9. Pinatototohanan mo na ang “Kidlat ng Silanganan” ay ang pagpapakita at gawain ni Cristo ng mga huling araw, Makapangyarihang Diyos, ngunit nabasa ko na ang maraming artikulo sa mga kilalang website tulad ng Baidu at Wikipedia na kumokondena, umaatake, at naninirang-puri sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Alam ko na ang impormasyon sa Baidu ay sinusubaybayan at kinokontrol ng CCP, at hindi ito nangangahulugan na mapagkakatiwalaan ito. Ngunit ang mga banyagang website tulad ng Wikipedia ay sumunod din sa CCP at relihiyosong mundo sa pagkondena sa iyo. Hindi ko ito maunawaan—ang mga pahayag ba na ginawa sa mga website na ito ay totoo o hindi?
Sagot:
Sa kasalukuyan, umimbento ng maraming kasinungalingan ang masasamang puwersa ng malaking pulang dragon at ang puwersa ng mga anticristo sa relihiyosong komunidad tungkol sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos—mga kasinungalingang nailathatla pa nga sa Wikipedia na isang website na kilala sa buong mundo. Kapag sinisiyasat ang tunay na daan, diretso agad ang ilang tao sa Wikipedia: “Nagtitiwala ako sa Wikipedia. Kung sabihin nito na ito ang tunay na daan, paniniwalaan ko ito; kung sabihin naman nito na hindi, hindi ko ito paniniwalaan.” Sinusukat ng mga taong ito kung tunay na daan ba ang isang bagay batay sa Wikipedia. Nakaayon ba ito sa katotohanan? Matatagpuan ba ang katotohanan sa Wikipedia? Matatagpuan ba ang mga salita ng Diyos sa Wikipedia? Naniniwala ba sa Diyos ang mga taong nag-e-edit sa Wikipedia? Hindi sila naniniwala. Kung gayon, ang Wikipedia ay website ng mga hindi mananampalataya. Isinulat at in-edit ito mula sa perspektibo ng mga hindi mananampalataya na gumagamit ng sari-saring materyales na nakolekta nila. Taglay ba ng mga hindi mananampalataya ang katotohanan? Totoo ba ang mga salitang sinabi ng mga hindi mananampalataya, at umaayon ba ang mga ito sa katotohanan? Wala bang kasinungalingan, erehiya, kabulaanan sa mga website ng mga hindi mananampalataya? Ang mga hindi mananampalataya ay mga taong lubhang ginawang tiwali ni Satanas at tumalikod sa Diyos. Hindi sila naniniwala sa Diyos, hindi sila mananampalataya, ang diwa nila ay sa diyablong si Satanas, at ginagaya lamang nila ang mga salita ng iba, na patung-patong na mga kasinungalingan, na walang kahit isang salita ang umaayon sa katotohanan. Kaya, pawang kabulaanan lamang ang mga salita ng mga hindi mananampalataya. Maaari ba itong pagdudahan? Hindi inilalathala ng Wikipedia ang mga totoong pangyayari at patotoo tungkol sa Ang Iglesia ng Makapangyaring Diyos. Ang inilalathala lamang nito ay ang mga kasinungalingan at kabulaanan ng relihiyosong mundo at ng ateistang gobyerno ng CCP. Anong uri ng website ito? Hindi ba nito kinakatawan ang masasamang puwersa ng mundo? Matagal nang nailathala online ang mga salitang ipinahayag ng Makapangyarihang Diyos at ang mga tunay na patotoong batay sa karanasan ng mga Kristiyano ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos upang makita at masiyasat ng buong sangkatauhan—kaya bakit walang pagbanggit tungkol dito? Noon pa man ay palagi nang marahas na inaapi at inuusig ng gobyerno ng CCP Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, at ang mga katotohanang ito ay matagal nang nailathala online ng mga pandaigdigang organisasyon sa karapatang pantao. Bakit wala ang mga ito sa Wikipedia? Sa halip, inilalathala ng Wikipedia ang bawat kasinungalingan at pagtatangka ng gobyernong CCP at ng relihiyosong komunidad na siraan Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Kung gayon, hindi ba ito isang organisasyon na sadyang nagpapakalat ng maling impormasyon at mga kabulaanan? Hindi ba ito kasangkapang gamit ni Satanas upang linlangin ang mga tao? Ang pagtitiwala sa at pagpapakalat ng mga salita ng ateistang gobyerno ng CCP at ng mga anticristo ng relihiyosong komunidad na ginagawa ng mga editor ng Wikipedia, nang hindi muna iniimbestigahan ang mga ito, ay katawa-tawa at isang kalokohan. Ipinapakita nito na walang katotohanan sa kanila, na sa madaling sabi, sila’y wala sa katwiran, mga taong magugulo ang isip, mga kampon ng diyablong si Satanas. Sinusunod ng Wikipedia ang CCP at ang relihiyosong komunidad sa paninirang-puri, panghuhusga, at pagkokondena sa gawain ng Diyos sa mga huling araw; nilapastangan nito ang Cristo ng mga huling araw, nilapastangan nito ang tunay na daan, at isinumpa ito ng Diyos. Kaya't anong problema ang naipapakita ng ginagawang pagsunod ng Wikipedia sa CCP at sa relihiyosong komunidad? Ipinapakita nito na ang mundo ay madilim at masama, na lubhang ginawang tiwali ni Satanas ang sangkatauhan, at naging isang puwersang lumalaban sa Diyos! Natutupad din nito ang mga salita ng Biblia: “Ang buong sanlibutan ay nakahilig sa masama” (1 Juan 5:19), “Ang lahing ito’y isang masamang lahi” (Lucas 11:29). Bulag ang ilang tao sa madilim at masamang diwa ng mundo. Kapag sinisiyasat ang tunay na daan, malamang na magtiwala pa rin sila sa Wikipedia, at paniwalaan ang maladiyablong mga salita at sabi-sabi na inilalathala nito. Ang mga tao bang kagaya nito ang naniniwala sa Diyos? Hindi sila naniniwala sa Diyos, ni hindi nila kinikilala na ang Diyos ay ang katotohanan, lalong hindi nila nalalaman ang katotohanan. Kapag sinisiyasat nila ang tunay na daan, hindi nila hinahanap ang mga salita ng Diyos o pinakikinggan ang tinig ng Diyos, kundi pinagkakatiwalaan lamang ang mga salita ng diyablong si Satanas at itinuturing ang mga salita nito bilang katotohanan—hindi ba ang diyablong si Satanas ang pinaniniwalaan nila? Kaya, ang gayong mga tao ay hindi mga tunay na nagsisiyasat ng tunay na daan. Sa sandaling marinig nila ang mga maladiyablong salita at sabi-sabi ni Satanas, nalilinlang sila, at nabubuwal sa lupa. Matalino ba ang gayong mga tao? Dinirinig ng mga tupa ng Diyos ang Kanyang tinig, samantalang ang mga sa diyablo ay nakikinig sa mga salita ng diyablo; tumatanggi silang pakinggan ang tinig ng Diyos, at sa halip ay nakikinig sa mga salita ng diyablong si Satanas. Ang gawin ang ganoon kasimpleng pagkakamali ay talaga namang ginagawa silang mga taong hangal at magugulo ang isip na pagmamay-ari ng diyablong si Satanas!
Kapag sinisiyasat natin ang tunay na daan, kailangan nating tingnan kung ang mga salitang ipinahayag ng Makapangyarihang Diyos ay ang katotohanan at ang tinig ng Diyos. Kung ang mga salitang ito ang katotohanan, kung ang mga ito ang tinig ng Diyos, at kung ang mga ito talaga ang pagpapakita at gawain ng Diyos sa mga huling araw, kung gayon hindi alintana kung ano ang sinasabi ng diyablong si Satanas, kailangan nating maniwala—dahil totoo ang Diyos, ang mga salita ng Diyos ang katotohanan, at ang gawain ng Diyos ay hindi maaaring maging mali kailanman. Maaaring magkamali ang sinumang tao, ngunit hindi ang Diyos; maaaring magsinungaling at manlinlang ng iba ang sinumang tao, ngunit hindi nagsasabi ng kasinungalingan ang Diyos, Siya ay banal at matuwid, Siya ang katotohanan. Kung kaya’t ang tinitingnan lamang ng mga tunay na naniniwala sa Diyos at nagmamahal sa katotohanan ay kung ang mga salitang ito ay ang tinig ng Diyos, at ang gawain ng Diyos, anuman ang komentaryo ng media at mga website ng mga hindi mananampalataya, at anuman ang pang-aapi, pang-uusig, pagkondena, at pagsalungat ng mga may kapangyarihan o ng relihiyosong mundo. Sa sandaling natukoy nila na ang mga ito ang tinig ng Diyos, sumusunod sila sa Diyos, nang hindi nakagapos sa sinumang tao, usapin, o bagay. Ang gayong mga tao lamang ang tunay na naniniwala sa Diyos, at sila lamang ang matatalinong dalaga, tulad ng sinabi ng Panginoong Jesus: “Dinirinig ng Aking mga tupa ang Aking tinig, at sila’y Aking nakikilala, at sila’y nagsisisunod sa Akin” (Juan 10:27). Samantala, ang mga hindi naniniwala at ang mga walang pagmamahal sa katotohanan ngunit namamalimos ng tinapay para lamang mabusog ay hindi naghahanap ng katotohanan, ngunit sa halip ay pikit-matang nakikinig sa napakasasamang salita at sabi-sabi ni Satanas, at sinusundan pa ang pangunguna ni Satanas na ipakalat ang mga sabi-sabi na ito at mapusok na hinahatulan at kinokondena ang gawain ng Diyos sa mga huling araw. Ang mga taong ito ang mga mapanirang damo na nailantad, at kapag natapos na ang gawain ng Diyos at kapag bumuhos ang malalaking sakuna, maaari silang maalis at maparusahan, nagngangalit ang kanilang mga ngipin at tumatangis habang sila ay dinadala sa sakuna. Ito ay ganap na tumutupad sa sinabi sa Biblia: “Ang Aking bayan ay nasira dahil sa kakulangan ng kaalaman” (Hosea 4:6) at “ang mangmang ay namamatay sa kakulangan ng pag-unawa” (Kawikaan 10:21).