706 Paano Sinusukat ng Diyos ang mga Pagbabago sa mga Disposisyon ng mga Tao

1 Hindi nagaganap nang magdamag ang pagbabagong-anyo sa disposisyon, at kapag naunawaan mo na ang katotohanan ay hindi nangangahulugang makakaya mong isagawa ito sa bawat kapaligiran. Nasasangkot dito ang kalikasan ng tao. Minsan, mukhang isinasagawa mo ang katotohanan, ngunit ang totoo, ang ikinikilos mo ay hindi nagpapakita na isinasagawa mo ang katotohanan. Maraming tao na may ilang pag-uugaling ipinapakita, tulad ng pagsasantabi sa pamilya at trabaho at pagganap ng kanilang mga tungkulin, na dahil dito naniniwala silang isinasagawa nila ang katotohanan. Gayunpaman, hindi kinikilala ng Diyos na sila ay nagsasagawa ng katotohanan. Kapag ang mga ginagawa mo ay may personal na motibo at hindi puro, hindi mo isinasagawa ang katotohanan. Ang totoo, malamang na isumpa ng Diyos ang ganitong klaseng pag-uugali; hindi Niya ito pupurihin o maaalala. Kung mas susuriin pa ito, gumagawa ka ng masama at ang pag-uugali mo ay laban sa Diyos.

2 Kung titingnan mula sa labas, hindi ka nakagagambala sa anumang bagay at hindi ka nakagawa ng totoong pinsala o nakalabag ng anumang katotohanan. Mukhang makatwiran at makatarungan iyon, subalit ang diwa ng iyong mga kilos ay patungkol sa paggawa ng kasamaan at paglaban sa Diyos. Samakatuwid ay dapat kang magpasiya kung mayroon nang pagbabago sa iyong disposisyon at kung isinasagawa mo ang katotohanan sa pagtingin sa mga motibo sa likod ng iyong mga kilos ayon sa mga salita ng Diyos. Hindi iyon nakasalalay sa pananaw ng tao kung ang mga kilos mo ba ay base sa imahinasyon at intensyon ng tao, o kung ito ba ay angkop sa iyong panlasa. Bagkus, nakadepende iyon sa pagsasabi ng Diyos kung sumusunod ka o hindi sa Kanyang kalooban, kung ang iyong mga kilos ay mayroong katotohanang realidad o wala, at kung tumutugon ang mga ito o hindi sa Kanyang mga hinihiling at pamantayan. Ang pagsukat lamang ng iyong sarili ayon sa mga hinihiling ng Diyos ang tama.

Hango sa Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ang Dapat Malaman Tungkol sa Pagbabago ng Disposisyon ng Isang Tao

Sinundan: 705 Ang Tanging Tunay na mga Pagbabago ay ang mga Pagbabago sa Disposisyon

Sumunod: 707 Ang Pagbabago sa Disposisyon ay Hindi Nahihiwalay sa Totoong Buhay

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito