906 Hindi Masusukat ang Awtoridad ng Diyos
Ⅰ
Ang awtoridad ng Diyos ay ‘di aandap-andap,
‘di rin dumarating at umaalis.
Walang makakasukat kung
gaano kadakila at katindi ito.
Kapag nangako ang Diyos, anumang gawa nila,
saan man nakatira, o kanilang kinagisnan
bago o pagkatapos ng pangako,
alam Niya ang lahat-lahat.
‘Di mahalaga kung pa’no nagbago ang buhay nila,
alam ng Diyos ano’ng nangyayari.
‘Di mahalaga kung pa’no nagbago ang buhay nila,
alam ng Diyos ano’ng nangyayari.
‘Pag tao’y pinagpapala ng Diyos,
‘di mahalaga gaano karaming oras ang nagdaan,
magpapatuloy ang pagpapala.
Ito ang awtoridad ng Diyos.
Pinakikita sa tao ang pwersa ng buhay ng Lumikha
na nananatiling ‘di nagmamaliw at dakila,
nagpapakitang paulit-ulit.
Ⅱ
‘Di mahalaga ang panahong
nagdaan mula no’ng may sinabi ang Diyos,
dama Niya’ng tila nangyari pa lang.
May kapangyarihan at awtoridad,
ang lahat ay masusubaybayan ng Diyos.
Kanyang masusupil at matatanto
ang ginagawa Niyang bawat pangako.
Ano mang pangako ito,
gaano man katagal makumpleto,
gaano man kalawak ang saklaw nito,
gaano man kalawak ang saklaw nito.
Matutupad ang pangako ng Diyos.
Ito’y palaging makakamit.
Ito’y palaging makakamit.
‘Pag tao’y pinagpapala ng Diyos,
‘di mahalaga gaano karaming oras ang nagdaan,
magpapatuloy ang pagpapala.
Ito ang awtoridad ng Diyos.
Pinakikita sa tao ang pwersa ng buhay ng Lumikha
na nananatiling ‘di nagmamaliw at dakila,
nagpapakitang paulit-ulit.
Ⅲ
Tutuparin N’ya, Kanyang pangako,
walang anumang paggugol.
Kanyang lakas at awtoridad
namamahala sa sangkatauhan,
namamahala sa sansinukob.
‘Pag tao’y pinagpapala ng Diyos,
‘di mahalaga gaano karaming oras ang nagdaan,
magpapatuloy ang pagpapala.
Ito ang awtoridad ng Diyos.
Pinakikita sa tao ang pwersa ng buhay ng Lumikha
na nananatiling ‘di nagmamaliw at dakila,
nagpapakitang paulit-ulit,
nagpapakitang paulit-ulit.
Hango sa Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi I