58. Paglantad sa isang Huwad na Lider: Isang Personal na Pakikibaka

Ni Zheng Yi, South Korea

Noong nakaraang taon, ginagawa ko ang aking tungkulin sa isang simbahang nasa labas ng bayan, pero umuwi ako matapos mapalitan dahil sa hindi paggawa ng praktikal na gawain. Matapos niyon, nalaman kong ang aming lider na si Sister Li ay walang anumang sinasabing nagbibigay ng kaliwanagan tungkol sa mga salita ng Diyos, sa halip ay nangaral lang ng literal na doktrina. Hindi siya kailanman nagkuwento tungkol sa pagkakilala sa kanyang sarili o nagbahagi ng mga sarili niyang karanasan. Siya’y mapagmataas kapag tinutulungan ang iba sa kanilang mga problema na para bang isang maestrong tinuturuan ang kanyang mag-aaral, at hindi niya malutas ang mga praktikal na isyu ng sinuman. Palaging tungkol sa paggawa niya at paghihirap niya para sa kanyang tungkulin ang sinasabi niya para siya’y tingalain at hangaan. Siya ang batas sa kanyang sarili. May isang sister na bago sa pananampalataya na natatakot noon dahil nakikitang inaaresto ng Partido Komunista ng Tsina ang mga Kristiyano. Hindi nagbahagi si Sister Li tungkol sa katotohanan para suportahan siya at sa halip ay tinanggal niya lang ito sa kanyang tungkulin. Ako at ang ilang mga diakono’y nagmungkahi sa kanya nang maraming beses, ngunit gagawa lang siya ng mga dahilan at makikipagtalo sa amin. Batay sa mga prinsipyo, ang isang lider na hindi gumagawa ng mga bagay ayon sa mga prinsipyo ng katotohanan at hindi tumatanggap sa pangangasiwa’t pagpupungos ng mga kapatid, ay hindi isang taong tumatanggap at sumusunod sa katotohanan. Hindi kilala ni Sister Li ang kanyang sarili, kulang siya sa pagpasok sa buhay, at hindi malutas ang tunay na mga problema ng iba. Ang ganoong lider ng simbahan ay makasasama lamang sa gawain ng simbahan at sa buhay ng mga kapatid. Sigurado akong isang huwad na lider si Sister Li at hindi akma para sa gawain sa simbahan at ginusto ko siyang isumbong. Ngunit naduwag ako noong isinusulat ko na ang liham para isumbong siya. Katatanggal lang sa akin. Hindi ko ginagawa ang aking tungkulin. Kapag isinuplong ko si Sister Li at hindi makita ng iba ang nakita ko, maaaring ibalik lang nila sa akin iyon: “O, tingnan n’yo si Zheng Yi. Katatanggal lang sa kanya pero hindi siya makaiwas sa gulo. Sarili niya dapat ang tinitingnan niya at hindi ang ibang tao. Mukhang wala siyang kaalaman sa sarili o pagsisisi.” Kapag sinabi nila iyon, talagang hindi na ako magiging kumpyansa sa paligid nila. Bilang isang huwad na lider na natanggal, pakiramdam ko’y wala akong karapatang magsalita. Lalo kong naisip kung paanong ang pagsusumbong na iyon ay maaaring makapagpasama ng loob ni Sister Li, at dahil nasa iisang simbahan kami, palagi naming nakikita ang isa’t isa. Paano kami magkakaayos pagkatapos noon? Paano kung mapanatili niya ang kanyang posisyon at gawing mahirap ang mga bagay para sa akin? Habang lalo ko itong iniisip, mas lalo akong naiipit. Natanto kong maaring mapasama ang loob niya ng pagsusumbong ko at hindi ko dapat ipahamak ang sarili ko sa ganoong paraan. Hindi ko magagawa iyon dahil sa sarili kong kalagayan, at ang isang huwad na lider sa simbahan ay hindi isang isyu na dapat kong pasanin nang mag-isa. Iba na lang ang magsumbong sa kanya. Gusto ko na lang na patuloy na pumunta sa mga pagtitipon at panatilihin ang kapayapaan.

Nagpasya akong alisin ang isyung ito sa isipan ko, pero nakaramdam pa rin ako ng paulit-ulit na pagkabalisa. Habang nakahiga sa kama sa gabi, mapupuno ang isip ko ng mga isipin ng pagyayabang ni Sister Li sa mga pagtitipon at kanyang sauladong pangangaral. Mapanganib para sa mga kapatid kung magpapatuloy iyon. Nakonsensya ako sa hindi pagsasalita. Binasa ko kalaunan ang mga salitang ito mula sa Diyos: “Ipagpalagay natin, halimbawa, na may isang pangkat ng mga tao na may nangunguna sa kanila; kung tinatawag ang taong ito bilang isang ‘pinuno’ o bilang isang ‘manggagawa,’ ano ang kanilang tungkulin sa loob ng pangkat? (Ang tungkulin ng pamumuno.) Ano ang epekto ng pamumuno ng taong ito sa kanilang pinangungunahan at sa pangkat sa kabuuhan? Nakakaapekto ito sa direksyon ng pangkat at sa landas nito. Ipinapahiwatig nito na kung ang taong ito na nasa posisyon ng pamumuno ay lumalakad sa maling landas, kung gayon, kahit papaano, makapagdudulot ito ng paglihis sa tamang landas ng mga taong nasa ilalim nila at ng buong pangkat; higit pa rito, maaaring magambala o masira nito ang direksyon ng buong pangkat habang sumusulong sila, pati na ang kanilang bilis at paghakbang. Kaya’t pagdating sa grupong ito ng mga tao, ang landas na kanilang sinusundan at ang direksyon ng landas na kanilang pinipili, ang abot ng kanilang nauunawaan sa katotohanan gayundin ang kanilang paniniwala sa Diyos ay nakakaapekto hindi lamang sa kanilang sarili, kundi sa lahat ng kapatid na nasasakupan ng kanilang pamumuno. Kung ang isang pinuno ay isang taong matuwid, na lumalakad sa tamang landas at hinahanap at isinasagawa ang katotohanan, kakain at iinom nang maayos at maghahanap nang maayos ang mga taong kanilang pinangungunahan, at, kasabay nito, ang pansariling pagsulong ng pinuno ay palaging makikita ng iba. Kaya, ano ang tamang landas na dapat lakaran ng isang pinuno? Ito ang kakayanang pangunahan ang iba tungo sa pagkaunawa ng katotohanan at sa pagpasok sa katotohanan, at akayin ang iba sa harapan ng Diyos. Ano ang maling landas? Ito ang madalas na pagtataas sa sarili at pagpapatotoo sa sarili, paghahangad ng katayuan, kasikatan, at pakinabang, at hindi kailanman nagpapatotoo sa Diyos. Ano ang epekto nito sa mga taong nasa ilalim nila? (Dinadala nito ang mga taong iyon sa harapan nila.) Maliligaw ang mga tao papalayo sa Diyos at hahantong sa ilalim ng kontrol ng pinunong ito. Hindi ba’t malinaw na ang mga taong dinadala sa harapan ng kanilang pinuno ay makokontrol ng pinunong iyon? At, siyempre, inilalayo sila nito mula sa Diyos. Kung pinangungunahan mo ang mga tao upang lumapit sa harapan mo, kung gayon pinangungunahan mo sila upang lumapit sa harapan ng tiwaling sangkatauhan, at pinapangunahan mo sila upang lumapit sa harapan ni Satanas, hindi sa Diyos. Tanging ang pangunguna sa mga tao upang humarap sa katotohanan ang siyang pangunguna sa kanila upang lumapit sa harapan ng Diyos. Ito ang mga epekto ng dalawang uri ng tao—silang lumalakad sa tamang landas at silang lumalakad sa maling landas—sa kanilang pinapangunahan(“Para sa mga Lider at Manggagawa, ang Pagpili ng Isang Landas ang Pinakamahalaga (1)” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo ng mga Huling Araw). Nakita ko sa mga salita ng Diyos na ang landas ng isang lider ay hindi lang personal na nakaaapekto sa kanila, kundi may direktang epekto sa pagpasok sa buhay ng iba at gawain ng buong simbahan. Hungkag na mga salita lamang ang ipinangangaral ni Sister Li at hindi niya malutas ang mga totoong paghihirap ng mga kapatid. Palagi siyang nagpapakitang-gilas at inililigaw ang mga tao at tiningala siya ng mga kapatid. Ang malala pa, siya’y mapagmataas at may pagka-diktador at siya lamang ang nasusunod sa marami sa mga gawain ng simbahan. Hindi niya hinanap ang mga prinsipyo ng katotohanan o tinanggap ang mga mungkahi ng iba, sa halip ay pinangasiwaan lang ang mga bagay batay sa kanyang sariling mga kuru-kuro. Malabong maitaguyod niya ang gawain ng simbahan—tahasan niya itong pinipigilan. Kung may gayong isang huwad na lider sa iglesia, ang mga kapatid ay mahihilang pababa kasama niya. Ang makitang napakaraming mga mananampalataya ang nalinlang ng isang huwad na lider at naghihirap sa kanilang buhay dahil dito ay sadyang nakalulungkot para sa Diyos. Napagtanto ko nang isang huwad na lider si Sister Li at nakita ko ang kapahamakang nagawa sa mga kapatid at sa buhay-simbahan ng pagkakaroon ng isang huwad na lider na namamahala. Pero dahil lang natakot akong mapasama ang loob niya, pinanood kong mapigilan ang gawain ng simbahan at ang pagpasok sa buhay ng iba nang mulat ang aking mga mata. Hindi ako nanindigan para ilantad o isumbong siya. Talagang hindi ako naging matuwid, at hindi ko isinaalang-alang ang kalooban ng Diyos. Napakawalang pakialam ko! Nasira ko na ang gawain ng simbahan sa hindi paggawa ng tunay na gawain sa aking dating tungkulin. Ngayon, wala akong hiya dahil nakita kong nililinlang ng isang huwad na lider ang hinirang ng Diyos, pero hindi ako nanindigan para isumbong siya o igiit ang mga interes ng simbahan! Mas lalo kong naramdamang utang ko ito sa Diyos, at bilang isang nilikhang nilalang, kailangan kong manindigan, isaalang-alang ang kalooban ng Diyos at pagtibayin ang gawain ng simbahan. Iyon ang tungkulin ko, at isa iyong responsibilidad na kailangan kong isakatuparan! Binigyan ako ng kaunting lakas ng ideyang ito at sinabi ko sa sarili ko, “Para sa mga interes ng simbahan at nang makapamuhay ng isang tunay na buhay-simbahan ang hinirang na mga tao ng Diyos, kailangan kong isagawa ang katotohanan at magsalita tungkol sa mga isyu ni Sister Li. Hindi ko na puwedeng hayaang iligaw ng isang huwad na lider ang mga kapatid!” Nang naghahanda na sana akong sumulat ng isang ulat, nabalitaan kong kamakailan, matapos ipaalam ng isang nakatatandang sister kay Sister Li ang ilang mga isyu sa kanya, tumigil siya sa pakikipagtipon dito. Nagalit ako nang marinig ito. Naramdaman kong talagang tumanggi siyang tanggapin ang katotohanan. Ngunit kasabay nito, lumitaw ulit ang mga pag-aalala ko. Ayaw na niyang isama ang sister na iyon dahil lang sa pagpapahayag ng ilang mga pananaw. Kapag nalaman niyang isinuplong ko siya, magtatanim ba siya ng galit sa akin at pahihirapan ako? Kapag sinimulan niyang husgahan ako at akusahan ako ng pag-atake sa mga lider at mga manggagawa, ano ang iisipin ng iba? Sa kanyang pagpigil sa akin, mawawalan ako ng pagkakataong gawin ang aking tungkulin at mas lalong magiging mahirap iyong tiisin. Ngunit talagang makokonsensya ako kapag hindi ko siya isinuplong. Mayroong pagtatalo sa loob ko—naguguluhan ako.

Kaya’t dinala ko ito sa Diyos sa panalangin at paghahanap. Nabasa ko ito sa mga salita ng Diyos matapos iyon: “Lahat kayo’y nagsasabi na isinasaalang-alang ninyo ang pasanin ng Diyos at ipagtatanggol ang patotoo ng iglesia, ngunit sino ba talaga ang nagsaalang-alang sa pasanin ng Diyos? Itanong mo sa iyong sarili: Ikaw ba’y isang tao na nagpakita ng pagsasaalang-alang para sa pasanin Niya? Makakapagsagawa ka ba ng katuwiran para sa Kanya? Makakapanindigan ka ba at makakapagsalita para sa Akin? Maisasagawa mo ba nang matatag ang katotohanan? Ikaw ba’y may sapat na lakas ng loob na labanan ang lahat ng gawa ni Satanas? Makakaya mo bang isantabi ang iyong mga damdamin at ilantad si Satanas para sa kapakanan ng Aking katotohanan? Mapapahintulutan mo ba ang Aking mga layunin na matupad sa iyo? Naihandog mo na ba ang iyong puso sa pinakamahalagang sandali? Ikaw ba’y taong gumaganap sa Aking kalooban? Itanong mo sa iyong sarili ang mga katanungang ito at madalas mo silang isipin(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula, Kabanata 13). Pakiramdam ko’y bawat salita’y kumakatok sa aking konsensya, lalo na ang “Lahat kayo’y nagsasabi na isinasaalang-alang ninyo ang pasanin ng Diyos at ipagtatanggol ang patotoo ng iglesia, ngunit sino ba talaga ang nagsaalang-alang sa pasanin ng Diyos?” Para bang nakatayo mismo sa tabi ko ang Diyos, tinatanong ako ng katanungang ito. Alam kong isang huwad na lider si Sister Li at batid kong makasasama ito sa pagpasok sa buhay ng hinirang na mga tao ng Diyos kapag hindi ito nalutas kaagad, pero natakot akong mapasama ang loob niya at magtanim siya ng galit sa akin, o kaya’y ibukod ako at patalsikin sa Iglesia. Palaging mga sariling interes ko lamang ang pinanindigan ko, hindi nagtangkang panindigan ang mga prinsipyo at isumbong siya. Kinailangan kong magpatotoo sa pinakamahalagang pagkakataon sa espirituwal na labanang ito, pero pinrotektahan ko ang mga sarili kong interes at naging mapagpalugod sa mga tao, pinasusuya ang Diyos. Talagang kinamuhian ko ang sarili ko. Ayoko nang maging mapagpalugod sa mga tao. Matapos iyon, kumalma ako’t pinagnilayan ang sarili. Alam na alam kong isa siyang huwad na lider at handa akong isumbong siya ayon sa mga prinsipyo. Ngunit nang marinig kong may ibinukod siya dahil sa pagbibigay nito ng ilang payo, bakit ba pinili kong protektahan ang sarili ko sa halip na manindigan para sa gawain ng simbahan? Bakit palagi kong pinoprotektahan ang mga sarili kong interes? Nagsimula akong magdasal at maghanap tungkol sa partikular na isyung ito.

May nabasa ako na ilang mga salita ng Diyos sa isang debosyonal isang beses. “Karamihan sa mga tao ay nais hanapin at isagawa ang katotohanan, ngunit kadalasan ay may pagpapasiya at hangaring lamang sila na gawin iyon; hindi nila taglay ang buhay ng katotohanan sa loob nila. Dahil dito, kapag nakahaharap sila ng masasamang puwersa o nakatatagpo ng mga taong balakyot na gumagawa ng masasama, o ng mga huwad na pinuno at anticristo na gumagawa ng mga bagay sa isang paraang lumalabag sa mga prinsipyo—sa gayon ay nagdaranas ng mga pagkalugi ang gawain ng tahanan ng Diyos, at napapahamak ang mga taong hinirang ng Diyos—nawawalan ng lakas ng loob ang mga tao na manindigan at magsalita. Ano ang ibig sabihin kapag wala kang lakas ng loob? Ibig bang sabihin niyan ay kimi ka o hindi makapagsalita? O hindi mo ito lubos na nauunawaan, at sa gayon ay wala kang tiwalang magsalita? Hindi sa ganoon; nangyari lamang na kontrolado ka ng iba’t ibang uri ng tiwaling disposisyon. Ang isa sa mga disposisyong ito ay ang pagiging tuso. Inuuna mong isipin ang iyong sarili, na nag-aakalang, ‘Kung magsasalita ako, paano ako makikinabang dito? Kung magsasalita ako at may sumama ang loob, paano kami magkakasundo sa hinaharap?’ Tusong pag-iisip ito, hindi ba? Hindi ba’t bunga ito ng isang tusong disposisyon? Ang isa pa ay makasarili at masamang disposisyon. Iniisip mo, ‘Ano ang kinalaman sa akin ng kawalan ng mga kapakinabangan sa bahay ng Diyos? Bakit ako mag-aalala? Wala itong kinalaman sa akin. Kahit na makita at marinig ko itong mangyari, hindi ko kailangang gumawa ng kahit ano. Hindi ko ito pananagutan—hindi ako pinuno.’ Nasa loob mo ang mga gayong bagay, na tila umusbong mula sa iyong walang malay na isip, at tila ba sumasakop sila ng mga palagiang katayuan sa iyong puso—sila ang mga tiwali at satanikong disposisyon ng tao. Kinokontrol ng mga tiwaling disposisyong ito ang iyong saloobin at itinatali ang iyong mga kamay at paa, at kinokontrol nila ang iyong bibig. Kapag may nais kang sabihin na nasa iyong puso, umaabot sa iyong mga labi ang mga salita ngunit hindi mo binibigkas ang mga ito, o, kung magsalita ka, paliguy-ligoy ang iyong mga salita, na nag-iiwan ng puwang upang makapanlinlang—sadyang hindi ka talaga nagsasalita nang malinaw. Walang naramdaman ang iba pagkatapos kang marinig, at ang suliranin ay hindi nalutas ng sinabi mo. Iniisip mo sa iyong sarili: ‘Nagsalita naman ako. Maalwan ang aking budhi. Natupad ko ang aking tungkulin.’ Ang totoo, alam mo sa iyong puso na hindi mo sinabi ang lahat ng dapat mong sabihin, na ang sinabi mo ay walang bisa, at nananatili ang pinsala sa gawain sa bahay ng Diyos. Hindi mo natupad ang iyong tungkulin, ngunit lantaran mong sinasabi na natupad mo ang iyong tungkulin, o hindi sa iyo malinaw ang nangyayari. Hindi ka ba ganap na nasasailalim ng kontrol ng iyong tiwali at mga satanikong disposisyon kung gayon?(“Yaon Lamang Mga Nagsasagawa ng Katotohanan ang May Takot sa Diyos” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo ng mga Huling Araw). Sa pamamagitan ng mga salita ng Diyos, napagtanto kong tanging sarili ko lamang ang iniisip ko sa harap ng problema. Makasarili ako’t mapanlinlang. Sinunod ko ang mga satanikong pilosopiya tulad ng “Ang bawat tao para sa kanyang sarili, bahala na ang iba,” “Matitinong tao’y mabuti’t maingat sa sarili, tanging hangad nila’y hindi magkamali,” “Kapag alam mong may mali, tumahimik ka na lang,” at “Huwag gumawa nang walang gantimpala.” Nakaugat ang mga ito sa aking pinakakalikasan, pinananatili akong mahigpit na nakagapos para maging napakahirap ng pagsasagawa ng katotohanan. Alam kong dapat ko siyang isumbong ayon sa mga prinsipyo para sa kapakanan ng gawain ng simbahan, pero noong gagawin ko na, natakot akong mapasama ang loob niya at mahusgahan at maltratuhin niya. Sa pag-iisip niyon, ang pag-unawa ko ng obligasyon, responsibilidad, at tungkulin ay naglaho lang at pakiramdam ko’y hindi ko personal na problema ang isang huwad na lider sa simbahan. Ayokong gumawa ng kahit na anong gulo para maiwasan kong mapasama ang loob niya at protektahan ang aking sarili. Paulit-ulit kong nilabanan ang kaliwanagan ng Banal na Espiritu hanggang sa hindi na ako nakokonsensya. Lubos akong nagapos ng aking satanikong katiwalian. May nagawa na rin akong kaparehong paglabag sa aking tungkulin noon, namumuhay sa mga satanikong pilosopiya sa buhay. May nadiskubre akong isang mapagmataas na lider na may tagilid na pagkakaunawa sa katotohanan na dapat matanggal. Pero nakita kong may kakayahan siya at mahusay sa pangangaral ng literal na doktrina’t panlilinlang sa mga tao. Dahil nakita kong hindi ito nakikita ng maraming mga kapatid sa kanya, natakot akong huhusgahan nila ako at sasabihing wala akong puso kung siya’y mapalitan. Kaya’t ipinagpaliban ko ito nang higit sa dalawang buwan bago siya ipatanggal. Talagang labis itong nakagambala sa gawain ng simbahan. May nakita akong isang huwad na lider sa simbahan pero inulit ko ang dati ko ring pagkakamali. Ayokong makialam dito. Ipinakita ng paraan ko ng paggawa ng aking tungkulin na talagang makasarili’t mapanlinlang ako at hindi ko maisagawa ang katotohanan nang maapektuhan na nito ang mga sarili kong interes. Paulit-ulit kong nilabag ang katotohanan at nawala ang aking pagpapatotoo. Isa itong tanda ng kahihiyan. Sa pagkatanto nito, nagpatirapa ako sa harapan ng Diyos at nagdasal: “Diyos ko! Nakita ko na po ngayon kung gaano kalubha akong ginawang tiwali ni Satanas. Ako’y makasarili, kasuklam-suklam na mapagpalugod sa mga tao. Ako’y mababa’t marumi. O Diyos, pakiusap, iligtas mo po ako mula sa pagkakagapos sa aking tiwaling disposisyon.”

Nabasa ko kalaunan sa isang pagbabahagi na si Satanas ang namumuno sa mundo, ngunit ang Diyos at ang katotohanan ay namumuno sa simbahan, dalawang magkaibang mundo ang mga ito, at na sa bahay ng Diyos, kahit na may masamang tao o iyong may mababang pagkatao ang napili bilang lider, hindi siya magtatagal nang walang realidad ng katotohanan. Pinatutunayan nitong naghahari ang katotohanan sa bahay ng Diyos. Hawak ni Satanas ang mundo sa kadiliman at kailangang ng mga tao na magsalita at kumilos batay sa mga pilosopiya nito. Ang pambobola ay ang tanging paraan para mauna. Ang pagiging tapat at pagpapasama ng loob ng ibang tao’y humahantong sa parusa. Kabilang man sa mga karaniwang tao o makapangyarihan, mabu-bully at mai-etsa puwera ka dahil sa pagiging tapat, at maraming tao pa nga ang napapatay dahil dito. Ngunit ang katotohanan at pagiging matuwid ay naghahari sa bahay ng Diyos. Pinagpapala’t kinalulugdan ng Diyos ang mga naghahangad ng katotohanan, at mga taong tapat na may pag-unawa sa hustisya. Ang mga pinoprotektahan ang interes ng simbahan at ang hinirang na mga tao ng Diyos, na naglalakas ng loob na ilantad ang mga huwad na lider at mga anticristo, ay matatanggap, maliligtas, at mapeperpekto ng Diyos. Nakukuha rin nila ang pag-apruba at suporta ng iba. Pababayaan at ititiwalag ng Banal na Espiritu ang mga hindi nagpapasakop sa katotohanan at sa halip ay nilalabanan ito, gaano man kataas ang kanilang pangalan o katayuan, tulad na lang ng anticristong si Yang na pinatalsik sa simbahan noong nakaraang taon. Pinigilan at ibinukod niya ang sinumang hindi sumang-ayon noong siya ay isang lider at inilagay ang kanyang pamilya at mga kaibigan sa mahahalagang posisyon. Sinubukan niyang gumawa ng sarili niyang imperyong laban sa Diyos at ninakaw pa ang mga handog. Inakala niyang lubos niyang napalibutan ang kanyang sarili ng pamilya’t mga kaibigan kaya’t ang kanyang masasamang gawa ay hindi malalantad. Pero nakikita ng Diyos ang lahat ng bagay, at sa Kanyang karunungan, ginagamit niya ang mga pakana ni Satanas sa Kanyang pakinabang. Gumawa Siya ng isang kapaligiran para ang mga may pag-unawa sa katarungan ay magsumbong at ilantad ang kasamaan ni Yang. Matapos ang imbestigasyon at beripikasyon ng simbahan, hindi lang niya kinailangang ibalik ang kanyang ninakaw, kundi permanente rin siyang tinanggal sa Iglesia. Ipinapakita nito na anuman ang tungkulin o katayuan ng isang tao, walang sinumang gumagawa ng masama at hindi nagtataguyod ng katotohanan ang makatatakas sa matuwid na paghatol ng Diyos! Ang bahay ng Diyos ay hindi tulad ng mundo. Walang anumang laban sa katotohanan ang maaaring umunlad sa bahay ng Diyos. Ang sinumang nakatutuklas ng isang bagay na laban sa katotohanan ay makapanininndigan para ilantad at patigilin ito. Ipinakikita nitong ang katotohanan ay naghahari sa bahay ng Diyos. Tungkol sa pagsusumbong kay Sister Li, hindi ko naintindihan ang pagiging matuwid ng Diyos o napagtantong nakikita at pinamumunuan Niya ang lahat. Walang lugar ang mga huwad na lider at anticristo sa bahay ng Diyos. May tungkulin man akong dapat gawin at kung ano ang aking magiging kapalaran at kahihinatnan ay nasa kamay lahat ng Diyos, wala sa kung sino mang lider. Di na niya ako mapipigilan. Kaya gumawa ako ng isang ulat na nababatay sa katotohanan tungkol sa mga isyu kay Sister Li. May isang lider na pumunta kaagad sa aming simbahan para magsiyasat. Napagpasyahan na isang huwad na lider si Sister Li batay sa mga prinsipyo, at siya’y tinanggal. Matapos iyon, nagkamit si Sister Li ng ilang kaalaman sa sarili sa pamamagitan ng mga debosyonal at pagninilay at ninais niyang magsisi’t magbago. Ang sunod na napiling lider ay isang sister na nagtaguyod sa katotohanan at lahat ng gawain ng simbahan ay unti-unting umayos. Nakita ko rin ang pagiging matuwid ng Diyos at na ang katotohanan ay namamayani sa bahay ng Diyos. Inilantad ng Diyos ang aking pagkamakasarili’t pandaraya at nilinis ang aking katiwalian sa pamamagitan ng pagsusumbong ko sa huwad na lider. Pagliligtas at pagpeperpekto talaga ito sa akin ng Diyos!

Sinundan: 57. Iuulat o Hindi Iuulat

Sumunod: 59. Ang Bunga ng Isang Matapat na Ulat

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito