214 Diyos ay Diyos, Tao ay Tao
I
Nabuklat mo man ang aklat ng salita ng Diyos
upang manaliksik o ito’y tanggapin,
huwag mo itong basta isantabi.
Matapos mong basahin lahat,
saloobin mo’y mababago,
batay ‘yan sa motibo mo at antas ng pag-unawa.
Ngunit may dapat kang malaman:
Ang salita ng Diyos ay ‘di sa tao,
ang salita ng tao’y ‘di sa Diyos.
Ang taong ginamit ng Diyos at ang Diyos
na nagkatawang-tao’y hindi iisa.
Ito’y ‘di hamak na magkaiba.
‘Pag natapos na’ng lahat,
ang Diyos ay Diyos, ang tao’y tao.
Ang Diyos ay may diwa ng Diyos,
ang tao’y may diwa ng tao.
Salita ng Diyos ay ‘di kaliwanagan
mula sa Banal na Espiritu;
ang salita ng mga propeta’y ‘di sa Diyos.
Mali kung gan’to ang isip ng tao.
II
Kung matapos mong basahin ang mga salitang ito,
at ‘di matanggap na ito’y sa Diyos,
kundi sa taong naliwanagan,
nabubulagan ka ng kamangmangan.
Ang salita ng Diyos ay ‘di tulad
ng kaliwanagang natanggap ng tao.
Ang salita ng naging-taong Diyos
ay nagbubukas ng bagong kapanahunan,
nagbubukas ng bagong kapanahunan.
Kaya nitong gumabay sa sangkatauhan,
hiwaga’y mahayag, landas ay matanglawan.
Ang kaliwanagan ng tao’y gabay
sa pagsasagawa at kaalaman.
‘Di ito makagagabay sa tao sa bagong panahon
o makahahayag ng hiwaga ng Diyos.
‘Pag natapos na’ng lahat,
ang Diyos ay Diyos, ang tao’y tao.
Ang Diyos ay may diwa ng Diyos,
ang tao’y may diwa ng tao.
Salita ng Diyos ay ‘di kaliwanagan
mula sa Banal na Espiritu;
ang salita ng mga propeta’y ‘di sa Diyos.
Mali kung gan’to ang isip ng tao.
III
Huwag gawing mali ang tama,
mataas ang mababa, at malalim ang mababaw,
huwag pasinungalingan ang katotohanan.
Sumuri nang may tamang pananaw,
tanggapin bagong gawa at salita ng Diyos
bilang isang nilikha Niya.
Ganito’ng dapat gawin ng nananalig,
kung hindi ay aalisin ka ng Diyos.
‘Pag natapos na’ng lahat,
ang Diyos ay Diyos, ang tao’y tao.
Ang Diyos ay may diwa ng Diyos,
ang tao’y may diwa ng tao.
Salita ng Diyos ay ‘di kaliwanagan
mula sa Banal na Espiritu;
ang salita ng mga propeta’y ‘di sa Diyos.
Mali kung gan’to ang isip ng tao.
Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Paunang Salita