852 Tinuturing ng Diyos ang Tao Bilang Kanyang Pinakamamahal
I
Nilikha ng Diyos ang tao;
naging masama man ito
o sumunod man sa Kanya,
itinatanging nilikha,
pinakamamahal pa rin ng Diyos.
Ang tao’y ‘di laruan para sa Kanya.
II
Diyos ang Tagapaglikha
at ang tao’y Kanyang nilikha.
Tila iba ang hanay,
ngunit lahat ng gawa ng Diyos
ay higit pa sa kanilang ugnayan.
Mahal ng Diyos ang tao,
laging alaga’t malasakit binibigay.
Walang kapaguran, Siya’y nagbibigay,
hindi ramdam ang kalabisan,
o na kailangan Niya ng pagkilala.
III
‘Di Niya dama na ang pagligtas ng sangkatauhan,
tustusan sila at ibigay ang lahat
ay dakilang parangal sa kanila.
Ganyan lang ang Kanyang paraan,
Kanyang diwa, kung ano Siya’t mayroon Siya,
nagbibigay ng tahimik at walang ingay.
Kahit gaano pa ang nakukuha ng tao,
hindi Siya humihingi ng pagkilala.
Ito’y natutukoy sa Kanyang diwa;
totoo sa Kanyang disposisyon.
Hango sa Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo I