11 Nadala Kami sa Harap ng Luklukan

I

Nadala kami sa harap ng trono ng Diyos,

dahil sa biyaya at awa ng Diyos.

Nagkaroon ng pag-ibig sa Diyos

ang mga banal at

‘di kailanman nag-alangan

sa espirituwal na landas nila.

Matatag silang naniniwalang

ang iisang tunay na Diyos ay nagkatawang-tao,

Siya ang Pinuno ng sansinukob.

Pinagtibay ng Espiritu, katibayang tiyak.

‘Di ito magbabago kailanman!


Makapangyarihang Diyos!

Ngayon, binuksan Mo’ng aming mga mata.

Nakakakita’ng bulag, nakalalakad ang pilay,

mapapagaling ang may ketong.

Binuksan Mo’ng bintana ng langit para sa’min

para makita’ng sikreto ng mundong espirituwal.

Salita Mo’y tumatagos sa amin;

niligtas Mo kami mula sa’ming

pagkatiwali mula kay Satanas.

Ito’y dakilang gawain Mo’t awa.

Kami’y Iyong saksi!


II

Ika’y matagal nang nananatiling

mapagpakumbaba’t tago sa katahimikan.

Ika’y nabuhay na mag-uli at nagdusa sa krus.

Dinanas Mo’ng kagalaka’t pighati

ng buhay ng tao,

matinding paghihirap at pag-uusig.

Dinanas Mo’ng pasakit ng mundo ng tao,

tinalikdan ng kapanahunan;

nagkatawang-taong Diyos ay Diyos Mismo!


Niligtas Mo kami mula sa dumi,

para sa kalooban ng Diyos,

inalalayan kami sa Iyong kanang kamay,

biyaya’y malayang binibigay.

Sinikap Mong hubugin ang buhay Mo sa amin,

at ang dugo, luha’t pawis Mo’y nasa mga banal.

Produkto kami ng Iyong

walang-hanggang pagsisikap.

Kami ang halagang binabayaran Mo.

Makapangyarihang Diyos!

Dahil sa Iyong awa’t pag-ibig,

pagkamatuwid, pagkamaharlika,

kabanala’t pagpapakumbaba,

lahat yuyuko sa harap Mo’t

sasamba sa Iyo magpakailanman!


III

Nagawa Mong ganap lahat ng iglesia,

iglesia ng Philadelphia.

Anim na libong taong plano Mo’y naisakatuparan.

Mga banal ay mapagpakumbabang

sumusunod sa harap Mo,

nakaugnay sa espiritu’t sa bawat isa sa pag-ibig,

nakaugnay sa pinagmulan, ang bukal ng buhay.

Tubig ng buhay ay walang-hanggan sa pagdaloy,

nililinis at hinuhugasan

ang duming dumurungis sa iglesia,

muling nililinis ang Iyong templo.


Hinahayaan ang Diyos maghari sa’ting espiritu,

lumalakad kasama Siya, may kalayaan,

mundo’y dinaraig, espiritu’y malayang lumilipad.

Ito’ng resulta ng pagka-Hari

ng Makapangyarihang Diyos.

Kaya, makipagtulungan kayo sa Diyos,

maglingkod nang magkakatugma,

at maging isang tutupad sa kalooban Niya.

Magmadaling maging banal

na katawang espirituwal,

tapakan si Satanas,

ang kapalaran nito’y wakasan! Wakasan!


Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula, Kabanata 2

Sinundan: 10 Ang Kaharian ng Diyos ay Nagpakita na sa Lupa

Sumunod: 12 Dinala na ng Diyos ang Kanyang Kaluwalhatian sa Silangan

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito