260 Para sa Buhay ng Tao, Tinitiis ng Diyos ang Lahat ng Paghihirap
I
Wala pang sumuri sa mga lihim
kung pa’no nagsimula’ng buhay ng tao’t
pa’no patuloy siyang nabubuhay.
Diyos lamang, na nakauunawa nito’ng
nagtitiis ng pasakit ng tao,
na tumatanggap ng lahat nang walang pasalamat.
Binabalewala ng tao kung ano’ng dulot ng buhay,
kaya talagang ‘pinagkanulo, hinuhuthutan,
kinakalimutan niyang Diyos.
Tinitiis ng Diyos ang sakit
alang-alang sa plano Niya,
‘di para sa laman ng tao,
kundi sa buhay ng tao,
‘di para bawiin ang laman,
kundi ang buhay mula sa hininga Niya.
Ito ang plano Niya, lahat para sa buhay ng tao.
II
Gayon ba kahalaga’ng plano ng Diyos?
Ang tao, na binigyang buhay ng Diyos,
ay gayon ba kahalaga rin?
Plano ng Diyos ay mahalaga,
ngunit ang taong likha ng kamay Niya’y
umiiral sa iisang layunin, para sa plano Niya.
Samakatuwid, ‘di pwedeng sayangin
ng Diyos ang plano Niya
dahil sa galit sa sangkatauhan.
Tinitiis ng Diyos ang sakit
alang-alang sa plano Niya,
‘di para sa laman ng tao,
kundi sa buhay ng tao,
‘di para bawiin ang laman,
kundi ang buhay mula sa hininga Niya.
Ito ang plano Niya, lahat para sa buhay ng tao.
Tinitiis ng Diyos ang sakit
alang-alang sa plano Niya,
‘di para sa laman ng tao,
kundi sa buhay ng tao,
‘di para bawiin ang laman,
kundi ang buhay mula sa hininga Niya.
Ito ang plano Niya, lahat para sa buhay ng tao.
Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Diyos ang Pinagmulan ng Buhay ng Tao