10 Ang Kaharian ng Diyos ay Nagpakita na sa Lupa
I
Makapangyarihang tunay na Diyos,
Hari sa trono, namumuno sa buong sansinukob,
humaharap sa lahat ng mga bansa’t mga lahi,
buong mundo’y sumisikat
nang may kaluwalhatian ng Diyos.
Lahat ng nilalang sa sansinukob ay makakikita,
mga kabunduka’t karagatan, mga lawa’t ilog,
at lupain, lahat ng nilalang
ay nagbukas na ng tabing nila
sa liwanag ng mukha ng tunay na Diyos,
sila’y muling nabuhay,
tila mga usbong, sa lupa’y sumisibol!
Nag-iisang tunay na Diyos,
nagpapakita sa sanlibutan.
Sino’ng nangangahas na Siya’y labanan?
Lahat nanginginig sa takot.
Lahat naniniwala,
at muli’t muling humihingi ng kapatawaran.
Lahat ay naninikluhod sa harap Niya,
lahat ay sumasamba!
II
Mga kontinente’t karagatan,
mga kabundukan, mga ilog—
lahat ay walang hanggang nagpupuri sa Diyos!
Simoy ng tagsibol, may dalang pinong ulan.
Tulad ng lahat ng tao, ang agos ng mga batis
ay dumadaloy nang may dalamhati’t galak,
lumuluha dahil sa utang na loob at pagsisisi.
Mga ilog, mga lawa, mga daluyong,
lahat ay umaawit,
nagpupuri sa banal na pangalan ng Diyos.
Malinaw ang alingawngaw ng mga papuri!
Lahat ng lumang bagay
na minsang natiwali ni Satanas—
bawat isa sa kanila ay paninibaguhin
at gagawing bago’t
sila’y papasok sa bagong kaharian …
III
Ang banal na trumpeta’y tumunog!
Makinig. Ang matamis na tunog
ay ang pagpapahayag ng trono,
nagbabalita sa lahat ng bansa at mga tao
na ang panahon ng huling kawakasan
ay sumapit na.
Ang plano ng pamamahala ng Diyos ay tapos na.
Ang Kanyang kaharian ay pumarito na sa lupa.
Bawat kaharian sa mundo’y
naging kaharian na ng Diyos.
Bawat kaharian sa mundo’y
naging kaharian na ng Diyos.
Pitong trumpeta ng Diyos
ang tumutunog mula sa trono,
at may magandang magaganap!
May galak Niyang tinitingnan
ang mga nakikinig sa Kanya
at nagtitipon mula sa bawat bansa’t lupain.
Lahat ng tao’y pinananatili
ang Diyos sa mga bibig nila,
walang hanggang nagpupuri’t
lumulukso sa galak!
Sila’y nagpapatotoo sa mundo,
at ang tunog ng patotoo nila sa tunay na Diyos ay
tila dumadagundong na tunog ng maraming tubig.
Lahat ng tao’y dudumog sa kaharian ng Diyos!
Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula, Kabanata 36