Paano Hangarin ang Katotohanan (30)
Noong nakaraan, nagbahaginan tayo tungkol sa isyu ng pagkakaroon ng mga tao ng mga kuru-kuro at imahinasyon tungkol sa Diyos na nagkatawang-tao, na nakapaloob sa “pagbitiw sa mga hadlang sa pagitan ng sarili at ng Diyos, at sa pagkamapanlaban ng isang tao sa Diyos,” isa sa mga paraan ng pagsasagawa ng “pagbitiw” na matatagpuan sa loob ng paksa ng “Paano Hangarin ang Katotohanan,” tama? (Oo.) Nagbahaginan tayo tungkol sa kung paano dapat tratuhin ng mga tao ang Diyos na nagkatawang-tao. Kaya, anong mga katotohanan na may kinalaman sa pagkakatawang-tao ng Diyos ang pinagbahaginan natin noong nakaraan? (Noong nakaraan ay nagbahaginan tayo tungkol sa hindi pagsasalita ng Diyos nang malabo, na bahagi ng hindi pang-aakit ng Diyos sa mga tao, gayundin ang saloobin ng Diyos sa katayuan.) Nagbahaginan tayo tungkol sa paksa ng hindi pagpapantay sa Diyos na nagkatawang-tao sa tiwaling sangkatauhan, na kinapapalooban ng hindi pang-aakit ng Diyos sa mga tao, at nagbahaginan din tayo tungkol sa kung paano tinatrato ng Diyos na nagkatawang-tao ang katayuan. Ano ang pinagbahaginan natin tungkol sa paksang ito? Sabihin ninyo sa Akin kung ano ang inyong nalaman. (Noon, pakiramdam ko ay ang pagkakakilanlan ng Diyos ay iyong sa Lumikha at napakataas ng Kanyang katayuan. Sa pamamagitan ng pagbabahaginan ng Diyos, nakita ko na hindi kailanman itinuturing ng Diyos ang Kanyang sarili bilang may mataas na katayuan, ni hindi Siya kailanman nasisiyahan sa katayuang ito. Hindi rin dahil sa katayuang ito kaya nagbabayad ng halaga ang Diyos para iligtas ang sangkatauhan; sa halip, sa paggawa nito ay tinutupad Niya ang Kanyang responsabilidad sa sangkatauhan. Bukod pa rito, noon, inisip ko na kung may mataas na katayuan ang isang tao, mayroon siyang kapangyarihan. Napagtanto ko lamang sa pamamagitan ng pagbabahaginan ng Diyos na ang katayuan ay kumakatawan lang talaga sa isang titulo, at ang pagiging isang lider o isang manggagawa ng isang tao sa sambahayan ng Diyos ay katumbas ng pagbibigay ng Diyos sa taong iyon ng isang atas at isang responsabilidad. Ang mga ito ang mga pagkaunawang nakamit ko pagkatapos makinig sa pagbabahaginan ng Diyos.) Anuman ang ibahagi Ko, sa isang banda, ito ay upang malaman ng mga tao nang mas malinaw at tumpak kung ano ang mga pananaw at prinsipyo ng Diyos tungkol sa lahat ng uri ng bagay, at kung anong mga tunay na pagpapamalas at paghahayag mayroon ang disposisyong diwa ng Diyos—ito ang kailangang malaman ng mga tao. Sa kabilang banda, ang pagbabahaginan tungkol sa nilalamang ito ay nagbibigay sa mga tao ng ilang tamang pananaw para sa pagtrato sa lahat ng uri ng bagay, na nagbibigay-daan upang maunawaan nila ang mga prinsipyo para sa pagtrato at pangangasiwa sa mga ito. Gamitin nating halimbawa ang paraan ng pagtrato ng Diyos sa katayuan. Sa isang banda, ang pagbabahaginan tungkol dito ay tumutulong sa iyo na maunawaan kung ano ang mga kaisipan at pananaw ng Diyos sa katayuan, at kung ano ang Kanyang mga prinsipyo para sa pangangasiwa sa katayuan, kapag nagkatawang-tao Siya at pumarito sa lupa para maging isang miyembro ng sangkatauhan—ibig sabihin, kapag namumuhay Siya sa loob ng normal na pagkatao. Ito ay isang bagay na kailangang maunawaan ng mga tao. Sa kabilang banda, ang pagbabahaginan tungkol sa kung paano tinatrato ng Diyos ang katayuan ay hindi lang para maunawaan ng mga tao ang mga katotohanang ito na dapat nilang malaman; ang mas mahalaga, ito ay para magkaroon ang mga tao ng mga tamang kaisipan at pananaw at mga prinsipyo ng pagsasagawa para sa pagharap at pangangasiwa sa isyung ito, pagkatapos nilang maunawaan ang katotohanan. Sa madaling salita, anuman ang uri ng isyu na pagbahaginan natin, sa isang banda, ito ay para ipaalam sa iyo ang mga tamang pananaw para sa pagtrato sa ganitong uri ng isyu, at sa kabilang banda, ito ay para ipaalam sa iyo ang mga prinsipyo ng pagsasagawa at ang landas ng pagsasagawa para sa pangangasiwa sa ganitong uri ng isyu.
Bagama’t ang Diyos na nagkatawang-tao ay may pagkakakilanlan ng Diyos at mayroon ding katayuan sa gitna ng hinirang na mga tao ng Diyos, ang katayuang ito ay ganap na naiiba sa katayuang sinasabi ng mga tiwaling tao. Para sa Diyos, sa isang banda, ang katayuang ito ay isa lamang pormulasyong may kinalaman sa katotohanan; sa kabilang banda, pagdating sa buhay at diwa ng Diyos na nagkatawang-tao, ang katayuang ito ay hindi isang uri ng posisyon, kundi tinutukoy batay sa buhay diwa na taglay ng Diyos na nagkatawang-tao. Kung gayon, sa diwa, ang katayuang sinasabi ng mga tiwaling tao ay talagang naiiba sa katayuang ito ng Diyos na nagkatawang-tao. Ano ang katayuan sa gitna ng tiwaling sangkatauhan? (Isang simbolo ng kapangyarihan.) Sa gitna ng tiwaling sangkatauhan, ang katayuan ay walang kinalaman sa pagkakakilanlan at diwa ng isang tao; isa lamang itong titulo. Halimbawa, sa gitna ng tiwaling sangkatauhan, ang ilang tao ay mga CEO, tagapamahala, o may isang partikular na katayuan sa lipunan. Isa lamang itong titulo o isang paghahati ng uri at ranggo sa gitna ng mga tao; wala itong kinalaman sa tunay na pagkakakilanlan at diwa ng isang tao. Samakatwid, ang tinatawag na “katayuan” ng Diyos na nagkatawang-tao sa gitna ng mga tao ay hindi katulad ng katayuan ng mga pinuno sa lipunan ng tao; hindi Siya isang pinuno, ni hindi Siya isang taong may mga pansariling interes. Sa gitna ng mga tao, ang katayuan ng Diyos ay tinutukoy lamang batay sa Kanyang diwa at pagkakakilanlan, at ang pagkakakilanlan at diwa ng Diyos ay tinutukoy lamang dahil sa buhay ng Diyos, at sa awtoridad, kapangyarihan, at disposisyon ng Diyos. Ang katayuan ng Diyos ay hindi isang uri ng titulo sa gitna ng mga tao. Samakatwid, hindi maaaring ipantay ng mga tao ang Diyos na nagkatawang-tao sa mga taong may katayuan sa iba’t ibang uri sa lipunan. Ang mga taong may katayuan sa iba’t ibang uri sa lipunan, anuman ang uring kinabibilangan nila, ay kolektibong tinutukoy bilang naghaharing uri. Ang diwa ng naghaharing uri ay, sa isang banda, mayroon silang gawain na tumutugma sa kanilang katayuan; sa kabilang banda, anuman ang panahon o ang panlipunang kapaligiran, ang naghaharing uring ito ay pangunahing binubuo ng mga lider, mga namumukod-tangi, iyong mga may pansariling interes, at iba pa, sa gitna ng mga tao. Lalo na itong totoo mahigit isang daang taon na ang nakalipas—ang malaking mayorya ng naghaharing uri na may katayuan at prestihiyo sa lipunan ay iyong mga may pansariling interes. Kaya, ano ang ibig sabihin ng “iyong mga may pansariling interes”? Tumutukoy ito sa mga tao na ginagamit ang kanilang kapangyarihan at katayuan para maghanap ng mga pakinabang para sa kanilang sarili. Sa anong mga paraan sila naghahanap ng mga pakinabang? Sa pamamagitan ng kanilang pampulitikang impluwensiya at kapangyarihan, pinamumunuan nila ang kanilang mga nasasakupan; sa ilalim ng kanilang pamumuno at pamamahala, nagbibigay ng tributo sa kanila ang mga nasasakupang ito, o sa mas partikular, nagbabayad ng mga buwis. Gayumpaman, mayroong pagkakaiba sa diwa sa pagitan ng katayuan ng Diyos na nagkatawang-tao at ng katayuan ng naghaharing uri. Anuman ang uri ng mga pinuno o mga indibidwal na may kapangyarihan at katayuan ang kinabibilangan nila sa lipunan o sa gitna ng mga grupo ng mga tao, ang katayuan ng naghaharing uri ay isa lamang posisyon at isang titulo. Pinamamahalaan lamang nila ang mga taong pinamumunuan nila, o iyong mga nasa saklaw ng kanilang pamamahala at pangangasiwa sa isang simpleng paraan—sa pangkalahatan, ito ay tinatawag na pamumuno, at sa mas makitid na kahulugan, ito ay tinatawag na pamamahala at pangangasiwa. Sa pamamagitan ng pamumuno, pamamahala, at pangangasiwa, nakukuha nila ang kapangyarihan at iba’t ibang pakinabang na idinudulot sa kanila ng kanilang katayuan. Bagama’t taglay ng Diyos na nagkatawang-tao ang pagkakakilanlan at diwa ng Diyos, at mayroon Siyang katayuan ng Diyos, ang gawaing ginagawa Niya, ang diwa ng Kanyang gawain, at ang diwa ng Kanyang katayuan mismo ay naiiba sa mga taglay ng iba’t ibang naghaharing uri sa lipunan at sa gitna ng sangkatauhan. Ang gawaing ginagawa ng Diyos na nagkatawang-tao sa mga tao ay hindi ang pamunuan o pangasiwaan sila, kundi sa halip ay akayin, tustusan, gabayan, suportahan, tulungan, pungusan, hatulan, at kastiguhin sila. Ang layon ng Diyos sa paggawa ng lahat ng gawaing ito ay para bigyang-kakayahan ang mga tao na iwaksi ang kanilang mga tiwaling disposisyon at makawala sila mula sa mga ito. Sa lahat ng gawaing ginagawa Niya sa mga tao, ang pinakapangunahing kalikasan nito ay ang pagtutustos sa kanila ng katotohanan at buhay, upang madala sila sa harap ng Diyos. Ito ang gawaing ginagawa Niya. Dala-dala Niya ang gawain at mga salita na gustong isagawa at bigkasin ng Diyos sa lupa, at isinasagawa ang gawaing iyon sa mga tao at binibigkas ang mga salitang iyon sa mga tao, upang makapakinig at makaunawa sila, at magkaroon ng landas ng pagsasagawa, at sa huli ay maiwaksi ang kanilang mga tiwaling disposisyon, magpasakop sa Diyos, at maging mga tao na tunay na sumasamba sa Diyos. Sa prosesong ito, ang nakakamit ng mga tiwaling tao mula sa Diyos na nagkatawang-tao ay pangunahin na ang pagtutustos ng katotohanan, ang pagtutustos ng buhay, at ang pagtutustos ng daan. Sa huli, nagagawa nilang tunay na magpasakop sa Diyos, maging mga tunay na nilikha—mga nilikha na pasok sa pamantayan—at mapalugod ang Diyos, makamit ang pagkilala at pagtanggap ng Diyos, at maging mga tao na sumasamba sa Diyos. Ang mga ito ang mga bagay na nakakamit ng mga tao mula sa Diyos na nagkatawang-tao. Bagama’t mayroon ang Diyos na nagkatawang-tao ng katayuang ito at nagawa na Niya ang gawaing ito, hindi Niya tinatamasa ang mga tributo ng sangkatauhan. Bagama’t may katayuan ang Diyos na nagkatawang-tao, hindi Niya tinatamasa ang mga pakinabang ng katayuan na tinatamasa ng sinumang miyembro ng naghaharing uri, ni hindi Niya tinatamasa ang iba’t ibang uri ng mapagbigay na pagtrato na ibinibigay sa Kanya ng Kanyang katayuan. Kaya, bagama’t mayroon ang Diyos na nagkatawang-tao ng katayuan ng Diyos na nagkatawang-tao, hindi Siya isang taong may mga pansariling interes, ni hindi Siya bahagi ng uring mapagsamantala. Sa paggawa ng Kanyang gawain—tulad lang ng pag-akay ng Diyos sa langit, ng Espiritu ng Diyos, sa buong sangkatauhan—tinutustusan, ginagabayan, sinusuportahan, at tinutulungan ng Diyos na nagkatawang-tao ang sangkatauhan, at hindi Siya kailanman humihingi ng anumang materyal o di-materyal na bagay mula sa sangkatauhan. Samakatwid, kapag pumaparito ang Diyos na nagkatawang-tao sa gitna ng mga tao para gumawa, kahit na taglay nga Niya ang katayuan na nakikita ng mga tao sa pamamagitan ng kanilang mga mata o ang katayuan na hawak Niya ayon sa kanilang mga kaisipan at kuru-kuro, hindi Siya nagtatamasa ng mga tributo mula sa mga tao. Ang gawaing ginagawa Niya at ang Kanyang pagtutustos sa sangkatauhan ay walang bayad; hindi Siya humihingi ng anumang bayad, buwis, o kabayaran mula sa sangkatauhan. Hanggang ngayon, nabigyan ba ninyo Siya ng kahit isang sentimo? (Hindi.) Nagbayad na ba kayo kailanman para makinig sa mga sermon? (Hindi.) Ang ating mga lugar ng pagtitipon ay hindi nangangailangan ng mga access card, hindi ninyo kailangang bumili ng mga tiket para makadalo sa mga pagtitipon, at hindi ninyo kailangang magbayad ng kahit isang sentimo. Bukod pa rito, ang mga aklat na binabasa ninyo, ang mga video na pinapanood ninyo, at ang mga recording ng sermon na pinapakinggan ninyo ay pawang walang bayad. Hindi pa kayo kailanman siningil ng kahit isang sentimo. Hindi ba? (Oo.) Walang sinuman ang siningil ng kahit isang sentimo; ang lahat ay walang bayad. Nagtatanong ang ilang tao, “Kailangan bang maging isang itinakdang porsyento ng kita ng isang tao ang mga personal na handog?” Hindi ganoon iyon; ang mga handog ay pawang ibinibigay nang kusa. Ang ikapu ay ang dapat lang na ihandog ng mga mananampalataya, pero maghandog man ang isang tao ng ikasampu o ikalimang bahagi ng kanyang kita, ito ay ganap na boluntaryo. Bukod pa rito, maraming tao na nananampalataya sa Diyos ang hindi pa kailanman naghandog ng dapat nilang ihandog, ngunit dumadalo pa rin sila sa mga pagtitipon at nakakabasa pa rin sila ng mga salita ng Diyos at nakakakinig sa mga sermon nang ganoon din. Wala ni isang tao ang inalisan ng kanyang karapatang makinig sa mga sermon, ng kanyang karapatang dumalo sa mga pagtitipon, o ng kanyang karapatang gumampan ng kanyang tungkulin dahil lang sa hindi siya kailanman nagbigay ng mga handog—hindi ito nangyari sa sinuman, tama? (Oo.)
Mula sa Kapanahunan ng Kautusan hanggang sa kasalukuyang Kapanahunan ng Kaharian, palagiang tinutustusan ng Diyos ang sangkatauhan. Mula noong magsimulang magsalita ang Espiritu ng Diyos sa sangkatauhan hanggang sa unang pagkakatawang-tao ng Diyos, at pagkatapos ay sa ikalawang pagkakatawang-tao ng Diyos, nakapagbigkas na ang Diyos ng di-mabilang na mga salita, at nakagawa na rin Siya ng higit sa kayang bilangin na gawain sa sangkatauhan. Nakapagbigkas na Siya ng napakaraming salita, at nakapagtustos na Siya nang napakalaki para sa sangkatauhan—hindi na ito masusukat. At humingi ba kailanman ang Diyos ng kahit isang sentimo mula sa mga tao? Hindi Niya kailanman ginawa iyon. Hindi nga Siya kailanman humingi ng kahit isang sako ng pagkaing butil mula sa mga tao; tinutustusan lang Niya ang mga tao nang ganito nang walang-mintis at walang bayad. Maging ito man ay ang Diyos na nagkatawang-tao o ang Diyos Mismo, bagama’t taglay Niya ang pinakamataas na katayuan, tinutustusan pa rin Niya ang sangkatauhan nang walang bayad. Bukod pa rito, nakikisalamuha ang Diyos na nagkatawang-tao sa mga tao bilang kapantay nila, tinutustusan ang mga tao nang puso sa puso at nang harapan, at ang paraan ng pag-akay Niya sa kanila ay mas personal pa nga. Umaakay ang Diyos sa bawat hakbang, at personal na umaakay sa bawat aytem ng gawain. Bukod pa rito, hindi gumagamit ang Diyos ng isang kahalili kapag ginagawa ang Kanyang gawain; ang Diyos Mismo ang personal na gumagawa nito. Sa pananalita ng tao, tatawagin itong paglapit sa mga karapat-dapat nang may magalang na pagpapakumbaba, o pagkilos sa gitna ng mga tao nang hindi nagpapakilala. Personal na pumaparito ang Diyos sa gitna ng mga tao para magsalita at gumawa, namumuhay sa gitna ng mga tao at nakikipagharapan sa kanila. Naririnig ng mga tao ang tinig ng Diyos gamit ang sarili nilang mga tainga, nakikita ang gawaing ginagawa ng Diyos gamit ang sarili nilang mga mata, at personal na nararanasan para sa kanilang sarili ang gawaing ginagawa ng Diyos. Bagama’t pakiramdam ng mga tao ay may katayuan ang Diyos at mayroong distansya sa pagitan ng kanilang sarili at ng Diyos, para sa Diyos, walang gayong distansya na nakikita o nararamdaman ng mga tao. Hindi itinuturing ng Diyos ang Kanyang sarili bilang may pagkakakilanlan ng Diyos, minamaliit ang sangkatauhan mula sa itaas, kundi sa halip ay nagsasalita at gumagawa Siya sa sa mga tao bilang kapantay nila. Hindi ba’t ganito ang naging paraan ng Aking pagsasalita at pakikipagbahaginan sa inyo sa mga pagtitipon sa paglipas ng mga taon? Hindi Ako mapagmataas, at hindi Ko kailanman naramdaman na mayroon Akong dakilang kapangyarihan at mataas na katayuan; wala Akong gayong pakiramdam, at hindi rin Ako gumawa sa ganitong paraan. Bagama’t ang mga tiwaling tao ay puno ng katiwalian, puno ng pagkamapanlaban sa Diyos, at mga kaaway ng Diyos, sa paggawa para iligtas ang mga tao, ang Diyos ay puno ng pasensiya, pagpaparaya, habag, at mapagmahal na kabaitan sa mga tao. Kapag gumagawa at nagsasalita Siya sa mga tao, puno Siya ng pagmamahal—masasabi pa nga na ginagawa Niya ito nang may masidhing kataimtiman. Anuman ang kailangan ng mga tao, walang-pag-iimbot na ibinibigay ito ng Diyos sa kanila. Hindi Siya nagsasalita sa mga tao sa pamamagitan ng mga bugtong, ni hindi Niya sila binibitin, kundi sinasabi Niya ang anumang nasa Kanyang isipan. Ibinibigay Niya ang mga katotohanan na dapat ninyong maunawaan nang hindi nag-iiwan ng kahit isang pangungusap. Hangga’t ito ay isang bagay na maaari ninyong maarok, hindi Siya nagpipigil kahit kaunti. Hinahayaan Niya kayong makamit ang mga katotohanang ito, at ginagawa Niya ang mga ito sa paraang malinaw ang mga ito sa inyo at nauunawaan ninyo ang mga ito. Lalo na pagdating sa mga usapin na hindi ninyo nauunawaan at nakakalito para sa inyo, mas lalo pa Niyang inuulit-ulit ang mga ito nang may masidhing kataimtiman, at paulit-ulit na binibigyang-diin ang mga ito, hanggang sa maunawaan ninyo. Kaya, ang gawaing ginagawa ng Diyos na nagkatawang-tao at ang gawaing ginagawa ng Espiritu ng Diyos ay palaging pareho. Bagama’t ang tiwaling sangkatauhan ang inililigtas Niya, hindi kailanman hinamak ng Diyos ang sangkatauhan. Bagama’t ang tao at ang Diyos, sa diwa at sa buhay, ay magkahiwalay at ganap na magkaiba, pagdating sa saloobin ng Diyos sa tao, hindi kailanman tinrato ng Diyos ang tao bilang Kanyang kaaway, bilang tunay na tiwaling sangkatauhan, o bilang isang puntirya na dapat itaboy. Sa kabaligtaran, tinatrato ng Diyos ang tao bilang tatanggap ng Kanyang gawain at kaligtasan. Bukod dito, ang isang mas mahalagang punto ay, pagdating sa saloobin at lagay ng kalooban ng Diyos kapag nagsasalita sa tao, gayundin sa Kanyang mga inaasahan sa tao, tinatrato ng Diyos ang tao bilang kapamilya. Kaya, paano man tingnan ng tao mismo ang katayuan ng Diyos, hindi kailanman umako ang Diyos ng isang posisyon ng superyoridad para tingnan ang sangkatauhan sa pamamagitan ng lente ng mataas na katayuan, kundi sa halip ay itinuring ang Kanyang sarili bilang kapantay ng tao, at maaari pa nga Siyang magkaroon ng mahahaba at taos-pusong pakikipag-usap sa tao; walang distansya sa pagitan Niya at ng tao, at walang mga pagkakaiba sa katayuan. Kung titingnan ang saloobin ng Diyos sa sangkatauhan at ang lahat ng gawaing ginawa ng Diyos, dahil mismo taglay ng Diyos na nagkatawang-tao ang diwa ng Diyos at ang buhay ng Diyos kaya, bagama’t sa panlabas ay tila isa Siyang ordinaryong tao, kaya pa rin Niyang tratuhin ang sangkatauhan nang may mentalidad na naiiba sa mentalidad ng sinumang miyembro ng naghaharing uri. Tanging ang Diyos na nagkatawang-tao ang makakagawa nito; walang sinumang tao ang makakagawa nito, lalo na ang sinuman mula sa naghaharing uri. Anumang mga salita ang sinabi ng Diyos sa tao o anumang gawain ang ginawa Niya sa tao, bukod sa hindi paghingi ng anumang mga pakinabang mula sa tao, ang mas mahalaga pa ay ipinagkaloob ng Diyos sa tao ang mas marami sa mga katotohanang dapat niyang maunawaan, ang mga landas na dapat niyang isagawa, at ang direksyon para sa pag-usad na dapat niyang maunawaan. Kasabay nito, ipinagkaloob din ng Diyos sa tao ang mga bagay na kailangan niya para sa kanyang pang-araw-araw na buhay pagdating sa mga pangunahing pangangailangan. Ang Diyos ay hindi lang ang pinagmumulan ng buhay ng tao, kundi ang pinagmumulan din ng kanyang kabuhayan. Hindi ba’t ganoon iyon? (Oo.) Palaging iniisip ng ilang tao, “Sinunod ko ang Makapangyarihang Diyos sa lahat ng taon na ito, at isinuko ko ang aking personal na kinabukasan, ang aking pag-aaral, at ang aking pag-aasawa para gampanan ang aking tungkulin, ngunit hanggang ngayon ay wala pa akong nakakamit na anuman.” Pagkatapos ay nakakaramdam sila ng panghihinayang at nagrereklamo sila. Lalo na itong totoo para sa ilang tao na pinaalis na, at sa mga inaresto at ibinilanggo—naniniwala silang wala silang nakamit na anuman mula sa pananampalataya sa Diyos sa lahat ng taon na ito. Sabihin ninyo sa Akin, tama ba ang pananaw na ito? (Hindi.) Sa anong paraan ito mali? Hindi nila alam kung ano ba talaga ang dapat nilang makamit mula sa pananampalataya sa Diyos. Iniisip nilang dapat nilang makamit ang mga bagay na nakikita at nahahawakan nila, tulad ng pera, kasikatan at pakinabang, at katayuan, at kung hindi nila nakamit ang mga bagay na ito, wala silang nakamit na anuman. Ang totoo, nagkakaloob ang Diyos sa tao ng napakaraming katotohanan; dahil hindi hinangad o tinanggap ng mga taong iyon ang katotohanan kaya wala silang nakamit na anuman. Kung, sa proseso ng paggampan ng kanilang tungkulin sa lahat ng taon na ito, nagawa nilang hangarin ang katotohanan, tanggapin ang katotohanan, at magpasakop sa mga kapaligirang inihanda ng Diyos para sa kanila, tiyak na mauunawaan nila ang ilang katotohanan at makakamit nila ang ilang pagkakilala sa Diyos. Bagama’t maaaring hindi nila nakamit ang mga materyal na bagay, makakamit sana nila ang mga bagay na may mas malaking halaga, ang pinakamahahalagang bagay sa mundo ng tao—mga bagay na hindi maipagpapalit sa anumang halaga ng pera o mga materyal na pakinabang.
Kapag ginagawa Niya ang Kanyang gawain sa gitna ng mga tao, bagama’t may katayuan ang Diyos na nagkatawang-tao sa paningin ng mga tao, hindi Niya tinatamasa ang mga pakinabang ng katayuan, mga tributo mula sa mga tao, o ang kapangyarihan o anumang anyo ng mapagbigay na pagtrato na idudulot sa Kanya ng Kanyang katayuan, tulad ng gagawin ng mga taong may katayuan sa gitna ng sangkatauhan. Hindi rin Siya kumikilos nang mapagmataas, nag-uutos, o nagtatamasa ng katayuang ito mula sa isang posisyon ng superyoridad, tulad ng gagawin ng mga taong may katayuan sa gitna ng sangkatauhan. Ito ay ang eksaktong kabaligtaran: Hindi lang sa hindi Siya umaako ng isang posisyon ng superyoridad, kundi tinatrato rin Niya ang mga tao bilang kapantay, namumuhay sa gitna nila para tustusan ang kanilang mga pangangailangan. Bukod sa pagtutustos sa mga pangangailangan ng mga tao pagdating sa buhay pagpasok, tinutustusan din Niya ang ilang karagdagang pangangailangan sa kanilang pang-araw-araw na buhay. Nakikibahagi rin ang Diyos na nagkatawang-tao sa pang-araw-araw na buhay at gawain ng mga tao kapag angkop ito o kapag kinakailangan ito, tinutulungan kayong mamuhay nang normal at nang may regularidad, at pinapatnubayan at tinutulungan kayong gampanan nang maayos ang inyong mga tungkulin. Kaya, sa alinmang anggulo mo ito tingnan, bagama’t taglay ng Diyos na nagkatawang-tao ang isang espesyal na katayuan, ang paraan ng pagtrato Niya sa katayuan ay hindi katulad ng paraan ng sinumang tao na may katayuan. Bagama’t taglay Niya ang katayuang ito, sa gawaing ginagawa Niya, sa Kanyang pang-araw-araw na buhay, at sa Kanyang mga prinsipyo ng pagtrato sa mga tao, tinutupad lang Niya ang Kanyang responsabilidad. Para sa Diyos na nagkatawang-tao Mismo, ginagampanan Niya ang Kanyang ministeryo, at para sa sangkatauhan, tinutupad Niya ang Kanyang responsabilidad. Tinutupad Niya ang responsabilidad ng Diyos na nagkatawang-tao sa sangkatauhan batay sa pagtataglay ng katayuan ng Diyos na nagkatawang-tao. Sa isang banda, ang Kanyang responsabilidad sa sangkatauhan ay ang magtustos ng katotohanan na pinakakailangan ng mga tao pagdating sa kanilang buhay; sa kabilang banda, ito ay ang punan ang mga pagkukulang nila pagdating sa kanilang normal na pagkatao, ang gabayan ang mga tao upang makapamuhay sila ayon sa mga prinsipyo na dapat taglayin ng mga may normal na pagkatao. Ito ang responsabilidad na dapat Kong tuparin. Ngunit kapag naririnig Ako ng ilang tao na sinasabi ang mga bagay na ito, iniisip nila sa kanilang puso, “Lahat kami ay mga nasa hustong gulang na, at nauunawaan namin ang lahat ng bagay na ito na lumilitaw sa aming pang-araw-araw na buhay. Kailangan ba talaga namin ang Iyong gabay?” Bagama’t kayong lahat ay mga nasa hustong gulang na, nagpapakita kayo ng napakaraming pagkukulang sa inyong pang-araw-araw na buhay, at lubha kayong nagkukulang sa mga pamantayan ng normal na pagkatao. Kahit hindi na pag-usapan ang iba pang bagay, sapat nang mahirap para sa inyo na kumain sa isang masustansya at angkop na paraan sa inyong pang-araw-araw na buhay. Minsan, kapag nagkataong nakita Ko na mayroon kayong problema sa bagay na ito, nag-aalok Ako ng kaunting gabay at nagbibigay ng ilang payo para isaalang-alang ninyo. Bukod pa rito, pagdating sa kung paano ninyo pinangangasiwaan ang mga usaping may kinalaman sa buhay ng tao, kung nakikita o naririnig Ko na mayroon kayong mga problema sa bagay na ito—o nakakasalamuha Ko ang mga problemang ninyong iyon—magbibigay rin Ako sa inyo ng ilang payo, tutulungan Ko kayong suriin ang mga bagay-bagay, itatama ang inyong mga maling pananaw at pagsasagawa, bibigyan kayo ng ilang prinsipyo, at sasabihin sa inyo kung paano umasal at kung paano pangasiwaan ang mga usaping ito. Bagama’t may ilang espesyal na usapin na hindi Ko pa naranasan o napangasiwaan, kapag nakakaharap Ako ng gayong mga bagay, kaya Kong maarok ang mga prinsipyo. Alam Ko kung ano ang gagawin; tutulungan Ko kayong suriin ang mga bagay-bagay, at bibigyan Ko kayo ng ilang paalala at payo, upang makakilos din kayo ayon sa mga prinsipyo at pamantayan ng normal na pagkatao sa iba’t ibang usaping lumilitaw sa buhay. Huwag ninyong salungatin ang inyong konsensiya, at huwag ninyong lampasan ang hangganan ng moralidad. Dapat kayong maging makatwiran sa inyong ginagawa; huwag kayong umasal nang pasaway tulad ng mga walang pananampalataya, kundi sa halip ay sumunod sa mga panuntunan, pinangangasiwaan ang mga usapin batay sa pinakapangunahing prinsipyo ng hindi pagsalungat sa inyong konsensiya o paglampas sa hangganan ng moralidad. Kapag nakikita Ko ang mga bagay na ito, bibigyan Ko rin kayo ng mga payo at tutulungan kayong suriin ang mga bagay-bagay, isinasaayos ang mga pangunahing pangangailangan ng inyong pang-araw-araw na buhay. Kapaki-pakinabang ito para pagkontrol ninyo ng inyong pag-uugali at ng konsensiya at katwiran ng inyong normal na pagkatao. Maaaring sabihin ng ilang tao, “Hindi mataas ang pinag-aralan Mo, hindi Ka nakibahagi sa maraming usapin sa mundong nasa labas, at hindi Mo nauunawaan ang mga panuntunan ng laro sa lipunan. Ano ang nagbibigay sa Iyo ng karapatang isaayos kami?” Sinasabi Ko na Ako ay talagang kalipikadong isaayos ka. Bagama’t hindi Ako nakikibahagi sa mga bagay na iyon sa labas, pagdating sa landas na tinatahak ng isang tao, sa paghahangad ng isang tao, at sa mga usaping may kinalaman sa mga katotohanang prinsipyo, matutulungan Ko kayo sa mga bagay na ito. Alam Ko ang mga prinsipyo, at alam Ko kung saan dapat ang hangganan ng sariling asal ng isang tao. Malinaw Kong alam sa Aking puso kung nalampasan mo ang hangganang ito o nilabag mo ang mga prinsipyo. Alam Ko, pero hindi mo alam. Bakit hindi mo ito alam? Dahil namumuhay ka sa loob ng iyong mga tiwaling disposisyon at malalim kang naiimpluwensiyahan ng iba’t ibang masamang kalakaran ng mundo. Bukod pa rito, karamihan sa mga tao ay walang tamang konsensiya at katwiran, kaya palagi silang mahilig manamantala, palaging sinusubukang maging tuso at gumamit ng mga oportunistikong shortcut, at magsamantala ng mga butas. Naglalaro pa nga sila sa hangganan ng batas para manamantala, palaging iniisip kung paano gumawa ng ilang kasuklam-suklam at maruming bagay. Kapag nakikita Kong gusto mong gumawa ng gayong mga bagay, bibigyan Kita ng ilang payo, gagawa Ako ng ilang pagsusuri para sa iyo, at paaalalahanan kitang umiwas sa pagkilos nang ganoon. Kung hindi kita paaalalahanan o kung hindi Ko isasagawa ang pagsusuri para sa iyo, palagi mong mararamdaman na nasa katwiran ang ginagawa mo. Saan nagmumula ang iyong pagbibigay-katwiran? Mula sa iyong paniniwala na “Ginagawa itong lahat ng mga walang pananampalataya, kaya bakit hindi natin puwedeng gawin? Bakit kailangan nating malugi?” Hindi iyon tinatawag na pagkalugi; iyon ay tinatawag na pagsunod sa mga panuntunan. Ang pagsunod sa hangganan ng konsensiya kapag umaasal ay ang dapat gawin ng isang tao; hindi ito pagdurusa ng kawalan. Ito ang Aking prinsipyo. Palagi kang natatakot na malugi, at hindi lang iyon, kundi maagap mo ring sinusubukang manlamang manamantala sa mga butas. Nangangailangan ito ng pagsasaayos, at nangangailangan ito ng pagwawasto. Kaya, kapag nakikita Ko ang isang tao na nagpapakita ng mga palatandaan ng pangangasiwa sa mga bagay sa ganitong paraan, mabilis Ko siyang pinapaalalahanan na huwag gawin iyon; ang pagkilos nang ganoon ay kasuklam-suklam. Nakakaramdam ka ng pagmamalaki at kasiyahan sa iyong puso kapag nakakakuha ka ng maliit na pakinabang na iyon, pero ano ang ipinagkakanulo mo sa paggawa nito? Ito ay ang iyong konsensiya at ang iyong integridad, na nagbibigay sa iyo ng isang “masamang marka” mula sa Diyos. Alam mo ba kung gaano karaming mabubuting gawa ang maaaring mapawalang-bisa ng isang masamang markang ito? Hindi mo alam, at hindi mo ito nararamdaman. Dahil hindi mo alam at wala kang kamalayan dito, dapat kitang paalalahanan. Sa mga kritikal na sandali at sa mga kritikal na usapin, dapat Akong gumawa ng hakbang at dapat Kong sabihin sa iyo na huwag kumilos nang ganoon, na dapat kang sumunod sa mga panuntunan at huwag manamantala. Sa mga usaping ito, hindi Ko ginagamit ang Aking katayuan para limitahan ka, kundi sa halip ay nakikipagbahaginan Ako sa iyo tungkol sa mga prinsipyo, tinutulungan kang isaayos ang iyong pag-uugali, idinudulot na magkaroon ng kamalayan ang iyong konsensiya, idinudulot na magkaroon ka ng pamantayan ng konsensiya at pagkamakatwiran, at tinutulutan kang makita kung ano dapat ang tamang layon at direksyon ng isang tao sa buhay. Pagkatapos, kapag naisip mong kumilos muli nang ganoon, hindi mo ito maipagkakasundo sa iyong konsensiya; mamumula ang iyong mukha, at mahihiya ka kapag maiisip mong gumawa uli ng ganoon. Sa ganitong paraan, nakakamit ang Aking layunin sa pagsasabi nito sa iyo, at mayroon itong nilalayong epekto. Ito ang tinatawag na pagsasaayos.
Sa pangkalahatan ay hindi Ako nakikialam sa maliliit na usapin na walang kinalaman sa gawain ng iglesia, pero para sa ilang usapin na may kinalaman sa pisikal at mental na kapakanan ng hinirang na mga tao ng Diyos, paminsan-minsan ay nagsasabi Ako ng ilang salita at nagbibigay ng kaunting payo. Kaya, sa anong pagkakakilanlan, at sa anong uri ng katayuan, Ako nakikialam sa mga usaping ito? Bilang isang magulang ba? Bilang pinuno ng isang angkan? Bilang isang pastol? Bilang isang lider? O bilang iyong amo? Sa tingin Ko ay hindi alinman sa mga ito. Kung gayon, anong papel ang ginagampanan Ko sa gayong mga usapin? Una sa lahat, walang pagkakaiba sa katayuan; nagsasalita at kumikilos Ako dahil sa pananagutan. Anuman ang mangyari sa iyo, hangga't napapansin at nababatid Ko ito, aakayin kita sa tamang landas, binibigyang-kakayahan kang kumilos ayon sa iyong konsensiya at batay sa pinakapangunahin at pundamental na hangganang ito, na mag-aayos sa iyong pag-uugali at magtatama sa iyong mga intensiyon, at binibigyang-kakayahan kang bumuo ng isang tamang pananaw sa buhay, at mapangasiwaan ang ganitong uri ng bagay at matingnan ang ganitong uri ng isyu mula sa tamang paninindigan at perspektiba. Tutulungan kitang suriin ang mga bagay-bagay. Kahit na sinusuri Ko ang mga bagay-bagay para sa iyo at pakiramdam mo ay nakaranas ng dagok ang iyong pagpapahalaga sa sarili at pride, hindi kita kinukunsinti o pinagbibigyan; tinutulungan kita dahil sa pananagutan Ko sa iyo, bilang kapantay mo. Ano ang palagay ninyo sa pamamaraang ito? (Mabuti ito.) Hindi Ako naglilitanya ng matatayog na ideya sa iyo, at hindi Ako sumisigaw ng mga islogan—sinasabi Ko lang sa iyo kung paano gawin ang isang partikular na bagay at kung paano ito gawin nang maayos, ipinapaliwanag nang malinaw sa iyo ang mga pakinabang at pinsala. Mula sa iyong perspektiba, ang mga salitang sinasabi Ko ay simple at ordinaryo. Mga payak na salita lang ang mga ito, hindi naglalaman ng anumang malalim na kaalaman, mga pilosopiya, o mga teorya. Pero pagkatapos pakinggan ang mga ito, nagkakaroon ka ng landas at nalalaman mo kung paano kumilos. Bagama't ang Diyos na nagkatawang-tao ay may natatanging katayuan sa paningin ng mga tao, at bagama't isa itong napakataas na katayuan, ang saklaw ng Kanyang ginagawa ay hindi nalilimitahan ng mataas na katayuang ito. Sa kabaligtaran, inaasikaso Niya ang lahat ng bagay, gaano man ito kalaki o kaliit. Anuman ang uri ng mga problema o paghihirap na mayroon ka, basta’t napapansin Ko ang mga ito, kakausapin kita tungkol sa mga ito, at hindi Ako aastang nakatataas sa iyo; kung handa kang makinig, makinig ka, at kung hindi ka handang makinig, hindi kita pipilitin. Kung isa itong kritikal na usapin, isang usaping may kinalaman sa gawain ng iglesia at sa mga katotohanang prinsipyo, sasabihin Ko sa iyo kung paano isagawa ito, at susubaybayan Ko ito pagkatapos; kung isa itong usapin sa iyong personal na buhay, makikipag-usap Ako nang masinsinan sa iyo, at ibabahagi ang Aking taos-pusong mga pananaw nang hindi naglilitanya ng matatayog na ideya—kung handa kang makinig, maaari mo itong tanggapin, at kung hindi ka handang makinig, hindi kita pagsasabihan o lilimitahan. Kung kaya mo itong tanggapin, makikita Kong isa kang maayos na tao na kayang tumanggap ng tama at wastong mga salita, at pagkatapos ay magiging handa Akong makipag-usap sa iyo nang higit pa; kung makikita Kong hindi ka tumatanggap ng mga tamang salita at hindi ka makikinig sa sinasabi Ko, hindi na Ako makikipag-usap sa iyo sa hinaharap, o mas kakaunti na ang sasabihin Ko sa iyo. Mayroon Akong sariling mga pagpili at sariling mga prinsipyo sa pakikisalamuha sa mga tao. Sa tingin ba ninyo ay nagsasalita at kumikilos Ako na parang isang taong may katayuan? (Hindi.) Halimbawa, sa mga nakaraang pagtitipon, mayroon mang tatlumpu hanggang limampung tao o walumpu hanggang isang daan, hindi Ako kailanman gumamit ng mikropono; direkta lang Akong nagsalita at naririnig Ako ng mga tao. Ngayon, sa ilang lugar, kahit na may dalawampu o tatlumpung tao lang sa isang pagtitipon, gumagamit pa rin ng mikropono ang ilang tagapagsalita—kinakailangan ba iyon? Nakakapagpatibay ba sa iba sa anumang paraan ang mga salitang sinasabi mo? Gayunman ay kailangan mong gumamit ng mikropono para magsalita—hindi ba't pagmamayabang iyon? Paggaya iyon sa mga makamundong opisyal. Alam mo, madalas din Akong nakikipagkuwentuhan at nakikipagbahaginan sa mga kapatid; minsan, nakaupo lang kami sa bakuran at nag-uusap, na may humigit-kumulang dalawampung taong naroroon. May ingay sa paligid, pero malinaw Akong naririnig ng lahat nang hindi Ako gumagamit ng mikropono. Anuman ang kailangang pagbahaginan ay malinaw na napagbabahaginan, at walang naaantala. Kinakailangan pa bang gumamit ng mikropono? Ano ang silbi ng paggawa ng gayong mga pormalidad? Isa iyang makamundong kaugalian; gustong-gusto ng lahat na magpakitang-gilas at magmayabang, at mahilig sila sa pagpapasikat at pagiging magarbo. Kung kaya ng mga ordinaryong tao na kumilos nang ganito, kung gayon, kung magkakaroon ng kaunting katayuan ang isang tao, iisipin niyang napakahusay niya, hindi ba? Ang layon Ko sa pagsasabi sa inyo ng mga bagay na ito ay para ipaalam sa inyo ang isang katunayan: Bagama't ang Diyos na nagkatawang-tao ay may katayuan sa paningin ng tao, ang mga damdamin Ko tungkol sa katayuang ito ay iba sa inyo. Pakiramdam Ko lang ay isa Akong ordinaryong tao, at ang pakikipagkuwentuhan sa inyo at pagbabahagi ng katotohanan ay pagtupad sa Aking responsabilidad. Kaya ano ang hinihingi Ko sa inyo? Iyon ay ang magawa ninyong tanggapin ang mga positibong bagay, tanggapin ang katotohanan, at gawin ang mga bagay-bagay ayon sa mga katotohanang prinsipyo; hindi Ko hinihingi sa inyo na gumawa ng anumang labis. Una, hindi Ko hinihingi sa inyo na magpatirapa kayo sa pagsamba; pangalawa, hindi Ko hinihingi sa inyo na batiin Ako sa isang mapaglangis na paraan kapag nagkikita tayo—ang pagkilos nang normal at natural ay sapat na. Kailangan bang palaging magbatian ang magkakapamilya kapag nagkikita sila? Kung hindi sila madalas na nagkikita, normal lang na magbatian kapag nagkakasalubong sila; ito ay pagiging magalang, at isa itong bagay na dapat taglayin ng pagkamakatwiran ng normal na pagkatao—kahit ang mga hayop ay alam na magbatian, lalo na ang mga tao! Gayumpaman, hindi na kailangan, dahil lang sa mayroon Akong katayuan, na yumukod ka at magpakumbaba at magalang na magtanong kung kumusta Ako kapag nakikita mo Ako. Isa itong hindi kinakailangang pormalidad, at hindi ito isang bagay na hinihingi Ko sa inyo. Ang mga hinihingi Ko sa inyo ay napakamakatwiran at napakawasto. Kung nagtataglay kayo ng normal na pagkatao, at minamahal ninyo ang katotohanan at hinahangad ninyo ang katotohanan, magagawa ninyong tugunan ang lahat ng hinihinging ito, dahil ang mga hinihinging ito ay hindi hungkag o mataas kahit kaunti; ang mga ito ay pawang mga bagay na kayang makamit ng mga normal na tao. Kung naunawaan at naarok ninyo ang iba't ibang aspekto ng katotohanan na ibinahagi Ko sa inyo sa paglipas ng mga taon, at mayroon kayong kaalamang batay sa karanasan at buhay pagpasok, kung gayon ay magagawa ninyong kumilos ayon sa mga katotohanang prinsipyo kapag nangyayari sa inyo ang lahat ng uri ng bagay. Magagawa ninyong magsagawa ayon sa mga katotohanang prinsipyo sa inyong pagtrato sa mga tao, sa inyong gawain, sa inyong mga tungkulin, sa mga anticristo, sa mga huwad na lider, sa pakikipagtulungan nang may pagkakasundo, sa lahat ng uri ng bagay na hindi ninyo gusto, at marami pang iba—ito ang hinihingi sa inyo. Ang mga hinihingi Ko sa inyo ay pawang mga bagay na saklaw ng kaya ninyong makamit sa normal na pagkatao. Pagkatapos Kong magsalita, hinihingi Ko na magsagawa kayo ayon sa mga salitang ito para makamit ang mga resultang dapat makamit.
Ang ilang tao ay nakinig na sa mga sermon sa loob ng napakaraming taon pero hindi kailanman nagbigay ng anumang mga handog. Iginigiit ba ng sambahayan ng Diyos ang usaping ito? Hindi, hindi nito ginagawa iyon. Hindi rin Ako kailanman nag-uusisa tungkol sa kung sino ang hindi kailanman nagbigay ng anumang mga handog, o kung sino ang palaging humihingi sa sambahayan ng Diyos ng mga gastusin sa pamumuhay. Hindi Ako nag-uusisa tungkol sa mga usaping ito, at wala rin Akong pakialam sa mga ito. Ang pinapakialaman Ko ay kung paano mo ginagampanan ang iyong tungkulin, kung kaya mong magbayad ng halaga, at kung kaya mong tumanggap ng tamang payo; kung kaya mong maghimagsik laban sa iyong sarili at bitawan ang iyong mga ambisyon at pagnanais kapag may mga nangyayari sa iyo; kung kaya mong tuparin ang iyong mga responsabilidad at tratuhin ang mga tao nang patas kapag mayroon kang katayuan; kung hinahanap mo ang mga prinsipyo at nasa puso mo ang mga prinsipyo kapag gumagawa ka ng mga bagay-bagay; kung kikilos ka ba ayon sa sarili mong kalooban sa mga usapin kung saan hindi mo nauunawaan ang mga prinsipyo; kung kaya mo itong tanggapin, makaramdam ng pagsisisi, at magbago kapag may tumukoy nito pagkatapos mong kumilos ayon sa sarili mong kalooban; kung kamumuhian, susupilin, o pahihirapan mo ba ang mga pumupuna sa iyo; kung ano ang iyong mga hinihinging pamantayan tungkol sa mga usaping saklaw ng normal na buhay ng tao—ang pagsasalita at pagkilos, pati na rin ang mga pangunahing pangangailangan para sa pamumuhay—at kung mayroon kang hangganan. May pakialam Ako sa mga usaping tulad ng mga ito na may kinalaman sa katotohanan, sa mga prinsipyo ng isang tao sa pag-asal, sa pananaw ng isang tao sa buhay, at sa landas na tinatahak ng isang tao. Dagdag pa rito, nag-uusisa at nagsisiyasat din Ako sa mga usaping may kinalaman sa mga handog. Kung ang sinumang lider, kapag gumagawa ng gawaing may kinalaman sa paggastos ng mga handog, ay hindi sumusunod sa mga prinsipyo, kundi sa halip ay gumagastos nang labis-labis at naglulustay ng mga handog, at pagkatapos malantad at mapungusan, ay hindi sila nakakaramdam ng anumang pagsisisi, ni hindi nila ipinagtatapat ang kanilang mga kasalanan at hindi sila nagsisisi, at hindi lang sila tumatangging bayaran ang mga napinsala kundi sinusubukan din nilang makipagtalo at bigyang-katwiran ang kanilang sarili—at ang ilan sa kanila ay namemeke pa nga ng mga bagay-bagay at gumagawa ng mga huwad na ebidensya, o sa malulubhang kaso ay sumisira pa nga ng ebidensya, at iba pa—mag-uusisa at magsisiyasat Ako sa mga usaping ito. Hindi ba't ang lahat ng usaping ito ay may kinalaman sa kung paano umaasal ang isang tao at sa landas na tinatahak ng isang tao sa kanyang pananampalataya sa Diyos? (Oo.) Sasabihin mo ba na nasa katwiran Ako sa pagbibigay-pansin sa mga usaping ito? (Oo.) Ang ilang tao ay bahagi ng magagandang pamilya at medyo mayaman; sa tingin mo ba ay nag-uusisa Ako tungkol sa kung magkano ang kinikita ng kanilang pamilya sa isang taon, kung nagbigay ba sila ng mga handog, o kung nag-alay ba sila ng mga ikapu? Hindi Ako kailanman nagsabi ng gayong mga bagay habang nangangaral sa mga pagtitipon. Sinasabi ng ilang tao, "Hindi Mo ba ito tinatalakay sa mga pampublikong lugar, kundi palihim Mo itong inuusisa mula sa ilang partikular na indibidwal?" Maaari mong tanungin ang mga kapatid na nakasalamuha at nakasama Ko kung nag-usisa na ba Ako kailanman tungkol sa mga usaping ito—hindi Ko ginawa iyon. Sabihin mo sa Akin, ayaw Ko bang magtanong, o hindi lang Ako interesado? (Hindi Ka interesado.) Hindi Ako interesado, na nangangahulugang hindi laman ng Aking isipan ang mga bagay na ito—wala sa Aking isipan ang mga bagay na ito. Ito ay isang aspekto ng usapin. Sa kabilang banda, talagang hindi Ko alam kung ano ang mga pang-ekonomiyang kondisyon at panlipunang katayuan ng mga pamilya ng mga kapatid. Bakit hindi Ko alam? Dahil hindi Ako nag-uusisa tungkol sa mga ito, at hindi Ako nagtatanong tungkol sa mga ito. Kahit na may alam Ako tungkol sa mga indibidwal na kaso, ito ay dahil lang sa narinig Ko sa inyo na mayaman ang kanilang pamilya; ang kaunting pangunahing impormasyong ito lang ang alam Ko. Pagdating sa kung anong uri ng trabaho ang ginagawa nila o kung magkano ang kinikita nila sa isang taon, talagang hindi Ko alam. Hindi Ako kailanman nag-uusisa o nagbibigay-pansin sa pang-ekonomiyang sitwasyon ng alinman sa inyong mga pamilya, kung magkano ang inyong kita, o kung kayo ba ay mayaman o mahirap—wala Akong pakialam sa mga bagay na ito. Ang ilang tao, pagkatapos makisalamuha sa mga kapatid nang ilang beses, ay lubos na nalalaman ang mga pangunahing sitwasyon ng kanilang mga pamilya—kung ano ang ginagawa ng kanilang mga pamilya, kung aling mga pamilya ang mayaman, alin ang mahirap, at kung gaano karami ang pag-aari ng kanilang mga pamilya pagdating sa mga ari-arian. Muntik na nilang imbestigahan kung ano ang ikinabuhay ng nakaraang tatlong henerasyon ng kanilang mga ninuno. Partikular silang interesado sa mga usaping ito at napakabilis nilang malaman ang tungkol sa mga ito. Sasabihin ba ninyo na pinapabayaan ng gayong mga tao ang kanilang mga wastong gampanin? (Oo.) Pagkatapos makasalamuha o makatagpo ang isang tao nang isang beses lang, alam na nila kung magkano ang kinikita ng taong ito sa isang buwan, kung anong pamantayan ng pagkain at pananamit ang karaniwang mayroon ito, at kung sinong mga tao na may katayuan at posisyon sa lipunan ang sinasamahan at nakakasalamuha nito—nagagawa nilang malaman ang lahat ng bagay na ito. Kahit pagkatapos Kong makasalamuha ang isang tao nang ilang beses, hindi Ko alam ang mga bagay na ito. Malalaman Ko lang nang kaunti kung magkukusa silang sabihin sa Akin kung anong trabaho ang ginagawa nila sa mundo at kung magkano ang kanilang taunang suweldo, pero hindi Ko na ito natatandaan pagkatapos. Sinasabi ng ilang tao, “Ginagawa Mo ang gawain ng pagliligtas sa tao—ayos lang ba para sa Iyo na hindi malaman ang tungkol sa maraming usapin sa mundo sa labas?” Sabihin ninyo sa Akin, kinakailangan bang malaman ang tungkol sa mga usaping iyon na walang kaugnayan sa katotohanan? (Hindi.) Sinisiyasat Ko lang ang mga usaping may kaugnayan sa katotohanan; sinisiyasat Ko lang ang mga isyung may kinalaman sa iyong disposisyon, iyong pagkatao, iyong sariling asal, at landas na iyong tinatahak. Hindi Ko sinisiyasat kung gaano karami ang pera mo, ni hindi Ko sinisiyasat kung saan nanggagaling ang iyong pera. Ayaw Kong mag-usisa o malaman ang tungkol sa mga bagay na ito, at hindi Ko ito libangan. Kapag sinasabi Kong kilalang-kilala Ko ang tao, ang ibig Kong sabihin ay nauunawaan Ko ang disposisyon ng tao, nauunawaan ang diwa at ang aktuwal na kondisyon ng kanyang katiwalian, at nauunawaan ang pagkatao ng lahat ng uri ng tao; ito ay isang aspekto ng usapin. Nangangahulugan din ito ng pagkaunawa kung anong uri ng diwa ang may kinalaman sa mga disposisyong ibinubunyag ng lahat ng uri ng tao, kung anong mga isyu ang may kinalaman sa iba't ibang kalagayang ibinubunyag ng mga tao, at kung paano makipagbahaginan, magtustos sa kanila, at makatulong sa kanila para malutas ang kanilang mga problema at bigyang-kakayahan silang makaahon mula sa kalagayang kinaroroonan nila. Sa madaling salita, sinisiyasat Ko lang ang mga usaping may kaugnayan sa Aking gawain at may kaugnayan sa katotohanan.
Sa paggawa ng Aking gawain, ang pananagutang tinutupad Ko sa inyo ay ang lutasin ang inyong mga problema. Sa maliit na saklaw, nangangahulugan iyon ng paglutas sa mga problema ng isinasabuhay ng inyong pagkatao sa inyong pang-araw-araw na buhay; sa malaking saklaw, nangangahulugan ito ng paglutas sa mga problema ng inyong mga tiwaling disposisyon at malinaw na pagtuturo sa inyo ng landas ng kaligtasan. Samakatwid, ang Diyos na nagkatawang-tao ay pumarito sa gitna ng mga tao hindi para tamasahin ang mga papuri, labis na paghanga, o pagsunod ng sangkatauhan, ni para tamasahin ang mga kagalakan ng mundo ng tao, kundi para tuparin ang Kanyang responsabilidad. Taglay Niya ang pagkakakilanlan ng Diyos at taglay Niya ang buhay ng Diyos; pumarito Siya sa gitna ng mga tao para gawin ang sariling gawain ng Diyos at tuparin ang responsabilidad sa tao na dapat tuparin ng Diyos Mismo. Anuman ang yugto nito o sa aling grupo man ng mga tao ito, ang pangunahing layon ng gawaing ginagawa ng Diyos kapag nakikisalamuha sa mga tao ay ang tulungan silang lutasin ang lahat ng uri ng problema. Bagama't minsan ay tinatalakay Ko ang tungkol sa ilang maliit na bagay sa pang-araw-araw na buhay, at maaaring maramdaman ninyo na nakikinig lang kayo sa ilang kuwento, sa katunayan, ang maliliit na bagay na ito na ibinahagi Ko sa inyo ay kinapapalooban ng mga problemang mayroon kayo, at mga katotohanang dapat ninyong maunawaan, na mga bagay na dapat ninyong lutasin at pasukin. Pagkatapos makinig, iyong mga nakatuon sa paghahanap sa mga katotohanang prinsipyo at nakatuon sa pagsasagawa ng katotohanan ay makakaunawa ng ilang katotohanan at makakaunawa ng ilang prinsipyo para sa pag-asal at pagkilos nang hindi man lang ito namamalayan. Gayumpaman, ang mga taong walang espirituwal na pang-unawa ay hindi makakaunawa kahit pagkatapos makinig, at makakaramdam pa nga na ang pagbabahaginan ay kinasasangkutan lang ng mga payak na usapin. Sa totoo lang, dapat ay kaya mo ring matuto ng mga aral mula sa maliliit na bagay na ito sa karamihan ng pagkakataon. Ito ay dahil anuman ang aspekto ng mga bagay na pinagbabahaginan natin—may kinalaman man ito sa pang-araw-araw na buhay, isang bagay na may kinalaman sa tungkulin ng isang tao, o isang bagay na may kinalaman sa buhay pagpasok—ang mga prinsipyo at pagkaunawang pinagbabahaginan natin ay hindi naglalayong lumutas ng anumang mga bugtong o magbunyag ng anumang mga misteryo—sa halip, gumagamit ang ating pagbabahaginan ng pang-araw-araw na wika para ipaliwanag ang isang katunayan, lutasin ang mga problema sa mga kaisipan at pananaw ng isang tao, at lutasin ang mga problema ng pananaw ng isang tao sa lahat ng uri ng bagay at kung paano niya tinatrato ang lahat ng uri ng tao. Gamitin nating halimbawa ang pagpili ng estilo at kulay ng mga damit. Para man sa pang-araw-araw na kasuotan o para sa paggawa ng mga programa, ang Aking mga prinsipyo at motibo sa pagpili ng estilo at kulay ng pananamit ay iba sa inyo. Ano ang inyong mga prinsipyo at motibo? Ito ay ang ayusan ang inyong sarili upang magmukha kayong maganda o guwapo—hangga't mukha kayong kaakit-akit at nakakakuha ng atensyon, nasisiyahan na kayo. Ano ang Aking mga orihinal na intensyon at motibo? Ang mga ito ay na magmukha kayong maayos, matuwid, at nagtataglay ng wangis ng tao at dignidad, upang igalang kayo ng mga tao at hindi sila mangahas na maliitin kayo, paglaruan kayo, o magkimkim ng anumang balikong ideya o di-wastong kaisipan tungkol sa inyo. Sa paggawa nito, hindi Ko kayo pinagkakaitan ng pagkakataong magpasikat, kundi sa halip ay pinoprotektahan kita, idinudulot na magtaglay ka ng wangis ng tao at pinagmumukha kang may matuwid na presensya, upang ang may masasamang intensyon ay hindi makahanap ng pagkakataon na samantalahin ka, at ang mga buktot na taong iyon ay hindi mangahas na magsamantala sa iyo o ituring ka bilang isang laruan. Kakailanganin nilang igalang ka. Sa ganitong paraan, hindi ba't napoprotektahan ang iyong integridad? (Oo.) Sa isang usaping kasingsimple ng pagpili ng estilo at kulay ng mga damit, baka isipin ninyo na ginagawa Ko ito para pangalagaan ang mga interes at ang reputasyon ng sambahayan ng Diyos, pero sa katunayan, hindi talaga ito ang pangunahing layunin; ang pangunahing layunin ay protektahan kayo. Sa maliit na usaping ito pa lang, ang Aking mga pananaw ay ganap na naiiba sa inyo. Pagdating sa kung paano kayo manamit at mag-ayos ng inyong sarili sa inyong mga personal na buhay, binibigyan Ko kayo ng espasyo at pinapayagan Ko kayong malayang pumili para mapagbigyan ang inyong banidad. Nakasalalay ang mga usaping ito sa pagtataglay ng mga tao ng normal na pagkatao pagkatapos mapagbahaginan ang katotohanan at maunawaan nila ang katotohanan, upang makamit nila ang pagpipigil sa sarili at sila ay maging maayos, matuwid, at magkaroon ng wangis ng tao. Gayumpaman, kapag humaharap kayo sa mga pampublikong lugar, kailangan Kong suriin ang mga bagay-bagay para sa inyo. Ito ay para lang protektahan kayo, hindi para kontrolin o limitahan kayo. Anuman ang isipin ninyo, ganito lang talaga ang Aking mga prinsipyo sa paggawa ng mga bagay-bagay, at sa usaping ito, Ako ang masusunod. Kahit na ang ilang indibidwal ay medyo hindi nasisiyahan, nakakaramdam ng kaunting inis sa loob-loob nila, o may mga pag-aalinlangan tungkol sa usaping ito, hindi ito mahalaga; mauunawaan mo ito sa hinaharap. Dagdag pa rito, ang Aking mga pagpili tungkol sa kulay, tela, at estilo ng pananamit ay hindi konserbatibo o nakatali sa mga lumang nakagawian; wala Akong mga makalumang kaisipan at kuru-kuro. Kung mas matanda ka, aayusan kita para magmukha kang mas masigla, pipilian kita ng ilang matingkad na kulay ng damit upang magmukha kang mas bata pero hindi malandi. Isa itong magandang bagay para sa iyo; kapag nakikita ng mga tao na kahit mas matanda ka na, mukhang mayroon ka pa ring sigla, at mukha kang napakaayos at kagalang-galang, igagalang ka nila at rerespetuhin ka nila, at sa gayon ay matitiyak na ganap na napoprotektahan ang iyong dignidad. Isa itong bagay na hindi ninyo maiisip. Posibleng naisip ito ng ilang indibidwal, pero sino ang makakapanindigan sa prinsipyong ito, at sino ang magiging bihasa sa prinsipyong ito? Talagang hindi ninyo ito makakabisado, tama? (Oo.) Sinasabi ng ilan sa inyo, "Matanda na ako, at ang matatanda ay dapat magmukhang matatanda. Kailangan kong maging halimbawa para sa mga kabataan upang igalang nila ako." Hindi mo kinukulayan ang iyong pumuputing buhok, hindi ka naglalagay ng kaunting makeup sa kabila ng iyong maputlang kutis, hindi mo pinapalitan ang iyong mga nawawalang ngipin sa harap, na nagiging sanhi ng pag-ihip ng hangin sa mga puwang ng iyong mga ngipin kapag nagsasalita ka, at hindi ka nagsusuot ng matitingkad na damit, kundi kulay abo at itim lang. Bilang resulta, nakikita ng mga tao na talagang walang kulay ang iyong mga pisngi; mukha ka lang sakitin. Sabihin mo sa Akin, ano ang nararamdaman ng mga kabataan kapag nakikita ka nila? Kapag kinakausap ka nila, kailangan nilang idagdag ang salitang "matanda," tinatawag kang "matandang kapatid na babae" o "matandang kapatid na lalaki." Magaan ba iyon sa iyong pakiramdam? Nag-aatubili kang tanggapin ito, iniisip mo, "Kahit na medyo mas matanda ako kaysa sa inyo, ganoon ba talaga ako katanda?" Sino ang nagsabi sa iyo na gawin mong ganoon katanda ang iyong sarili? Hindi ba't ayos lang na pumili ng mga damit na may mga kulay na nagpapaganda sa iyong kutis? Magbihis ka nang kaunti upang makita ng mga tao na mayroon kang sigla, at makita na kahit matanda ka na sa edad, hindi ka matanda sa iyong pag-iisip—hindi ba't magkakamit ka ng paggalang dahil doon? May isang tao na nasa edad dekada kwarenta, at nang hilingin Ko sa kanya na magsuot ng kulay rosas na damit para sa isang pagtatanghal, sinabi niya, "Magsusuot ako ng kulay rosas sa aking edad, hindi ba't pagpapanggap iyon na mas bata ako kaysa sa tunay kong edad?" Ang kanyang pananaw ay iba sa Akin. Sinabi Ko, "Hindi iyon pagpapanggap na mas bata ka kaysa sa tunay mong edad; kinakailangan iyon sa pagharap sa kamera. Binibigyan kita ng mga payo at tinutulungan kitang mag-ayos upang magmukhang may kaunting kulay ang iyong mga pisngi, at magmukha kang kagalang-galang at maayos. Kung pakiramdam mo ay pagpapanggap iyon na mas bata ka kaysa sa tunay mong edad, at ganoon mo iyon tinitingnan, huwag mo itong isuot. Kung magpapalit ka ng isang pangmanang na damit, magmumukha kang sampung taon na mas matanda kaagad." Kung sasabihin mo sa kanya na mukha siyang sampung taon na mas matanda, hindi siya masaya tungkol doon, pero hindi rin niya matanggap na sinusubukan mong gawin siyang magmukhang mas bata nang kaunti. Hindi ba't napakahirap pakisamahan ng taong ito? (Oo.) Sa mga simpleng usaping ito pa lang, kung may mga tamang kaisipan at pananaw ang mga tao, pangangasiwaan nila ang mga ito nang angkop, wasto, at ayon sa mga prinsipyo. Gayumpaman, ang mga kaisipan at pananaw ng karamihan sa mga tao tungkol sa mga usaping ito ay napakabaluktot, konserbatibo, o radikal, at ang ilang tao ay nagkukunwari pa nga. Kahit na ang Aking mga kaisipan at pananaw sa mga usaping ito ay hindi matatawag na katotohanan, ang mga ito, kahit papaano, ay angkop, wasto, at nasa loob ng saklaw ng normal na pagkatao. Kaya, minsan, kahit sa maliliit na usaping ito, binibigyan Ko kayo ng ilang paalala at payo sa isang antas o iba pa. Kung nagbibigay-pansin ka at kaya mong tumanggap ng mga tamang kaisipan at pananaw, maaarok mo ang mga bagay na ito nang hindi mo man lang namamalayan. Kung hindi ka nagbibigay-pansin, o palagi kang may sariling mga opinyon at ideya, o kung nagkikimkim ka pa rin ng maraming luma, tradisyonal, hangal, at matigas na kaisipan at pananaw sa loob, baka hindi mo matanggap o maunawaan ang sinasabi Ko. Pero anuman ang mangyari, at sa anumang mga aspekto, hangga't nasa mga usaping ito na maaaring makaharap sa saklaw ng gawaing ginagawa Ko, sinusubukan Ko ang Aking pinakamakakaya para makinabang kayo, akayin kayo patungo sa tamang direksyon, tulungan kayong itama ang inyong mga walang-katotohanang kaisipan at pananaw, at magtatag ng lahat ng uri ng tamang kaisipan at pananaw. Ito ang Aking responsabilidad. Sa puntong ito pa lang ng pagtupad sa responsabilidad, ang kalikasan ng gawaing ginagawa ng Diyos na nagkatawang-tao ay ganap na naiiba sa gawaing ginagawa ng sinumang tao na may katayuan sa gitna ng sangkatauhan, tama? (Oo.)
Sa Aking pananaw, ang gawaing ginagawa ng mga tao patungkol sa katayuan ay pangunahing binubuo ng dalawang bagay: Ang isa ay ang pangangalaga sa kanilang katayuan, at ang isa pa ay ang paghingi ng mga personal na pakinabang. Ang mga ito ay ang mga pangangailangan at hinihingi ng mga tao patungkol sa katayuan. Anumang gawain ang ginagawa ng sinumang taong may katayuan, hindi ito pagtutustos ng katotohanan o pagtutustos ng buhay, lalong hindi pagtuturo ng direksyon at landas ng buhay para sa mga tao. Sa halip, nakikibahagi sila sa materyal o di-materyal na gawain, pinamamahalaan o kinokontrol ang mga tao, at pinapatanggap sa mga tao ang kanilang pamumuno pagdating sa ilang propesyonal na larangan o ilang aspekto ng kaalaman, sa paggawa ng mga bagay, o sa iba't iba pang larangan. Pagkatapos, ginagamit nila ang kanilang kapangyarihan para itatag ang kanilang awtoridad at patatagin ang kanilang katayuan, sa pamamagitan nito ay naghahangad sila ng mga personal na pakinabang. Ang mga pakinabang na ito ay nahahati sa dalawang uri: mga pinansyal na pakinabang at mga pakinabang sa reputasyon. Samakatwid, ang kalikasan ng gawaing ginagawa ng sinumang taong may katayuan sa gitna ng mga tao ay ganap na naiiba sa gawaing ginagawa ng Diyos na nagkatawang-tao. Hindi nila tinutustusan ang mga tao ni tinutulungan ang mga ito, lalong hindi sila umiiwas sa paghingi sa mga tao. Batay sa katayuan at mga pinansyal na pakinabang na nakakamit nila pagkatapos magtamo ng katayuan at gumawa ng gawain mula sa isang posisyon ng katayuan, ang sinumang taong may katayuan sa gitna ng mga tao ay sa huli at tiyak na magiging isang taong may mga pansariling interes. Ito ay dahil ang katayuang taglay nila ay nagsisilbi sa kanila nang personal, at ang lahat ng ginagawa nila ay para sa katayuan at mga pakinabang; hindi ito para tustusan o tulungan ang mga tao. Sa aspektong ito, ganap itong naiiba sa ginagawa ng Diyos na nagkatawang-tao. Higit pa rito, anuman ang sabihin o gawin ng sinumang taong may katayuan sa mga tao, ang panghuli nilang layon ay ang humingi ng emosyonal na katapatan, mga pinansyal na kontribusyon, at mga kontribusyon ng katayuan mula sa mga ito. Ibig sabihin, kung nagsasalita sila nang maganda at kumikilos nang mahusay, at nakukuha nila ang mga puso ng mga tao, na nagiging dahilan para mataas ang maging tingin sa kanila ng mga tao at sang-ayunan sila ng mga ito, magkakaroon ng magandang opinyon ang mga tao tungkol sa taong iyon sa kanilang mga puso—magkakaroon ang taong iyon ng higit na prestihiyo, higit na kapangyarihang magsalita, at higit na kasikatan, at mas maraming tao ang magtitipon sa paligid nila at makukuha nila ang loob ng mga ito. Ito ang emosyonal na katapatan na hinihingi nila sa mga tao. Ibig sabihin, mas iidolohin sila ng mga tao at mas hahangaan sila sa puso ng mga ito, at mas maaakit at makukuha ang loob ng kanilang kilos sa pamumuno, sa kanilang pananalita at pag-uugali, at sa kanilang tindig at kilos sa kung paano sila umaasal at kumikilos. Sa ganitong paraan, nagiging mas mataas at mas matatag ang kanilang katayuan, at ganap nitong pinapatatag ang kanilang katayuan sa gitna ng mga tao. Sa sandaling maging matatag ang kanilang katayuan sa puso ng mga tao, kasabay nito, ang mga pinansyal at materyal na pakinabang na nakukuha nila ay nagiging mas sagana. Sa katunayan, gumagawa sila para patatagin ang kanilang katayuan sa puso ng mga tao upang makakuha sila ng mas maraming materyal at pinansyal na pakinabang. Ganap itong naiiba sa katayuang taglay ng Diyos na nagkatawang-tao sa gitna ng mga tao at sa gawaing ginagawa Niya. Dapat itong makita nang malinaw ng mga tao. Mayroon bang pagkakaiba rito? (Mayroon.) Nakikita mo, sa sandaling magtaglay ng katayuan ang isang tao at magkaroon ng mga tagahanga, marami siyang ginagawa para sa kapakanan ng kanyang katayuan. Pinapaganda niya ang kanyang imahe, nag-aaral siya ng retorika, at ganap na itinatago ang kanyang pribadong buhay, kabilang ang kanyang pagpili ng kapareha, ang kanyang katayuan sa pag-aasawa, at maging ang kanyang personal na tirahan at iba pang mga detalye. Itinatago niya ang lahat ng bagay na ito at hindi pinapayagan ang iba na malaman ang tungkol sa mga ito. Ginagawa niya ang lahat ng ito para pangalagaan ang kanyang katayuan at imahe sa gitna ng mga tao. Marami siyang pribadong usapin na pinananatiling nakatago, hindi hayagang ibinubunyag, at hindi alam ng sinuman. Sa publiko, ipinepresenta niya ang kanyang sarili para magmukha siyang partikular na marangal, maringal, kagalang-galang, at maganda, at ang kanyang pananalita ay partikular na malumanay at maalalahanin; sinasabi niya ang anumang gustong marinig ng mga tao, at ginagawa ang anumang gustong makita ng mga tao. Gumagawa siya ng sapat na paghahanda at ginagawa ang lahat ng uri ng bagay para hubugin ang kanyang personal na imahe. Sa sandaling may lumabas na iskandalo o malaman ng kanyang mga tagahanga ang isang masamang bagay na ginawa niya, gagawin niya ang kanyang pinakamakakaya para bigyang-katwiran ang kanyang sarili at magpanggap, nag-iisip ng bawat posibleng paraan para pagtakpan ang usapin. Ang ilang gayong tao ay ganap pa ngang binabago ang kanilang sarili, nag-iisip ng bawat posibleng paraan para mapanatili ang kanilang imahe sa puso ng mga tao. Ang pakay nila sa paggawa ng lahat ng ito ay mapanatili ang kanilang katayuan sa gitna ng mga tao; sa sandaling mapanatili ang kanilang katayuan sa gitna ng mga tao, mapapanatili rin ang mga materyal na bagay, pera, at mga kasiyahang hinahangad nila. Samakatwid, anuman ang gawin nila—at maging sa publiko man ito o sa pribado—ang lahat ng ito ay sukdulang mapanlinlang. Hindi mo kailanman malalaman kung ano ang iniisip nila sa kanilang puso, kung ano ang kanilang pagkatao at karakter, o kung ano talaga ang kanilang mga pananaw at pagpili patungkol sa iba't ibang bagay. Hindi mo kailanman maririnig kung ano ang tunay nilang iniisip. Kahit na gumawa sila ng maraming pagbabago at sakripisyo para sa kanilang mga tagahanga at sa kanilang mga manonood, ginagawa ito nang labag sa kanilang mga tunay na intensiyon. Bakit sila kumikilos nang labag sa kanilang mga tunay na intensiyon nang ganito? Ito ay para mapanatili ang kanilang katayuan. Ito ay dahil alam nila na kung hayagan nilang ibubunyag ang kanilang tunay na mukha para makita ng mga tao, mawawalan sila ng maraming tagahanga, at itataboy at isusumpa rin sila ng mga ito. Kapag nawala ang kanilang mga tagahanga, mababawasan nang husto ang kanilang katayuan, at kaagad pagkatapos, ang pera, mga pakinabang, mga kasiyahan, at mga materyal na bagay na hinahangad nila, at maging ang anumang paborableng kondisyon at bukas-palad na pagtratong ibinibigay sa kanila ng kanilang katayuan, ay mawawala lahat. Samakatwid, ginagawa nilang lahat ang kanilang pinakamakakaya para pangalagaan ang kanilang imahe at mapanatili ang kanilang katayuan. Magbabayad sila ng anumang halaga at gagamit ng anumang paraan para mapanatili ang kanilang katayuan at imahe—ang ilan ay nagpapalit ng kanilang kasarian, ang ilan ay nagpaparetoke, ang ilan ay itinatago ang kanilang mga pag-aasawa, at ang ilan ay palihim pa ngang pumapatay; gagawin nila ang lahat. Gayumpaman, sa gitna ng mga tao, ang ginagawa nila sa iba—at ang makukuha ng iba mula sa kanila—ay halos walang anumang positibong gabay o positibong pagtustos. Ang papel na ginagampanan nila sa gitna ng mga tao ay para lang bigyang-kasiyahan ang banidad ng mga tao at palugdan ang kanilang mga ambisyon at pagnanais, tinitipon ang mga tao sa ilalim ng kanilang mga pangalan at sa ilalim ng kanilang kapangyarihan, at pagkatapos ay walang-awang inililihis at pinagkakaitan ang mga tao sa emosyonal, mental, at pinansyal na paraan. Iyan ang dahilan kung bakit sinasabi Ko na sa pangkalahatan, ang sinumang may katayuan ay isang taong may mga pansariling interes. Banayad na pananalita lamang ito; ayaw Kong magsabi ng anumang mas masakit kaysa riyan. Maaari ninyo itong alamin para sa inyong sarili. Kaya, sa sinumang may katayuan, maaaring kapag nakita mo sila, pakiramdam mo ay pambihira ang kanilang estilo ng pananalita, at sila ay magiliw, elegante, at karismatiko, at maaari mo silang labis na idolohin. Sa partikular, maaaring gustuhin pa nga ng ilang tao sa kabilang kasarian na ilaan ang kanilang sarili sa mga ito. Ang lahat ng ito ay mga palatandaan ng pagkalihis at pagka-brainwash. Huwag na nating pag-usapan ang kanilang buhay sa likod ng eksena, ang kanilang tunay na pagkatao, at ang kanilang saloobin sa mga positibong bagay—hindi na kailangang alamin ang tungkol sa mga bagay na ito. Kung talagang gusto mong ilaan ang iyong sarili sa kanila, sa sandaling magsimula kang mamuhay kasama nila ay matitigilan ka. Pagsapit ng panahong iyon, malalaman mo na hindi sila kasingdakila at kasingpambihira ng pinaniniwalaan mo sa iyong puso; hindi mo na sila iidolohin, at tatratuhin mo sila bilang isang ordinaryong tao. Sa kasalukuyan ninyong tayog, kinakailangan bang umabot sa ganoong sukdulan? (Hindi.)
Kapag ang mga taong may katayuan sa lipunan ay lumalabas sa publiko, sa mga sesyon ng pagpirma ng lagda, kumperensiya sa pamamahayag, o pagtatanghal sa publiko, naghihiyawan ang mga tao para sa kanila at umaasa nang malaki sa kanila. Ang ilang tao ay nakikipagkamay pa nga sa kanila nang isang beses at ayaw nang maghugas ng kanilang mga kamay habambuhay, at ang ilang tao ay niyayakap sila nang isang beses at nagpapasyang hindi na mag-asawa habambuhay. Hindi ba’t sa tingin ninyo ay napakahangal ng gayong mga tao? (Oo.) Nagpapasya kang hindi na mag-asawa kailanman para sa kapakanan nila, pero kung isang araw ay makasalubong mo sila sa kalye at bumati ka, papansinin ka ba nila? (Hindi.) Sila ay mga taong may katayuan, mga kagalang-galang na tao, mga indibidwal na nasa mataas na antas ng lipunan; sa kanilang paningin, wala kang kuwenta. Talaga bang iniisip mo na gusto ka nila kapag binibigyan ka nila ng kanilang lagda, kinakamayan ka, at niyayakap ka? Nagkakamali ka; masyado kang walang-muwang! Kapag kailangan ka nila, isa kang kayamanan sa kanila; kapag hindi ka nila kailangan, isa ka lang damo—o, masasabing wala kang kuwenta. Ang sinumang may katayuan sa lipunan—kahit ang opisyal na may pinakamababang ranggo—ay hindi mo maaabot bilang isang ordinaryong mamamayan. Hindi mahalaga kung isa nasa hustong gulang ka na o may kakayahan ka—sa kanilang paningin, isa ka lang hamak na tao; hindi ka nila sineseryoso kahit kaunti. Ito ang tunay na mukha ng mga taong may katayuan sa lipunan. Samakatwid, kung titingnan ang kanilang kalikasang diwa, ang mga tao sa mundo ng tao na kabilang sa uri ng mga may kapangyarihan at katayuan, sa pangkalahatan, ay pawang mga taong may mga pansariling interes. Hindi sila umaasa nang malaki sa iyo, at hindi sila umaako ng anumang responsabilidad, lalong hindi sila nagbibigay ng anumang bagay o nag-aambag nang libre—hindi na kailangang sabihin pa na hindi sila nagbibigay ng anumang bagay sa iyo. Gusto lang nilang humingi ng mga bagay mula sa iyo—na idolohin, hangaan, at sundin mo sila sa emosyonal na antas, at pagkatapos ay makakuha ng mga pinansyal at materyal na pakinabang mula sa iyo. Sa sandaling makakuha sila ng mga pakinabang at maging matatag ang kanilang katayuan, kung gusto mong maging barkada nila, maging kaibigan nila, at maging kapantay nila, papayag ba sila? (Hindi.) Kung susubukan mong pilitin silang pumayag, ano sa tingin mo ang gagawin nila? (Hayagan ka nilang kakalabanin.) Dahil nakikita nilang wala ka nang silbi sa kanila, itataboy ka nila, sasabihan ka na "lumayas," at iinsultuhin ka pa nga, sinasabing isa kang maruming pulubi. Matitigilan ka, hindi ba? (Oo.) Ito ay tiyak na dahil ganito tinitingnan ng mga tao ang katayuan, at tiyak na dahil nagdudulot sa kanila ang katayuan ng iba't ibang paborableng kondisyon o saganang pakinabang, kaya itinuturing nilang napakahalaga ng katayuan at labis itong pinahahalagahan. Gayumpaman, ang ginagawa ng sinumang may katayuan sa gitna ng sangkatauhan ay hindi pagtupad sa isang responsabilidad sa sangkatauhan, hindi ito isang anyo ng paglalaan, at hindi ito libre; sa halip, may mga layunin at hinihingi rito. Ang bawat salitang sinasabi nila mula sa kanilang posisyon ng katayuan ay may layunin, at ang lahat ng ginagawa nila ay para din makamit ang isang partikular na layon; siyempre, ito ay para makakuha ng mas malalaking pakinabang mula sa iyo—para ubusin pa nga ang lahat ng mayroon ka. Ang ginagawa nila sa iyo, sa pangkalahatan, ay para ilihis, gawing manhid, at samantalahin ka. Sa pinakasimple at pinakadiretsong pananalita, ito ay para ubusin ang laman ng iyong mga bulsa. Para saan mo uubusin ang laman ng iyong mga bulsa? Para bumili ng kanilang mga tiket, bumili ng kanilang mga produkto, bumili ng kanilang mga paninda, at ibigay sa kanila ang mga bagay na pinakakailangan nila. Kaya, sa sandaling magkaroon ng katayuan ang isang tao, natural na sumusunod ang mga pakinabang. Kapag may katayuan ang mga tao at nakatayo sa isang posisyon ng katayuan, madali para sa kanila na ilihis ang iba, at madali rin para sa kanila na gamitin ang kanilang katayuan para sa kanilang kapakinabangan upang gumawa ng mga bagay-bagay. Bilang isang miyembro ng sangkatauhan, dahil iniidolo mo ang katayuan, napakadali para sa iyo na malihis, makontrol, at maudyukan ng mga taong may katayuan o mga taong nakatayo sa mga posisyon ng katayuan—maudyukan na gawin ang ganito at ganyan. Lalo na ang mga bituin at sikat na personalidad na iyon na napakatanyag sa lipunan—kapag sumisigaw sila mula sa entablado, "Kumusta na kayong lahat? Matagal tayong hindi nagkita!" iwinawagayway ng kanilang mga tagahanga sa mga manonood ang mga umiilaw na patpat, at sumisigaw at tumitili ang mga ito, nababaliw. Gaano katindi ang kanilang pagkabaliw? Ang ilang tao ay may mga luhang umaagos sa kanilang mga mukha sa mismong sandali at lugar na iyon, at ang ilang tao ay hinihimatay kaagad at isinusugod sa emergency room. Mula lang sa iilang salitang iyon, mula lang sa pakikinig sa iilang kantang iyon at panonood sa isang pagtatanghal na iyon, nawawala sila sa katinuan nang ganito, umaasal na parang may sakit sila sa pag-iisip. Sasabihin mo bang hangal ang mga taong ito? (Oo.) Kung gayon ay patuloy ba silang dadalo sa mga pagtatanghal na ito pagkatapos? (Oo.) Hindi ba’t pagkalihis ito? Ang mga tiket para sa ganoong uri ng pagtatanghal ay malamang na napakamahal. Ibinabayad mo ang lahat ng perang iyon, at kumakanta lang sila ng iilang kanta at lumulundag-lundag nang kaunti sa entablado. Sulit bang gastusin ang lahat ng perang iyon? Hindi ba’t dinaraya ka? Pinipilit pa nga ng ilang tao ang kanilang mga magulang na maglabas ng pera para bumili ng mga tiket sa konsiyerto ng paborito nilang sikat na personalidad o para bumili ng mga paninda ng mga ito. Kung mahirap ang kanilang pamilya at hindi ito kayang bayaran, tinatawag nilang walang silbi at walang kakayahan ang kanilang mga magulang. Walang magagawa ang kanilang mga magulang tungkol dito; sadyang ito ang kalakaran sa lipunang ito. Pagkatapos silang kagalitan nang ganito ng kanilang mga anak, nakakaramdam pa nga ang ilang magulang ng labis na pagkaaba at hindi nangangahas na aminin sa harap ng iba na sila ang mga magulang ng taong iyon. Hindi ba’t dulot ito ng mga kalakaran sa lipunan? (Oo.) Kaya, paano nabuo ang kalakarang ito? Nabuo ito bilang resulta ng mga kaisipan at pananaw ng sangkatauhan sa katayuan, kasikatan, at pakinabang na lalong nagiging buktot, at sa huli ay umuunlad kasabay ng masamang kalakarang ito hanggang sa kasalukuyang panahon, pinipinsala ang sunod-sunod na henerasyon ng mga tao. Ano ba ang ginagawa sa iba ng mga taong iyon na may katayuan? Ano ang mga salitang isinisigaw nila sa mga tao mula sa kanilang matataas na posisyon? Ano ang itinuturo nila sa mga tao? Nagtuturo sila ng mga walang-katotohanan at buktot na kaisipan at pananaw; nagtuturo sila ng masasamang kalakaran; ang itinuturo nila ay pawang mga negatibong bagay. Sa huli, kusa ka pa ring nagkukumahog para gastusin ang iyong pera sa kanilang mga tiket at produkto, at kung hindi mo mabili ang mga ito, palihim ka pa ngang umiiyak at nakakaramdam ng pagkaaba. Hindi ba’t ito ay kusang pagpapababa sa iyong sarili? (Oo.) Ganito talaga ang mundo; ganito talaga ang sangkatauhan. Sa gitna ng sangkatauhan, palaging nangingibabaw ang masasamang kalakaran, at ang masasamang kalakarang ito ay patuloy ring umuunlad at nagbabago. Paano man magbago ang mga ito, palaging may isang grupo ng mga taong may katayuan, kapangyarihan, at prestihiyo na nangunguna sa masasamang kalakaran. Ano ang mangyayari sa huli sa mga nangunguna rito? Hindi Ko sasabihin; maaari ninyo itong pag-isipan nang kayo lang.
Ang layunin ng pagbabahagi ng mga salitang ito ay, sa isang banda, upang ipaalam sa iyo kung ano ang katayuan, at sa kabilang banda, upang ipaalam at ipaunawa sa iyo ang pagkakaiba sa pagitan ng katayuang taglay ng Diyos na nagkatawang-tao at ng katayuang taglay ng mga tao. Ang mga ito ay may ganap na magkaibang kalikasan at diwa. Ang katayuan ng Diyos na nagkatawang-tao ay itinatakda ng Kanyang diwa at buhay; hindi ito isang posisyon, hindi ito ibinigay sa Kanya ng sangkatauhan, at hindi ito isang bagay na nakuha Niya mula sa pagtataas sa Kanya ng mga tao dahil nakakuha Siya ng kaalaman at mga teorya at nagtamo ng sapat na buhay karanasan sa lipunan. Ang katayuan ng Diyos na nagkatawang-tao ay itinatakda ng Kanyang pagkakakilanlan, at ang Kanyang pagkakakilanlan ay itinatakda ng Kanyang buhay at ng Kanyang diwa. Sa kabila ng pagkakaroon ng gayong pagkakakilanlan at diwa, hindi Siya umaasal nang mapagmataas, nang-aapi ng mga tao, nang-aakit ng mga tao, humihingi sa sangkatauhan, o naghahari-harian sa mga tao, tulad ng ginagawa ng mga may prominenteng katayuan sa gitna ng sangkatauhan. Siyempre, ang Diyos na nagkatawang-tao ay hindi isang taong may mga pansariling interes. Hindi Siya kailanman humingi ng anumang pakinabang mula sa mga sumusunod sa Kanya, kabilang ang mga pinansyal at materyal na pakinabang. Natural, hindi rin Siya humingi ng anumang kabayaran mula sa Kanyang mga tagasunod. Sa halip, patuloy Niyang tinutupad ang Kanyang responsabilidad at ginagawa ang Kanyang gawain taglay ang Kanyang pagkakakilanlan at mula sa Kanyang posisyon, itinutustos ang lahat ng katotohanang kailangan ng mga sumusunod sa Kanya. Siyempre, sa panahon kung kailan ginagawa ng Diyos na nagkatawang-tao ang Kanyang gawain at tinutupad ang Kanyang responsabilidad, hindi Siya sumisigaw sa mga tao mula sa isang mataas na posisyon tulad ng ginagawa ng mga tinatawag na taong may katayuan sa gitna ng sangkatauhan, ni hindi Siya tumatayo sa isang mataas na posisyon para lumikha ng isang partikular na atmospera, magpakita ng engrandeng eksena, o magpasikat, upang makuha ang loob ng mga tao at papurihan Siya ng mga ito, at iba pa. Ang Diyos, sa Kanyang pagkakakilanlan bilang ang Diyos na nagkatawang-tao, ay hindi gumagawa ng anuman sa mga bagay na ito. Ang Kanyang pagkakakilanlan at katayuan ay itinatakda ng Kanya Mismong diwa; ang mga ito ay hindi resulta ng papuri ng mga tao, ni hindi rin resulta ng ilang pagboto ng sangkatauhan. Kaya paano lumitaw ang mga ito? Ito ay dahil lang sa ipinapahayag ng Diyos ang katotohanan at inilalantad ang mga hiwagang ito kaya nakikilala ng tao na ang katawang-taong ito ay ang Diyos Mismo, nagtataglay ng pagkakakilanlan at katayuan ng Diyos. Sinasabi ng ilang tao, "Bakit nagpapatotoo ang Diyos sa Kanyang sarili?" Ito ay dahil hindi kilala ng sangkatauhan ang Diyos, at may kakayahan lang na labanan at kondenahin ang Diyos, at kaya sa pamamagitan lang ng pagpapahayag ng Diyos ng katotohanan mapapatotohanan ang Kanyang sariling pagkakakilanlan at katayuan—kahit na may kaunting kaliwanagan ang isang tao mula sa Banal na Espiritu, maaaring hindi niya tiyak na magawang patotohanan ito nang malinaw—dapat magpatotoo ang Diyos sa Kanyang sarili para makamit ang ninanais na resulta. Makakamit ba ng pag-asa sa pagpapatotoo ng sangkatauhan sa Diyos ang nilalayong resulta? (Hindi.) Bakit hindi? (Sadyang hindi kilala ng tao ang Diyos.) Tama iyan; ito ay dahil hindi kilala ng sangkatauhan ang Diyos—walang sinumang nakakakilala sa Diyos. Samakatwid, ang Diyos ay nagkatawang-tao, naging Anak ng tao, at nagsimulang magpakita at gumawa, nananawagan sa sangkatauhan upang marinig ng lahat ang mga pagbigkas at salita ng Diyos. Pagkatapos ay nagsimulang gumawa ang Banal na Espiritu, tinitipon ang mga tao, at pagkatapos ay nagsimulang magsalita ang Diyos sa mga tao at gumawa sa gitna nila. Sa simula, hindi ito matanggap ng ilang indibidwal; mayroon silang mga kuru-kuro tungkol sa Diyos na nagkatawang-tao at hindi nila kilala o nauunawaan ang Diyos. Gayumpaman, gumagawa ng dakilang gawain ang Banal na Espiritu, at itinataguyod ng Diyos Mismo ang Kanyang sariling gawain. Sa pamamagitan ng mga taon na ito ng pagsasalita at paggawa, hindi ba't nakilala ng mga tao ang pagkakakilanlan at katayuan ng Diyos sa isang antas? (Oo.)
Maraming tao ang nanampalataya na sa Diyos nang maraming taon habang wala pa ring pagkakilala sa Kanya—at habang may maraming kuru-kuro at imahinasyon, o mga karumihan ng kalooban ng tao, patungkol sa Kanyang pagkakakilanlan at katayuan, sa partikular—ngunit mula sa pagsasalita at paggawa ng Diyos, pagtupad sa Kanyang responsabilidad sa mga tao, at paggugol ng Kanyang sarili para sa kanila sa paglipas ng lahat ng taon na ito, isang resulta na ang makikita. Alam ba ninyo kung ano ang resultang ito? (Sa tingin ko ang resultang ito ay na nalupig na ang mga tao ng mga salita ng Diyos, at kinailangan nilang kilalanin ang diwa ng Diyos.) Tama na nalupig na ang mga tao. Bagama't mayroon pang lalakbayin ang mga tao bago sila makamit ng Diyos, nalupig na Niya sila. Kaya, ano ang ebidensya na nalupig na ang mga tao? Sa pinakasimula, noong magpatotoo ang Diyos na ang taong ito ay ang Diyos na nagkatawang-tao, maraming tao ang nagkaroon ng mga kuru-kuro, nakaramdam ng paglaban, at hindi handang kilalanin o tanggapin ang katunayang ito. Ngayon, gayunman, kayong mga tao—kabilang ang mga nasa inyo na noong una ay ayaw kilalanin na ang taong ito ay ang Diyos, ang Diyos na nagkatawang-tao, kahit kaunti—ay nakakaupo, puno ng pasensya at pananabik, at tahimik at taimtim na nakikinig sa Aking pagbabahagi. Ito pa lang ay sapat na para patunayan na nalupig na ng Diyos ang mga tao, hindi ba? (Oo.) Mahigit sampung taon na ang nakalipas, sa Aking mga pagtitipon at pagbabahaginan kasama ninyo, pagkatapos Kong magsalita nang halos apatnapung minuto, maraming tao ang hindi na mapakali sa pag-upo. Ang ilan ay pupunta sa palikuran, ang ilan ay iinom ng tubig, ang ilan ay magbubulungan, at ang ilan ay hihikab at mag-iinat. Halos higit sa animnapung porsyento ng mga tao ang magiging aligaga. Hindi nila maunawaan ang sinasabi Ko, hindi nila ito maarok, at hindi nila ito maintindihan. Sabihin ninyo sa Akin, hindi ba’t nakakapagod para sa Akin na makipagbahaginan sa inyo? Nakita Ko na masyadong mababa ang inyong tayog, at hindi kayo makaupo nang tahimik para makinig sa mga sermon—hindi ba't para lang kayong mga bata sa kindergarten na hindi makaintindi sa sinasabi ng mga tao sa kanila? Kaya kailangan Kong maging mapagpasensya, at matiyagang makipagbahaginan at gumabay sa inyo. Kalaunan, habang mas nakikinig at nakakaunawa ng ilang bagay ang mga tao, at nagsimula silang maging interesado sa katotohanan, unti-unti, paunti nang paunti ang mga taong nagbubulungan, at paunti nang paunti ang mga taong humihikab at nag-iinat. Sa mga pagtitipon, karamihan sa mga tao ay nakikinig na ngayon sa mga sermon nang may buong atensyon; nakakaupo sila nang tahimik at naiintindihan nila ang mga ito, at naaarok ang mga pangunahing kaalaman ng daan ng buhay. Mayroon ding isa pang magandang palatandaan: Kapag nagsasalita Ako tungkol sa ilang aspekto ng mga katotohanang prinsipyo, maraming tao ang nagmamadaling magtala. Pagkarinig sa mahahalaga at kritikal na salita, mabilis nila itong isinusulat upang mapagnilayan nila ang mga ito pagkatapos. Napakaganda nito! Ang mga taong ito ay tunay na may abilidad na umarok; nagsimula na silang magsikap sa katotohanan at marunong silang tumuon sa realidad. Maging sa karaniwan Kong pagbabahagi o kapag nakikipagkuwentuhan sa mga tao, hangga't ang nilalaman ay kinasasangkutan ng mga katotohanang prinsipyo, taimtim na nakikinig at nagtatala ang mga tao; isa itong magandang palatandaan. Tulad ng nakikita mo, sa buong paglalakbay na ito, hakbang-hakbang, pabuti nang pabuti ang mga kalagayan ng mga tao. Dagdag pa rito, tulad ng makikita mula sa mga video at pelikula ng mga patotoong batay sa karanasan na ginawa ng sambahayan ng Diyos, maraming tao ang nagkaroon ng ilang tunay na karanasan mula noong una nilang simulan ang paggampan sa kanilang mga tungkulin hanggang ngayon. Kaya ano ang naging pinakamalaking nakamit ng mga tao? Ito ay na kaya nilang tingnan at danasin ang lahat ng uri ng bagay batay sa iba't ibang katotohanang ibinahagi Ko sa paglipas ng mga taon. Naunawaan na nilang lahat ang ilang katotohanan at kaya nilang lutasin ang ilang problema; nagkamit sila ng kaunting pag-arok at pagkaunawa sa mga layunin ng Diyos, natuto silang magpasakop sa Diyos, at nagkaroon ng mga pagbabago sa kanilang mga buhay disposisyon. Hindi ba't ang mga bagay na ito ang kanilang nakamit? (Oo.) Noon, nang una kayong magsimulang makinig sa mga sermon, hindi kayo mapakali sa pag-upo. Sinasabi ng ilang tao na maaaring dahil ito sa pagiging bata ninyo. Sa katunayan, hindi ganoon ang sitwasyon; kahit ang mga taong nasa edad apatnapu at limampu ay hindi mapakali sa pag-upo, dahil hindi sila makaunawa at hindi nila ito maabot. Pakiramdam nila ay tama ang bawat salitang naririnig nila, pero sa sandaling makarinig sila ng isang bagay na hindi umaayon sa kanilang mga kuru-kuro, hindi nila ito matanggap sa loob-loob nila, at pagkatapos ay magsisimula silang maupo nang nakakuba, umugoy-ugoy, o magbulungan, nang walang kahit katiting na normal na wangis ng tao. Kaya kinailangan Kong magsalita nang may pasensya. Nagsalita Ako sa loob ng napakaraming taon, nagsasalita nang paunti-unti tungkol sa lahat ng uri ng isyu, binibigyang-kakayahan ang lahat na maarok ang mga pangunahing kaalaman. Bagama't maraming tao ang walang gaanong karanasan patungkol sa buhay pagpasok ngayon, at kadalasan ay wala silang buhay pagpasok, kahit papaano man lang, ano ang nararamdaman nila? Naging interesado sila sa katotohanan at mayroon silang kamalayan dito, at nakabuo sila ng kaunting pagkagiliw para sa katotohanan sa kanilang puso. Mayroon silang kaunting konsepto tungkol sa katotohanan at sa mga positibong bagay, kaunting konsepto kung paano umasal, kaunting konsepto ng pagkilos ayon sa mga katotohanang prinsipyo, at kaunting konsepto ng pagtatamo ng kaligtasan. Samakatwid, nakakaupo sila nang tahimik at naiintindihan ito kapag nakikinig sa mga sermon. Ang pagkakaroon ng konsepto sa mga bagay na ito ay nangangahulugang nalupig na sila ng mga salitang ito at ng mga katotohanang ito. Kinilala nila na ang mga salitang ito ay ang katotohanan, kinilala na may pagkakaiba sa pagitan ng mga positibo at negatibong bagay, at kinilala na ang lahat ng sinasabi at ginagawa ng Diyos ay ang katotohanan, at lahat ay para sa kapakanan ng pagliligtas sa tao. Nakikita mo, ang magbago ang mga tao mula sa hindi mapakali sa pag-upo, tungo sa nakakaupo nang tahimik at kinikilala na ang mga salita ng Diyos ay ang katotohanan at na ang lahat ng ginagawa ng Diyos ay pagliligtas—ilang taon ang inabot para makagawa ng gayon kalaking paglukso? Ilang salita ang kinailangan Kong sabihin, at gaano karaming gawain ang kinailangan Kong gawin? Sa usapin lang ng gawaing ginawa Ko sa tao—paglalantad sa kanyang tiwaling diwa, pagbabago sa kanyang mga kaisipan at pananaw, paglutas sa kanyang mga tiwaling disposisyon, pagtulong sa kanya na maunawaan ang katotohanan at makamit ang pagpapasakop sa Diyos, pagdadala sa kanya sa tamang landas ng pagtatamo ng kaligtasan—ilang salita ang kinailangan Kong sabihin para makamit ang mga resultang ito? Sabihin ninyo sa Akin, magagawa ba ng isang tao ang gawaing ito? Sino sa mga may katayuan ang makakagawa ng gawaing ito? (Walang sinuman ang makakagawa nito.) Sa isang banda, hindi ito magagawa ng tao. Sa kabilang banda, kahit na may isang taong nagsasalita at kumikilos, at ang mga salitang sinabi niya ay pawang tama at interesado ang iba sa mga ito, kung hindi gumawa ang Banal na Espiritu, makakamit ba ng napakaraming taong nakikinig at nangangaral ng mga salita ng taong ito ang mga resultang mayroon tayo ngayon? (Hindi; hindi nito maaantig ang puso ng mga tao.) Ang mga salita ng Diyos at ang Espiritu ng Diyos ay magkatuwang na gumagawa para gawin ang gawaing ito. Ang Diyos na nagkatawang-tao ay nagsasalita at gumagawa nang may koordinasyon sa Espiritu ng Diyos, habang ang Espiritu ng Diyos ay sabay na nakikipag-ugnayan sa mga salitang ipinapahayag ng Diyos na nagkatawang-tao para gabayan at bigyang-liwanag ang mga tao sa kanilang pang-araw-araw na buhay. Ang kombinasyon ng dalawang aspektong ito ay nakapagkamit ng mga resultang mayroon tayo ngayon, pati na rin ang mga resultang makakamit sa hinaharap. Sabihin ninyo sa Akin, ang katayuan ba ng ordinaryong taong ito—ng Diyos na nagkatawang-tao—ay isa lang katayuan? Hindi. Ang katayuan Niyang ito ay hindi isang uri ng posisyon. Hindi ito isang simbolo ng matayog na imahe o kapangyarihan ng isang tao tulad ng maaaring itawag dito ng mga tao. Ano ito, kung gayon? (Ito ay isang simbolo ng diwa ng Diyos.) Ang Kanyang katayuan ay isang simbolo na taglay Niya ang katotohanan, ang daan, at ang buhay. Sabihin ninyo sa Akin, kapag ang sinumang tiwaling tao na may katayuan ay gumagawa ng mga bagay-bagay, mayroon ba silang pakikipagtulungan ng Diyos sa langit? (Wala.) Samakatwid, ang katayuan ng Diyos na nagkatawang-tao ay hindi katayuan sa simpleng kahulugan, kundi sa halip ay isang simbolo ng pagkakakilanlan, diwa, at buhay ng Diyos. Ano ang ibig Kong sabihin sa pagsasabi nito? Na hindi mo dapat tratuhin ang Diyos na nagkatawang-tao tulad ng pagtrato mo sa sinumang taong may katayuan sa mundo. Kapag tinatrato mo ang mga taong may katayuan sa mundo, gumagamit ka ng mga pilosopiya para sa mga makamundong pakikitungo para makisama sa kanila. Kailangan mong yumukod at magpakumbaba sa kanila, pakiramdaman sila at bantayan ang kanilang ekspresyon, at magsabi ng magagandang bagay para palugdan sila; hindi ka maaaring magsalita nang matapat, hindi ka maaaring magpakita ng anumang lakas, hindi mo maaaring agawin ang kanilang eksena, at iba pa; kung hindi ay susupilin ka nila o papahirapan ka nila. Gayumpaman, kapag nakikisama at nakikipag-ugnayan ka sa Diyos na nagkatawang-tao, ang dapat mong sundin ay ang mga katotohanang prinsipyo. Kung nakikisama at nakikipag-ugnayan ka sa Kanya ayon sa mga katotohanang prinsipyo at kaya mo Siyang tratuhin nang tama, kahit na hindi mo seryosohin ang Kanyang katayuan, hindi Siya lubos na igalang, pagpitaganan, o tingalain, at hindi ka maglangis at mambola sa Kanya, tatratuhin ka pa rin Niya nang tama, hindi ba? (Oo.) Sinasabi ninyong "Oo," pero kaya ba talaga ninyong tratuhin ang Diyos na nagkatawang-tao ayon sa mga katotohanang prinsipyo? (Pakiramdam ko ay hindi ko pa ito kaya; maaari ko lang itong pagsikapan.) Dapat kang magsikap nang husto para pagsikapan ito. Ang pinakamahalagang punto ay dapat mong hangarin ang katotohanan, at hanapin ang mga katotohanang prinsipyo sa lahat ng bagay; pagkatapos ay unti-unti mo itong makakaya. Kung tutuon ka sa katotohanan, mararamdaman mo na bagama't taglay ng Diyos na nagkatawang-tao ang espesyal na katayuang ito, ganap Siyang naiiba sa mga taong may katayuan sa gitna ng tiwaling sangkatauhan. Kapag napagtanto mo ito, at kinilala mo na Siya ay isang taong may dibinong diwa at pagkakakilanlan ng Diyos, tatratuhin mo Siya ayon sa mga katotohanang prinsipyo. Magkakaroon ka ng pagmamahal at paggalang sa Kanya sa iyong puso, at tatratuhin mo Siya nang bukas at matapat. Kasabay nito, magiging masunurin at mapagpasakop ka rin mula sa posisyon ng isang nilikha; gugustuhin mong maging ganito, at magkakaroon ka ng gayong mga pagpapamalas. Kung hindi mo ito mapagtatanto, palagi mong pagbubulay-bulayan, "Tingnan mo kung gaano kagara ang dating ng mga taong may katayuan sa lipunan; saanman sila magpunta, pinagkakaguluhan sila ng mga tao. Edukado sila at nagsasalita sa isang pinong paraan. Ang kanilang hitsura, estilo ng pananamit, at pag-aayos ay nagbibigay sa kanila ng awra ng pagiging kagalang-galang, at ang kanilang mga ekspresyon at ang paraan ng kanilang paglalakad ay elegante. Isang tingin lang at masasabi mong hindi sila mga ordinaryong tao. At tingnan mo ang kaayusan na mayroon sila: Mayroon silang mga personal na katulong para tulungan sila sa buhay at trabaho, mga pangkat ng mga personal na tagapagluto para sa kanilang mga pangangailangan sa pagkain, mga pangkat ng mga personal na kalihim para magsulat ng mga artikulo para sa kanila, at mga pangkat ng mga tagapayo at lupon ng mga dalubhasa para talakayin ang mga pangunahing usapin. Mayroon silang mga personal na tsuper kapag lumalabas sila, at mga personal na piloto kapag kailangan nilang lumipad, at tumutuloy sila sa mga mamahaling hotel saanman sila magpunta. Ang lahat ng ito ay mga pagsasaayos sa pinakamataas na antas. Dahil may katayuan ang Diyos, bakit hindi Siya nakakatanggap ng gayong pagtrato? Kung nakatanggap Siya ng gayong pagtrato, hindi ba't magkakaroon din ng prestihiyo tayong mga tagasunod? Ang paglalatag ng isang pulang alpombra para sa Kanya sa alinmang bansa Siya magpunta, at ang pagpila ng maraming tao para salubungin Siya sa alinmang lugar na bisitahin Niya—napakaprestihiyoso niyon!" Kapag nagkamit ka ng pagkakilala sa Diyos, hindi ka na magkakaroon ng mga hinihinging ito o ng mga kaisipang ito.
Bagama't ang Diyos na nagkatawang-tao ay namumuhay sa gitna ng tiwaling sangkatauhan, hindi Siya miyembro ng tiwaling sangkatauhan, kaya wala Siyang mga pangangailangan na mayroon ang mga tiwaling tao pagdating sa mga bagay na tulad ng tinatawag na reputasyon at katayuan. Bakit wala Siyang mga pangangailangan na mayroon ang mga tiwaling tao? Dahil hindi Niya kapareho ng mga pananaw ang mga tiwaling tao pagdating sa katayuan at sa tinatawag na "halaga" ng isang tao. Hindi Siya sumailalim sa pagpoproseso o ginawang tiwali tulad ng mga tiwaling tao, at hindi Niya kapareho ng mga kaisipan at pananaw ang mga tiwaling tao pagdating sa herarkiya at sa pagtatamasa ng katayuan. Kaya, para sa Akin lang, wala Ako ng mga bagay na ito sa Aking puso pagdating sa katayuan at sa halaga ng isang tao. Ang tanging nasa Aking puso ay ang simpleng pagkagiliw na makasama ang mga tao na parang isang pamilya, nag-uusap tungkol sa mga usapin sa buhay at gawain, at nag-uusap tungkol sa iba't ibang paghihirap ng mga tao. Ayaw Kong gumawa ng anumang magarbong pagpapakita, at lalong ayaw Ko sa tinatawag na pagiging elegante. Maraming beses Ko na itong sinabi sa inyo, at isa itong bagay na maaaring natatandaan ninyo: Sa sarili Kong buhay, wala Akong anumang mga personal na kasambahay, mga personal na katulong, o mga personal na kalihim. Wala Akong alinman sa mga ito. Tingnan ninyo ang mga taong may matataas na katayuan sa lipunan; mayroon silang mga tao na naglalaba lang ng mga damit nila, mga tao na nagluluto lang ng mga pagkain at naggagawa ng mga tinapay para sa kanila, at mga personal na tsuper. Hindi nila kailangang asikasuhin ang anumang bagay sa buhay nila; may mga tao na nakatalagang mamahala ng mga bagay-bagay para sa kanila. Habang mas mataas ang katayuan ng isang tao, mas malawakan ang kaayusan nila. Kahit ang isang ordinaryong alkalde o gobernador ng probinsya ay may opisyal na tirahan ng alkalde o gobernador, lalo na iyong mga nasa mas matataas pang posisyon. Mayroon bang opisyal na tirahan ang Diyos na nagkatawang-tao? (Wala.) Kung gayon, humingi ba Ako sa iglesia na bigyan Ako nito? (Hindi.) Hindi Ako humingi sa iglesia na bigyan Ako ng opisyal na tirahan, ni hindi Ako humingi ng mga tauhan o mga guwardiya na itatalaga sa Akin, lalong hindi Ako humingi ng anumang iba pa. Ang tanging ginagawa ng mga tao sa pangkat ng mga tagasuri ng teksto ay inaayos ang mga salita ng Aking mga sermon at pagbabahagi, tinitipon ang mga ito sa teksto, at ipinapamahagi ang mga ito. Maaari silang ituring na mga espesyalistang tauhan sa gawain, pero ginagampanan nila ang tungkulin nila; hindi sila gumagawa ng mga bagay nang personal para sa Akin. Ito ay ang gawain ng iglesia. Kaya, inabala Ko ba kayo kailanman sa mga personal Kong usapin? (Hindi.) Ang paglalaba para sa Akin, pagluluto para sa Akin, paglilinis ng Aking kuwarto, personal na paglalakbay—inabala Ko ba kayo kailanman sa mga bagay na ito? Humingi ba Ako kailanman sa iglesia na bigyan Ako ng mga personal na kasambahay o mga personal na katulong? Hindi Ako kailanman humingi ng mga gayong bagay. Sabihin ninyo sa Akin, nakakainis ba para sa Akin ang hindi pagkakaroon ng gayong mga bagay? Nakakalungkot ba ito para sa Akin? Dapat Ko ba kayong sumbatan sabihan na wala kayong konsensiya? Hindi Ko kayo sinumbatan kailanman tungkol sa gayong mga usapin, lalong hindi Ako humingi ng anuman sa inyo. Ako ang nag-aasikaso ng sarili Kong pagkain, pananamit, tirahan, at transportasyon. Kadalasan ay nagsusuot Ako ng mga kaswal na damit, at sa mga pagtitipon ay nagsusuot Ako ng pormal na suit; napakasimple nito. Bihira Kong ipa-dry-clean ang Aking mga damit; karaniwang nilalabhan ang mga ito nang mano-mano o sa washing machine. Kapag nag-aalaga Ako ng aso, hindi ito isang mamahaling lahi. Sinusunod at ginagaya ng karamihan sa mga tao kung ano ang kinakain, isinusuot, at ginagamit ng mga tanyag na tao at mga taong may katayuan sa mundo. Nakikita mo ba na katulad Ako nila? Kapag nakikita ng ilang tao ang lahi ng alagang aso ng isang sikat na tao, gusto rin nilang magkaroon ng ganoon. May ganitong pananaw ang lahat ng walang pananampalataya; kahit sa pag-aalaga ng aso, sinusunod nila ang mga uso at kailangang makakuha ng mamahaling lahi, ang uri ng aso na inaalagaan ng mga sikat na tao. Ang asong inaalagaan Ko ay isang ordinaryong aso lang. Hangga't may magandang personalidad ang aso, malambing at tapat, masunurin, nakakaunawa ng mga bagay-bagay, nakakasundo ng mga tao, at hindi nagpapasasa sa kaginhawahan, ayos na iyon. Sinasabi ng ilang tao, "Hindi ba't napakadali para sa Iyo na mag-alaga ng isang mamahaling lahi?" Magiging napakadali nito, pero hindi Ko iyon magugustuhan. Hindi Ako kailanman nag-uusisa tungkol sa kung ano ang isinusuot o ginagamit ng mga sikat na tao, ni hindi Ako naglalaan ng pagsisikap na hanapin ito. Hindi Ako tulad ng ilang tao na, sa sandaling magkaroon sila ng katayuan, ay nag-iisip na, "Isa na rin akong tanyag na tao ngayon. Kailangan kong gayahin anuman ang kinakain, isinusuot, ginagamit ng mga tanyag na tao, at anumang mga sasakyan ang sinasakyan nila kapag lumalabas sila. Hindi ako puwedeng mapag-iwanan." Hindi Ako kailanman naglaan ng pagsisikap sa mga bagay na ito. Hindi Ko alam kung isa Akong tanyag na tao, ni wala Akong pakialam. Ano't anuman, sa anumang ginagawa Ko—sa lahat ng aspekto, tulad ng Aking pang-araw-araw na buhay at mga gastusin sa gawain—mayroon Akong sariling mga prinsipyo, sariling mga pangangailangan, sariling saklaw ng mga pagpipilian, at sariling pamantayan. Ang pamantayang ito ay ang maging napakaordinaryo at napakasimple lang; ang maging karaniwan lang ay ayos na. Hangga't ang Aking pananamit, pag-aayos, at pagkain, tirahan, at transportasyon ay sa paraang nagbibigay sa Akin ng paggalang ang mga tao kapag nakikita nila ang mga ito, at kahit papaano ay mukha Akong isang kagalang-galang at matuwid na tao, sapat na iyon; ganoon lang iyon kasimple. Pagdating naman sa kung titingalain ba Ako ng mga tao, at kung anong katayuan ang tataglayin Ko sa puso nila, pagkatapos nilang makita ang paraan ng Aking pananamit, pag-aayos sa Aking sarili, at hitsura, walang anuman sa mga ito ang mahalaga sa Akin. Sa tingin ba ninyo ay mayroon Akong anumang labis na mga hinihingi pagdating sa katayuan? (Wala.) Ito ay isang bagay na hindi ninyo kayang isipin at hindi ninyo maarok. Sa madaling salita, hinihingi Ko lang na magawa ninyong paniwalaan ang sinasabi Ko sa inyo. Ito mismo ay napakahirap na para sa iyo. Alam mo sa sarili mo kung ano ang nasa sarili mong isipan at kung ano ang iniisip mo. Ang magawang paniwalaan ang mga salitang ito na sinabi Ko, tanggapin ang mga ito bilang katotohanan, at tanggapin ang mga ito bilang katunayan, ay napakahirap para sa iyo. Sa anong pundasyon ito dapat itayo? Dapat itong itayo sa pundasyon ng pagtitiwala, hindi ba? (Oo.) Ang mga ito ang Aking mga kaisipan at pananaw sa katayuan, at ang mga ito ang Aking mga kaukulang pagpapamalas. Bagama't wala Ako ng mga karaniwang palamuti ng katayuan na ipinagmamalaki sa paningin ng tao o na hinihingi ng tao, hindi nito naaapektuhan ang gawaing ginagawa Ko kahit kaunti, ni hindi Ako naaapektuhan nito sa pagtupad ng Aking responsabilidad sa inyo. Hinding-hindi Ko pagagandahin ang Aking sarili para tingalain ninyo Ako alang-alang sa katayuan. Sa katunayan, nakikinig kayo sa mga sermon hanggang ngayon at maayos pa rin ang inyong kalagayan, at kung huhusgahan batay sa inyong mga kasalukuyang pagpapamalas, umuunlad kayong lahat sa isang positibong direksyon. Samakatwid, ang paghahangad ng katayuan, imahe, at mga palamuti ng katayuan ay walang silbi. Tanging ang katotohanan ang makalulupig sa tao, at tanging ang katotohanan ang makapagpapabago sa tao. Kayang baguhin ng mga salita ng Diyos ang sangkatauhan at kaya rin nitong likhain ang lahat ng bagay. Sa isang banda, ito ang resultang nakamit ng kapangyarihan ng mga salita ng Diyos at ng awtoridad ng mga salita ng Diyos. Sa kabilang banda, ito rin ang resultang nakamit ng gawain ng Espiritu ng Diyos. Walang anumang maipagmamalaki ang tao; ito ay dahil mabuti ang mga salita ng Diyos, mabuti ang katotohanan, at ang gawain ng Diyos at ang gawaing ginawa ng Espiritu ng Diyos sa tao ay sadyang napakabuti. Sa paggawa ng Diyos ng gawain sa ganitong paraan at pagkamit ng resultang ito sa tao, nakikita ba ninyo na ang pariralang "ang mga salita ng Diyos ay kaligtasan sa tao" ay totoo? (Oo.) Tapat ang Diyos, hindi kailanman nabibigo ang mga salita ng Diyos, at ang Diyos ay makapangyarihan din sa lahat—gaano man tila hamak ang Diyos na nagkatawang-tao, o gaano man tila kaliit ang lakas na mayroon Siya, hindi ito mahalaga; walang anuman sa mga ito ang makaaapekto sa Kanyang pagpapahayag ng katotohanan, ni hindi nito maaapektuhan ang mga resultang nakakamit ng Kanyang mga salita sa tao. Kahit na ang Diyos na nagkatawang-tao ay maaaring magmukhang napakahamak sa panlabas, maaaring magmukhang normal at praktikal, at maaaring maliitin ng tao—at maaari pa ngang magkaroon ang tao ng mga kuru-kuro at pagkamapanlaban sa Kanya anumang oras—dahil taglay Niya ang diwa ng Diyos at ang buhay ng Diyos, ang katotohanang ipinapahayag Niya ay ganap na may kakayahang lupigin ang tao. Sa huli, kaya rin Niyang dalhin ang tao sa harap ng Diyos, at alisin sa kanya ang kanyang mga tiwaling disposisyon para makamit siya ng Diyos, isinasakatuparan ang anim-na-libong-taong plano ng pamamahala ng Diyos at tinatapos ang planong ito. Samakatwid, ang katayuan, imahe, at iba pang gayong mga bagay na may kinalaman sa Diyos na nagkatawang-tao ay hindi mahalaga. Ano ang mahalaga? (Na ang Diyos na nagkatawang-tao ay may diwa ng Diyos; na Siya ang katotohanan, ang daan, at ang buhay, at kaya Niyang ipahayag ang mga salita ng Diyos.) Ang mahalaga ay ang Diyos na nagkatawang-taong ito ay hindi lang may katayuan ng Diyos, kundi taglay rin Niya ang pagkakakilanlan at diwa ng Diyos. Kaya Niyang ipahayag ang mga salita ng Diyos, at kaya ng Kanyang mga salita na lupigin ang tao, iligtas ang tao, at gawing perpekto ang tao, upang ganap siyang makamit ng Diyos. Ito ang pinakamahalaga.
Nakatutulong ba ang pagbabahaginan tungkol sa mga paksang ito na may kinalaman sa Diyos na nagkatawang-tao para makilala ng tao ang Diyos? (Oo.) Anumang paksa ang ibahagi Ko sa inyo, kabilang ang iba't ibang paksa na may kinalaman sa Diyos na nagkatawang-tao, hindi ito kailanman para tingalain at igalang ninyo Ako, at pagkatapos ay pilitin kayong tanggapin ang kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos at tanggapin ang kontrol ng Diyos, nililimitahan kayo para gawin ninyo ang sinasabi ng Diyos. Dapat ninyong maunawaan ang Aking saloobin sa inyo. Sa tuwing pinagkakalooban Ko kayo ng ilang aspekto ng katotohanan, malinaw Akong nagbabahagi tungkol dito para maunawaan ninyo ito, at pagkatapos ay mapagbulayan at maranasan ninyo mismo ito. Iyong mga may kahandaang tumanggap ng katotohanan at magmahal sa mga positibong bagay ay susubukang tanggapin nang unti-unti ang mga pananaw at pahayag na ito na ibinabahagi Ko, at pagkatapos ay magsasagawa ayon sa mga salitang ito para lutasin ang mga paghihirap at problema sa sarili nilang buhay. Kung ang isang tao ay hindi handang tumanggap ng katotohanan at tumanggap ng mga positibong bagay, at nararamdaman lang niya sa kanyang puso na mabuti ang mga salitang ito habang hindi naman talaga isinasagawa ang mga ito—sa halip ay iniimbak lang ang mga ito sa kanyang utak bilang isang uri ng teorya at hinahayaan na lang na ganoon—hindi natin kinokondena ang gayong mga tao. Ano ang dahilan kung bakit hindi natin sila kinokondena? Sa isang banda, may karapatan ang mga tao na pumili ng landas na tatahakin. Sa kabilang banda, maaaring talagang bata pa ang ilang tao sa ngayon, may mababang tayog at mababaw na pundasyon. Kailangan nilang dumanas ng matinding pagpipino at kapighatian, at dumanas ng ilang malaking paghihirap sa buhay, bago nila mapagnilayan ang mga positibong bagay at ang buhay ng tao. Para sa ilang iba pang tao, maaaring hindi ito dahil bata pa sila, kundi dahil hindi pa sila nakararanas ng sapat na mga bagay at hindi pa sila nagigising. Wala silang anumang konsepto tungkol sa mga positibong bagay at mga negatibong bagay, o sa paghahangad sa katotohanan para magtamo ng kaligtasan. Sa madaling salita, hindi pa nabubuksan ang kanilang mga isipan, at hindi nila alam ang layunin at kabuluhan ng pananampalataya sa Diyos. Iniisip lang nila na ang pananampalataya sa Diyos ay isang anyo ng relihiyosong seremonya, na ang pananampalataya sa Diyos ay mabuti, na ang pananampalataya sa Diyos ay nangangahulugan lang ng pagiging isang mabuting tao at hindi paggawa ng masasamang bagay, at nagbibigay-daan din ito para magkaroon sila ng isang magandang hantungan at isang magandang kinalabasan—ganoon ito kasimple sa isip nila. Kaya, wala silang konsepto ng paghahangad sa katotohanan o ng mga positibong bagay at mga negatibong bagay. Marahil ang isang bahagi ng mga taong ito ay susulong pagkatapos makaranas ng ilang espesyal na usapin, at magagawa nilang tanggapin ang katotohanan at tanggapin ang mga positibong bagay, at tunay na magbago. Samantala, may isa pang bahagi ng mga tao na hindi kailanman nakaranas ng anumang malaking paghihirap, o nananatiling partikular na matigas ang kalooban kahit pagkatapos maranasan ang mga ito; hindi sila kailanman tunay na nagbabago, nananatili silang walang kakayahang tanggapin ang katotohanan at tanggapin ang mga positibong bagay, at gusto pa rin nilang sundin ang sarili nilang kalooban at gawin ang anumang gusto nila sa kung paano sila kumilos, tinutugunan lang ang sarili nilang mga pagnanais. Dahil dito, ang grupong ito ng mga tao, sa huli, ay mabibigong sumulong at hindi magtatamo ng katotohanan. Anuman ang maranasan ng mga tao sa panahon ng kanilang pananampalataya sa Diyos, iyong mga kayang tumanggap ng katotohanan, sa huli, ay makapagtatamo ng kaligtasan. Iyong mga hindi kayang tumanggap ng katotohanan, sa huli, ay hindi kailanman tunay na magsisisi, at hindi kailanman tunay na tatanggap o magpapasakop sa katotohanan. Walang kabuluhan ang pananampalataya ng gayong mga tao, at sa huli ay hindi sila makapagtatamo ng kaligtasan. Maaaring gumagawa sila ng mabubuting gawa habang ginagampanan ang kanilang mga tungkulin sa panahong ito; kung gayon, ang pinakamabuti na lang na mangyayari ay makapananatili silang buhay sa huli. Para sa Akin, ang Aking saloobin sa inyo ay gagawin Ko ang Aking pinakamakakaya para makipagbahaginan sa inyo tungkol sa iba't ibang aspekto ng katotohanan, kabilang ang katotohanan na may kinalaman sa Diyos na nagkatawang-tao, mula sa maraming anggulo at perspektiba. Ang katotohanang may kinalaman sa kung paano tratuhin ang katayuan, na kakatalakay lang natin, ay naglalayong tulungan kayong maunawaan kung paano ninyo dapat tratuhin ang katayuan at tulungan kayong magtatag ng mga tamang kaisipan at pananaw sa katayuan. Ang Aking mga kaisipan at pananaw tungkol sa katayuan, pati na rin ang Aking pamumuhay, ay umuusbong dahil sa Aking espesyal na pagkakakilanlan. Kung gayon, ang Aking mga kaisipan at pananaw ba sa katayuan, na resulta ng Aking espesyal na pagkakakilanlan, ay ang katotohanan? Mga positibong bagay ba ang mga ito? Ang mga ito ba ang dapat taglayin ng mga tiwaling tao para magtamo sila ng kaligtasan? Ang mga ito ba ang dapat taglayin ng mga nilikha? (Oo.) Dahil ang mga tinalakay Ko ay mga katotohanan at mga positibong bagay, anuman ang pagkakakilanlan na ginagamit Ko sa pagtrato sa katayuang ito, at anuman ang Aking saloobin, dapat ninyong tanggapin ang mga salitang ito bilang katotohanan. Ang mga ito ang Aking mga kaisipan at pananaw, pero ang mga ito ay ang katotohanan, kaya dapat ninyong tanggapin ang mga ito, isaisip ang mga ito, at tratuhin ang katayuan ayon sa mga tamang pananaw. Ang layon Ko sa pagtalakay sa mga paksang ito at pakikipagbahaginan tungkol sa nilalamang ito sa inyo ay para ipaunawa sa inyo ang isang aspekto ng katotohanan. Hindi Ko tinatalakay ang mga bagay na ito bilang isang paraan ng pagbibigay-katwiran o pagtatanggol sa Aking sarili, lalong hindi Ko ginagawa ito para ipaalam sa inyo na naiiba Ako sa iba o na Ako ay isang pambihirang tao. Kung napagtatanto lang ninyo na ang Diyos na nagkatawang-tao ay walang katiwalian, na ang Diyos na nagkatawang-tao ay hindi isang ordinaryong miyembro ng sangkatauhan, at na Siya ay isang espesyal na tao, hindi ito ang buong katotohanan na gusto Kong maunawaan ninyo. Anuman ang nilalamang ibahagi Ko, at anuman ang mga partikular na halimbawa ang nasasangkot, sa huli ay nauuwi ang lahat ng ito sa pagtulong sa inyo na maunawaan ang katotohanan. Ang lahat ng ibinibigay Ko sa inyo at ibinabahagi Ko sa inyo ay may kinalaman sa mga pananaw ng pagtrato sa lahat ng uri ng bagay. Ang hinihingi Ko sa inyo ay magawa ninyong maunawaan at tanggapin ang mga tamang kaisipan at pananaw, at makilala at talikuran ang mga maling kaisipan at pananaw na iyon. Ibig sabihin, dapat ninyong magawang kilatisin ang mga positibong bagay pati na rin ang mga negatibong bagay, tanggapin ang mga positibong bagay, at bitawan ang mga negatibong bagay. Kung huhusgahan batay sa mga paksa tungkol sa kung paano tratuhin ang katayuan na Aking ibinahagi, masasabi ba ninyo na ang Aking mga kaisipan, pananaw, prinsipyo, at pamamaraan tungkol sa katayuan ay mga positibong bagay? Umaayon ba ang mga ito sa katotohanan? Ang mga ito ba ay mga katotohanang prinsipyo na dapat ninyong sundin? (Oo.) Kung naunawaan ninyo Ako, hindi Ko sinabi ang mga salitang ito nang walang kabuluhan. Ano ang mga kaisipan at pananaw ng mga walang pananampalataya tungkol sa katayuan? Mayroon bang anumang mga aspekto ng mga ito na umaayon sa katotohanan o sa pagkatao? Ano ang diwa ng kanilang mga kaisipan at pananaw tungkol sa katayuan? Kasuklam-suklam at buktot ba ito? (Oo.) Ang kanilang mga kaisipan at pananaw ay pawang makasarili, kasuklam-suklam, at buktot; ginagawang tiwali at pinipinsala ng mga ito ang lahat ng tao. Mayroon ka mang katayuan sa gitna ng mga tao o wala, kung ang tinatanggap mo ay ang mga walang-katotohanang kaisipan at pananaw na ito, kahit na mayroon kang katayuan, isa ka sa mga biktima ng mga kaisipan at pananaw na ito; kahit na isa kang tao na may mga pansariling interes, isa ka sa mga biktima ng mga ito; kahit na kabilang ka sa naghaharing uri, isa ka sa mga biktima ng mga ito. Ano ang ibig sabihin ng maging isang biktima ng mga kaisipan at pananaw na ito? Nangangahulugan ito na isa ka ring tao na ginawang tiwali at pininsala ng gayong mga kaisipan at pananaw, at ng gayong masasamang kalakaran. Dahil ang tinatanggap mo ay mga walang-katotohanan at buktot na kaisipan at pananaw, at dahil hindi mo lang tinatanggap ang mga ito kundi inilalapat mo rin ang mga ito, isa ka sa mga biktima ng mga ito. Kung gayon, paano makakaahon ang isang tao mula sa katiwalian at pamiminsalang ito, at maiiwasang mas mapahamak pa nito? Mayroon lang isang paraan, at iyon ay ang tanggapin ang mga tamang kaisipan at pananaw. Anong mga tamang kaisipan at pananaw? Mga kaisipan at pananaw kung paano tratuhin ang katayuan nang tama: hindi pagpapakontrol o pagpapagapos sa katayuan, hindi paggamit sa katayuan para maghangad ng personal na pakinabang, hindi paggamit sa katayuan para pinsalain at gawing tiwali ang iba o samantalahin ang iba—hindi pagpilit sa iba na gumawa ng anumang bagay. Kapag mayroon kang katayuan, sa lahat ng ginagawa mo, nagagawa mong hanapin ang mga katotohanang prinsipyo, bitawan ang iyong mga personal na interes, at maghimagsik pa nga laban sa mga kaginhawahan at paborableng kondisyon na idinudulot sa iyo ng katayuan, at tanggihan ang mga ito. Sa halip na tamasahin ang mga pakinabang ng katayuan, nagagawa mong tuparin ang iyong mga responsabilidad, tinutupad ang mga responsabilidad na dapat mong tuparin ayon sa katayuang hawak mo. Bagama't hindi marami ang nilalaman ng iilang pangungusap na ito, ang pagsasagawa sa mga ito ay hindi madaling gampanin para sa mga tiwaling tao. Kapag wala kang katayuan, pakiramdam mo ay ang "hindi pagtatamasa sa mga pakinabang ng katayuan" ay isa lang usapin ng paggawa sa kung ano ang sinasabi, at madaling makamit. Pero kapag nagtataglay ka ng katayuan, ang "hindi pagtatamasa sa mga pakinabang ng katayuan" ay hindi na lang isang usapin ng pagsunod sa isang nakatakdang panuntunan. Kinakailangan nitong isuko mo ang mga bagay-bagay, kinakailangan nitong maghimagsik ka, kinakailangan nitong bitawan mo ang mga bagay-bagay, at kinakailangan nitong magsagawa ka ayon sa mga tamang prinsipyo ng pagsasagawa, tinatrato ang lahat nang makatarungan at tinatrato ang bawat usapin nang makatarungan at obhetibo. Kapag kailangan mong isagawa ang kasabihang ito, may kinalaman doon ang iyong mga interes. Kapag wala kang katayuan, sinasabi mo, "Hindi ko tinatamasa ang mga pakinabang ng katayuan; ayaw kong tamasahin ang mga pakinabang ng katayuan." Kahit sino ay kayang magsabi ng mga salitang ito. Pero kapag nasa posisyon ka para tamasahin ang mga pakinabang ng katayuan, ang pagbitaw sa mga ito at ang paghahangad lang na gampanan nang maayos ang iyong tungkulin para suklian ang pagmamahal ng Diyos ay hindi na ganoon kasimple, tama? (Oo.) Nauuwi ito sa kung minamahal mo ba ang katotohanan at kung kaya mong maghimagsik laban sa laman.
Ang pinagbahaginan natin ngayon lang ay tungkol sa paksa ng pagtrato ng Diyos sa katayuan. Ngayong natapos na tayong magbahagi tungkol sa kung paano dapat tingnan ng isang tao ang katayuan, magbahagi naman tayo tungkol sa kung paano dapat tingnan ng isang tao ang pagdurusa. Isa itong paksa na madalas pag-usapan ng mga tao. Kung paano tinitingnan ng isang tao ang pagdurusa ay may kinalaman sa kanyang mga kaisipan at pananaw, pati na rin sa kanyang mga prinsipyo ng pagsasagawa. Paano ba tinitingnan ng mga tao ang pagdurusa? Ang pagdurusa ay isang bagay na madalas makaharap at maranasan ng mga tao sa kanilang buhay o sa proseso ng pananampalataya sa Diyos, at isa rin itong paksa na madalas nilang talakayin. Iniuugnay ng karamihan sa mga tao ang pagdurusa sa kanilang personal na kapital, sa kanilang posisyon, at sa kanilang katayuan, pati na rin sa kanilang magiging hantungan. Samakatwid, karamihan sa mga tao ay may mga partikular na kaisipan kapag nagdurusa sila, at pinapahalagahan nila ito nang husto. Sa partikular, kung anong mga paghihirap ang tiniis ng isang tao; anong uri ng pagdurusa ang pinagdaanan ng isang tao; gaano katagal nagdusa ang isang tao; gaano karaming ibang tao ang nakakaalam tungkol sa pagdurusa ng isang tao, gaano karaming ibang tao ang nakakita rito, at gaano karaming ibang tao ang kumikilala rito—ang mga ito ay pawang mga paksa na labis na iniisip ng mga tao. Dagdag pa rito, kung paano magagamit ng isang tao ang pagdurusa para magkamit ng katayuan sa puso ng ibang tao, kung paano niya ito magagamit para makamit ang mga bagay na gusto niya, tulad ng mga pakinabang, prestihiyo, katayuan, ang mataas na pagtingin ng iba, at personal na kaluwalhatian, at maging kung paano makakamit ang pagkagiliw, pagkilala, pagtanggap, at pag-alaala ng sambahayan ng Diyos o ng Diyos sa pamamagitan ng pagdurusa—ang mga ito ay mga bagay rin na pinagtutuunan ng pansin ng mga tao sa kanilang puso. Samakatwid, ang isyu ng pagdurusa ay may mas mabigat na timbang sa puso ng mga tao kaysa sa pagsasagawa ng katotohanan. Kaya, paano ba talaga dapat tingnan ng isang tao ang pagdurusa sa paraang tama at alinsunod sa mga katotohanang prinsipyo? Paano Ko tinitingnan ang pagdurusa? Sa paglipas ng mga taon, kapag nakikipagbahaginan Ako sa inyo—at sa pang-araw-araw Kong pakikisalamuha sa inyo—nagsalita ba Ako kailanman tungkol sa kung anong mga paghihirap ang tiniis Ko, gaano katagal Akong nagdusa, ano ang layunin at kabuluhan ng Aking pagdurusa, o ano ang mga damdamin Ko pagkatapos magdusa? Sa pagkakaalala ninyo, nagsalita ba Ako kailanman tungkol sa mga paksang ito? Mayroon bang anumang tala nito sa nakasulat na teksto, o sa mga audio recording ng mga sermon, o sa mga salitang narinig ninyo? (Sa pagkakaalala namin ay wala.) Noon, narinig Kong ipinapakalat sa inyo na isang taon noong Chinese New Year, wala Akong mapuntahan at walang tahanang mauuwian, na hindi Ako pinatuloy ng mga kapatid, at na kalaunan ay nagpalaboy-laboy Ako sa mga kalsada; sinabing tiniis Ko ang pagdurusang ito. Nangyari ba talaga ito? (Sinabi ng Diyos sa isang sermon noon na hindi Mo ito naranasan kailanman. Isa itong kuwentong ipinakalat ng mga tao.) Maging Ako Mismo ay hindi alam ang tungkol dito. Paano Ko malalaman ang tungkol sa isang bagay na hindi Ko kailanman naranasan? Ang ginawa Ko ay nilinaw ang usaping ito, hindi ba? Sadyang hindi kailanman nangyari ang sitwasyong ito. Kaya, sa pagkakaalala ninyo, sa pangkalahatan ay hindi Ako nagsasalita tungkol sa pagdurusa, hindi ba? (Oo.) Tungkol sa isyu ng pagdurusa, naniniwala ang karamihan sa mga tao na ang pagdurusa ay isang napakagandang anyo ng pagsasagawa para magkamit ng personal na kapital, makuha ang mataas na pagtingin ng iba, at magkaroon ang mga ito ng magandang impresyon sa sarili; naniniwala silang ito ang pinakapangunahing pagsasagawa na kabilang sa pananampalataya sa Diyos. Anuman ang pananaw ng mga tao rito, pakinggan ninyo ngayon kung ano ang Aking mga kaisipan at pananaw sa isyu ng pagdurusa.
Mayroong ilang uri ng pagdurusa. Ang pinakakaraniwang uri ng pagdurusa ay ang pagtitiis ng mga tao ng ilang pagdurusa para pangalagaan ang sarili nilang katayuan, para mapanatili ang prestihiyo nila sa iba, at para magkamit ng magandang kinabukasan at magandang hantungan. Kabilang dito ang pagpupuyat at maagang paggising sa paggampan ng mga tungkulin ng isang tao, at ang hindi pagkain ng masasarap na pagkain o hindi pananamit nang maganda. Mayroon ding ilang tao na tinatalikuran ang mga pamilya at karera nila para mangaral ng ebanghelyo at gampanan ang mga tungkulin nila. Hindi lang sila inaaresto at inuusig ng gobyerno, kundi hindi rin sila nauunawaan ng mga pamilya nila at inuusig at hinahadlangan pa nga sila ng mga ito. Nagbabanta pa nga ng diborsiyo ang ilang asawa, at nariyan din ang walang-kuwentang tsismis, paninirang-puri, at pagpapakalat ng mga sabi-sabi ng mga kamag-anak nila. Nagtiis sila ng matinding pagdurusa. Gayumpaman, para magkamit ng magandang kinabukasan at magandang hantungan, at para mapanatili ang katayuan at prestihiyo nila, gaano man sila magdusa o gaano man katindi ang pagdurusa nila, ang mga taong nagdurusa sa ganitong paraan ay patuloy na gumagawa ng gawain gaya ng dati, hindi kailanman sumusuko. Sa madaling salita, nagdurusa ang mga taong tulad nito alang-alang sa katayuan at prestihiyo nila, at alang-alang sa kinabukasan at hantungan nila. Nagpaparoo't parito sila nang malayo sa tahanan sa loob ng mahabang panahon, nakakatanggap ng malamig na pakikitungo mula sa iba, at itinatakwil ng iba at nagkakamali ang iba ng pagkaunawa sa kanila, nagtitiis ng matinding pagdurusa na hindi tinitiis ng mga ordinaryong tao. Sabihin ninyo sa Akin, mayroon bang anumang halaga ang pagdurusa alang-alang sa katayuan at prestihiyo ng isang tao o alang-alang sa kinabukasan at hantungan ng isang tao? (Wala.) Tinatandaan ba ito ng Diyos? (Hindi.) Ang tanging layunin nila sa pagdurusa ay para magkaroon ng mataas na pagtingin at humanga sa kanila ang mga lider at manggagawa, pati na rin ang mga kapatid, para patuloy silang ihalal ng mga kapatid bilang mga lider sa susunod na halalan. Itinuturing nila ang pagdurusa bilang layon ng paghahangad nila. Para mapanatili ang katayuan nila, kaya nilang magtiis ng anumang uri ng pagdurusa. Tinatalikuran nila ang mga makamundo nilang kinabukasan at karera, at iniiwan pa nga ang magaganda nilang kapaligiran sa pamumuhay, nagtitiis ng matinding pagdurusa. Pagkatapos magtiis ng ganitong pagdurusa ang ganitong uri ng mga tao, ipinangangalandakan nila ito saanman, sa mga pagtitipon o kapag pinupungusan ang iba, madalas silang nagbabahagi tungkol sa kung paano sila nagdusa. Napakasimple ng layunin nila sa paggawa nito: Ito ay para lang pangalagaan ang sarili nilang pride at pangalagaan ang sarili nilang katayuan at banidad. Kaya, walang halaga ang pagdurusang tinitiis nila. Hindi nila nakikilala ang sarili nila sa pamamagitan ng pagdurusang ito, lalong hindi nila nagagawang isagawa ang katotohanan. Ang ganitong uri ng pagdurusa ay hindi man lang karapat-dapat na banggitin. Nagdurusa lang ang ilang tao alang-alang sa katayuan at reputasyon nila, at para sa kinabukasan at hantungan nila. Kaya nilang tiisin ang lahat ng uri ng pagpapakapagod para pangalagaan ang katayuan at reputasyon nila, at kaya nilang magtiis ng anumang uri ng pagdurusa para magkamit ng mga pagpapala. Gayumpaman, hindi sila kailanman humahakbang pasulong para gumawa ng kaunting gawain o magsabi ng kahit isang salita para pangalagaan ang gawain ng sambahayan ng Diyos, pangalagaan ang mga interes ng sambahayan ng Diyos, o pangalagaan ang mga interes ng mga kapatid. Kahit na ang paggawa nito ay hindi mangangailangan ng pagdurusa o mangangailangan lang ng isang pangungusap, hindi nila ito magawa. Samakatwid, ang lahat ng pagdurusang tinitiis ng ganitong uri ng mga tao ay walang saysay, at hindi ito sinasang-ayunan ng Diyos. Ang ganitong uri ng mga tao ay sadyang mga mapagpaimbabaw na Pariseo; sila ay mga taong nanlilihis sa iba at itinataboy ng Diyos. Alang-alang sa katayuan nila, kaya nilang gumising nang maaga at magpuyat para gampanan ang mga tungkulin nila, at kaya nilang magbata ng pagdurusa at pagkahapo. Kaya nilang gumawa sa loob ng mahabang oras nang walang tigil, o hindi man lang magpahinga sa buong taon. Nagpapakaabala sila para lang sa sarili nilang katayuan, at ang lahat ng sinasabi nila ay para pangalagaan ang sarili nilang katayuan, pride, at reputasyon. Kapag may gumagawa ng isang bagay na tunay na sumasalungat sa mga pagsasaayos ng gawain ng sambahayan ng Diyos, hindi nila kailanman pinupuna ang taong iyon, lalong hindi nila siya pinipigilan. Kaya, ang pagdurusa nila ay sadyang alang-alang sa sarili nilang reputasyon at katayuan, at para sa mga personal nilang interes. Bukod sa hindi ito tinatandaan ng Diyos, kinokondena rin ito. Sa partikular, ginagamit nila ang pagdurusa bilang personal na kapital para madalas na pangaralan ang iba at subukang makipagtawaran sa Diyos, umaasang makikita ng Diyos ang pagdurusa nila at bibigyan sila ng magandang pagtatasa. Madalas din nilang sinusubok ang Diyos para makita kung nasisiyahan Siya sa pagdurusa nila at kung makakakuha ba sila ng mga pagpapala para sa pagdurusang tiniis nila. Samakatwid, batay sa kalikasan ng pagdurusa ng gayong mga tao, bukod sa hindi ito tinatandaan, kinokondena pa nga ito; at bukod sa hindi ito isang uri ng mabuting gawa, isa itong uri ng masamang gawa. Madalas na ipinagmamalaki ng ganitong uri ng mga tao kung gaano na kalayo ang narating nila at kung gaano katindi ang pinagdaanan nila alang-alang sa paggawa ng gawain ng iglesia at ng mga tungkulin nila, pati na rin ang malulubhang sakit na nakukuha nila at kung gaano karaming gamot ang kailangan nilang inumin. Kapag umiinom sila ng gamot, madalas nila itong ginagawa sa harap ng mga kapatid para makita ng mga ito na umiinom sila nito. Gumagawa sila ng mga paraan para ipaalam sa mas maraming tao kung gaano karaming gawain ang nagawa nila, gaano katindi ang pinagdaanan nila, at gaano kalaking halaga ang ibinayad nila, at na umiinom sila ng gamot pagkatapos lamang nilang magkasakit dahil sa labis na pagtatrabaho. Ginagawa nila ito para tingalain, hangaan, at sambahin sila ng mga tao. Hindi ba't kasuklam-suklam ang ganitong uri ng mga tao? (Oo.) Kaya, ang pagdurusa ng mga taong tulad nito ay walang anumang halaga; nakakasuka ito. Nangyayari pa nga na ang malaking bahagi ng ganitong uri ng mga tao ay hindi makagawa ng anumang tunay na gawain. Gumagawa lang sila ng gawain para lang may maipakita upang lumikha ng isang panlabas na anyo na makikita ng iba. Hindi sila nagsasabi ng kahit isang salita o gumagawa ng kahit isang bagay na maaaring makapagpasama ng loob ng sinuman. Pagdating sa mga usaping may kinalaman sa pangangalaga sa gawain ng iglesia, hindi sila nagsasalita o gumagawa ng kahit kaunting gawain. Kapag nakakatagpo sila ng isang taong nagdudulot ng mga paggambala at panggugulo sa gawain ng iglesia, hindi nila tinatrato ang taong iyon ayon sa mga prinsipyo, kundi sa halip ay kumikilos sila batay sa mga damdamin. Kung makakita sila ng isang taong hindi nila gusto na nagdudulot ng mga paggambala at panggugulo sa gawain, magsasalita sila nang kaunti at gagawa ng kaunting bagay, sinasamantala ang pagkakataon para magpakitang-gilas at mag-ipon ng personal na kapital, at pagdating ng panahon ay susubukan nilang angkinin ang papuri at makakuha ng gantimpala. Pero kung ang nagdudulot ng mga paggambala at panggugulo sa gawain ay isang taong gusto nila o isang taong sumusuporta sa kanila, bukod sa hindi nila siya inilalantad o pinipigilan, pinagbibigyan, pinoprotektahan, at pinagtatakpan din nila siya, ginagamit ang magandang pakinggan na palusot na "Mababa ang tayog niya, kaya dapat tayong magpasensya at suportahan natin siya." Sa katunayan, alang-alang sa pangangalaga sa sarili nilang katayuan kaya sinusubukan nilang huwag mapasama ang loob ng sinuman. Kahit na ganoon, gusto pa rin nilang gamitin ang pagdurusa nila para tingalain sila ng mga tao at gamitin ang pagdurusa nila para pangalagaan ang sarili nilang katayuan. Karaniwang nagpapanggap ang ilang tao na masyadong abala. Kapag kumakain, sinasadya nilang ibabad ang kaunting kanin o mantou sa simpleng pinakuluang tubig at sinasabayan ito ng kaunting inatsarang gulay, at pumupunta sila sa isang pagtitipon pagkatapos na pagkatapos nilang kumain, ipinapakita sa mga kapatid na kaya talaga nilang magbata ng paghihirap. Palagi nilang isinusuot ang parehong damit, hindi ito nilalabhan kahit marumi na, at sinasabi nila sa ibang tao, "Tingnan ninyo, masyado akong abala na wala na akong oras para kumain o maglaba!" Ang ilang tao ay nakikipagkuwentuhan sa iba at nag-aaksaya ng oras habang ginagampanan ang mga tungkulin nila, pero nagpapanggap na nakikipagtipon at nakikipagbahaginan sa mga ito. Mukhang abala sila sa paggampan ng mga tungkulin nila mula umaga hanggang gabi, at natutulog pa nga sila nang nakasubsob sa computer sa gabi kung kailan dapat ay nagpapahinga na sila. Ginagawa nila ito para makita ng mga tao kung gaano sila nagdurusa at kung gaano kalaking halaga ang ibinabayad nila sa paggampan ng mga tungkulin nila. Madalas na magulo ang buhok nila at marumi ang mukha nila, at matagal pa nga silang hindi nagpapalit o naglalaba ng mga damit nila o hindi naliligo, para lang ipaalam sa mga tao kung gaano sila nagdurusa at kung gaano kalaking halaga ang kaya nilang ibayad. Sabihin ninyo sa Akin, anong halaga ang mayroon sa pagtitiis ng pagdurusang ito? Hindi ba't isa lang itong panlabas na anyo? (Oo.) Medyo abala ang ilang gawain sa sambahayan ng Diyos, pero hindi sa puntong hinahayaan ang mga tao na maging magulo ang buhok, marumi ang mukha, at walang wangis ng tao, hindi ba? May medyo mahihirap na kondisyon sa pamumuhay ang ilang iglesia, pero hindi sa puntong mantou at inatsarang gulay lang ang kinakain ng mga tao roon araw-araw, hindi ba? Marahil ay ganito ang kaso sa ilang partikular na lugar, pero imposibleng ganito sa karamihan ng mga lugar. Gaano man kaabala ang gawain ng sambahayan ng Diyos, kahit papaano man lang, dapat mong mapanatili ang walong oras na mahimbing na pagtulog—batay sa sitwasyon, hindi naman sa hindi ka man lang makakuha ng walong oras na tulog, hindi ba? Hindi kasama rito ang paminsan-minsang espesyal na sitwasyon na maaaring tumagal ng isa o dalawang araw. Sa mainland China, ang ilan sa hinirang na mga tao ng Diyos ay nagtatago para maiwasan ang pag-aresto at pag-uusig ng rehimen ni Satanas. Minsan ay natutulog at nagpapahinga sila sa mga kuweba, bunton ng dayami, at kuwadra. Mga espesyal na sitwasyon ang mga ito. Pagkatapos pumunta sa ibang bansa, kung sadyang lilikha ang mga tao ng ilang "kapaligiran ng pagdurusa" at sadyang "magsasanay" kung paano magdusa, hindi ba't sil ay mga asetikong monghe? Bakit natin sila tatawagin nang ganoon? Dahil ang ginagawa lang nila ay sadyang magtiis ng ilang pagdurusa, sumunod sa ilang regulasyon, at disiplinahin ang katawan nila, at pagkatapos ay pakiramdam nila ay nagbago na sila. Pagkatapos ay ipinagmamalaki nila sa harap ng iba kung gaano sila nagdusa, umaasang maaantig kapwa ang Langit at ang mga karaniwang tao, at sa gayon ay naghahangad ng prestihiyo at mga pakinabang para sa sarili nila, at makukuha ang magandang hantungan na gusto nila. Ang landas na ito ay hindi uubra. Kapag pinagpapasyahan ng Diyos ang kalalabasan ng isang tao, hindi Niya kailanman tinitingnan kung gaano siya nagdusa o kung nagpakapagod siya at gumawa ng malalaking kontribusyon, lalong hindi Niya kailanman tinitingnan ang edad ng isang tao. Saan ibinabatay ng Diyos ang pagpapasya Niya sa mga kalalabasan ng mga tao? Ibinabatay Niya ito sa kung mayroon bang katotohanan ang mga tao o wala. Kung nakatuon ka lang sa pagdurusa pero hindi mo nakamit ang katotohanan, gaano ka man nagdusa, nawalan lang ito ng saysay. Kung nagdurusa ka nang walang mga prinsipyo, at pinapahirapan mo ang sarili mo at sadya kang nagdurusa, nakatadhana ka lang na magdusa. Ang pagdurusa mo ay hindi karapat-dapat kaawaan; ikaw ang may gawa nito sa sarili mo. Hindi hiningi ng Diyos sa tao na magdusa. Hinahatulan at kinakastigo ng Diyos ang tao, at sinusubok at pinipino ang tao, hindi para pagdusahin siya, kundi para iligtas siya mula sa mga tiwali niyang disposisyon. Karamihan sa pagdurusang tinitiis ng tao ay dulot ng mga tiwali niyang disposisyon; hindi kailanman naging layunin ng Diyos na pagdusahin ang tao.
Nilikha ng Diyos ang langit at lupa at lahat ng bagay para sa sangkatauhan—ang araw, buwan, at mga bituin, sikat ng araw, hangin, lupa, tubig, ang apat na panahon, pati na rin ang lahat ng uri ng materyal na bagay na kinakailangan para sa buhay at pananatiling buhay ng sangkatauhan. May mga bagay na makakain, maiinom, magagamit, at matitingnan; ang lahat ng uri ng buhay na bagay sa buong apat na panahon ay saganang-sagana, hindi ba? (Oo.) May mga butil, gulay, prutas, at mani, mga bagay na tumutubo sa mga puno at sa lupa; ang lahat ng uri ng iba't ibang materyal na bagay ay napakasagana, may saganang suplay ng bawat lasa at kulay. Nilalayon ng Diyos na tamasahin ng tao ang panustos na nagmumula sa Kanya; ang panustos na natatanggap ng tao mula sa Diyos ay mayaman at sagana, at dahil dito ay nagkakaroon ng sustansya ang tao. Gaya ng nakikita mo, ang natatanggap ng mga nilikha mula sa Lumikha ay mayaman at sagana, walang katapusan at hindi nauubos. Lubos na payag ang Diyos na hayaan ang tao na tamasahin ang lahat ng ito, at nararapat lang na tamasahin ng mga nilikha ang lahat ng ito na inilaan ng Lumikha. Ang tinatamasa ng mga nilikha mula sa Diyos ay mga pagpapala, hindi pagdurusa. Ang orihinal na layunin ng Diyos sa paglikha sa sangkatauhan ay hindi para pagdusahin ang tao, kundi para tamasahin ng tao ang panustos na nagmumula sa Diyos habang dinaranas ng tao ang paglalakbay sa buhay. Ang iba't ibang uri ng mga buhay na nilalang at buhay na bagay na nilikha ng Diyos ay saganang-sagana; walang nagkukulang. Kabilang dito ang mga bagay na maririnig—tingnan mo kung paanong naisip pa nga ng Diyos ang huni ng mga ibon at ang pag-awit ng mga kuliglig para sa tao. Ibig sabihin, naisip ng Diyos ang lahat ng bagay na nagdudulot ng kasiyahan, ginhawa, at katahimikan sa panloob na mundo ng tao. Ang inihanda ng Diyos para sa mga nilikha ay saganang-sagana. Kapag tinatamasa ng mga nilikha ang lahat ng ipinagkaloob ng Diyos, tinatamasa nila ang mga pagpapala. Ang mga taong iyon na tulad ng mga asetikong monghe ay naniniwala na gusto lang ng Diyos na papagdusahin ang tao, na sadyang ayaw Niyang tamasahin ng tao ang mga pagpapala, na kahit pa pinapahintulutan ito ng mga kondisyon, hindi Niya hinahayaan ang tao na tamasahin ang mga ito, kundi pinagdudusa lang Niya ang tao. Naniniwala sila na ang Diyos ay masaya, kontento, at nakamit na ang Kanyang layon kapag nahaharap ang tao sa matinding pagdurusa at pagkahapo. Sabihin ninyo sa Akin, hindi ba't nagkikimkim ng masasamang intensiyon ang ganitong uri ng mga tao? Hindi ba't isa itong baluktot na interpretasyon sa mga layunin ng Diyos? (Oo.) Saan nagmula ang ideyang ito? Nagmula ito kay Satanas, hindi ba? (Oo.) Nilikha ng Diyos ang lahat ng bagay, pero hindi ito kinikilala ni Satanas. Hindi nito alam kung paano pamahalaan o panatilihin ang mga ito, at ayaw nitong patuloy na umiral ang lahat ng buhay na bagay na ito. Kaya, sinisira at winawasak nito ang mga ito para hindi matamasa ng tao ang lahat ng nilikha ng Diyos. Inililihis at ginagawang tiwali nito ang tao para magkaroon ang tao ng magandang impresyon dito, at para sambahin ito ng tao at magkaroon ng mataas na pagtingin dito. Ginagawa ni Satanas ang sarili nitong gusto at sinasalungat nito ang Diyos sa lahat ng bagay. Tinutulutan ng Diyos ang sangkatauhan na tamasahin ang lahat ng ito, samantalang pinagkakaitan ni Satanas ang sangkatauhan ng karapatang tamasahin ito, hindi nito hinahayaan ang sangkatauhan na tamasahin ito, at pinagdudusa lang nito ang tao. Hinahayaan ng Diyos ang sangkatauhan na pamahalaan ang lahat ng bagay at tamasahin ang lahat ng bagay, samantalang sinisira ni Satanas ang lahat ng bagay. Binabalewala nito ang pag-iral ng lahat ng bagay, hinahamak ang pag-iral ng lahat ng bagay, kinokondena ang pag-iral ng lahat ng bagay, at sadyang pinapahanap sa tao ang pagdurusa. Tingnan mo ang mga batas na inorden ng Diyos para sa tao: Kapag lumulubog ang araw at dumidilim sa gabi, dapat ipahinga ng isang tao ang kanyang katawan. Ang pagkahapo mula sa isang araw na pagtatrabaho ay naiibsan sa pamamagitan ng pagpapahinga. Pagkatapos magpahinga nang isang gabi, nanunumbalik ang pisikal na lakas ng isang tao, at puno siya ng enerhiya. Kinabukasan, kapag sumisikat ang araw, nakakaramdam siya ng ginhawa at nagsisimula ng isa na namang araw ng pagtatrabaho. Isa itong napakagandang batas! Hindi sumusunod ang ilang tao sa batas na ito. Nagsisimula lang silang magtrabaho kapag dumidilim na sa gabi, at nagpupuyat hanggang alas-kuwatro o alas-singko ng umaga bago matulog, gustong baligtarin ang iskedyul ng pagtatrabaho at pagpapahinga. Sinasabi ng Diyos na kapag lumulubog ang araw at sumisikat ang buwan, dapat itigil ng tao ang kanyang pagtatrabaho para sa araw na iyon at unti-unting magpahinga at magsimulang matulog; dapat siyang magtrabaho o magpahinga ayon sa mga batas na namamahala sa paggalaw ng araw, buwan, at mga bituin, at hindi dapat sumalungat sa batas na ito. Iginigiit ng mga taong ito na "nagdurusa" na gawin ang mismong kabaligtaran. Kapag dapat ay nagpapahinga sila, hindi sila natutulog; sadyang nagpupuyat sila, at nagiging labis na masigla pa nga. Kung kailan pinakamahimbing ang tulog ng iba ay saka sila pinakaabala, kung kailan nagdurusa sila at pinapagod ang sarili nila. Pagkatapos, kapag oras na para magtrabaho sa araw, may enerhiya pa ba sila? Kaya pa bang tustusan ng enerhiya nila ang isang araw na pagtatrabaho? (Hindi.) Wala silang magawa kundi matulog nang isa o dalawang oras bago bumangon para ipagpatuloy ang pagtatrabaho. Sa umaga, kapag kumakain ang iba, natutulog sila. Sa araw, kapag normal na nagtatrabaho ang iba, inaantok sila at lutang ang isip nila. Pero sa gabi, kapag nagpapahinga ang iba, sumisigla sila at nagsisimulang magtrabaho at magpakaabala. Hindi ba't pagbabaligtad ito sa iskedyul ng pagtatrabaho at pagpapahinga? Hindi ba't hindi ito normal? (Oo.) Gayumpaman, lubos silang nasisiyahan sa sarili nila, iniisip na walang sinumang makakatiis ng pagdurusa na kasingtindi ng kaya nila, na ang ibang tao ay pawang mga karaniwang tao lang. Sa hatinggabi, kapag magpapahinga na ang iba, sinasabi pa nga nila, "Magpapahinga ka na nang ganito kaaga?" Sinasabi ng isa pang tao, "Hatinggabi na; gabing-gabi na iyon. Bukod pa rito, wala na akong natitirang enerhiya; maaapektuhan ang pagiging episyente ng gawain ko, at hindi ako makakakuha ng magagandang resulta. Kapag oras na para magpahinga, kailangan nating magpahinga." Sinasabi nila, "Masyadong maaga ang pagtulog sa hatinggabi! Nagsisimula akong magtrabaho sa hatinggabi at hindi ako natutulog hanggang alas-kuwatro o alas-singko ng umaga." May mali sa pag-iisip nila, hindi ba? Bukod sa pinapahirapan nila ang sarili nila, nililimitahan din nila ang iba. Kapag nagpapahinga ang iba sa hatinggabi, hinuhusgahan pa nga nila ang mga ito, sinasabing, "Nagpapasasa ka sa kaginhawahan ng laman at wala kang determinasyong magdusa. Dahil binigyan ka ng Diyos ng gayon kahalagang atas, dapat kang magtrabaho hanggang dis-oras ng gabi at magdusa; dapat kang magpuyat hanggang alas-dos man lang ng umaga bago matulog. Ito lang ang pagiging deboto sa tungkulin mo." Kung magpupuyat ang isang tao hanggang alas-dos ng umaga bago matulog, magkakaroon pa ba siya ng enerhiya para gampanan ang mga tungkulin niya sa araw? (Hindi.) Ayon sa mga natural na batas na namamahala sa katawan ng tao, kung matutulog ang isang tao nang alas-dos ng umaga, hindi siya makakabangon hanggang alas-siyete o alas-otso ng umaga. Pagkabangon niya, pagod na pagod ang katawan niya, lutang ang isip niya, mamamaga ang mga binti niya, at makakaramdam siya ng hindi maganda sa buong katawan niya. Kahit na umidlip siya sa hapon, hindi pa rin makakabawi ang katawan niya, dahil sumalungat siya sa mga batas na inorden ng Diyos para sa tao, hindi ba? (Oo.) Hindi lang sila mismo ang nagdurusa nang ganito, kundi hinihingi rin nila sa iba na magdusa tulad nila. Kung hindi ginagawa ng iba ang mga bagay-bagay sa paraan nila, nakakaisip sila ng teoretikal na batayan para kondenahin ang mga ito. Kaya, nalilimitahan ang mga taong magulo ang isip na mababa ang tayog at walang pagkilatis; sumusunod ang mga ito, pinipilit ang sarili nila na manatiling gising nang paunti-unti, unti-unting umaabot sa punto na nagpapahinga sila pagkalipas ng alas-dos. Iniisip pa nga nila, "Tunay na hindi madali ang magkaroon ng determinasyong magdusa. Dapat tayong matutong magbata, matutong umasa sa purong pagtitiyaga, matutong maghimagsik laban sa laman, at matutong sumalungat sa mga natural na batas. Kung talagang hindi na natin mapigilan ang antok, dapat nating halos pahirapan ang sarili natin para pigilan na makatulog ang ating laman. Ito lang ang pagiging deboto sa atas ng Diyos at pagkakaroon ng determinasyong magdusa, at tanging ang mga taong gumagawa nito ang makapagtatamo ng kaligtasan!" Tingnan mo, hindi ba't ang motibasyon nilang ito ay halos kapareho ng motibasyon ng mga monghe at madre sa mga templo? (Oo.) Tulad ng mga asetikong monghe, alam lang nila kung paano magbata ng pagdurusa; ang pag-unawa sa katotohanan, pagsasagawa sa katotohanan, at pagtatamo ng kaligtasan ay ganap na wala sa mga puso nila. Kung gayon, makapagtatamo ba ng kaligtasan ang gayong mga tao? Hindi ba't nawasak na sila? (Oo.) Paano ito nangyayari? Resulta ito ng pagbi-brainwash ng mga maling kaisipan at pananaw, ng pagiging naiimpluwensiyahan at nawawasak ng mga maling kaisipan at pananaw. Ang lahat ng ito ay dulot ng hindi pagkaunawa ng mga tao sa katotohanan; dulot ito ng matinding pagkapinsala sa kanila ng mga maling kaisipan at pananaw at kawalan nila ng kakayahang magsagawa ayon sa mga katotohanang prinsipyo. Kaya, sa huli ba ay ibang tao ang nanlilihis at nagtitiwali sa iyo, o si Satanas ang nanlilihis at nagtitiwali sa iyo? Sa madaling salita, ang mga maling kaisipan at pananaw na tinatanggap ng tao ay nagmumula kay Satanas, hindi sa Diyos; mga negatibong bagay ang mga ito, hindi ang katotohanan. Sa panlabas, tila tinanggap mo ang ilang kaisipan at pananaw mula sa ibang tao. Gayumpaman, sa katunayan, ang mga kaisipan at pananaw na ito ay hindi nagmumula sa Diyos, kundi kay Satanas. Sa panlabas, mukhang kinakausap ka ng ibang tao, pero sa katunayan, si Satanas ang nagtatanim ng mga pananaw na ito sa iyo. Hindi ba't ang mga pananaw na itinatanim sa tao ni Satanas ay ipinapalaganap din sa pamamagitan ng tao? Kung hindi mo nauunawaan ang katotohanan at hindi mo mapaninindigan ang mga katotohanang prinsipyo, sa huli ay malilihis ka. Sa sandaling malihis ka, magiging tulad ka lang ng mga asetikong monghe, na alam lang kung paano magdusa at sumunod sa mga regulasyon araw-araw, habang iniisip pa rin na isinasagawa mo ang katotohanan. Sa huli, mapaparusahan ka at mamamatay nang walang nakamit na anuman. Sa tingin mo ba ay sulit ang pagtitiis ng ganitong uri ng pagdurusa? (Hindi.) Sa huli, saan ba dadalhin ng pagtitiis ng gayong pagdurusa ang mga tao? (Sa impiyerno.) Humahantong sila sa impiyerno, kung saan nag-uulat sila kay Satanas. Ginusto ba sila ng Diyos? (Hindi.) Nagtiis ng matinding pagdurusa ang gayong mga tao at naniwalang labis silang deboto sa Diyos, kaya paano sila humantong sa pag-uulat kay Satanas sa huli? Bakit hindi sila ginusto ng Diyos? Nakakapanghinayang ba ito? (Hindi, hindi ito nakakapanghinayang.) Sa pananampalataya sa Diyos, kung nakatuon lang ang mga tao sa pagsunod sa mga regulasyon at pagdurusa, hinahangad lang na magkamit ng mga pagpapala pero hindi hinahangad ang katotohanan, hindi makapagpasakop sa Diyos, namumuhay pa rin ayon sa mga satanikong disposisyon, at kay Satanas pa rin, gaano man magdusa ang gayong mga tao, magiging imposible para sa kanila na magtamo ng kaligtasan. Ang lahat ng ito ay pinagpapasyahan ng landas na mismong tinatahak ng mga tao.
Kapag nakikita ng ilang tao ang isang tao na may matinding determinasyong magbata ng pagdurusa—hindi alintana kung makabuluhan ba o hindi ang pagdurusang binabata ng taong iyon—lalo nilang inaasam na maging isang tao na kayang magbata ng pagdurusa. Sa partikular, inaasam nilang maging uri ng tao na kayang magdisiplina ng kanyang katawan, maghimagsik laban sa sarili niyang laman, at maghimagsik laban sa maluluhong pagnanais ng laman; mayroon silang natatanging paghanga sa mga taong may kakayahang magdusa. Ang uri ng tao na inaasam nilang kahinatnan ay tila isang tao na nakahiwalay sa makamundong buhay at namumuhay na hiwalay sa realidad, walang mga ambisyon o pagnanais ng tao, ni anumang personal na libangan, interes, o maging mga personal na pagpili—isang tao na wala ni isa man sa mga bagay na ito at walang mga pagnanais at kagustuhan. Partikular nilang hinahangaan ang ganitong uri ng mga tao sa kanilang puso, sinasabi nila, “Bakit wala silang mga makasariling motibo? Bakit wala silang anumang personal na kagustuhan o pagnanais, at kayang-kaya nilang magbata ng pagdurusa? Bakit hindi ako makapagbata ng pagdurusa? Masyadong malalim ang pagkatiwali sa akin! Masasabi ko lang na mas malalim ang katiwalian ko kaysa sa kanila.” Sa sandaling magkaroon sila ng gayong mga kaisipan at pananaw, naglulunsad sila ng pag-atake laban sa kanilang sarili: Kapag nagugutom sila at gusto nilang kumain, pinipigilan nila ang kanilang sarili at hindi sila kumakain; kapag nauuhaw sila at gustong uminom ng tubig, kinokontrol nila ang kanilang sarili at hindi sila umiinom; kapag oras na para matulog, sadyang hindi sila natutulog; anuman ang gusto nilang gawin, sadyang hindi nila ito ginagawa, at anuman ang ayaw nilang gawin, sadyang ginagawa nila ito—ginagawa lang nila ang mismong kabaligtaran. Wala silang pakialam kahit kaunti sa kung ano ang kinakailangan, kung ano ang dapat gawin, kung anong mga responsabilidad at obligasyon ang dapat tuparin, at kung anong mga panuntunan at prinsipyo ng buhay ang dapat sundin pagdating sa normal na pagkatao, at sa halip ay sadya silang sumasalungat sa mga bagay na ito. Umaabot pa nga ang ilan sa punto ng sadyang pagkilos nang lumalabag sa mga panuntunan at sadyang naghahanap ng pagdurusa. Halimbawa, kapag oras na para magpahinga sa gabi, pinipilit nila ang kanilang sarili na batahin ang kanilang pagkahapo at hindi matulog. Kung gusto nila ng matatamis na pagkain, kumakain lang sila ng maaanghang o mapapait na pagkain. Kapag nagtatrabaho, partikular nilang pinipili ang mga gampanin na hindi nila gusto. Sinasanay lang nila ang kanilang sarili na pagtagumpayan ang mga paghihirap at sinasanay ang kanilang sarili na magawang magdusa, tumatanggi at naghihimagsik laban sa lahat ng kailangan at gusto nila, at tinatanggap ang lahat ng hindi nila gusto at hindi nila kailangan. Pakiramdam nila, ang pagkilos sa ganitong paraan ay pagsasagawa ng katotohanan, at na tiyak na magugustuhan at tatanggapin ito ng Diyos; iniisip nila na habang mas matindi ang pagdurusang binabata nila at habang mas nakakaramdam sila ng kawalan ng ginhawa at pasakit, mas magagalak ang Diyos at tatanggapin Niya ito. Sabihin ninyo sa Akin, anong uri ng mga kaisipan at pananaw ang mga ito? Hindi ba't sukdulan ito? (Oo.) Mayroon pa ngang ilang tao na, para magdusa at magdisipilina ng kanilang katawan, ay palaging nakaupo sa harap ng computer, mayroon man silang mga bagay na dapat gawin o wala, at nagtatakda rin sa kanilang sarili ng isang panuntunan na dapat silang magtrabaho nang labindalawang oras araw-araw, hindi alintana kung nakakakuha ba ito ng mga resulta o kung episyente ba sila. Hindi sila nagpapahinga kahit na nagiging magulo ang isip nila, at hindi sila nagpapatingin sa doktor kahit na nagkakasakit sila. Naniniwala silang ito ay paghihimagsik laban sa laman, iniisip nila, “Hindi ko maaaring hayaan na masunod ang gusto ng lumang laman na ito; hindi dapat makaramdam ng kaginhawahan ang laman. Kung makakaramdam ito ng kaginhawahan, gagawa ito ng masasamang bagay, kaya dapat ko itong papagdusahin. Sa sandaling magdusa ito, malalaman nito kung gaano kahirap para sa Diyos na gumawa, at sa sandaling magdusa ito, magagawa nitong mapanatag sa harap ng Diyos.” Anong uri ng lohika ito? Kung huhusgahan mula sa kanilang sigasig, tila mayroon silang kaunting determinasyon at handa silang isagawa ang katotohanan, pero hindi ba't medyo baluktot ang kanilang pamamaraan at diskarte, medyo sukdulan? (Oo.) Naniniwala silang ang pagdurusa ay kumakatawan sa pagsasagawa ng katotohanan, na ang pagdurusa ay kumakatawan sa paggampan ng kanilang tungkulin nang may debosyon, at na ang pagdurusa ay kumakatawan sa paggampan ng kanilang tungkulin nang mahusay. Iniisip nilang ang pagdurusa ang pinakamataas na katotohanang prinsipyo at ang pinakatumpak na anyo ng pagsasagawa, at na ito ang paghahangad sa katotohanan. Ang ganitong paraan ng pag-arok sa mga bagay-bagay ay lubhang problematiko! Naniniwala silang kung kaya ng isang tao na magdusa at kung gaano siya nagdurusa ay ang pamantayang ginagamit ng Diyos para hatulan kung anong kalalabasan ang matatamo niya sa huli; naniniwala silang ito ang katotohanan. Tama ba ang pananaw nilang ito? (Hindi.) Kung gayon ay bakit pinanghahawakan pa rin nila ito? (Dahil naiimpluwensiyahan sila ng mga maling kaisipan at pananaw ni Satanas.) Ito ay isang aspekto ng usapin; may kinalaman din ito sa pag-arok ng mga tao at sa kanilang mga kuru-kuro. Binubuhay lang nila ang kanilang sarili sa mga ilusyon, namumuhay sa gitna ng kanilang mga kuru-kuro at imahinasyon, iniisip na maipagpapalit ang pagdurusa para sa isang magandang kalalabasan at hantungan. Hindi nila kailanman hinahanap ang katotohanan sa usaping ito—hindi nila kailanman hinahanap na maunawaan kung paano tinitingnan ng Diyos ang pagdurusa, kung anong mga pamantayan ang hinihingi ng Diyos sa tao, o kung anong kabuluhan mayroon sa pagpapadusa ng Diyos sa tao. Hindi rin sila kailanman nagninilay, at nag-iisip, “Ang uri ba ng pagdurusang pinagdadaanan ko ay alinsunod sa mga katotohanang prinsipyo? Ang gayon bang pagdurusa ay hinihingi ng Diyos sa tao? Makakamit ba nito ang epekto na nilalayong makamit ng Diyos sa pamamagitan ng Kanyang gawain sa tao? Sa pagbabata ng pagdurusang ito, makakamit ba ng tao ang isang pag-unawa sa katotohanan at isang pag-unawa sa mga layunin ng Diyos? Kung hindi, pinatutunayan nito na mali ang landas na ito, at dapat akong bumalik.” Nagdurusa ang ganitong uri ng mga tao dahil problematiko ang kanilang mga kaisipan at pananaw. Mayroon silang maraming kuru-kuro at imahinasyon ng tao tungkol sa pagdurusa. May kinalaman din ito sa mga ambisyon at paghahangad ng mga tao. Gusto ng ilang tao na ipagpalit ang kanilang pagdurusa para sa isang magandang hantungan; gusto ng ilan na gamitin ang pagdurusa para ipagmalaki ang kanilang sarili at para magkaroon ang iba ng mataas na pagtingin sa kanila; at gusto ng ilan na gamitin ang pagdurusa para patunayan na nadisiplina nila ang kanilang katawan at taglay nila ang katotohanang realidad, nilalayong palitan ang pagsasagawa ng katotohanan ng mismong pagdurusa. Ganito ang ilang tao dahil problematiko ang kanilang mga intensiyon at ambisyon, at para sa iba naman ay dahil problematiko ang kanilang pag-arok. Saanman naroon ang problema, kung hindi ka nagkamit ng pagkaunawa sa katotohanan, walang halaga ang pagdurusang binabata mo. Sa isa pang aspekto, kung ang pagdurusang binabata mo ay ikaw mismo ang may gawa, sadyang wala itong kabuluhan. Hindi ito pagdurusa na inihanda ng Diyos para sa iyo, ni hindi ito pagdurusa na dapat mong batahin, bilang isang normal na tao, alang-alang sa paghahangad sa katotohanan. Samakatwid, ang pagdurusang binabata mo ay sadyang walang anumang kabuluhan. Ang pagdurusa alang-alang sa hantungan mo o alang-alang sa katayuan ay hindi wasto. Ito ay walang saysay at ganap na walang kabuluhan; hindi ito sinasang-ayunan ng Diyos, at hindi Niya ito tinatandaan. Kung gayon, para saan ka dapat magdusa para maging makabuluhan ang pagdurusa mo? Ang pagdurusa alang-alang sa pagsasagawa ng katotohanan, pagdurusa alang-alang sa pagbabago ng disposisyon mo, at pagdurusa alang-alang sa pagtatamo ng kaligtasan ay makabuluhan—ito ang pagdurusang dapat mong batahin. Kung nagdurusa ka para pangalagaan ang katayuan mo at tugunan ang mga kuru-kuro at imahinasyon ng tao, ang pagdurusang binabata mo ay sadyang walang anumang kabuluhan; isa itong kalabisan. Ano ang ibig sabihin ng “kalabisan”? Nangangahulugan itong ganap na hindi ito kinakailangan. Nalihis ka na, at mali ang landas na tinatahak mo. Gaano ka man magdusa o gaano man kalaking halaga ang ibayad mo, sadyang hindi ito tinatandaan ng Diyos, at hindi ito sinasang-ayunan ng Diyos. Dahil ang pagdurusa mo ay walang kinalaman sa pagsasagawa ng katotohanan, walang kinalaman sa pagtatamo ng kaligtasan, at walang kinalaman sa pagpapasakop sa Diyos, sadyang hindi ito binibigyang-pansin ng Diyos. Nauunawaan ba ninyo? (Oo.) Ito ang pinakawalang-halaga at pinakawalang-kabuluhang uri ng pagdurusa.
Mayroon ding isa pang uri ng pagdurusa, na dulot ng pagkakaroon ng tao ng mga tiwaling disposisyon. Ang buhay ng tao, ang kanyang paghahangad, at ang landas na tinatahak niya ay pawang pinamamahalaan ng kanyang mga tiwaling disposisyon. Dahil may mga tiwaling disposisyon ang tao, hindi maiiwasang mayroon siyang paghihimagsik at paglaban; dahil may mga tiwaling disposisyon ang tao, namumuhay pa rin siya sa ilalim ng kapangyarihan ni Satanas. Kung gusto ng tao na iwaksi ang kanyang mga tiwaling disposisyon at magtamo ng kaligtasan, kailangan niyang tanggapin ang paghatol at pagkastigo ng Diyos, at dapat siyang makaranas ng matinding pagpupungos at pagdidisiplina, pati na rin ng iba't ibang pagsubok at pagpipino na inihanda ng Diyos. Kailangan pa ngang makaranas ng ilang tao ng ilang malaking kapighatian. Ang lahat ng ito ay para bigyang-kakayahan ang tao na makamit ang katotohanan, iwaksi ang kanyang mga satanikong disposisyon, at sa huli ay magtamo ng kaligtasan; ito ang kinakailangang proseso para magtamo ng kaligtasan ang sinuman. Para maiwaksi ang kanyang mga tiwaling disposisyon at magtamo ng kaligtasan, dapat magbata ng matinding pagdurusa ang bawat tiwaling tao. Sa isang banda, kapag nagbubunyag siya ng mga tiwaling disposisyon habang ginagampanan ang kanyang mga tungkulin, dapat niyang tanggapin ang paghatol at pagkastigo, tanggapin ang pagpupungos, at tanggapin ang mga pagsubok at pagpipino; ito ay pagdurusa na dapat batahin. Sa kabilang banda, para magampanan nang maayos ang kanilang mga tungkulin, dapat pagtagumpayan ng mga tao ang ilang personal na kapintasan at ang mga kakulangan ng sarili nilang mga kondisyon, at kailangan nilang magtamo ng ilang propesyonal na kaalaman. Kinakailangan din nito na magdusa at magbayad ng halaga ang mga tao. Lalo na kapag gumagampan ng mga tungkulin ang mga tao sa mga mapanganib na kapaligiran na may mahihirap na kondisyon sa pamumuhay, kailangan din nilang magbata ng ilang pagdurusa. Dagdag pa rito, kapag namumuhay ang mga tao sa loob ng mga satanikong disposisyon habang ginagampanan ang kanilang mga tungkulin, kumikilos sila ayon sa sarili nilang kalooban, at gumagawa pa nga ng mga bagay na nagdudulot ng mga paggambala at panggugulo, kaya kailangan nilang pagnilayan ang kanilang sarili araw-araw at tanggapin ang paghatol at pagkastigo ng mga salita ng Diyos. Kailangan din nilang batahin ang pagdurusa ng pagtutuwid, pagdidisiplina, at pagpipino, o ang pagdurusa ng pagkakahayag, pagkakatanggal, at pagkakatiwalag. Ang lahat ng pagdurusang ito ay ang dapat batahin ng mga tao. Kung hindi mo babatahin ang pagdurusang ito, magiging napakahirap para sa iyo na iwaksi sa huli ang mga tiwali mong disposisyon at magtamo ng kaligtasan. Ito man ay ang malantad at mahatulan ng mga salita ng Diyos, mapungusan ng mga kapatid, o maharap sa mga kapaligirang inihahanda ng Diyos para subukin ang mga tao at pinuhin sila, ang mga ito ay pawang mga uri ng pagdurusa na dapat batahin ng mga tao. Mga proseso ang mga ito na dapat maranasan ng bawat tiwaling tao para magtamo ng kaligtasan, at ang mga ito ay pawang makabuluhan at mahalaga. Ang layunin ng pagbabata ng mga ganitong uri ng pagdurusa ay para magtamo ka ng kaligtasan at makamit ka ng Diyos sa huli. Sadyang hindi ito isang uri ng personal na kapital, dahil hindi mo binabata ang pagdurusang ito alang-alang sa ibang tao. Ginagampanan mo ang tungkulin mo para sa iyong sarili, isinasagawa mo ang katotohanan para sa iyong sarili, at ginugugol mo ang iyong sarili para sa Diyos at binabata mo ang lahat ng uri ng pagdurusa para sa sarili mong kapakanan. Dagdag pa rito, ang pagsasagawa mo ng katotohanan para lutasin ang mga tiwali mong disposisyon, paghihimagsik laban sa mga ambisyon at pagnanais mo, pagbitaw sa iba't iba mong kagustuhan at hinihingi, at iba pa—ang lahat ng ito ay para magtamo ka ng kaligtasan sa huli, makamit mo ang pagpapasakop sa Diyos, at maging isa kang tao na sumasamba sa Diyos. Binabata mo ang pagdurusang ito para sa huli ay manatili kang buhay at maging isang miyembro ng bagong sangkatauhan; bagama't mahalaga ito, hindi ito isang kontribusyon sa Diyos. Bakit Ko sinasabing hindi ito isang kontribusyon? Dahil ang pagdurusang binabata mo ay hindi isang uri ng personal na kapital; binabata mo ito nang ganap na para sa sarili mong kapakanan. Katulad lang ito ng pagkain at pag-inom: Kumakain at umiinom ka para lang manatili kang buhay. Ang bawat aktibidad na ginagawa mo sa pang-araw-araw mong buhay ay para mapanatili ang pisikal mong buhay at pananatiling buhay. Hindi ito alang-alang sa ibang tao, kundi para lang sa iyong sarili. Samakatwid, kahit na magbata ka ng matinding pagdurusa, at kahit na makaranas ka ng ilang mahirap na proseso, hindi ito nangangahulugang nakakuha ka ng isang uri ng personal na kapital. Hindi ito karapat-dapat na banggitin—ito ang dapat mong batahin. Hindi mo maaaring sabihing, “Kapag kumakain ako, ginagawa ko ito alang-alang sa Diyos, at ipinapamuhay ko ang buhay ko alang-alang sa Diyos!” Hindi mo ginagawa ang mga bagay na ito alang-alang sa Diyos; ginagawa mo ang mga ito para sa iyong sarili. Walang anumang karapat-dapat na ipagmalaki rito. Kaya, palaging sinasabi ng ilang tao na, alang-alang sa pananampalataya sa Diyos at paggampan ng kanilang tungkulin, tinalikuran nila ang kanilang mga trabaho at isinuko ang kanilang pag-aaral, o tinatalakay nila kung gaano katinding pagpupungos ang binata nila, kung gaano karaming luha ang palihim nilang iniluha, at kung gaano sila palihim na nagdusa. Palagi nilang binabanggit ang mga bagay na ito, iniisip na ang matinding pagdurusa na binata nila alang-alang sa paggampan ng kanilang tungkulin at pagtatamo ng kaligtasan ay isang anyo ng personal na kapital. Ganap na mali ito. Dapat magdusa ang mga tiwaling tao para magtamo ng kaligtasan; tama lang na magdusa ka. Bakit ito tama? Dahil napakalalim mo nang nagawang tiwali ni Satanas, mayroon kang mga tiwaling disposisyon, at mayroon kang satanikong kalikasan. Kung magtatamo ka ng kaligtasan, at magagawa mong tanggapin ang katotohanan at makagmit ng pagkaunawa sa kung gaano kalalim ka nang nagawang tiwali, dapat kang magbata ng matinding pasakit; sa partikular, ang pagwawaksi sa mga tiwali mong disposisyon ay nangangailangan ng pagbabata ng mas matindi pang pasakit. Katulad lang ito ng isang babaeng nanganganak: Dapat siyang dumaan sa mga pasakit ng panganganak at batahin ang pagdurusa ng panganganak. Hindi mo ito matatakasan kahit na gusto mo. Ang pagdurusang binabata mo para magtamo ng kaligtasan ay isang bagay na binabata mo para sa sarili mong kapakanan; hindi mo maaaring sabihing nagbabata ka ng pasakit para sa Diyos. Binabata mo ang paghatol at pagkastigo, pagpupungos, at mga pagsubok at pagpipino nang ganap na alang-alang sa sarili mong kaligtasan. Ito ang pagdurusang dapat mong batahin, at isa itong kinakailangang proseso. Kaya, huwag mong ipagmalaki kung gaano ka nagdusa para gampanan ang tungkulin mo, kung gaano ka nagdusa para magtamo ng kaligtasan, kung gaano karaming gawain ang nagawa mo para sa sambahayan ng Diyos, kung gaano ka nagpaparoo't parito para sa Diyos, o kung gaano karaming tao ang nakamit mo sa pamamagitan ng pangangaral ng ebanghelyo. Wala sa mga ito ang katumbas ng pagkakaroon ng personal na kapital, at hinding-hindi mo dapat angkinin ang papuri para sa mga bagay na ito. Hindi mo man lang alam kung nakamit mo na ang katotohanan, at hindi mo rin alam kung nagbago na ang disposisyon mo, gayumpaman ay palagi mong sinusubukang angkinin ang papuri para sa gayong mga bagay. Isa itong pagpapamalas ng kawalan ng anumang katwiran. Kung aangkinin mo ang papuri, maaaring gantimpalaan ka ng Diyos nang isandaang beses ngayon din, bigyan ka ng isang materyal na saganang buhay at kaginhawahan ng laman, at tulutan kang tamasahin ang kaluwalhatian at kayamanan ng mundo ng tao. Gayumpaman, kung nananampalataya ka sa Diyos para lang matanggap ang mga bagay na ito bilang kapalit, at hindi mo hinahangad ang katotohanan, hindi maiwawaksi ang mga tiwali mong disposisyon, at hindi ka makapagtatamo ng kaligtasan. Maaari mong tamasahin ang buhay na ito, pero hindi ka papahintulutan ng Diyos na pumasok sa mundong darating. Gayumpaman, kung hindi ka nananampalataya sa Diyos para tamasahin ang buhay na ito, kundi para magtamo ng kaligtasan at maging isang miyembro ng bagong sangkatauhan, at para iwaksi ang mga tiwali mong disposisyon at maging isang nilikha na sumasamba sa Diyos, ang pagdurusang binabata mo ay ang dapat mong batahin, at hindi na ito karapat-dapat na banggitin pa. Ang pagbanggit nito sa sinuman ay magiging isang pagpapamalas ng kawalan ng anumang katwiran. Ang layon, halaga, at kabuluhan ng pagdurusa mo ay para ikaw mismo ay magtamo ng kaligtasan; walang anumang karapat-dapat na ipagmalaki rito. Hindi ba't ganoon iyon? (Oo.) Palaging tinatalakay ng ilang tao kung gaano sila nagpaparoo't parito at kung gaano sila nagdusa mula nang magsimula silang manampalataya sa Diyos, at kung gaano karaming pagpupungos, paghatol, at pagkastigo ang naranasan nila. Palagi nilang ipinangangalandakan ang “maluwalhating kasaysayan” ng kanilang pagdurusa. Hayaan mong sabihin Ko sa iyo: Ito ay kahiya-hiya, nakakasuklam, at nakakasuka! Ang mga ito ay pawang mga bagay na dapat mong gawin at dapat mong batahin. Hindi mo dapat subukang bigyang-katwiran ang iyong sarili. Wala kang nakamit na anumang merito sa sinuman. Kahit na gumagawa ka ng gawain ng iglesia, namumuno sa isang iglesia, at nagbibigay ng kaunting suporta at tulong sa mga tao, bahagi lang iyon ng responsabilidad mo at kung ano ang dapat mong gawin. Bakit ganoon? Sa isang banda, ginagampanan mo ang tungkulin ng isang tao. Sa kabilang banda, kahit na sinusuportahan, tinutulungan, at tinutustusan mo ang mga tao, tinutupad mo lang ang mga obligasyon mo bilang isang tao pagkatapos mong maunawaan ang katotohanan, upang makinabang ang iba mula rito. Gayumpaman, ang katotohanan ay hindi sa iyo; nagmumula ito sa Diyos. Ipinarating at ibinahagi mo lang ito. Ang katotohanan ay hindi mo pribadong pag-aari; ito ay buhay ng Diyos, at ito ay panustos ng Diyos. Kaya, kapag gumagawa ka ng gawain ng iglesia para suportahan at tulungan ang mga tao, hindi iyon isang uri ng merito; tinutupad mo ang isang obligasyon at isang responsabilidad. Kung gagawin mo ito nang maayos, tinutupad mo lang ang obligasyon mo at nagtataglay ka ng kaunting konsensiya at katwiran. Walang anumang karapat-dapat na ipagmalaki rito. Kung hindi mo ito gagawin nang maayos, dapat mong suriin at pagnilayan ang iyong sarili. Gaano man karaming tao ang napamunuan mo na noon habang gumagawa ng gawain ng iglesia, o gaano man karaming tao ang nasuportahan at natulungan mo na noon, sa paningin ng Diyos, ang mga ito ay pawang mabubuting gawa lang na tinatandaan Niya. Gayumpaman, pagdating sa mga tao, wala kang nakamit na anumang merito sa kanila. Kahit na sa paggawa ng gawaing ito, nagbayad ka ng malaking halaga, nagbata ng matinding pagdurusa, at nawalan ng maraming tulog nang palihim, at ang ilan pa nga sa inyo ay nagkasakit at binata ang paghihirap ng karamdaman, hindi ito nangangahulugang nakamit mo ang anumang merito. Ang lahat ng pagdurusang ito ay ang dapat batahin ng mga tiwaling tao para makamit nila ang katotohanan bago sila makapagtamo ng kaligtasan; hindi ito karapat-dapat na ipagmalaki kahit kaunti. Samakatwid, hindi ka dapat humingi ng kaluwalhatian para dito, ni hindi ka dapat humingi ng merito para dito. Ibinahagi Ko ang katotohanan sa inyo at tinustusan Ko kayo sa loob ng napakaraming taon, gayumpaman ay hindi Ko nararamdaman na nakamit Ko ang anumang merito sa inyo. Samantala, naunawaan mo lang ang katotohanan sa pamamagitan ng pagdurusa at pagbabayad ng halaga, at pagkatapos ay ibinahagi ito sa iba—nangangahulugan ba ito na nakamit mo ang anumang merito? Kahit na nakatulong nang kaunti sa iba ang mga kilos mo, iyon ay ang resulta lang na nakamit ng mga salita ng Diyos at ng katotohanan. Kung hindi ipinahayag ng Diyos ang mga salitang ito o ang mga katotohanang ito, ano ang mayroon ka para matulungan ang mga tao? Ang tanging ibabahagi mo sa mga tao ay katiwalian, at mga kuru-kuro at imahinasyon ng tao; imposibleng magkaroon ng katotohanan. Ang katotohanan ay maaari lang magmula sa Diyos. Ang Diyos ang pinagmumulan ng katotohanan, at Siya ang pinagmumulan na nagbibigay ng buhay sa sangkatauhan. Tumatanggap ka ng isang patak ng tubig mula sa Diyos, mula sa pinagmumulan, at pagkatapos ay ibinabahagi mo ito sa ibang tao. Kahit na mapawi nito ang kanilang pagkauhaw, tinupad mo lang ang iyong responsabilidad at obligasyon. Para sa mga taong iyon, sadyang hindi ito isang uri ng biyaya, pabor, pagkakaloob, o panustos; sa pinakamabuti, isa lang itong tulong. Tinupad mo lang ang responsabilidad na dapat tuparin ng isang nilikha. Sa pamamagitan ng iyong mga karanasan, ibinabahagi at ipinapasa mo ang mga salita ng Diyos at ang mga layunin ng Diyos sa iba, tinutulutan silang makatanggap ng sustansya at panustos mula sa mga ito. Kaya, sa Aking paningin, anumang pagdurusang binabata ng mga tiwaling tao sa panahon kung kailan tinatanggap nila ang katotohanan at nagtatamo sila ng kaligtasan ay ang dapat nilang batahin. Dahil ang mga tao ay may mga tiwaling disposisyon, at sinalanta at nagawang tiwali ni Satanas, matinding niyurakan ni Satanas, at tinaniman at inimpluwensiyahan ng iba't ibang kaisipan at pananaw ni Satanas, at ng mga erehiya at maling kaisipan nito, mahirap para sa mga tao na tanggapin ang katotohanan. Ang proseso ng pagtanggap ng isang tao sa katotohanan at pagtatamo ng kaligtasan ay tulad ng isang pasyenteng may malubhang karamdaman na tumatanggap ng paggamot: Dapat siyang magbata ng pagdurusa, kung wala ito ay hindi siya mapapagaling. Para magtamo ng kaligtasan, dapat tanggapin ng mga tiwaling tao ang katotohanan, tanggapin ang paghatol at pagkastigo, at tanggapin ang mga pagsubok at pagpipino. Sa pamamagitan lang ng pagbabata ng matinding pagdurusa sila makararanas sa huli ng isang lubusang pagbabago at magiging mga miyembro ng bagong sangkatauhan. Kung hindi dadaan sa iba't ibang kapaligiran ng pagdurusa, imposible para sa tao na tumanggap ng katotohanan nang gayon kanatural at bilang isang normal na bagay. Ang mga tiwaling disposisyon ng tao ay malalim ang pagkakaugat at naging buhay na niya. Kaya, dapat tanggapin ng tao ang pagpipino ng iba't ibang uri ng pagdurusa at dapat magbata ng matinding pasakit para maghimagsik laban sa kanyang mga tiwaling disposisyon, maghimagsik laban sa iba't ibang ambisyon at pagnanais ng tao, bitawan ang iba't ibang walang-katotohanang kaisipan at pananaw ng tao, at tanggapin ang katotohanan. Ang nakukuha ng tao bilang kapalit ng pagdurusang ito ay kaligtasan at ang pagwawaksi sa kanyang mga tiwaling disposisyon; ang nakukuha niya ay pagpapasakop sa katotohanan at tunay na pagsamba sa Diyos; ang nakukuha niya ay ang pagkilala ng Diyos sa kanya, isang nilikha. Samakatwid, ang pagdurusang ito ay may pinakamalaking halaga. Anumang uri ng pagdurusa ang batahin mo para iwaksi ang mga tiwali mong disposisyon, tandaan ang isang bagay: Ito ang pagdurusang dapat mong batahin, at hindi mo ito dapat ipangalandakan saanman. Kung ang pagdurusang ito ay ang binabata mo nang kusa at ang dapat mong batahin, dapat mo itong harapin nang tama at tanggapin ito mula sa Diyos. Dapat mo itong gawing sarili mong tunay na pagkaunawa at kahanga-hangang mga karanasan, at ibahagi ito sa iba sa pamamagitan ng pagsusulat o pagsasalita tungkol dito, sa halip na talakayin ang mga karanasan mo sa pagdurusa para magpakitang-gilas at kumuha ng personal na kapital para sa iyong sarili. Gaano ka man magdusa, hindi ito ang iyong personal na kapital, at hindi ito nangangahulugang mayroon kang mataas na katayuan. Hindi sinusukat ng Diyos kung ang isang tao sa huli ay may kalipikasyon na magtamo ng kaligtasan sa pamamagitan ng kung gaano siya nagdurusa. Tama ba ang pagtingin sa pagdurusa sa ganitong paraan? (Oo.)
Sabihin ninyo sa Akin, ang mga kaisipan at pananaw bang ito tungkol sa pagdurusa na sinabi Ko, na dapat taglayin ng tao, ay naaayon sa katotohanan? (Oo.) Hindi ba't dapat ganito tingnan ang pagdurusa? (Oo.) Kung kaya mong tingnan ang mga bagay-bagay sa ganitong paraan, magkakaroon ng pagkamakatwiran at pagkatao sa mga kilos mo, at mababawasan nang husto ang mapagmataas mong disposisyon. Tanggapin mo muna ang mga tamang kaisipan at pananaw, at pagkatapos ay gamitin ang mga kaisipan at pananaw na ito bilang punto ng paghahambing sa sarili mong katiwalian at para malutas ito. Habang gumagawa ka ng mga bagay-bagay, magsagawa ka ayon sa mga prinsipyo ng pagsasagawa ng mga kaisipan at pananaw na ito, at malulutas ang mga tiwali mong disposisyon nang hindi mo namamalayan. Kadalasan, naiwawaksi ang mga tiwaling disposisyon sa pamamagitan ng pagtanggap ng isang tao sa isang tamang kaisipan at pananaw, at pagdanas muna sa pagbabago sa mga pananaw niya, at pagkatapos ay unti-unting pagbabago sa paraan ng pagkilos niya at sa mga paghahayag ng disposisyon niya. Tungkol sa usapin ng pagdurusa, dapat ay mayroon ka munang mga tamang kaisipan at pananaw, at nakakatiyak ka kung tungkol saan ang pagdurusa, kung bakit ka nagdurusa, at kung tama ba ang layon at direksyon ng pagdurusa mo. Kung mayroon kang mga tamang kaisipan at pananaw sa pagdurusa, at binabata mo ito para maiwaksi mo ang mga tiwali mong disposisyon at makasunod ka sa mga katotohanang prinsipyo, at sa pagbabata sa pagdurusang ito, sinusunod mo ang daan ng Diyos, kung gayon, ang pagdurusang ito ay isang obligasyon na dapat mong tuparin bilang isang nilikha. Ito ang pagsasagawa na dapat mayroon ka, at ito rin ang tungkulin mo; ito ang dapat mong gawin bilang isang tunay na nilikha. Isa itong responsabilidad na hindi mo matatakasan; ibig sabihin, ang pagdurusang ito ang dapat mong pasanin. Katulad lang ito ng kung paanong, kapag isinisilang ng mga magulang ang kanilang mga anak, dapat nilang palakihin ang mga ito; ang pagpapalaki sa mga ito hanggang sa hustong gulang ay responsabilidad ng mga magulang. Gaano man katinding pagdurusa ang binabata nila sa proseso ng pagpapalaki sa mga anak nila, ito ang responsabilidad na dapat tuparin ng mga magulang, at walang anumang karapat-dapat na ipagmalaki rito. Ganito pinalaki ng mga tao ang mga anak nila sa bawat henerasyon. Para magpalaki ng mga anak, dapat pasanin ng isang tao ang pasakit na ito, na isa mismong responsabilidad. Para magtamo ng kaligtasan, para magsagawa ng katotohanan, at para magtaguyod ng mga katotohanang prinsipyo at manindigan sa kanilang patotoo, kailangan ding magbata ng mga tao ng matinding pagdurusa. Gayumpaman, isang bagay ang tiyak: Ang pagdurusang ito ay talagang hindi isang walang-saysay na sakripisyo, at hindi ito walang-kabuluhang pagdurusa; sa halip, ito ay makabuluhan at mahalaga. Kung ang layon ng pagdurusa mo ay ang magpatotoo sa Diyos, ang pangalagaan ang pag-iral ng katotohanan, ang pangalagaan ang pag-iral ng mga positibong bagay, at ang pangalagaan ang pag-iral ng mga makatarungang layunin, at ang itaguyod ang mga katotohanang prinsipyo at sa gayon ay panindigan ang patotoo mo, kung gayon, ang pagdurusang binabata mo ay mahalaga at makabuluhan. Kung tama at positibo ang layon ng pagdurusa mo, ang pagdurusang ito ang dapat mong batahin. Ano ang ibig sabihin na ito ang dapat mong batahin? Nangangahulugan ito na isa itong responsabilidad na dapat mong pasanin at isang obligasyon na dapat mong tuparin bilang isang tao at bilang isang nilikha sa ilalim ng kapamahalaan ng Diyos; sa madaling salita, ikaw ay "obligado." Ano ang ibig sabihin ng pagiging obligado? Nangangahulugan ito ng paggawa ng isang bagay nang hindi humihingi ng anuman, nang hindi sumusubok na makipagtawaran, at nang hindi naghahanap ng merito; sadyang ito ang dapat mong gawin. Katulad lang ito noong inatasan ng Diyos si Noe na itayo ang arka. Nagbayad si Noe ng halaga na isandaan at dalawampung taon para itayo ang arka, pero kanino siya sumubok na kumuha ng papuri? Hindi siya sumubok na kumuha ng papuri sa sinuman. Gaano katinding pagdurusa ang binata niya habang itinatayo ang arka sa loob ng isandaan at dalawampung taong iyon? Gaano man siya nagdusa, sa paningin ng Diyos, anumang pagdurusa ang binata niya sa pagtanggap sa atas na ito ay ang dapat niyang batahin. Ito ay dahil isa siyang tao, at kinailangan niyang tanggapin ang pasakit na ito habang pinapasan ang responsabilidad na ito, at ang pasakit na ito at ang responsabilidad niya ay lumitaw nang sabay, at sabay na naganap. Bilang isang tao, sa sandaling matanggap mo ang atas ng Diyos, dapat mong tanggapin ang bawat uri ng pasakit na nakapaloob dito; obligado kang gawin ito. Ano ang nakuha ni Noe sa huli bilang kapalit ng pagdurusa niya? Nagawa niyang manatiling buhay sa arka at maging ninuno ng susunod na henerasyon ng sangkatauhan; ipinagpalit niya ang pagdurusa niya para sa pananatiling buhay. Samakatwid, gaano man siya nagdusa habang itinatayo ang arka, hindi niya kailanman naramdaman na isa itong kontribusyon sa sangkatauhan o sa Diyos. Mayroon siyang pagkamakatwiran; hindi siya kailanman nagsabi ng gayong mga bagay. Naramdaman niyang ito ay pagliligtas ng Diyos at biyaya ng Diyos. Dapat ding taglayin ng sangkatauhan ngayon ang saloobing ito. Kung bukal sa loob mong ginagampanan ang tungkulin mo at bukal sa loob mong tinatanggap ang pagliligtas ng Diyos, at anuman ang tungkuling ginagawa mo, o gaano ka man nagdurusa at ano ang nararanasan mo sa paggampan ng tungkulin mo, ang layon mo ay ang tuparin ang atas at ang tungkuling ibinigay sa iyo ng Lumikha, at ang magtamo ng kaligtasan, kung gayon, anong pagdurusa ang hindi mo dapat batahin? Anumang pagdurusa ang binabata mo ay isang responsabilidad at obligasyon na dapat mong tuparin. Sa madaling salita, responsabilidad at obligasyon mo na batahin ito; hindi ito karapat-dapat na ipagmalaki. Palaging iniisip ng mga tao, "Nagdusa ako at nagbayad ng halaga. Dapat kong purihin ang sarili ko; dapat kong ipaalam sa Diyos, at dapat kong ipaalam sa mga tao, para magkaroon ang mga tao ng magandang impresyon sa akin sa puso nila, at para magkaroon ako ng mataas na katayuan at prestihiyo sa mga tao." Ito ay kalabisan at hindi kinakailangan. Sa pamamagitan ng pagdurusa, nakamit mo na ang dapat mong nakamit. Ang katotohanan at ang buhay na ipinagkakaloob sa iyo ng Diyos ang pinakamahahalagang bagay. Walang prestihiyo, katayuan, o mataas na pagtingin mula sa iba ang maikukumpara sa katotohanang nakamit mo. Dahil nakamit mo na ang pinakamahalagang bagay, kailangan pa bang ipagmalaki ang pagdurusa mo at ang halagang ibinayad mo para magkaroon ang iba ng mataas na pagtingin sa iyo? Hindi na iyon kailangan. Dahil nagdurusa ka at nagbabayad ng halaga para makamit ang katotohanan at magtamo ng kaligtasan, hindi mo dapat ipagmalaki ang pagbabata sa pagdurusang ito. Tatratuhin ng mga may konsensiya at pagkamakatwiran ang usaping ito nang tama. Higit pa rito, kung mas marami kang mauunawaang katotohanan sa pamamagitan ng pagdurusa at mas tumpak mong mauunawaan ang mga layunin ng Diyos, pasasalamatan mo ang Diyos sa paghahanda ng mga kapaligirang ito para sa iyo at magpapasalamat ka para sa pagdurusang binata mo. Sasabihin mo, "Mabuti na lang, nariyan ang mga kapaligirang iyon ng pagdurusa. Mabuti na lang, nariyan ang mga karamdaman, pagkadismaya, kabiguan, pagtatanggal, pagpupungos, at paghatol at pagkastigo na inihanda ng Diyos. Mabuti na lang, nariyan ang mga bagay na ito para samahan ako." Kung wala ang mga kapaligirang ito ng pagdurusa na sumasama sa iyo, imposibleng magkaroon ka ng mga nakamit mo ngayon. Dapat kang magpasalamat sa Diyos, sa halip na ituring ang pagdurusa bilang kapital na magagamit mo para kumuha ng papuri at magkuwento sa harap ng iba. Nakikita mo, kapag may tumpak na pagkaunawa ang tao sa isang partikular na uri ng bagay na naaayon sa katotohanan, magiging tumpak ang mga pananaw niya sa gayong mga bagay, magiging tama ang paninindigan niya, at magiging normal ang pagkamakatwiran niya. Ang ugat na sanhi ng pagiging hindi normal sa pagkamakatwiran ng tao ay dahil ang mga opinyon, pananaw, paninindigan, at perspektiba niya sa maraming bagay ay walang-katotohanan at nakabatay sa mga kaisipan at pananaw na itinanim ni Satanas sa tao. Samakatwid, gumagamit ka ng mga walang-katotohanang kaisipan at pananaw, at tinitingnan mo ang mga bagay na ito mula sa isang walang-katotohanang perspektiba. Palagi mong nararamdaman na, sa pagdurusa, labis kang naagrabyado at napagsamantalahan; palagi mong gustong patunayan na tama ka, palagi mong gustong ibuhos ang mga hinaing mo sa isang tao, at palagi mong gustong magkaroon ng mataas na pagtingin sa iyo ang iba, at magkamit ka ng pakiramdam ng pagkakontento mula sa mataas na pagtingin nila. Gayumpaman, ngayong kinikilala mo na ang halaga at kabuluhan ng pagdurusa, kaya mo nang tanggapin nang tama ang pagdurusang nagmumula sa Diyos, at hindi ka na lumalaban dito. Kapag lumaki nang kaunti ang tayog ninyo at lumago nang kaunti ang buhay ninyo, magdarasal ang ilan sa inyo tulad ng ginawa ni Pedro, hinihiling na hindi kayo kailanman lisanin ng pagkastigo at paghatol ng Diyos. Mayroon ba kayo ng tayog na ito ngayon? (Wala pa, pero handa kaming pagsikapan ito.) Ipagpatuloy lang ninyo ang paghahangad sa katotohanan at pagsisikap para dito. Habang mas nauunawaan ninyo ang katotohanan, unti-unting magbabago ang paraan ng pagtingin ninyo sa mga bagay-bagay sa loob ninyo, at unti-unting lalago ang buhay ninyo.
Nagkakaroon ang ilang tao ng mga di-karaniwan o mahirap-gamuting sakit sa proseso ng paggampan ng mga tungkulin nila. Sa pamamagitan ng pagdanas sa mga karamdamang ito, may nakakamit sila sa huli. Lumala man ang sakit, manatiling pareho, o gumaling, sa madaling salita, ang nakakamit nila sa huli mula sa pagdanas sa pagdurusang ito ay isang pagkaunawa sa mga layunin ng Diyos at pagkakilala sa sarili nilang mga problema sa iba't ibang aspekto. Hindi na nila tinatrato ang Diyos at ang katotohanan gamit ang mga maling saloobin at pamamaraan na dati nilang ginamit. Ang natamong ito ay isang bagay na hindi mo makukuha sa pamamagitan ng anumang iba pang uri ng karanasan—makakamit lang ito sa pamamagitan ng pagdurusa. Sa panahong iyon, magiging mapagpasalamat ka para sa karamdamang ito, sasabihin mo, "Mabuti na lang at nagkaroon ako ng karamdamang ito; kung hindi, magiging imposible para sa akin na magkaroon ng gayong mga pakinabang." Kaya, kapag nakikipagbahaginan ka at ibinabahagi mo ang karanasang ito sa iba, magbabahagi ka tungkol sa nakamit mo mula sa karanasan mo, kung ano ang inani mo mula rito, at kung anong mga katotohanan ang dapat maunawaan ng mga tao sa loob nito, sa halip na bigyang-diin ang pagdurusang binata mo. Hindi mo itataas at patototohanan ang sarili mo sa harap ng iba tungkol sa kung gaano ka nagdusa, kung gaano ito nakakabagabag, at kung paano ka nagkaroon ng determinasyong magdusa sa huli. Hindi mo ito gagawin para magpatotoo sa sarili at purihin ang sarili mo, kundi sa halip ay para ibahagi ang sarili mong mga karanasan at magpatotoo sa Diyos. Ang isyu ng pagdurusa ay dapat arukin sa ganitong paraan. Ang pangunahing bagay ay kung ano ang layon mo sa pagdurusa, at kung ano ang halaga at kabuluhan ng pagdurusa mo. Pero anuman ito, anumang pagdurusa ang binabata ng mga tao at gaano man sila nagdurusa, ang pagdurusa nila ay hindi kailanman maaaring maging isang anyo ng personal na kapital para sa kanila. Dagdag pa rito, namumuhay sa laman ang mga tiwaling tao. Kahit na hindi ka nananampalataya sa Diyos, hindi ba’t nagdurusa ka para manatiling buhay sa gitna ng mga tao? (Oo, kailangan din naming magdusa para dito.) Posible ba para sa laman na hindi magdusa kahit kaunti? (Hindi.) Kahit na hindi nananampalataya sa Diyos ang isang tao, kailangan pa rin niyang magbata ng maraming pagdurusa. Sa paghahangad ng isang tao sa kasikatan, pakinabang, katayuan, tagumpay sa akademya, at kayamanan, pati na rin sa pagpapalaki ng mga anak at iba pa—ang lahat ng bagay na ito ay may kaakibat na pagdurusa. Sino ba ang hindi nagdurusa? Sa pamumuhay sa mundong ito ng tao, dapat magbata ng pagdurusa ang mga tao; iyon nga lang, ang ilang pagdurusa ay walang halaga—ang uri ng pagdurusa kung saan nagpapakaabala ang mga tao alang-alang sa pananatiling buhay at para sa kasikatan at pakinabang, nakikipagkompetensiya sa isa't isa, sinusubukang ibukod ang isa't isa, at idinidiin ang isa't isa. Sa huli, kapag nagawa na nilang makuha ang kasikatan, pakinabang, at katayuan nila, palagi silang nag-aalala na mawala ang mga ito, at nagbabata sila ng higit pang pagdurusa para hindi mawala ang katayuan nila. Nang may matinding paghihirap, napapanatili nga nila ang katayuan nila, pero nahahapo ang kanilang katawan at isipan, gayundin ang kanilang emosyon. Sa mundong ito, kapwa nagdurusa ang mayayaman at mahihirap. May sariling mga pagdurusa ang mayayaman, at mayroon din ang mahihirap. Sa madaling salita, hindi madali ang mamuhay sa mundong ito ng tao; nagdurusa ang lahat. Ang mga taong nananampalataya sa Diyos ay medyo mas kaunti ang pagdurusa pagdating sa pamumuhay at pananatiling buhay nila, dahil pagkatapos nilang tanggapin ang katotohanan, nagiging iba sa mga walang pananampalataya ang marami sa mga kaisipan at pananaw nila, at nagagawa nilang bitawan ang maraming bagay, hindi na gumagawa ng mga walang-saysay na sakripisyong iyon o nakikibahagi sa mga walang-kabuluhang pakikibaka—kaya, medyo mas kaunti ang pagdurusa nila sa aspektong ito. Nagagawa nilang makontento sa pagkakaroon lang ng pagkain at damit; ginugugol nila ang natitirang oras nila sa paghahangad sa katotohanan, paghahangad ng kaligtasan, at pagtupad nang maayos sa tungkulin nila bilang mga nilikha, tama ba? (Tama.) Kailangang magbata ng mga tao ng ilang pagdurusa alang-alang sa buhay ng kanilag laman: Dapat nilang pagdusahan ang mga pasakit ng pagkahapo at karamdaman, ang pang-aakit ng iba't ibang masamang kalakaran sa mundo, ang pagbubukod, at ang pag-aaway at alitan sa pagitan ng mga tao—dapat nilang batahin ang lahat ng pagdurusang ito. Dagdag pa rito, namumuhay sa kahirapan ang ilang tao at wala silang perang pampagamot kapag nagkakasakit sila. Maraming bagay ang hindi nangyayari ayon sa gusto nila, at madalas silang nakakaramdam ng kawalan ng magagawa, pero binabata nila ang lahat ng pagdurusang ito. Ano’t anuman, nagdurusa ang mga tao, pero gaano man katinding pagdurusa ang binabata mo alang-alang sa laman ay nararapat lang; ito ang dapat mong batahin. Kung gusto mong mabuhay, kailangan mong magdusa. Bagama't ang pagdurusang binabata ng mga taong nananampalataya sa Diyos ay medyo katulad sa anyo ng pagdurusang binabata ng mga walang pananampalataya, ang nakakamit ng mga mananampalataya sa huli ay ang katotohanan, pati na rin ang pagsamba at pagpapasakop sa Diyos. Kung gayon, ang pagdurusang ito ay lubhang mahalaga at makabuluhan. Dapat kang magpasalamat sa Diyos sa paghahanda ng mga kapaligirang ito sa pamumuhay na puno ng pagdurusa para sa iyo, upang matuto ka ng mga aral at matutong magpasakop sa Diyos at manindigan sa patotoo mo sa bawat pagkakataong nakakaranas ka ng pagdurusa, sa halip na gamitin ang karanasan ng pagdurusa bilang kapital na magagamit para ipangalandakan at itaas ang sarili mo. Ang palaging pagtataas at pagpapatotoo sa sarili sa pamamagitan ng pagsasalita tungkol sa pagdurusang binata niya, para makuha ang mataas na pagtingin ng iba—ang ganitong uri ng mga tao ay kahiya-hiya. Ang mga taong walang katwiran ay walang ginagawa kundi mga kahiya-hiyang bagay. Kapag ang mga taong may katwiran ay gumagawa ng isang bagay na kulang sa katwiran, nakakaramdam sila ng kahihiyan; itinitigil nila ito at hindi na sila nagpapatuloy, hindi ba? (Oo.)
Marami na Akong naibahagi tungkol sa isyu ng pagdurusa. Nakatulong ba sa inyo ang pakikipagbahaginan Ko sa ganitong paraan? (Oo.) Paano ito nakatulong sa inyo? (Pagkatapos marinig ang pagbabahagi ng Diyos, naunawaan ko na ang mga uri ng pagdurusang binabata ng laman ay ang dapat batahin ng tao, at na ang pagdurusa ng pagdanas sa paghatol at pagkastigo, pagpupungos, mga kapighatian at pagsubok, at iba pa, ay siya ring dapat batahin ng tao. Ito ay dahil may mga satanikong tiwaling disposisyon ang tao, at kung hindi babatahin ng tao ang pagdurusang ito, hindi maiwawaksi ang mga tiwali niyang disposisyon. Dagdag pa rito, kababanggit lang ng Diyos na anumang pagdurusa ang binabata ng tao para matupad ang nang maayos ang tungkulin niya bilang isang nilikha ay ang obligasyon at responsabilidad niya, at hindi niya ito dapat gamitin bilang kapital para subukang kumuhi ng papuri mula sa Diyos. Pagkatapos ng pagbabahagi ng Diyos, pakiramdam ko ay kaya ko nang tingnan ang pagdurusa nang may pagkamakatwiran.) Pagkatapos makipagbahaginan nang ganito, mapapalaya ang ilang tao na palaging naghahangad ng pagdurusa. Palaging iniisip ng ilang tao, "Dapat akong magdusa, kung hindi ay mamaliitin ako ng mga kapatid at hindi nila ako ihahalal bilang lider o manggagawa sa susunod. Dapat ay kaya kong magpakitang-gilas, at matutong magdusa sa harap ng iba." Hindi mo kailangang magpakitang-gilas. Kung mayroon kang oras para gawin iyon, mas mabuti pang gugulin mo ito sa pagbabasa ng mas marami pang salita ng Diyos, pag-unawa ng mas marami pang katotohanan, pagtupad nang maayos sa mga responsabilidad at obligasyon mo, at paggampan nang maayos sa mga tungkulin mo, na sa huli ay nagkakamit ng mga pakinabang sa usapin ng katotohanan. Hindi alintana kung may mataas na pagtingin sa iyo ang iba, kung ikaw mismo ay nagkamit ng mga pakinabang sa usapin ng katotohanan, at kung naiwaksi na ang mga tiwali mong disposisyon—at sa huli ay nakamit mo ang pagkakataong maligtas at ang pagtanggap ng Lumikha—ito ang pinakamahalagang bagay; ito ang pipiliin ng isang matalinong tao. Kung palagi kang nagpapakitang-gilas sa harap ng iba para maging mataas ang tingin nila sa iyo, at palaging kumukuha ng papuri at naghahanap ng mga gantimpala sa harap ng iba, nagpapatotoo tungkol sa kung gaano ka nagdusa, gaano karaming hinaing ang binata mo, kung paano mo ginugol ang sarili mo para sa Diyos, gaano kalaking halaga ang ibinayad mo, at gaano karami ang inialay mo, kung gayon, isa itong hangal na paraan ng paggawa ng mga bagay-bagay. Dahil nagbayad ka ng gayon kalaking halaga, nag-alay ng napakarami, at nagdusa nang napakatindi, kung gayon, ibahagi mo sa lahat ang mga karanasan mo mula sa pagbabata sa pagdurusang ito at pagbabayad sa halagang ito, at kung ano ang nakamit mo mula rito, para makakuha ang lahat ng ilang pakinabang at makahanap ng landas ng pagsasagawa. Dapat mong ilahad ang mga resultang nakamit at inani mo—kung aling mga aspekto ng mga layunin ng Diyos ang naunawaan mo, at kung aling mga aspekto ng katotohanan ang nag-ugat sa loob mo at naging buhay mo. Dapat kang magbahagi tungkol sa mga bagay na ito at ibahagi mo ang mga ito. Kapag hindi nauunawaan ng mga kapatid ang isang partikular na aspekto ng katotohanan, o hindi nila alam kung paano kumilos ayon sa mga katotohanang prinsipyo sa isang partikular na usapin, dapat mong ibahagi ang mga personal mong karanasan para magbigay ng tulong at gabay. Dahil labis kang nagdusa, tiyak na marami kang nakamit, kaya ibahagi mo ito; maraming tao ang gustong makakuha ng tulong mula sa iyo. Hindi mo kailangang magsalita tungkol sa proseso ng pagdurusa mo, o tungkol sa kung gaano ka nagdusa. Magsalita ka lang tungkol sa kung aling mga aspekto ng katotohanan ang nalaman mo pagkatapos magdusa. Gamitin mo ang kaalaman mo at ang mga nakamit mo para dalhin ang mga tao sa harap ng Diyos, lutasin ang mga kontradiksyon nila sa Diyos, at lutasin ang mga maling kaisipan at pananaw nila sa Kanya. Ang pagdadala sa kanila sa harap ng Diyos ay pagdadala sa kanila sa katotohanang realidad. Ito lang ang hinihingi sa iyo; tingnan mo kung makakamit mo ito. Kung kaya mo, natupad mo na nang maayos ang responsabilidad at obligasyon mo, at ang pagdurusa mo ay mahalaga at makabuluhan. Kung hindi mo man lang matugunan ang hinihinging ito, itikom mo na lang ang iyong bibig; walang silbi ang pagdurusang binata mo. Kung palagi kang nagsasalita tungkol sa kung gaano ka nagdusa, nagpapasikat ka at nagbubunyag ka ng katiwalian; nagpapatotoo ka kay Satanas, nagpapatotoo sa mga tiwaling disposisyon, at nagpapatotoo sa mga kaisipan at pananaw ni Satanas—nanlilihis ka ng mga tao at nagdudulot ng mga panggugulo. Kung sinasabi mong labis kang nagdusa at nagbayad ng malaking halaga, na nahatulan, nakastigo, napungusan, at nadisiplina ka ng mga salita ng Diyos, at na nakaranas ka ng matinding pasakit at pagpipino, kung gayon, dapat mong kunin ang mga karanasan mo mula sa panahon ng pagdurusa mo—kung paano ka nagpasakop, kung paano mo nagawang tratuhin ang mga salita ng Diyos nang may mga tamang kaisipan, pananaw, at saloobin, kung paano mo tinanggap ang paghatol at pagkastigo ng mga salita ng Diyos, at kung paano mo hinanap ang katotohanan para makaahon ka mula sa pasakit at pagpipino—at magbahagi ka tungkol sa mga ito at ibahagi mo ang mga ito sa lahat. Maraming tao ang nagugutom at nauuhaw sa katuwiran, naghihintay na marinig ang mga bagay na ito. Alam ng karamihan sa mga tao, nang hindi sila tinuturuan, kung paano magdusa, kung paano magbayad ng halaga, kung paano magpakitang-gilas at magpatotoo sa sarili nila pagkatapos magdusa at magbayad ng halaga, at iba pa. Alam nilang lahat kung paano magpakitang-gilas at ipagmalaki ang mga merito nila. Ano lamang ang mga bagay na hindi nila nauunawaan? Hindi nila nauunawaan kung anong paraan ng pagkilos ang pagsasagawa ng katotohanan at paggawa ng mga bagay-bagay ayon sa mga katotohanang prinsipyo, at kung anong paraan ng pagkilos ang baluktot; kung anong paraan ng pagkilos ang nakakatugon sa mga layunin ng Diyos, at kung anong paraan ang lumalabag sa mga ito; kung anong mga maling kaisipan at pananaw mayroon ang mga tao sa loob nila; kung paano kilalanin at himayin ang sarili nila kapag nakakaharap sila ng mga bagay-bagay at naghahayag sila ng katiwalian; o kung anong paraan ng pagkilos ang nangangahulugang nagbalik-loob na sila, at kung anong paraan ng pagkilos ang nangangahulugang nagbago at lumago na sila. Ang mga ito ang mga bagay na wala sa karamihan ng mga tao. Ayon sa kalikasan ng tao, ang likas na ibinubunyag at isinasabuhay ng buhay sa loob ng mga tao ay ang pagtataas sa sarili, pagpapatotoo sa sarili, at pagpapasikat para maging mataas ang tingin ng iba sa kanila; dito pinakamagaling at pinakamahusay ang mga tao. Hindi mo na kailangang pagbahaginan o ibahagi ang mga bagay kung saan pinakamahusay ang mga tao; ibahagi mo ang ilan sa mga karanasan, pagkakilala, at pagpapahalaga mo tungkol sa mga salita ng Diyos. Ang mga ito ang mga bagay na kailangan ng mga tao. Magbahagi ka ng isang bagay na kailangan ng mga tao, mga paksa na nakakatulong para sa pagsasagawa ng mga tao, sa mga karanasan ng mga tao, at sa pagtatamo ng mga tao ng kaligtasan, at nakakatulong sa kanila na lutasin ang mga kontradiksyon nila sa Diyos. Ito ay mahalaga. Sinasabi mong labis kang nagdusa, na gumugol ka ng maraming enerhiya at malaking bahagi ng dugo ng puso mo sa pagdurusa mo, at na mayroon ka ring pagpapasakop, kaya ano ang nakamit mo? Sabihin mo ito nang malakas para marinig ng lahat. Ang pagbabahagi sa lahat ng pagkakilala at pagpapahalaga mo tungkol sa katotohanan—na kailangan ng mga tao—ay lubos na tinatanggap. Ito ang kailangan ng mga tao. Ang paggawa nito ay isang tunay na mabuting gawa, at ito ay responsabilidad at obligasyon mo. Kung, alang-alang sa pagpapakitang-gilas, nagpapatotoo ka tungkol sa kung anong mga uri ng pagdurusa ang binata mo, at ipinagmamalaki mo ang kapital na pinaniniwalaan mong naibigay sa iyo ng pagdurusa mo para magkaroon ang mga tao ng mataas na pagtingin sa iyo at sambahin ka nila, isa itong paglihis sa mga layunin ng Diyos. Ang paggawa nito ay hindi mo responsabilidad o obligasyon; sa halip, isa itong pagpapamalas ng pagkawala ng konsensiya at katwiran mo. Kung talagang hindi mo mapigilan at gusto mong magpasikat, maaari mo itong talakayin nang kaunti sa ilang indibidwal para tugunan ang banidad mo, pero dapat mong malaman kung kailan titigil. Tiyakin nang husto na huwag itong hayagang ipangalandakan sa mga pampublikong lugar; ito ay tinatawag na pagiging mapagpasikat, at ito ay tinatawag na pagpapamukhang hangal sa sarili. Ano ang ibig sabihin ng pagiging mapagpasikat at pagpapamukhang hangal sa sarili? Katumbas ito ng paghuhubad sa publiko para tingnan ng mga tao—ganoon ito kakasuklam-suklam. Anong uri ng tao ang gumagawa ng gayong bagay? Isa itong bagay na ginagawa ng mga taong may sakit sa pag-iisip, ng mga taong walang hiya at walang pagkamakatwiran. Kung mayroon kang katwiran, hinding-hindi mo dapat gawin ang ganitong uri ng bagay. Ang pagdurusa ay ang dapat mong batahin, pero ano ang nakamit mo pagkatapos magdusa? Huwag mo itong itago; dapat mo itong ibahagi nang walang itinatago sa lahat ng kapatid na sumusunod sa Diyos at naghahangad sa katotohanan. Kung ibabahagi mo ito, pagpapalain ka ng Diyos, at magkakaloob Siya ng higit pa sa iyo. Kung hindi ka magsasalita tungkol sa mga paksa na may kinalaman sa mga buhay karanasan at pagpapatotoo sa Diyos, kundi sa halip ay palagi kang nagsasalita tungkol sa kung paano ka nagdusa at nagbayad ng halaga at kung gaano karaming kapital ang mayroon ka, palaging nagpapakita ng isang pinagandang bersyon ng sarili mo sa iba, itinataas ang imahe mo at inaangat ang reputasyon mo, nagsasalita at kumikilos alang-alang sa sarili mong kasikatan, pakinabang, at katayuan, at walang-kahihiyang nagpapasikat saanman, kung gayon, bukod sa hindi ka pagpapalain ng Diyos, kukunin pa Niya kung ano ang orihinal na mayroon ka. Ito ay dahil ang mga kilos mo ay hindi tinatanggap o kinikilala ng Diyos, kundi kinokondena Niya. Iyan ang dahilan kung bakit sinasabi Ko sa inyo, hinding-hindi ninyo dapat piliin ang landas na ito. Gaano ka man nagdusa, at hindi alintana kung ito ba ang dapat mong batahin o hindi, o kung nagdusa ka nang kusa o pasibo dahil sa kawalan ng magagawa, hinding-hindi mo dapat ituring ang pagdurusa mo bilang kapital na ipapangalandakan. At huwag na huwag kang magbahagi tungkol sa kung gaano ka nagdusa na para bang ito ang katotohanan para maging mataas ang tingin sa iyo ng mga tao, o para tularan nila ang determinasyon mong magdusa, ang paraan mo ng pagdurusa, o ang saloobin mo sa pagdurusa. Huwag na huwag mo itong gagawin; ito ay pagtahak sa sarili mong landas. Hindi kailanman tinitingnan ng Diyos kung gaano nagdurusa ang isang tao. Tinitingnan lang Niya kung gaano katinding pagdurusa ang pinagdadaanan mo, gaano karaming hinaing ang binabata mo, at gaano kalaking halaga ang ibinabayad mo alang-alang sa katotohanan, alang-alang sa pagtataguyod ng katarungan at pangangalaga sa gawain ng Diyos, alang-alang sa paggampan nang maayos sa tungkulin mo, alang-alang sa pagpapasakop sa mga pagsasaayos ng Diyos at sa katotohanan, at alang-alang sa pagsunod sa mga katotohanang prinsipyo. Tinitingnan Niya kung ano ang mga layon, intensiyon, at motibo mo sa pagdurusa, sa halip na kung gaano katindi ang pagdurusa mo o kung gaano ka nagdurusa. Kung ang layon mo sa pagdurusa ay ang pangalagaan ang sarili mong pride at mga personal na interes, kung gayon, ang pagdurusa mo ay walang anumang halaga. Kung nagdurusa ka para pangalagaan ang mga interes ng sambahayan ng Diyos, kahit na magsabi ka lang ng iisang pangungusap na sa huli ay nakapagpapasama ng loob ng ilang tao pero nangangalaga sa mga interes ng sambahayan ng Diyos at kapaki-pakinabang sa gawain ng iglesia, kung gayon, ang iisang pangungusap na ito ay tatandaan ng Diyos. Ituturing Niya ang pangungusap na ito bilang mahalaga, at pagkakalooban ka Niya nang higit pa, at bibigyan ka ng pananalig para palakasin ka, upang kapag nahaharap ka sa mga bagay-bagay, hindi ka matatakot sa masasamang tao o sa mga mapanlabang puwersa. Bibigyan ka Niya ng kalinawan ng isip, at bibigyang-kakayahan ka Niyang magkaroon ng kaalaman, kabatiran, liwanag, at kaliwanagan tungkol sa katotohanan. Gaya ng nakikita mo, napakadakila ng pagpapala ng Diyos!
Ang pinagbahaginan natin ngayon lang ay ang mga tamang kaisipan at pananaw tungkol sa pagdurusa. Paano ka man kumilos noon o ano man ang pananaw mo sa pagdurusa noon, kapag nauunawaan mo ang mga katotohanan tungkol sa pagdurusa, dapat kang magbalik-loob, dapat mong tanggapin ang mga tamang kaisipan at pananaw, at ituwid ang mga intensiyon at layon mo, at gamitin ang mga tamang kaisipan at pananaw para gabayan ang mga prinsipyo, paraan, at direksyon ng mga kilos mo. Sa ganitong paraan, magagawa mong makamit ang katotohanan. Kung hindi tama ang mentalidad ng isang tao at hindi niya tinatanggap ang katotohanan kahit kaunti, nagsasalita lang tungkol sa mga salita at doktrinang nauunawaan niya para ipangalandakan at ipagmalaki ang mga ito upang maging mataas ang tingin ng mga tao sa kanya, at kumikilos siya kung paano man niya gusto kapag gumagawa ng mga bagay-bagay, hindi nagbabago kahit kaunti sa kabila ng pananampalataya sa Diyos sa loob ng maraming taon, kung gayon, isa siyang tao na hindi nagmamahal sa katotohanan at hindi tumatanggap sa katotohanan. Ang mga taong tumatanggap sa katotohanan ay yumayakap sa mga tamang kaisipan at pananaw at nagsasapuso sa mga ito pagkatapos marinig ang mga ito. Kapag nahaharap sila sa mga bagay-bagay, ginagamit nila ang katotohanan bilang pamantayan para ayusin ang pag-uugali nila, at para itama ang mga mali nilang intensiyon at mga walang-katotohanang kaisipan at pananaw. Pagkatapos ay ginagamit nila ang mga tamang kaisipan at pananaw bilang mga prinsipyo at bilang isang landas ng pagsasagawa para pigilan ang sarili nila at idirekta ang pag-uugali nila. Sa huli, ang isasabuhay at ibubunyag nila ay hindi na mga tiwaling disposisyon, kundi magiging kaayon ng mga katotohanang prinsipyo, na nagpapakita na nakaranas sila ng tunay na pagbabago. Hindi ba't isa itong mabuting bagay? (Oo.) Ganitong-ganito dapat hangarin ng mga tao ang katotohanan. Sa sandaling maunawaan mo ang katotohanan, natural na hahawak ng kapangyarihan ang mga salita ng Diyos sa puso mo; ibig sabihin, ang mga salita ng Diyos ay magiging ang buhay sa loob mo, at magagawa mong isabuhay ang mga salita ng Diyos. Kapag ang mga salita ng Diyos ang namamahala sa loob mo, at hindi na ang mga tiwali mong disposisyon ang nasusunod, kung gayon, taglay mo ang katotohanan bilang buhay mo, at isa kang taong minamahal ng Diyos. Masaya ba ang mga minamahal ng Diyos? (Oo.) Ang kaligayahan nila ay lubos na nararapat; bagama't nagdurusa sila, isa pa rin itong karangalan. Ang nararanasan nila ay pagdurusa, pero ang nakakamit nila ay isang bagay na matamis. Bagama't ang kaligayahang ito ay maaaring hindi mo pa maabot sa kasalukuyan—o marahil ay napakalayo pa nga—kung masigasig kang maghahangad sa direksyong ito, sa malao’t madali ay darating ang araw na aanihin mo ang kagalakang ito at mararamdaman ang kaligayahang ito, at ang kagalakan at kaligayahang ito ay hindi na magiging gayon kalayo para sa iyo. Magsikap lang at hangarin ang layong ito. Sa malao’t madali ay darating ang araw na ang katotohanan ay magiging buhay mo, at hindi ka na makokontrol o magagapos ng mga tiwaling disposisyon, at pagkatapos ay iisipin mo, "Sulit ang pagbabata sa pagdurusang ito! Noong nagdurusa ako dati, nakakabagabag at masakit ito, at inisip ko na ang pagdurusa ay isang mahirap na bagay. Magdurusa ako nang kaunti at pagkatapos ay iisipin kong mayroon akong kapital. Ngayon ay nararamdaman ko na ang pagdurusa ay hindi kapital kahit kaunti, ni wala itong anumang halaga—mayroon akong mga tiwaling disposisyon, kaya dapat akong magdusa. Mabuti ang magdusa nang kaunti; dapat magdusa ang laman. Mabuti na lang, sinamahan ako ng pagdurusang ito; sa ganitong paraan ko lang nagawang makamit ang katotohanan, makawala mula sa gapos at kontrol ng mga tiwaling disposisyon, at mamuhay sa kagalakan at kaligayahan. Pagkatapos ng pagdurusa ay dumarating ang tamis." Nakikita mo, alam ito ng mga nakatikim nito; alam ito ng mga nagkamit nito. Kapag dumating ang araw na iyon, magiging lubos na iba ang pakiramdam ng mga bagay-bagay, hindi ba? (Oo.)
Sige, tatapusin natin dito ang pagbabahaginan natin para sa araw na ito. Paalam!
Nobyembre 16, 2024