59 Ang Pagtanggap sa Katotohanan ay Pagiging Matalinong Dalaga
1 Dahil naniniwala ako sa Panginoon sa loob ng maraming taon, kumapit ako sa Kanyang pangalan, umaasang madadala. Inakala ko na kung naniniwala ako sa Panginoon at napatawad ako sa aking mga kasalanan, ako ay gagantimpalaan. Pinangarap ko ang kaligtasan sa pamamagitan ng biyaya, na sana sa isang hakbang ay makaakyat ako sa langit at makapasok sa kahariang nasa langit. Walang tunay na nakauunawa sa totoong kahalagahan ng mga propesiya ng Panginoong Jesus. Bumubuo ang mga tao ng sarili nilang mga pangarap batay sa mga salita ni Pablo. Walang saysay silang umaasa na biglang darating ang Panginoon sa isang ulap. Nakikita ng mga mata nila ang malaking sakuna, ngunit hindi pa rin nila namamasdan ang pagpapakita ng Panginoon. Hindi nila alam na matagal nang natupad ang mga salita ng Panginoong Jesus. Ang mga hangal na dalaga ay matigas ang ulong kumakapit sa kanilang mga kuro-kuro, bingi sa tinig ng Diyos. At dahil dito’y hindi nila nararanasan ang madala, at makadarama sila ng matinding panghihinayang.
2 Ipinahahayag ni Cristo ng mga huling araw ang katotohanan, hinahatulan at nililinis ang tao. Naririnig ng matatalinong dalaga ang tinig ng Diyos at sinasalubong ang pagpapakita ng Panginoon. Kinakain at iniinom nila ang mga salita ng Diyos, at dumadalo sa piging ng kasal ng Cordero. Nauunawaan nila ang katotohanan mula sa mga salita ng Diyos at nakikita ang mukha ng Diyos. Matapos maranasan ang paghatol, namamasdan nila na ang disposisyon ng Diyos ay banal at matuwid. Ang mga tao ay masyadong nagawang tiwali; puno sila ng pagsuway at hindi sila nararapat na pumasok sa kahariang nasa langit. Sa pagtanggap ng paghatol ng Diyos at pagiging nalinis lamang lubos na maililigtas ang mga tao. Siguradong isusumpa ng Diyos ang mga mapagpaimbabaw na nilalabanan Siya. Si Cristo ang katotohanan, ang daan, at ang buhay, at ito ay hindi magbabago kailanman. Ang mga sumusunod lamang kay Cristo at gumaganap sa kanilang mga tungkulin ay ang mga taong sumusunod sa Diyos. Ang mga tunay na nagmamahal at nagpapatotoo sa Diyos lamang ang maaaring magawang perpekto.