35 Bukas na mga Atas Administratibo ng Diyos sa Sansinukob
Ⅰ
Kung mga bansa’t tao’y babalik sa Diyos,
ibibigay Niya lahat ng yaman
ng langit sa sangkatauhan,
at nang umapaw walang kapantay
na yaman dahil sa Kanya,
walang kapantay na yaman dahil sa Kanya.
Hanggang ang dating mundo ay nananatili,
poot ng Diyos ay t’yak ipupukol sa mga bansa,
ipapaalam mga utos Niya sa sansinukob,
at dala’y pagkastigo sa lalabag nito.
Mga bituin, araw’t buwan sa langit,
babaguhin ng Diyos lahat ng ‘to.
Kalangitan ay ‘di na gaya ng dati.
Lahat ng bagay sa mundo’y mababago.
Lahat magiging ganap sa mga salita ng Diyos.
Babaguhin ng Diyos sa Kanyang salita.
Ⅱ
Sa pagsalita ng Diyos sa sansinukob,
tinig Nya’y dinig at gawa N’ya’y kita ng lahat.
Ang tutol sa nais ng Diyos, o salungat ang gawain,
lahat babagsak sa Kanyang pagkastigo.
Mga bansa’y muling mahahati sa sansinukob.
Ihahalili sa kanila’y bayan ng Diyos.
Maka-mundong baya’y maglalahong tuluyan.
Sila’y magiging kahariang sa Diyos sumasamba.
Mga bansa’y mawawasak at maglalahong tuluyan.
Sa mga tao sa loob ng sansinukob,
mga umanib sa diyablo’y masisira.
Ang sumasamba kay Satanas,
babagsak sa apoy ng Diyos.
Lahat liban sa nasa agos na ito’y maaabo.
Mga bituin, araw’t buwan sa langit,
babaguhin ng Diyos lahat ng ‘to.
Kalangitan ay ‘di na gaya ng dati.
Lahat ng bagay sa mundo’y mababago.
Lahat magiging ganap sa mga salita ng Diyos.
Babaguhin ng Diyos sa Kanyang salita.
Ⅲ
Sa pagkastigo ng Diyos sa magkakaibang antas,
babalik ang relihiyosong mundo
sa kaharian ng Diyos.
Sila’y malulupig ng mga gawa N’ya,
pagkat “ang Banal sa puting ulap” kanilang nakita.
Sangkatauha’y susunod sa kanilang uri
at makastigo ayon sa gawa nila.
Lahat ng laban sa Diyos papanaw.
Lahat ng laban sa Diyos papanaw.
Silang gawai’y walang kinalaman sa Diyos,
mananatiling buhay salamat sa kanilang asal.
Sila’y pamumunuan ng mga tao’t anak ng Diyos.
Sarili’y ihahayag ng Diyos sa lahat ng bansa’t tao,
at tinig Niya’y pagpapahayag Niya sa mundo.
Ihahayag ng Diyos na gawain N’ya’y ganap na,
para lahat ay kita dakila N’yang gawa.
Mga bituin, araw’t buwan sa langit,
babaguhin ng Diyos lahat ng ‘to.
Kalangitan ay ‘di na gaya ng dati.
Lahat ng bagay sa mundo’y mababago.
Lahat magiging ganap sa mga salita ng Diyos.
Babaguhin ng Diyos sa Kanyang salita.
Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob, Kabanata 26