705 Ang Tanging Tunay na mga Pagbabago ay ang mga Pagbabago sa Disposisyon
I
Ang tao’y nilason at niyurakan ni Satanas.
Tiwaling disposisyon ng tao’y
d’yan nagmumula.
Mga pangunahing bagay niya’y naging tiwali:
pag-iisip niya’t moralidad, kabatiran at katinuan.
Lahat ay nagbago na, ibang-iba sa
pagkakalikha ng Diyos sa kanila:
katotohana’y hindi niya maunawaan
at sa Diyos ay tumataliwas.
Kaya’t ang pagbabago sa disposisyon ng tao’y
dapat magmula sa kanyang pag-iisip,
katinuan at kabatiran,
upang mabago’ng pagkilala niya
sa Diyos at katotohanan.
Ang tunay na mga pagbabago
sa disposisyon ng tao’y
makakamtan lamang kung may
masusing kaalaman ng kanyang diwa’t
pagbabago sa pag-iisip, pananaw at kalikasan.
Mga pangunahing pagbabago’y
dun lang makakamit.
II
Bago siya nagawang tiwali ni Satanas,
ang tao’y tumatalima’t sumusunod
sa Diyos at Kanyang mga salita;
siya’y may katinuan, konsensya’t pagkatao.
Ngunit, pumurol nang gawing tiwali ni Satanas.
Nawala na’ng pagsunod
at pag-ibig niya sa Diyos.
Katinuan ng tao’y nalihis, disposisyon niya’y
para nang sa hayop, pagsuway tumindi;
pero lahat ito’y ‘di niya pa rin batid,
at patuloy na sumusuway
at sumasalungat sa Diyos.
Ang tunay na mga pagbabago
sa disposisyon ng tao’y
makakamtan lamang kung may
masusing kaalaman ng kanyang diwa’t
pagbabago sa pag-iisip, pananaw at kalikasan.
Mga pangunahing pagbabago’y
dun lang makakamit.
III
Ang disposisyon ng tao’y nabubunyag
sa kanyang katinuan, kabatira’t konsensyang
walang kaayusan.
Kaya’t ang disposisyon niya’y
naging lubhang suwail sa Diyos.
Kung ‘di mababago ang
katinuan niya’t kabatiran,
gano’n din kanyang disposisyon,
at hindi siya aayon sa kalooban ng Diyos.
Ang tunay na mga pagbabago
sa disposisyon ng tao’y
makakamtan lamang kung may
masusing kaalaman ng kanyang diwa’t
pagbabago sa pag-iisip, pananaw at kalikasan.
Mga pangunahing pagbabago’y
dun lang makakamit.
Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Hindi Pagbabago ng Disposisyon ay Pakikipag-alitan sa Diyos