikado na tamasahin ang ganitong uri ng pagtrato, tama? (Oo.) Sabihin ninyo sa Akin, kung ang isang taong naglilingkod sa Diyos ay palaging nakatuon ang paningin sa mga handog, palaging may mga masamang balak sa mga handog, at nagtatamasa sa mga handog at nagpapasasa sa laman, o kung hindi nila kailanman sineseryoso ang mga handog at hindi nila pinamamahalaan ang mga ito, at kapag nagkaroon ng kawalan sa mga handog, hindi sila nag-iisip ng mga paraan para mabawi ito, ganap na nabibigong tuparin ang kanilang responsabilidad—masisiyahan ba ang Diyos sa isang taong naglilingkod sa Kanya nang ganito? (Hindi.) Ang mga handog na iniaalay ng piniling mga tao ng Diyos sa Diyos ay ginagamit para sa paggawa ng gawain ng iglesia. Ipagpalagay na iniisip mong, “Ano't anuman, ang perang ito ay hindi para gastusin ko, ni hindi ito para ipamahagi o pamahalaan ko; wala man lang akong karapatang gamitin ito. Samakatwid, kung sino ang gumagastos ng perang ito, kung saan ito ginagastos, at kung gumagastos sila nang malaki o maliit ay walang kinalaman sa akin. Ang mga usaping ito ay maaaring mga lihim lahat, kaya hindi ako mag-aalala o mag-uusisa tungkol sa mga ito. Kahit pa tunay akong makatuklas ng anumang problema, hindi ko kailangang makialam; hindi ito saklaw ng mga responsabilidad ko.” Tama ba ang saloobing ito? (Hindi.) Sabihin nating hindi angkop ang taong namamahala sa mga handog, may mga kaso ng pagnanakaw ng mga handog o pagdidispalko ng mga handog, at mayroon ding maraming kaso ng paggamit ng mga handog na lumalabag sa mga prinsipyo—kung matutuklasan mo ang mga bagay na ito pero hindi mo pipigilan ang mga ito o aaksiyunan ang mga ito, ito ba ang saloobing dapat taglayin ng isang taong naglilingkod sa Diyos? (Hindi.) Ang paggamit at pamamahala nang tama sa mga handog ay isang prinsipyo na dapat taglayin ng isang taong naglilingkod sa Diyos, hindi ba? (Oo.) Ito ang ikalawang isyu na dapat harapin sa paglilingkod sa Diyos—ang isyu ng pera, materyal na kasiyahan, at kasiyahan ng laman.
May isa pang aspekto na dapat harapin ng isang tao sa paglilingkod sa Diyos, at iyon ay ang katayuan. Bagama't gumagawa ng gawain ang taong ginagamit ng Banal na Espiritu sa posisyong ito, hindi niya kailanman ginagamit ang katayuan para supilin o kontrolin ang mga tao. Sa halip, sa posisyong ito, tinutupad niya ang kanyang mga responsabilidad at ginagawa nang maayos ang sarili niyang gawain, at hindi niya kailanman tinatamasa ang mga pakinabang ng katayuan. Sa kanyang pang-araw-araw na buhay, bihirang matamasa ng brother ang espesyal na pangangalaga at pagtrato. Sa kanyang pang-araw-araw na pagkain, hindi niya kailanman natamasa ang mga pagkaing espesyal na inihanda para sa kanya; ang pinakamaganda na marahil, kapag may malaking pagtitipon, maaaring may magluto ng karagdagang ulam na may karne para sa brother, at medyo maganda na iyon. Paminsan-minsan, maaari silang gumawa ng ilang siopao o bilo-bilo, at itinuturing na itong espesyal na pagtrato. Kahit kapag pumupunta siya sa ilang pamilyang nagpapatuloy sa kanilang bahay at hindi siya nakakatanggap ng gayong pagtrato, pakiramdam ng brother ay normal lang ito at hindi niya hinihinging tratuhin siya sa anumang partikular na paraan. Habang gumagawa ng gawain sa sambahayan ng Diyos, pumunta man siya sa isang mayamang lugar o sa isang mahirap na lugar, anuman ang mga kondisyon ng pamumuhay o kung maganda ba o hindi ang pagkain at tinutuluyan, kaya niya itong harapin nang tama. Hindi siya nagrereklamo tungkol sa mga lugar na may mahihirap na kondisyon, ni hindi siya masyadong nawiwili sa mga kaginhawahan ng mga lugar na may magagandang kondisyon kaya siya mananatili at hindi na aalis. Hindi siya kailanman humingi ng anumang partikular na pamantayan ng pagtrato dahil lang sa siya ang taong ginagamit ng Banal na Espiritu. Hindi siya kailanman tumutuon sa mga bagay na ito; karaniwang kumakain siya ng parehong mga pagkaing pinagsasaluhan ng mga kapatid. Kahit kapag ang ilang pamilyang nagpapatuloy sa kanilang bahay ay walang masyadong mabuting pagkatao at medyo makasarili, nagtatabi ng masasarap na pagkain para sa sarili nilang mga kapamilya at nag-aatubiling ibigay ito sa brother, hindi nalilimitahan ang brother ng usaping ito at kaya pa rin niya itong harapin nang tama. Sinasabi niya, “Isa lang akong ordinaryong tao. Hindi ko puwedeng hingin na tratuhin ako ng iba nang napakaayos. Ang pinaglilingkuran ko ay ang Diyos. Hindi ko puwedeng hingin na maging masyadong sunud-sunuran at magalang ang mga kapatid sa akin o na bigyan nila ako ng espesyal na pangangalaga dahil mayroon akong katayuan. Malaya ang mga kapatid na tratuhin ako ayon sa gusto nila. Hindi ko puwedeng hayaang maapektuhan ng mga bagay na ito ang paglilingkod ko sa Diyos.” Wala siyang matataas na hinihingi sa mga tao, hindi ba? (Oo.) Higit pa rito, hindi gumagampan ng gawain ang taong ginagamit ng Banal na Espiritu mula sa isang posisyon ng katayuan. Kapag nahaharap siya sa ilang hindi inaasahang insidente o mga bagay na hindi pa niya naranasan noon sa iglesia, magpapatawag ang brother ng isang pagtitipon kasama ang mga lider at manggagawa para makipagbahaginan tungkol sa usapin. Sa panahon ng pagbabahaginan, pinamumunuan lang niya ito; hindi siya umaasa sa sarili niyang kalooban para gumawa ng sarili niyang mga pagpapalagay tungkol sa kung ano ang dapat gawin. Sa halip, habang naghahanap, nakikipagbahaginan siya sa mga lider at manggagawa tungkol sa mas mabubuting paraan sa pangangasiwa ng mga bagay-bagay. Nilulutas niya ang mga isyung lumitaw sa iglesia nang may saloobin ng pagbabahaginan at saloobin ng paghahanap, sa halip na gumawa ng sarili niyang mga pagpapalagay at igiit ang kanyang katayuan para patnubayan ang mga lider at manggagawa na kumilos ayon sa sarili niyang kalooban. Kapag tinitipon niya ang mga lider at manggagawa para talakayin at pagbahaginan ang usapin, hinahanap din niya kung paano kumilos sa paraang mapangangalagaan ang mga interes ng sambahayan ng Diyos, at kung paano kumilos sa paraang makakaiwas sa mga kasunod na negatibong epekto at makakabawas sa mga nakatagong panganib. Taglay ang saloobin ng paghahanap, at taglay ang prinsipyo ng pangangalaga sa mga interes ng sambahayan ng Diyos at sa gawain ng sambahayan ng Diyos, at maayos na pangangalaga sa lahat ng kondisyon na dapat ay naroroon para magampanan nang normal ng mga kapatid ang kanilang mga tungkulin, nagpapatawag siya ng isang pagtitipon kasama ang mga lider at manggagawa para makipagbahaginan tungkol sa usapin. Bagama't mayroon siyang katayuan, pati na rin ng sarili niyang mga subhetibong intensiyon at ideya, pinapanatili pa rin niya ang isang maingat at mapagbantay na puso, naghahanap ng mga kapatid o mga lider at manggagawa na may kaugnay na propesyonal na kadalubhasaan para talakayin ang usapin at sama-samang maghanap. Bakit niya ginagawa ito? Ang motibo niya sa paggawa nito ay ang paniniwala na, dahil ipinanganak ang mga tao sa madilim at masamang lipunang ito, palaging maraming bagay na hindi nila makita nang malinaw; na gaano man katanda ang isang tao, palaging maraming bagay na hindi pa nila naranasan ni nakita; at walang sinuman ang perpekto—na ang lahat ay may mga larangan na hindi sila mahusay o hindi nila nauunawaan, at kapag nahaharap sa mga usapin, kahit pa may ilang ideya ang isang tao, hindi sila makakatiyak kung tama ang mga ideyang iyon, kaya kailangan nilang makipagbahaginan at maghanap. Kapag nakikipagbahaginan siya, ginagawa niya ito mula sa dalawang aspekto. Sa positibong panig, nagbabahagi siya tungkol sa kung ano ang mangyayari kung gagawin ang mga bagay-bagay sa ganitong paraan at kung ano ang mangyayari kung gagawin ang mga bagay-bagay sa ganoong paraan; sa negatibong panig, nagbabahagi siya tungkol sa kung ano ang mangyayari kung hindi gagawin ang mga bagay-bagay sa ganitong paraan. Nagbabahagi siya mula sa bawat anggulo upang mas mapangasiwaan ang mga problema na kailangang lutasin sa sambahayan ng Diyos, upang maayos na maprotektahan ang mga interes ng sambahayan ng Diyos, at upang maayos na maprotektahan ang mga karapatan at interes ng mga kapatid, nang sa gayon ang kanilang buhay pagpasok at ang kapaligiran at mga kondisyon para sa kanilang paggampan ng kanilang mga tungkulin ay hindi maapektuhan o mapinsala. Siyempre, mas pinoprotektahan din nito ang gawain ng sambahayan ng Diyos upang umusad ito sa maayos na paraan, at sa huli ay nagagawa niyang tuparin ang mga obligasyon at responsabilidad na dapat tuparin ng isang taong naglilingkod sa Diyos, magbigay ng ulat sa Diyos, at palugdan ang Diyos. iKita mo, naaayon ba ang motibo at prinsipyong ito sa mga layunin ng Diyos? (Oo.) Bagama't mayroon siyang katayuan, at sa pamamagitan ng paggawa ng gawain sa loob ng maraming taon ay mayroon siyang kapwa karanasan sa gawain at direktang karanasan tungkol sa maraming insidente na nangyayari o maraming problema na umiiral sa iglesia, at nauunawaan din niya ang maraming katotohanan at may tunay siyang pagpasok, kapag nakakaharap siya sa ilang usapin na biglaang lumilitaw at na hindi pa niya napangasiwaan noon, titipunin pa rin niya ang mga lider at manggagawa para makipagbahaginan, naghahanap ng mga angkop na prinsipyo at mga angkop na plano ng pangangasiwa, upang protektahan ang mga interes ng sambahayan ng Diyos sa pinakamataas na antas. Bagama't mayroon siyang katayuan at kayang magtakda ng mga bagay-bagay at kayang magbigay ng mga utos, habang mas may kinalaman ang isang usapin sa katayuan at habang mas may kinalaman ito sa paggawa ng mga pinal na desisyon, mas nagiging maingat siya at lalong hindi siya kumikilos nang walang pakundangan. Bagama't dahil sa kanyang ranggo at kanyang katayuan, at dahil sa kanyang mga taon ng karanasan sa gawain, mayroon siyang kapangyarihan at mayroon siyang kalamangan na gumawa ng pinal na desisyon at mayroong sariling huling pasya, at pagkatapos ay ipatupad ito sa inyo, hindi niya ito ginawa, ni hindi niya tinamasa ang karapatang kaakibat ng katayuan. Habang mas mahalaga ang isang usapin, o habang mas komplikado ang isang usapin—habang mas may kinalaman ito sa pangalan ng Diyos o may kinalaman sa gawain ng sambahayan ng Diyos—mas nagiging maingat siya sa pangangasiwa rito. Hindi siya basta-bastang bumubuo ng mga kongklusyon o gumagawa ng mga desisyon, kundi sa halip ay naghahanap at nakikipagbahaginan siya nang mayroong takot-sa-Diyos na puso, gumagawa lang ng aksiyon pagkatapos matukoy ang mga prinsipyo at plano para sa pagsasagawa. Ito ay isang pagpapamalas ng taong ginagamit ng Banal na Espiritu sa kanyang pagharap sa katayuan.
May isa pang pagpapamalas ang taong ginagamit ng Banal na Espiritu sa kanyang pagharap sa katayuan: Pinupungusan man niya ang mga tao, binabago ang pagkakatalaga ng tungkulin nila, o tinatanggal sila, palagi siyang kumikilos ayon sa mga katotohanang prinsipyo; hindi niya pinangangaralan ang mga tao o sinusupil sila mula sa isang posisyon ng katayuan. Minsan kapag pinupungusan ng brother ang mga tao, may ilang magsasabi, “Sa Diyos ako nananampalataya, hindi sa iyo. Hindi ikaw ang Diyos, kaya bakit ako makikinig sa iyo?” Ginawa bang isyu ng brother ang mga gayong tao? Pinakitunguhan ba niya sila, pinahirapan sila, o pinatalsik sila dahil sa pahayag na iyon? (Hindi.) Sa pagkakaalam Ko, hindi kailanman ginawa ng brother ang gayong bagay. Sa paglipas ng mga taon na gumagawa ang brother ng gawain ng iglesia, sa paggawa ng mga gawaing pantauhan at administratibo, marami na siyang tinanggal na huwad na lider, at marami na ring ginawang gawain ng pag-aalis ang iglesia. Maraming tao ang inilipat mula sa mga iglesiang may tungkuling full-time patungo sa mga iglesiang may tungkuling part-time, mga ordinaryong iglesia, o mga grupong B. Palaging may ilang tao na masuwayin sa brother at nagkikimkim ng hinanakit, sinasabing, “Ano naman ngayon kung ikaw ang taong ginagamit ng Banal na Espiritu? Hindi ako sa iyo nananampalataya, kundi sa Diyos ako nananampalataya!” Tinatrato rin ng brother ang gayong mga tao ayon sa mga katotohanang prinsipyo, sinasabing, “Siyempre, hindi ka nananampalataya sa akin, at hindi ko hiniling sa iyo na manampalataya ka sa akin. Ang pagpupungos ko sa iyo, pakikitungo sa iyo, at pagtanggal sa iyo ay batay sa mga katotohanang prinsipyo at para sa kapakanan ng pangangalaga sa gawain ng sambahayan ng Diyos.” Sinasabi niya ito, at siyempre, kumikilos din siya ayon sa prinsipyong ito. Hindi niya hiniling sa iyo na manampalataya sa kanya, at bukod pa rito, kung mananampalataya ka sa kanya, magiging mali ang landas na tinatahak mo. Tingnan mo lang kung ang mga prinsipyo kung paano pinangangasiwaan ng brother ang iba't ibang usapin, nilulutas ang iba't ibang problema, at tinatanggal ang mga huwad na lider at huwad na manggagawang ito ay naaayon sa mga layunin ng Diyos, at tingnan kung ang pagpupungos niya sa iyo ay naaayon sa mga katotohanang prinsipyo. Kung naaayon ito sa mga katotohanang prinsipyo at naaayon sa mga layunin ng Diyos, dapat kang magpasakop. Hindi ka nagpapasakop sa taong ito, ni hindi ka dapat magpasakop sa taong ito. Nagpapasakop ka sa katotohanan, sa Diyos. Kung ang pagpupungos at pagtatanggal sa iyo ng brother ay naaayon sa mga katotohanang prinsipyo ngunit nananatili kang masuwayin, nangangahulugan iyon na hindi mo tinatanggap ang katotohanan—problema mo ito, hindi problema ng brother; wala siyang problema. Hindi ka niya pinapagalitan, nililimitahan, o kinokontrol mula sa isang posisyon ng katayuan. Kumikilos siya ayon sa mga prinsipyo at pinakikitunguhan ka niya ayon sa mga prinsipyo. Ang pagpupungos niya sa iyo ay batay sa pangangalaga sa mga interes ng sambahayan ng Diyos at pangangalaga sa gawain ng sambahayan ng Diyos, at sa pagtupad nang maayos sa kanyang mga responsabilidad, pagkumpleto sa atas na ibinigay sa kanya ng Diyos, at pag-aalay ng kanyang debosyon sa Diyos. Ang pagbabahagi niya tungkol sa katotohanan ay nakapuntirya sa mga problema, hindi sa mga tao. Ngunit palagi kang sumisigaw, “Hindi ako sa iyo nananampalataya, kundi sa Diyos ako nananampalataya,” palaging ginagamit ang mga salitang ito para makipagtalo sa brother. Suriin mo ang sarili mong puso: Ito ba ay dahil hindi mo isinasagawa ang katotohanan, o ito ay na may ginawang mali ang brother? Hiniling ba sa iyo ng brother na manampalataya sa kanya? Ang katayuan ng brother ay katayuan ng taong ginagamit ng Banal na Espiritu, at ang pagkakakilanlan at katayuan ng taong ginagamit ng Banal na Espiritu ay pagkakakilanlan at katayuan ng isang taong naglilingkod sa Diyos; ang katayuan niya ay hindi katayuan ng Diyos, ang buhay niya ay hindi buhay ng Diyos, at hindi kailanman nagpatotoo ang Diyos na siya ay Diyos Mismo. Mula simula hanggang wakas, sinabi lang sa inyo ng Diyos na siya ay isang taong ginagamit ng Diyos, na siya ay isang miyembro ng tiwaling sangkatauhan, at siya ay isang taong iniangat ng Diyos, na naglilingkod sa Diyos at puwedeng gamitin ng Diyos. Hindi kailanman nagpatotoo ang Diyos na dapat kang manampalataya sa kanya. Ngunit palagi kang sumisigaw, “Hindi ako sa iyo nananampalataya,” at palagi mong iginigiit na pagtalunan ang usaping ito at ipaliwanag ito nang malinaw. Ito ang problema mo; ito ay ang hindi mo pagtanggap sa katotohanan. Bakit hindi mo suriin ang sarili mo para makita kung saan ka nagkamali? Bakit ka pinungusan ng brother? Ano ang dahilan ng brother sa pagpupungos sa iyo? Kung ito ay isang usapin ng pagbubulalas ng personal na galit dahil sa kalooban ng tao, kung gayon ay mali siya. Pero kung ito ay dahil hindi mo ginawa ang gawain mo ayon sa mga prinsipyo at walang pakundangan kang gumawa ng mga maling gawa, na nagdulot ng mga pagkagambala at kaguluhan; o kung ang pagiging pabasta-basta mo ay humadlang sa gawain ng iglesia at nagdulot ng pinsala sa gawain ng iglesia, kung gayon, ang pagpupungos sa iyo ng brother ay ganap na naaayon sa mga layunin ng Diyos at hindi masisisi. Ang pakikitungo sa iyo ng brother ay naaayon din sa mga prinsipyo at hindi mali; ganap itong naaayon sa mga layunin ng Diyos, hindi ito kinokondena ng Diyos, at higit pa rito, tinatandaan ito ng Diyos at sinasang-ayunan ito ng Diyos. Palagi kang nakakaramdam ng paglaban sa taong sinasang-ayunan ng Diyos at sa mga kilos na sinasang-ayunan ng Diyos at palagi mong kinokondena ang mga ito, at patuloy kang sumisigaw, “Hindi ako sa iyo nananampalataya.” Hindi ba't ito ay pagiging mapanggulo at hindi makatwiran? (Oo.) Ito ay pagiging nakakainis at hindi makatwiran. Palagi kang mapanlaban sa taong ginagamit ng Diyos, isang taong naglilingkod sa Diyos at naaayon sa Kanyang mga layunin, at palagi mo siyang tinatrato nang may pagkamapanlaban. Kung gayon ay tingnan mo: Sino ang Siyang nasa likod niya na gumagamit sa kanya? Ito ay ang Diyos. Ang ginagawa niya ay naaayon sa mga layunin ng Diyos; ginagamit siya ng Diyos, at sinasang-ayunan ng Diyos ang kanyang paglilingkod. Kung titindig ka para salungatin siya, katumbas ito ng pagsalungat sa Diyos. Ang kalikasan nito ay katulad ng sa dalawang daan at limampung lider na tumindig para salungatin si Moises nang gamitin siya ng Diyos. Sinasabi mong hindi sa taong ginagamit ng Banal na Espiritu ka nananampalataya. Buweno, hindi hiniling sa iyo ng Diyos na manampalataya sa kanya. Tiyak na hindi ka nanampalataya sa kanya bago ka niya pungusan? Pinupungusan ka ng brother para magampanan mo nang maayos ang iyong tungkulin, para kumilos ka ayon sa mga katotohanang prinsipyo, at para matupad mo ang iyong mga responsabilidad at maiwasang kumilos nang pabasta-basta o magdulot ng mga pagkagambala at kaguluhan. Ang pagtanggal niya sa iyo ay para rin pangalagaan ang gawain ng sambahayan ng Diyos, dahil kung hindi ka niya tatanggalin, mapipinsala ang gawain ng sambahayan ng Diyos; tinatanggal ka niya para pangalagaan ang mga interes ng sambahayan ng Diyos. Ngunit pagkatapos mong matanggal, hindi ka natutuwa at hindi ka kumbinsido; naglilitanya ka pa nga ng mga baluktot na argumento, nagiging nakakainis at hindi makatwiran, at gusto mo pa ngang magpalubag-loob siya at palampasin ka niya. Hindi ba't mga kaisipan ito ni Satanas? Hindi ba't mga diyablo ang gayong mga tao? (Oo.) Sa anong mga prinsipyo ibinabatay ng taong ginagamit ng Banal na Espiritu ang kanyang gawain? Ibinabatay niya ito sa dalawang pangunahing prinsipyong ito: ang pangangalaga sa mga interes ng sambahayan ng Diyos at ang pagiging responsable para sa buhay ng piniling mga tao ng Diyos, sa halip na pagbantaan kayo, takutin kayo, o samantalahin kayo mula sa isang posisyon ng katayuan. Paminsan-minsan ay pinapagalitan niya kayo, na mula sa pananaw ng tao ay tila nagmumula sa kanyang dugong kalikasan, ngunit bakit niya kayo pinagagalitan? Kung ang lahat ng ginagawa ninyo ay naaayon sa mga prinsipyo, at kaya ninyong panghawakan ang mga prinsipyong dapat ninyong sundin, kaya ninyong sumangguni at kaya ninyong hanapin ang katotohanan tungkol sa mga usaping hindi ninyo makita nang malinaw, at kaya ninyong ipatupad ang gawaing dapat ninyong ipatupad sa napapanahong paraan ayon sa mga prinsipyo, pupungusan at pagagalitan pa rin ba kayo? (Hindi.) Pinupungusan niya kayo at pinagagalitan kayo, at kahit na paminsan-minsan ay medyo nagagalit siya at medyo sumisiklab ang kanyang dugong kalikasan, wala Akong nakikitang mali rito, dahil ang mga bagay na ginagawa ninyo ay walang iba kundi mga paggambala at panggugulo, na labis na nakakagalit. Gaano man kabuti at gaano man kaamo ang personalidad ng isang tao, magagalit pa rin siya. Lahat ng normal na tao ay may kaligayahan, galit, kalungkutan, at kagalakan; kapag nakikita ang isang tao na gumagawa ng mga bagay na labis na nakakainis, imposibleng hindi makaramdam ng galit—ang hindi pagpapahayag ng galit ay magiging hindi normal. Palaging sinasabi ng ilang tao na mayroon silang pagpapahalaga sa katarungan at mabubuti silang tao, ngunit kapag napipinsala ang mga interes ng sambahayan ng Diyos at nawawaldas ng iba ang mga handog ng Diyos, hindi sila nakakaramdam ng kahit katiting na pagkabagabag o pagkagalit pagkatapos itong malaman. Kapag nakikita nila ang isang tao na nagdudulot ng mga pagkagambala o kaguluhan o pabasta-bastang gumagawa ng kanilang gawain, hindi nila kailanman sinasaway ito, at hindi kailanman nakikipagbahaginan para tulungan ito, lalong hindi nila ito pinakikitunguhan ayon sa mga prinsipyo. Ito ba ay pagkakaroon ng pagpapahalaga sa katarungan? Ito ba ay normal na pagkatao? (Hindi.) Ang pagkilos nang ganito ay hindi lang walang naidudulot na pagpapatibay sa mga tao, kundi hindi ka rin nito binibigyan ng daan para managot sa Diyos. Iresponsable ka sa iba at hindi ka nagbibigay sa kanila ng tunay na pagmamahal o tulong, lalong wala kang anumang sinseridad sa Diyos. Hindi mo pinangangalagaan ang mga interes ng sambahayan ng Diyos kahit kaunti, ngunit sinasabi mong mayroon kang pagpapahalaga sa katarungan. Anong pagpapahalaga sa katarungan ang mayroon ka? Isa ka lang mapagpalugod ng mga tao, isang taong tuso; isa ka lang buhay na Satanas! Kung tunay na mayroon kang pagpapahalaga sa katarungan, bakit hindi ka nababagabag kapag napipinsala ang mga interes ng sambahayan ng Diyos? Kung may nagmumura sa iyo o nagsasabi ng masama tungkol sa iyo, labis kang nababagabag na hindi ka makatulog nang ilang araw at gabi, at maaari mo pa nga siyang kamuhian habambuhay at hindi mo kailanman makakalimutan ang isang pangungusap na iyon habambuhay. Ngunit wala kang pakialam kahit kaunti tungkol sa pinsalang dinaranas ng mga interes ng sambahayan ng Diyos, gaano man ito kalaki. Anong pagpapahalaga sa katarungan ang mayroon ka? Isa ka lang makasarili at kasuklam-suklam na uri; hindi ka talaga isang taong may pagpapahalaga sa katarungan. Mayroon ngang katayuan ng taong ginagamit ng Banal na Espiritu ang brother, ngunit kahit na wala siya ng katayuang ito, at ginawa niya ang kanyang gawain bilang isang ordinaryong lider o manggagawa, kung nakita niya ang isang tao na nagwawaldas ng mga handog ng Diyos o ang masasamang tao na nagdudulot ng mga pagkagambala at kaguluhan, makikialam ba siya? Tutuparin ba niya ang kanyang mga responsabilidad? Tutuparin pa rin niya ang kanyang mga responsabilidad, at makikialam pa rin, makikialam sa pinakamalawak na saklaw na kaya niya, magsasalita hangga't kaya niya, at ibubuhos ang kanyang sukdulang pagsisikap para gumawa ng gawain at pangalagaan ang mga interes ng sambahayan ng Diyos. Samakatwid, kung titingnan ang saloobin ng taong ginagamit ng Banal na Espiritu sa paggawa ng gawain at paglilingkod sa Diyos, pati na rin ang kanyang saloobin sa inyo at ang mga paraan at pamamaraan kung paano niya kayo tinatrato, makikita na hindi siya gumagawa ng gawain mula sa isang posisyon ng katayuan. Para sa kanya, ang katayuang ito ay isang responsabilidad at isang misyon; ito ay isang misyon na iniatang sa kanya ng Diyos, isang responsabilidad na iniatang sa kanya ng Diyos, at lalo na kapag tinatawag ninyo siyang “brother,” mas nararamdaman niya na malaki ang kanyang responsabilidad. Ang buhay iglesia, ang administratibong gawain ng iglesia, gawaing pantauhan, at iba pang mga aspekto ng gawain, pati na rin kung may mga angkop na lider at manggagawa sa mga iglesia sa lahat ng dako, kung may mga angkop na tao na responsable para sa gawain ng ebanghelyo, kung may mga angkop na tao na gumagawa ng mga pangkalahatang gawain, kung ano ang pag-usad ng pagpapalaganap ng gawain ng ebanghelyo sa mga iglesia sa lahat ng dako, kung anong proporsyon ng mga taong nakamit ang nananatili, kung may mga angkop na tao na magdidilig sa mga sumapi sa iglesia, at kung may mga angkop na tao para pamahalaan sila at subaybayan sila—ang lahat ng ito ay mga bagay na pinapahalagahan niya at pinagtutuunan niya ng pansin, at ang mga ito ang pinakamataas na priyoridad sa kanyang gawain. Araw-araw, ang lahat ng ito ay ang mga bagay na sinasabi niya, iniisip sa kanyang puso, inaalala, at pinapahalagahan. Hindi niya kailanman tinamasa ang mga karangalan na idinudulot sa kanya ng katayuan, ni hindi niya tinamasa ang mas magagandang kondisyon na idinudulot sa kanya ng katayuan. Sa kanyang puso, hindi siya tumutuon sa mga bagay na ito; ang pinagtutuunan niya ay ang pagbuhos ng kanyang sukdulang pagsisikap para tuparin ang kanyang mga responsabilidad at kumpletuhin ang atas at misyon na ibinigay sa kanya ng Diyos.
Sa sandaling magkaroon ng katayuan ang ilang lider at manggagawa, ipinapatawag nila ang mga kapatid para sa mga pagtitipon para mangaral sa kanila ng mga sermon nang padalos-dalos, nangangaral nang dalawa hanggang tatlong oras sa umaga at dalawa hanggang tatlong oras sa hapon. Kapag nangangaral sila ng mga sermon, sabik na umaasa ang mga kapatid na makarinig ng isang bagay na praktikal, ngunit naroroon lang sila na naglilitanya ng mga salita at doktrina, bumibigkas ng mga matatayog-pakinggan na salita at pumupukaw ng mga emosyon, nang hindi lumulutas ng anumang aktuwal na problema. Wala silang pakialam kung abala ang mga kapatid; tinitipon nila ang mga ito para mangaral ng mga sermon nang padalos-dalos, at sadyang hindi sila gumagawa ng aktuwal na gawain. Tulad ng mga Pariseo, alam lang nila kung paano magsalita ng mga doktrina at sumigaw ng mga islogan. Hindi nila kayang lutasin ang anumang mga aktuwal na problema—hindi nila kayang lutasin ang mga problema tungkol sa buhay pagpasok, at maging ito man ay gawain ng ebanghelyo, gawain ng pagdidilig, administratibong gawain ng iglesia, pangkalahatang gawain, at gawaing pantauhan, o gawain sa iba't ibang espesyalisadong larangan, hindi nila kayang gawin ang anumang aspekto ng gawain o pasanin ito. Bukod pa rito, hindi sila nag-aaral ng propesyonal na kaalaman, hindi kumakain at umiinom ng mga salita ng Diyos, hindi nagsusumikap sa katotohanan, at iniraraos lang nila ang kanilang gawain. Padalos-dalos silang nangangaral ng mga sermon at pakiramdam nila ay nagawa nila nang maayos ang kanilang gawain at kinita nila ang kanilang pera para sa pagkain para sa araw na iyon, at kaya tinatamasa nila ang mga pakinabang ng katayuan na para bang tama at nararapat lang ito, pakiramdam nila ay may katwiran ito at panatag sila sa paggawa nito. Kapag oras na para kumain, palagi nilang gustong kumain nang maayos, na sinasabing, “Bakit hindi kayo gumawa ng ilang bilo-bilo o nilagang baboy? Sobrang nakakapagod ang gawain ko buong araw! Nagtitipon nang tatlo o apat na oras sa umaga, at tatlo o apat na oras sa hapon. Napakarami kong sinabi kaya natuyo na ang bibig ko! Kailangan ko ng maayos na pagkain para palusugin ang katawan ko!” Sa katunayan, nangangaral lang sila ng mga doktrina at sumisigaw ng mga islogan, nang hindi lumulutas ng anumang problema kahit kaunti. Hindi sila gumagawa ng anumang aktuwal na gawain ngunit gusto pa rin nilang tamasahin ang mga pakinabang ng katayuan, at kapag tinanggal sila, pakiramdam nila ay labis silang naagrabyado kaya patuloy lang sila sa pag-iyak, sa loob ng maraming araw. Sadyang hindi nila sinusuri ang kanilang sarili para makita kung ano mismo ang ginawa nilang mali, at hindi nila kilala ang kanilang sarili kahit kaunti. Karapat-dapat bang maglingkod sa Diyos ang gayong mga tao? Tingnan ninyo ang taong ginagamit ng Banal na Espiritu: Sa paggawa ng kanyang gawain, palagi niyang nilulutas ang mga aktuwal na problema. Sa bawat yugto, patuloy niyang ginagawa ang pangunahing administratibong gampanin na pagbabago sa mga posisyon ng mga lider at manggagawa. Bukod pa rito, sinusubaybayan niya araw-araw ang iba't ibang larangan ng espesyalisadong gawain, at pinangangasiwaan ang anumang problemang mayroon sa gawain ng pangkalahatang usapin ng iglesia. Patuloy niyang ginagawa ang dalawang pinakamahalagang aytem ng gawain—ang gawain ng ebanghelyo at ang gawain ng pagdidilig sa mga lider at manggagawa. Hindi niya kailanman naisip, “Tumatanda na ako. Panahon na ba para umatras na lang ako? Panahon na ba para magpahinga ako at magpakasaya sa mga huling taon ng buhay ko?” Marami pa rin siyang pagganyak ngayon, na sinasabing, “Kailangan kong kumpletuhin nang maayos ang misyon na ibinigay sa akin ng Diyos. Habang mas nauunawaan ko ang katotohanan, mas kailangan kong gawin ang gawain ng pagdidilig sa mga lider at manggagawa at pagdidilig sa mga kapatid nang detalyado at gawin ito nang maayos, binibigyang-daan ang lahat ng lider at manggagawa na gawin nang maayos ang gawain ng iglesia ayon sa mga katotohanang prinsipyo, at binibigyang-daaan ang lahat ng kapatid na mamuhay ng isang magandang buhay iglesia at ang lahat ay makapasok sa katotohanang realidad.” Kita mo, patuloy siyang nagdaragdag ng mga gampanin para sa kanyang sarili at naghahanap ng mga bagay na kanyang gagawin; palagi siyang may pasanin sa kanyang puso. Pagkatapos maging mga lider at manggagawa sa loob ng isa o dalawang taon, nagsisimulang maging kontento sa kanilang mga tagumpay ang ilang tao, na iniisip, “Ang paggawa ng gawain ng iglesia nitong mga nakaraang taon ay naging sobrang abala at nakakapagod. Panahon na para magpahinga at magpakasaya. Bukod pa rito, tumatanda na ako; kailangan kong umatras na lamang!” Binibigyan pa nga nila ito ng magandang pakinggan na pangalan na “pag-atras na lamang.” Ano ang ibig sabihin ng “pag-atras na lamang”? Nangangahulugan ito na itinuturing nila ang kanilang sarili na mga beteranong kadre, na panahon na para kunin ang kanilang mga pensiyon, panahon na para magpakasaya sa kanilang mga ginintuang taon, at na kalipikado silang maging kontento na sa kanilang mga tagumpay. Anong mga kalipikasyon ang mayroon ka? Anong aktuwal na gawain ang ginawa mo? Ang taong ginagamit ng Banal na Espiritu ay gumawa ng gawain sa loob ng napakaraming taon at hindi kailanman nagsalita tungkol sa pagiging kontento sa kanyang mga tagumpay at hindi kailanman nagsalita tungkol sa pag-atras na lamang. Sa kaunting gawain na ginawa mo, anong mga kalipikasyon ang mayroon ka para maging kontento ka sa iyong mga tagumpay? Ginagaya pa nga ng ilang tao ang mga pamamaraan ng mundo: “Dapat na akong umatras na lamang. Hayaan ang mga kabataan na gawin ang gawain mula ngayon!” Anong uri ng pananaw ito? Bakit napakakasuklam-suklam nitong pakinggan para sa Akin? Ang mga taong naglilingkod sa Diyos ay talagang nagreretiro? Kung gayon, gusto mo rin bang kumuha ng pensiyon, at gusto mo rin bang tawagin ka ng mga tao na isang “beteranong kadre”? Paanong sobra kang walang kahihiyan? Ang pagreretiro mula sa paglilingkod sa Diyos—hindi ka ba natatakot na magretiro patungo sa impiyerno? Handa ka bang magretiro patungo sa impiyerno? Paanong napakagaling mo sa pagpapaganda ng iyong imahe? Gusto mo pa ngang umatras na lamang at maging isang beteranong kadre! Sa tingin Ko ay gusto mo lang maging isang boss na palaging wala, gusto mo lang maging palamunin ng iglesia, at gusto mo lang maging kontento sa iyong mga tagumpay! Kalipikado ka bang maging kontento sa iyong mga tagumpay? Anong pananaw mayroon ang taong ginagamit ng Banal na Espiritu habang naglilingkod siya sa Diyos? Sinasabi niya, “Ibinigay sa akin ng Diyos ang misyong ito, kaya ipagkakatiwala ko ang buong buhay ko sa Diyos. Dapat akong mabuhay para kumpletuhin ang atas ng Diyos; hindi maaaring magbago ang layong ito, at hindi maaaring tumigil ang gawaing ipinagkatiwala sa akin ng Diyos. Kung tatakas ako sa kalagitnaan at tatalikuran ko ang aking misyon, ito ay pagkakanulo sa Diyos at karapat-dapat akong isumpa! Maaari lang akong tumigil sa paggawa ng gawain kung hindi na ako gagamitin ng Diyos. Hangga't ginagamit ako ng Diyos, ipinagkakatiwala ang iglesia sa akin, at ipinagkakatiwala ang gawain ng iglesia sa akin, dapat akong magpursigi hanggang sa pinakadulo at tapusin ang atas na ibinigay sa akin ng Diyos.” Hindi kailanman naisip ng taong ginagamit ng Banal na Espiritu kung kailan magreretiro; palagi lang niyang ginagawa ang gawain nang ganito. Mayroon siya ng pasaning ito. Palagi niyang nararamdaman sa kanyang puso na maraming gawaing dapat gawin, at abalang-abala siya sa lahat ng gawaing dapat gawin. Kaya inuuna niya ang mga bagay ayon sa kahalagahan at pagkaapurahan ng mga ito, tumutuon sa paggawa ng kritikal na gawain, at tumutuon sa patuloy na paggawa ng pangunahing gawain. Wala siyang pahinga kapag Linggo at walang mga araw ng pahinga; taon-taon, nananatili siyang abala nang walang pahinga. Hindi niya kailanman iniisip ang maging kontento sa kanyang mga tagumpay, ni hindi niya iniisip ang magretiro para tamasahin ang mga pakinabang ng katayuan. Sadyang hindi niya nararamdaman na ganoon kahalaga para sa kanya ang katayuan; hindi niya nararamdaman na mayroon siyang katayuan. Pakiramdam niya ay ito ang gawaing iniatas ng Diyos, at isang karangalan na gawin ang gawaing ito; pakiramdam niya, isang napakaluwalhating gawain ang paglilingkod sa Diyos. Paano dapat unawain ang paglilingkod sa Diyos? Nangangahulugan ito na binibigyan ka ng Diyos ng isang misyon, at kailangan Niya na makipagtulungan ka kapag gumagawa Siya ng isang aspekto ng gawain; kung ano ang mga hinihingi ng Diyos, kung ano ang mga layunin ng Diyos, kung ano ang mga nais ng Diyos, kung ano ang gustong isakatuparan ng Diyos at kung anong mga resulta ang nilalayon Niyang makamit, at kung ano ang kalooban ng Diyos—ipinagkakatiwala ng Diyos ang mga ito sa iyo at hinihiling sa iyo na makipagtulungan upang maisakatuparan ang Kanyang kalooban, at inaako mo ang pasaning ito at sinisimulan mong gawin ang gawaing ito. Ito ay tinatawag na paglilingkod sa Diyos. Kung titingnan ang saklaw ng gawain ng paglilingkod sa Diyos, ang paglilingkod ba sa Diyos ay kapareho ng pagkakaroon ng trabaho, pagpapatakbo ng negosyo, o pagsasagawa ng sariling proyekto sa lipunan? (Hindi.) Paano ito naiiba? (Ang pagtatrabaho sa lipunan ay para sa sariling mga interes. Ang paglilingkod sa Diyos ay para sa pangangalaga sa mga interes ng sambahayan ng Diyos at pagpapakita ng pagsasaalang-alang sa mga layunin ng Diyos.) Ang paglilingkod sa Diyos ay hindi pagkita ng suweldo para sa iyong sarili, hindi ito pagsasagawa ng sariling proyekto, at hindi ito pagpapatakbo ng sarili mong negosyo; sa halip, ito ay pakikipagtulungan sa pamamahala ng Diyos, pagtupad sa mga responsabilidad ng tao at pagtapos sa misyon ng tao, at ito ay paggawa sa mga bagay na ipinagkakatiwala sa iyo ng Diyos, paggawa sa gawain na ipinagkakatiwala sa iyo ng Diyos. Ang ginagawa mo ay dapat gawin ayon sa mga hinihingi ng Diyos, sa atas ng Diyos sa iyo, sa kalooban ng Diyos, at sa mga layunin ng Diyos. Hindi ito dapat haluan ng kalooban ng tao, nang hindi sinasabi ang mga bagay tulad ng, “Gusto kong gawin ito sa ganitong paraan, plano kong gawin ito sa ganitong paraan, kaya kong gawin ito sa ganitong paraan, handa akong gawin ito sa ganitong paraan.” Sa halip, sa lahat ng aspekto at sa lahat ng bagay, dapat kang maghanap: “Ano ang ipinagawa sa akin ng Diyos? Ano ang itinagubilin ng Diyos? Ano ang hiningi ng Diyos? Kumikilos ba ako ayon sa mga hinihingi ng Diyos? Nalulugod ba ang Diyos?” Dahil naglilingkod ka sa Diyos, dapat mong palaging hanapin kung nalulugod ba ang Diyos sa paggawa mo nito sa ganitong paraan, at dapat mong palaging suriin ang iyong sarili: “Ang paggawa ko ba nito sa ganitong paraan ay nagdudulot ng pagkagambala? May nahalo bang anumang kalooban ng tao? Ginagawa ko ba ito batay sa sarili kong kalooban? Naaayon ba sa mga layunin ng Diyos ang paggawa nito sa ganitong paraan? Tinatanggap ba ito ng Diyos? Isa ba itong mabuting gawa?” Dapat kang palaging maghanap at sumuri sa iyong sarili sa ganitong paraan; ang pagsasagawa lang sa ganitong paraan ang paglilingkod sa Diyos. Sa ganitong paraan, ang natatanggap mo mula sa Diyos ay hindi katayuan, kundi isang responsabilidad. Ang pagtupad sa iyong responsabilidad ay paggawa lang ng gawaing dapat mong gawin, pagsasabi ng mga salitang dapat mong sabihin, at pag-aalay ng bahaging dapat mong ialay, sa halip na magsagawa ng sarili mong proyekto. Ang pananaw kung paano itinuturing ng taong ginagamit ng Banal na Espiritu ang katayuan ay: “Kung dadalhin ko ang mga tao sa harap ko, at sa akin lang sila makikinig, at hindi sila makikinig sa Diyos sa kabila ng pananampalataya sa Kanya, at gagawin kong isang tau-tauhan lang ang Diyos, kung gayon ay magiging napakalaki nga ng mga kasalanan ko, at kokondenahin ako bilang isang makasalanan sa lahat ng kapanahunan. Kung ang mga panghuling resulta ng ibinabahagi ko sa mga tao at ng gawaing inaakay ko silang gawin ay na ang makalapit sila sa harap ng Diyos, malaman kung paano hanapin ang Diyos, magkaroon ng normal na ugnayan sa Diyos, at malaman na hanapin ang mga layunin ng Diyos at hanapin ang mga katotohanang prinsipyo kapag gumagawa ng mga bagay-bagay, at nalulugod ang Diyos kapag nakikita Niya ito, kung gayon, ang paglilingkod ko sa Diyos sa ganitong paraan ay nagdala sa mga tao sa harap ng Diyos, ang paglilingkod ko ay naaayon sa mga layunin ng Diyos, at isa itong tagumpay. Kung dadalhin ko ang mga tao sa harap ko, at makikinig ang lahat sa akin at babaling sa akin, ngunit hindi nila alam na bumaling sa Diyos o hanapin ang Diyos, at kapag nahaharap sila sa mga usapin, hindi nila nauunawaan ang mga layunin ng Diyos at hindi nila alam na kumilos ayon sa mga katotohanang prinsipyo, kung gayon ay nabigo ako sa aking paglilingkod sa Diyos, at naging isa akong makasalanan.” Kita mo, taglay niya ang kamalayang ito. Samakatwid, maraming beses, nakikipagbahaginan man sa mga lider at manggagawa o nakikipagbahaginan sa mga ordinaryong kapatid, sinasabi sa kanila ng taong ginagamit ng Banal na Espiritu ang mga katotohanang prinsipyo, hinihiling sa kanila na hanapin ang mga salita ng Diyos at magdasal sa Diyos sa tuwing nakakaharap sila sa mga isyu sa kanilang pang-araw-araw na buhay o sa proseso ng paggampan ng kanilang mga tungkulin, at hinihiling sa kanila, kapag nagbubunyag sila ng mga tiwaling disposisyon o lumalabag sa mga prinsipyo habang ginagampanan ang kanilang mga tungkulin, na pagnilayan at kilalanin ang kanilang sarili batay sa mga salita ng Diyos, hilingin sa Diyos na disiplinahin sila, at tanggapin ang pagkastigo at paghatol ng Diyos. Bukod pa rito, sa paggawa ng maraming aspekto ng gawain, nagpapatotoo siya sa mga salita ng Diyos at nagpapatotoo sa katotohanan. Minsan ay hinihiling niya sa iyo na makinig sa kanya, ngunit sa anong konteksto iyon? Ito ay kapag isandaang porsiyento siyang nakakatiyak na ang sinasabi niya ay ganap na naaayon sa mga layunin ng Diyos, at na hindi magiging mali kung gagawin mo ang sinasabi niya. Dahil napakaliit ng iyong tayog, hindi mo alam kung paano hanapin ang katotohanan nang mag-isa, at hindi mo alam kung ano ang mga hinihingi ng Diyos, direkta niyang sinasabi sa iyo kung ano ang gagawin; gawin mo ang sinasabi niya, at tiyak na aayon ito sa mga layunin ng Diyos. Ang hinihingi niyang ito sa iyo ay tiyak na hindi sumasalungat sa mga hinihingi ng Diyos at hindi kumokontra sa mga ito, tiyak na hindi ito pagkakanulo sa Diyos, tiyak na hindi ito kinokondena ng Diyos, tiyak na naaayon ito sa mga layunin ng Diyos, at tiyak na pinangangalagaan nito ang mga interes ng sambahayan ng Diyos. Samakatwid, ang pakikinig mo sa kanya ay tiyak na hindi mali. Ang pakikinig mo sa kanya ay hindi pagpapasakop mo sa taong ito, kundi pagpapasakop sa katotohanan at pagpapasakop sa Diyos, tama? (Oo.)
Para sa tiwaling sangkatauhan, ang katayuan ay talagang isang mas malaking tukso sa mga tao kaysa sa mga usapin sa pagitan ng kalalakihan at kababaihan, pera, o mga interes ng laman, at mas kaya nitong ihayag ang landas na tinatahak ng isang tao. Lalo na para sa isang taong naglilingkod sa Diyos, kapag wala siyang katayuan, mukhang kaya niyang hangarin ang katotohanan, at kaya niyang masigasig na igugol ang kanyang sarili; kumikilos siya nang medyo maingat, may mapagpakumbabang puso, at kaya niyang hanapin ang mga katotohanang prinsipyo. Gayunman, nakasalalay sa kung anong landas ang tinatahak ng taong ito kung makakapanindigan pa rin siya sa mga katotohanang prinsipyong ito at sa mga landas ng pagsasagawang ito kapag mayroon siyang katayuan. Kapag ang isang taong naghahangad sa katotohanan ay kalipikado o nasa posisyon na maglingkod sa Diyos, binibigyang-pansin niya kung tama ba ang landas na tinatahak niya. Kapag nagkamit ng katayuan ang isang taong hindi naghahangad sa katotohanan, nabubunyag ang tunay niyang kulay. Samakatwid, kapag walang katayuan ang ilang tao, mukha lang silang mayroong mga anticristong disposisyon, at medyo halata ang ilang aspekto ng kanilang mga tiwaling disposisyon, pero kapag mayroon silang katayuan, kaya nilang humawak ng kapangyarihan at magtakda ng bagay-bagay, at kaya nilang magtatag ng mga nakapagsasariling kaharian. Nangangahulugan ito na hindi lamang sila nagtataglay ng mga anticristong disposisyon, kundi sa halip ay mga anticristo sila. Kaya, kapag walang katayuan ang maraming tao, kaya nilang tahakin ang landas ng mga anticristo, at sa sandaling magkaroon sila ng katayuan, nagiging mga anticristo sila—sa sandaling magkaroon sila ng katayuan, nabubunyag ang tunay nilang kulay. Kapag walang katayuan ang ganitong uri ng tao, hindi niya kailanman nakikilala ang sarili niya at hindi siya nagiging bukas para magbahagi tungkol sa kanyang mga tiwaling disposisyon—ito ay isang pangunahing katangian. Ang isa pang katangian ay ang hindi pagtanggap sa katotohanan at hindi pagsasagawa ng katotohanan. Kapag may humihingi o nagpupungos sa kanya at tumutukoy ng isang problema na mayroon siya sa isang partikular na larangan, kailangan niyang tingnan kung may katayuan ba ang taong ito. Kung Ako, ang brother, o ang nakatataas na lider niya ang nagsasabi nito, sasabihin niya, “Tama ang sinabi mo, tinatanggap ko ito at nagpapasakop ako rito.” Kung isang taong walang katayuan ang tumutukoy sa parehong mga problema sa kanya, hindi niya ito tatanggapin kahit kaunti. Nakasalalay sa kung mataas o mababa ba ang katayuan ng taong pumupungos sa kanya kung tatanggapin niya ang pagpupungos. Kapag mayroon siyang katayuan, gumagawa at ginagawa niya ang mga bagay-bagay mula sa isang posisyon ng katayuan; hindi niya kailanman hinihimay ang sarili niya o kinikilala ang sarili niya, at hindi niya kailanman tinatanggap ang katotohanan o tinatanggap ang pagpupungos—kahit pa tanggapin niya ito, isa lang itong paimbabaw na pagtanggap. Pagkatapos makarinig ng mga salita ng pagpupungos, bukod sa hindi niya sinusuri o pinagninilayan ang sarili niya, sinasabi rin niya sa puso niya, “May katayuan ka, kaya tama ang lahat ng sinasabi mo. Kung wala kang katayuan, hindi kita papansinin kahit kaunti, at hinding-hindi ko isasapuso ang mga salita mo!” Bukod sa hindi niya tinatanggap ang katotohanan, umaasal din siya alinsunod sa sarili niyang kalooban; siya ay pasaway, arbitraryo, at matigas ang ulo sa mga kilos niya, at kaya pa nga niyang magtatag ng mga nakapagsasariling kaharian at magsagawa ng sariling proyekto. Iniisip niya, “Ngayong may katayuan na ako, gaano man kalaki ang saklaw ng awtoridad ko, itatatag ko ang personal kong prestihiyo at titiyakin ang personal kong katayuan sa loob ng saklaw na iyon. Wala nang ibang may karapatang makialam, at ako ang masusunod kung paano gagawin ang gawain. Dapat tumabi ang Diyos, dapat tumabi ang katotohanan; ang taong ginagamit ng Banal na Espiritu, ang mga pagsasaayos ng gawain ng sambahayan ng Diyos, at ang mga katotohanang prinsipyo ay dapat na tumabi lahat. Gagawin ko ang anumang gusto ko, at gagawin ko ito sa anumang paraan na gusto ko. Ako ang pinakamataas na prinsipyo, at ang mga salita ko ang pamantayan!” Hindi niya kailanman hinahanap kung ang pagsasabi nito at paggawa nito ay naaayonlinsunod sa mga layunin ng Diyos at naaayon sa mga katotohanang prinsipyo, o kung ito ba ang ibinahagi ng Diyos. Kapag gumagawa siya ng gawaing administratibo at pantauhan, hindi niya kailanman hinahanap ang mga pagsasaayos ng gawain, ni hindi siya kumikilos ayon sa mga pagsasaayos ng gawain; sa halip, ginagawa niya ang gawain sa paraang gusto niya, kumikilos bilang isang lokal na tirano at pinuno ng bandido, at humahawak ng kapangyarihan tulad ng isang hari at nagtatakda ng mga bagay-bagay sa iglesia. Mga anticristo ba ang mga ito? (Oo.) Naglilingkod ba sa Diyos ang gayong mga tao? (Hindi.) Pagkatapos magdusa nang kaunti at magbayad ng kaunting halaga, gusto nilang maging kontento , at palagi nilang itinataas ang sarili nila, palaging bumubuo ng maliliit at personal na grupo, at palaging bumubuo ng mga pangkat-pangkat para sa sarili nilang mga interes—ang mga ito ay mga anticristo. Kung tatahakin ninyo ang landas na ito sa paglilingkod ninyo sa Diyos, kung gayon ay ganap na kayong tapos, at nakatadhana kayong itiwalag. Ang katayuan, sa mga salita ng mga walang pananampalataya, ay isang tabak na may dalawang talim. Maaari mo itong ituring bilang isang responsabilidad, at siyempre, maaari mo rin itong ituring bilang isang paraan at midyum para isakatuparan ang mga pagnanais at ambisyon mo; maaari itong maging isang shortcut para sa iyo na maglingkod sa Diyos at magtamo ng kaligtasan, at maaari din itong humantong sa pagkasawi mo. Nakadepende ito sa kung anong landas ang tinatahak mo, at nakadepende ito sa kung paano mo tinatrato ang katayuang ito.
Pagkatapos makamit ng taong ginagamit ng Banal na Espiritu ang katayuang ito, ang mga prinsipyong sinunod niya sa pangangasiwa sa bawat usapin at bawat tao—nangangasiwa man sa mga nakatataas na lider at manggagawa, nangangasiwa sa superbisor ng anumang grupo, o nangangasiwa sa mga ordinaryong mananampalataya na nagdudulot ng mga pagkagambala at kaguluhan—ay pawang mga hinanap at isinaalang-alang niya mula sa maraming anggulo. Lalo na noong una siyang magsimulang gumawa ng gawain ng iglesia, partikular siyang naging maingat at mapagbantay kapag nangangasiwa sa mga lider at manggagawa o mga ordinaryong mananampalataya. Sa pinakamababa, sinunod niya ang isang prinsipyo: “Kapag nangangasiwa ako sa isang tao, hindi ito ayon sa sarili kong kalooban, ni hindi dahil pinasama nila ang loob ko kaya ko sila pinangangasiwaan. Maaaring ang taong ito ay walang personal na hinanakit laban sa akin, medyo mabuti ang pagtrato niya sa akin, medyo malapit ang ugnayan sa akin, at labis pa nga akong hinahangaan. Pero kung nagdulot sila ng mga pagkagambala at kaguluhan sa gawain ng sambahayan ng Diyos at hindi sila angkop na linangin, kung gayon, batay sa prinsipyo ng pangangalaga sa gawain ng sambahayan ng Diyos, dapat ko silang pangasiwaan kapag dapat silang pangasiwaan.” Sa simula pa lang, nangangasiwa man ang taong ginagamit ng Banal na Espiritu sa mga huwad na lider at mga anticristo, o nangangasiwa sa mga huwad na mananampalataya, mga hindi mananampalataya, at masasamang tao, sa katunayan ay masyado siyang naging maluwag sa kanila. Bakit masyado siyang naging maluwag? Ito ay dahil sa simula pa lang, nang makisalamuha ang taong ginagamit ng Banal na Espiritu sa mga tao at naharap sa gawain ng iglesia, hindi pa niya nakita nang buong linaw ang mga layunin ng Diyos, ang kalikasang diwa ng iba't ibang uri ng mga tao at ang mga prinsipyo para sa pangangasiwa sa kanila, o kung anong uri ng epekto ang idudulot ng mga kilos at pag-uugali ng iba't ibang uri ng mga tao sa gawain ng iglesia at buhay iglesia, at wala siyang karanasan sa pangangasiwa sa mga usaping ito. Samakatwid, palagi siyang nagpapakita ng pagiging maluwag sa mga tao at nagbibigay sa kanila ng mga pagkakataon hangga't maaari, nagsusumikap na huwag gawan ng mali ang sinumang taos-pusong nananampalataya sa Diyos. Sa panlabas, ang ilang tao ay tila mga taos-pusong mananampalataya sa Diyos at tinalikuran nila ang mga bagay-bagay at ginugol ang kanilang sarili, pero minsan ay gumagawa rin sila ng mga bagay na nagdudulot ng mga pagkagambala at kaguluhan, at binibigyan pa rin niya sila ng mga pagkakataon na magsisi. Ito ay dahil ang mga tao ay pawang mga tiwaling tao, walang sinuman sa kanila ang nakakaunawa sa katotohanan, ni hindi nila nauunawaan ang mga layunin ng Diyos, at lahat sila ay namumuhay ayon sa kanilang mga tiwaling disposisyon. Samakatwid, sa simula, noong ang taong ginagamit ng Banal na Espiritu ay wala pang gaanong pagkaarok sa mga prinsipyo tungkol sa gawaing administratibo, gawaing pantauhan, gawain ng pangkalahatang usapin, at iba pang aytem ng gawain ng iglesia, hinarap niya ang iba't ibang aytem ng gawain ng iglesia nang may pag-iingat at pagpaparaya, at tinrato niya ang iba't ibang uri ng mga tao sa iglesia sa ganitong paraan din. Sa unang yugto ng panahon, sa mga lider sa mga iglesia sa lahat ng dako, may ilang taong umookupa ng katayuan na may masamang pagkatao o hindi makagawa ng aktuwal na gawain. Tanging pagkatapos unti-unting maipamalas at maipahayag ang iba't ibang aspekto ng katotohanan—ang paglalantad ng Diyos sa mga tiwaling disposisyon at kalikasang diwa ng mga tao, ang mga paglalarawan ng Diyos sa iba't ibang uri ng mga tao, at iba pa— nakaipon ng maraming karanasan sa gawain ang taong ginagamit ng Banal na Espiritu, nagiging lalong tumpak sa pagtingin sa mga tao at pagtingin sa mga bagay-bagay, at tumpak na nakikita ang diwa ng iba't ibang uri ng mga tao. Dagdag pa rito, habang parami nang paraming katotohanan ang ipinapahayag ng Diyos, parami nang paraming katotohanan din ang nauunawaan niya. Nang pagsamahin ang dalawang aspektong ito, ang kanyang paggampan sa gawaing administratibo, gawaing pantauhan, gawain ng pangkalahatang usapin, at iba pang aytem ng gawain ng iglesia, ay naging lalong tumpak, lalong naging katugma ng mga prinsipyo, lalong naaayon sa mga layunin ng Diyos, at lalong nangalaga sa gawain ng sambahayan ng Diyos. Sa ganitong paraan, unti-unti siyang lumipat mula sa panimulang yugto ng pagpapakita ng pagpaparaya sa karamihan ng mga tao, pagiging mapagpasensiya sa kanila, at pagbibigay sa kanila ng mga pagkakataon, tungo sa yugto ng pag-aalis din mula sa iglesia—pag-aalis sa iba't ibang uri ng masasamang tao, mga anticristo, at mga hindi mananampalataya, at pag-aalis sa iba't ibang uri ng mga tao na nagdudulot ng mga pagkagambala at kaguluhan; at pagkatapos ay lumipat siya sa yugto ng pag-uuri din sa mga tauhan na gumagampan ng mga tungkulin sa iglesia at pagbubukod-bukod sa kanila sa mga iglesia, patuloy na inaalis mula sa mga iglesiang may tungkuling full-time ang iba't ibang uri ng mga tao na hindi nakakatugon sa mga pamantayan sa paggawa ng kanilang mga tungkulin nang full-time. Palaging ginagawa ng taong ginagamit ng Banal na Espiritu ang gawaing ito. Habang nangunguna ang Diyos sa daan, at habang unti-unting nagpapahayag ang Diyos ng iba't ibang katotohanan, unti-unti rin niyang nauunawaan ang mas maraming katotohanan, unti-unting naaarok ang mga prinsipyo ng pagsasagawa ng iba't ibang aspekto ng gawain ng iglesia, at pahusay nang pahusay na nagagawa ang gawain. Wala anumang sobrenatural dito kahit kaunti, hindi ba? (Oo.)
Batay sa saloobin sa iba't ibang aytem ng gawain at sa mga prinsipyong pinaninindigan ng taong ginagamit ng Banal na Espiritu—gaya ng ipinapakita kapag ginagawa niya ang kanyang gawain—makikita na ang taong ito ay labis na nagbibigay-pansin sa landas na kanyang tinatahak sa proseso ng paglilingkod sa Diyos. Hindi niya binibigyan ng importansiya ang katayuan at katanyagan, ni hindi niya binibigyan ng importansiya ang kanyang prestihiyo sa mga tao at ang kanyang personal na reputasyon; sa halip, binibigyang-pansin niya kung anong landas ang kanyang tinatahak sa paglalakbay na ito ng paglilingkod sa Diyos. Tinatrato niya ang usaping ito nang may labis na pag-iingat, maingat na binabantayan ang kanyang sarili laban sa pagtahak sa landas ng isang anticristo, laban sa pagsasagawa ng sarili niyang proyekto, laban sa pagbubuo ng mga grupo at paksiyon, o laban sa pagtatatag ng isang nakapagsasariling kaharian. Ang bawat aytem ng gawaing ginagawa niya ay nangangalaga sa mga interes ng sambahayan ng Diyos, nangangalaga sa gawain ng Diyos, at nangangalaga sa pagpapalaganap at pag-usad ng ebanghelyo ng kaharian sa pinakamalaking antas. Sa proseso ng paglilingkod sa Diyos, hindi siya kumikilos nang walang plano at gumagawa ng gawain sa alinmang paraan na gusto niya; sa halip, sa kaibuturan ng kanyang puso, isinasaalang-alang niya ang mga bagay-bagay at mayroon siyang sariling mga kaisipan at pananaw. Ang isang napakakritikal na punto na palagi niyang isinasaalang-alang—na isa ring napakahalagang punto para sa inyo—ay na isinasaalang-alang niya sa lahat ng oras kung, “Tama ba ang landas na aking tinatahak? Sa aking sinasabi at ginagawa, sumusunod ba ako sa kalooban ng Diyos? Pinangangalagaan ko ba ang gawain ng sambahayan ng Diyos? Tinatrato ko ba nang makatarungan ang lahat? Tinatrato ko ba ang mga tao ayon sa mga prinsipyo? Para sa mga nakagawa ng mga pagsalangsang, nabigyan ko ba sila ng pagkakataong magsisi? Natulungan at nasuportahan ko ba sila? Kung tiyak na ang ganitong uri ng tao ay isang anticristo, at upang mapangalagaan ang aking personal na seguridad, hindi ko pinasasama ang loob niya at hindi ko siya inaalis, magdudulot ba ito ng pinsala sa iglesia? Kung gayon ay mabibigo ba ang aking paglilingkod sa harap ng Diyos? Hindi ba ito sasang-ayunan ng Diyos? Kokondenahin ba ito ng Diyos?” Anuman ang aytem ng gawaing ginagawa niya, isinasaalang-alang muna niya ang gawain ng iglesia, at isinasaalang-alang ang mga interes ng sambahayan ng Diyos, at isinasaalang-alang din niya kung ang ginagawa niya ay naaayon sa mga layunin ng Diyos. Ang isinasaalang-alang niya ay hindi ang sarili niyang katayuan, reputasyon, halaga, prestihiyo, o ang lawak ng kanyang kapangyarihan; sa halip, isinasaalang-alang niya kung tama ba ang landas na tinatahak niya sa paggawa ng bawat isang bagay, at kung ang mga prinsipyo at pamantayang sinusunod niya ay katugma ng katotohanan. Halimbawa, sabihin nating ang superbisor o lider ng grupo ng isang aytem ng espesyalisadong gawain ay may kakayahang pasanin ang gawaing ito, pero hindi masyadong hinahangad ng taong ito ang katotohanan, mahina ang kanyang buhay pagpasok, madalas siyang kumikilos batay sa mga tiwaling disposisyon, at mayroon siyang maraming kakulangan at kapintasan—pero bukod sa kanya, wala nang iba pang mas angkop na pumasan sa gawaing ito. Ano ang ginagawa ng brother kapag kinakaharap niya ang ganitong uri ng problema? Kailangan niyang maging mapagparaya at mapagpasensiya, at madalas din na suportahan at tulungan ang taong ito, at bigyan ito ng aktuwal na gabay. Sa isang banda, ang paggawa niya nito ay pagtupad sa kanyang responsabilidad at paggawa sa kung ano ang dapat niyang gawin; sa isa pang banda, mula sa isang mas malawak na perspektiba, isa rin itong aytem ng gawain na dapat niyang gawin at isang responsabilidad na dapat niyang tuparin sa paglilingkod sa Diyos. Sa partikular, ito rin ay upang pangalagaan ang pag-usad at pag-iral ng aytem ng gawaing ito; ibig sabihin, pinangangalagaan nito ang pasulong na pag-unlad at pag-iral ng aytem ng gawaing ito sa sambahayan ng Diyos mula sa isang napakapartikular at napakaliit na aspekto. Samakatwid, sa kanyang pagtrato sa gayong lider ng grupo o superbisor, dapat siyang makipagbahaginan at tumulong nang higit pa sa taong ito. Kung hindi pa rin itomagbabalik-loob, kailangan niyang magsagawa ng pagpupungos at paglalantad, na minsan ay nangangailangan ng pagsasabi ng ilang mahigpit na salita, at minsan ay nangangailangan ng pagsasabi ng ilang salita na tumatagos sa puso at pumupukaw. Anuman ang pamamaraang ginamit, ang panghuli niyang layon ay para umiral ang aytem ng gawaing ito sa halip na maglaho. Anuman ang gawin niya, sinusubukan ng brother ang bawat posibleng paraan para pangalagaan ang mga interes ng sambahayan ng Diyos at pangalagaan ang gawain ng sambahayan ng Diyos, sa halip na sirain ito, magdulot ng mga pagkagambala, o itatag ang kanyang sarili. Ang ilang taong walang espirituwal na pang-unawa ay hindi nakakaunawa sa mga prinsipyo, ni hindi nila alam kung paano maglingkod sa Diyos sa paraang nangangalaga sa gawain ng sambahayan ng Diyos. Kapag nakikita nilang pinupungusan ng brother ang isang tao, ipinapalagay nilang tiyak na hindi gusto ng brother ang taong iyon, at gusto ng brother na tanggalin ang taong iyon. Kaya sumusunod lang sila sa agos; sinuman ang pungusan ng brother, pinupungusan din nila, at mas matindi pa nga silang magpungos. Iniisip nila, “Gagawa ako ng mas matinding hakbang—tatanggalin kita! Hindi ko isasaalang-alang ang epekto sa gawaing ito. Kapag galit ako, mawawalan ako ng pasensiya, hahampasin ko ang mesa, tatanggalin kita, ipapadala kita sa isang grupong B, at sususpindihin kita sa paggampan ng tungkulin mo! Bubuwagin ko ang grupo mo, at titiyakin kong wala na ang grupo mo!” Ano ang tingin ninyo sa pamamaraang ito? Ito ba ay maagap at matatag na pagkilos? Alam ba nila kung paano gumawa ng gawain? (Hindi.) Iniisip nila na sa paggawa nito, napangalagaan nila ang katanyagan ng brother, iniisip na, “Brother, galit na galit ka, pero masyasdo kang nahihiya na tanggalin siya. Masyasdo kang nahihiya na mapasama ang loob ng mga tao, kaya tatanggalin ko siya para sa iyo.” Hindi nila alam kung anong mga prinsipyo ang sinusunod ng brother sa likod ng kanyang pagpaparaya at pagpapasensiya at ng kanyang pagpupungos. Sa katunayan, ang pagpupungos ay ang pamamaraan, at ang panghuling layon ay para bigyang-kakayahan ang mga tao na mas magampanan nang maayos ang kanilang mga tungkulin at maayos na mapangalagaan ang pagpapatuloy at pag-iral ng aytem ng gawaing ito sa sambahayan ng Diyos. Iniisip nila na masyadong nahihiya ang brother na tanggalin ang lider ng grupong iyon, kaya direkta na lang nilang sinusupil ito, binubuwag ang grupo, at pinipigilan ang mga tao sa paggampan ng kanilang mga tungkulin. Kung sisirain nila ang gawain ng iglesia, masaya sila at pakiramdam pa nga nila ay lalo silang matuwid. Sabihin ninyo sa Akin, naaayon ba sa mga layunin ng Diyos ang ginagawa nila? (Hindi ito naaayon sa mga layunin ng Diyos.) Isantabi muna natin kung may mga personal na intensiyon at motibo ang taong nag-aasikaso sa problema; kung talagang papayagang maglingkod sa Diyos ang gayong tao, hindi ba't wala siyang gagawin kundi magdulot ng mga pagkagambala at kaguluhan? Makakapaglingkod ba sa Diyos ang gayong tao? (Hindi.) Nakakaunawa ka lang ng ilang doktrina pero hindi mo alam ang mga prinsipyo; kapag nahaharap sa mga isyu, hindi mo alam kung paano lutasin ang mga ito, at hindi mo alam kung paano pangalagaan ang mga interes ng sambahayan ng Diyos. Gusto mong gawin nang maayos ang gawain ng iglesia pero hindi mo alam kung paano ito gagawin. Ano ang problema rito? Sinasabi mo nang malakas, “Gusto ko talagang pangalagaan ang mga interes ng sambahayan ng Diyos. Takot na takot akong makapagdulot ng mga pagkagambala at kaguluhan sa gawain ng iglesia, at takot na takot akong makagulo sa gawain ng iglesia. Natatakot din akong mapalungkot ang Diyos; ayaw kong mag-alala ang Diyos, at gusto kong bigyan ang Diyos ng kasiya-siyang sagot.” Pero sa realidad, ang mga kilos at pag-uugali mo ay nagdudulot ng mga pagkagambala at kaguluhan, at sumisira sa mga bagay-bagay. Sabihin ninyo sa Akin, ano ang problema rito? Sa ganang Akin, hindi Ko palulubhain ang mga bagay-bagay sa inyo; hindi Ko sasabihin kung ano ang pagkatao ninyo, ni hindi Ko sasabihin kung nagbubulalas ba kayo ng personal na galit. Sa alinmang aspekto nakasalalay ang problema ninyo, sa pangkalahatan, masyadong maliit ang tayog ninyo. Paano dapat partikular na ipaliwanag ang pagiging masyadong maliit ng tayog ninyo? Nangangahulugan ito na talagang hindi ninyo nauunawaan ang mga katotohanang prinsipyo; kung walang aakay sa inyo, maaaring walang pakundangang gagawa kayong lahat ng mga maling gawa, at guguluhin pa nga nang tuluyan ang gawain ng iglesia, iiwan itong hindi na makilala. Masisindak ang mga tao sa iglesia, at ang lahat ng aspekto ng gawain walang magiging resulta—halos mapaparalisa ito. Hindi ninyo nauunawaan ang mga prinsipyo, masyadong maliit ang tayog ninyo, masyadong kaunting katotohanang prinsipyo ang nauunawaan ninyo, hindi ninyo nauunawaan ang mga layunin ng Diyos, at hindi ninyo alam kung ano ang mga hinihingi ng Diyos—hindi ito pag-unawa sa katotohanan. Huwag ninyong isipin na ang paggampan ng inyong tungkulin sa sambahayan ng Diyos sa loob ng walo o sampung taon ay nagbibigay sa inyo ng kapital, na puwede kayong kaswal na magpasya tungkol sa mga usapin sa iglesia, at na puwede kayong maglingkod sa Diyos. Malayo pa kayo rito. Masyadong maliit ang tayog ninyo; nakakaunawa lang kayo ng ilang doktrina pero hindi pa kayo umaabot sa antas ng pagkaunawa sa katotohanan, kaya ang inyong pananalita at mga kilos ay hindi umaabot sa mga katotohanang prinsipyo. Ibig sabihin, hindi ninyo alam kung paano asikasuhin ang iba't ibang problemang lumilitaw sa iglesia ayon sa mga katotohanang prinsipyo. Higit pa rito, hindi ninyo kayang lutasin ang mga problema sa pamamagitan ng pagbabahagi tungkol sa katotohanan. Ang mga doktrinang kaya ninyong ipangaral ay walang anumang silbi. Dahil dito, ang mga salitang sinasabi ninyo at ang mga bagay na ginagawa ninyo ay hindi naaayon sa mga layunin ng Diyos. Gaano man katagal na ninyong ginagampanan ang inyong tungkulin, hindi pa rin ninyo lubusang nasusunod ang kalooban ng Diyos. Samakatwid, masyadong maliit ang tayog ninyo, at hindi pa kayo umaabot sa antas ng pagkaunawa sa katotohanan. Isa itong pagpapamalas ng maliit ninyong tayog. Mayroon kayong mga adhikain, mayroon kayong mga nais, at mayroon kayong determinasyon na gampanan nang maayos ang inyong tungkulin, at ang ilan sa inyo ay madalas pa ngang manumpa, pero isang hindi maikakailang katunayan na masyado pa ring maliit ang tayog ninyo, at walang anumang bagay tungkol sa inyo na karapat-dapat purihin. Ang kaunting salita at doktrinang nauunawaan ninyo ay likas na hindi sapat para akuin ang gawain ng paglilingkod sa Diyos, hindi sapat para pasanin ang mabigat na responsabilidad ng paglilingkod sa Diyos. Mayroon ka mang sinseridad sa paggugol ng iyong sarili para sa Diyos, kahit pa mabuti ang mga intensiyon mo at maganda ang hangarin mo, maaari ka pa ring makapagdulot ng mga pagkagambala, makapagdulot ng mga kaguluhan, at makasira sa mga bagay-bagay. Ipinapakita nito na masyadong kulang ang tayog ninyo, at marami pa kayong katotohanang dapat na isangkap sa inyong sarili. Nauunawaan ba ninyo? Batay sa kasalukuyan ninyong tayog, kahit pa bigyan kayo ng katayuan, hindi ninyo magagawa ang gawain. Nakipagbahaginan Ako sa inyo sa mga araw na ito tungkol sa mga kilos at pagsasagawa ng taong ginagamit ng Banal na Espiritu sa paglilingkod sa Diyos, sa kanyang mga personal na pagpapamalas at sa mga prinsipyong sinusunod niya, sa kanyang mga kaisipan, sa kanyang mga pananaw, at sa kanyang motibo sa paggawa ng bawat isang bagay—ito ay pagtuturo sa inyo kung paano maglingkod sa Diyos at kung paano tahakin ang tamang landas. Huwag mong isipin na sa sandaling maging isa kang lider o manggagawa, mayroon ka nang katayuan at mayroon kang limbo sa itaas ng iyong ulo. Sa katunayan, walang limbo; ang katayuang iyon ay isa lamang responsabilidad. Tingnan ninyo ang taong ginagamit ng Banal na Espiritu: Kailan ba siya nasiyahan na sambahin, purihin, itaas, dakilain, at bolahin ng mga tao? Hindi siya nasisiyahan sa mga bagay na ito. Kapag nakikita niya kayong gumagawa ng mga kahangalan, nababalisa siya at nababagabag at kinakausap niya Ako tungkol sa mga usaping ito, at labis din Akong nababagabag kapag naririnig Ko ang tungkol sa mga ito. Bakit Ako nababagabag? Napakaraming taon na kayong nakikinig sa mga sermon, subalit napakaliit pa rin ng inyong tayog. Kung mapagtatanto ninyo na maliit ang inyong tayog, malalaman kung ano lang ang katumbas ninyo, hindi na hahangarin ang katayuan, at hindi na mararamdamang magaling kayo, kung gayon ay maituturing iyon na pagkakaroon ng kaunting kamalayan sa sarili. Gayunman, karamihan sa mga tao ay wala pang kamalayan sa sarili. Sa napakaliit na tayog, hindi ninyo kayang gawin ang anumang gawain, hindi ninyo kayang pasanin ang anumang gampanin, at hindi ninyo kayang tapusin ang anumang gawain nang mag-isa. Bukod pa rito, palagi kayong gumagawa ng mga kahangalan at mga kakatwang bagay, at nagdudulot kayo ng mga pagkagambala at kaguluhan, subalit nananatili kayong walang kamalayan tungkol dito at napakaganda pa rin ng inyong pakiramdam tungkol sa sarili ninyo. Sabihin ninyo sa Akin, paanong hindi Ako mababalisa at mababagabag? Sinusubukan Kong humanap ng mga paraan para maituon ang inyong pansin sa katotohanan, sa halip na pagtuunan ninyo ang gayong mga walang silbing bagay tulad ng katayuan, hungkag na kasikatan, at pagtrato; ang pagtuon sa mga bagay na iyon ay walang kabuluhan. Pinagmamasdan Ko kayo kapag kinakanta ninyo ang himnong “Nais ng Diyos na Hangarin ng Sangkatauhan ang Katotohanan at Mabuhay” upang makita kung sino ang kumakanta nito nang taos-puso, kung sino ang kumakanta nito sa paraang nakakaantig ng mga tao, at kung sinong mga tao ang hindi marunong kumanta o ayaw kumanta sa himnong ito. Tama bang magmasid Ako nang ganito? Minamanmanan Ko ba kayo nang patalikod? Sa katunayan, hindi ito pagmamanman sa inyo; ito ay pagkakaroon ng pasanin para sa inyo, pagkakaroon ng mga inaasam para sa inyo, at pagkakaroon ng mga ekspektasyon para sa inyo. Umaasa Akong makarinig ng napakakaunti tungkol sa paggawa ninyo ng mga kahangalan at mga kakatwang bagay sa mga darating na araw; umaasa Ako na mas mabilis na lalago ang inyong buhay, na magagawa ninyong danasin ang iba't ibang usapin at danasin ang iba't ibang kapaligiran, at matututunang kilatisin ang iba't ibang tao, pangyayari, at bagay, at na anuman ang aspekto ng tungkuling ginagawa ninyo, magsusumikap kayo para sa katotohanan at magagawa ninyong kumilos ayon sa mga prinsipyo. Ano ang ibig sabihin ng magsumikap para sa katotohanan? Nangangahulugan ito ng paghahanap sa katotohanan sa lahat ng bagay, pagsasagawa nang mahigpit na alinsunod sa mga katotohanang prinsipyo, at pagiging may kakayahang agarang hanapin ang katotohanan para lutasin ang anumang problemang natutuklasan ninyo—ito ay may-kamalayang paghahangad sa katotohanan at pagkilos ayon sa mga prinsipyo. Sa lahat ng bagay na kinakaharap ninyo, dapat ninyong pagnilayan ang inyong sarili, tinatanong ang inyong sarili kung paano magsasagawa alinsunod sa katotohanan, at kung mayroon pa kayong anumang problema na kailangang lutasin, at dapat ninyong madalas na mapagtanto kung ano ang wala sa inyo, kung ano ang kailangan ninyong isangkap sa inyong sarili, at kung paano ninyo dapat punan ang wala sa inyo. Dagdag pa rito, dapat ninyong malaman kung aling mga katotohanang prinsipyo ang naunawaan na ninyo sa tungkuling ginagawa ninyo, at kung aling mga katotohanang prinsipyo ang hindi pa rin ninyo nauunawaan, kailangang hanapin, at nangangailangan ng kaliwanagan at gabay ng Diyos. Lalo na sa proseso ng paglilingkod sa Diyos, dapat ninyong mapagtanto kung anong mga prinsipyo ang dapat ninyong pagtuunan sa paglilingkod sa Diyos, at magawang kumilos ayon sa mga prinsipyo. Dapat din kayong magbigay-pansin kung tama ba ang landas na tinatahak ninyo, at kung ito ba ang landas ng paghahangad sa katotohanan para magtamo ng kaligtasan.
Ang paggawa ng gawain ng iglesia ay hindi tulad ng pagtatrabaho sa mundong walang pananampalataya. Ang Siyang pinaglilingkuran mo ay ang Diyos. Isa itong seryosong usapin; hindi ito isang laro. Ang pagtrato rito bilang isang laro ay katumbas ng pagtrato sa sarili mong hantungan bilang isang biro. Kung hindi mo pa rin alam kung anong landas ang tinatahak mo, dapat kang tumuon sa pagsusuri sa iyong sarili. Kung alam mo na na ang landas na tinatahak mo ay hindi ang landas ng paghahangad sa katotohanan, kundi ang landas ng mga Pariseo, ang landas ng mga huwad na lider, ang landas ng mga anticristo, kung gayon, ano ang dapat mong gawin? Hindi ba't isa rin itong direksiyon na dapat hanapin? (Oo.) Kung hindi ka sigurado kung tama ba ang landas na tinatahak mo, tingnan mo kung ano ang pinagbahaginan natin ngayon tungkol sa taong ginagamit ng Banal na Espiritu sa kanyang paglilingkod sa Diyos: kung paano siya umaasal, kung ano ang isinasagawa niya, kung ano ang binibigyan niya ng importansiya, at kung anong mga kaisipan at pananaw ang pinanghahawakan niya, gayundin ang mga larangan na hinaharap niya nang may partikular na pag-iingat at partikular na kasigasigan at pagkaseryoso. Magsimula sa mga aspektong ito, magsikap sa mga aspektong ito, at mag-ingat sa iyong mga hakbang. Huwag mong isipin na dahil mayroon kang katayuan at naglilingkod ka sa Diyos, maaari ka nang tumayo sa isang mataas na posisyon at mag-utos, at mangaral ng mga salita at doktrina at sumigaw ng mga islogan nang hindi nakakaramdam ng kahihiyan. Ito ay isang iresponsableng saloobin sa sarili mong hantungan, sa gawain ng Diyos, at sa misyong ibinigay ng Diyos sa iyo. Kung mayroon kang gayong saloobin, nasa malaking panganib ka; magiging madali para sa iyo na matisod, madali para sa iyo na mahulog, madali para sa iyo na maligaw, madali para sa iyo na tumahak sa landas ng mga anticristo, at madali para sa iyo na kumilos nang salungat sa mga hinihingi ng Diyos. Para maiwasan ang kahihinatnang ito, ano ang dapat mong gawin? Sa pinakamababa, dapat mong suriin kung anong mga pagsalangsang ang nagawa mo o kung anong mga paglihis ang tinahak mo sa proseso ng paglilingkod sa Diyos. Dapat kang matuto ng mga aral at kumuha ng karanasan, nagsusumikap na tiyakin na ang landas na tinatahak mo sa proseso ng paglilingkod sa Diyos sa hinaharap ay hindi ang landas ng mga Pariseo, at hindi ang landas ng mga anticristo, kundi ang landas ng paghahangad sa katotohanan. Nauunawaan ba ninyo kapag nakikipagbahaginan Ako nang ganito? (Nauunawaan namin.) Kung gayon ay tapusin na natin dito ang ating pagbabahaginan para sa araw na ito. Paalam!
Marso 1, 2025