58 Pag-uwi
I
Walang muwang kong iniisip dati
na’ng pangarap ko’y nasa mundo.
Liliwanag buhay ko
sa pagsisipag at pagsisikap.
Matapos ang maraming kabiguan,
tila kakatwa ang ideya ko.
Sa mundong puno ng pakana’t kasamaan,
nawala ang aking konsensya’t katinuan.
Ako’y naghanap ng katanyaga’t yaman,
nabuhay akong parang hayop.
Ang kawalan ng awa ng mundo
ang kumabog sa ‘king puso.
Mga tao’y nagpapatayan, puno ng karahasan.
Walang paraan na makaligtas
nang walang tulong at pakana.
Kahit pagtahak sa tamang landas
at pananalig sa Diyos
magdudulot ng diskriminasyon
at magdudulot ng pagkakulong.
Nakikita ko ang mundong ito’y
puno ng dilim at kasamaan.
Ako’y nasaktan at walang magawa.
Ako’y puno ng kirot sa ‘king puso.
‘Di mahanap direksyon ko,
kahit ‘yon ay hinanap ko.
Nasa’n ang magandang tahanang
inaasam ko sa puso ko?
II
May tinig na tumatawag.
Puso’y pinasisigla ng salita ng Diyos.
Ang Anak ng tao’ng
nagsasalita’t kumakatok sa ‘king pinto.
Sa pagbalik ko sa Diyos nakikita kong
simbahan ang bagong langit at lupa.
Mga tao rito’y mabuti’t dalisay,
nagpapakita ng katapatan.
Dito’y may katarungan, katuwiran.
Ang salita ng Diyos ang naghahari.
Hinahayag nito’ng hiwaga ng buhay,
gumigising sa puso ko,
nagiging malinaw ang buhay.
Sa paghatol at pag-aaral ng katotohanan,
nalalaman ko’ng mabuti sa masama.
‘Di ko na hinahanap katanyaga’t yaman,
ako’y kumakawala sa lambat ni Satanas.
Ako ngayo’y tapat, pinagpapala ng Diyos.
Ang puso ko’y may kapayapaan.
Salamat sa patnubay ng Diyos,
ako’y pumasok sa tamang landas.
Ang Diyos ay napakakaibig-ibig;
nananabik puso ko sa Kanya.
Isasagawa ko’ng katotohanan,
mamahalin ang Diyos magpakailanman.
Sa pagbalik ko sa Diyos nakikita kong
simbahan ang bagong langit at lupa.
Tao rito’y mabuti’t dalisay,
nagpapakita ng katapatan.
Dito’y may katarungan, katuwiran.
Susundin at mamahalin ko’ng
Diyos magpakailanman.